CHAPTER 21

"Sino'ng nagpapunta sa kaniya rito?!" mabilis kong tanong at sarili ko lang din ang nakasagot nang matandaan ang sinabi niya kagabi. "So this is what you really mean, huh, Ramirez?"

Hindi ko mawari kung ano ba ang dapat na maramdaman. Magulat kasi ginawa niya nga ang sinabi kagabi? Matakot sapagkat kausap niya sina mama at papa ngayon? O magalit kasi 'di niya man lang ako tinanong kung okay lang sa 'kin na makita siya rito?!

"Kayo na ba?" kinakabahang tanong ni Johoney sa 'kin habang sabay kaming pababa ng hagdan.

I stopped, ready to yell, "no! Hindi nga 'yon nagpaalam na pupunta rito, eh!"

"So, may communication pa rin pala talaga kayo?" Kinikilig na 'to, hindi ko nga lang masuklian. Wala naman kasing nakakikilig! "Come on, Chelsy, puwede ka naman na umamin sa 'kin!"

"Wala kaming masyadong communication at saka, 'wag ka ngang kiligin diyan!"

Tumawa lamang siya. Nasa sala pa rin sina Allysa at Pearly, nag-uusap marahil patungkol kay Cal. Bumaling sila sa 'kin, nagtataka. Sinenyasan nila akong lumabas ng bahay, at ganoon nga rin ang ginawa ko. Naramdamam ko naman na pagsilip lamang mula sa pinto ang ginawa nila.

"Mom," I greeted mom as though there is no war in my system. "Dad . . ."

In front of us is Cal. Tahimik pero nakangiti. I fight the urge to compare his height and dad's. He is way taller, at wala akong pakealam diyan. He's wearing a thick black jacket paired with a ripped jeans. Mukha siyang shoppe rider sa porma niya. But what I notice the most is that wala siyang panyo sa noo.

"Oh! I thought you're still showering, so I entertain him," she referred to Cal. "Someone just purchased a gift for you, I think."

"Ha?" I spaced out.

"May nagpabibigay po," halos panliitan ko na ng mata si Cal sa pinagsasabi niya. May nagpabibigay?! And he's smirking, huh? Nagpipigil ng tawa? Walang magawa for today's video kaya ako ang napag-trip-an? "Miss Cattaneo."

Naaasar kong tinanggap ang lahad niya. Malambot-lambot ang bagay na 'to, at sa palagay ko'y teddy bear ito. I can sense mom's confusion because of my reaction. Na imbes maging thankful dahil kuno may nagbigay sa 'kin nito ay parang galit pa ako sa mundo.

"Suitor?" Dad guessed, and I immediately looked at Cal.

"No!"

"He's not referring to the rider, dear," Mom laughed and caressed my cheek. "We just assumed na galing ang delivery na 'yan sa isang kakilala? Or manliligaw?"

I really can't believe my parents! Ang hilig nila akong tanungin sa bagay na 'to pero alam ko na kapag literal kong sinabi na may boyfriend ako ay magagalit naman! At sa harapan pa talaga ng lalaki na 'to pinag-uusapan! E', syempre mas lalong lalaki ang ulo nito!

"Do you know each other?" mom.

"Hindi ko alam kung kanino 'to galing, mom."

"I mean, nitong rider. Do you know each other?"

"Yes, ma'am," ang lalaki ang sumagot. Argh! Ang lakas pa ng loob ngumiti. Tapos kapag sa 'kin nakabaling ay nakangisi? "Magkakilala lang po."

"Thank you for delivering this. You may go now," imik ko at bigla silang tinalikuran. It's rude and I am aware of that. Tinawag pa nga ako nina mama at papa. Inaasahan ko na tuloy na pagsasabihan nila ako later. Samantalang ay tinawanan lang ako ni Cal.

"Ohy, si Cal!" tili ni Pearly nang magkatabi na kaming tatlo sa sofa. "Nagpaalam ba sa mga magulang mo na nililigawan ka niya?!"

"No!"

"Sus, Chelsy, aminin mo kinilig ka!"

"Hindi nga!" Iritado kong ni-unwrap ang gift. Hindi nga ako nagkakamali dahil isang small white teddy bear ang narito. "Umakto siyang rider, maybe because he wanted to give this without my parents suspecting him."

"He just wanted to see you," komento ni Allysa. "Kilala na siya ng mga magulang mo!" I didn't expect na tatawa ang mga kaibigan ko. "Didn't expect Cal would do that thing, though."

"No, my parents still don't know his name. At wala ring dahilan para makilala pa siya nina mama at papa."

"Hindi mo ba bet ang teddy bear, ha, Chelsy. Kung oo, ibigay mo sa 'kin." Pearly grinned. "Cute, eh."

"I don't like this thing but I decide to put it in my luggage na lang." Sabay ngiwi ko. "Ibabalik ko rin 'to sa lalaki na 'yon."

Nagkatinginan ang tatlo na 'di ko na lang masyadong pinansin. Then, I remember something.

"Johoney, how about si Warren? Did you already tell him na wala tayo sa apartment?"

"Oum. Actually ay sinabi niyang baka bukas ay bibisita siya rito." Nagkibit siya ng balikat.

"Hala, bakit mo sinabi ang address natin?"

"Nakiusap, e'. I am sure magdadala 'yon ng foods at drinks kaya hayaan mo na!"

Napapikit na lamang ako. May sasabihin ba si Warren kung bakit gusto niya kaming makita? Pwede naman kasing hintayin niya na lang na bumalik ang regular classes, ah.

"Chelsy, dear, what you did is rude."

Napaupo ako nang maayos nang dumating si mama. Katabi niya si papa na walang emosyong nakasunod kay mama. "You could have even invited him inside this house."

"What?! No, no!" I exaggerated.

"And what's with that reaction? 'Di ba magkakilala kayo? Dear, inviting him to come inside is a basic human decency. Ano na lang kaya ang inisip ng lalaki when you walked away?"

"Tinawanan nga lang ako, eh," I whispered.

"Tinawanan niya ang pagiging immature mo," her. "Don't do that again. You are old enough to understand things, aren't you?"

"Yes, mom." I bit my lips. "I am sorry. I will change."

"I will just take a bath. Maiwan ko na muna kayo rito." Mom smiled and went upstairs. Sumunod naman si papa sa kaniya.

"Ahy nag-walk-out ka pala kanina?" panunuya ni Johoney. "Hindi namin napanood."

"Ewan ko sa inyo."

My friends told me to check my phone para makita kung nagpaalam ba even once ang Cal na 'yon para mag role play, pero wala naman akong makitang new message galing sa kaniya sa sms man o any social media accounts.

Kay Warren lang ang nakita ko. Kahapon pa pala siya nag-send ng message, asking kung pwede ba siyang pumunta sa apartment. I immediately typed for a reply, nagtatanong kung ano ang pakay niya.

Dumako naman ang paningin ko sa profile ng isang lalaki. Mayamaya ay bigla itong nag-chat.

Cal: Hey!

Chelsy: What?

Cal: I will call.

Chelsy: At sino'ng nagsabi na payag ako?

When his profile picture flashed on my screen, I tapped the green button with my brows rose. Naka off cam ako habang siya ay mayabang na pinapakita ang mukha. I tsk-ed. Sa wari ko ay wala na siya sa biyahe ngayon. Ayaw ko rin namang tanungin kung nakauwi na ba siya o 'di pa.

"Nagpapahinga ako ngayon," share niya, "sa isang milktea shop. Nakapapagod pa lang maging rider."

"Kasalanan mo 'yan."

Tumahimik siya saka natawa nang malakas. Baliw.

"So, what is Chelsy doing now?"

"Nakadidiri ka."

"I like you, too."

"So, why did you call?"

"Why did you accept the call? Does it mean something?"

Ni-on ko ang cam at pinakita kung gaano ako kainis sa kaniya. Ang phone na tila kanina'y nakalapag sa table ay kaagad niyang inangat nang mapansin ang mukha ko. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya. Ahh, I hate him.

"Are you alone now? Where are your friends?" tanong nito.

"Swimming."

"And you didn't join?"

Hindi ako sumagot.

"Pauwi na rin ako ngayon. Nakapapagod din sa lugar na 'to. Lahat na lang pinagtitinginan ako."

"Yabang," I murmured.

"First time 'atang makakita ng hindi artista pero mas gwapo pa sa artista."

"Come on, stop," I whispered while laughing. "What happened to your forehead, anyway?"

Mabilis siyang nakasagot, "You mean, wala akong suot na panyo?"

"Yup."

"Naninibago ka ba?"

I didn't answer.

"Next punta ko sa inyo, susuotin ko na."

"May plano ka pang bumalik rito?!" Nanlaki ang mga mata ko. Seriously, wala bang ibang magawa ang lalaki na 'to? Bakit 'di na lang siya magbakasyon with his family? O mag-party kasama ang mga kagrupo niya! "Being a rider does not suit you."

"Really? Bakit titig na titig ka sa akin kanina, kung ganoon?"

"In your dreams." I rolled my eyes. Good thing at naka-lock ako rito sa room ko. Mom and dad are with my friends, by the way. Panay ang invite nila sa akin kanina pero hindi ko lang talaga feel maligo ngayon. Pero later, balak kong bumaba at pagmasdan sila na nag-eenjoy.

"Where's Calsy, anyway?" he asked out of nowhere. Who's that Calsy? "Oh, I mean, the teddy bear. I named her Calsy. She's beautiful, isn't she?"

"I can't believe you. Nababaliw ka na!"

"I really, really think so."

"Itinago ko sa isa kong bag. Don't worry, kung gusto mong kunin, handa akong ibalik ito sa iyo kaagad."

"Wala na akong ibang maisip na pag-uusapan natin," reklamo niya mayamaya. And in fairness, his frustration sounded cute. "Ganito na lang, tell me about yourself."

"Ano'ng mapapala ko niyan?"

"Wala?"

"Then I am not doing it!"

"All right! Gusto mo 'atang sa personal natin pag-usapan ang bagay na 'yan, haha!" His voice hoarse. Even his voice- "Your wish is my command."

Sinabi ko sa kaniyang ba-baba na ako. Nag-inarte pa nga ang lalaki pero wala siyang nagawa kasi ako na mismo ang nag-end ng call.

Akala ko ay makaka-baba na ako pero nauwi lamang ako sa pagtitig sa phone ko. He called, and I answered. He questioned, and I responded. It's kind of . . . Surprising.

"Hoy!" Hinagisan ako ni Pearly ng towel sa mukha. "Tulala ka riyan? Ayaw mong magtampisaw?"

"Wala nga ako sa mood. Kayo na lang muna." Humiga akong maayos sa beach lounger. "Sana kasi ay 'di na lang ako maagang naligo kanina. Baka ay ganahan pa akong mag-swimming ngayon."

Si mama at papa ay nasa dulo at tila may sariling mundo. They look serious while talking to each other at halatang walang kinalaman sa trabaho ang pinag-uusapan. I really appreciate the view. I love what I am seeing. Pero siguro mas maganda kung tanaw ko rin sina Kuya Adrian, Kuya Rynierre, kasali na rin sina Manang at Faith.

Then, a thought popped up in my head. Kung ni-invite ko ba si Cal kanina na pumasok sa loob ng bahay, hanggang ngayon kaya ay narito pa rin siya? Probably swimming?

But no.

Are we even close friends? Kung ginawa ko ang inaasahan ng mga parents ko na ginawa ko kanina, baka isipin ng lalaki na may gusto rin ako sa kaniya. Like . . . Asyumero pa naman 'yon!

My phone rang and my blood boiled. Katatawag pa lang niya, ah?

"Ano na naman?! Katatapos lang ng tawag natin, ah?"

"This is Adrian, Chelsy," seryosong boses ni Kuya Adrian. Napaupo ako kaagad. "Pasensya ka na kung napakaaga kong umalis kanina. I could not just wake you up."

"Sino iyan?!" tanong ni Johoney mula sa malayo.

"Suitor niya 'ata!" si Pearly naman ang sumagot, kaya nanlaki ang mga mata ko. I threw glances sa banda nila mama't papa. Mukhang 'di nila narinig ang sinabi ni Pearly. Mabuti naman.

"This is Kuya Adrian, y'all!" sigaw ko pabalik.

"Ano'ng nagyayari riyan? Where's mom? Dad?"

"Nag-s-swimming."

"You didn't join?"

"Wala sa mood, kuya, e'." I looked at the sky. Hindi naman masyadong maaraw. Kapansin-pansin lang ang patong-patong na mga ulap.

"I ordered a coffee for you and for mom and dad. Bayad na."

Napangiti ako sa excitement. Bagay na bagay mag-coffee sa ganitong panahon! "Did you order for my friends na rin?"

"Of course, 'di mawawala."

"Thank you, kuya! I love you!!"

"I love myself more." I think he even grinned while saying that. Napairap ako. "Of course, mahal rin kita. I will be busier this incoming week, at sa Christmas vacation ulit ako makapagbabakasyon diyan."

"Okay! Basta take care of yourself! Wala pa namang nagmamahal sa iyo riyan! Haha!"

"Hindi mo sure."

The call ended, that's when his ordered arrived. Tuwang-tuwa rin ang mga kaibigan ko. Habang sina mama at papa ay 'di pa rin nagagalaw ang coffee dahil abala pa rin sa masinsinang pag-uusap.

Sina Johoney at Pearly naman ay kaniya-kaniyang kuha ng pictures. Nag-announce pa nga ang mga 'to na magma-myday sila at ita-tag kami ni Allysa. Tinanguan ko lang sila.

After an hour ay nagsawa na ang lahat sa tubig. Mom then caressed my cheek like she's about to announce something.

"It's our time to go back work tomorrow, dear. Balak niyo bang dito mag-stay for whole semestral break?"

Hindi ko naitago ang pait at lungkot sa aking mukha. Days with my parents are not enough. Gusto kong sabihin na gusto kong ilang buwan silang makita pero 'di naman maaari 'yon. They need to work. Not only because to earn but because it's their passion.

"I will ask my friends, ma. Pero siguro ay babalik kami sa apartment a day before this break ends."

She nodded. "I have sent an extra allowance to your account. Tell me if it's not enough."

"Mom, baka sumobra na nga, eh."

Tumawa lang siya kagaya ng palagi niyang response kapag nagrereklamo ako dahil sobra sila kung magbigay ng allowance. Kailangan ko talagang sulitin ang araw na 'to dahil ilang weeks pa ang hihintayin bago magsimula ang Christmas vacation.

"Mom, may update po kay papa? Is he going to have a Christmas break, too?"

"I am still currently convincing him. Hindi na bale, I will do my best to encourage him."

Sabay-sabay kamimg nag-dinner. We looked like a big family having their simple dinner. Panay ang tawa ng lahat, lalo na sina Pearly at Johoney. Until dad opened a topic about our desired profession.

"All we know and all we support is that our Chelsy wants to be a registered nurse. Hiling namin ay magustuhan niya ring magtrabaho sa hospital kung saan magttrabaho si Rynierre."

"Cool! May conversation ba kayo ni Rynierre, tito?" tanong ni Johoney.

"Wala, pero we know him- he is gonna communicate with us soon." Pero 'di nakatakas sa paningin ko ang lungkot sa mga mata niya. "Kayo? Can we know your dream profession?"

"I am planning to take MedTech, tito," Allysa confidently shared, "as my pre-med"

"That's really, really nice! I am rooting for you! Alam na ba ng mga parents mo?"

"Yes po. They actually suggested for me to rethink. But a later on, sinuportahan naman na nila."

Sabay naman kaming bumaling kay Pearly, sinesenyasan siyang i-spill 'yong sa kaniya.

"Ako, wala pa akong maisip."

"I thought you plan to become a Math Teacher?" si Allysa.

"Noon lang 'yon, 'no. People change."

Nagtaas ng kamay si Johoney. "Same here. Pero may recommendation ang parents ko sa 'kin. They want me to pursue engineering. Pero feeling ko hindi bagay sa 'kin?"

"Hindi talaga," bulong-bulong ni Pearly.

"Coming from you na wala pang maisip, bwahaha!"

"Dapat ngayon pa lang ay mag-isip ka na ng kursong iti-take mo, Pearly, dear," mom gently stated, "because there's a possibility na makapag-shishift ka ng course kapag t-in-ake mo ang kurso na 'di ka totally interested in the first place. College is something you need to be serious of."

"Copy, tita."

"I suggest na alamin mo ang mga bagay na interesado ka ngayon. It really hits different if you wholeheartedly like what you are pursuing."

Napa-understandable ng payo ni mama. We can fool anybody but we can't fool ourselves, lalo na sa usaping "passion". Kakaiba pa rin talaga kapag gusto mo ang isang bagay, kasi bali-baliktarin man ang mundo, alam mismo natin sa ating mga sarili na ito ang gusto natin.

Natapos ang dinner, at ang dami kong natutunan sa mga kaibigan ko. We may talk about a lot of things pero may mga bagay pa pala talaga silang 'di nasabi, maging ako. I shared that I am losing the appetite to do the things I was passionate of. Ilang minuto tuloy naming napag-usapan ang patungkol riyan.

"Sa iisang room tayo, okay?" Umakbay si Pearly sa 'kin. The four of us are heading to my room. I planned to watch documentaries with them. Hindi naman kasi sila umangal nang nagpaalam ako sa kanila kanina kaya go. "You said, medyo nawawalan ka na rin ng ganang manuod ng mga ganiyan. Eh, bakit 'yan ang gusto mong panoorin ngayon?"

"She likes to test herself, Jo," si Allysa ang sumagot, "kung hanggang ngayon ay nawawalan pa rin ba siya ng gana sa isang partikular na bagay o baka'y bumalik na."

"Tulungan ka namin, then!" si Pearly. "Hays, pero don't blame me kung antukin ako bigla! Hindi ko forte 'yang mga ganiyan, eh."

Nang nasa kwarto na kami ay 'yon din ang pagsisigaw-sigaw ni Johoney. Nahagisan tuloy siya nina Pearly at Allysa ng unan.

"Wait, wait! Natatawa ako!" si Johoney, 'di ma-drawing ang mukha. Umilag siya sa pangalawang unan na hinagis ni Pearly. "Remember kanina . . . Hindi ba nag-myday ako?"

Kagaya ng nakagawian noong mga nakaraang buwan, hinanda ko na ang panonoorin at ang mga kakailanganing gamit. All I know is that once upon a time, doing this thing was incomparable. Kahit na mag-isa lang ako minsan kung manood pakiramdam ko ay kompleto na ako.

"Tapos?! Sabihin mo na kasi!" Hindi na makapaghintay si Pearly.

"Hahaha!" si Johoney ulit.

"Ewan ko sa 'yo!"

"Kasi naman, si Cal nag-reply!"

Humiga ako sa kama at pinatong ang ulo sa headrest.

"Ano ang ni-reply?" kalmado kong tanong. Gumapang silang tatlo sa tabi ko, habang nakatitig pa rin ako kay Johoney. 'Tong isang 'to talaga.

"Sino ba raw isa mong manliligaw- Oops!" Humalakhak nang tuluyan si Johoney. "Sabi ko kasi sa myday 'Cool naman ng suitor ni Chelsy, may pa coffee shake-'"

Nanlaki ang mga mata ko at 'di na napigilan ang sarili na sabunutan siya. Panay pa rin ang ilag niya at habang tumatagal ay lumakas din ang tawa niya!

"Why did you do that?!" napipikon kong tanong. Ano na lang ang iisipin ng lalaki na 'yon? Na may isa pa akong manliligaw?! Which is hindi naman talaga totoo?!

"Pabayaan mo na, para hindi makapante," opinyon naman ni Pearly. "Para mas galingan pa. Ayaw mo bang akalain niya na may iba kang in-ientertain bukod sa kaniya, ha? Yiee!"

Huh? No way!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top