CHAPTER 20

"Madalang na lang po ako kung bumisita sa bahay, tita, e'. But my parents and I are always communicating through social media," si Allysa.

Everyone is so busy exchanging thoughts about whatever. Napakarami rin kasing mga tanong nina Papa at Mama sa mga kaibigan ko. Pansin ko rin sa mga mata nina Allysa, Pearly, at Johoney ang pananabik, siguro maliban sa close sila sa parents ko ay na-mimiss din nila ang mga parents nila.

It's almost nine in the evening, by the way. Kanina pa kami rito sa hapag but no one dares to mention that. Ako naman . . I have no intention of ruining their topic, but the moment I think of a reason for me to go out , I must speak my thoughts up.

Papaano na nga ba 'to? Ano ba ang mabentang rason para kina mama at papa? Buy project materials? Pero magtataka ang mga kaibigan ko knowing the semester just ended at wala namang proyekto na pinapagawa sa 'min. Should I tell them that am about to meet someone? Pero magtatanong sila kung sino!

Desperately, I logged into my Facebook account. Napa-yes ako nang mahina nang makita na online si Kuya Adrian. Sa palagay ko ay online siya pero hindi para makipag-chat pero umasa pa rin ako.

Chelsy: Kuya, favor naman, oh! Nandito kasi sina mama at papa. And . . . Wala akong makitang ibang rason para payagan nila akong umalis sa ganitong oras. Help me, pretty please.

I almost insert all the begging-looking emojis I know.

Kuya Adrian: For what? Gabing-gabi na. Saan ka na naman pupunta? You alone? No, just stay there.

Chelsy: It's very important! I promise, magpapahatid ako sa 'yo. May aaminin din kasi ako. Please, kuya, gusto ko lang ayusin mga pinaggagawa kong kamalian.

Kuya Adrian: I don't know what you are talking about. You just interrupted my me time!

I laughed while replying

Chelsy: Kahit ngayon lang, eh. And please, kapag nandito ka na, sabihin mo lang kina mama at papa na papasyal tayo! I will act surprised na rin, okay?

Kuya Adrian: Parang baliw 'to. But all right. I will be there.

I smirked mentally. Kinain ko na lang ang guiltiness sa pagkakaalam na dinisturbo ko ang pagpapahinga ni Kuya. But I am so desperate now. By the way, wala na rin akong ibang pagpipilian pa kundi sabihin sa kaniya ang totoo ngayong gabi. Ihahatid niya ako patungong frathouse at siya rin ang maghihintay hanggang sa makausap ko na si Cal. Syempre ay magtataka siya at magtatanong.

"Oh, we have a visitor!" Mom softly exclaimed after hearing a car's engine. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko, habang deep inside ay kinakabahan na ako. Nagpaalam sina mama at papa na ba-baba sa sala.

"I think it's your brother, Chels," si Allysa.

"Ewan," I answered. "Hindi siya nag-text, eh. Pero alam niyang narito sina mama at papa ngayon."

"Oh my God!" Nagtakip ng bibig si Johoney. "Si laluvs!"

Kinurot siya ni Pearly. "Lahat na lang crush mo! Pati yong Kuya Ry ni Chels ay type mo rin!"

"Tse! Nagmana lang ako sa 'yo, ah!"

At nagpatuloy ang sagutan nilang dalawa.

"Tumigil na nga kayo. Nakahihiya sa kuya ni Chels kung siya nga talaga ang dumating," Allysa.

"'Ayan tuloy!" kantyaw ni Pearly kay Johoney.

"Ano'ng ako?!" Lumobo ang bibig ni Johoney.

Meanwhile, I heard incoming footsteps. Hindi nga nagkakamali ang mga kaibigan ko. Kuya Adrian is looking clean in his white polo and khaki slacks. Ang kanang siko niyo ay may bitbit na black jacket. Nagkatinginan kami, at sinimangutan niya ako.

"Kuya! You should have texted me first!" Panay ang lunok ko sa aking laway. Ahh, this is awkward.

"Madalian, eh." Nakasimangot din siyang bumaling kina mama at papa na nakabalik na sa kanilang upuan. "Ma, Pa, gusto ko muna sanang hiramin si Chelsy. Ngayon lang kasi ang vacant time ko kaya ipapasyal ko muna. We will be home before 10. Dito na lang din ako magpapalipas ng gabi."

"Magpahinga ka na lang muna kaya?" I acted.

"I told you, ngayon lang ang mataas-taas na vacant time ko this week." Nice acting skills!

"Ahm, Chelsy, pabayaan mo na munang igala ka ng kuya mo. Basta ay before 10, nakauwi na kayo," si papa. "Right, love?"

"Yes," sagot ni mama.

"I am sorry, guys." Sinsero kong hinarap ang mga kaibigan ko. "Ito kasing si Kuya, eh!"

"Okay lang, Chels! Parang noong last day lang noong nagreklamo ka kasi 'di ka na pinapansin ni Kuya Adrian mo!" si Johoney. "Enjoy! Uwi kayo kaagad! Hays, pwede rin naman kasing isama niyo ako, eh—"

Natigil siya sa hampas ni Pearly. "Itigil mo nga 'yan! Landi, eh!"

"Suggestion lang 'yon!"

Natawa kaming lahat.

"Tama na nga 'yan. Para kayong mga bata!" si Allysa sabay baling sa 'kin. "Ako nang bahala sa dalawa na 'to."

Tahimik pa kami ni kuya habang papalabas ng bahay. Pero nang katabi ko na siya sa kotse, I hugged him so tight. Pagod at nandidiri niya naman akong itinulak.

"Saan ba ang destinasyon mo ngayon, Prinsesang Chelsy?"

"You really are my savior, Kuya!"

"Tsk. Kung 'di lang dahil sa sinabi mong may aaminin ka ay 'di naman kita tutulungan."

Doon nawala ang ngiti ko. I hope you won't hate me too much, kuya. At sana 'pag nasabi ko na ang totoo ay bigyan mo muna ako ng pagkakataon na ikwento na rin sa mga magulang natin.

"What's wrong?"

"Ahm, nevermind!" I laughed. Sinabi ko na rin ang address ng pupuntahan. Buong biyahe tuloy na nakataas ang kilay niya nang makuwento ko na lalaki ang pakay ko sa lugar na 'yon. Ayaw pa maniwala na walang namamagitan sa 'min! Napakabilis niyang gumawa ng mga maling kwento.

The car's machine stopped, and Kuya Adrian looked deadly serious. "I will give you thirty minutes sa loob, okay? I don't know what kind of house is that, but it looks like . . . Nevermind. Basta ang usapan natin."

"Opo!" Sumaludo ako, pero 'di siya ngumiti pabalik. Sabi ko nga.

Nang nasa loob na ng frathouse ay kaagad kong namataan ang lalaki. Nakapuwesto siya sa nakasanayang upuan. Pero ang pinagtatakhan ko lamang ay nakayuko ito na tila may masakit sa kaniya. Hindi katulad ng dati na naaabutan ko siyang mayabang na nakatingala.

"Glad to see you again! Ang daming nangyari kanina!" bungad ng isa sa 'kin na 'di ko pa masyadong kakilala.

"Oh? Na-busy ako sa room, e'. Ano'ng nangyari ba, ha?"

"May nakaaway lang naman si Cal. Galing sa kabilang grupo. 'Yong na link kay Amethyst."

Oh! Edi si Warren?! Siya lang naman ang naisip kong kalaban nitong si Cal na may koneksyon kay Amethyst!

"Kumusta naman?"

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa lalaki.

"What happened? Ang dami mo nang kalaban, ah?"

Saktong kauupo ko sa tabi niya ang pagbaling niya sa 'kin. "Hi, Miss."

I rolled my eyes as he smirked. Kahit anong kondisyon talaga ng lalaki na 'to ay 'di pa rin maalis-alis 'yang ngiti niyang nakakaloko, eh, 'no.

Hinawakan ko ang braso niya, kaya napa-aray siya nang mahina. Kung normal lang 'to na senaryo ay baka maasar ko pa siya. Nasaan na ba kasi ang Cal na palaging astig? Masyado na ba talaga siyang nabugbog ni Warren?

"What are you thinking? Na natalo ako noong lalaki na 'yon?"

"Hindi ako interesadong malaman kung sino ang nanalo!"

"Nakipag-away lang talaga kung kailan wala ako sa mood, huh?" bulong-bulong niya. "Sino'ng kasama mong pumunta rito?"

"Parang kasalanan ko pa na narito ako. Eh, sino ba ang nangulit?"

"Answer me."

"Si Kuya." Nagtiim-bagang ako. "I will explain to him everything. I am here because I want to tell you na gusto ko nang umalis sa grupo."

Umayos siya ng upo, iniinda ang sakit sa braso habang 'di inaalis ang tingin sa 'kin.

"and I am serious this time, Cal."

"Sinimulan mo pero hindi mo paninindigan?"

"Hindi 'yan na-aapply sa ganitong sitwasyon, Cal, okay?! I just noticed na . . . Palagi na lang ako nag-sspace out kada klase kasi halos gabi-gabi akong narito. Did you even know that I am not anymore included in the Top 10?"

"I know."

"Diskompyadong diskompyado sina mama at papa sa 'kin. And they are hoping for good change from me. At hindi 'yan mangyayari kung ipagpapatuloy ko 'to. This group is a bad influence. Marami kayong away na nasasangkot at nadadamay ako. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkalabuan kami ni Amethyst."

"I already told her not to hurt you."

"Pero hindi lang kasi about sa 'min ni Amethyst 'to," I begged. "This is for my acads. Lalo na't sa medical field ang bagsak ko sa college. Hindi maaaring mawala sa linya ang mga marka ko!"

"So you are quiting?" His voice hoarse.

"I am. Please, understand."

"Ginawa mo lang trial card ang grupo."

Napasampal ako sa sariling pisngi. "Huwag mo nga akong i-guilt trip, Cal! At, 'wag ka na nga ring magdrama. Hindi bagay sa 'yo! Hindi rin naman kawalan ang pag-alis ko sa grupo."

"I will allow you to leave," was his next response, pero 'ayan na naman ang ngisi niyang nakaiirita. "And I will still pursue you."

"Are you really . . ." I stopped to check my breathing. "Serious in that?"

Sa dinami-raming nag-attempt na i-pursue ako, at sa dinami-raming harap-harapang nagsabi ng feelings, ang kay Cal ang pinakamahirap i-register sa utak. Mahirap dahil kahit na nakangiti ang mokong ay ramdam ko ang pagiging totoo niya. Siguro . . .  Mas mabilis ko siyang matataboy kung ramdam ko na naglalaro lamang siya.

Sa tuwing naririnig ko ang sinasabi ng iba na kailan man ay 'di mag-seseryoso ang isang katulad niya ay mas lalo akong nahihirapan na humusga.

"You will be the death of me. Like what everyone says," wala sa sarili kong naibulong at nagkaroon ng buhay ang mga kamay na tulungan siya sa pagco-cover ng panyo sa kaniyang braso.

"Do their opinions matter?"

"In this case, yes. Hindi pa kita lubusang kilala."

"Why not know me more, then? Aray!"

Diniin ko ang paghawak sa isa niyang braso. Natawa ako sa sariling ginawa.

"I am too busy to do that, Cal."

"You didn't accept my confession. Hindi rin ni-reject. Chelsy "Giving Cal mixed signals" Cattaneo.

I laughed. "Cal "Mixed Signals Enjoyer" Ramirez."

Ilang minuto kaming 'di nag-imikan. I wonder kung nasa paligid ba si Amethyst. Kung oo, ay okay lang. Hindi naman din kasi ako magtatagal rito. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Cal.

"Hindi ka ba natatakot na baka isumbong ko ang grupo niyo na 'to?" I looked at him and smirked.

"Kung sa 'yo manggagaling ay hindi ako magagalit."

Napatitig tuloy ako sa kaniya. Kung gaano karami ang may gusto sa kaniya ay mas marami naman ang may ayaw sa kaniya dahil sa kaniyang masamang pag-uugali. But I am kind of wondering . . . Kung malalaman ng lahat ang ganitong side niya, I doubt a single hate will be thrown at him.

Umiling-iling ako. Gosh, Chelsy! Para kang nakulam!

"Huwag ka nang makipag-away, lalo na kay Warren."

"Bakit? Nagsusumbong ba 'yon sa 'yo?"

Pairap ko siyang tinitigan. "Never 'yon nagsumbong kung gaano kasama ang ugali mo. Hindi ka naman 'ata papatulan no'n kapag 'di mo inunahan, eh! Dahil ba 'to kay Amethyst? Pinag-aawayan niyo pa rin ba siya hanggang ngayon?"

"This is not about her." Nag iwas siya ng tingin. "I even encouraged her to quit."

"Sa grupo na 'to?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Remember what she did to you."

"So . . . Dahil sa 'kin? Akala ko ba . . . May something sa inyo? Pero, settled na kaming dalawa! Iniiwasan na namin ang isa't isa."

"Hindi niyo maiiwasan ang isa't isa kung mananatili si Amethyst sa grupo."

"You just dumped your relationship. Hindi ka ba nasasayangan?"

Hindi siya kumibo. Nang may naglahad ng drink ay inabot niya lang 'to at nilagok nang walang pag-aalinlangan.

"Ano naman ang reaksyon niya sa . . . Ginawa mo?"

"Hindi siya pumayag. But she needs to follow what I said."

"Hindi iyan magugustuhan ng ibang members, Ramirez. At isa pa, hindi na rin naman na ako parte ng grupo nato kaya wala mo nang pakealaman si Amethyst." Sabay on ko sa aking cellphone. Katatapos lang ng palugit ni Kuya sa 'kin kaya kailangan ko nang umalis. "I am off. Huwag mo na akong kulitin, okay?"

"See you . . ."

Medyo natulala ako sa harapan niya. "Ano'ng see you? Even if this semestral breaks ends ay iiwasan na rin kita sa school."

"See you tomorrow." He stood up like a boss. Nalilito na lang din akong sumunod sa kaniya. Kung plano niyang samahan ako hanggang sa makompirma niyang kasama ko nga kuya, edi pagbibigyan ko na. Tutal naman ay huling tapak ko na rin sa lugar na 'to.

"Ahh, Cal, Amethyst just called me. Pakisagot daw ang mga tawag niya," sabad ng mala-receptionist.

"Goodnight." Hindi 'yon napansin ni Cal. O sadyang magaling lang talagang mang-ignore ang lalaking 'to.

"Thank you." I stared at his eyes for seconds and didn't expect he would fold first. Marahan niya na lang ako tinulak at pinatalikod. Tuloy-tuloy na lang din ang tungo ko kay kuya na pinagmamasdan ako habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.

"Is he your suitor? Did you just reject him? That's such a brave and nice decision." Humalakhak siya, pero nang makitang tahimik ako ay lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nang pareho na kaming nakaupo ay bumaling siya sa 'kin. "I will listen, my sister."

What a peaceful night. It just contradicts the war I am feeling inside. Kung gaano kapayapa ang hampas ng hangin ay ganoon naman kalakas ang alon sa dibdib ko.

I stared back at Kuya Adrian and started telling him what happened. All the details. The things that triggered me. The things that confused me. Lahat sinabi ko. I readied myself of seeing him not understanding my side.

"I understand, though," he finally whispered. "I understand those kind of feelings. I understand the things which made you lie. What you did is unreasonable, but it happened, Chelsy. It happened." Inakbayan niya ako nang maingat, tila alam na kaagad na 'yon ang kailangan ko. "You cannot change what is done, but you can learn from it."

"I will also tell the truth to our parents. Pati na rin sa mga kaibigan ko."

"As what you should."

"Thank you, kuya, na-disturbo pa tuloy kita."

"I am always busy, but I can find a vacant time for my sister." Ngumuso siya. "Eww, that's too corny. Guilty!"

"May sweet side ka pala, ha."

"And I am embarrassed because of it." Umayos siya sa pagkauupo at pinuwesto na ang mga kamay sa manibela. "Anyway, you seemed to be attracted to that man."

"Kay Cal?" tanong ko. Napatitig siya sa 'kin.

"Siya kaagad ang naisip ko kasi siya lang naman ang mostly pinag-usapan natin kanina," I defended.

"Do you like him?"

"Hindi ako sasagot sa 'yo dahil alam kong huhulihin mo lang ako kahit ano'ng mangyari."

Mas lalo siyang natawa. "You are not obliged to answer that question right away because you need time to discover the truth."

"I don't like him, kuya. He's a babaero. He treats love like a game."

Pailing-iling lang niyang ni-start ang makina.

"Of course, you can't relate to him dahil 'di ka naman babaero!"

Tahimik na ang bahay nang makauwi, but mom waiting for us to arrive is what I notice first. Gabi man ay kita ang kinang sa mga mata niya habang pinagmamasdan kami ni kuya na naglalakad papalapit sa kaniya. I checked the time again. Tamang-tama lang talaga ang pagdating namin.

"Mom!" I hugged her so tight. Buong galak niya naman akong sinalubong.

"Mom, what happened to her? She has become more childish!" reklamo ni Kuya.

"Minsan na nga lang ako maging ganito, eh."

Smiling, mom asked, "what do you two want? Ikaw, Adrian? I think you haven't eaten yet."

"Nag-fast food ako, mom, before dumiritso rito. But I will eat whatever is prepared on the table now."

Nabalitaan ko na tulog na tulog na ang mga kaibigan ko ngayon. Mabuti na lang at may mga guest room kami rito kaya tig-iisa sila ng kwarto. When it's my turn to sleep, I spent minutes reminiscing what happened today.

Mula sa school hanggang sa dinner namin nina mama't kuya kanina. Syempre, hindi rin maalis-alis sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Cal. 'Yong pagpapaalis niya kay Amethyst sa grupo hanggang sa sinabi niyang he will pursue me. Plus that "See you tomorrow" line. I know what he means, but am too tired to think about it now.

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na nasa kusina. They are all having breakfast with mom and dad. Kung nasaan si Kuya Adrian ay 'di ko na alam. Marahil ay maagang umalis.

"Good morning, mom and dad. Good morning, everyone," bati ko sa kanila, si mama naman ay pinag-slice pa ako ako ng tinapay.

"Morning, yes. Good, no," ang nakasimangot na si Pearly. Tinawanan lang siya ng lahat.

"Ano'ng nangyari sayo?" Kumagat na lang ako sa tinapay.

"Masama 'ata ang napanaginipan," si Allysa.

"Ang pangit siguro ng pwesto mo kagabi kaya ganiyan," si Johoney naman.

"Ganoon ba 'yon?" Sumimangot lalo si Pearly. "Okay, good morning sa inyong lahat."

I went back to my room to shower. I spent thirty minutes cleaning myself. Medyo kalmado na sa pakiramdam dahil wala ni isang homework na pinagawa sa 'min. It's really a vacation.

"Chels, may sasabihin ako!"

Kalalabas ko lang sa shower nang patakbong lumapit si Johoney sa 'kin, yakap-yakap ang kaniyang cellphone. "Huwag kang magalit sa 'kin, please!"

"What happened ba?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya mas lalo siyang nagtatatalon-talon.

"Warren asked me kung nasaan ang apartment natin kaya binigay ko ang address kahapon. And ngayon lang, nag-text ulit siya na on the way na siya! Ahhh!" Sinabunutan niya ang sarili.

"Ba't mo binigay ang address, then?!"

"Kasi alam kong may pa-foods and drinks 'yong dala for you!"

Ngumiwi ako. "Just chat him na lang na 'wag na munang tumuloy kasi nasa gala pa tayo."

Akala ko ay kakalma na siya pero natataranta pa rin 'to.

"May problema pa ba?"

"Opo." Kinagat niya ang sariling dila. "Nasa labas lang kasi si Cal at kausap niya ang parents mo!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top