CHAPTER 27
"So, ano? Ano'ng pinag-usapan niyo kagabi?" si Johoney.
"Oh... Nag-usap lang ba talaga?!" Humagikhik si Pearly.
Halos tampalin ko siya ng libro. I am not innocent enough not to understand what she said! Pero ito namang ako na kahit aware na walang kung anong nangyari ay namula naman ang pisngi!
"Omg!" Napatayo si Johoney at napatakip sa bibig. "Sinagot mo na ba kaya nag-ano na kayo . . ."
"No!" Hinila ko ang buhok niya kaya napaupo 'to pabalik. "Walang nangyari, okay! As if hahayaan ko 'yang mangyari— yucks, kadiri talaga 'yang mga iniisip niyo!"
"Ano bang ginagawa kapag gabi, hindi ba—" nag-isip-isip si Johoney. "Malabong usap lang! Sabihin mo na sa amin! As long as gumamit siya ng protection—"
"No, no!" Halos iiri ko na ang mga emosyon ko. "We are too young for that— and not that I want to . . Basta! Kasama namin ang kapatid niya kagabi. We did star gazing for hours. And then, hinatid niya ako! That's all!"
Goodness, kung kaya ko lang sabihin lahat ng nangyari ginawa ko na, eh.
"Okay?" Pearly still are looking at me suspiciously. "We'll give you the benefit of the doubt."
"I swear!" I surrendered my hands.
Hindi namin kasama si Allysa ngayon dahil may pinapagawa ang advicer namin sa kaniya. Kararating pa lang namin dito sa library ay 'to na kaagad ang topic ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang talaga at wala ang bookkeeper at kami pa lang din ang nakatambay.
"How was it?" Pearly questioned, and I just simply answered. Matapos kong magsalita ay namangha rin sila knowing Caliver is a talented person. Pero napalitan din ng lungkot ang mga mukha namin nang mapag-usapan ang sakit niya.
"Rumors can sometimes ruin someone's innocence, 'no?" komento ni Johoney. "Noong narinig ko ang usapan ng boys natin sa room ang patungkol sa kunong ginawa ni Cal, naniwala kaagad ako at nainis. Without knowing that he has been protecting his vulnerable brother against bullies."
"Ano'ng plano niya ngayon? Has he any plans to protect his name?" si Pearly.
Nagkibit-balikat ako. "I don't know. But one thing is for sure: his brother's safety his primary goal for now. Sanay naman na 'ata 'yong tumanggap ng mga masasakit o pekeng salita, e'. Remember his previous behavior? Mas lumala lang dahil maraming may galit sa kaniya na nagkakalat ng maling balita."
"But he's still a walking red flag. A heartbreaker," si Johoney. "Hindi naman sa sinisiraan ko si Cal, ha, Chelsy. That's just my observation. I just want you to be more careful."
"Napapa-english talaga 'pag nag-aadvice, 'no?" hirit ni Pearly sa kaniya. Inirapan lang nila ang isa't isa at the end.
But honestly speaking, I think I view things differently now. I think against na ako sa perspective na meroon ako noon, including my friends'. Not that I am invalidating their opinion, aware naman ako na gusto lang nila ang pinaka-best sa akin.
If people change, then Cal . . .
Simula kasi noong naging malapit ako sa kaniya ay nakilala ko ang ibang personality niya, personality na 'di ko akalaing mayroon siya based on our first interaction. Hindi ko na siya nakikitang nakipagsasalamuha kay Amethyst. His actions match his words. When he told me na lalayuan niya si Amethyst, he really did.
Noong sinabi niyang gusto niyang ipakita na seryoso siya sa 'kin, literal niya talagang ginawa.
And those are not red flags anymore.
"Nasa meeting si ma'am ngayon, pero may iniwan siyang seat work. She already sent it in our group chat. Pass it to me when you're done," Allysa announced. Tumango naman kaming lahat, at kaniya-kaniya nang nagsisagutan.
I finished the quiz within 30 minutes. Essay lang kasi ang answer tapos 3 items lang. I revised it carefully before handing my paper to Allysa.
"Grabi 'yong binalita ni Pearly sa 'kin kanina, Chels," she shared and giggled. Nagtaka naman ako. Ano na naman kayang sinabi ng babae na 'yon? "Na may nangyari raw sa 'yo ni Cal. I can't believe her."
"Baliw talaga." Sumimangot ako. "Pakisaway nga sa mga 'yon, Allysa. Ayaw makinig sa 'kin."
"I will," sabi niya naman at nang-iinis na tumitig sa akin.
Goodness, pareho lang silang tatlong ayaw maniwala!
Nag-online na lang ako pagbalik ko sa upuan. I stalked Cal's timeline and it now looked clean. Parang kailan lang ay andaming tagged posts ng mga close friends niya at iilang horny posting niya. I can say na siya mismo ang nag-delete ng mga 'yon.
A smile crept on my lips.
I then searched Amethyst's name, but there are no results. Sinubukan ko ulit pero wala talaga. I tried searching her name sa friendlist ng isang SSG officer na palagi kong nakikitang kasama niya, pero wala talaga.
Maybe she deactivated her account.
Cal: Online? Walang klase? Ako rin. Let's meet sa canteen?
Me: Baka magkasalubong kami ni ma'am kaya no thanks. Mag-review ka na lang diyan.
Cal: Opo!
Hala, himala. Bagong Cal ba 'to? He usually argued with me whenever I opposed his plans!
Nawala ang green na circle sa profile niya kaya nag-offline na rin ako.
Noong sumapit ang 4 ay sabay kaming lumabas ng room ng mga kaibigan ko. Ang random ng mga topics nila at nakinig lang ako. In my peripheral vision ay napansin ko ang pamilyar na lalaki na may kasamang isang babae. They're both laughing, lalo na 'yong babae. Kung makatawa halos kita na ang lahat ng ngipin.
It's been hours since he sent that "Opo" message. I can't believe nagkaroon siya ng oras kumausap ng iba while not bothering to atleast text me? Update me? So that I would not overthink? I mean . . . Am I making sense, right?
"What's her name?" tanong ko sa mga kaibigan ko at walang hiyang tinuro ang direksyon nila Cal at ng kausap niya.
"Cathy, I think," si Allysa. "She's a grade 10 student."
Tumaas naman ang kilay ko at pinasadahan ng tingin ang babae. Hindi ko kaagad na-conclude na Junior High School pa siya kasi 'di siya naka-uniform, plus matangkad pa. She's beautiful, but . . .
I hate her.
"Si Cathy Maldivar, 'di ba?" si Pearly.
"Oum," Allysa confirmed.
Mahilig ka pala sa mga babaeng "C" ang unang letter sa pangalan, Cal, ha.
Habang nasa biyahe ay ni-stalk ko ang Cathy na 'yon. I can't find her in Cal's Facebook friendlist. Wala na akong pake kung nakikita ng mga kaibigan ko ang mga ginagawa ko. They are even teasing me because of it and telling me that I am jealous?
Really, jealous? Hindi ba pwedeng 'di ko lang gusto na may kinakausap si Cal na babae because ang pangit naman kung iisipin knowing na pinu-pursue niya ako habang nanlalandi siya ng iba?
"Huwag mong kausapin 'yan. Bad trip yan," bulong ni Johoney kay Pearly nang marating na namin ang apartment. Humiga ako sa sofa at muli na namang ni stalk si Cal.
"What the . . . ?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang name ng Cathy na 'yon sa friendlist ni Cal! Parang kani-kanina lang, wala ah! So it just means na bago pa lang sila naging Facebook friend? Knowing Cal and his another personality of being a babaero, malamang ay ito ang nag-add sa babae!
I can't believe him! Nasaan na 'yong sinasabi niyang gusto niyang magkaroon ng magandang reputation sa mata ng mga parents kung sa napaka-basic na way lang ay palpak na siya!
"Walang kasalanan ang cellphone mo, Chels." Natatawang saway ni Allysa sa 'kin. "Magbihis ka na muna. Communicate with him and stop overthinking."
"Anong communicate with him?" Natarayan ko siya, na mas lalong nagpangisi sa kaniya. "And who's overthinking? Naiinis lang ako sa kaniya, that's all! Wala naman akong pake kahit na kung sino na lang ang kausapin niya, ang akin lang naman—" 'Di ko matapos-tapos ang nais sabihin.
"Ang sa 'yo lang naman?"
"Wala!" And then I walked away.
If that's what Cal could offer, then he better stop pursuing me! Kung nagka-iinteresado pa rin pala siya iba, then he should stop acting loyal and gentlemen in front of me.
Ka-oonline ko lang ulit nang tumawag siya. Tumaas ang kanan kong kilay.
"Why did you unfriend me, Chelsy?"
Inirapan ko ang hangin. Tinatanong pa ba 'yan? Since nadagdagan ang friends niya, edi dapat mabawasan para bumalik sa dati?
"What?" I asked coldly.
At bakit ako ang tinatawagan niya ngayon? He added that Cathy so he better talk to her, or call her para mas maganda ang communication.
"Bakit mo ako in-unfriend? I was stalking your account and then I noticed we are not friends anymore," aniya sa nanunumbong na tuno. "What's bothering to my Chelsy for her to unfriend me?"
Maybe tama talaga ang ibang mga Facebook friends ko na babae, na ang galing talagang magloko ng mga lalaki. They can like a saint while secretly betraying you.
I can't believe na nag-rereact lang ako sa mga posts nila, tapos ngayon ay parang gusto ko na lang kasuklaman lahat ng mga lalaki dahil sa pagiging babaero ng lalaki na 'to.
I really believed na nagbago na siya.
"Kung wala kang importanteng sasabihin, I will end the call."
"What? No!" he said, sounding panicking. Tsk, pakitang-tao. "Look, ano'ng nangyari? Are you just having a bad day? Tell me, I will listen."
"Hindi ang araw ko ang pangit, Cal Ramirez."
He sighed. "Then, what?"
"Sino 'yong kasama mo kanina?"
Ilang segundong tumahimik sa kabilang linya. It's a good thing na naka-audio call lang kami, ayaw kong makita niya kung gaano na ako kapikon ngayon.
"Sino?"
Kumunot ang noo ko. Anong sino? So hindi lang si Cathy? So marami pa sila? Na hindi pa lang niya na-a-add pero nagpaplano na?
"Come on, you dork,"
Mayamaya ay humalakhak siya. "Wait, wait . . ."
I am fighting the urge to end the call. It's so unfair that I feel like I am about to explode here while there he is feeling chill and he even has the audacity to laugh? To giggle? Like something is really, really good?
Maybe he finds that Cathy good, huh?
"Si Cathy ba?" He chuckled after.
"Kinikilig ka, ah. Ang ganda niya, 'no?"
"In-add niya ako sa Facebook. Nagkasalubong lang kami kanina sa hallway. Nakita mo pala . . ."
"And you didn't even bother to tell me?" Tumaas ulit ang kilay ko. "I mean, sabi mo nga in-add ka, ba't 'di mo sinabi sa 'kin?"
Tumahimik na naman siya kaya mas lalo akong nairita. "You like girls that are younger than you, Cal, huh? Tapos C pa talaga ang first letter sa pangalan? Ano 'yan? C obsession?"
"Darling, calm down," he answered huskily, tila naghalo-halo ang panic at pagkatuwa niya. "How can I like her if I am into you, huh? What's with that C obsession, anyway?"
"Kwento mo sa mama mo," bulong ko.
"I am so sorry, next time I will tell you if someone adds me, messages me or whatever."
"Tsk!" Pinandilitan ko siya ng mata kahit 'di naman niya ako nakikita. "Pro ka na talaga sa paggawa ng mga excuses, 'no?"
"Chesly naman," ungol niya habang tumatawa. Babaero na nga crazy pa.
"May patawa-tawa ka pa riyan? Kinikilig ka sa kaniya, 'no? Ano ba ang topic niyo kanina?"
"She just asked me kung ano'ng magandang strand, since she's still undecided until now."
"Undecided pala, eh dapat GAS na kaagad ang kaniyang piliin?"
"Gusto niya pang kilalanin ang ibang strand."
"Wow! Alam na alam mo, 'no! Ang tindi na siguro ng bond niyo, 'no?"
"What—?"
"Alam mo, kung ako sa 'yo, siya na lang ang liligawan ko. Ang sabihin mo, attracted ka sa kaniya kaya ina-accept mo."
"I will end this audio call. Let's video call," aniya lang.
I answered his call boredly.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang swivel chair at nakatitig nang maigi sa screen. He's wearing a white sando shirt, basa ang buhok, at mukhang nakatatak pa rin sa utak niya ang Cathy na 'yon.
"Cute mo naman," him.
I rolled my eyes. "Tapos maganda 'yong babae mo, 'no?"
Nagkagat labi siya habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay naghihintay na may masabi siyang mali.
"I already unfriended her," he announced, smiling. "Hindi na po ako mag-coconfirm without your consent. How about you? Nadagdagan din ang friends mo, ha? The last time I checked, it's 2, 190, now it's 2, 196."
"Nag-accept lang ako—" I stopped from defending. "But iba pa rin sa case mo, 'no, kasi kayong dalawa is may personal interaction talaga!"
"Okay, I get it, I get it. I am sorry kasi ni-accept ko si Cathy. I am sorry rin kasi nag-accept ka without my consent."
Binigyan ko siya ng nanunuring tingin, saka tumawa na naman siya.
"So, hmm, settled?"
Tumahimik ako sandali.
"Do you want her to talk—"
"What? No!"
"Okay, then, what my Chelsy wants?"
Ngumuso ako. "Milktea bukas, during recess."
"Noted, ma'am." He grinned like an idiot.
"Good mood na?" Ngumuso si Johoney sa 'kin. Katatapos lang namin kumain at 'di ko namalayan na puro pagngiti lang ang nagawa ko, 'di 'yon pinalagpas ng mga kaibigan ko kaya todo tukso na sila ngayon. "Nag-bebe time kayo ni Cal kanina, ano, kaya nawala ang selos sa dibdib?"
Nag-apiran lang sila, at tumayo lang ako saka nag-volunteer na maghugas. Cooking is a basic skill pero wala talaga akong tiwala sa sarili ko, kaya paghugas o kaya pag-hiwa ng iilang mga ingredients lang ang naiaambag ko.
"In-unfriend niya si Cathy. Ang babae naman daw kasi ang unang nag-add," kwento ko. 'Di pa kasi sila umaalis sa kanilang mha pwesto, kaya siguradong hinihintay lang nila ang explanation ko. Mga tsismosa, e'.
"Nagpasuyo ka?" si Pearly.
Nilingon ko sila saglit. "Hindi, ah! Nanuyo siya nang kusa!"
Tumawa si Allysa. "Magkaiba kasi ang nagpasuyo sa kusang sinuyo, Pearl."
"Ahh, okayy," sagot naman ni Pearly habang ngumingisi pa rin.
Kahit na dinepensahan ako ni Allysa ay feeling ko may panunukso pa rin sa sinabi niya! Lalo na ngayong lahat sila ay madalas nagbubulungan.
"So," si Allysa, "kailan mo siya sasagutin?
"May chance ba talaga siya sa 'yo?" si Pearly.
"Are you really willing to take a risk?" si Johoney. "Risk your heart . . ."
Nagpunas ako ng kamay saka napaisip sa mga tanong nila.
As of now, wala talaga akong ideya kung kailan ko siya balak sagutin. But I am close to giving in. And yes, he has the chance. Even it means I needed to risk my heart.
Sa totoo lang ay nakikita ko na ang mga posibleng mangyari if we become official. People who know both of us will surely be shocked. Paniniwalaan nilang at the end ay lolokohin ako ni Cal because he is entitled to being like that.
They will also assume that I am too dumb to allow myself getting fooled by him.
Pero overall, di naman 'yan talaga ang nakakabagabag sa 'kin, kundi sina mama at papa . . . Sina kuya. Ang magiging opinyon nila. I already gave them enough disappointments sa acads. And I don't think they'll encourage me to have a romantic relationship while studying.
Pumasok naman sa isip ko na kung maging kami nga ni Cal ay itago na lang sa lahat ang relasyon namin, excluding from my friends dahil alam na alam na nila ang takbo ng relasyon namin.
Hindi ko rin alam kung okay ba kay Cal ant ganiyang set up.
Ramdam ko na proud siya sa 'kin. It's weird, actually, because he seemed like more than ready to shout to the whole world how he likes me.
Hindi ko nasagot ang mga tanong ng kaibigan ko, at 'di rin naman nila ako pinilit pa. After that, kaniya-kaniya kaming paalam para makatulog na.
Cal didn't forget to send his "goodnight, sleepwell". Ako lang 'tong hindi nag-reply at nag-study na lang muna para i-distract ang sarili sa pag-iisip sa future.
"Bakit naman? Bakit hindi niya na lang tapusin ang semester? Well, she can definitely continue her study abroad, but for what reason?"
Kapapasok pa lang namin ng mga kaibigan ko sa classroom ay tila may mainit na namang chika ang sasalubong sa 'min.
"Chelsy, alam mo na ba?" tanong naman ng classmate ko sa likuran ko.
Umupo ako, takang-taka. "Ang ano?"
"Our school page just recently posted something. It's about Amethyst, an SSG Officer transferring to another school. At sa Australia pa talaga!"
"Ha?" I spaced out a little. "Why?"
"'Yon nga rin ang pinagtatakhan namin, eh. Hindi rin isinali ng school ang reason sa post nila. I believe it's something personal that's why . . ."
I know na kahit ilang oras pa akong mag-isip ay 'di ko pa rin malalaman ang eksaktong dahilan. Hindi ko rin naman kayang pagkatiwalaan ang mga nalalaman ko sa iba.
Kung may isa mang pwedeng tanungin ko, si Cal na 'yon.
"Update mo kami kapag alam niya," si Pearly na kanina pa nakikipag-tsismisan. Tumango lang ako at lumabas na ng room. Nakasalubong ko si Cal at biglang lumiwanag ang mukha niya.
I sensed something wrong in his energy seconds ago. Hindi ako pwedeng magkamali. And now I can't help myself but to overthink about it. What if he's very much affected sa pag-transfer ni Amethyst? Because if he really is, then it just means that he still likes her.
"Friends mo?" he asked.
"Walang gana sumama. Nakikipag-tsismisan pa sa room. Saan tayo kakain ng lunch?" Luminga-linga ako para maiwasan ang titig niya. Pero aaminin kong 'di ko naitago ang pait sa aking boses.
"Labas tayo. Libre ko."
He offered his hands, and I immediately understood what he meant. Pinasa ko sa kaniya ang bag ko. He carried it using his right arm.
"About Amethyst, uhh," bulong ko.
Parehong bumagal ang paglalakad namin
What if he finally realizes what he truly feels?
"Nagpaalam na rin siya sa 'kin," ang sagot niya. Halatang-halata ang tamlay sa boses.
What if he is just planning to confess what he truly feels? That he's still into Amethyst. All this time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top