C H A P T E R 6
"Hihingi ako ng signs galing kay Lord. Kapag nakita ko ang mga signs na 'yon mula kay Cal, meaning gusto ka niya -- na attracted siya sa 'yo. Ganoon!"
Sabay hampas ni Pearly sa 'kin, kaya napaayos ako ng tayo. Napahawak ako sa sling ng sariling bag at hinintay sina Allysa at Johoney na ang tagal-tagal maglakad.
"Hoy!" pangungulit niya sa 'kin. Ayan na naman 'yang pagbanga-bangga niya sa siko ko kaya napapaaray na naman ako. "Ano thoughts mo? Kinikilig ka ba? Gusto mo rin na siya?"
"Anong rin?" Tumawa ako.
"Pero gusto mo siya?"
Ngumiti ako. "Never."
Mabuti na lamang talaga at nagsidatingan na sina Allysa at Johoney kaya nag-iba na naman ang topic namin. Kanina talaga ay feeling ko nasa hot seat ako kasi panay ang tanong nila sa 'kin kung ba't ganito ganiyan. 'Tapos kung makatingin pa sila akala mo may ginawa akong kung ano kahit wala naman talaga.
"Doon tayo sa seven eleven," sabi ni Johoney at nakipag-usap na naman sa dalawa.
Wala ako sa mood makipag-usap. At alam kong 'di pa nila napapansin ang kawalan ko ng gana kaya 'di pa nila ako tinatanong. Anyway, hanggang ngayon nalilito pa rin ako; nalilito ako sa isang bagay na nakakalito. Ewan ko ba. Gusto kong paniwalaan 'yong sinabi nina Pearly at Johoney kanina about sa wallpaper thingy pero ayaw ko namang maniwala.
See? Nakakakalito talaga.
"Alam niyo ba? May gwapo roon sa seven eleven! Drex 'ata ang pangalan. Drex Stone, yiee!" si Pearl at nanisay sa kilig.
Hinampas naman siya ni Johoney. "May pa ata-ata ka pa, eh, memorize mo naman pala ang full name. Galing-galing ni pandak."
"Hoyy, bawiin mo 'yon!"
"Ang alin? 'Yong pandak ka? Ayaw ko, nyenye!"
"Hoyyy!"
"Kayong dalawa, para kayong mga bata," saway ni Allysa at tumawa. "Ang daming tao sa paligid, oh, baka mapagkamalan tayong baliw."
"Baliw na baliw. . ." Si Johoney.
Na pinatulan naman ni Pearly. "Sa kaniya, yiee! Kelegen ka, crush!"
"Baliw." Muling napailing si Allysa at nagkatitigan kami. Akala ko ay tatanungin niya ako kaya nagkaroon ng kaginhawaan ang dibdib ko. Tanungin mo na ako ng kung anong tanong 'wag lang 'yong galing kay Allysa. Alam ko na maiksi lang 'yan magtanong pero kakaiba 'yong talas ng itatanong.
Nakaugalian na talaga namin na sa Plaza pumunta kapag may free time tuwing hapon -- kahapon though 'di kami nakapunta roon dahil ang lahat ay may iba-ibang pinuntahan. Kaya ngayon ay roon na ang tungo namin para makapag-snacks.
Feeling rich 'to sina Johoney at Pearly kaya gustong doon kumain sa seven eleven. Ewan ko rin ba, parehas lang naman 'yong mga binebenta roon at sa mga sari-sari store. Sa presyo lang nagkaiba.
"Putek, 'di ko pa tapos 'yong i-c'-critique ko!" reklamo ni Johoney at ngumuso. "Kaasar naman! Kayo ba? Ano'ng i-c'-critique niyo? Title reveal naman diyan. 'Wag madamot!"
"Tangina," umubo si Pearly. "Akala ko tite reveal"
"Bibig mo!"
"'Yong akin is 'yong isang book lang sa Wattpad, a fiction story," si Allysa habang tumatawa.
"Pwede pala 'yong ganoon?" si Pearly, at sandali kaming tumigil sa paglalakad para hintayin na tuluyang makadaan ang isang tricycle bago kami sabay-sabay na tumawid.
We are in a city and so expect lots of vehicles and many more. Kailangan na nga naming magsigawan dahil ang ingay talaga. May mga ice cream vendor na sumisigaw, may mga sounds galing sa iba't ibang shop, at ingay pa galing sa ibang estudyante.
"Pwede naman. Fiction or non-fiction is accepted. 'Yong fiction will fall to non-academic text," sagot ko dahil 'yon 'yong sagot ni ma'am nang nagtanong ako sa kaniya about sa individual activity namin. "At the Iliad and Odyssey 'yong title ng sa 'kin."
"Hoyy!" sigaw ni Johoney at sinapak ako. "Ang gondo ng soyo! Tonog motolono!"
"Pero mas maganda 'yong sa 'kin, walang makakapantay," pagpaparinig ni Pearly, kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Kumuha ako ng isang work from Wattpad. At 'yong 'I Love You, Ara, ang i-c'-critique ko! Kilabutan kayo!"
"Hoyy!!" si Johoney. "Sa 'kin, 'yan! Inagaw mo!"
"Hala? Ako ang naunang nakaisip!"
"Kahit na! Palitan mo sa 'yo kung hindi FO na tayo!"
"FO? UFO?" Tumawa si Pearly. "Char, parang alien."
Inakbayan ko na lang silang tatlo nang kaharap na namin ang seven eleven. Pumasok kami at naghanap nang pwesto malapit sa counter kasi 'yon ang request ni Pearly. Kitang-kita ko na si Drex, 'yong bubuo raw sa buhay ni Pearly.
Dalawang araw na ang nakararaan simula nang makilala ng Pearly ang lalaki. 'Ayun at unang na-fall ang pandak.
"Bagay kami, no?" Kinilig si Pearly lalo at nag-pose sa harapan namin.
"Kunti." Ipinakita ni Johoney ang kamay niya at nag-finger-sign pa.
"Kunti lang din," pang-ba-bad trip din ni Allysa.
Napatingin silang lahat sa 'kin kaya nag-finger sign na rin ako. "Kaunti."
Ngumuso si Pearly at kahit panay ang pang-ba-badtrip namin sa kaniya ay 'di pa rin kumukupas ang energy niya. Panay ang kwentuhan namin at natigil lang nang isang grupo ang kakapasok na suot ang ID na same style no'ng sa 'min.
Tumaas ang kilay ko nang magtama ang mga mata namin ni Cal. Parang natural sa 'ming dalawa na panliitan ang bawat isa ng mata para ma-confirm kung tama ba ang nakikita namin o hindi.
Napabuntong-hininga ako.
Siya nga.
Siya lang naman ang nakakangisi ng ganiyan.
"Witwiw, manliligaw mo, Chels," pang-aasar ni Allysa sa 'kin. At dahil si Allysa na 'yan, mas lalo akong 'di nakapagsalita. "Kanina pa nakatingin sa 'yo. Pa-look back daw sabi niya."
"Hoy, ano'ng binubulong-bulong niyo riyan?" si tsismosang Johoney.
"Wala!" Medyo napalakas ang tono ko kaya kaagad akong napayuko. "Mag-order ka na lang. Rebisco lang sa 'kin at coke."
Overall, lima ang kasama ni Cal, at familiar sila dahil marahil ay nakita ko sila roon sa frat house. Lahat sila mukhang barumbado, pero may isang 'mas'.
Ayaw ko nang sahihin kung sino.
Sa pagkakaaalam ko, maraming seven eleven sa lugar na 'to -- 'di mabilang. Kaya nga ay tinangka kong i-suggest sa mga kaibigan ko na lumipat na lang sa ibang store para okay na, pero 'di natuloy dahil naisip ko si Pearly. Sinsadya pa naman naming dito talaga pumunta kasi may gwapong cashier.
"Hayan na siya! He's coming! Nakikita ko na ang future daddy ng mga triplets ko!" rinig kong tili ni Pearl kaya napatingin ako sa counter at tama nga siya; naroon na nga si Drex. Balita ko ay three-year old ahead siya sa 'min. "May plano ako!" Nagmamadaling inilabas ni Pearly ang cellphone at ibinigay sa 'kin.
"Para saan 'to?" Nakakunot ang noo ko sa pagtataka.
"Magpapa-video 'ata ang pandak natin," si Allysa at mukhang excited na rin sa mangyayari. "Pagbigyan na lang natin. Tapos kapag umiyak, sakalin natin."
Tumawa ako lalo at pinanood si Pearly na lumapit sa may counter. Ilang feet lang ang layo niya sa 'min kaya talagang maririnig ko kung ano man 'yang sasabihin niya. Naku, 'di ko na 'to gusto dahil may pakembot-kembot pa siya.
"Hi, Kuya," si Pearly.
"Wow, kuya raw," bulong ni Johoney sa 'min kaya, natawa kaming tatlo.
"Ilan lahat ng bayarin namin?" Sumandal pa siya lalo sa may pader na gawa sa semento.
"Hoy, wala pa tayong order!" sigaw ni Johoney.
Mabuti na lamang talaga at 'yong grupo lang namin at ni Cal 'yong nandito, excluding na 'yong mga matatanda sa tabi kasi parang wala naman silang pake sa nangyayari.
"Epal mo!" sigaw pabalik ni Pearly, sandaling lumingon sa 'min at balik na naman sa lalaki. "Kuya, kahoy ka ba?"
Napailing ang lalaki. "Bakit?"
"Ang tigas mo kasi."
"Hoyy!" sabay-sabay naming awat dahil sobra na. Basta. Parang sasabog na 'yong puso ko sa kakatawa. Naalala kong nag-vi-video pala ako kaya umayos ako ng upo. Mula naman sa peripheral vision ko ay nakita ko si Cal na nakasandal sa backrest ng sariling upuan habang nakadekuwatro ang dalawang mahahabang hita. Nakahawak din ang isa niyang daliri sa pagitan ng mga labi niya para mapigilan ang tawa habang pinapanood ako.
Epal talaga ang lalaki na 'to. Pasalamat siya at marami ang nasa paligid kaya 'di ko siya mapaulanan ng suntok.
"Kuya?" tawag muli ni Pearly. Ayaw ring paawat ng isang 'to. "Friend request ba ako?"
"Pandak ka! P. A. N. D. A. K!" si Johoney kaya hinampas ni Allysa
"Bakit?" tanong no'ng lalaki habang nagpapatuloy sa pagtatrabaho.
"Pa-accept naman ako. . ."
"Friends naman na tayo?"
". . . I mean pa-accept sa life mo, yiie!"
"Ang corny, nandidiri ako!" Pinaypayan ni Johoney ang sarili.
Tawang-tawa na kami, lalo na 'yong mga lalaki sa likod -- sina Cal at 'yong mga kaibigan niya. Pati 'yong mga matatanda ay napalingon din at hahalakhak. Nagbigayan kami ng senyas ni Allysa kaya siya na ang lumapit kay Pearly at hinila ang kaibigan namin pabalik sa table na 'to.
Napahaplos tuloy ako sa sariling dibdib sa sobrang pagtawa. Wala na akong pake kung mag-enjoy 'yang Cal na 'yan sa kakatingin sa ekspresyon ko.
Kaya ang nangyari ay pinaulanan namin si Pearly ng mga sapak nang nasa table siya.
Ilang minuto na ang lumilipas pero natatawa pa rin ako.
"Ganoon ang totoong banat, boys!" halakhak ni Pearly, halos sakalin ko na siya nang makitang bumaling siya sa grupo ni Cal.
Kahit tuloy ayaw kong mabalingan ang isa riyan ay aksidenteng nagtagpo ang mga mata namin. S'yempre 'di rin makakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi.
"Noted!" sigaw nong kasamahan ni Cal. Magkatabi sila at nakaakbay siya kay Cal.
Noong una ay nakabaling sa labas si Cal pero nang may binulong 'yong kaninang sumigaw ay napaangat ng tingin si Cal sa 'kin. Bigla akong umayos ng upo at kumain na lamang ng rebisco. Baka akalain pa noon na kanina ko pa siya binabalingan. Kasalanan nila kasi kapag haharap ako ay automatic na mapupunta ang tingin ko sa kanila. Sa dinami-raming table ay sa harap pa talaga namin umupo.
"Sino sa inyo ang magaling sa GenMath diyan? Naghahanap ako ng ka-duo!" sigaw ni Johoney sa mga lalaki. May isang nagtaas ng kamay na kagrupo lang din naman ni Cal at sh-in-ip 'to sa kaibigan namin. Mas lalong umingay amg paligid at panay lang ang pigil ko sa sariling ngiti.
"Si boss naghahanap ng essay maker!" ani na naman no'ng isa. "'Di ba, boss? Hiring: STEM Student ka-duo."
"Gago," mura ni Cal at ngumisi sa 'kin.
Nang mapagpasyahan naming umalis na ay siya ring pagtayo ng mga lalaki. Nakakunot ang noo, nagkibit ako ng balikat habang papalabas. Naramdaman ko ang pagsunod ng mga 'to sa 'min.
Bumalot sa katawan ko ang lamig. May kakapalan na nga 'tong uniform namin pero giniginaw pa rin ako. Madilim na ang paligid -- sa wari ko ay alas sais na. Wala naman akong curfew pero nag-send naman ako ng message kay Manong kanina na magpapasundo ako.
"Sure ka? Rito ka na?" tanong ni Allysa habang pumapara ng tricycle. Kanina pa nakaalis 'yong dalawa. "Kung sabay na lang kaya tayo?"
"Paparating na si Manong," sabi ko at ngumiti na naman.
Tumango siya pero may pag-aalala pa rin sa mga mata niya. Alam ko na kung ano ang dahilan dahil panay ang lingon niya sa likuran namin. Ang totoo ay nasa likod pa rin si Cal, parang diyos na nakasandal sa isang vacant table. Kanina pa nakaalis 'yong mga kasama niya pero siya ay panay pa rin ang tingin sa relong pambisig at sa tuwing lilingon ako sa kaniya ay kunware ay kakanta-kanta.
"Kaya ko na 'to, Allysa, don't worry," pag-a-assure ko sa kaniya para di ko na rin siya maabala pa. "Magaling ako sa martial arts, remember?"
Natawa kaming dalawa, at tuluyan na talaga siyang nakahanap ng masasakyan. Nang ako na lamang ang mag-isa, napalingon ako sa likuran ko, kagaya ng inaasahan, muli siyang kumanta. Mabuti na lamang talaga at 'di ko dala 'yong isa ko pang itim na bag kung saan lalagyan ko nang laptop dahil malaya akong mabigyan ng sapak ang lalaki na 'to once na may kung ano siyang gagawin.
"Eves," he chuckled.
"Hinihintay mo ako."
"Oo."
Napataas ang kilay ko sa katapatan niya. Akala ko pa naman mag-de-deny 'to.
"Busy ako mamaya. Gagawa pa ako ng reaction paper. 'Di ako makakapunta sa bahay niyo," sabi ko na nang diretso dahil halata naman na 'yon talaga ang pakay niya sa 'kin. Baka ay naiinip na siya dahil ilang oras na ang nakararaan pero wala pa rin akong desisyon.
"EAPP?" tanong niya. Mukha siyang interesado kaya 'di ko na lang muna aawayin.
"Yup."
"I can help you."
"Magpapatulong na lang ako kay Kuya." Since 'yon naman talaga ang plano ko kanina pa lamang. At isa pa, baka may kapalit kung tumulong ang 'sang 'to. "At, about doon sa napag-usapan natin no'ng isang gabi. . . Wala pa talaga akong maisip. Lalo na kung ang labo-labo ng grupo niyo. Parang puro kalokohan lang ang ginagawa."
"Really?" tumawa siya at umayos ng tayo. F-in-e-lex niya rin ng kaunti 'yong magkabilan niyang braso. "May sundo ka ngayon?"
"Mero'n." Alam ko na ang galawan na 'to.
"All right," siya sa paos na tinig. 'Di ko na rin siya masisisi dahil kahit ako nga ay nabubulol na. Sa palagay ko ay uulan dahil ang lakas talaga ng hangin. Bumalik ako sa dating pwesto at 'di na siya kailanman nilingon pa. Naramdaman ko ang pag-alis niya kaya ako na lang ang mag-isang estudyante sa pwesto na 'to.
@CalRamirez: go home safely.
Matapos ko 'yong mabasa ay siyang pagdating ng sasakyan namin. Walang sali-salita akong pumasok. Dahil sa gusto kong mag-emote ay 'di ko sinarado ang bintana. Dahan-dahan lang din ang takbo ng sasakyan kaya bago pa kami makalayo ay nakita ko si Cal na nasa isang karenderya at nakatingin sa pinanggalingan ko. Nang parang makontento ay roon pa siya tumayo at tuluyan na talagang umalis.
@ChelsyCattaneo: thank you.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa bahay na rin ako. Medyo maingay sa loob kaya nagkaroon ng saya ang mga mata ko at kaagad akong napatakbo. 'Di nga ako nagkakamali dahil nakita ko si Kuya Adrian na hinahanda 'yong uupuan namin mamaya para sa panonood.
Niyakap ko siya mula sa likuran. Matagal akong nakabitiw dahil kailangan ko pang punasan ang sariling luha para 'di niya mapansin.
"Kuya, paturo gumawa ng reaction paper! May trust issues ako, eh!" sabi ko na kaagad at baka makalimutan ko pa. Sa susunod na araw pa naman na ang submission no'n. Ayaw ni Ma'am tumanggap ng late outputs kaya dapat ngayon pa lang handa na ako para 'di ako mag-cram.
"Sige, do the outline, and I will edit it," aniya na ikinatuwa ko. Bago pa ako makalayo para pumunta na sa kwarto at magbihis nang pajama nang pinigilan ako ni Kuya. "Ano 'to?"
"Ang alin?" nakabusangot kong tanong.
"Here," he stated at may kinuha mula sa likuran ko, nang iharap niya sa 'kin 'to ay nakita ko na isa 'tong papel na may nakasulat na binasa naman ni kuya sa harapan ko. "Cal's property. " Umasim ang mukha niya. "What's this nonsense, Chelsy?"
"Ha?"
Gagi 'yon! Kaya pala ang bait noon kanina kasi may ginawa pa lang kalokohan! At ano'ng property sinasabi niya?!
"Are you dating someone now?"
"Wala!" pagsasabi ko ng totoo, pero nagtunog defensive 'yon kaya mas lalo akong nairita. "Kuya naman! 'Di ko nga kilala kung sino ang Cal na 'to! Baka isa sa mga classmate ko kanina 'yong nag-paste nito sa likuran ko!"
"Okay." Ngumiti na naman siya habang umiiling-iling, ayaw pa rin akong paniwalaan. "Bumaba ka rito kaagad at panonoorin natin 'yong sinabi mo no'ng isang araw," tumigil siya saglit, "are you sure you do not know that Cal?"
"Hindi nga!"
"Sige!" Isinuko niya ang mga braso sa ere.
Anyway, bilib din talaga ako kay Kuya. Kahit panay ang aral at gala ay maypa-glass skin effect pa rin ang mukha niya. Never ko nga 'ata siya nakitang magkaroon ng pimples. Naka-cardigan siya ngayon at P. E. shirt. Mas matangkad pa rin siya sa 'kin. Kahit 'ata kung ano'ng gawin ko ay 'di ko na talaga malalamangan ang katangkaran nila ni Kuya Rynierre.
"Uuwi si Mama ngayon?" tanong ko. "Si Papa. . . ?"
"I don't know." Namungay ang mga mata niya. "May dala akong libro para sa 'yo. That's why change into your pajamas and go back in here again."
Tumawa ako at sinunod ang sinabi niya. Naalala ko 'yong ginawa ng Cal na 'yon kaya nang tapos na akong magbibis ay kinuha ko ang phone.
@ChelsyCattaneo: bukas ka lang.
Na-seen niya kaagad 'yon pero 'di ko na hinintay pa ang reply niya. Bahala siya roon. Bagay sa kaniyang maging last chat.
"'Ya, ano nang plano mo?" mahinhin kong tanong nang magkatabi na kami ni Kuya Adrian. Nagsisimula na 'yong isang documentaty pero p-in-ause 'to ni Kuya para masagot ang tanong ko.
"I guess he's now somewhere in America."
Goodness. Miss na miss na kita, Kuya Ry.
". . . though I can't still mention a specific place."
Sa huli, napangiti pa rin ako. "As long as okay 'yong buhay niya, okay na sa 'kin." Malungkot kong ibinalik ang mga mata sa tv.
Nang magkakayayaan ay anime na naman ang pinanood namin, 'di kami utako (o kung ano pa man ang tawag sa mga adik sa anime), sadyang 'tong si kuya lang ang nag-suggest. Matapos noon ay pinagpatuloy ko na ang paggawa ng outline at nang matapos ay ibinigay ko 'to kay Kuya. May errors siyang c-in-orrect at nag-add ng ibang details.
"Your phone is ringing," aniya. Ngayon ay kapwa na kaming nakatingin sa phone kong nag-v'-vibrate. Kaagad ko 'tong inabot at n-i-reject tawag.
"Oh?" natawa si Kuya sa ginawa ko. "Sagutin mo. Cal pa naman ang pangalan ng caller."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top