CHAPTER 24
"So, hindi ka magtatagal?"
Hindi ko namalayan ang minuto habang kausap siya. He just mentioned na ang kapatid niya ang nasa hospital ngayon at pumunta lang dito para makita ako. I can't be grateful. Mas importante pa rin ang kapatid niya! Kahit na nasa hospital rin ang mga tita niya't tumutulong sa pagbabantay!
"Yeah," bulong niya at nilabanan ang nag-aakusa kong tingin. "Do you want to meet him?"
"If it's okay," I whispered back. "You must go. Mas kailangan ka niya roon. At, huwag ka nang umangal pa. Kailangan ko na ring makipagkita sa mga kaibigan ko."
"Tatayo lamang ako kung mauuna ka. I will watch you leave first."
A smile formed in my lips. "'Yan lang?"
"'Yan lang," he echoed, and I stood up and walked away.
Hindi ko na siya binalingan pa at baka maisipan pang 'wag nang balikan ang kapatid. Bumalik ako sa lugar kung saan kami nag-dinner at payapa nang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan ko, unaware sa nangyari kanina. Johoney must be still unaware na dahil sa Facebook stories niya ay natagpuan ako ni Cal.
"Hey, Chelsy, aren't you sleepy yet? I would like to invite you for a walk," nakangiting sabi ni Warren sa 'kin. And who am I decline? I heard Johoney and Pearly' gasps, while Allysa's just reading my face.
"Hindi pa naman ako inaantok," sagot ko. "Tara."
Nakakatawa lang dahil kung saan kami patungo ngayon ay kung saan kami nag-usap ni Cal kanina. I tilted my head into side, forgetting that scenario. Hanggang ngayon kasi'y siya pa rin ang nakatatak sa isipin ko-lalo na ang patungkol sa kapatid niya.
"The moon is beautiful, isn't it?" Warren broke the silence. "It shines alone. It devours the whole sky beautifully."
Kapwa kaming nag-squat at hinayaang upuan ang napakapinong buhangin. The wind is as romantic as the waves. Sa bawat paghampas nito, bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. The way I was surprised because of his arrival. The way my heart was moved because of his brother's story. The way my soul was touched when he let me walked away first before he left.
"Warren, I know it's so awkward to say this, but how much do you like me?" Kinagat ko ang sariling labi. "Like, in a scale of 10, how much do you like me?"
"Numbers are not enough to describe my feelings toward you Chelsy, and I am sure of that. You ... have actually surpassed the limits."
Napaawang ang labi ko sa narinig. I just feel guilty because honestly, I can't reciprocate his feelings. I can't like him back the way he likes me. At alam ko rin na it will be more unfair if I would continue giving him motives. Maybe it's time to clear things out.
"I appreciate your kindness, Warren. Just like the moon, you can devour the whole sky alone as well."
Natawa siya nang mahina. "I know what you are going to say next."
"I am sorry." Napayuko ako. All of my life, no one ever told me how painful it is to reject a good guy. No one warned me how uncomfortable in the feeling to make someone stop pursuing you because you know to yourself that you can't reciprocate their affection. That they deserve someone and that someone isn't you.
"But, this is one-sided because . . ."
"Because you don't like me."
"I am so sorry."
I dared to look at him, only to witness the living pain in his eyes. Ever since we met, ito ang unang beses na napaka-vulnerable niya sa paningin ko na tila isang tulak lang sa kaniya ay mapapahiga na siya sa buhangin.
"You deserve someone better," sa mahinang boses na ani ko.
"But I want that someone to be you."
"I couldn't, I am sorry."
"What's the reason? Sinagot mo na siya?"
Napatitig lang ako sa kaniya.
"dahil kung hindi pa, then hindi pa tapos ang laban."
"Ayaw ko lang na paasahin ka, Warren. You are such a good guy and you don't deserve unsure feelings. Kapag lalo kasi 'tong pinatagal . . . Mas lalong masakit ang resulta. You're important to me. And protecting your heart . . . Is one of my goals."
"Damn it," mura niya sa nanghihina na tono. "The moment I decided to pursue my feelings for you, alam ko nang masasaktan ako. But I still took the risk. Kaya hanggang 'di pa kita nakikitang yakap-yakap ng mga mabuting bisig, 'di ako titigil, Chelsy."
"Bakit ako? Alam kong may mga kakilala ka na gustong-gusto ka. Mga babae na alam mong 'di ka sasaktan, kaya bakit ako?'
"Why not you?" Suminghap siya. "You are worth the risk. Sumugal ako, susugal, at patuloy na susugal para sa 'yo. If it's not you, then I am not willing. Chelsy, I am crazy over you! So, please, don't push me away. It's my decision to stay by your side. Rerespeto lang ako kapag . . . Kailangan ko nang rumespeto."
"I know I have competitors. At isa na roon si Cal. I respect if you also entertain him. Oo nagseselos ako, pero wala akong ibang magagawa. Hindi kita masisisi."
"This is very unfair to your side."
"I can handle it. Just don't push me away like this. I am begging you."
I don't know how to respond to his words. Gusto kong magwala dahil ang plano na iligtas siya sa mga posible pang mga sakit ay 'di natuloy. But it's his happiness to continue pursuing me! Alam ng Diyos kung gaano kahirap ihiwilay 'to sa kaniya!
"May pupuntahan pala ako bukas," nagbukas ako ng panibagong topic matapos ang ilang segundong katahimikan. "Ang plano sana ay hanggang linggo tayo rito, but I have some important to do tomorrow. I will convince my friends to stay here."
"Are you ignoring me?"
"No, Warren," sabi ko kaagad. "I really can't say the reason why I will not be available tomorrow. But, swear, I am not ignoring you."
"Gusto ko lamang masigurado. I want you to feel comfortable with me. Kaya naisip ko na baka 'di ka na komportable dahil sa mga sinabi ko kanina."
I tapped his shoulder, and his eyes went to my hands so I slowly took it off. "I like how vocal you are. It takes a courage to spill your feelings out that's why you confessing means a lot to me."
"Manliligaw pa rin ako," he stated with full conviction. "And I am offering my whole self, Chelsy."
Nang gabing 'yon, 'di niya na muling binuksan ang ganoong topic. Gulat pa rin ako syempre, sa pagkaaaalam kung gaano siya kaseryoso sa kaniyang desisyon. He could have surrendered, which is maiintindihan ko. Dahil walang kasiguraduhan, e'. He's like investing to a company that can't promise good shares.
But he has chosen the complete opposite of a realistic decision.
That night, before I slept, I read Cal's goodnight messages, annoying me in his own ways. Kapag naman tinatanong ko sa kaniya ang patungkol sa kapatid niya'y lumilihis ng usapan. Though, nakuwento niya kung saang hospital sila ngayon. And I hate to admit it but I have the urge to visit his brother and check his condition.
I am the youngest daughter in our family, that's why my heart is soft when it comes to children. Dahil sa palagi akong mag-isa sa bahay, palagi kong hinihiling na sana'y may bunso akong kapatid.
"Are you really sure, hija?" Ma'am Karella confirmed. "Gusto mo bang magpahatid kay Warren?"
I smiled genuinely. "Thank you po pero inanyayahan na po ako kanina ni Warren. The thing is on the way na po si kuya para sunduin ako."
I have already explained the reason to my friends, except sa family ni Kurt. Sinabi ko lamang sa mga 'to na may emergency sa bahay. At about naman sa mga kaibigan ko . . . They have a lot of questions about me reason of going to a hospital. Noong sinabi ko ang patungkol kay Cal ay natulala lang sila at 'di na nakapagsalita pa.
"Are you in a hurry?" bungad ni Kuya Adrian nang nasa loob na ako ng sasakyan. "What's going on, anyway? I thought you're in a vacation with your friends? Ano'ng gagawin natin sa hospital? Are you sick?"
"I am not in a hurry. Nakapagpaalam naman na ako sa mga kaibigan ko at nakapag-explain na." I needed to lie. "I have a friend and she's in the hospital right now."
"So, a girl?" he sounded like accusing me.
"Yeah."
"Wala ba siyang guardian?"
"Kuya, I would just like to visit. Ang issue mo. Kahit samahan mo pa ako patungong hospital room niya."
That made him laugh. "May kikitain pa ako kaya 'di na kita masasamahan. Ano'ng oras ka magpapasundo mamaya?'
"Thanks, Kuya, pero magko-commute na lang 'ata ako."
Tumango siya.
Hindi ako pamilyar sa hospital na tinatapakan ko ngayon. Bukod kasi sa private 'to ay nasanay ako sa hospital nila mama bumisita.
I found Cal's brother's room, and I knocked twice before entering. Nabungaran ko si Cal na naka-nap habang katabi ang isang bata na tila bagong gising. His expressive eyes stared into me. Para akong nahipnotismo ng mga 'to. Medyo singkit ang mga mata nito na mas lalong pinasingkit ng sakit.
"Beautiful," he commented, looking comfortable even though a stranger like me is around. "You are pretty. Are you Cal's classmate?"
"I am your kuya's friend." Lumapit akong dahan-dahan sa kaniya, habang pinagmamasdan sa aking peripheral vision ang lalaki na mahimbing na natutulog. "How are you feeling? Naikuwento ka ng kuya mo sa 'kin kagabi . . ."
His eyes shone. "Were you with him? Noong nagising ako kagabi, he wasn't by my side."
Ayaw kong magsinungaling sa kaniya at sabihin kung ano talaga ang relasyon namin ng kuya niya- na nanliligaw siya sa 'kin. Pero duda akong capable na siya para marinig ang patungkol sa ganiyang mga bagay. At saka, malay ko rin kung si Amethyst ang kinikilala niyang girlfriend ni Cal.
"Yes, sino'ng nagbantay sa iyo kagabi?" I asked softly. "Kumain ka na ba? Kayo ng kuya niyo?"
"Dad was here. He was here when kuya's not around. Sabi niya kagabi, ate, na may kukunin lang siya sa bahay-"
Natigil siya sa pagkukuwento nang nagising si Cal na napatayo nang makita ako. Ilang ulit niya pang pinunasan ang mga mata niya na parang sinisiguradong 'di siya nanaginip.
"You didn't text me," aniya.
"Bakit, noong bumisita ka ba kagabi ay nagpaalam ka? Hindi, right? So we are fair?"
Little by little, a smile was formed in his lips. Hinahaluan ng pagkagulat at paghahamon ang mga mata niya. Gulat dahil nandito ako, paghahamon siguro dahil nag-a-assume na may malalim na dahilan kung bakit ako narito.
"I am here for your brother," depensa ko na. "Assuming."
Tinawanan niya lang ako at tumayo. Kinuha niya ang supot na hawak ko na may lamang mga prutas na binili ko sa labas. I feel being watched by him kahit na nakatalikod na ako sa kaniya.
"Don't leave your brother alone here, Cal."
"I won't anymore. Ngayong araw ay pwede na siyang makauwi, pero patuloy pa rin ang consultation with our family doctor."
"Kuya, she's so beautiful," sabat ng bata at winagayway ang mga kamay sa ere. Napakainosente niyang tingnan. Kaya't ang hirap tanggapin na na-bubully ang bata na 'to dahil 'di niya kayang ipagtanggol ang sarili.
"She is. At sa 'kin siya."
Sandali kong binalingan si Cal para mahampas sa braso.
"Sa 'yo siya, kuya, pumayag ba siya?"
Silence.
Natawa ako nang tuluyang ma process ang narinig. Natawa ako sa content ng sinabi niya at sa kung gaano siya ka-inosente!
"Kung 'di lang talaga kita mahal, eh," rinig kong hinaing ni Cal.
"I don't need permission from her, Caliver. Because she's mine whether she likes it or not," malakas na ang boses nito. "Right, Chelsy?"
"Ewan ko sa 'yo. Kung ano-ano na lang tinuturo mo sa kapatid mo!"
Nagbalat siya ng orange at binigay sa 'kin at sa kapatid niya. I watch him taking care of his brother and I can't say that he's a bad brother to Caliver.
"You're pretty," Caliver complimented me.
"Of course, she is," si Cal.
"Thank you," binalewala ko si Cal, "Caliver. Ang pogi-pogi mo rin."
The boy blushed. Cute.
"Are you Ate Amethyst's friend, too?"
Three seconds of silence joined the scene until I had the urge to reply.
"We are."
Namungay ang kaniyang mga mata. "Then, can you ask her when will she visit me? Noong isang araw, tumawag siya sa phone at sinabing bibisitahin niya ako. I can't wait to know the specific date!"
"Caliver," Cal growled, "they are not friends."
"But she just said-"
"I will ask her, Caliver. I can actually chat her," I assured him, because I think, that's what he needs right now. Sa harap niya ay in-open ko ang phone ko. Pumunta ako sa conversation namin ni Amethyst at nagtipa ng reply. I wanted to be honest to this kid. Isang favor lang naman ang hinihingi niya at 'di naman 'yon gaano kalaki para tanggihan ko.
But before I could press the send button, my phone was grabbed by someone.
"Stop it," nakangusong ani ni Cal, na parang kanina pa siya nauumay sa mga actions ko. "She texted me last night telling me she would be here today."
Tinitigan ko siya.
"But I didn't reply. I just read her message."
Defensive.
"Did you hear that, Caliver? She will be here today!" I happily turned to Caliver. Ilang segundo nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa 'min, iniintindi ang mga naririnig.
And Amethyst didn't fail to surprise me when the door opened and she revealed herself. Kagaya ko ay may dala rin siyang mga prutas. I watch Caliver get so excited like a son begging for his mother's attention.
I don't feel jealous, to be honest. Even though parang hangin lang ako sa harapan ng bata, mas dumaig pa rin ang kasiyahan sa puso ko habang nakikita siyang masigla.
At nakikita ko rin sa mga mata ni Cal na gusto niyang panoorin ang kapatid na aktibo.
"Chelsy?" Amethyst looked shocked. "Why are you here?"
Mag-eexplain na sana ako nang naunahan ako ng lalaki, "inaya ko. Miss ako, e'."
"Cal!" ungol ko, pinanlalakihan siya ng mata. Seriously? He really can't sometimes place his joke properly!
Natawa nang mapakla si Amethyst na ngayon ay sa 'kin lang palaging nakatingin. I am too observant to the point I could see the anger and jealousy in her eyes.
"Tuloy ba 'yong date na sinabi niyong isasama ako?" the boy asked innocently.
Tumawa si Amethyst. "Kung . . . Papayag ang kuya mo. Baka kasi busy siya."
"Okay lang sa mga kaibigan mo na nandito ka?" Ninanakaw ni Cal ang atensyon ko. "And how about that dork?"
"Dork?"
"Warren."
"You're giving him ugly nickname!" pabulong na sigaw ko. "I just thought for excuses, though."
Nagngiting aso naman siya. "I felt like I have won. That you chose me."
Panay na ang kulit ni Caliver sa kaniya about sa date nilang tatlo ni Amethyst. I didn't hear Cal disagreeing so I suppose pumayag siya.
Instinctively, I looked around and realized that my mission is done, na nakita at nakausap ko ang kapatid niya. It's time to say goodbye.
"Caliver," I called him sweetly, "aalis na pala si ate. Okay lang ba? Hinahanap na kasi ako sa 'min."
Pinaningkitan ako ng mata ni Cal. Humakbang na ako para maipakita na pinal na ang desisyon ko. He heaved a deep sigh and whisper something to his brother na ikinatulala ng bata. Ano na naman kayang kalokohan ng lalaki na 'to.
He also signalled Amethyst that he's about to accompany me at siya na lang muna ang bahala sa bata.
"What are your family planning? If he's condition is that severe, then . . ." I can't finish my statement. We're walking in the hospital corridor. "Caliver is so kind. He doesn't deserve that pain."
"My parents plan to go abroad, believing it's the best plan than staying here and trust the doctors."
"Wala kayong tiwala sa mga doctor natin?" I mean, nakagugulat lang. Not that disappointed ako. Pero mukhang ganoon nga ang pino-point out niya. Na mas may tiwala ang mga parents niya sa mga doctor sa ibang bansa.
"Oo. At some point, I can't blame my parents. They just want the best for my brother," he whispered, his chest heaving up. "And if one day they decide to migrate, then I have no choice."
"Sasama ka."
Tumigil siya sa paglalakad kaya binalingan ko siya lalo. Tila napaisip din siya sa sinabi ko. "My brother needs me all the time," is all he can say, which I totally understand.
Hinatid niya ako pabalik sa resort na pinanggalingan ko. He even wanted to see my friends but I begged for him not to do so. Kailangan siya ng kapatid niya sa hospital. Habang ako naman, kaya ko pang ipagpatuloy ang paggawa ng excuses para takpan ang sarili.
"Kumusta? Kumusta ang kapatid ni Cal?" tanong ni Pearly.
Kompleto kami ngayong apat sa isang round wooden table. Tanaw ko sina Warren at ang pamilya niya na nag-pi-picture taking malapit sa fountain.
"He is sick." Hindi ko matago ang pait sa boses ko. "And his family is planning to transfer him abroad."
"Mas magagaling kasi ang doctor sa ibang bansa," komento ni Johoney. "So, ibig sabihin niyan, aalis din si Cal? Doon na ba sila maninirahan permanently? Ganoon kasi mostly, 'pag masyadong na-attach sa environment."
That's imposible, my mind speaks. Hindi niya pa niya nababanggit na balak din nilang doon na lang din manirahan. Ika niya'y gusto niya ang best para kay Caliver kaya't malamang handa itong sumama sa ibang bansa maalalayan lang ang kapatid. Pero kung kasama sa plano niya ang permanenteng pagtira roon, then sana ay 'di niya na lang ako niligawan.
"And why are they here?!" biglang tili ni Pearly na nakatayo na. Sinundan ko ang tingin niya at napatayo rin sa gulat.
Bago ako nagpaalam kay Caliver kanina'y aware ako na posibleng magdi-date silang tatlo, pero 'di naman ako aware na rito rin pala sila mag-di-date!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top