CHAPTER 25

"Why is he here?"


Nabagabag ako sa bulong ni Allysa. Abala sa chismisan sina Pearly at Johoney, sila Amethyst at Cal lang naman ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ko alam. Hindi naman nasabi ni Cal sa 'kin... " I breathed in and out, "na rito sila magdidate."


Para akong natusok sa titig ni Allysa kahit hindi naman ako nakatingin sa kaniya. It's like something in what I said bothers her.


"Are you jealous?" she frankly asked a later on, which made me stand up. Awkward kong binalingan ang mga kaibigan ko at bumalik sa pagkaupo. "Are you?" pag-uulit niya.


"I am not!"


Mamaya lang talaga 'yang si Cal sa 'kin. He's aware na rito ang bagsak ko after ko silang bisitahin. Kung talagang desperadong-desperado na siya na maka-date si Amethyst, sana ay sa ibang lugar na lang.


"Balik lang ako sa room. Do you wanna stay here?" Allysa snoozed in front of me that's when I knew she's sleepy. Naparami-rami 'ata sila ng kwentuhan ng parents ni Warren habang wala ako. And speaking of them, hindi ko pa sila nakauusap simula noong bumalik ako.


I would like to apologize dahil palitaw-litaw lang ako.


Allysa went gone together with Pearly and Johoney. Ayaw ko rin naman na umalis sa pwesto ko kasi, hello? Why would I even leave in the first place? Hindi dapat ako ang mag-aadjust, 'no! Hindi porket nandito sila ay ako ang lalayo.


"Hey!" Dumating si Warren na hinihingal, pareho kaming nakabaling sa iisang direksyon. "Ang liit naman talaga ng mundo. Aren't you comfortable? We can transfer-"


"Warren, nakahihiya naman. It's okay. I like to be here."


Umupo siya sa tabi ko, kasabay ng pagdampi ng balat niya sa balat ko ang pagtinginan namin ni Cal. I expected his eyes to tease me, or to look cool like what those orbs always do. But he's... Irritated? At siya pa talaga?


"Are they dating? Akala ko ba wala nang sila? Are those rumours not true?"


"They are dating," pag-reply ko. "Bagay sila, actually."


"Yeah..." he unsurely whispered. Pagbaling ko sa kaniya ay nakabaling na pala siya sa 'kin. I felt guilty to see him watching me beautifully. I felt guilty knowing that I can't look at him the same way he does. I felt guilty to the point na may kakaunting part sa 'kin ang gustong gustuhin siya pabalik. Because he's him. He deserves to be loved back.


My thoughts were interrupted when the crowd roared. Pagbaling ko sa isang direksyon ay nakita ko si Cal na nakikipagsagutan sa isang lalaki.


Napatayo ako.


"What's wrong with you?!" and it's a foreigner that he's having an argument with. Pero wala sa kaniya ang atensyon ko, kundi kay Cal na nakakunot ang noo at parang kaunting tapik lang sa kaniya'y puputok na.


"Sir, I am sorry." Pumagitna ang nakaiiritang si Amethyst. "My boyfriend's drunk. I am sorry, we will leave now." She grabbed Cal's hands. Tumaas ang kilay ko sa nakita. Ang dami nilang issue ni Cal na kuno wala na sila, pero hindi naman ganoon ang pinapakita nila. They're giving us mixed signals. Lalo na tong lalaki na 'to. Nanliligaw sa 'kin habang lumalandi ng iba. The audacity of this dork.


I walked away before they could do so first. Hula ko'y hindi rin naman aware si Amethyst sa presensya ko kanina.


"Hala galit," bungad ni Pearly sa 'kin. "Knock, knock. Who's there? Galit who? Si Chelsy."


Nilampasan ko siya sa sobrang pagkairita ko. "Hala, galit talaga!" she cried out.


I can't wait to go home and leave this place. Kung 'di lang talaga epal ang dalawa na 'yon kanina ay baka ganahan pa akong sulitin ang bakasyon na 'to.


"You look mad. Hindi bagay," tumawa si kuya. We're having a video call and it's because pinilit niya ako. Hindi raw kasi siya masyadong busy at na-mi-miss na rin ako. "Has Rynierre texted you?"


"Yeah." Nagkamot ako ng ulo. Ang tagal naman mag-4. "We talked about the incoming christmas. Unfortunately, he can't be with us. He's busy reviewing."


"I will celebrate with you, together with Mom and dad."


"Not sure if sasali si dad, tho."


Wala ako sa mood makipag-usap kay kuya kaya hanggang sagot lang ako sa mga tanong niya. Gusto ko sanang magkuwento sa kaniya pero duda akong maiintindihan niya ako. Baka nga'y kulitin pa ako kung sino ang tinutukoy ko.


"Cal is outside," rinig kong sabi ni Johoney. "Nag-chat siya sa akin kung bakit hindi ka nag-rereply sa kaniya at nakiusap na pagbuksan siya ng pinto. Nakaka-amaze lang kasi ang daming "pls" sa messages niya."


Siniko ako ni Allysa. "Papasukin mo."


"Oh, tapos kayo ang kumausap." My maldita side really is showing at hindi ko na ma-control ang sarili ko. My friends laughed including Allysa, even if there's nothing to be happy about.


At 'yan namang lalaki iyan. Ang hirap intindihin. Nakalilito. Bakit na naman kaya gusto akong makausap? Nasaan na ba si Amethyst at hindi sila magkasama? Aren't boyfriend and girlfriends always stick around together?


"Communication is they key, pero si Chelsy ang kalaban mo," Allysa whispered and just giggled. "Kausapin mo. Magtataka sina Johoney at Pearly kapag 'di ka gumalaw riyan."


I stood up. It felt like I was swallowing my whole pride. Hindi ko pa nakahaharap si Cal ay parang gusto ko nang manumbat.


Kaya noong nagkaharap na nga kami at nakitang iritado rin siya ay tuluyang kumulo ang dugo ko. I mean, nauna ako, kaya bakit nakisasali pa siya?


"Ang tagal naman. Still reminiscing about your moments with Warren?" Pinanliitan niya ako ng mata. Pinagsasabi ng lalaki na 'to?


"Why are you here?"


Sumilip siya at pinagbigyan ko. Hindi nga lang nakuntento at tuluyan na ngang pumasok.


Pearly, Johoney, and Allysa looked at each other, communicating using their eyes.


"I think you guys need to talk to each others so I am leaving," Allysa frankly said.


Habang si Pearly ay nagsabing maliligo muna sa labas kahit basang-basa pa ang mga buhok nila from shower.


"Where's Amethyst?"


"Where's your Warren?" Sabay kaming nagtanong pero siya ang unang sumagot.


"Akala ko ba magkasama kayo sa iisang room?"

"What are you blurting about?" Tumaas ang boses ko sa narinig. Nakakapang insulto lang dahil pumunta lang siya rito para sabihin ang mga kataga na iyon. "Nasaan si Amethyst? I thought you're dating?"


"We are not. Caliver is discharged and he wants to be somewhere relaxing. Alam kong nandito ka kaya rito ko na lang siya dinala."


But still, Amethyst and him are dating. Bakit ayaw niya pang aminin?


"Again, we are not dating. I bring her along because Caliver will be happier if I do so."


Napasimangot ako, hindi pa rin kumbinsido. "And what's with that explanation? Keep it to yourself. I don't need that."


Lumapit siya sa 'kin kaya hinanda ko na ang mga paa ko incase na hindi siya tumigil sa ginagawa. He left at least two meter distance between us but it still makes my heart race.


"Is he also courting you?"


I am not dumb not to know who he is referring to.


"I can't just take advantage to people's feelings, Cal. Hindi ako tumatanggap ng dalawang manliligaw. Hindi ako katulad mo na kayang makitang nasasaktan ang mga may gusto sa 'yo. I will never be like you."


Tumahimik siya at walang kurap akong tiningnan. Here's this familiar guiltiness again... Wala lang naman sa 'kin noon na maging honest sa harapan niya, pero ngayon ay parang sa bawat masasakit na salitang binabato ko ay tumatama rin pabalik sa 'kin.


"Are you forced? Forced in allowing me to court you? Do you like him? Gusto mo ba siya to the point na kinamumuhian mo na ako sapagkat parati kong inaagaw ang atensyon mo?"


"What . . . Are you saying?"


"Do you regret allowing me to court you?"


Naghanap ako ng kung ano sa kaniyang mga mata. I can't believe I am seeing hatred, pain, and jealousy. Nakatatawa lang dahil kani-kanina lang ay gustong-gusto ko na siyang awayin habang kasama niya si Amethyst.


"I hate you, yes," ani ko. I hate you. I hate you because I didn't regret allowing you to burden my life. I hate you because you seem like comparing yourself to Warren. "I hate you, Cal."


"I hate you, too, Chelsy." His voice husky, chest heaving up and down. "I hate you because you're making me run wild. I hate you because it's easy for you to smile in front of him. Habang kapag ako ang kaharap mo ay tila hinihiling mo na gusto mo na lamang ako maglaho."


"Are you tired? Then stop."


He stepped closer to me and positioned his lips near my ears. His presence brings fire and suddenly the room feels hot. "I won't stop hating you, darling. And this is a pledge."

Umalis siya matapos ibulong 'yon. I tried to catch my breath as I sat on the bed. He was jalous. So that's how Jealous Cal seemed and felt like . . . Flammable.


Hindi ko na siya namataan matapos ang maikling pag-uusap namin kanina. It's time to go home and be ready for Monday's class.

Sa apartment diretsong tumungo ang mga kaibigan ko, habang bumisita muna ako sa bahay para makapagmuni-muni. I went to our garden and that moment with Cal popped up in my head again. His whisper. That damn pledge of him.


Habang iniisip ang mga nangyari kanina ay sumasakit ang dibdib ko. Ang makita silang magkasama... Ang makita sila ng kapatid niya na komportable kasama si Amethyst.


"What is my princess thinking about?" I heard dad's voice. I saw him beside me and immediately hugged him. "Your Mom is at work. Balita ng kuya mo'y nandito ka kaya umuwi ako."


"Is there something wrong, pa?"


He kissed my forehead. "Nothing. I just missed you. I miss my princess."


I close my eyes, fighting the urge to tell the things that make my heart weak. He's a good listener and I know he won't judge me. Pero sa huli'y dinaan ko na lang sa ngiti ang lahat. Hindi lahat ng problema ko ay kailangan nilang malaman. May problema rin sila sa trabaho at ayaw kong dagdagan.


"Anyway, dear, is New York one of your favorite places?"


Tumango ako. "Yup, dad. Why did you ask?"


"I am going to have a long Christmas break. Sasabihin ko pa 'to kina mama at kuya mo. Naalala ko rin 'yong kwentuhan natin last Christmas season, sharing us your dream places."


"Papa." Niyakap ko siyang mahigpit, na agad din niyang sinuklian. Mom would surely be happy to know this. "You make waiting for the Christmas day more exciting, dad. Thank you so much."


"Oh, bakit parang 'di ka masaya? 'Di ba 'yan 'yong matagal mo nang gusto? Ang magkasama niyong i-celebrate ang Christmas at New Year?" Nagsuklay si Johoney sa harapan ko.


Nilagay ko nang maayos ang mga school supplies sa aking bag saka bumuntong-hininga.


"Of course, I am happy about that. Pero hindi naman kasi iyan ang pinangangambahan ko."


"Edi, ano?"


How I wish I could bravely mention his name.


"Tara na," aya ni Allysa, at lutang naman akong sumunod.



Nang nasa loob na ng campus ay siya kaagad ang hinanap ng mata ko. Tiningnan ko ang mga lugar kung saan siya madalas magtambay kasama ang mga tropa pero hindi ko naman siya mamataan.


"Hindi lang ba ako ang nakakapansin?" mahinang ani ni Johoney. "Na hindi na natin masyadong namamataan si Cal na maraming babae nakapalibot sa kaniya? Unlike noon na 'di mabilang ang mga nakabuntot sa kaniya?"


"Ganiyan talaga kapag may girlfriend na." Napatingin sila sa 'kin nang sabihin ko 'yon.


Wala akong natanggap na messages galing sa kaniya. Hindi ko rin siya namataan sa corridor. Noong una akala ko ay absent siya pero narinig ko sa usap-usapan ng mga classmate ko na present naman 'to pero hindi lang gumagala.


"You hate me, but I hate you more," sabi ko sa isipan ko.


Bumalik sa isipan ko ang nakita kahapon- si Amethyst, si Caliver, at si Cal na magkasama.


I did my best not to get distracted during classes. Gusto kong panindigan ang pinangako ko sa sarili na i-improve ko ang grades ko. Pero malaking parte ng isipan ko ang 'di pa rin kayang mag-focus.


"Cal is outside. Hinahanap ka, Chelsy," a classmate of mine whispered to me. I flexed my neck, only to see Cal standing near the windows. Our eyes met, but I looked away. Ano na naman ba ang gusto niyang mangyari?


"Jerose," I called her back, "puwede bang lapitan mo siya at sabihing may ginagawa ako?"


She hesitated. "But he was here hours ago, too. Hindi mo ba talaga kauusapin kahit sandali lang?"


Bumaling ako sa mga kaibigan ko. I don't think they don't hear what I am saying, pero masyado silang abala sa pagsagot ng assignment. It's supposed to be done at home pero pinili nilang sagutan 'to in advance.


"Ayaw ko muna siyang kausapin," bulong ko.


My classmate did what I told her. Ilang minuto siyang nakipag-usap kay Cal. He looked irritated because I didn't dare to talk to him. Umakma pa nga itong papasok pero dumating na ang isang subject teacher namin. He gave me an I-am-annoyed look, while I watched him leaving.


From Cal:
Why aren't you responding to my chats?


I didn't dare to open my phone again. Bahala siya riyan.


During lunch break, I received a milktea from Warren. Hindi siya mismo ang nagbigay pero may notes siyang pinabilin sa delivery na nagsasabing it's his choice to continue showing his affection towards me.


"Galing kay Cal?" si Pearly. Sila ni Johoney ang unang tumikim ng milktea. Wala si Allysa dahil inutusan ng adviser namin na kumuha ng papers sa Principal Office.


"Kay Warren."


Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa ubos na ang milktea nang 'di man lang ako nakatikim. Ngiting aso naman ang dalawa at bumalik sa kanilang mga upuan.


Sa isang subject class ay may pa-surprise quiz after discussion. It's a good thing na nakinig ako nang mabuti. Hindi kagaya ng dati na kaya kong i-perfect pero atleast ay limang items lang mali.



Bago ako makalabas ng room ay isang bulto ang humarang sa 'kin. Kung iritado si Cal kanina, ngayon ay galit na. I hate that he's angrier than me. Kung tutuusin ay siya ang mas maraming atraso sa 'kin.


"Nasaan si Amethyst?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Bakit mo ako iniiwasan? And what's with that attitude face?"


"Pake mo." Akma akong hahakbang nang pinigilan niya ang legs ko gamit ang isang kamay niya. Sa sobrang gulat ay nasabunutan ko siya. He didn't look affected by that but he stepped forward anyway.


"What's wrong?" Nagtago siya ng ngisi.


Oh, the problem's asking me what's wrong!


"Tanungin mo sarili . . . Mo!"


Kumunot ang noo niya at saka tuluyan nang ngumisi. God, bakit ba may ganitong tao? "Your legs are so sexy."


Pinagkrus ko ang aking mga braso sa dibdib ko. I know his cocky side very well, lalo na 'yong pagiging cause of headache niya. Pero 'yong i-compliment niya ako in a way na nanlalandi ay nakapapanibago!


"Caliver was looking for you, anyway. His birthday is on December 24. If you're free, you can come to our house."


"Birthday niya?" ulit ko. "Pero hindi ako sigurado if makadadalo ako knowing na plano nila mama at papa na magbakasyon sa ibang bansa."


"Saan?" His lips formed into a thin line.


"Sa New York. Pero if gusto ni Caliver na magkita ulit kami, maaari naman akong makabisita before December starts."


Gusto ko pa sanang tanungin kung hinahanap-hanap pa rin ba si Amethyst ng bata. At since alam ko nang Oo ang sagot kaya natahimik na lamang ako.


"So back to the topic, why were you avoiding me? May nagawa ba akong kasalanan?"


Senenyasan ko siyang tumabi pero ang tigas talaga! Makikipag kita pa ako sa mga kaibigan ko sa seven eleven. May kaniya-kaniya kasi muna silang pinuntahan kaya naiwan ako rito sa room. Kung alam ko lang na hanggang uwian ay manggugulo ang lalaki na 'to edi sana ay sumama na lang ako kay Allysa.


"Kahit sabihin ko, 'di mo rin naman maiintindihan, Cal." Because you're insensitive. Walang initiative. Hindi marunong makiramdam. "And please, huwag ka ngang pumunta rito during classes. Tuloy ay na-i-issue tayo!"


"That's what I actually want." He smirked.


"Maybe sa part mo, nakaka-cool siya. Well, 'yan naman talaga ang objective mo, ang umaktong cool at magpapansin."


Humalakhak siya. "You're being too mean, darling. Mas lalong sumasakit mga sinasabi mo." He seemed enjoying this scenario. "Kailangan kong malaman kung ano ang pinagmumulan ng galit mo para maayos ko ang problema."


"Unahin mo munang ayusin ang problema niyo ni Amethyst," I whispered. Hindi ko intensyon na iparinig sa kaniya ang mga kataga na 'yon, pero 'yon lang kasi ang pumasok sa isip ko. Ano ba ang gusto niyang ayusin sa 'ming dalawa? Eh, ang laki-laki pa ng problema nila ni Amethyst.


"So, my darling is jealous, huh?" he accused, grinning like an idiot. "Matagal na kaming tapos ni Amethyst. We broke up months ago. Siya lang 'tong pinapalabas na may relasyon pa rin kami."


"Litong-lito na ako sa takbo ng buhay mo, Cal, sa totoo lang." Sa dami rin kasi ng mga babae mo.


"Edi pasukin mo para 'di ka na malito."


Argh, ewan ko sa 'yo.

"I know that it's not easy to trust me, but I want to change my whole self to deserve you." At dahan-dahan, sumeseryoso na ang boses niya. "I fucked up. My life is still fucked up. And honestly, I am also adjusting to the changes. Pero makakaasa ka na seryoso ako, sa 'yo, sa mga katagang binitawan ko. Ang pakiusap ko na lang sana ay mabigyan mo pa ako ng oras para mapatunayan ko ang sarili ko."


Nginitian niya ako nang walang halong panlalandi. Just a genuine smile of his. "I am willing to cut off anyone that makes you uncomfortable, darling. If I need to say assuring words again and again then I don't care. 'Cause I found out that words of affirmation is one of your love language."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top