CHAPTER 22
"Matulog na lang nga tayo!" It feels like this is my first time to be irritated like this. Nakaiinis lang kasi ang mga katabi ko- kung papaano sila tumingin sa 'kin! Si Allysa ay hindi rin nagpatalo! Akala ko ay sasawayin niya sina Pearly at Johoney pero nakisali pa sa tawa!
A familiar documentary flashed in the television. Pinilit ko ang sarili na mag-focus pero ang mga mata ng mga kaibigan ko ay nasa sa 'kin pa rin.
"I don't get it. Bakit niyo rin kasi m-in-yday 'yon? Or, pwede rin naman na i-hide niyo kay Cal ang story," I whispered the last three words. "And please, don't put malice sa reply niya! Alam niyo naman na babaero 'yon, e'!"
"Of course, we know," sagot ni Allysa.
"See?" ako. "Hayst, kalimutan na lang nga natin-!"
'Di ako pinatapos ni Johoney, "ano'ng i-re-reply ko rito?"
Nakaka-badtrip na talaga ang mga 'to! Panay ngisi pa!
"Huwag mong reply-an. Hayaan mong mag-overthink. Bwahahah!" Pearly laughed like there's no tomorrow. "Don't tell me, Chels, balak mo siyang i-assure later at sabihing he's the only one-"
Hinagis ko sa kaniya ang unan na madali kong naabot. Todo ilag naman 'to at mas lalong lumalakas ang tawa. My mind is still filled up with random thoughts until the play ended. Wala akong naintindihan kaya muli ko 'tong p-in-lay. My friends have no comment of me doing so. 'Yon nga lang, 'di pa rin nila ako tinatantanan.
"It's science-related," komento ni Allysa sa pinapanood. Nang balingan ko siya ay nagpipigil pa rin 'to ng ngiti. "Why are you looking at me like that? Hindi ako tumatawa, ah?"
I crossed my arms around my chest. "Ewan ko sa 'yo. I thought you'd defend me against these two."
Mas lalo siyang tumawa. Minutes later, Pearly and Johoney drifted off into sleep while Allysa still wide awake. I played the documentary thrice but I feel nothing special. Sumikip ang dibdib ko knowing na ang hirap balikan ang bagay na minsan kong tinuring na mundo. Kung 'di lang ata nakabaling si Allysa sa 'kin ay kanina pa 'ata ako napaluha.
"Don't force yourself."
Napatingin ako sa kaniya. I know. I definitely know. Gusto kong sukuan ang bagay na minsan kong ginusto pero 'di ko naman kaya. And that's the issue here.
"But I am so proud of you because you're trying," she added. "You could have explored another hobby but here you are facing the thing you once loved before. And that's brave."
Malalim akong napabuntong-hininga sabay titig sa ceiling. "What if medical field isn't for me?"
"At bakit mo naman natanong 'yon? Since we were in JHS, you're really into science."
"Yes . . ." I bit my lip. "But, I guess, everything has changed."
"You know what, trial lang 'tong nangyayari sa 'yo ngayon. You should never question yourself like that, okay?"
Gusto ko pa sanang magsalita at sabihin lahat ng gusto kong i-share, pero naalala ko na siya mismo ay may hina-handle rin sa buhay, at ayaw kong dumagdag.
"Just try again. How will we know if we don't try, again?"
"By the way, nakaalis na ako sa group," I changed the topic soon as I remembered Cal. "Pumayag si Cal, pero naging pahirapan nga lang. But at least the war is finally over. Nakaka-exhaust din kasing makasali sa mundo nila . . . Nila ni Amethyst."
"If that gives you peace, then you have made the right choice."
"Thank you for giving me another chance, Allysa. Wala lang talaga akong lakas ng loob magbahagi ng ganitong info sa 'yo noon, e'." I tapped her right shoulder. "Let me do the right thing step by step."
She yawned. Nagkatinginan kami at natawa. Nagpaalam siyang matutulog na, at tumango lamang ako. I checked the time and it's eleven o'clock na pala. Bago ako nilamon ng antok ay nag-isip ako ng mga gagawin kinabukasan- ang i-welcome si Warren, at manood ng palabas kasama ang mga kaibigan ko.
Paggising sa umaga'y phone kaagad ang una kong inasikaso.
Kuya Rynierre:
I hope my Chelsy is doing fine. I have heard that you're enjoying your semestral break. That's good. Keep safe, my sis!
Kay gandang bungad naman! Matagal ko na talagang binabalak na mag first move kay kuya sa pag-g-greet eh, ngayon ko lang naalala kung kailan siya pa ang unang nag-message!
Chelsy:
Kuya, I miss you so much! Ingat ka riyan palagi! Huwag mambabae, chariz!
I grinned. Kasabay noon ang pagtama ng unan sa mukha ko. Busangot akong napatingin kay Johoney na mukhang bagot na bagot.
"Umagang-umaga ka-chat mo si Cal, ha!" pambibintang niya.
"What?!" Napaupo ako sa gulat. Kung makaakusa naman 'tong babae na 'to. "I was replying to Kuya Rynierre kasi! Issue mo!"
"Talaga?" Naghugis puso ang mga mata niya at umupo sa tabi ko. "Kumusta na siya? Sinabi mo bang miss na miss ko na siya? Sabihin mo, mag-ingat siya at hihintayin ko ang kaniyang pagbabalik!"
"Baliw!"
Natatawa akong iniwan siya sa kwarto. Siguro'y ilang minuto pa 'yong mag-di-daydream sa kama. May nakita akong notes na nakadikit sa desk at binasa 'to. It's Mom and dad's reminder that they will not be home for days. Nasanay naman na akong umaalis sila nang 'di ako ginigising pero nakalulungkot pa rin.
"Tawagin mo nga si Johoney. Hindi talaga para sa 'kin ang pagluluto, eh!" si Pearly na naka-apron. Mukhang ready pero takot humawak ng kutsilyo. "Hays! Tama talaga si mama! Dapat magaling magluto ang maging asawa ko!"
I laughed. "Did tita really say that?"
"Oum! Basic skill raw 'to pero bakit ang hirap?!"
"Umalis ka nga riyan! Daming reklamo!" Dumating si Johoney nang 'di pa rin nawawala ang ngiti sa mukha. Inagaw niya ang apron kay Pearly at ito na ang nagpatuloy sa pagluluto.
Sumali sa eksena si Allysa na bagong ligo. The white t-shirt looks expensive because she's the one who's wearing it. There is no doubt that my friends are effortlessly beautiful.
Mas lalo nga lang silang gaganda sa paningin ko kung titigilan na nila ang pang-aasar sa 'kin.
Mabilis silang natapos sa pagluluto. Nang kainan ay si Warren lang ang topic namin. Walang sinabi na 'di siya tutuloy ngayon, kaya malakas ang hula namin na mayamaya'y narito na 'yon. Kaniya-kaniya kaming ligo ng mga kaibigan ko. Wala rin kasi silang plano na mag-swimming ngayong araw.
From Cal:
May banda kami mamayang 4. You should be there.
I turned off my phone. Balak ko lang naman makatanggap ng update galing kay Warren pero epal 'tong message ni Cal. Anyway, walang latest message si Warren 'Di rin naman ako mag-aabang ng update niya kung 'di lang dahil sa mapilit ang mga kaibigan ko, eh. At saka, mas mabuti nang ganito ang mga kaibigan ko kaysa sa i-topic nila si Cal.
"Hi, Ate Delma," I greeted our maid. Nag-day-off kasi siya ng ilang araw dahil may emergency sa bahay nila. Close kami, pero iba pa rin ang pagkaiintindihan namin ni Manang, solid.
"May nagpapabigay nga pala sa 'yo nito, Chelsy. Tinanong ko ang pangalan niya at sabi'y siya si Cal," si Ate Delma na normal nakangiti. Habang ako ay napatulala sa dala niyang apat na coffee shake! Nakaupo ako ngayon sa sofa kasama sina Pearly, Allysa, at Johoney at kung kanina ay medyo malayo sila sa 'kin, ngayon ay sobrang lapit na nila!
"Did you invite him po na pumasok?" si Johoney. "Shesh."
Tinampal ko ang braso niya. "Bakit naman natin siya papapasukin?"
"Chelsy, remember what your Mom told you," pangangaral ni Allysa sa 'kin. Siya na ang tumanggap sa shakes nang napansin na walang balak gumalaw ng mga kamay ko.
"Tinanong ko, Allysa, pero mukhang nagmamadali rin ang binata at galit."
"Galit?" Napatingin ang lahat sa 'kin.
"Hmm?" I muttered confusedly.
"Parang may kaaway. Kaibigan niyo ba 'yon?"
"Manliligaw ni Chesly, ate," si Pearly.
Napa-o naman ang bibig ni ate. Ramdam ko na gusto niyang pag-usapan ang bagay na 'yan pero masyado na 'atang halata sa mukha ko ang pagiging iritado kaya nagpaalam muna siyang maglilinis sa kwarto ko.
'Di ko alam kanina ko dapat ibuhos 'tong inis ko. Kay Allysa ba na nilalahad sa 'kin ang isang shake, kay Johoney na kinikilig habang kinukunan ng picture ang shakes, o kay Pearly at sinusuklay ang invisible long hair ko.
Aish!
"Ayaw talagang magpatalo!" tili ni Johoney, saka inuyog-uyog ako. "Sabi ko sa sarili ko isa siyang walking red flag, pero may green naman pala kahit papaano!"
"Red na red pa rin!" Busangot ko saka tinanggap ang lahad ni Allysa. "Stop looking at me like that, Allysa!"
Tinawanan lang nila akong tatlo. Nagsimula naman ako sa paggawa ng mga theories kung bakit galit ang Cal na 'yon kanina. Napilitan lang ba 'yon na magpadala ng shakes? Gusto ba noon na tanggapin ang anyaya ni ate na pumasok pero nahihiya lamang? Pero wala naman 'yong hiya, ah?
Or . . . Baka may kaaway na naman? Hindi imposible.
"Wow!" si Johoney. It's like she has known something from her phone, from the internet. "Remember 'yong sinabi ni Ate Delma kanina, Chels, Pearl, Allysa? Na mukhang galit si Cal? Nabasa ko kasi sa gc natin na may kaaway na naman ang Cal na 'yon from Junior High!"
I sighed annoyingly. 'Tong talagang Cal na 'yon. Kahit mas bata pa sa kaniya'y 'di niya kino-consider.
"Oh, kaya naman pala!" si Johoney.
"What, what?" si Pearly.
"Kapatid ni Warren ang kalaban. Hindi ko gets bakit kailangan pang idamay 'yong bata! Ano ba 'yan, boto pa naman sana ako sa kaniya bilang manliligaw ni Chelsy!"
Nabuo ang todong pagkairita ko kay Cal. Hindi ko mapagkakaila na na-surprise at nagustuhan ko ang pagpapadala niya ng shakes, pero ang idamay ang kapatid ni Warren dahil lang sa magkaaway sila ng kuya nito ay napaka-immature! 'Tong lalaki na 'to . . . Nanliligaw habang gumagawa ng kung ano-anong masasamang gawin! Hindi talaga iniisip ang mga possible na maging komento ko sa mga actions niya!
To Cal:
Whatever your reason is for hurting Warren's brother, kasalanan mo pa rin. Kailan ka ba magbabago?
From Cal:
Good morning, love. I will explain when we meet.
Napadiin ang pagta-type ko sa phone ko. How can he be so calm knowing na may nasaktan siyang mas bata sa kaniya? And what about his name again? I thought kakalma na ang mga naririnig kong issue sa kaniya pero siya lang din ang nagpapahamak sa pangalan niya, e'!
To Cal:
"Good morning, my love", your face! At saka, there's no need to explain! Nakapanakit ka and that's so irresponsible!
"Ka-text mo? Tinanong mo kung ano ang reason? Pero ang pangit pa rin ng ginawa niya!" si Johoney. "Sa pagkaaalam ko ay grade 7 pa 'yong kapatid ni Warren! I can't imagine na pinapatulan pa pala ni Cal kahit ganoon kabata?"
Mas lalo akong nainis kay Cal. I can't believe him! Plus, kung makapagsalita siya (not literally, of course) sa text ay tunog kampanteng-kampante!
Ubos na ang shakes ng mga kaibigan ko habang sa 'kin ay 'di pa. Wala na rin akong balak ubusin 'to. Nakakawawala ng gana.
"May bisita sa labas. Warren daw ang pangalan. Papasukin ko ba, Chelsy?" Nasa harap ko si Ate Delma.
Tumango ang mga kaibigan ko at lahat sila'y inasikaso ang walang laman na cup. Pati ang akin ay dinispatsa na rin. Nakatanggap pa ako ng tapik galing kay Allysa na tila nagsasabing tigilan ko muna ang pagsasakal kay Cal sa isipan ko at asikasuhin na lamang ang bisita.
Tuwang-tuwa naman sina Pearly at Johoney nang makita si Warren at ang mga dala niya- dalawang boxes ng pizza. Napaka-neat niyang tingnan sa black tshirt na pinares sa isang jersey pants.
"Wow, your home is so spacious," aniya at dahan-dahang umupo sa sofang nasa harapan, nahihiya. "Pasensya na kayo kung masyado akong mapilit na bumisita rito. Wala rin kasing masyadong magawa sa bahay."
"Okay lang, 'no!" si Johoney. "Anytime ay welcome ka rito!"
"Salamat dito!" Si Pearly naman ang nags-slice ng pizza. Habang si Allysa'y nagpaalam na magtitimpla muna ng maiinom.
"Pasensya ka na kahapon. Noong isang araw pa kasi kami umalis sa apartment, e'," panimula ni Johoney. "Ano pala ang pakay mo?"
Dapat ko lang na gamitin ang sandali na 'to para mapag-usapan ang nangyari sa kapatid niya at kay Cal.
"May sasabihin lang sana ako kay Chelsy that's why I wanted to personally meet her," napalingon ako sa kaniya nang marinig 'yon. "I am sorry if 'di ko masabi ang dahilan sa texts, Chelsy."
"It's okay," wala sa sariling ani ko. "By the way, is it really true? Ahm, between your younger brother and Cal?"
Tumango siya. "It's not surprising to know. Wala talagang pinapalampas ang lalaki na 'yon."
"I don't know the reason why he did that but I am sorry, Warren, at sa kapatid mo."
"Hindi mo naman kasalanan. At saka, balak ko pang kausapin ang kapatid ko mamaya. Ang totoo'y 'di ko talaga lubusang alam ang dahilan ng away nila."
"But I think nadamay o dinamay lang ni Cal ang kapatid mo sa issue ninyong dalawa."
He was stunned a bit. "I think so."
Ang daming tanong ni Warren sa 'min. Kagaya ng balak ba naming dito lang sa bahay sa isang linggo. Sinabi ko na lamang na walang balak umuwi ang mga kaibigan ko sa mga bahay nila.
Niyaya pa nga kami ng lalaki na sumama sa family vacation nila sa Batangas! Ito namang mga kaibigan ko na agarang nag-yes! Kung sa bagay, sa biyernes pa naman ang naging usapan nila kay may time pa ako para makapag-isip kung sasama ba ako o hindi.
"Hindi ako sasama if wala ka, Chels, bahala ka riyan," pananakot ni Pearly sa 'kin.
"Pag-isipan ko muna," ani ko.
"Take your time, Chelsy. It's better na magpaalam ka rin muna sa parents mo so they'll know your whereabouts."
Tumango ako.
"Can I ask something?" ani ng lalaki, at tumango ang mga kaibigan ko. "'Yong m-in-yday ni Johoney kahapon, is it true? Na galing 'yon sa suitor mo, Chelsy? It's okay if you choose not to answer my question, though." Kinakabahan siyang tumawa.
"Baliw talaga 'yang Johohey na 'yan. 'Di ko alam kung anong nakain kahapon. Actually, it's from my brother- Kuya Adrian."
"Oh!"
"Strategy ko lang 'yon, 'no, para painitin ang ulo ni Cal," humalakhak si Johoney. "And it's effective. 'Di ba, Pearly, Allysa?" The three of them grinned.
"Was he mad then?"
"Nagselos 'ata. Nanliligaw kasi 'yon kay Chelsy. Kaya nga ang payo namin sa kaniya is 'wag ipa-feel na he's the only one, para mas mag effort pa," si Pearly.
"Nanliligaw pala talaga," komento ng lalaki. "The last time I check baliw 'yon kay Amethyst."
"Sino rin ba kasi ang makapagtitiis sa ugali ng babae na 'yon?" iritadong tanong ni Pearly. "Hays, matapang lang naman 'yon because of the power she holds sa campus."
The last time I checked rin ay maayos naman ang relasyon nina Cal at Amethyst. Posible ba kayang tama 'tong mga hinala ko na pinaglalaruan lang din ako ni Cal? Or ginagamit para tuluyan siyang maka move on kay Amethyst?
Walang plano si Warren na isang araw mag-stay rito. Kagaya nila Cal, may banda rin sila sa malapit na syudad kaya kailangang magbiyahe ng ilang oras. Tinanong ko siya kung ano talaga ang kaniyang pakay kung bakit niya ako gustong makausap pero nagdadalawang-isip na 'tong mag-share.
"You sure? Or pwedeng sa chat mo na lang sabihin. Pero bakit kasi 'di na lang ngayon?"
Kasalukuyan ko siyang sinasamahan patungo sa gate. I have had fun being with him for hours, sa totoo lang. Masaya rin ako't 'di siya na-op kausap ang mga kaibigan ko kahit na paminsan-minsa'y inaasar nila kaming dalawa.
"Sa ibang araw na lang 'ata, Chelsy, thank you for welcoming me here." He caressed the back of his neck. "May . . . Ipa-dedeliver akong shakes sa inyo bukas, if that's okay?"
"Oo naman! Pero masyado ka nang gumagasto sa 'min! Ako dapat ang magtanong kung okay lang ba sa 'yo!"
Natawa siya sa expression ko. "I like spending money for you, Chelsy, and for your friends of course." Matapos niya 'yong sabihin ay bumilis ang paglalakad niya, hanggang sa nasa harapan na kami ng kaniyang sasakyan niya. "I gotta go. Can I text you later?"
"Oo naman!"
"Bulaga!" Akbay ni Johoney ang halos magpatalon sa 'kin. Paglingon ko ay nakita ko sina Allysa, Johoney at Pearly na nang-aasar na nakatitig sa 'kin.
"Ano na naman?" Napakamot ako sa aking ulo.
"May sinabi ba siya? 'Yong pakay niya kung bakit gusto ka niyang makausap?" Tinapik-tapik ako ni Pearly. "Inamin niya bang nagseselos siya?"
"Ha?" Mas lalo akong naguluhan. Ano ba'ng pinagsasabi ng mga tao sa paligid ko?
Iniwan ko na lang sila roon. Nang makabalik sa kwarto ay pag on sa cellphone ang una kong ginawa.
From Cal:
Mamayang 4. Susunduin kita sa inyo. Be ready.
To Cal:
You expect na mag-aagree ako, after knowing what you did sa kapatid ni Warren?
From Cal:
Nariyan si Warren sa inyo kanina, right? Nakita ko sa myday ni Johoney. At magkatabi pa talaga kayo, huh?
What?!
I checked Johoney's Facebook story and I almost cursed upon viewing my picture! Katabi ko si Warren at nakatingin ang lalaki sa 'kin sa pic! Kahit sino ay malalagyan talaga ng malice ang picture dahil sa angle ng pagkakakuha!
To Cal:
Yeah, he was here. But that isn't the issue here. You hurt his younger brother! Seriously, wala ka ba talagang awa?!
From Cal:
Sabihin mo na lang sa 'kin kung ilan lahat ang manliligaw mo nang malaman ko kung ilan ang kaaway ko.
Argh! Ba't 'di niya sagutin 'yong mga tanong ko?! Puro na lang siya Warre! Don't tell me pinagkakamalan niyang manliligaw ko si Warren?!
To Cal:
I am not obliged to explain things, Cal. Mag-overthink ka riyan nang mag-overthink.
Tumigil na ako ka-seseen sa messages niya. Nagback read na lang ako sa gc at inalam ang nangyari between Warren's brother and Cal. May ibang badtrip na badtrip sa ginawa ng lalaki, pero marami pa rin ang ni-lolook up ang ginawa niya! Mga babae nga naman!
Dumako naman ang tingin ko sa aparador. Wala ako sa mood makita ang pagmumukha ni Cal pero gusto kong malaman kung bakit pati bata'y pinapatulan niya. 'Yan lang ang dahilan kung bakit paghahandaan ko ang pagsundo niya mamaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top