CHAPTER 33

"I still don't want, Ma, I am sorry."

We were having a family dinner when they asked about my plans. Ilang ulit na nila ako tinanong about sa bagay na 'to pero hindi ko maibigay ang sagot na gusto nilang marinig mula sa akin.

I love my parents. I am starting to forgive them totally. Mas pinili kong intindihin sila. Pero hindi pa rin ako ready magtrabaho sa hospital namin hindi dahil iniiwasan ko sila, kundi hindi lang talaga ako komportable at interesado.

"Let's not force her, Mom and dad. Sigurado akong komportable siya sa workplace niya ngayon," said Kuya Rynierre. Tumango naman ako. Kung meroon mang mga taong nakaiintindi sa akin, sila Kuya, Faith, at ang mga kaibigan ko na 'yon.

"All right. Basta kapag gusto mo nang lumipat, ipaalam mo kaagad sa amin. We will gladly assist you!" si Papa.

"May iba pa ba tayong lakad by tomorrow evening?" tanong ko.

"Family gathering? Wala naman. Why do you ask?" Kuya Adrian inquired. Tumagal ang tingin ko sa kaniya nang maalala ang pag-flex niya sa kaniyang girlfriend sa Facebook kanina. Never knew my brother could pull a gorgeous model! Well, gwapo naman talaga si Kuya at may looks pa pero still, nakakamangha! His girl comes from a wealthy family that is actually wealthier from us!

"What are you thinking of?" Natatawa niyang pinitik ang noo ko.

I pouted. "Nothing, I just saw your girlfriend! Hindi mo siya napakilala sa akin!"

"Yes, because noong dinala ko siya rito ay busy ka sa trabaho. Plus, ayaw mo pa talagang maniwala na kami talaga."

"Eh kasi naman..." I rolled my eyes. "Anyway, wala ako bukas. My friends and I planned to hang out. Manunuod na rin ng bandang nagpe-perform."

"You're interested into band?" si Kuya Rynierre. Sa ilang taon ba naman kasi na hindi kami personal na nag-uusap ay marami siyang hindi pa nalalaman patungkol sa akin. I discovered some things that make me alive, isa na roon ang musika. There's something in music that makes me feel connected to my deepest soul. Unbelievably, I become interested din sa mga instruments na dati ay 'di ko naman pinagtutuunan masyado ng pansin.

When in fact, I can now play piano and guitar. I am practicing to write a song these past few months kapag nagkakaroon ako bakanteng oras.

"Chelsy!"

Napalingon ako nang marinig ang magkakasabay na sigaw ng mga pamilyar na boses na alam kong galing sa mga kaibigan ko. I chuckled and danced myself to face them.

I fought the urge to laugh when my friends, Johoney, Allysa, and Pearly, stared at my dress.

It's kind of revealing and they're not that used to see me wearing this kind of dress.

"What a bitch," Johoney whispered while smiling so proudly, "a very angelic bitch."

Hinayaan ko silang maghanap ng table hanggang sa naiabot na rin sa 'kin ang order ko. I closed my eyes as my lips touched the coldness of the glass. Dumaan ang pait pero bigla rin namang naglaho.

I heard from my kuya's na may banda ngayon kaya maraming tao. Dalawang banda raw ang mag-p'-play para ngayong gabi bilang birthday celebration na rin ng may-ari ng bar.

"How's your duty ba, Chels?" Itinaas ni Pearly and kamay para magtawag ng waitress. "Wala ka ba talagang balak magtrabaho sa hospital ninyo?"

Paulit-ulit nilang tinatanong ang bagay na 'yan sa 'kin at paulit-ulit ko ring sinasabi sa kanila na may mahabang kwento kung ba't 'di ko kayang magtrabaho roon. At isa pa, komportable na ako sa pinagtatrabahuan ko ngayon kaya ba't pa ako maghahanap ng iba, 'di ba?

"Kuya Rynierre is already in here. Sinabi niya sa 'king gusto niyang makipagkita kay Faith," nasabi ko nang wala sa oras at 'di maiwasang 'di mapangiti dahil sa wakas ay matutupad na rin ang isa sa mga hiling niya. He waited and lived without his Faith and I know it's a kind of torture. To be in love in a distance is not easy.

"Faith? Faith Simbajon?" magkasabay-sabay nilang tanong, at tumango na lamang ako.

"Good for your Kuya," si Johoney at biglang tinakpan ang bibig, kinikilig. "Pero sayang, akala ko kami talaga ang magkakatuluyan."

I grinned. Kailan ba magbabago ang kaibigan ko na 'to.

Naging long time crush niya rin talaga si kuya. Panay nga ang selos nito noong sabihin ko na 'di siya ang gusto no'n!

"Hoy, Jo, umayos ka at may jowa ka! Alalahanin mo!" pang-aalaska ni Allysa sa kaniya dahil 'yon din naman ang totoo. Johoney's currently in a relationship. Paminsan-minsan ko lang makita ang lalaki na 'yon pero sabi nila ay mabait daw.

'Di namin namalayan na lahat kami ay nalulong na pala sa alak. 'Yong paningin ko ay para na ring nilindol at may after shocks pa. Mabuti na lamang at tapos na ang duty ko kanina para ang bukas na lang na trabaho ang poproblemahin ko.

"This moment will be the most memorable night because two bands are going to entertain us!"

'Yon ang sigaw ng isang babae na nagpaingay lalo sa paligid. Natawa akong mahina nang tumalon na rin ang mga kaibigan ko sa sobrang saya. Kaunti na lang din talaga at mapapasayaw na rin ako katulad nila.

"Before we enjoy this moment, wanna know something intriguing?" bulong ni Pearly sa 'kin at ipinakita ang screen ng phone niya. Gulong-gulo pa ako noong una pero 'di nagtagal ay tuluyan ko nang naproseso ang nabasang tweet galing sa isang artista.

Mapakla akong ngumiti at iniwas ang tingin, gusto na lamang ibaling sa iba ang atensyon pero 'di ko pa rin magawa.

Why is it so hard to forget?

I thought that time heals but in my case it seems so impossible. I thought letting years to pass will make my scars gone but it is even the reason why my heart still aches. I looked at my wristwatch to entertain myself. Pero . . .

"Pero may karapatan ka namang magsalita, Chelsy," nag-aalalang sabi ni Pearly sa 'kin. "The tie you have with him is still existing and so you have the right to say that you're happy knowing they just broke up."

Nagkatitigan kami ng kaibigan ko, at ako na naman ang unang nagbaba ng tingin. Tama ba talaga siya?

Do I really have the right to be happy that someone is suffering from a heartbreak?

Does the tie we both built still exist?

"Ikaw kaya ang mas kawawa, sa totoo lang," muling sabi ng kaibigan ko. "The tie still exists -- yes. But aren't you the only one who keep holding it?"

"Pinili ko 'to kaya titiisin ko." Labag man sa kalooban ay tinanggap ko na lamang ang totoo. Na sa loob ng ilang taon, mag-isa akong lumaban. Mag-asa kong hinawakan ang pangako niyang ako lamang ang nakakaalam. 'Yong mga pangako niyang akala ko ay sa 'kin niya lang sinabi.

"Two bands?!" Allysa joined the wild people to make me smile. "Hoy, Chelsy, ihanda mo na mga tenga mo!"

Natawa ako at umiling-uling. Hindi na ako kinausap ni Pearly dahil busy na siya sa sariling ginagawa. I stole her phone and stared at Amethyst's tweet hours ago telling the whole world how they broke up.

And this time, I wanted to become so true and take the mask off my face. I logged in my account nag-type ng comment na tiyak na aawayin ng lahat lalo na ng fandoms niya at siguradong dudugukin ng mga kakilala ko.

@ChelsyCattaneo: karma, sis.

In-off ko ang phone at napangiti sa sariling nagawa. Maaaring makita rin 'yon ng ex niya pero bahala na. Besides, 'karma' is what she deserves for fooling the old version of me. I even remembered how they unified to abandon me. Masyado nila akong sinaktan noon. What happens in them suits them -- kung tutuusin pa nga ay kulang pa.

"Let's welcome our first band, JOLO!" the speaker announced.

Isa sa mga sikat na banda sa Pilipinas ang JOLO. Kilala sila sa pagggawa at pag-play ng mga malulungkot na kanta. Kaya 'di na ako nagtaka pa nang halos marami ang naluha matapos ang isang kanta. Naluha na rin ako dahil bumagay ang kanta sa sitwasyon ko ngayon. No matter how they experience lots of pain, I am still the victim. Noon pa lang, ako na ang pinakanakakaawa.

"Ang susunod na kanta ay para sa mga taong ginawa na ang lahat subait 'di pa rin pinili . . ." Nagsimula na naman sila sa pagkanta at todo na talaga ang pag-agos ng mga luha ko. Wala sa plano ko ang umiyak pero 'eto ako at parang batang nagsusumamo.

"I told ya'. Mapanakit ang mga kanta nila." Nagpunas ng luha si Pearly at sabay-sabay silang bumaling sa 'kin dahil alam naming lahat na bagay sa 'kin ang kanta.

"Pinili naman ako, ah." I chuckled, bullets of tears in my cheeks. "Hindi nga lang nagtagal."

"Their lost, okay, not yours," mariin na sabi ni Allysa. "Cheer up, pretty--"

"And now let's welcome our second band, The OLYMPUS!"

Agresibong nanlaki ang mga mata ko at kaming mga kaibigan ko ay 'di na mapakali! I thought OLYMPUS is now performing outside the country?! Hinawakan ni Allysa ang kamay ko at lahat sila ay malambot na ang tingin sa 'kin.

"Thanks for the overwhelming welcome, everyone," sabi ng main vocalist, at halos manginig na ako sa kinauupuan ko! He's meters away from me but I still can feel the flames he solely owns. He's wearing a ripped jeans partnered with a black jacket and a white polo underneath it. Just as usual, there's a handkerchief in his forehead to add charms!

Everyone, including me, seemed being poisoned by his eyes! Hindi na ako magtataka kung marami ang maingay at tahimik na tumitili dahil mas lalo talagang gumanda ang imahe niya ngayong natatamaan nang lights ang mukha niya. His jaw is prominent and it looks like an artwork from a well-known sculptor. Damn. He's tall and it is one of reason why I still can see his face kahit na maraming tao ang nakaharang. He. . . Improves a lot. He towered me before, and now he still amazingly does.

Him and Amethyst crashed my whole world but funny how I still adore him despite that. Nakakatawang isipin na kahit sa gitna ng lahat baliw pa rin ako sa kaniya. Na napapangiti niya pa rin ako; Na binibigyan niya pa rin ng pag-asa ang dibdib ko.

"He will be your death."

Isa 'yan sa mga kataga na naririnig ko noon at ngayon ay mas lalo kong napagtanto na tama sila. He's as dangerous as fire; I can be burned by just only seeing his view. 'Yong tipong, nakatitig pa lamang ako, pasong-paso na ako.

"Tanga ka na kung mahuhulog ka rin sa lalaki na 'yan."

Siya 'yong sinasabi nilang 'apoy' na sisira sa 'kin. Pero guess what? Sa kaniya pa rin ako lapit nang lapit. 'Yong tipong kahit pasong-paso na ako, wala pa rin akong makitang rason para huminto.

"This is a song for someone I used to know who happened to be the most flammable fire I have ever met," bulong niya sa microphone at lumingon sa kung saan-saan na parang may hinahanap. "Para sa babaeng minahal ako pero. . ."

Pero binelewala mo lamang. Pero hindi mo kayang ipaglaban. Babaeng minahal ka, pero iniwan mo sa huli.

"All right . . ." bulong niya sa paos na boses. "You tower me, darling. You tower the whole me."

I thought he's broken hearted since him and Amethyst just broke up?

"Akala ko 'di ka pupunta kaya. . . Nagulat ako sa presensya mo," sabi niyang muli, at nang mag-angat na naman ako ng tingin ay sandaling nag-krus ang mga mata namin.

I waited for his next words because I can feel that there are still more.

"I never thought this night would be this flammable," I heard him again, "to the point that I am burned for the nth time."

". . . but I am fighting, darling, yes. I fucking do."

Wala na akong inaksaya pang segundo at umalis na sa table. Nang nasa labas na ay doon lang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. The sky is great, but it doesn't help me anymore to feel at ease.

Honestly... Matagal ko nang pinaghandaan ang pagtatagpo na ito. I could already predict before na babalik siya... Kagaya ng ipinangako niya sa akin. That's why I prepared myself. I prepared both my mind and heart. But right now I realize that I am never prepared enough.

Masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin. Parang kahapon lang niya ako sinukuan. Parang kahapon lang ang lahat.

'Yong labis na tampo, bumalik... Ang sakit... Ang paghihinayang... Ang galit na naramdaman ko noong nalaman kong may namamagitan sa kanila ni Amethyst matapos niyang sabihin gusto niyang mapag-isa.

Bumalik ang hapdi noong nasubaybyan ko kung gaano kaganda ang buhay nila nang magkasama habang ako'y nakakulong sa sariling kwarto't tinatanong sa langit kung saan ako nagkamali... Kung saan ako nagkulang. Kung may mali ba sa akin. Kung napasobra ba ako o ano.

Pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan pero nawalan na ako ng pake kung may makakilala man sa akin.

All I want right now is to express my hatred, my longing... My mixed emotions.
Galit din ako sa mismong sarili. Galit din ako sa pinakitang reaksyon kanina noong una kong marinig ang kaniyang boses. Hindi dapat ganoon, eh.

Hindi dapat ako nagulat. Hindi ko dapat siya hinahangaan nang palihim. Higit sa lahat, hindi na rin dapat ako umaasa ngayon na kakausapin niya ako at... At makikipagbalikan! I don't deserve someone like him!

"Cal Ramirez is the one who's performing inside? Hindi ba kabi-break niya lang sa kaniyang long term showbiz girlfriend na si Amethyst? And they both confirmed it!" I heard from a girl beside me.

"Yeah, they both confirmed it. So totoo na. Hindi na rumor," sagot naman ng katabi niyang babae.

I caught a glimpse of Allysa walking toward me. Umayos ako ng tayo at napahawak sa railing.

"I am sorry. I didn't know na sila ang magpe-perform. Only if I had known—"

"I-It is okay." Mas iniwas ko ang tingin sa kaniya.

"You're not. Hindi mo kailangang mahiya o magsinungaling sa akin. You are my dearest friend, and I know you're having a hard time watching him." Lumapit siya lalo sa akin. I am glad at hindi niya ako pinilit na humarap sa kaniya dahil siguradong hindi ko na kakayanin pigilan ang sariling hikbi.

"I just thought okay na, eh..." bulong ko. "Akala ko tapos na ako mag-relapse. Akala ko sapat na 'yong mga nagdaang taon para paghandaan ang muling pagkikita namin. A-ang sakit pa rin."

Allysa didn't reply and she just hugged me instead. Unti-unti, nakayanan ko na ring umiyak nang malakas sa braso niya. It's terrifying to hear my own sobs. Naaawa na ako sa sarili ko.

"Your feelings are valid, Chels. Hindi ko alam kung ano ang eksakto mong naramdaman ngayon pero valid 'yan."

"B-Bakit pa siya bumalik pa? P-Para guluhin ulit ako?"

"What I can say for now is let's not assume unless it's stated, Chels. Siguro, pagkatataon lang na magkita kayo. Unless he tells you that he wants you back, don't stress too much on things you can't control."

Tumango-tango naman ako sa narinig. She's right. Hindi dapat ako nag-assume nang ganito. Maybe, he's still in love with Amethyst while I am here... Assuming he is here for me.

"What are your plans now? Kinontak ko na si dad para sunduin tayo. Are you comfortable to wait here? Sandali lang muna, balikan ko muna sina Johoney at Pearly sa loob. Wait for me."

Pero papaano nga ba maiwasan na hindi manghinala kung pakiramdam ko para sa akin lahat ng sinabi niya kanina. Pati na rin ang kinakanta niya ngayon... Pakiramdam ko'y para sa akin.

I never dared to go back inside. Bumalik si Allysa at tahimik na tumabi sa akin. We didn't talk to awhile until his dad arrived. Sa kanila na lang ako nagpalipas ng gabi tutal naman ay nakapagpaalam na ako kay Kuya Adrian.

It's tomorrow morning when I again remembered what happened. Dali-dali akong nag-online at kaagad napansin ang mutual breakup nilang dalawa.

Cal and Amethyst claimed to value their relationship, but due to some reason, they needed to grow individually.

Speaking of that, I get deja vu reading this kind of separation... Growing individually... This was what Cal wanted years ago. He made me fall so hard but he ended up breaking his own promises.

Sunod-sunod na tawag galing kina Johoney at Pearly ang natanggap ko. I just texted them an apology at nag-explain na hindi pa ako ready sumagot ng tawag ngayon. And they all understood what I feel.

I was busy hours later and tried to distract myself by focusing to my duty... As what as I should. Pero kapag free time, kapag nagkaroon ng oras matulala, bumabalik sa isipan ko ang nangyari noon. Ang mga what if's. What if we didn't break up? What if I fought more? Papaano kung gumawa ako ng way para mag-usap pa kami after the breakup?

What if he didn't lose hope? Papaano kung pinaglaaban niya ako sa paraan kung papaano ko siya pinaglaban sa mundo? Papaano kung tumupad siya sa kaniyang mga pangako?

"Faith, busy ka mamaya? Or bukas? Gala tayo! Libre ko," alok ko kay Faith. Sinadya ko siyang hinanap. Although alam ko nang tatanggi sya, gusto ko pa rin mag-try. My friends are all busy in their own duties and I don't want to distract them. Swerte na nga lang kagabi at nag-tugma ang free time naming tatlo.

"Next time na lang siguro, Chelsy," she cutely smiled.

Napakamot ako sa sariling leeg. Noong nakaraan pa siya next time nang next time, e'.

Nagpaalam na lang ako sa kaniya at napaisip na siguro kailangang ako na lang muna ang gumala mag-isa. Kapag kasi nasa condo lang ako, baka mag-relapse.

Sa ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang sarili kung ayaw ko na bang makita si Cal o gustong-gusto pa.

I don't want our paths to cross again, but I still crave for his explanation at the same time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top