C H A P T E R 9
"Just know your limitations, Chelsy."
Sabay bigay ni Mama sa 'kin ng isang susi. Sa totoo lang ay labis talaga akong natuwa sa ibinalita nila, dahil akala ko ay 'di na nila tutuparin 'yong sinabi at ipinangako nila noon na bibigyan nila ako ng sariling apartment.
"Salamat, Ma," sabi ko gamit ang paos na boses. Umayos ako ng upo dahil kagigising ko pa lamang. Sabado na kasi ngayon. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa tadan, weekend na naman. 'Di ko in-e-expext na bibisitahin ako ni Mama -- akala ko kasi ay 'di na siya uuwi sa sobrang busy sa pagtatrabaho. "Pero pwede ko naman 'atang makasabay ang mga kaibigan ko, 'di ba? We all planned to live in a same place."
Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niya pero sa huli ay tumango lamang siya at tinapik ang tuktok ng ulo ko. 'Pansin ko na 'di pa rin siya nakasuot ng pambahay na damit. Siguro ay talagang dumaan lang siya rito para ibigay ang susi sa 'kin.
"Just promise to me that you'll stop going to some parties. Well, you can still enjoy but just know your limitations again. 'Wag na 'wag mong papabayaan ang pag-aaral mo. Anyway, I know you excell academically pero hinay-hinay pa rin sa paggala."
Tumango na lamang ako. Paulit-ulit nila iyang pinapaalala sa 'kin. Medyo barumbado ako noong mga nakaraang taon kaya 'di na ako magtataka kung may pagdududa pa rin sina Mama at Papa sa 'kin. Naaalala ko pa nga na minsan na akong tumakas nang alas 12 ng umaga makipagkita lang kay Johoney.
"Ma," tawag ko sa kaniya bago pa siya makalabas ng silid. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang lingunin niya ako.
"Ano 'yon?" tanong niya habang nagtataka.
"Wala, Ma. Salamat pala sa tiwala."
'Ayun lamang ang nasabi ko kahit ang totoo ay gusto ko talaga siyang tanungin kung dito ba siya matutulog o sa hospital na naman. Pero sa wari ko ay 'di na naman siya magtatagal rito. Ganiyan siya, e'.
"Are you sure?" tanong niya sa 'kin muli. Napansin ko lalo ang eye bags sa ilalim ng mga mata niya nang nginitian niya ako. "May kailangan ka pa? Do you need extract allowance?"
"I don't need, Ma." I only need your attention.
"Sige. Babalik muna ako sa hospital at baka marami na naman ang pasyente. Kailangan na nila ako roon."
At, Ma, kailangan din kita. "Sige, Ma."
Nang sarado na ang pinto ay tumulo na naman ang mga luha ko. Tahimik ko silang pinunasan. 'Eto na naman ako at nag-da-drama.
Ang ginawa ko na lang para matulungan ang sarili ay in-open ang phone at nakipag-video-call kina Allysa, Johoney, at Pearly. Balak ko nang sabihin sa kanila na may sarili na akong apartment. Sa aming apat kasi ay ako lang ang pinangakuan na pwede nang magkaroon ng sariling apartment kaya minsan
na rin kaming nagplano na mag-reside na lang sa iisang apartment.
"Talaga?" sabay-sabay nilang tanong sa 'kin, namamangha.
In-on ko muli ang mic bago tumango at nagsalita, "Oum, yes, kanina. Kauusap ko pa lang kay Mama. At yeah, payag siyang sama-sama tayo sa apartment."
"Pero magbabayad ako!" Itinaas ni Pearly ang isa niyang kamay na tila ba nasa recitation kami. "Alam kong cute ako pero magbabayad pa rin ako!"
"Same here. 'Di naman p'wedeng libre na lang lahat. Unfair 'yon sa side mo," komento ni Allysa.
"Ang K-KJ niyong lahat! Alam niyo ba 'yon? Papaano na lang ang isang tulad kong ilang weeks nang 'di nabibigyan ng allowance ni Mader?" si Johoney.
"Grounded ka kasi kaya ganiyan," tumawa si Pearly. "Johoney, The Great Grounded."
Halos tawanan lang ang nagawa namin sa loob ng dalawang oras. May mga times pa nga na para kaming baliw kakatawa kakatitig sa mukha naming lahat. Mabuti na lang din at kahit papaano ay medyo magaan na ang mga school works. Kaya nga hinahanda na namin ang mga sarili namin dahil surely, magpapanik na naman ang lahat next week.
"Ang ganda talaga ng taste ng mommy mo, Chelsy!" tili ni Johoney at gumapang patungo sa isang sofa. Tinawanan siya nina Allysa at Pearly at sabay-sabay silang humiga sa sofa.
At dahil nga sa lahat kami ay excited, 'di kami nakapagpigil kaya narito na kami ngayon sa regalong apartment ni Mama sa 'kin. Nasa first floor kami ngayon ng isang building.
Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang lugar. Malawak kasi 'to at kahit medyo marami nang mga appliances -- lalo na roon sa may bandang kusina -- ay maluwag pa rin talaga ang lugar. May flower vases at hanging paintings sa bawat dingding at 'yon ang mas lalong nagpa-attract sa lugar.
"Ilan nga ang rooms dito?" tanong ni Pearly at naglibot-libot pa ng tingin.
Ako naman ay umupo sa pang-isahang sofa nasa tabi nila. Niyakap ko ang sarili bago sumagot, "Lima, kaya talagang sakto sa 'tin. Though 'di masyadong malaki ang bawat room."
"Gawin na lang nating study room ang isang vacant room," suggestion ni Johoney at itinuro ang isang room na malapit lang sa kusina. "'Yan ang sa 'kin! Diyan ako!"
Nakapili na rin sina Allysa at Pearly -- magkatabi lang ang room nila. Habang 'yong sa 'kin naman ay malapit dito sa living room.
"So ano'ng plano, guys? Hati-hati tayo sa gastusin?" tanong ni Allysa nang nasa kusina na naman kami at pinagmamasdan ang mga kagamitan.
"Bet ko talaga ang hati-hati para fair," si Pearly.
"Ako na lang gawin niyong Yaya 'wag niyo lang ako pabayarin," si Johoney at tumawa. "Charot. Utot. Prooot."
Nagkaintindihan naman kami patungkol sa mga bayarin. Kada buwan ay magbabayad daw sila ng one thousand five hundred sa 'kin -- noong una talaga ay pinigilan ko sila pero mapilit pa rin. When in terms sa gastusin sa bill, pagkain, at kung ano pa man, ay hati-hati naman kami. 'Di kasi pantay kung may isa na kuryente ang babayaran 'tapos ang isa ay sa mga kakainin.
"So, wala nang objection?" tanong ni Allysa. Katatapos lang naming kumain at sandaling nanood ng drama. Balak kasi naming mag-design ng room bukas kaya gusto naming matulog nang maaga.
"Basta ako okay na ako." Tumawa si Pearly at tumayo na. "Matutulog na pala ako. Ba-bye!"
Nagtanguan kaming lahat at naghiwa-hiwalay na. Tumungo ako sa kwarto ko. Kagaya ng inaasahan ay 'di 'to kalakihan. Walang kakulay-kulay ang paligid kaya boring talaga tingnan.
Kinuha ko ang phone at dumapa sa small bed. Nag-headphone ako at nag-YouTube. Nang makita ang isang chat head ay kaagad ko 'tong pinindot.
@CalRamirez: busy?
@ChelsyCattaneo: YUP.
'Yon lamang at d-in-rag down ko na ang conversation namin. Disturbo kasi.
At 'di nagtagal ay nakatulog na rin ako. Napangiti na lamang nga ako nang mapansin na sa saktong oras ako nagising. Alas 7 na ng umaga ngayon, kaya makikita na mula sa labas ng bintana ang pagsilip ng mahal na araw.
"Kumain ka na, dali! Ako lang naman ang nagluto ng mga 'to!" Masayang nilagyan ni Johoney ang mga plato ng mga ulam. "Allysa, Pearly, hali, tikman niyo mga luto ko!"
Nagngitian kami nina Allysa at Pearly. Mukhang bagong gising lang din sila kagaya ko. For some reason ay napangiti ako sa nakikita ko. Sobrang lapit ko na sa mga kaibigan ko. Parang kailan lang noong panay ang plano namin na mag-board 'tapos 'eto kami ngayon at nasa iisang bubong na.
"Lalagyan ko ng mga posters ang kwarto ko. 'Yong mga nakahubad na model sana." Ngising-ngisi si Pearly at nagsimula na sa pagsubo. "Kayo ba? Ano'ng plano niyo?"
"Wala na 'ata akong idadagdag sa kwarto. Okay naman na siya," komento ni Allysa. "Bibili na lang 'ata ako ng study table."
"Bibili na lang din ako ng study table." Umupo na si Johoney at ngiting-ngiti.
"Wala na rin 'ata akong babaguhin sa 'kin. okay na ako sa plain white," sagot ko. "Anyway, do we have rules here?"
"Rules?" silang tatlo.
Tumikhim ako at tumango. "Oum. Rules. Batas. Like mga bawal gawin."
"Walang magdadala ng lalaki!" si Johoney at nagtaas ng kamay.
"Wow, coming from you talaga!" Tinuro-turo siya ni Pearly at humagalpak ng tawa. "Chos lang."
"I agree with Johoney." Naagaw ni Allysa ang atensyon naming lahat. "Okay lang mag-jowa pero 'wag lang talaga dadalhin dito para sa safety nating lahat."
"Sang-ayon ako," sabi ko. "Magagalit din si Mama at Papa for sure 'pag nalaman nilang may lalaki rito."
"Pero what if magpapahinga lang?" Si Pearly, humagagikhik. "Promise, pahinga lang talaga."
Tumawa si Allysa. "Ah, basta, walang lalaki ang p'wedeng makapasok rito. Para na rin 'to sa kapakanan nating lahat. Lahat pa naman tayo mga babae."
"So, may rule 2?" tanong ko sa kanila.
"Wait, wait." Napahawak sa sariling panga si Pearly. "May naisip ako. Dapat walang gagala nang 'di nagpapaalam para 'di kakabahan ang iba kakaisip kung nasaang lupalop ka na ng mundo."
"Hindi ba masyadong nakaka-invade ng privacy?" napangiti ako kay Johoney nang magkomento siya.
"Hmm, medyo nakaka-invade nga," bulong ko. "Pero okay rin naman siya. Para maiwasan ang pag-aalala. Besides, you do not need to say a specific place for us to know you're in a date or something, kahit simpleng pag-inform lang."
"I agree," silang lahat.
Ngayong apat na kami apartment namin, malaking adjustment talaga ang kailangan naming gawin. Pero syempre, sinigurado rin naman na 'di pa rin namin ma-i-invade ang privacy ng bawat isa.
So, 'yong una namin na napag-usapan, which is 'yong 'di pagdadala ng lalaki rito, ay okay na. 'Yon ang parati dapat naming tandaan. Although buo naman ang kompyansa ko na 'di ako mahihirapan sa pagsunod sa rule namin na 'yan. 'Tapos: Yong rule number 2 naman, which is 'yong pagsabi kung nasaan kami, ay okay na rin. At, napag-usapan namin na before 10 ay dapat nandito na talaga kami.
Sa 'ming apat ay si Johoney talaga ang mahilig magluto kaya siya mismo ang nag-volunteer na magluluto. Ang kailangan na lang talaga namin ay tuparin 'yong mga napagkasunduan namin. Although sure naman ako na 'di kami mahihirapang apat since nasa iisang school at classroom lang naman kami.
"Pero kailan ka babalik sa mansyon niyo?" tanong ni Allysa sa 'kin nang puno ng pag-aalala. "Kung gusto mong ngayon na bumisita, sasamahan ka namin."
"Okay na ako," ani ko na lamang. Sa totoo lang ay naninibago talaga ako -- sa paligid, sa pakiramdam, sa lahat-lahat.
"Masasanay din tayong lahat, no worries," si Allysa nang mabasa ang mga mata ko. "Sunday na pala bukas, ano'ng plano niyo?"
"Bar!" si Johoney.
"We're still minors. Baka sa presinto na naman tayo mapunta." Natawa ako.
"P'wede naman tayong mag-disguise!" segundo mano naman ni Pearly.
"Papaano kung mahuli tayo?" si Johoney.
"Edi kulong. Charot. 'Di naman tayo magpapahuli. Ka-close ko 'yong guard doon sa bagong open na bar, siguradong pasok na tayo."
Ang dami pa nilang pinag-usapan -- halos 'di na nga ako makasabay sa daloy ng usapan nila. Pero sa huli ay napatingin pa rin sila sa 'kin na para bang hinihingi ang opinyon ko.
"Kayong bahala. Basta ba mag-aral muna tayo bago gumala," sagot ko na tinanguan naman nilang lahat.
Kaniya-kaniya na naman silang tungo sa sariling kwarto at ako ay nagpaiwan lang sa sala. Nakaka-miss din pala ang mansyon. Nakaka-miss ang katahimikan ng bahay na 'yon.
Kagaya ng inaasahan, may natangap akong messages galing kina Mama, Papa, at Kuya. 'Yong messages ni Kuya ay halos puno ng banta na kung ganiyan, ganito ay talagang malilintikan ako. Panay rin ang paalala nilang lahat na 'No Boys'. At naiintindihan ko naman sila nang sobra.
Pansin ko lang na sunod-sunod na messages ang pinapadala ni Cal sa 'kin. At ang pinagtatakhan ko sa lahat ay nakatanggap din ako ng napakaraming missed calls. Feeling ko twenty missed calls lahat.
@CalRamirez: Busy?
@ChelayCattaneo: hindi na masyado.
@CalRamirez: how's the new environment?
Doon ko halos mabitawan ang sariling phone. Crap! How did he know that . . .?
@CalRamirez: nakita ko ang post ni Allysa. I read the caption and it gave me the idea that you all are in a one place.
'Di ko na siya n-i-reply-an. Pero mayamaya ay may isa na namang message ang natanggap ko.
@CalRamirez: we're having an event tomorrow evening. In?
@ChelsyCattaneo: I will see. May lakad pa kasi kami ng mga kaibigan ko.
@CalRamirez: and since you did not say 'no', I am expecting you to be in here tomorrow.
Pilit ko na lamang binalewala 'yong huli niyang text sa 'kin. Gumawa muna ako ng mga essays na kailangang i-submit next week para iwas cramming. Mas mabuti na 'tong maging abala ako sa studies kaysa sa reply-an ang Cal na 'yon.
Nagpaalam silang lahat na babalik muna sa mga bahay nila, samantalang ako na 'di bet bumalik sa mansyon ay nagpaiwan na lamang dito. Nakapag-send naman na ako ng mga messages kina Mama, Papa at Kuya na okay ako rito. Sapat naman na 'ata ang mga 'yon.
Before naman sumapit ang 8 ng gabi ay nagsibalikan na silang lahat. Tamang movie marathon together lang ang ginawa namin. Nag-group study kami nang ilang oras sa isang room na talagang sinadya naming maging study room.
Lahat ng mga printing materials ko na nasa mansyon ay narito na rin ngayon dahil pinahatid daw ang mga 'yon ni Kuya sa isa sa mga guard namin.
May kaniya-kaniya kaming gadgets ng mga kaibigan ko kaya wala nang problema.
"Gala tayo bukas! Gabi! Mga alas sais!" si Pearly at pumalakpak. Kanina pa namin napagkasunduan ang patungkol sa bagay na 'yan. Pero nang dahil sa naging usapan namin ni Cal kanina through phone ay bigla akong 'di makasabay sa mga kaibigan ko.
"P'wede namang day time na lang tayo gagala, 'di ba?" pagkokontra ni Johoney, na kaagad ko namang tinanguan. Ewan ko ba. . . Wala sa plano ko ang sundin 'yong sinabi noong Cal na 'yon pero nagdadalawang-isip pa rin ako.
"Why not buong araw na lang tayo gumala para fair? I mean, sulitin na lamang natin 'yong weekend!" suggestion ni Allysa. Gusto ko sanang sabihin na sa susunod na lang na weekend ituloy nang nagtanguan na silang silang lahat.
"Ako nang bahala sa gastusin natin! I am so hot so my treat!" si Pearly.
"Ako naman sa pamasahe natin." Johoney laughed.
"Babawi na lang ako next time," natawa na rin si Allysa, at napatingin siya sa 'kin kaagad. "May problema ba, Chels? Kanina ka pa nakatulala riyan."
Nagkibit-balikat ako. "May iniisip lang."
"School work na naman yan, 'no? Naku, Chelsy Cattaneo. Hinay-hinay lang tayo," nag-aalalang ani ni Allysa.
Kung alam lang talaga nila. . . Kung alam lang talaga nila na 'di naman bagay o assignment ang panay sayaw sa utak ko.
Nagpaalam na naman kaming lahat sa isa't isa para makatulog na. Nang nasa kwarto na ako ay kaagad kong in-on ang phone, umaasang may messages akong natanggap. Nang makitang wala naman ay pinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Kinabukasan, nabungaran ko na ready na ang lahat -- nakasuot pang-alis na ang mga kaibigan ko.
"Tagal mong gumising, ha. May ka-chat kagabi?" pang-aasar ni Johoney sa 'kin.
At dahil 'di naman totoo ang sinabi niya ay naging madali na sa 'kin ang umiling at mangatwiran. "Napuyat lang kakaisip." Napahagikhik ako. "Anyway, saan na tayo ngayon?"
"Arat muna sa mall!" si Pearly.
Kaagad na akong naligo at baka mainip na sila kakahintay sa kin. Isang dress ang isinuot ko na kita ang pusod ko. Medyo revealing 'to dahil in-expose nito ang maputi kong braso. I got my purse off the small drawer and went out.
"Witwiw!" silang tatlo, ako naman ay napairap na lamang. 'Di ko kasi namalayan na 'yong mga damit na masikip na sa 'kin ang nadala ko. 'Di bale na nga, siguro ay papakiusapan ko na naman si Kuya na ipadala lahat ng mga gamit ko rito -- including na roon 'yong mga sandals collection ko.
Pero halos malaglag ang panga ko nang malaman na kailangan pala naming sumakay sa isang jeep dahil bihira lang daw na may taxi na huminto sa ganitong pwesto. Okay lang sana kung malawak ang jeep pero jammed na jammed na pala 'to.
"Sakay na kayo, dali! Sampung minuto lang naman ang biyahe, eh!" tumango kaming lahat sa paanyaya ni Allysa na nakaupo na. Sumakay na rin kaming lahat at nakipagsiksikan. Todo hawak ako sa sariling bag at baka may biglang mang-hold-up sa 'min.
"Sixty pesos, Manong. Para sa apat na tao!" Hinayaan na namin si Johoney na mag-abot ng pamasahe sa katabi niya. Naalala kong siya pala 'yong nag-volunteer kagabi na manlilibre ng pamasahe kaya 'di na ako umangal pa.
In-on ko ang data at nanood ng mga blogs. Nakinood na rin si Johoney dahil kami nga ang magkatabi. Sina Allysa at Pearly naman ay kaharap namin.
"Ahh, sila 'yong magjowa na mag-blogger na naghiwalay na nagkabalikan din, 'di ba?" si Johoney at inilapit ang mata sa phone ko. At saktong pagsilip ng isang chat head sa screen. Napapikit ako sa kaba, hinihintay ang reaksyon ni Johoney.
"Owemji," rinig kong bulong niya. "You and him are chatting?"
Pareho kaming 'di makapaniwala.
"May ka-chat pala 'tong Chelsy natin, guys!" tinawag ni Johoney sina Allysa at Pearly.
In-off ko ang phone ay nag-headset na lamang, palihim na ngumingiti. "Mga gaga."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top