C H A P T E R 7

"Mukha kang sasabak sa gyera."




Sabay tulak ni Johoney sa 'kin. Saktong pagdating ko rito ang siyang pagdating din niya. Ang problema nga lang ay 'di na ako nakangiti pabalik.





"Hoy!" pangungulit niya, naglalagay ng headset sa taenga.





"Oh?"




"Ano'ng nangyari sa 'yo? Parang kahapon lang halos lumuwa na 'yang mga mata mo dahil kay Pearly." Sumimangot siya, at walang imik na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad. Naglibot-libot ako ng tingin para mahanap ang isang tao na naging dahilan kaya panay ang saway ni kuya ko sa 'kin kagabi.





"Si Cal!" tili ni Johoney, at kaagad ko namang binalingan ang direksyon kung saan siya nakamasid. At 'di nga siya nagkakamali; malapit sa fountain ay nakatayo lang naman ang isang lalaki na parang hari habang nakamasid sa kaniyang mga nasasakupan. "Gusto ko sana siyang puntahan, kaso nakalimutan ko ang calculator ko sa bahay," mangiyak-ngiyak na sabi Johoney sa 'kin.



"Gusto mo bang samahan kita?" Naiintindihan ko siya. 'Di maaaring wala kaming hawak na ganoon kasi 'yon lang ang pwedeng gamitin kapag math time na.






"'Wag na!" Nagmamadali siyang nag-beso sa 'kin. Kinagat ko ang sariling pang-ibabang labi at napalingon sa may banda ng lalaki. Balak kong hintayin na bumalik si Johoney, kaya hanggang may libre pa akong oras ay dapat ko na 'atang kausapin ang lalaki na 'to.





Gumawa ako ng mga hakbang papalapit sa kaniya kahit... Medyo napapaso na ako. Wala pa namang araw pero pakiramdam ko ay ang bigat-bigat na ng dibdib ko.




"Lalaki," tawag ko sa kaniya, at naagaw ko ang atenson niya. Napalingon siya kaya mas lalo kong natanaw ang itsura niya; himala at naka-complete uniform na siya ngayon! At, wow! May ID na rin siyang suot! Nasa maayos na style na rin ang buhok niya kaya mas lalong 'di ako nakapagsalita!






"Yeah?" natatawa niyang sagot mayamaya. Pareho kaming umayos ng tayo, at muli siyang nagsalita. "Ang aga-aga parang gusto mo na naman ng away?"





Agad akong umiling! Woy! Plano ko talaga siyang awayin ngayon kasi nga nasira na ang name ko kay Kuya Adrian kagabi! Naaalala ko pa nga ang mga pinagsasabi ng kuya ko na 'yon! Sabihin ba naman na dapat ay 'wag muna akong magkaroom ng ganito ganiyan kasi nga bata pa ako. Syempre, dahil alam kong 'di 'yon totoo ay pinaglaban ko ang sarili pero dahil nga sa isa siyang law student ay ako pa rin ang 'di nakapagsalita sa huli.





"Parang bagong buhay ka na, ah?" Ngumiti ako. Pero parang iba ang naging dating no'ng sinabi ko sa kaniya dahil nakita ko ang mapait niya na pagngisi na para bang nakakairita na ako. "I mean," kaagad kong ani. Kagabi ay panay ang paliwanag ko tapos ngayon ay puro paliwanag na naman. "I mean, ngayon lang 'ata kita nakitang naka-ganiyan. Alam mo na. . . Complete inform. 'Yong bang, para ka nang isang normal na estudyante."






"So are you saying that I was not a normal student before?" Marahan na gumalaw ang panga niya, halatang naiinis ko na naman. "You know, if you are just gonna bully me, just do not talk to me--"




"Hindi naman sa ganoon!" I cut him off.





Mahirap na! Masyado niyang nilalagyan ng ibang meaning ang sinasabi ko! Sadyang nagulat lang talaga ako. Mostly sa mga students ay napapatingin nga rin sa kaniya at manlalaki ang mata. Breaking news na rin 'to. Cal Ramirez is finally wearing his school uniform. Let's celebrate!





"Pumunta ka mamaya," sabi niya matapos ang katahimikan. "I won't force you. Since mas lalo kang 'di pupunta 'pag pinipilit."






"Oh." Nagkamot ako ng ulo. Ba't distracted ako? Dahil ba 'to sa itsura niya ngayon? "Nag-away kami ng kuya ko kagabi. And you know what? It's because of your-"





"It's because of my name," pagpapatuloy niya at napangisi na naman, 'yong paraan ng pagngisi na tila na ba may inaaalala siyang nakakatawa. "So, you came here because of that?"






Tumango ako. "Sana lang po ay 'wag na po 'yong maulit." Inayos ko ang straps ng bag. "Mahirap ka-debate si Kuya kaya para na akong mamatay kagabi. Kung alam mo lang kung ano ang epektong ng ginawa mo kagabi."






"I. . ." Nagpigil siya ng ngiti. ". . . I was just trying if my scatchtape works."





Bago pa siya gumawa ng mga rason ay kaagad na akong patakbong tumalikod. Sakto rin dahil kakarating lang din ni Johoney. Mabuti at 'di niya ako nahuli dahil 'pag nagkataon ay siguradong tatanungin na naman ako nito.






"Si Amethyst pala ang hinihintay niya." Inakbayan ako ni Johoney habang nakamasid pa rin sa direksyon ng lalaki. "Sinasabi ko na nga ba, darating talaga ang panahon na may magpapapabago sa kaniya."






"Ba't mo nasabi?" Kuryuso na ako.






"I mean, Si Amethyst lang ang magpapabago sa kaniya. Kagaya sa nangyayari ngayon -- nagkakamabutihan na silang dalawa."





"Nagseselos ka?" mahina at dahan-dahan kong tanong.






"Oo, syempre, si Cal 'yan, eh." Ngumuso siya at pinaglaruan ang sariling dila. "Pero marami pa namang talong sa buong mundo, at may isang para sa kin."






"Ang bastos mo." Tumawa ako, na sinabayan naman niya.





Sumalubomg ang normal na klase sa 'kin. Medyo tumahan ang mga activities na pinapagawa kaya 'di na muna ako gagawa ng assignments ngayon; pagpapahingain ko muna ang sarili ko.





"Half day lang tayo ngayon!"






Nagkatinginan kami nina Pearly, Johoney, at Allysa nang marinig namin ang balita na 'yon. Lahat kami ang naka-smirk na dahil nga narinig na announcement.






"Pero, sorry, guys, 'di ako makakasama sa gimik niyo ngayon. Birthday ng pinsan ko at pangit naman kung 'di ako dadalo, 'di ba?" Nagkamot ng ulo si Pearly at binigyan kami ng isang tingin na talagang nagsasabi na kailangan niya talagang umalis ngayon.






"Mas importante 'yang pupuntahan mo ngayon kaya 'wag kang mag-sorry, okay?" pagpapaintindi ni Allysa sa kaniya. "Naiintindihan ka namin. Baka kung ano pang sabihin sa 'to ng pinsan mo kung 'di ka makaka-attend."





"Woy, sorry talaga!" Bumuntong-hininga si Pearly. "Babawi na lang ako next time."






"Ako rin pala, guys," mayamaya ay sabad naman ni Johoney. "May bisita sa bahay. Mga ninang ko pa naman ang mga 'yon"





"Okay lang, ano ba kayo?" si Allysa. "Mas importante ang mga dahilan niyo kaysa sa gala natin, okay? At, sige na nga. Sa susunod na lang natin itutuloy 'yong gala na plano natin noong isang araw."






"I agree," sabi ko kahit ang totoo ay nalukungkot na ako. Half day ngayon kaya saan na ako pupunta? 'Di pwedeng sa mansyon. Wala akong mapapala roon panigurado.




"Actually ay busy rin talaga ako mamaya." Sabay tingin ni Allysa sa 'kin habang nagsasalita. "Pasensya na talaga, Chels. Masyadong abala ang schedule ko ngayon, eh. Pangako, babawi kami sa 'yo "






"Okay lang." Ngumiti ako. Saan na ako nito ngayon? Sa library? Eh, papaano kung ma-bore ako lalo?





Nang sumapit na ang lunch time ay mas lalo akong nawalan ng gana, lalo na ngayong kaka-beso pa lang naming lahat bilang senyales na aalis na sila. Naiwan ako sa room. Maraming students ang natutulog ngayon at malamang ay hanggang alas 4 sila rito. Kung sila ay kaya 'yong gawin, ako naman ay hindi na.





All right.





May naiisp na ako.





Balita ko ay lahat ng academic strands ay naka-half day lang ngayon. Marahil ay alam na noong Cal na 'yon na ganito ang mangyayari kaya inimbitaban niya ako kanina.





Nang madaanan ko ang covered court ay namataan ko si Amethyst na parang may hinihintay. Mayamaya ay sumali si Cal sa eksena na sinalubong naman ni Amethyst. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa itsura ng lalaki. Marahil ay tama nga si Johoney, na si Amethyst ang dahilan kaya may isang taong gustomg magbago.






Bago pa nila ako makita ay kaagad na akong humakbang papalayo. Ang tahimik ng buhay kapag wala ang mga kaibigan ko. 'Yong jokes ni Pearly nakaka-miss na.






Sumakay ako sa isang tricycle at pinuntahan ang isang lugar. Sure ako na wala pa rin ang mastermind dito since naroon pa 'yon sa school kasama si Amethyst.




"Password."





Ayan na naman ang babaeng mukhang noong ipinanganak ay nakasimangot na.





"I am Cal, darling." Sumimangot din ako para fair kami.





"You are in." Sabay irap niya sa 'kin. Ang bad talaga.




Bumungad sa 'kin ang katahimikan ng lugar, though may ingay pa rin naman kahit papaano. Sadyang, 'di nga lang kasing ingay noong last na punta ko rito. At, kung bibilangin ay sampung tao lang ang nakikita ko ngayon. Mukhang 'di sila sanay sa mukha ko kaya nagtagal ang titig nilang lahat sa 'kin. Mabuti na lamang talaga at may babae sa paligid ko, dahil kung wala ay marahil kanina pa ako umalis sa lugar na 'to.





"Official?" May isang matangkad na lalaki na naka-topless ang lumapit sa 'kin. "Or not yet?"




"Ha?"






Para siyang nagalak sa reply ko. "Recruited by?"





"Cal?"





"Oh, Cal." Tumango-tango siya. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang dalawang yosi. Pinigilan kong mapangiwi sa ginagawa niya. Gusto niya bang magkasakit ng severe cancer?





Pero, kailangan kong kumalma dahil narito ako 'di para ma-stess sa aking nakikita kundi para mag-enjoy.





Nang lumipas ang ilang minuto, dahan-dahan nang nagdagsa ang mga tao, mga estudyate pa, rather, at lahat sila ay may dala-dalang mga kahon na 'di ko alam kung ano ang laman. Iniligay nila ang mga 'to sa gitna -- 'yong parang dance floor -- at pinagpapatong-patong. 'Di nagtagal ay nagpakita na rin ang taong kanina ko pa hinihintay.






Magkasalubong ang kilay ni Cal nang ipakita niya ang sarili sa lahat. Tila alam na ng lahat na wala sa mood ang boss nila kaya never nila 'tong kinausap.






"Cal!"






Sigaw ng isang babae ang nagpatigil sa lahat. Si Amethyst pala 'to na hinahabol si Cal. Nakakunot pa rin ang noo, umayos ako ng upo dahil alam kong may away na nagaganap. Away marahil dahil sa trabaho, o away dahil sa pag-ibig.






Ako pa rin ang napangiwi sa sariling naiisip.






"You are jealous again, are not you?!" biglang biniro ng babae ang lalaki. Parang nagkaroon ng buhay ang mukha ko at bigla na lamang ako napaiwas ng tingin sa kanila bago ngumiti ng tipid. Tama nga ako ng hinala. . . May selosan na nagaganap. At guess what? Nagseselos din pala ang isang Cal Ramirez? Naks naman.





Nakakainis. Napagtanto ko 'yan habang nakaupo. Ang totoo ay nag-aabang ako ng may kakausap sa 'kin.. . O kahit lalaki man 'yan basta ay kaya lamang ako irespeto ay game na ako dahil nakakabagot na talaga. Pero parang, lahat 'ata ay pinagbabawalang kumaibigan sa 'kin dahil sa pagkakaaala ko ay isang tao lang ang kumausap sa 'kin simula nong pumunta ako rito.






"I thought you are not willing to join us," isang paos na tinig ang sumakop sa pandinig ko. Isang pagkakamali ang lingunin ang pinanggalingan ng boses na 'yon dahil kamuntikan na kaming magkahalikan ni Cal! Mabuti na lamang talaga at mabilis akong nakaiwas dahil kung hindi ay ewan ko na lang talaga.






Naka-lean lang naman ang katawan niya sa armrest ng sofa habang nakamasid sa 'kin. May kakaunting distasya naman na sa pagitan namin pero 'di pa rin ako mapakali dahil pakiramdam ko ay nakatingin lang sa 'kin si Amethyst at baka maging sanhi pa ako ng pagseselos niya.






"Bored sa school since kanina pa wala ang mga kaibigan ko," pagsasabi ko ng totoo. "At nakakabagot din sa bahay kaya--"






"Kaya ka nandito" 'Di siya nakontento at lumapit pa talaga siya sa 'kin at parang batang inilapat ang panga sa sariling palad, ang isang kamay niya paulit-ulit na hinihimas ang pagitan ng mga labi niya, halatang pinipigilan ang sarili na 'di ako pagtawanan.






"... But are you not interested, still?" tanong niyang muli. "You know, there's a due date for this. And so I will give you two days to decide wisely."






"Wala kang magagawa kung 'di ako papayag dahil unang-una sa lahat ay 'di ko alam ang mga patakaran niyo."





"Number one, fighting with others frats."





"Wow," mahina kong bulalas. Though inaasahan ko na talaga na isa sa mga objectives nila ang manakit at nakakamangha pa rin na malaman na siya mismo ay umamin sa 'kin.






"Number two: Nevermind, baka magsumbong ka." Bahagya niyang tinabingi ang ulo at kaagad akong iniwan nang wala man lang paalam. Pinabayaan ko na lamang siya at inaliw ang sarili sa panonood. Nang magsawa kakalingon sa paligid ay binuksan ko ang phone ko at walang nabungaran na kahit isang message -- sign na siguro 'to para mag-stay pa rito nang mas matagal or else wala akong ibang magiging choice kundi maghanap ng butiki once na nasa bahay na naman ako.





"Hi, Miss, that's my table," rinig ko, at nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa 'kin ang isang blonde na nakasuot ng dress na may mahabang slit. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil parang mas bata pa ako kung susuriin dahil sa suot ko kahit ang totoo ay halatang magkaedad lamang kaming dalawa.





"Sige," ang tangi kong nasabi at napatayo kaagad, ayaw nang makipagtalo, since, unang-una sa lahat ay lugar nila 'to, at nakikitambay lang ako rito.






Nanatili lamang akong nakatayo, naghihintay sa sasabihin niya. May kausap kasi siyang isang babae. Nagbubulungan ang dalawa at parang ako ang topic nila dahil napakalinaw na panay ang suri nila sa 'kin.





"Sorry sa abala." Ngumiti ang babaeng nagsabi sa 'king kaniya 'tong sofa na 'to. "You can sit down again." Kung kanina ay malambot ang mga mata niya ngayon naman ay mas lalo pang lumambot. Ewan ko nga lang kung bakit. Marahil ay VIP pa ang treatment sa 'kin since bago pa lamang ako rito?






"Okay," nalilito man sa mga sinasabi at sa kinikilos nila ay sinunod ko ang gusto nilang mangyari.





"Anyway, Chelsy, right?" tanong noong babae na naka-sexy shorts. "I am Alone. It's
my pleasure to meet you."





'Di ko masyadong pinahalata na nagtataka ako sa pangalan niya. I wonder if she's an introvert person who wants to be alone all the time?






"Nice to meet you, too," ang tangi kong nasabi.




"You are being recruited by Amethyst?" 'yong blonde.





"By Cal."





"Oh," sabay-sabay silang nagkatinginan. I try to read thei eyes but I still fail. "Mostly sa mga ni-re-recruit niya ay boys so we are just too surprised," si Alone at humalakhak mag-isa. "so you are being here because you already are an official member of our frat?"






"I..." Nag-aalinlangan kong sagot, humihiling na sana ay biglang may dumating para 'di na ako mabigyan ng pagkakataon na sagutin ang mga katanungan nila. Pero nang walang nangyaring ganoon ay napabuga ako ng hininga at saka muling nagsalita. "I can't decide yet."





"So ikaw pala ang dahilan kaya galit si boss kanina," biglang sabi ni Alone kahit 'di pa ako tapos nagsalita. "I mean, nakita na naman ang mukha niya kanina, 'di ba? He's definitely mad."






My lips created a gap. "Akala ko ba sila ni Amethyst ang nag-aaway kanina?" Since halata naman na hinahabol ng babae si Cal kanina, tapos 'tong Cal naman na 'to ay parang gusto na suyuin siya. Tapos ngayon sasabihin lang sa 'kin ni Alone na ako ang dahilan?




"Actuaally," si Alone ulit, "he's like that everytime na may isa siyang gusto mapabilang sa group pero ang tagal lang mag-decide. Tiningnan ko ang files namin at ikaw lang ang ongoing pa ang alam mo na . . ."






"Akala ko sila nina Amethyst ang nag-aaway?" Bigla akong natawa nang mapakla. "At isa pa, papaano ako papayag sa alok niya kung wala akong kamalay-malay sa ginagawa niyo. " May naisip akong idea na kaagad ko namang sinabi. "Kayo... Ano ba'ng meroon sa grupo na 'to? "






"Oh, so pure and innocent," komento no'ng blonde. "But, darling, revealing our policies is a big no-no."





Natahimik ako.






"Pero, siguro naman kahit papaano ay may background na sinabi si Cal sa 'yo, 'di ba?" si Alone. "I am so sorry if I can't be honest this time, pero kailangan na rin talaga naming umalis. You know, we are about to perform.."




Pareho silang nagtawanan.




"Perform?" tanong kong muli, 'di na bale kung mairita na sila sa 'kin. "May mangyari na performance ngayon?"





"Sa isang linggo, dalawang beses na may pa-ganito. Sa isang linggo, overall, ay may dalawang araw for dance performances at dalawang araw rin para sa singing performances."





"Y-you all don't kill, right?" Kinakabahan ako habang nagtatanong.




"We hurt but we do not kill, okay?" tawa ni Alone. "Cal may be look like a demon but he has a good heart somehow."





"At least, I feel relieved," pagsasabi ko ng totoo, ang isang kamay ay nakahawak sa sariling dibdib. "Mukhang mas marami pa akong nalaman galing sa inyo kaysa sa Cal na 'yon."





Tumango sila at nagpaalam na. Sa wari ko ay silang dalawa lang ang 'di snob dito. Mabuti na lang din at nakilala ko sila dahil naging way 'yon para may malaman pa ako. Kahit papaano, napatunayan ko na, 'di naman gaano kalala ang grupo na 'to. Kahit papano ay may dahilan pa rin para tanggapin ko ang alok ni Cal.

Alam kong 'di magugustuhan ng mga kaibigan ko, lalo na si Allysa, ang about sa pagpunta at sa pagpapaplano kong pagpunta pa rito madalas. All I wanted now is to have fun, and I guess can I find what I am looking for in this place.





Tila natigilan ang lahat nang padabog na umalis si Cal. Bigla siyang hinabol ni Amethyst na parang desperada na ano, dahilan para kahit wala akong karapatan na i-invade ang privacy nila ay lumabas din ako. Nang nasa balkonahe na ako ay hinaranagan muli ako noong nakakairitang parang receptionist.





"Saan ka?"






Bago ako tuluyang umalis ay sumagot ako.




"Susundan ko lang sila."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top