CHAPTER 19
Tumahimik nang ilang minuto. Nanatiling nakatitig si papa sa kin, hinihintay na magpatuloy pa ako sa pagsasalita. It must be his first time to hear that "him", bihira lang kasi ako magkuwento sa kanila partikular na sa mga bagay na . . . Pati ako ay nalilito rin.
"Someone you like the most?" ani ni Papa. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya. "If he's distracting you, then he is not good for your mental health. Forget him. Studies are more important."
Huminga akong malalim. What do I expect from someone who is rational thinker like him? Kahit sino nga rin siguro ay ganiyan din ang maikokomento.
"What's his name? Do I know him? Walang kang nakukuwento sa 'min, ah? Is he a suitor? Isn't he treating you good that's why you're bothered and your grades are affected?"
He's Cal. Minsan ko na siyang naikuwento sa kanila. And honestly, I am still nervous to what Cal is doing. Gusto niya ako at nakatatakot 'yon. Gusto niya ako at apektadong-apekto naman ako. He's not treating me bad, tho. Bukod nga lang sa mga biro niyang 'di nakatatawa, at mga banat na wala sa lugar, ay 'di ko naman masabi na 'di niya ako tinatrato nang tama.
How I wish I could tell all of that to my parents.
"Chelsy," pukaw sa 'kin ni papa.
"I am sorry po. I was thinking . . . It is not what you think." I breathe in and continue lying. "He's just an enemy of mine— an academic rival and in too much competing, I . . . lost."
My voice must be sounded sad because dad's eyes softened upon hearing my explanation. Lumapit siya lalo sa 'kin at niyakap ako. I bit my own lips, holding back the part of myself that wanted to confess the truth.
"My princess . . . It's not over yet. You can start anytime. If you're thinking that I am very disappointed because of your grades, you're wrong. I believe in you, you can make your grades better."
He let go in a hug, that's when Mom entered the scene. Her beautiful smile faded when she witnessed the hugging session. Matapos niyang ilapag ang mga plato ay tumitig siya sa 'kin.
"Is there something I need to know about?"
I wiped my own tears while laughing.
"I don't want to kill the atmosphere, Mom, we're about to eat," I laughed.
"Come on, tell me." She sat without taking her eyes off me.
"She didn't get in the top 10," Dad spoke up for me. Napalunok ako nang nanlaki ang mga mata ni mama.
"How?"
I bit my own lips. Hindi ako nakasagot pero mayamaya ay kumalma si mama. Sa tantya ko ay naglaan si papa ng limang minuto para e-explain ang nangyari. Nakinig nang mabuti si mama hanggang sa dahan-dahang lumambot ang mata niya.
"I am sorry, 'nak," she whispered. "Only if I was always by your side, I might have prevented this from happening. I know you— you're a grade conscious one kaya 'di talaga 'to madali para sa 'iyo." She reached for my hands. "Stop being overly competitive sa lalaki na tinutukoy mo. It isn't between you and anybody else. It's you between you, remember that."
Nagtagal kami sa hapagkainan dahil kaniya-kaniya rin silang kwento about work. I have had fun listening. Hindi ko nga napansin na dalawang oras na pala naming kaharap ang mga pinggan.
"I really need to take care of the hospital. It's for Rynierre. Ito na lang ang tangi kong magagawa. Even if we hire an investigator to find him, wala pa rin tayong magagawa kung talagang ayaw niya munang bumalik," I heard Mom, drinking wine. "His reasons for choosing not to be with us are valid to me."
"Never did you try to hire an investigator, Ma?" I asked innocently, that's when my phone vibrated.
"Never. But a relative told me that's he's in good hands. Nahihirapan nga lang dahil hindi palaging umaasa sa binibigay na tulong pinansyal."
Cal: Where are you?
Chelsy: Home
Cal: If u not busy, come here. Bored.
Chelsy: Wala ba si Amethyst diyan at ako ang hinahanap mo? How about the other members? You can ask them to entertain you.
Cal: Congratulations, I heard announced na ang honor list niyo.
Nawalan ako ng gana mag-reply. Ni-off ko ang phone nang 'di na makabasa ng kung anumang message, dahil puro lang naman din congratulations ang natatanggap ko sa social media na mas lalong nagpapasikip sa dibdib ko. Dumagdag pa 'tong Cal na 'to.
"How about Allysa, Johoney and Pearly? You mentioned they got high grades. Hindi niyo i-ce-celebrate?" Mom. "I am not surprised anymore that Allysa got the top 2 position. She deserved that rank."
"That's why we're planning to have a small celebration, Ma, kapag nakauwi na ako sa apartment."
"That's good!"
Mom and Dad are going to stay here for two days, ika nila sa 'kin. Kaya noong sinabi nilang kailangan muna nilang magpahinga ay 'di pa rin maalis-alis ang ngiti sa mukha ko. I plan to go to apartment now and just spend my night here when tomorrow comes!
I just hope na 'di na naman ako mauto ni Cal na pumunta sa frat house! Kagaya ngayon, parang gusto kong sundin ang gusto ng lalaki. Kung 'di lang talaga mas importante ang celebration namin ng mga kaibigan ko, e'.
"I am not happy, Chels, to be honest," si Pearly. "Seryoso na 'to, ha. You don't deserve that grades. You should promise na babalik sa rati ang lahat ngayong sem."
Naka-gi-guilty lang dahil imbes na mag celebrate ay mas pinoproblema pa nila ang grades ko. Nagulat nga ako nang malaman na kinuwesyon pa ni Johoney si ma'am through PM!
"I will do my best, Pearly, salamat."
"Tsk! Baka namali ng compute si ma'am!" si Johoney.
"Oo nga, 'no?" Pearly agreed.
"Gagi. Hindi nagkamali si Ma'am, guys. Nasubaybayan niyo naman mga scores ko sa quizzes ,'di ba? Halos lahat bagsak."
Pasimple akong bumaling kay Allysa. Tahimik lang kasi siya sa pwesto niya. Minsa'y nilalalabanan niya ang mga mata ko pero most of the time ay nakatitig lang siya sa sariling icecream. Pinili ko na lamang maging masaya dahil kahit papaano ay sinamahan niya kami mag celebrate. Akala ko ay magkukulong na lamang siya sa kwarto para iwasan kami—ako.
Kinabukasan naman, walang maayos na klase dahil may meeting ang mga teachers under STEM department. Magulo ang buong room pero 'di nakatakas sa 'kin ang isang issue.
"Did they break up?" tanong ni Johoney. "Totoo? If yes, bakit naman? Is it because Cal..." Sabay lingon niya sa 'kin at nag peace sign. "Eme, that means nabaliw na talaga nang tuluyan si Cal kay Chelsy!"
"Kayo na?" a classmate asked.
Muntik na akong maubo.
"Hindi pa niya sinasagot. He's pursuing Chelsy," si Pearly ang sumagot. "It's obvious na gumagawa na talaga siya ng mga hakbang!"
Napalingon ako kay Allysa nang mapansin na nakikinig rin siya. She looked at me and I immediately looked away. God knows how I want to share everything to her, though. She's always warning me about that guy because of their past but I know her opinions would always be rational.
"Saan ka mag-lu-lunch mamaya?" I asked her shyly.
"Sa faculty. Kailangan ko pang mag-review."
"Okay!" Ngumiti ako.
Nang mag recess ay pinili ni Allysa na manatili lang sa room. Gustong-gusto ni Pearly na pumunta sa gym kasi nagtitinda ang mga Grade 11 ABM students doon bilang isa sa kanilang subject requirements. No choice tuloy si Johoney na samahan si Allysa't 'wag iwan since ang pangit kung tatlo kaming bibili.
"Hindi pa talaga kayo bati, 'no?" Kinapkap ni Pearly ang bulsa para ihanda ang pambili.
"I am sorry. . ."
"Masyado sigurong mabigat ang ginawa mo para matagal-tagal bago tayo kausapin ni Allysa, Chelsy," maingat niyang ani. "But nobody's perfect at alam 'yan ni Allysa. Iyon pa. Basta't 'wag mo lang ulit sisirain ang tiwala niya."
Tumango lang ako. Lumingon-lingon siya sa paligid para maghanap ng pinaka the best bilhin. ABM students are really creative in preparing their small business. Kung kaya ko lang talaga kainin lahat ng paninda ay baka nabili ko na ang mga 'to.
Sa bandang kanan ay kapansin-pansin ang isang lalaki na umiinom ng juice. He's talking to a guy na nagbebenta and it seems like kahit lalaki ay na-attract din sa kaniya. I can't help but to chuckle because of the guy's reaction. I just hope na nagbabayad 'yang Cal na 'yan at hindi dinadaan sa pagpapa-cute ang lahat.
"Dynamite!" tili ni Pearly at hinila ako kaya iniwas ko ang tingin kay Cal. Pumila kami ni Pearly dahil marami rin ang gustong bumili ng dynamite.
"Hey."
Bumaling ako sa kanan at tumingin. There is Cal holding a cup of orange juice. He handed it to me, while I had no choice but to accept it.
"Balak rin namin 'tong bilhin," ang nasabi ko na lamang at na-distract sa tili ng ibang mga nakapili. Napangiwi ako.
"You're welcome." Peke lang siyang tumawa at umalis na rin. Mahina akong tinapik ni Pearly at nanunuyang ininuman ang juice.
"May sweet side rin pala ang lalaki na 'yon, eh, 'no?"
"I don't care."
"Alam mo, kahit na kalat ang balita na sila ni Amethyst, hindi ko pa 'yan nakita na sweet sa babae. Maybe you're his fire, huh?" Tumatawa-tawa siya habang binulong 'yon dahil sa mga kurot ko. "Oh, my God, you really can't judge a book based on its cover! What if—"
"Tigil mo 'yang what if mo, okay?" Nilakihan ko siya ng mata. Sinabunutan niya ako bago humarap sa tindera at tawa na nang tawa. Until it's finally my turn to pay.
"Ate Chelsy, your are already paid na po."
"Ano?" I handed my one hundred pesos, habang siya ay walang balak tanggapin 'to.
"Binayaran na po ni Kuya Cal."
Dumikit si Pearly sa 'kin, nanlalaki ang mga mata. "How much lahat ng nabayaran?"
"Total of 250 pesos po."
"Talaga?!!"
"Pearly, hoy, tama na."
"Sa pagkakaalam ko rin po ay binayaran niya lahat ng nagtitinda ngayon, eh."
"Holo!"
"Sige, salamat!" nakangiwi na ako at hinila papaalis si Pearly na mas 'di pa makapaniwala kaysa sa 'kin.
Bitbit ni Pearly ang nangyari hanggang sa nakabalik kami sa room. Marami-rami rin ang nakakita sa ginawa ni Cal kanina kaya kahit 'di pa sinasabi ni Pearly ay marami nang alam ang lahat lalo na sina Allysa at Johoney!
"Sinagot mo na, Chels?" tanong ng isa kong classmate.
"Never!" sigaw ko pabalik at nagkunwareng may ginagawa.
Kabado ako dahil sa nangyari. Panay ang asar ng lahat sa 'kin including sina Johoney at Pearly! Mayamaya ay naramdaman ko na lumapit si Allysa sa 'kin.
"Sabay tayo mamayang uwian. May kukunin lang ako sa faculty. Please wait for me."
Magaan ang pakiramdam kong tumango. "Sure! Kumusta ang pag-re-review? Kailan ang susunod na competition?"
"Next month. Though, still unsure sa date. Waiting pa ang school sa further notice."
"Actually, gusto sana kayong makita nina mama at papa. Nasa bahay kasi sila ngayon at nagbabakasyon."
That's her turn to smile. "Talaga? Sure, sure! Mayroon din silang Christmas break, kung ganoon?"
"Hindi pa ako sure kung si papa, mag-ti-take. Pero si mama oo."
A moment of silence filled the scene until she got a smile. The kind of smile na ilang linggo kong nais makita mula sa kaniya.
"Let's talk later?" I asked softly and meaningfully.
"You have lots of things you'd like to share, right?"
Bumalik siya sa kaniyang upuan, at bigla na lamang nagtilian sina Johoney at Pearly habang tumatalon, nakabaling sa 'min.
"Finally, finally, bati na rin sila!" Naka-pray sign pa si Johoney habang kaakbay si Pearly. "Tataas naman ng pride niyo! Pinaabot niyo pa ng ilang weeks! Umay!"
"It's all about giving each other's a space," natatawa kong tugon.
"Each other's a space," Pearly mimicked my voice.
Na-busy sila kaaasikaso sa pag-re-research about sa new subjects namin this sem. I promised to myself na simula ngayon ay mag-aaral na talaga ako nang mas mabuti. Mom and dad accepted my low grades but that doesn't mean I won't aim for change.
It's really true that it's me against me. Hindi ko dapat hinahayaan na maapektuhan ang grades ko dahil sa lalaking nilalaro lang lahat ng bagay.
Mayamaya ay nakatanggap ako ng kurot galing kay Pearly. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginuso niya lang ang pinto.
"May away na naman ba na mangyayari?" bulong ng nasa malapit.
Pero hindi naman ganoon ang nangyari. Amethyst with some SSG offers walked towards the center. Ang isang SSG ang nag-announce na may mangyayaring one-week vacation bago mag-start ang panibagong semester.
Everyone agreed pero may iilan na nagtaka, kuno ay dapat isabay na lang sa Christmas break para tumaas-taas ang Christmas vacation. Tho, 'di naman 'yon nagresulta ng debate.
"So, gala?" si Pearly. "7/11 tayo before and after gala!"
"Para makita ang crush mo!" Nakasimangot si Johoney. "Eh, balita ko nga, hindi na raw sa seven eleven nagtatrabaho 'yon, eh!"
"Eh?!" Si Pearly.
"Ouh, balita ko lang naman. You know, connection."
Pearly rolled her eyes and seemed not to believe. Habang ako ay napaisip naman. Ngayon na may semestral break. Edi marami-raming play ang magagawa ng group nina Cal.
"Chelsy."
Napatingin ako kay Allysa. She seemed to be reading my mind. Bigla tuloy akong 'di naging komportable.
"Kailan mo ba sasabihin sa kanila?" bulong niya sa mahinang boses. Naging abala sa pag-uusap sina Johoney at Pearly patungkol sa kung anumang bagay.
"Huwag mong hintayin na sila ang unang makaalam, Chelsy, pakiusap."
Natahimik ako dahil roon.
Noong uwian, sabay kaming dumiritso sa bahay. Excited silang lahat na makita sina mama at papa. Plano nga namin na roon na lang din magpalipas ng gabi.
Johoney and Pearly are both singing "Enchanted" by Taylor Swift. Ang gulo nila sa backseat kaya napagsasabihan din ni Allysa. I am not a super fan of Taylor but the line 'Please don't be in love with someone else' touched my heart.
Parang may gusto ang babae sa isang lalaki pero wala siyang ibang magawa kundi magmakaawa sa lalaki na 'wag magmahal ng iba knowing she's about to leave soon.
The next song is Taylor's. Hindi ko memorize ang lyrics kaya winawagayway ko na lang ang aking kamay sa ere.
"May song request ka ba, ha, Allysa?" si Johoney. "Eh, ikaw Chelsy?"
"Kung ano ang gusto niyo." I smiled. Mabagal rin kung magmaneho ang driver para siguro irespeto ang moment ng mga kaibigan ko.
"Are you familiar with "Just Hush?" si Allysa.
"Kanta 'yan?" Nakataas ang kilay ni Pearly.
"Tanga, oo," Johoney mumbled.
"Maikee's Letters." Bumaling si Allysa sa 'kin at ngumiti. She looked tired as she laid her head on the headrest. Mayamaya ay nag-play ang panibagong music.
"Bakit ang daming sinasabi, ng mga tao sa paligid? Kesyo 'di raw tayo bagay lumayo ka na. Ako raw ay sinungaling at lolokohin ka."
Napa-o ang bibig ko nang sabay 'yong kinanta nina Johoney at Pearly.
"You memorized the lyrics, huh?" I am still shocked, for some reason. And for some reason, the lyrics are kind of . . . Relatable.
Relatable, what, Chelsy?!
"Iiwanan 'pag nakuha na ang gusto niya . . . Sana lang ay 'wag kang makinig sa kanila 'pagkat 'di nila alam kung ano'ng meron sa ating dalawa."
"Amoy private and healthy relationship" bulong ni Pearly, "na bagay sa 'min ni ano."
"Yucks!" Tinakpan ni Johoney ang kaniyang tenga.
Ang hirap na tuloy huminga sa pagkaaalam na na-t-trigger ako sa mga ganoong lyrics! Plus, mukhang sinadya rin 'yon ni Allysa na ngayon ay mahimbing nang natutulog!
'Pagkat 'di nila alam kung ano ang meroon sa ating dalawa, huh?!
Teka, ano'ng "kung ano ang meroon sa ating dalawa", eh, wala naman in the first place?!
"Tulala ka na naman. Anyare?" Inakbayan ako ni Pearly. We are finally home. Paulit-ulit ba naman nilang pinatugtog ang the Just Hush na 'yon sa biyahe! Wala namang special sa kanta na 'yon kaya ewan ko sa kanila!
"Tara na lang." I pouted.
Nauna silang naglakad. Tumakbo pa ang mga 'to nang salubungin sila ni mama sa main door. Bago lumapit ay ni-on ko ang phone at nag-connect sa wifi.
I downloaded that song. Nakaiirita lang kasi at gustong-gusto 'to ng mga kaibigan ko samantalang wala man lang akong makitang special sa mga ganitong type ng kanta!
'Di nila mapipigilan tayong dalawa, huh?
"How's school, darling?" Mom reached for my bag. Niyakap niya ako at inalalayan patungong sofa. "Nasa kusina ang papa mo, nag-bi-bake. Preparing your favorite cookies since nalaman niyang nagpasundo kayo ng mga kaibigan mo."
"Marami-rami po ba 'yon?" si Pearly.
"Of course, dear." Si mama habang nakabaling pa rin sa 'kin. "Dito niyo gustong magstay tonight?"
"Opo sana."
"Then, I will prepare your room. Ang gulo no'n nang binisita ko kanina."
"You not tired, mom?" malambing kong tanong.
"Not at all."
Nagsitakbuhan sina Allysa, Pearly, at Johoney patungo kay Papa. Balak raw nilang tumulong. Habang ako naman ako ay narito pa rin, nakaupo.
From Kuya Rynierre: What are you doing? Stay hydrated, okay?
It was sent five hours ago. Nag-reply na lang din ako. Napaisip na naman ako. Should I confess to Johoney and Pearly the truth before this semestral break ends? At, balak ko rin sana 'tong aminin kina Kuya Adrian at Rynierre. Magagalit ang mga 'yon pero baka kamuhian na ako 'pag pinatagal ko pa!
Cal: At school?
Chelsy: Home. Family Time.
Cal: Oh!
Ni-off ko na ang wifi. Since nag-chat ang isang 'yon, isa lang ang ibig sabihin: obligado na naman akong pumunta sa frathouse mamaya. Speaking of which, if I tell Cal about my reason kung bakit gusto ko nang umalis sa grupo ay baka maawa siya sa 'kin. Will just tell him the truth.
That out of curiosity kaya ako napasubong sumali. Na gusto ko lang malaman ang mga pinaggagawa nila.
Okay. Pupunta ako sa frathouse mamayang gabi, at kung ano na naman ang idadahilan ko para makatakas ay mamaya ko na lamang poproblemahin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top