Chapter 34

"You don't have any choice but to move on, Chelsy," said Allysa.

It's been two days since Cal left me. And until now, I can't still understand why he didn't dare to fight more... To fight for us more. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan na sa dinami-rami ng pinangako niya noon, ni isa ay walang natupad.

Iniwan niya akong takang-taka sa pagmamahal na kuno inalay niya sa akin. I am still wondering whether he really did love me, or the other way around.

Ginamit niya lang ba ako para maka move on siya kay Amethyst?

Were they betraying me all along? Pinagplanuhan na ba nila dati pa? Kaya ba palagi silang nag-uusap sa video call? Are those assurances from cal genuine?

Hindi ko maintindihan... Gulong-gulo ako. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero pinipigilan lamang ng galit ko.

Only if he knows I resent him... Only if he knows how I hate his whole being!

"Hindi ko maintindihan, Allysa, 'eh. What did I do to deserve this? H-Hindi ko ma-gets. Naging mabuti naman akong girlfriend, 'di ba?"

Tinapik niya ang braso ko at marahang niyakap. Hagulhol ko ang tanging bumalot sa napakatahimik na apartment. Hindi ko ginusto na makitang nalulungkot ang mga kaibigan ko dahil sa akin, sa totoo lang. I tried to hide everything from them. Lalo na ang breakup. Pero wala, eh. Bumigay ang katawan ko.

I was unable to eat on time since "that" day. Pakiramdam ko ay wala nang appetite na natira sa katawan ko. Sa wari ko ay wala na ring dahilan pa para alagaan ang kalusugan.

Dalawang beses akong nahimatay at sa unang pagkatataon ay hindi nakita ng mga kaibigan ko dahil nasa loob lamang ako ng kwarto. Pangalawang beses ang kanina na naabutan ako ni Allysa na natumba. She was supposed to visit someone but she still chose to take care of me.

Kaya hindi ko napigilan ang sarili na sabihin ang lahat.

She's surprised. Halatang-halata sa mga mata niya kanina na 'di 'to makapaniwala na ginawa 'yon ni Cal.

"He looked so into you, Chels. Ang hirap paniwalaan. I really thought nagbago na siya. Akala ko'y nagbago siya totally for you."

Maybe Cal is really good at deceiving people kasi kahit si Allysa na mapanuri sa mga tao ay nagawa niyang lokohin. He is really good at playing hearts. He never changes. He will always be a walking heartbreaker.

"I believe you should try to uhm, contact him? May iba ba siyang sinasabi sa 'yo aside sa gusto niyang mag-grow alone?"

My chest tightened as I remembered those words from him. I can't believe it. He promised that we will grow together and he just... Wanted to grow without me...

Dumaan sa utak ko na gumawa ng paraan para kausapin siya... Kahit sa social media na lang. Pero lumaban ang awa ko para sa sarili. I can still see myself asking for clarification, for assurance that he usually let me have without even trying before. Naalala ko ang sarili na pilit siyang iniintindi habang siya ay pinal na sa kaniyang desisyon na iwan ako.

He even didn't... Send any messages. Kahit sa messenger, o sa Instagram. He disappeared like a ghost. Tila ba wala man lang kaming pinagsamahan.

"He is still in love with A-Amethyst, I guess," bulong ko habang yakap-yakap ni Allysa. "Ako, pang past time lang."

"You are allowed to feel hurt, Chels, okay? Sabihin mo sa akin lahat ng gusto mong sabihin para kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam mo. And please, huwag mo naman sanang pabayaan ang katawan mo! Huli ko na napansin na hinsi nababawasan ang mga paborito mong pagkain sa fridge! God, Chels, you can't just punish yourself for someone else's mistake!"

I sobbed more. Gusto kong sumigaw pero wala nang lakas para gawin. Gusto kong magsalita nang magsalita pero hindi na umaayon ang sariling bibig.

All of my friends eventually know what happened. Naging mausisa sila, sa akin at sa nangyayari kina Cal at Amethyst. They always stalked that two on social media at palagi silang nagbabalita sa akin.

Hindi ko sila sinaway dahil kahit ko matanggap ang ginawa niya, gusto ko pa ring malaman ang mga ganap sa buhay niya. Hindi sang-ayon si Allysa sa ganiyang setup.

"How can you move on if you keep wanting to know about himm, them?" she asked me once.

Pero nagpumilit ako. Nangako ako na after this, titigil na talaga ako. I will totally cut our connection.

"I really have this feeling sa babae na ito noong una pa lang, eh. Parang parating naka dikit ang devil sa kaniya," galit na usal ni Pearly. "Ito rin si Cal. Ang pangit na talaga ng impression ko rito, eh. Nagbago lang noong nagpakita siya ng effort! Hindi ko naman inasahan na kung gaano kadali nagbago ang lalaki na iyan ay ganoon din kadali para bumalik sa nakaugalian!"

Hindi masukat ang galit ng mga kaibigan ko kay Cal, lalo na si Pearly. Madalas nga ay hindi nila ako iniiwan mag-isa sa apartment. One time, I even heard them talking about suicide... My friends were so afraid I would attempt to do so... Natatakot sila na baka sa sobrang lugmok ko ay naisipan nilang kaya ko 'yon gawin.

Kaya simula noon, mas pinagbutihan ko pang makaahon, hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa mga kaibigan ko.

They healed a heart they never broke. At 'yon ang isa sa mga napakasakit isipin sa lahat.

Months later, everything was kind of good. Nasasaktan nang patago, pero umuusad. It's just that, lahat ng breakdown ko ay tinago ko sa mga kaibigan ko. I tried my ultimate best to look fully healed.

I was busy in my personal life but the painful event happened last year still lingered in my mind. Kahit busy ako, kumikirot pa rin ang puso ko. Ang dami ko pa ring katanungan.

"She became popular. First sa campus nila, hanggang sa naging celebrity."

I was aware of Amethyst's journey until she became popular. Minsan nang naikwento ni Pearly na unang sumikat ang babae sa kaniyang mga social media accounts, hanggang pinasok na ang mundo ng showbiz.

Sa totoo lang, kung ayaw ko lang makarinig patungkol kay Cal ay di rin ako mag-aaksaya ng panahon kay Amethyst. I could live without minding her existence.

"Pero spotted siya sa mga videos ni Amethyst. They even have a tiktok video... May kasama silang bata na kamukha ni Cal... Probably his brother. Nag-trending nga 'yon since 'yon ang unang beses na finilex niya ang lalaki.

Pagbaling ko sa mga kaibigan ko na nasa lamesa't ay napatingin sila sila sa akin. Ngumiti na lang ako para matuloy ang pagkukuwentuhan nila.

Ako naman... Nasanay na ring umaktong naka-move on na para makarinig pa ng mga bagay-bagay patungkol kay Cal... Nasanay na rin akong magpanggap na tila wala nang dinadamdam, kahit ang totooy walang sandali na hindi mabigat ang dibdib ko.

I could not help but to hate Cal and still want information from him. What did he even tell to me during that breakup? Grow alone? Gusto niyang mapag-isa? He chose to disrespect me for him to grow alone. Pero ano 'to? He told me not to worry about Amethyst. Tapos ngayon mababalitaan kong sila na palagi nag nagsasama matapos naming maghiwalay.

"Nabalitaan mo na ba, hmm?" Johoney shared as she swiped her phone's screen. Nasa bahay nila kami ngayon at nagpaplanong mag-sleepover ulit.

"Sila na, 'di ba? Cinonfirm ng babae, e'," segunda mano ni Pearly.

"What do you mean?" si Allysa.

"Si Cal at Amethyst... Sila na. The bitch just recently confirmed it."

34
I tried to do my ultimate best to move on. I read motivational books for healing and listen to inspiring speakers. Halos maghanap na ako ng personal therapy para makalimutan si Cal... Ang mga ginawa niya.

The most frustrating part is to see how good had Cal been with Amethyst after the betrayal. Ang saya-saya nila sa kanilang mga video. Their relationship was broadcast all over the internet kaya wala talaga akong naging kawala. Kahit noong gumawa ako ng bagong account, sila ang unang bumungad sa feed ko.

Kahit saang restaurant man ako kumain, dinig ko ang patungkol sa kanila.

Years passed yet I was still carrying the anger stored in my chest. Kapag sobrang saya ko, kapag naiisip ko silang muli, ay lalagapak talaga ako. Ever since the betrayal, I have never felt freed.

Ang masaklap pa ay parang ako na lang ang naiiwang luhaan sa aming tatlo. Ilang taon na ang nagdaan, pero heto pa rin ako, traumang-trauma.

Some boys tried to help me in my healing journey; They tried to make me fall in love again. But they were all unsuccessful.

Maybe it's because I didn't let them to. Maybe because I myself really didn't want to fall again so that I could save myself for another heartbreak. Pero kahit na ganoon, sinubukan ko pa rin naman. I accepted men's invitations for a dinner. Lahat ng mga nireto sa akin ng mga kakilala ko ay sinubukan kong kilalanin.

When in fact, my parents even introduced me to someone who's a son of a well-known real-state agent. He's actually a nice guy who treated me like a princess. Ramdam ko na kaya niyang ibigay ang trato na deserve ng mga babae.

But there is something...  I longed for. Something I cannot really explain.

Mas lumalamang pa rin ang takot na baka mahalin sa maliit na panahon, at ipagtabuyan sa iilang minuto lamang.

I am really, really, anxious. Anxious to be in a relationship again. Baka... Baka masaktan ko lang ang partner ko. Baka magkasakitan lamang kami.

"You finally achieve your dream title, Chels! I am so proud of you! Proud na proud kami sa 'yo!"

Hindi maipinta ang mukha ko sa gulat nang surprisahin ako ng mga kaibigan ko after kong sabihin na naka-pasa ako. Naluluha ako habang pinagmamasdan ang napakalaking tarpaulin na kita ang buong mukha ko.

"Registered nurse ka na!" Johoney celebrated as she throw a warm embrace toward me. It was really a surprise from them. Pagod ako galing sa pag-aasikaso ng ibang requirements at ito ang maaabutan ko sa condo.

Of course, I am more proud of myself for earning a title na matagal ko nang pinapangarap noong High School pa ako. Pero kagaya ng inaasahan, kahit gaano pa ako kasaya sa nakamit, hindi pa ron maalis sa isip ko ang nangyari noong mga nakaraang taon... Ang pagtataksil... Ang pagsuko ni Cal sa relasyon namin.

Masakit lang isipin na ang taong pinangarap kong kasama ko hanggang sa matupad ko na ang mga pinapangarap ay wala sa aking tabi ngayon. I achieved my dreams without the person who I once considered as the love of my life.

"May problema ba? Kulang ba ang inorder naming foods?" Allysa joked as she tried to steal my attention.

I smiled, feeling guilty of feeling down while they're here, existing and being happy for what I got.

Soon as my parents heard about the result, they planned for a grand celebration. Lahat ng mga kakilala niyang celebrity, politicians, and mga sikat na public figure ay invited. My achievement was even broadcast in the national tv.

Of course ay naramdam ko talaga ang pagiging proud nila. It's one of their biggest wishes to see their daughter being successful.

Dumagsa rin ang mga manliligaw, yong iba ay nagpatulolong sa mga kaibigan ko habang ang iba naman ay buong lakas akong hinarap.

For the second wave, I gave each one of them a shot. Tinabi ko ang takot na nararamdaman. Sa isip ko, kung masaya na si Cal sa piling ng iba, siguro ay panahon na para magmahal na rin ng iba. Kung kinaya niyang kalimutan ako, siguro kaya ko rin.

May naka-fling ako for a month at 'yon ang longest situanship na na-experience ko. It was just a pure fling without any deep connection. The first day we talked, I immediately concluded that we would not work because we had a lot of differences. Tinuloy ko pa rin though, nagbabakasakali.

But I was right all along. Hindi kami nagtagal.

"Don't lose hope. Hindi lang talaga kayo ang para sa isa't isa kaya hindi nag-work. I suggest na huwag ka munang pumayag sa mga blind date, maging sa mga nirereto ni Pearly at Johoney," Allysa advised in a firm voice. "I saw your effort to appreciate someone's admiration for you, Chels. Kahit nasaktan ka before, you still did your best to give the purest reciprocation you could offer. And you have my applause for that. But don't you think it's now the time to rest for awhile? Like, surrender everything to Him?"

Starting on that day, I stopped entertaining boys. Nag-focus ako sa sarili at nag-explore ng mga bagay na posible kong magustuhan. That's how I learned how to play intruments. Naging libangan ko na ang pagkanta at pagpplay ng mga intrumento.

Nevertheless, doing so triggered me to remember someone who has an absolute passion into music. Hindi ko maintindihan kung papaano ko napagpatuloy. Ang alam ko lang, gusto ko ang ginagawa ko.

"Do you have a plan to settle down after this big project?" a female host asked Amethyst in a popular morning show.

"It depends po. I still specially consider his decision. Just like what I always saying, I am dependent on him. But if I were to decide... I actually want us to settle down na."

The crowd roared, telling me to believe that majority support their relationship.

"But you two already talked about it, didn't you?"

"Yes." And her cheeks reddened.

"We are curious how Cal manage to understand your next project with a new leading man? He is not a jealous type of boyfriend, is he?"

People in the show chuckled. The thing I can't do while watching the show in our big television.

"Syempre po may mga times na nagseselos siya. He sometimes makes his frustration obvious. Only if he knows how that makes him more attracted, though." She grinned. "Pero napag-usapan na po namin ang lahat noong nagbakasyon kami sa Tagaytay. He respects my career so much and he's willing to support my projects, kahit na ibang lalaki ang ka-pares ko."

Doon ko lang napansin na nahihirapan na pala akong huminga matapos kong i-off ang tv. Halos matulala ako matapos tumayo. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. At mas lalong hindi ako makapaniwala sa reaksyon ko sa mga narinig.

So... They're finally about to settle down, huh? Good... For them.

"Darling..." my dad called me in the middle of our family dinner. Hindi present si Kuya Adrian dahil may ka-date.

My body overreacted to the endearment I heard. Hindi na ako mapakali sa sariling upuan at parang gusto ko na lamang i-excuse ang sarili.

"Yes po, dad?"

"Do you already have a boyfriend? Or suitor?" He's all smiles as he asked that. Nagkatinginan sila ni mama na parang nag-uusap gamit ang tingin. "We just wanted to know since you don't share much. But if you don't want to talk about it, we understand."

"I don't have a boyfriend right now, Pa, e'. Too busy sa mga responsibilities," was my genuine answer. Because it's the truth.

"We are excited to know him, kung sakaling may ipakikilala ka!" Mom chuckled. "We are worried na baka wala ka nang balak magka-boyfriend. My dear, you're allowed to be in a relationship now."

Mapait akong napangiti, at hindi ko na naitago 'yon sa mga magulang ko. Although I am not feeling guilty for showing a sincere reaction anymore.

Medyo nakakatawa lang kasi isipin sa kung kailan seryoso ako sa isang tao, hindi nila 'yon matanggap. Tapos ngayon na wala na akong lalaking nagugustuhan, takot na silang 'di ako magkaroon ng boyfriend. Ngayon na halos takot na lang ang nararamdaman ko.

"I am so sorry, dear, to what happened years ago. We just wanted to protect you," dagdag ni Mama at sandaling napayuko. "Wala kaming ibang option before but to do what we think is right."

"That's the problem, mom. You think you're always right."

"Chelsy," dad warned me in a low voice. Mom just caressed his hands.

"I will accept all of your grudges, Chelsy, my dear daughter. Your feelings are always valid."

Napatango-tango ako. "But not valid years ago, right?"

Napayuko si papa at gusto kong tumahimik na lang dahil sa awa. Pero parang mas sasaktan ko lang ang sarili ko pagkatapos nito kapag hinayaan kong puno ang dibdib. I needed to express how emotional I was because of what they did before. Of how they invalidated my feelings. Of how they disrespected my first ever relationship.

Kung alam lang talaga nila kung ganito kabigat sa pakiramdam na magdamdam sa mga magulang mo, eh. Kung alam lang talaga nila kung gaano kahirap!

"We regret doing some things to sabotage your relationship with that man, my Chelsy, particularly when I told him personally to... To breakup with you," mom in a shaky voice.

Napapikit ako. Hindi ito ang unang beses na inamin nilang pinilit niya si Cal na hiwalayan ako before. A year after Cak and I separated, they revealed the truth. Pero parang unang beses ko pa ring nalaman. Ang presko pa rin sa pandinig. Ang sakit pa rin sa dibdib.

"You should... S-should really tried to at least understand me, Mom and dad. Kakampi lang naman ang gusto ko noong panahon na 'yon, eh. I craved for your blessing dahil hindi ko kayang isekreto sa inyo ang relasyon namin."

Sabay silang napayuko. Dinurog ang puso ko sa nakita.

"I understand po na ganoon ang first reaction niyo... Na hindi niyo nagustuhan na may boyfriend na ako. Pero 'yong pilitin si Cal na hiwalayan ako? That's too much po. Until now, it still hunts me."

"We are so sorry," dad whispered. "Babawi kami, 'nak. Babawi kami."

I smiled bitterly again. Sa anong paraan pa sila babawi? Eh, tapos na. Matagal nang natapos ang relasyon na minsan nilang sinumpa noon.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top