CHAPTER 23
"Chix, ah. Saan ka?"
Natigil ako sa paglalakad sa tanong ni Pearly. Nakahiga siya ngayon sa sofa habang katabi sina Allysa at Johoney, nanonood ng comedy movie. H-in-ead to foot pa nila ako kaya mas lalo akong na-conscious.
Pumasok tuloy sa isip ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo- na makipagkikita ako kay Cal ngayon o magdadahilan na naman. I could also just tell them na gusto ko lang pagsabihan si Cal patungkol sa isyu niya ngayon, pero hindi ko napaghandaan ang ibabato pa nilang follow up questions.
"Kikitain ko si uhh..." Nagkamot ako ng batok. "Si Kuya Adrian sa apartment niya. May ibibigay raw kasi. He is too busy kaya ako na lang ang lalapit sa kaniya," pagpapaliwanag ko.
"Okay," sabay-sabay nilang sagot, at 'di na nagtanong pa. Thank you, Lord! Salamat na rin sa movie na pinapanood nila dahil kung 'di lang sila distracted rito ay baka isang oras pa akong i-interview!
Hinanap ko kaagad si manong para magpahatid. Ka-tetext ko lang kay Cal kanina na no need nang sunduin ako. Hindi nga lang siya nag-reply pero atleast ay na-inform ko na 'to at 'di na pumunta rito.
Hinahanda na ni Manong ang sasakyan nang may kotseng tumigil sa harapan.
"What are you doing here?" halos isigaw ko na 'yon. Habang parang wala lang sa kaniya na maaari siyang makita ng mga kaibigan ko! "Nag-text ako sa 'yo!"
"Hindi ako pumayag."
"Pero, argh!" Tinulak ko siya papasok sa kaniyang sasakyan matapos magpaalam kay Manong na kay Cal na lang ako sasakay. Natawa ang lalaki sa ginawa ko, mukhang gusto pa akong asarin.
"You look good," he complimented, gawking at me from heat to foot. Umirap ako. "No, I am serious. Ang ganda mo."
"Ilang babae na ang nasabihan mo nang ganiyan?"
Humalakhak siya. "Marami."
Umilag siya nang hinampas ko sa kaniya ang dala kong sling bag. He started the engine with a ghost of smile in his face. Oh, acting like nothing happened, huh? Nakalimutan niya na 'ata na ang gurang na tulad niya ay pumatol sa bata kanina.
"We need to talk," panimula ko. "But before that, you should stop smiling like an idiot first."
"If that's all about that child, no thanks." He shrugged.
His driving skill is smooth, I can't deny it. Habang napapalibot tuloy ang tingin ko sa sasakyan niya ay napaiisip ako if ilang babae na ang nasakay niya rito at nasabihang, "you look good."
"Pinatulan mo."
"Yes."
"Ahy, proud?"
I could see the mixture of irritation and pain in his expression. He looks like he would like to explain something but he is sure na kahit ano pa ang sabihin niya'y kokontrahin ko pa rin siya.
"I wanna know what happened," bulong ko. "Balita ko junior high pa ang kapatid ni Warren. I have no idea on what way you did hurt him. You have no idea how it angered Warren, too. Kung sana'y may kapatid ka lang ay mararamdaman mo ang sakit."
Mas lalong namula ang mukha niya. Ginagalit siya ng mga salita ko at aware ako roon. But he's breathing in and out, calming himself down. Pinabayaan ko muna siya nang ilang minuto at noong tumigil na ang sasakya'y binuksan ko ulit ang usapan.
"Cal!"
Hindi man lang niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang ang pasok niya sa isang bar.
"Kahit kailan talaga! Ayaw makinig!"
Hinanap ng mga mata ko si Amethyst sa stage pero 'di ko na siya mahagilap. Posible bang busy lamang ito ngayon kaya 'di siya kasama sa banda o sadyang pinaalis na nga siya ni Cal sa grupo. But she's a big shot. Asset siya sa grupo. Hindi ko na talaga ma-gets ang mga desisyon ni Cal.
"Ang gwapo ng vocalist," bulong ng katabi ko sa 'kin. Napangiwi ako, mabuti na lang at 'di niya 'yon nakita.
Looking around the surrounding, I think I found my people. Wala kasi akong makita na umiinom ng hard liquors. Wala ring masyadong nag-p-pda kaya mas lalo akong naging komportable.
When the guitarist started to strum, the crowd cheered. Napatingin lang naman ako kay Cal na kausap ang ibang instrumentalist.
A non-alcoholic drink is served in my table as a familiar song is starting to play.
"Bakit ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid? Kesyo 'di raw tayo bagay lumayo ka na. Ako raw ay sinungaling ka paluluhain ka?"
Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Naaalala ko pa nga ang unang beses na narinig ko ang kantang 'yan kasama ang mga kaibigan ko. I am just a little bit annoyed because I find Cal's voice more attractive than the original singer of that song.
Hindi lang ako ang nakapansin noon dahil rinig ko ang singhap ng mga kababaihan sa paligid.
While listening to his voice, pumasok sa isipan ko ang katanungan na "is singing his passion?"
"Iiwanan 'pag nakuha na ang gusto niya. Sana lang ay 'wag kang makinig sa kanila. 'Pagkat 'di nila alam kung ano ang meroon sa ating dalawa."
I am just curious because dumaan din ako sa punto ng buhay na masasabi kong passionate ako sa isang bagay. Nakikita ko honestly ang sarili sa kaniya noong mga panahon na panay pilit ko kina kuya na samahan akong manood ng documentary.
Sabi nila, napapapikit ka kapag mahal mo ang iyong ginagawa. And Cal is singing with his eyes closed, feeling the song like nothing can interrupt him.
"Na hanggang sa dulo ng walang hanggan, ang lalakbayin makapiling ka lang. Cause girl you know I can't stop, cause girl you know I won't stop."
"Hindi nila mapipigilan . . . Hindi nila mapipigilan."
Binalot ng masigabong palakpakan ang paligid matapos niyang kumanta. Marami ang mas lalong humanga sa banda nila at 'di mabilang ang nagpa-request ng kanta. Sampung kanta lang ang tinanggap nila at napakasaya na ng marami.
Nag-cellphone ako nang ilang minuto para i-inform ang mga kaibigan ko na baka gabihin ako. Nakiusap na rin ako kay manong na sunduin ako. I informed him the specific address. Wala na kasi akong balak magpahatid pa kay Cal. He must be so tired already at isa pa kailangan niya ring maki-hang out sa kabanda niya mayamaya.
"Hi, there, Miss, stop texting," he laughed.
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na tinutukoy niya ako habang naka mic. Parang naging kakulay ko na 'ata ang kamatis sa hiya.
"Eyes on me, baby," he whispered, grinning. Nagsigawan naman ang marami habang nakamasid sa 'kin. They must be thinking na may something kami ng lalaki na 'to! And what's wrong with his eyes, really?! Panay titig niya!
Isang kanta. Pangalawa. Tatlo. Alam kong requested na ang mga 'yon pero ba't bumagay pa rin sa boses niya. Mapa tagalog man o English ...
"And if you hurt me, it's okay, baby, only words bleed."
Iyon na 'ata ang pinakamasakit na lyrics na narinig ko ngayong gabi. Last na 'tong kanta nila pero 'di naman nila sinabing balak nilang manakit.
"Inside these pages you just hold me, I won't ever be alone. Wait for me to come home."
Everyone clapped to acknowledge the people in the stage. Marami ang nagpa-picture habang tumayo na ako at tumitig sa reply ni manong na on the way na siya.
"Gutom ko na ba? Dinner?" Cal is catching his breath as he smirked at me, assuming I would accept his invitation. "Sabi ko kanina eyes on me, hindi 'wag kumurap habang pinagmamasdan ako."
"Delusional," bulong-bulong ko na lalong ikinatawa niya. "I can't stay longer. On the way na si manong na siyang susundo sa 'kin. Pero 'yong pinag-usapan natin kanina. Huwag mo sanang kalimutan."
"Hindi ko naman 'yon inaway. I am not as immature like what you assume," he gritted his teeth. "Alam mo naman na sa sobrang gwapo ko ay mas lalong pinapapangit ng mga lalaking mukhang unggoy ang image ko. Huwag ka ngang makinig sa mga sabi-sabi."
"Bakit mo pinagsabihan?"
"Kasi may ginawang mali. Hindi naman ako tanga para pagsabihan kung walang ginawang mali ang isang bata."
"Ano itong sinasabi nila na sinabunutan mo?" pagsisinungaling ko.
"What?!"
"Totoo ba? Oo o hindi lang ang gusto kong marinig."
"Of course not! I would hurt myself first than physically hurting a child!" giit niya. Nagbibiro lang naman ako, gusto ko lang siyang asarin, pero nang mapansin na 'di siya komportable, at lumambot ang mga mata niya na tila nasasaktan sa pang aakusa ko, parang gusto ko na lang bawiin lahat ng mga sinabi ko.
"Cal," I called, "I am sorry."
Nakatitig lang siya sa 'kin gamit ang nangungusap na mga mata. Mga matang ang daming gustong ipaliwanag pero tila takot na mahusgahan. Ano ba 'to?! Ang dami ko nang binatong mga salita sa kaniya pero ngayon lamg nakaramdam ng guiltiness!
"It's okay," he smirked but it doesn't hide the bitterness in his voice. "Nasa labas na ang sundo mo. Susundan ko ang kotse niyo. Just let me."
Gusto ko nang mapalamon sa lupa habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Inaamin ko, apektadong-apektado ako sa sinabi ni Cal kanina. He didn't blame me nor judge me for being a judger! Na-gi-guilty rin ako dahil imbes na ma-disappoint sa 'kin ay nariyan siya sa likuran at sinusundan ang sasakyan namin.
It touched my heart in a painful way. May nag-uudyok sa 'kin na kausapin siya mamaya through phone at hingin ang explanation niya sa mga bagay-bagay . . . At 'wag iparamdam sa kaniya na kagaya ako ng mga tao na masama ang pinapakalat na impormasyom patungkol sa kaniya.
"Nandito na po tayo, ma'am."
Tumango ako sa sinabi ni manong. Paglingon ko ay napansin ko ang saktong pag-alis ni Cal. I sighed in discomfort.
"Kakilala niyo po 'yon? Kanina pa tayo sinusundan."
"Kaibigan lang po. Please don't mention this to Mom and Dad, manong."
Dumiretso ako sa kusina para malaman kung tapos na bang kumain ang tatlo. 'Yon pala'y tapos na silang magluto at ako na lang ang hinihintay bago kumain.
"Kumusta? Nagkita ba kayo ni Adrian?" si Pearly. "Mukha kang naiiyak? What happened? Nag-away ba kayo?"
Nag-aalala nila akong pinagmasdan. I am so thankful na 'di nagpatalo ang mga luha ko sa 'king emosyon. Glad they didn't fall.
When it's time to bed, I pick up my phone to check Cal's recent messages. Akala ko'y nagtampo 'to at piniling 'wag mag-text, pero nagkakamali ako.
From Cal:
I am home.
I fight the urge to text him back. Gusto kong mawala 'tong ganitong pakiramdam!
I can't almost believe what I did next. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ni-click ko ang profile niya at tiningnan lahat ng pwedeng tingnan. He got a lot of followers and and he has only three followings. Una ay isang babae na kaapelyedo niya, probably his aunt, ang isa naman ay isang kilala na singer, habang ang isa ay kamukha niya at kaapelyedo pa.
"So, you have a," I whisper to activate my guessing skill, "younger brother?"
Nasabi ko lang dahil magkamukhang-magkamukha talaga sila! Nakita ko rin ang relationship nilang dalawa. And Cal is marked as "pet" of this young handsome boy!
I bursted out in laughters. I can't believe na ang lalaking kuhang-kuha ang sama ng loob ko ay pet lang ng kapatid niya!
Mali pala ako ng hinala, na 'di niya maramdaman ang sakit ng isang kuya kapag nasasaktan ang kapatid niya kesyo wala siyang kapatid.
I stalked the boy and found Amethyst's Facebook account in his following list. Naisip ko tuloy na close ang dalawa dahil sa relasyon na mayroon ang kuya niya at ang babae.
Naisip kong i-add ang bata. He looked cute and I want cutes in my timeline. Kaso baka magsumbong sa kuya niya na may nag-add sa kaniyang friend ng pet niya.
I have had fun spending the following days with my friends. Si Warrenay tuloy-tuloy lang sa pagapadala ng mga foods at drinks. Kaya sino ang everyday busog? Mga kaibigan ko, syempre.
At dahil naman panay myday ni Johoney sa mga pagkain, parati tuloy akong tinatanong ni Cal kung pinapaasa ko lang ba raw siya.
At ginaya pa talaga ako sa kung papaano siya magpaasa ng mga babae.
"Ilan ang pina-deliver? Hihigitan ko!" pagmamaktol niya over phone. "Nasa hospital ako ngayon kaya 'di ako makapunta riyan."
"Don't compete with him. At, hey, hospital? Nagkasakit ka?"
Dahil siguro kahapon? Sa katuturing niya kay Warren bilang competitor ay gusto niyang siya mismo ang pumupunta rito sa bahay kahit na maulanan pa.
"Hot men don't get sick." He grinned. "May sinamahan lang. Concern ka naman."
"Delulu." Tinapunan ko ng tingin si Allysa. Nakahiga siya sa tabi ko habang nakikinig.
"Huwag kang pumunta rito bukas, by the way," dagdag ko, napaisip sa mga gagawin bukas. "Niyaya kasi kami ni Warren noong nakaraang araw sa family vacation nila bukas."
He went silent like he has heard the most ugliest word. "What? Pumayag ka naman? Gusto mo rin siyang makasama, I assume?"
Rinig ko ang paggalaw niya. "Wait lang, may kausap pa si Kuya. . ."
"Gusto ko lang siyang i-acknowledge. At saka, ang boring kapag buong linggo lang kami rito sa bahay. Gusto ko rin na sumama. Plus, pinayagan ako ng nina mama at papa. Don't need your validation, okay?"
"Send me the location."
"Send ko next year."
"You are stubborn," giit niya. "End the call now, may gagawin pa ako. I will just call later."
Natatawa kong tinapos ang tawag. Pagbaling ko kay Allysa ay nakatitig na siya sa 'kin.
"Nasabi ko nang may pupuntahan tayo bukas," I stated, kahit alam kong narinig niya lahat ng sinabi ko sa lalaki. "Ang bilis talagang lumipas ng araw, 'no? Lunes na next week. Balik klase na naman."
"Bagong set ng activities na naman," sagot niya. "Going out is a nice idea, really."
Kinabukasan, sobrang excited nina Pearly at Johoney. Handang-handa na ang mga bagahe nila. Nasa harapan na namin ang sasakyan ni Warren, at pinagmasdan namin siyang tinutulungan kami papasok kahit na kaya naman na namin.
"Mom and dad are happy to know that you girls are joining," Warren shared when we're all settled in the seat. "Anyway, Pearly, your dad and my dad are business friends."
"Ohy?" sagot ni Pearly. "Ang friendly talaga ni papa!"
Nagtawanan kaming lahat, at dumaan sa isip ko kung ba't wala pang message si Cal. Not that gusto ko siyang makausap, but because nakapapanibago lang. Ano na kayang nangyari sa sinabi niyang sinamahan niya kahapon sa hospital?
"Huwag niyong ikukuwento kay Cal kung saan tayo ngayon," paalala ko sa lahat. "Baka sumunod."
"Type na type ka talaga," Warren commented.
Peke akong napaubo. "Trip lang. 'Di naman 'yon nagseseryoso."
Hindi na sila sumagot pa at nag-open na lang ng panibagong topic. Topic na 'di ko masabayan kaiisip sa account ni Cal na active hours ago.
Nang makarating sa destinasyon ay pamilya ni Warren ang sumalubong sa 'min. They welcome us with wide arms like we are part of their family.
The resort has a calming ambience that is really good for people like us who'd like to have a meaningful vacation. I planned to go back here pero kasami ko na sina mama, papa, at kuya.
We then proceed to our own room and decide to just meet before dinner.
"Wala pa ring chat?"
It's already seven in the evening when I received nothing from Cal. Hindi rin naman ako ewan para unang magtanong sa kaniya kung ano'ng meroon, 'di ba?
I was wearing my up to knee pink dress partnered with a flat white sandal. I met my friends, Warren, and his family in the dining area.
"Hi, Chelsy, you are so pretty!" his Mom greeted me. "I am Karella, Warren's Mom. He has told me a lot about you!"
Napanguso ako at bumati pabalik sa kaniya. I reciprocate her energy and answer all her questions. Hindi ko nga lang nasagot nang tama noong tinanong niya kung girlfriend ba ako ni Warren o hindi pa. Mabuti na lang at madaling naka change topic si Warren.
I find ocean admirable. And it's breathtaking to watch it during night. Tapos na ang dinner at kaniya-kaniya muna kaming gala ng mga kaibigan ko. I prefer to come here because years ago, ocean was the most common subject in my sketches.
"Ang ganda mo," boses ni Cal.
Gulat akong napatingin sa aking katabi. Si Cal na nakasuot ng manipis na t-shirt at naka-maong ang nabungaran ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!"
"Nagbabakasyon?" Tumawa siya. "Joke. Johoney's story gives me an idea about your whereabouts. That's why I am here."
Nanlaki ang mga mata ko. I just told Johoney not to post our pictures in her Facebook story! Tapos ngayon . . . !
"Ilang araw ka rito?" Tumaas ang kilay ko.
"Depende sa iyo, kung kailan ka uuwi."
Gusto ko pa siyang awayin, pero nang maalala na may maliit pa akong kasalanan sa kaniya, tinitigan ko na lang siya.
"I am sorry," ang lumabas sa 'king bibig.
"Hmm?" Nagtaas siya ng kilay, nanghahamon.
Kailangan kong tapakan ang sariling pride dahil ako lang din ang maghihirap kapag paulit-ulit kong iisipin ang kasalanan.
"For accusing you? Gusto ko lang naman talagang malaman ang side mo, e'. Yet you're not cooperating. I have found out that you have a younger brother as well. I was wrong judging you."
Ilang segundo siyang seryosong nakatingin sa 'kin, hanggang bigla siyang humalakhak.
"I am not joking!"
"I am too!" aniya, 'di pa tumitigil. "Nagulat lang ako. Nag-sosorry ka pala? Rare." Sinamaan ko siya lalo nang tingin kaya dahan-dahang tumila ang tawa niya. "Kahit 'di ka nagtatanong, yes, I have a younger brother. At napagsabihan ko lang ang kapatid ni Warren dahil b-in-ully niya ang kapatid ko."
I nod, still processing what I heard, umaakto rin na hindi ko ni-stalk ang kapatid niya.
"For your information, my younger brother is the complete opposite of me. If I can anytime defend myself, he can't."
"Like, you are the bully, and he's the one who gets bullied."
He grinned at my statement. Marami ang napapatingin sa kaniya. I can't blame them, though. Because he looks more attractive when he smiles.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top