C H A P T E R 8

"Ang layo naman. . ."




Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinundan pa ang dalawa. May mga magagandang bahay naman sa paligid, though wala akong marinig na kung anumang ingay dahil bukod sa kakaunti lang talaga ang tao sa paligid ay mas malakas pa ang kabog ng puso ko.




"Alam mo, 'di ba napag-usapan naman na natin 'to, Cal?" tanong ni Amethyst gamit ang naiinis pero nagsusumamo na boses. Kagaya ko, naka-suot din siya ng complete uniform. Magandang nakalugay ang mataas niyang buhok at para siyang isang pinta lalo na 'pag iniihip ng hangin ang buhok niya.






"We did," sagot ng lalaki at walang emosyong sumandal sa semento na pader. Mas lalo kong siniksik ang sarili sa likod ng isang kotse at siniguradong 'di makakagawa ng ingay. Muli kong ibinalik ang atensyon kay Cal. As usual, para pa rin siyang hari na naiirita na. Bahagya pa naman siyang nakatingala kaya halata rin ang paggalaw ng adams apple at panga niya.




"We did, but you did not take it seriously," ngumuso si Amethyst. Ang hirap niyang intindihin, sa totoo lang. Hindi lang kasi iisang expression ang mayroon siya. Bukod sa naiirita ay makikita mo rin sa mga mata niya na gusto niya rin ang nangyayari. "He's just my friend, Cal. Why ka nagseselos?" tanong niya pa muli, at doon na napanganga ang bibig ko.






Me being so extremely curious arch my brow up.





"Who says I am jealous?" parang sarkastiko pa na tanong no'ng lalaki. Nakahawak na siya sa magkabilang bulsa ng pang-ibaba niyang suot at ang kaliwang sulok ng labi ay nakataas. "Look, Amethyst. You're overthinking--"






Pero ang babae ay tila mas lalo pang sumaya.





"-- because I have no care with you dating someone."





Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko na nagtulak sa 'king umalis na lamang, pero bago ko pa 'yon magawa ay siya na namang pagsalita ni Amethyst.






"You do care, Cal." Humalakhak siya, at ang mga mata ko naman ay nagtagal sa mga kamay niyang minamasahe ang kaliwang braso ng lalaki. 'Di ko alam pero. . . Hindi 'yon naging kaaya-aya sa paningin ko. She smirked again. "Alam kong pinagseselosan mo si Dark. Pero bakit? I mean, I already titled myself 'Yours'"





"Damn," bulong ng lalaki.






"I am serious, Cal Ramirez! Alam mo, pwede kang umamin dahil ano namang use ng paglilihim mo? You know, I know, everyone knows, that we're feeling mutual and--"






"Fucking disgusting."





Ako ang na-dissapoint sa naging sagot ng lalaki. Kahit na nagtutunog desperada na si Amethyst dito ay 'di pa rin siya dapat itrato sa paraan na ginagawa ng lalaki ngayon. Bagaman ganoon, parang wala lang din sa babae na minura siya ng lalaki -- kumbaga, parang na-immuned na. Kung ako ang nasa posisyon niya, baka masakal ko na ang lalaki na 'yan.






"So, we're settled?" natatawang tanong ni Amethyst. Nang akma na silang magyakapan --- or maghahalikan -- ay kaagad na akong nag-iwas ng tingin. Ipinako ko ang sariling tingin sa harapan at kumanta mentally, pinaglalaruan ang sariling mga kuko. "You know what, Cal. Sabihin mo sa 'kin kung gusto mo akong dumistansya sa isang tao. You know I can do anything for you, right?" nang marinig ko 'yon ay muli ko silang binalingan.






"Just go," pagtataboy ng lalaki sa kaniya. Mukhang handa na 'tong umalis dahil humahakbang na ang isa niyang binti. Pero, mukhang may balak pang itanong ang babae sa kaniya dahil hinila ng babae ang braso ni Cal. "What the fuck, Ame? May trabaho pa ako!"





Ame.




That's her nickname.





"Why can't we just forget that event first? I mean, let's date!" Hinalikan na naman ng babae ang pisngi ng lalaki. "Kahit friendly date lang, Cal! Ilang araw na tayong 'di nakakapasyal!"





"I am busy, so you are."





"I can handle things!"





"We have a visitor."





Doon kumawala sa paghawak ang babae. Wala namang mali sa expression niya, sa katunayan nga ay nakangiti pa siya, ako lang talaga 'tong may problema dahil pakiramdam ko ay sarkastiko siya kahit 'di naman talaga.






"Oh, Miss Cattaneo from STEM?" ang babae at pasimpleng nagkibit ng balikat. Panay ang habol niya sa mga mata ng lalaki. "Anyway, ba't 'di ka makatingin nang diretso sa 'kin, hmm? Affected?"





"Do I need to stare at you, Ame? All right, friendly date, then. Mamayang hapon."





Ngumisi ang babae at napatalon pa nga. "Yepey! Pangako 'yan, Cal, ha!"





"Yeah."




"So, what's our plan now?"





Nag-usap lang sila patungkol sa event ngayon, habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Wala na silang personal na pinag-usapan. At nang dahil sa mga narinig ko, mas lalo akong na-engganyo na sumali sa grupo nila. Gusto kong makilala lahat ng myembro. Gusto kong malaman kung ba't ang isang Amethyst na tinitingala ng marami ay ka-grupo si Cal.





Sa tingin ko ay wala namang masama kung susubukan ko. Siguro ay kaya ko namang itago sa mga kaibigan ko ang mga plano ko.






Ngayon, ay ako na lamang mag-isa sa lugar na 'to. Nakatayo ako sa kinatatayuan ni Cal kanina. Sinandal ko ang sarili at napahawak sa sariling dibdib. Good thing at 'di nila ako nahuli dahil 'di ko na talaga alam ang gagawin 'pag nagkataon.






Pabuntong-hininga akong nagsimula sa paglalakad.






At least, safe ako. 'Di nila ako nahuli kanina kaya--






Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. A message approaches me.





From 09***
Turn around.





Ano raw?





Parang nabasa ng sender ang isip ko dahil isnag message pa ang na-send sa 'kin.






From 09***
Tumingin ka sa likuran mo.





Parang bata akong sumunod at halos mapahiga na ako sa daan nang bumungad si Cal na malimit na umiiling. Ako ay nakahawak pa rin sa sariling dibdib, gulat na gulat sa presensya niya.






"Cal. . ." Umayos ako ng tayo.





"Yes, darling?"





Bago pa ako makatanong ay nagsimula siyang maglakad kaya no choice ako kundi gayahin na rin siya. So ibig sabihin lang nito; Alam niya nang kanina pa ako narito.






"Sorry," sabi ko na kaagad, "hindi ko sinasadya na pakinggan kayo."






"But you did follow us." Natawa siya nang mahina.





"That's. . . Well, intentional," pag-aamin ko sa totoo. "Pero 'yong pakinggan kayo? 'Di ko 'yon sinasadya. Pero 'wag kang mag-alala, okay? 'Di ko naman sasabihin na..."





"Na?" kahit na panay ang yuko ko ay naramdaman ko pa rin ang kaunti niyang pagkatigil dahil sa sinabi ko.





"Na magkarelasyon kayo." Pinikit ko ang mga mata. "Na nagseselos--"





"You heard everything, huh?"





"So, you were really jealous?" Inangatan ko siya ng tingin. Parang ang naging dating noong tanong ko ay nanghahamon dahil dumaan ang pagkairita sa mga mata niya.





"Why would I?" Hinawakan niya ang braso ko kaya natigil ako sa paglalakad. "Did you hear me agreeing that I was jealous?"





"Hindi.."






"See? 'Wag mo na akong tanungin patungkol sa bagay na 'yan. Nakakainit ng ulo, Chelsy."





Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang 'yon dahil ayaw ko siyang pilitin na mas lalo akong kamuhian. Nang bitiwan niya ang braso ko ay napasunod na lamang ako sa kaniya. Wala kaming imikan hanggang sa marating na namin ang frat house. At 'di kagaya kanina, ang buong lugar ay maingay na, sumasabay sa pagkabog ng puso ko.




"Kinakabahan ka." Lumapit si Cal sa 'kin at kaagad tinitigan ang mukha ko sa paraan na 'di niya dapat ginagawa.





"Ayos lang," pagsisinungaling ko. 'Di naman 'to ang first time ko sa lugar na 'to. Isang beses na akong nakapunta at may party pa nga noong panahon na 'yon. "Nakita ko si Sir!" bigla akong napasigaw nang makita ang isang former teacher ko. "Ano'ng ibig sabihin nito, Cal?"




Tatlong segundo niyang hinaplos ang buhok ko. "All right, darling. He is my relative."






"Hindi ka niya sinasaway?"




"He did once."





"Pero?"






"Pero hindi niya napabago ang isip ko. So, ano pa? Itanong mo lang."





"Why did you invite Allysa before?"





Natahimik siya saglit. "Aside from she is a kind of challenge, she is also a kind of challenge."





Ano raw?





"--pero noong humindi siya, 'di ko na rin pinilit pa. We recruit, but I am not desperate."




Oh. . .




"But you are an exemption."





Kumunot ang noo ko. "Bakit?"





"Sasali ka sa 'min kahit ano'ng mangyari," parang boss niyang sagot. "But, looking at your eyes now, I can say you are finally interested to join, right?"






Kinagat ko ang sariling labi. Parang na-distract ko siya nang kaunti sa ginawa kong 'yon dahil bahaga siyang napangiti nang mapait.





"No reply?" pukaw niya sa 'kin.





"Reply." Sabay nguso ko.





Natawa siya sagot ko. "Cutie."





'Di na nagtagal pa ang usapan namin dahil kaagad din siyang tinawag ng isang lalaki. Ako naman ay pumasok na lamang sa loob, at kulang pa ang sabihing matao sa itsura ng lugar. Himala at bakante pa rin ang sofa na inupuan ko kanina kaya roon ko na pinagpahinga ang sarili.





Nang magsimula na namang maghiyawan ang mga tao ay napalibot ako ng tingin sa paligid. Kung magbabalak akong aalis ay 'di ko na talaga magagawa pa dahil siksikan na ang lugar, pwera na lamang kung ipagpipilitan ko ang sarili sa mga lalaking walang ibang ginawa kundi manigarilyo.





"Drinks, lady?"





Napaangat ako ng tingin, para masalubong ang nagbabagang mata ni Cal. Judging by the looks he had, I knew he's not in his senses anymore -- in short, drunk.




"Pass," 'di ko maiwasang 'di mapangiwi. Hindi naman ako pumunta rito para maglasing, 'no, dahil siguradong lagot ako kay Kuya 'pag nagkataon!"I don't drink, Cal. Pero salamat," muli kong sabi.





Pero ang kamay niya ay lahad-lahad pa ring baso. "This is not an alcohol, darling. Orange juice."





Doon ko lang na-realize na kanina pa pala ako nakatunganga sa mukha ng may hawak ng baso at 'di sa baso mismo. Nginiwian ko ang sarili at kaagad kinuha ang baso. Nang nilagok ko ang laman nito ay lasang orange nga.





"Hindi mo kasama ang mga kaibigan mo." Naramdaman ko ang mabagal niyang pag-upo. Alam kong normal naman na para sa kaniya ang ipatong ang isang siko malapit sa may likod pero di pa rin talaga ako komportable. "Do they know you are here?" tanong niyang muli, na inilingan ko lang naman. "I see, so you're hiding a secret from them?"






Inirapan ko lamang siya at 'di na siya pinansin pa. Marami pa talaga siyang sinabi -- napakadaldal talaga -- at lahat ng 'yon ay narinig ko pero umakto lang ako na 'di interesado.






Nalaman kong lumang bahay 'to ng family niya. Nang makahanap ng bago ay binigay lang sa kaniya. I wonder kung alam ba ng parents niya na ganito siya ngayon, na ginawa niyang frat house ang property na 'to, pero gustuhin ko mang itanong ay pinili ko na lamang na 'wag nang magsalita.



"It's already seven, Chelsy."



Kaagad akong napamulat.




Nakatulog lang naman ako! At boom, 'yong ingay na nabungaran ko kanina ngayon ay wala na! May nakikita akong ibang tao pero bilang na lamang sila! Ang stage na kanina'y parating dinadapuan ng lights ngayon ay napakatahimik na.






"Nakatulog ako." Nagkamot ako ng ulo at nanlalaki ang mga matang kinuha ang phone sa bulsa. Panay na ang bulong ko. Malabong wala akong text na natanggap galing sa mga kaibigan ko. 'Yong sa kanila parang kaya ko pa harapin pero 'pag 'yong kay Kuya na? Nevermind na lang talaga.





"Hatid kita--?"






"'Wag na!" kaagad kong sabad kahit halatang marami pa siyang gustong sabihin. "May mga tricycle pa naman panigurado since maaga pa." Kaagad na akong tumayo, pilit na tinatago ang kamay kong nanginginig habang hawak-hawak ang isang cellphone. "Salamat pala sa paganito, Cal. I have had fun, really."





"You're welcome." Ngumisi siya nang kaunti. "Pero ihahatid pa rin kita. Delikado na ang panahon ngayon."






"Cal!" isang sigaw ang bumalot sa pandinig ko. Dahil 'di na matao ang lugar ay kaagad kong nakilala ang boses ni Amethyst. Naka-pajama na siya at ewan ko ba kung ba't 'di ako naging komportable sa suot niya na nagtulak sa 'king iiwas ang tingin. So, she's really used to be in here, huh? "Oh, Chelsy," pansin niya sa 'kin. "Are you leaving? Ihahatid ka na lang ni Cal!"







"That's what I keep telling her about," si Cal at at parang sinisisisi na ako. "Pero gusto 'atang makakita white lady sa labas at-"



"Cal!" Napagtaasan ko siya ng boses. 'Di ako masyadong matatakutin pero nakaramdam pa rin ako ng takot dahil sa sinabi niya. "Walang white ladies! Makaalis na nga!"






"Wait, Chelsy,"  Pinigilan ni Amethyst ang siko ko. At ngayong nagdampi ang mga balat namin, mas lalo kong napatunayan na napakalambot niya. Some tell me that I look so vulnerable, too. Pero kung babalansehin ay parang si Amethyst 'ata ang mas malambot sa 'ming dalawa.






"Yes?" tanong ko gamit ang malumanay na boses.






"It's not safe anymore if you go home all alone, Chelsy. Nagkalat pa naman ang mga adik sa paligid," sabi niya. 'Di naman ako nakatugon agad dahil tama naman siya. 'Yan ang paulit-ulit na sinasabi ni Kuya sa 'kin -- kahit ang mga kaibigan ko ay 'yan din ang paulit-ulit naming pinapaalala sa isa't isa. "So?" tanong niyang muli, kaya napatingin ako kay Cal na mukhang naiinip na.







"Sige," bulong ko. "'Di mo naman 'ata ako ililigaw, Cal, 'no?"





Natawa kami ni Amethyst dahil roon.





Ngumiti si Amethyst sa 'kin. "That won't happen, Chelsy. Sasamahan ko na kayo para siguradong walang gagagawin na kung ano ang lalaki na 'yan."





Aww.





Akala ko 'di siya sasama since 'yong suot niya pang-ready-to-go-to-bed na.






Kaya hayun nga ang nangyari -- sabay kaming lumabas sa bahay at walang imikan buong biyahe. Although noong malapit na ako sa bahay namin ay nag-usap kami slight ni Amethyst about academics. Me being fascinated at her beauty and intelligence made me to adore her more. Nakakatuwa rin slight dahil napagkuwetuhan namin ang mga subs na madalas nagpapahirap sa buhay namin.





"Mabuti na lang at 'di pa nalalaman ng kuya mo na ang tagal mo bago nakauwi!" salubong ni Manang. "Jusko!"






"Manang." Tumawa ako. "Parang 'di ka naman na nasanay sa 'kin."






"O siya, bahala ka na!" Tumawa rin siya pabalik.






Kung may isa sa mga nakakaintindi sa 'kin ay si manang talaga 'yon. Kahit na, lumabo ang relasyon ko sa kaniya noon dahil sa isyu niya at Faith sa family namin, she ended up working in here again dahil nga sa napamahal na rin daw siya sa 'kin.

Sa isang linggo, tatlong araw na lang siya kung magtrabaho rito. Balita ko nga ay itinago niya 'to kay Faith.




Tumungo na ako sa kwarto at nag-night bath. Sa totoo lang, nag-enjoy talaga ako kanina sa frat house. Wala akong masyadong kausap pero aliw na aliw na ako. Siguro, babalik ako ulit doon 'pag may free time.






@CalRamirez: already asleep?






'Yan ang bumungad sa 'kin nang mag-open ako sa fb. Wala akong balak mag-reply dahil gusto kong akalain niya na natutulog na ako, pero nang muli siyang nag-send ng panibagong message, which is;






@CalRamirez: sweet dreams, then.





-ay napa-type ako kaagad.





@ChealsyCattaneo: salamat. Good night, Cal. Salamat sa paghatid.




Pagsapit ng umaga ay sa school na ako pumunta directly at halos manlaki ang mga mata ko nang nag-s-start na ng klase ang PreCal teacher namin.






"You are late!" pasigaw na bulong ni Allysa nang puno ng pag-aalala. Umupo ako habang tanaw si Ma'am na pinipirepare ang projector sa harapan. "Eto oh," sabay bigay ni Allysa ng papel sa 'kin. 'Di ako nakagalaw sa kaba. Mabuti na lang at naglahad si Johoney ng ball pen para sa kin.






"May quiz," mahinang iyak ko.






"Pero nag-study ka naman kagabi, 'di ba?" tanong nilang tatlo.





Umiling ako "Hindi, eh."






"You know what? Bago 'to. Eto ang pinaunang beses na sinabi mong 'di naka-night study sa PreCal," si Allysa, 'di ko naman siya masisisi dahil tama siya.  "Saan ka ba kagabi, ha--?"







"Let us start. 2 points per item. Show your solution in another paper and pass it together with your yellow paper," naputol sa pagtatanong si Allysa dahil roon. Ako naman ay 'di pa rin makuhang maging masaya. Sa sub na 'to, malabo talagang makahingi ng tulong sa mga kaibigan ko dahil talagang strict ang teacher. Number one rule pa nga niya 'pag nag-written activities ay no erasure.







"Still naka-pass ka pa rin!" pagpapagaan ni Pearly sa loob ko nang kakalabas pa lang ni Ma'am. "ikaw pa rin nga pinaka-highest sa ating lahat! Imagine; 'di ka na nakapag-review niyan, ha! What if nag-night study ka? Sure akong ma-pe-perfect mo na naman ang quiz."






"But still, Hindi ako nasanay na halos kalahati na sa overall item ang score ko," bulong ko at nag-nap.






"Bawi tayo next time. May quiz pa naman daw next day sa PreCal. Bawi na lang tayo," rinig kong ani ni Allysa.






"Matik ba naman na quiz na 'yon! Parang gusto 'ata tayong mawalan ng buhay!" late reaction ni Johoney at sinuntok ang braso ko. "Alam mo ba? Panay text ko sa 'yo kagabi -- magtatanong sana ako kung nasagutan mo ba 'yong sa EALS natin -- pero alaws ka reply."






Hindi ako sumagot.





"Busy ako," ginaya ni Pearly ang boses ko, dahilan para kaming lahat ay matawa.





Inangat ko ang ulo at tiningnan silang lahat, napapabuntong-hininga. "Sadyang. . . nakatulog lang talaga ako kagabi at 'di ko namalayan na 'di pa pala ako nakapag-study."





'Di ko batid kung may sense ba ang pinagsasabi ko, pero sa mukha nila ay parang kapani-paniwala naman ang mga rason ko.







"Siguro may ka-bebe time ka na!" natatawang pang-aakusa ni Pearly sa 'kin, na agad naman nilang sinuportahan.




Napangiti na lamang ako. "Wala, 'no."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top