CHAPTER 29

"Are you sure?" Cal asked me one more time.

Tinanguan ko ulit siya at pinilit na pumasok na sa kotse. Hindi ko na kailangan pang sabihin kung ano dahilan ng pagbabago ng mode ko dahil namataan din niya kaagad ang mga kaibigan ko, na nagresulta para bumigat din ang awra niya.

"You don't need to face this alone, Chelsy. We're partners. We will explain to your friends."

I gasped as I closed my eyes. Naiintindihan ko naman ang hinaing niya pero 'di kasi 'yon ang nakikita kong solusyon ngayon. It's better if I explain alone. Hindi pa ngayon ang oras para idamay si Cal.

"Okay, text me if you need me," he whispered as he kissed my hair. Ang mga mata ko ay sinundan ng tingin ang mga kaibigan kong papasok na sa building. "Update me, okay? Don't hesitate to tell everything to me."

"Yes," was my reply and tiredly followed my friends, half-running. Narinig ko naman ang sasakyan ni Cal na umalis na kaya tuloy-tuloy na ako.

"Pearly, Johoney," bulong ko nang nasa loob kami ng elevator. Tahimik. Hindi ako nasanay dahil palaging maingay ang dalawa lalo na kapag kasama ako. I can't be able to read their minds but their eyes express a lot, making me feel guilty. "What you saw ... I am sorry. Allysa..."

"Stop worrying about us," ani ni Allysa na diretso lang ang tingin sa pinto ng elevator. "Pearly and Johoney already did know what is going between you and Cal."

"H-ha?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. I sounded so desperate. Pero wala na akong hiya pa, basta ay gusto kong makompirma ang sinabi ni Allysa. What did she mean by that? "Talk to me, guys. I am begging you."

"Chelsy..." Pagod, sumulyap si Pearly sa 'kin. I am not used to entertain this serious face of hers. Pagod na alam kung 'di dahil sa acads. "Disappointed ako. Kami. Kung 'di mo kami nahuli na nakatingin sa inyo kanina, 'di ka magkukusang-loob na mag-first move sa 'min."

Napayuko ako. "I am sorry."

"Pasensya ka na rin kung wala akong gana makipagbiruan ngayon. At pasensya na kung hanggang ngayon ay 'di pa rin kita maintindihan."

Naninikip ang dibdib ko sa narinig.

"You might me thinking that I fancy someone like Cal because of his looks. Pero, hindi, Chelsy, kinamumuhian ko ang mga lalaking kagaya niya."

Stop. Gusto ko siyang patigilin sa pagsasalita dahil alam ko na ang kabuuan ng mga sinabi niya. Alam ko na ang huling husga niya.

"Pero siguro hindi mo 'yon naalintana kasi tinatawanan ko lang ang lahat." Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko siya gusto para sa 'yo. Hindi ko siya kayang ipagkatiwala sa 'yo."

"Pearly, he's good," halos magmakaawa na ako.

"Of course, that's what you only see! Of course you'll defend him!" Biglang lingon ni Johoney sa 'kin. "You will only see the good ones over the bad ones because you're in love!"

"Is it my fault?" bulong ko, hindi kayang higitan ang lakas ng boses nila. "Is it my fault that I am in love with someone you all don't like?"

"That's not what we meant, Chels." Humarap si Allysa sa 'kin. "Pearly and Johoney are just trying to protect you. Friends want the best for each other."

Natatawa kong pinunasan ang isang patak ng luhang kumawala. I know, I know. Alam ko namang kahit kailan ay 'di sila sumalungat sa 'kin kung alam nilang 'di makasasama sa 'kin ang isang desisyon. I am aware how much they care for me.

Pero kasi naman ... Bakit pakiramdam ko bawal nang magmahal? Bakit pakiramdam ko isang kasalanan ang makita ang mga magagandang katangian ng isang tao?

Oo na-gets ko sila pero papaano naman ang husga ko?

The elevator opened. Ang nagawa lang namin ay humakbang papalabas at muling naestatwa.

"Kung hindi nakwento ni Kurt sa 'min ang tungkol sa inyo ni Cal kanina ay 'di namin malalaman," ani ni Johoney. "Idagdag mo pa ang katotohanan na hindi rin kami sinabihan ni Allysa."

Nagkatinginan silang tatlo, at 'di ko 'yon natagalan.

"Huwag ka ngang umiyak!" Marahang hinawi ni Johoney ang kamay kong panay punas sa aking pisngi. "Alam mo namang kahinaan namin 'yang mga luha mo, e'! We have the right to be mad, Chels! Pinaramdam mo sa 'min na hindi mo kami kaibigan!"

"I was planning to explain..." I defended.

"I am disappointed," pumiyok si Pearly. Ngayong gusto ko na siya titigan ay panay na ang iwas niya ng tingin. "I feel like I failed as a friend. Bakit kasi sa dinami-rami ng mga lalaki ay... Siya pa, Chelsy?"

Sa bawat paglipas ng segundo ay mas namamasa na ang aking mga pisngi. My friends are avoiding my gaze, crying as well. Gusto ko silang yakapin nang mahigpit pero nanginginig pa ang mga tuhod ko.

"Can you please trust me?" I begged. "I can't control what you think of him. I can't blame you either because... We're talking about Cal here. Pero... This is the first time I become attached like this to a person. I swear, there's good in him. Best, when in fact!"

Umiling-iling si Pearly. "I am shocked that you love this way, Chelsy. I don't know anymore what to do to change your mind. Pero it's up to you na. That's your life. You're old enough to decide what you think is good for you."

"Hindi na kita pipilitin pa, Chelsy, dahil alam kong mas mahirap kang kumbinsihin," malungkot na sabi ni Johoney at tinapik ako. "Wala kaming tiwala sa Cal na 'yan. He's a flame—"

"I don't mind getting burned," I cut her off. "I will face the consequences of all my decisions. I appreciate your..." Pilit akong huminga nang malalim. "I appreciate you all. Pero, please, I have been using my mind for years. I have been being dependent to my brain. Let me... Let me prioritize my heart this time, please."

Napasabunot sa kanilang buhok sina Johoney at Pearly at umiiyak na tumakbo patungong apartment. Halos gumuho naman ang mundo ko at akmang susundan sila nang humarang si Allysa na kasalukuyang balot ng luha ang mukha.

"I will wholeheartedly let you do anything your heart desires, Chelsy," aniya. "For now, let Johoney and Pearly feel the pain until they accept everything. Pabayaan mo na muna silang magtampo."

"I was really planning to tell..." Ginulo ko ang ang aking buhok, 'di malaman ang gagawin.

"I know, Chelsy. Alam ko. Sadyang siguro kinain lang ng pag-aalinlangan ang oras mo."

Mabilis ko siyang niyakap at halos isigaw ko na lahat ng hinanakit. Inalalayan niya ako patungo sa apartment namin. Gusto kong kausapin sina Johoney at Pearly, pero pinili nilang sa loob ng kwarto na lang kumain. I called them for us to eat together, pero sigurado akong mahirap din sa kanila na kausapin ako.

"Sleep early tonight. Ako nang bahala sa dalawa. Lilipas din panigurado ang lahat," sabi ni Allysa nang tapos na kaming kumain. I already told her that Cal and I are finally official. Hindi naman na siya mukhang nagulat pero nasa mukha pa rin ang pangamba.

"I know this is awkward, Chelsy. At hindi ako sigurado kung nasa tamang posisyon ba ako para magtanong nang ganito pero ano ba ang nagustuhan mo kay Cal? How... Did Chelsy develop a feelings for him?"

Napatitig ako sa kaibigan ko at ngumiti. "I love him for being him, Allysa. Honestly, bigla-bigla ko na lang 'tong naramdaman. Isang araw hindi na kaaway ang tingin ko sa kaniya. Isang araw pakiramdam ko ang pangit ng araw ko kung 'di ko siya nasisilayan."

Ngumiti siya 'kin pabalik at dama kong genuine 'yon. "Sana dumating ang araw na aasarin mo ako dahil mali ako ng tingin kay Cal."

Natawa kaming dalawa sa sinabi niya.

"But I am serious, okay? I meant it. I want him to prove me wrong."

"Allysa, I don't know if I am just being delusional or what, but I feel him loving me genuinely and intensely. I will always defend him because he deserves it."

Tinapik niya ang balikat ko at natatawang tumayo. "Kapag 'yan nabalitaan kong nanloko, naku! And you, Chelsy, don't hesitate to update me if he does something wrong!"

Days passed, and Pearly and Johoney still are ignoring me. Masakit sa 'kin 'yon dahil iisa kami ng room na tinutuluyan, sabay kami pumunta sa school, at higit sa lahat, mga kaibigan ko sila.

"Kayo ba may boyfriend na? I heard may nanliligaw, Pearly?" Allysa initiated the conversation. We're in the national bookstore. I was searching for a book I discovered from the internet while trying to talk first. Napansin 'ata ni Allysa na hindi ko talaga kaya kaya inunahan na ako.

Napatingin ako kay Pearly. Sadly, kahit magkasama kami ay never niya naikukuwento ang patungkol sa manliligaw niya. Sa mga kwentuhan lang ng mga classmate namin ako nagkaroroon ng impormasyon.

Alam ko namang 'di ugali ni Pearly ang gumanti. But it is the universe that is making me taste my own medicine. Hindi pala talaga ganoon kasimple na malamang may tinatago ang kaibigan mo sa 'yo.

"Wala akong balak sagutin siya. Pero gwapo siya," sagot ni Pearly at nakisabay sa tawa nina Allysa at Johoney.

"Wala kang maramdaman na spark?" seryosong usisa naman ni Johoney sa kaniya. And finally, I found the book entitled "A Gentle reminder" by Bianca Sparacino. This really caught my attention since everyone in internet is talking about it.

"Pero pogi," insist uli ni Pearly.

"Pero hindi mo gusto. Admit mo na lang," sabay tawa ni Allysa. "Do you have a plan in making him your boyfriend?"

"Takot 'yan sa commitment," si Johoney ang sumagot. I silently laughed at that. "Fling-fling lang type niyan!"

"Have you found the book, Chels?" Allysa then asked me.

"Yes. May gusto ka bang ipahanap na book?" It feels like everything I say sounds so awkward.

"Kung wala na kayong hahanapin pa na libro, puwedeng umuwi na tayo? Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko," sa mahinang ani ni Johoney, hindi kailan man bumaling sa 'kin.

"Uminom ka na ng gamot? Dumaan tayo sa botika," I stated, and I was ignored by the two.

"Oums, Chels. Next time na lang din ako mag-bo-book hunting." Tinapik ako ni Allysa at inanyayahan nang umalis, habang sina Johoney at Pearly ay may sariling topic na pinagkaaabalahan.

I miss them so much, sa totoo lang. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa pero hindi ko sila maabutan dahil sila mismo ang umiiwas sa akin.

Their feelings are valid. Pero hinihiniling ko na lang na sana isang araw, kausapin na nila ako at tanggapin nang tuluyan. I can bear not talking to multiple people as long as it's not them.

Nasa biyahe kami habang kausap ko si Cal through chat. He asked me about the book since siya ang unang sinabihan ko na gusto kong magkaroon ng physical copy nito. I then mentioned na napaaga ang uwi namin dahil sumakit ang ulo ni Johoney.

Huminto kami sa harap ng botika at sinabihan ang driver na hintayin si Allysa since siya lang ang bumili ng gamot.

"Did you eat your breakfast, Jo?" I whispered, slowly, afraid to mention one inappropriate word.

"Yes," sagot niya habang kaharap si Pearly. She didn't mind looking at me. "Sabay tayong kumain kanina, remember?"

Tumango na lang ako at kinain ang hiya. I just wanted to talk to her even for a minute. Ang ilap pa rin talaga.

We're taking care of our own different worlds noong nasa apartment na kami nang biglang may kumatok. Nagkatinginan kami ni Allysa since 'di ko alam kung sino ang bisita. Could it be mom or dad? Or my friend's parents?

Si Allysa ang nagbukas since malapit siya sa pinto. Cal's body structure was what I witnessed. Awang ang mga labi ko siyang pinagmasdan na lumapit. At kung tahimik kanina, mas lalo naman ngayon. Dama ko rin ang tingin ng mga kaibigan ko sa 'kin. They must be wondering why I didn't tell them about Cal's arrival.

Eh, wala talaga akong naikwento dahil wala namang chat si Cal sa akin na bibisita siya! Plus, hindi ko rin maaaring kalimutan na we're not allowed to bring a man here! I was the top fan of that regulation pero ako rin naman ang naka-violate.

Tumikhim si Pearly at nagpatuloy sa paghuhugas ng plato.

"I bought Johoney a medicine," he slowly said while staring at my face. "Napadaan din ako sa isang milk tea shop kaya nag-take out na rin ako ng drinks."

Moments of silence filled the room. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga kaibigan ko pero basta ako'y hindi makapaniwala sa ginawa ni Cal! I am thankful and puzzled at the same time! Thankful because he's being thoughtful to my friends, and puzzled because he has the option not to mind Johoney simple's headache!

"Thank you..." Lumapit si Johoney sa kaniya at palipat-lipat na ang tingin sa akin, nalilito rin.

"Maupo ka muna, Cal," Allysa invited him in a small voice.

Lumapit si Pearly sa amin at tinanggap ang drink.

"You should have told me that you're planning to visit," bulong ko sa lalaki nang magkatabi na kami. "We are not allowed to accept a guy visitor."

"Oh," was his reaction, but didn't look regretful at all. "Have you eaten already? Nakalimutan kong bumili ng pang-dinner. I am sorry."

"I'm done taking dinner..."

Ngumuso lang siya.

Kumunot noo ko. "Ikaw ba? Don't tell me hindi ka pa kumakain?"

"Done na, ma'am. Bumisita sila mama kaya maaga kaming nag-dinner."

"Well..." bulong ni Johoney. "Hindi ko 'to in-expect, ha. Hindi rin kasi nasabi ni Chelsy. Mild lang naman ang sakit ng ulo ko kaya pwede lang ipagpahinga ... But still, salamat dito."

"You're welcome, Johoney." I felt Cal's hands finding mine. Nang mahanap ay pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Natulala ako sa harap ng sofa habang aware na nakatingin siya sa mukha ko. Alam ko rin na pinapanood kami ng mga kaibigan ko.

"Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam. Hindi ko alam na bawal pala kayong tumanggap ng lalaking bisita," ani ng lalaki. "Worry not because this will not happen again. Magpapa-deliver na lang ako kung may ipabibigay ako sa inyo."

"Cal," I told him to stop him from explaining, hindi dahil sa nonsense ang pinagsasabi niya kundi ang hirap lang tanggapin na sobrang understanding niya sa amin, sa amin ng mga kaibigan ko.

"Well, sa tingin ko ay pwede ka nang bumisita rito anytime?" Awkward na ngumiti si Pearly, pero halatang genuine ang kislap ng mga mata niya. "Hindi ba, guys? Agree na kayo!"

Nakangiting nagsitango ang lahat at bumaling sa akin na gulat pa rin.

"Akala ko ba tutol kayo?" biro ni Allysa sa dalawa.

"People change!" depensa ni Pearly at masiglang tumawa.

"People really change," segundo mano ni Johoney habang tumatango, seryoso habang nakabaling sa gamot sa table.

Nagkaroon ng mahabang discussion sina Cal at ang mga kaibigan ko. Ang nagawa ko lang ay magbigay ng reaksyon at sumagot sa mga tanong nila. Hanggang sa unti-unting nag-sink in sa akin na kahit hindi literal na sabihin ng mga kaibigan ko, alam kong nagustuhan na nila si Cal. Batid kung napatunayan ko sa kanila na hindi kagaya si Cal ng mga iniisip ng ibang tao. Na there's really good in him.

"Chelsy was good at hiding secret! Ilang days niya natago sa amin na kayo na pala! Pero we understand her now. I know she's just being in love..." si Pearly.

"English 'yon, ha," si Johoney.

Until it's time for Cal to go, not because my friends were telling so, but because I was the one who convinced him. 9 PM na kasi at may klase pa bukas.

"Next time, pwede kang mag sleepover dito," suggestion ni Johoney, kaya bigla akong komontra.

"No!"

"At bakit naman? Okay lang, Cal, 'no! Huwag mo nang pansinin 'yan si Chelsy!" Nagkatuwaan pa sila habang hinahatid si Cal sa labas, habang ako ay pinapanood sila na hindi makapaniwala. Why does it seem like Cal is being loved more by my friends?!

Not that I don't like it! Sino ba namang 'di matutuwa?! My boyfriend and friends are laughing together. Para sa akin ay achievement na ito as a friend and girlfriend.

Tuluyan nang nawala sa paningin ko ang lalaki, at sabay na humarap ang mga kaibigan ko sa akin. Sabay din silang nagtililian, sobrang lakas na tila wala nang bukas.

Pinaypayan ni Johoney ang sarili habang tumatalon. "Hindi ko 'yon in-expect! Rare lang ang ganoon na lalaki! Chelsy, ang swerte mo sa kaniya!"

Pearly commented while giggling. "Don't tell me crush mo again?"

"Gusto ko siya not in romantic way, 'no. Hindi dahil sa girlfriend niya si Chelsy pero dahil hindi ko talaga siya bet na maging karelasyon. Like yaks kaya!" reklamo niya at sumimangot. "Pero pasado siya sa pagiging friend ko."

Allysa agreed, "he is so commendable. Unexpected talaga 'yong ginawa niya. He is really into Chelsy to the point na nag-aalala na rin siya sa atin. He takes care of Chelsy's people. And that is so wow!"

"Are we finally okay?" I whispered shyly.

Inirapan nila ako sabay tango.

"At huwag ka na ring mag-alala pa patungkol sa pagsali mo sa frat dahil alam na namin at naiintindihan na rin namin. Ang importante ang umalis ka na sa grupo," saad ni Johoney. "Hindi ka ba masaya sa amin kaya sumali ka pa sa grupo na belong si Amethyst?"

"No, it's not like that," I explained. "Being too curious really is dangerous. Nakuha ko pang maglihim sa inyo mapunan lang mga tanong sa isipan ko. Kailangan pang lumipas ang days bago ko na-realize na hindi ako bagay sa grupo na ganoon. You, guys, are more than enough. Pasensya na kung pinaramdam ko sa inyo na 'di kayo sapat."

Johoney sighed. "Pasensya na rin sa mga salitang nasabi namin ni Pearly. Alam kong 'di madali na i-take ang panghuhusga namin, knowing na closest friends mo kami at boyfriend mo pa ang hinuhusgahan namin."

Ngumiti ako, at nakatanggap ng mahigpit na yakap sa mga kaibigan ko.

I slept so peacefully that night. Masaya ako na sa wakas, nakita na nila ang rason kung bakit hindi ako nagsasawa na ipaglaban si Cal. Sa wakas, napatunayan na ni Cal sa mga kaibigan ko na mali sila ng husga. Ang iisipin ko na lang ngayon ay kung papaano ko ipakikila si Cal sa parents ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top