chapter 35
"What if you two meet again?" Johoney concluded. "What if lang..."
"Please, Jo, huwag na muna nating paguluhin ang isip ni Chelsy. At saka, huwag na tayong mag-assume na ganiyan nga ang mangyayari. What happened to Chelsy was very traumatizing, at noong isang araw na nagkita sila, it might trigger her emotions. Huwag na nating gatungan, please lang."
I noticed Pearly being silent for a long time. Pero still, kita pa rin sa tono ng pananalita nito na hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Of course, I still remember how she loathed Cal. Halos isumpa niya na nga 'to.
"We should give Chelsy enough time to assess herself. I am sure she has lots of thought she chose not to share."
Umakto akong natutulog pa. They have been here for almost an hour. Takot sila na hayaaan akomg mag-isa sa kwarto nang ilang oras dahil baka raw ay mangyari na naman ang nangyari noon, noon noong halos 'di ko na makilala ang sarili.
"What if... She's still into him?" I was shocked at Pearly's question. Minsan lang siya kung magsalita o magtanong pero parang ang lalim ng pinaghuhugotan. I don't know... What made her think like that. But I am really puzzled.
"What do you mean?" si Johoney. "That can't be happen. Manloloko ang lalaki na 'yon, 'di ba? Kahit kailan hindi nagbago. Imposibleng gusto pa rin niya si Cal. Perhaps, si Cal pa ang may gusto... O nagbabalak na balikan si Chelsy."
"Pero si Chelsy na ang may control kung tatanggapin niya ba pabalik ang lalaki. Balewala ang pagkagusto ng lalaki, if ever tama ka, Jo, na gusto pa rin niya si Chelsy, kung ayaw na talaga ni Chelsy."
"Pero...?" si Pearly ulit. "How sure are we na totally naka-move on na si Chelsy kay Cal? Like what you said, posible na mayroon siyang palaging iniisip na never niyang shinare sa atin. Parts of her probably stil..." She sighed, like she didn't want to continue her line. "I don't support it. Hindi ako papayag. I... We, rather, witnessed how miserable she was because of the that man's betrayal!"
"Ako rin. I don't support that idea. He does not deserve her," segundo mano ni Allysa. "If he did it once, he can do it again. He can do it worse this time. I can't take to see our friend suffering again."
"But how... Papaano sila nagkita? I don't believe they're destined to meet!" si Pearly. "Like... Parang may kakaiba, eh. Parang sinadya 'yong pagkikita. Cal probably knew na sa place na 'yon tayo gagala. May isa ba sa atin na may contact niya?"
"Exclude me sa ganiyan. Hindi ako gagawa ng paraan para ipahamak si Chelsy," si Johoney."
"Wala rin akong alam. But yeah... Something is weird. Sinadya ang pagkikita. Sa napansin ko rin sa awra ni Cal noong gabing 'yon, parang pinaghandaan ang paghaharap nila ni Chelsy."
"Argh!" Pearly sounded more frustrated. "The audacity! Nakayanan niya pa ring tingnan si Chelsy nang ganoon matapos niyang iwan ang kaibigan natin?! At ano na naman kaya ang susunod niyang mga plano?! Is he about to deceive our friend? Ang kapal talaga ng mukha!"
"Pearly, calm down," Allysa whispered. "Baka magising din si Chelsy. At saka, we can't think carefully if we're too emotional. Let's think of ways to protect Chelsy. Sa ngayon, 'yan lang ang naiiisip kong paraan."
"Galing sa breakup, right? Tapos ngayon nagpaparamdam ulit kay Chelsy? Kailan ba talaga 'yan magseseryoso? Hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ng Cal na 'yan, eh. Si Chelsy ba o si Amethyst?"
"O baka wala siyang minahal sa dalawa?" Pearly madly uttered. "Kasi kung mahal niya si Chelsy, lalaban siya, e', lalo pa't willing na willing din siya ipaglaban ni Chelsy noon! Even if against sina Tita kay Cal, still gustong lumaban ng kaibigan natin! At kung mahal niya si Amethyst, hindi sana ganito siya umakto ngayong kabibreak pa lang nila! Plus, we are aware naman about sa planong pag-sesettle down nila, 'di ba? So, ano 'yon?"
"Male population really is sometimes confusing," Allysa commented. "Awang-awa na ako sa kaibigan natin."
Matagal sila natapos sa pag-uusap, at about lang sa akin umiikot ang topic. Ang dami nilang plano para hindi kami ulit magkita ni Cal. They even planned to tell my parents about it dahil alam nila noon pa na hindi boto ang mga magulang ko kay Cal. Hindi na rin nila recommended na bumalik kami sa lugar kung saan nagkita kaming muli ni Cal.
"Hi, our princess! Anong gusto mong breakfast for today?" maligayang bati ni Johoney sa akin. It's still midnight and I was just planning to drink a milk. Hindi naman ako aware na mas maaga pa palang nagising si Johoney sa akin.
"Hindi ba 6 sa morning ka mostly nagpiprepare? Napaaga ang gising?" Nginitian ko siya at umakto na wala akong narinig ni isa sa mga sinabi niya kanina habang nagpapanggap akong tulog.
"Actually, hindi ako nakatulog."
"Why?" I inquired as I prepared my drink. "May problema ka? Jo, you can share your thoughts to me."
"Naisip lang kita. Nag-iba na naman kasi ang eating pattern mo. It's a good thing na inaya kami ni Allysa na mag-stay dito sa place mo para maalalayan ka namin. Kaya ayon... Hindi ako nakatulog. Pero huwag kang ma-guilty, ha. Ginusto ko ring huwag matulog."
I stopped for awhile to process what she said. Parang gumaan ang mga problemang pasan-pasan dahil sa narinig mula sa kaniya. I felt grateful to have her as my one of my greatest support system. Ever since I felt lose because of my first breakup, nasa tabi ko lamang sila. Hindi nila ako sinukuan. Unlucky to romantic relationships, but lucky to friendships.
Kinaumagahan, nag-prepare na kami para sa sari-sariling responsibilidad. My friends still wanted to be here every evening to make sure I am doing good. At isa pa, siguro ay nagsisimula na rin 'yong plano nilang pigilan si Cal sa kung anumang plano niya.
One time when I checked my phone to know the exact time, I notice a notification from my mom. Binasa ko ito at napataas naman ang kilay ko.
Mom: Hi, dear? Do you have a plan for tonight? Do you remember the man I told you months ago? Maybe... He's your type. Only if you are interested, though.
Napahawak ako sa sentido. And about that thing, naalala ko tuloy ang lalaki na nireto niya months ago. We only had one date and we both decided to stop because our schedule didn't match since he's a full-time industrial engineer. For me, it was a big turn off. Ni hindi man lang siya gumawa ng oras para sa second date. I mean, it was understandable that he has a busy schedule, but he didn't initiate to make time for me... Or assure me that we were gonna have a second date. That's even a bare minimum for Pete's sake.
Me: I will try, mom. I will update you.
Pretty Faith waved her hand at me, a familiar boy beside her. Nagkatuwaan ang dalawa at nagseryoso lang nang makita ako. Hindi ako kaagad nakangiti dahil nasa isip ko pa rin ang text ni mama. What's wrong with her? Alam niya naman na ang reason ko bakit ayaw ko sa lalaki na 'yon. She even bashed that man after knowing the truth.
"Busy ka mamaya, Faith? Baka go-go ka, just tell me!" nagpa-cute ako sa kaniya, saka natatawa lang siyang umiling.
"Next time, Chelsy," ang sagot niya.
Sumulyap ako sa katabi niya na kasalukuyang tumitingin sa kung saan-saan.
"Boyfriend mo? Manliligaw?" I teased her. "Or ka-fling?"
"Luh? Kaibigan ko lang 'yan. Ikaw ba? May boyfriend ka na?"
Sumimangot ako. Bakit naman bumalik sa akin ang tanong na 'yan? Nakaka-insulto ah.
"Wala. Wala rin sa plano. Baka sakit lang sa ulo ang mga lalaki."
It was nine o'clock when I was on my way toward my apartment. Doon ko lang naalala ang text ni mama kaya nagpabagal ako ng takbo. It was 9... So probably tapos na ang dinner.
But I still sent an update to mom. Kahit malabong hindi pa sila nagdidinner kahihintay sa akin.
Me: Ngayon lang naka-off. I am sorry if I wasn't be able to attend the dinner.
Wala pang isang minuto nang bigla itong nagreply. Woah, had she been holding her phone?
Mom: Actually ay hindi pa kami nagsisimula. Your dad was so busy, kararating lang din. If you are not too tired, samahan mo kami here. It's a family dinner kaso wala ang mga kuya mo.
Me: Only that man na irereto mo?
Mom: Yes, and guess what? He's better now.
Sumakit sintido ko. Better in what way? By finally giving me extra time which is the same thing he never did when we first dated?
I sighed in defeat after I reread my mother's message. It's a family dinner, kagaya ng sabi niya. At saka... Baka hindi ako tigilan ng lalaki na 'yon kapag hindi ako sumipot. I want to be super straight to the point this time. Gusto ko siyang prangkahin na ayaw ko na munang mag-commit lalo na sa mga lalaki na kagaya niya.
Hindi na rin ako nag-abala pa na bumili ng dress para magmukhang pormal. Okay na 'tong black jeans at plain white t-shirt ko. Okay na rin 'to nang sa gayon ay ma-turn off.
Matapos i-park ang sasakyan ay si mama na malaki ang ngiti ang sumalubong sa akin sa main door. It was actually normal na makita siyang ginagawa 'to pero may kakaiba sa mga ngiti niya na hindi ko matukoy. Probably, she's too excited na bigyan ulit ng chance 'yong nireto niya.
"Bakit hindi ka nag dress, dear? Marami kang magagandang night dress sa itaas, 'di ba? Pwede kang dumaan don sa hagdanan sa kitch—"
"Mom, I have no one to impress here," I declare. "At saka, what's important is that I am here, right?"
She looked like she's gaslighting herself that I was making sense. Sa huli ay napatango na lang siya pero mukhang sising-sisi pa.
I felt odd as we proceeded to the dining area. Ilang araw pa lang naman ang nagdaan noong nakaraang dinner namin pero kakaiba sa pakiramdam ngayon.
I witnessed dad talking interestedly to someone as he looked dashing in his formal attire. Nagtaka tuloy ako sa sobrang pagiging formal nila ni mama. Mom is wearing a floral dress while I am just here, breathing.
I then turned my head to someone whom I expected to be that man that mom talked about in her messages. I expected that man na na-turn off ako dahil mukhang walang plano para bigyan ako ng oras.
It's someone whom I really didn't expect. At mas lalong hindi ako makapaniwala na nakakausap niya ang mga magulang ko both in formal and informal way!
I panicked as I observed the three of them laughing together when someone pull a joke. Dali-dali akong napaupo habang hinihintay na magkatinginan kami ni mama nang makapagtanong ako gamit ang mga mata.
What's Cal doing here for God's sake?! Hindi siya 'yong naka-date ko before! At bakit niya kasama ang mga parents ko? At bakit parang mas close na tila ilang taon nang magkakilala? I don't... Really really understand my parents as well! They just lied to me! Mom lied to me so that I would not hesitate to come here!
Pagbaling ko kay Cal ay nakatingin na rin siya sa akin habang patuloy na nakikipag-usap kina mama at papa. Halos hawakan ko na ang sariling mga tuhod para hindi mahalata ang panginginig ng mga 'to.
Gusto kong magtanong nang magtanong pero hindi naman ako makapagsalita. Para akong tuod kahihintay na matapos sila, na mas lalong nangangamba kapag nagsasalubong ang mga mata namin ng lalaki!
"Again, we're very sorry, iho, that my daughter arrived this late. Busy kasi masyado sa work, dedicated din sa trabaho." Mom was still all smiles.
"Mom?" I panicked more. "What is he doing more?" Hindi na ako nag-atubili na hinaan ang boses. Cal surely overhead my confusion and frustration. Nang magtagpo ang mga namin ay para akong napaso, pero kahit na ganoon ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Anak..." si papa at nakangiting naglagay ng paborito kong ulam sa aking pinggan. Hindi ko matanto kung papaano nila nakayanang kumalma sa ganong sitwasyon. They disapprove the idea of me being with this man, and now they're acting the complete opposite.
"Anyone who can explain?" sarkastiko kong ani. "This is bullshit. I am sorry, Mom and dad, for the curse but this is too much to take."
Gusto kong magwala. Sa totoo lang ay gusto kong saktan si Cal nang mailabas ko lahat ng mga hinanakit ko sa kaniya. Ang sarap sumbatan ng mga magulang ko at sabihing madaling nakahanap ng bago ang lalaking na ito. Pero hindi ko naman masabi dahil wala ako ni isang ibinahagi sa kanila patungkol sa panloloko ni Cal sa akin.
All I know now is that I am too irritated. Kung wala lang kami sa harap ng pagkain, baka kanina pa ako nagwala.
I hope my parents know how their decision years ago killed the old me. I hope they know how I lived miserably because they were unable to understand the side of my story. Most of all, I hope they know how this Cal betrayed me with Amethyst. I hope they know how happy he was in his new relationship while I was struggling to heal.
"Chelsy..." Napalingon ako kay Cal nang tinaway niya ako. Binalingan ko siya at mas lalo akong nanlumo sa malulungkot na mata meroon siya ngayon. Nakaiinis lang dahil ako naman ang biktima rito tapos siya pa 'tong mukhang mas nasasaktan. "Mag-usap tayo, pakiusap. I am here to formally meet you. It's nice meeting you in that place but I want to talk to you with your parents."
Mom and dad looked regretful as they stared at me, seeming to be asking for forgiveness. Gusto at alam kong deserve kong malaman ang rason nila kung bakit hinahayaan nilang narito ang lalaki na 'to. Gusto kong malaman kung bakit napakalaki ng pinagbago nila.
"Talk about what?" pilosopo ko namang sagot. I might sound rude, but deep inside, I was shaking in fear. Halos lahat na ata ng negative emotions ay dama ko na ngayon. "Tapos na tayo, Cal? Baliw ka ba? Can't you see that I am happier without you."
"Dear..." Mom interrupted in a low voice. "I know you're mad. And we understand that you feel that way. But let's give Cal a chance to explain things, shall we?"
"That is bullshit..." bulong ko, na siguradong dinig din nila. "You Cal... Wala akong pakealam sa kung anuman ang gusto mo pang sabihin."
Years have passed and he gave me nothing when I needed his valid explanation the most.
"Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras, dahil kahit lumuhod ka pa riyan..." hinding-hindi ko pa rin makalilimutan kong papaano ako naghirap dahil iniwan mo ako sa rason na gusto mong mag-grow mag-isa. "... Hinding-hindi pa rin kita maiintindihan."
"I understand you feel that way," malambing niyang ani. "Naiintindihan ko kung kinamumuhiaan mo na ako ngayon. I understand where your painful words come from. I genuinely understand you—"
"May sasabihin ka pa ba? Tapos ka na ba sa kahibangan mong 'yan?" Namutla siya sa narinig. Doon lang ako natigilan nang yumuko siya para magpunas ng luha.
"Cal..." my parents called him, napatingin naman ako sa mga magulang ko, hindi makapaniwala sa inaakto nila.
He signalled them not to worry. Nagkatinginan namin kami ng mga parents ko at sila pa 'tong mukhang nahiya sa ginawa ko. Seriously? Mas pipiliin nilang magsimpatya sa lalaki na 'yan kaysa sa sarili nilang anak?
"What did I do wrong?" I bravely asked them, something is stucked in my throat. "Ma, Pa, hindi niyo alam kung gaano katraydor ang lalaki na 'yan! You don't know how that man destroyed my mental health!"
"Darling, don't shout," mother plead. "Let's give him a chance—"
"For what? Hindi niyo ba alam na galingsa break-up ang lalaki na 'yan? Ang hirap talaga igets ng taong 'yan kung seryoso ba o hindi, eh. Biruin niyo, Ma, Pa, imbes na makipag-ayusan sa ex niya, nandito? Para saan? Para magpatawa?!"
"Chelsy..." Cal insisted, now sounded desperate. Ngayon ay halata nang umiiyak ang lalaki. Nakakainis lang dahil wala siyang karapatan para malungkot! Siya ang nang-iwan! Siya ang never akong kinausap para man lang ipaintindi sa akin nang mas mabuti ang rason niya para iwan ako!
Tapos ano itong ginagawa niya ngayon? Kung kailan malapit nang humilom totally ang puso ko ay siya ring pagbabalik niya. Para ano na naman? Para sirain ulit ang buhay ko?!
"Darling, you already know that everything was our fault. Kinausap namin ng papa mo si Cal para hiwalayan ka niya. Please spare him. Wala siyang kasalanan."
Mapakla akong natawa. "Mom, if that man really loved me, he would not have followed you, he would have fought our relationship! Pero ano ang ginawa? Napakadali lang para sa kaniya na iwan ako sa iri!"
"It's never been that easy, Chelsy. It was the worst and difficult decision I have ever made in my life."
"As if may pakealam ako sa pakiramdam mo na walang kwenta, ha, Cal?"
"Please, listen to me. I was hurt too."
I laughed again. Bakit ba ang hirap niyang paintindihin na wala nga akong pake kung anuman iyang nararamdaman niya?
"You're allowed to loathe me, Chelsy. But, please, don't invalidate my feelings. I am saying the truth when I say I am hurt too."
"Bakit ka nga pala nandito? Naghahanap ng rebound since kabibreak niyo lang ni Amethyst? You're in a wrong place, dude "
Wala na akong narinig galing kina mama at papa. Taimtim lang silang nakinig habang nagsasagutan kami ni Cal. Dapat lang! Kay Cal lang na side ang mas naiintindihan nila!
"Everything has an explanation, Chelsy, and I am more than willing to tell anything to you. Alam kong masyado nang huli para rito pero sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Please, be all ears as you listen to me. Please, intindihin mo ako kahit kaunti. I broke your heart. I really did and I am so sorry for that. I am aware... That that word is not enough... That's why let me do something... Let me do something to make everything right."
Tinitigan siya, disappointed na disappointed. "Wala ka nang mapapala pa. I already moved on from you. Wala kanang puwesto sa buhay ko."
"I don't care. I will do everything to be part of your life again..."
"I don't love you anymore, Cal."
Ngumiti lang ito. "I will make sure you'll fall in love me again, Chelsy. And this time, I will make sure to treasure it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top