C H A P T E R 3
"May mens ka pala ngayon. Ano nang plano mo?"
Sabay upo ko sa upuan sa harap ni Allysa. Naka-nap lang naman siya at halatang may masakit sa katawan. Wala sina Johoney at Pearly kasi nakikipag-meeting sila sa ibang grupo. Minalas kami kaya 'di na naman sila ang nakasama ko at si Allysa lang talaga.
Hayun na nga, sabi ni Allysa kanina ay kailangan niyang pumunta sa Guidance office kasi naroon ang table ng guro namin sa Precalculus. Magaling talaga si Allysa sa pag-so-solve ng mga Math problems lalo na 'pag PreCal na ang pinag-uusapan. Kaya siya ang gagawing pambato ng school namin para sa isang regional event.
'Di na bago sa 'kin ang ganito dahil parati talagang nagiging pambato ang mga kaibigan ko, lalo na 'yong Johoney na 'yon -- palaging broken hearted ang babae na 'yon pero nag-e-excell 'yon hindi lang sa acedemic kundi pati na rin sa sports. Kung ako sa swimming, siya naman ay sa volleyball.
"Ewan. Baka mawawala rin 'to since nag-take naman na na ako ng gamot. Hintayin na lang natin na um-effect."
Tumango ako sa sinabi niya ay bumalik sa upuan. Nagpatuloy ako sa pakikinig sa leader ng group namin. 'Di ko akalaing kailangan na naman namin mag-conduct ng interview para sa subject na Entrep. Si Allysa na lang talaga ang problema ko. . . Hanggang ngayon ay naka-nap pa rin siya. Mabuti na lang nga at mabait ang leader namin kompara sa lider noong kabila na sobrang strict.
"Favor, Chels," dinig ko mula kay Allysa. At ako naman 'to na kanina pa siya hinihintay na magsalita ay napangiti dahil sa wakas ay sumuko na rin siya. Muli siyang bumuntong-hininga. Kilala ko siya -- siya 'yong tipo ng tao na ayaw magdepende sa iba. 'Yong bang gusto niyang siya ang gumawa lahat ng bagay na pinalano niya.
"Ano na?" Tumawa ako.
"Nakakahiya--"
"Para ka namang others!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Libre naman ako ngayon. Next week pa magiging masikip ang schedule ko dahil nga sa Vice President ako sa isang Math Club. Next week pa magsisimula na mag-recruit ng mga members kaya ngayon ay libreng-libre ako.
"Ikaw na lang ang pumunta sa Guidance Office," tumango-tango ako sa narinig sa kaniya. Ang layo pa ng building kung nasaan ang office na 'yon pero para kay Allysa bahala na. Trip ko ring gumala nang kaunti kaya why not, 'di ba? "'Tapos hanapin mo si Ma'am Aravilla, sabihin mo kung ba't 'di ako ang lumapit sa kaniya."
"Ahh." Tumango-tango ako. "'Tapos kukunin ko na 'yong libro?"
"Oo. At kapag wala siyang ibinigay na portfolio, tanungin mo kung kailan ko pwedeng makuha."
'Yon lang pala.
"At tingnan mo rin kung sino 'yong ibang representative. 'Di ko pa kasi nakikilala 'yong iba."
"Sige." Inayos ko ang sarili at handa na talagang umalis. Nagpaalam ako sa mga ka-groupmate ko. Puro chikas naman na lang ang pinag-uusapan nila ngayon. Naka-decide na kami kung sino ang mag-co-contribute ng ganiyan, ganito kaya medyo settled na ang problema.
Malaki talaga ang school na 'to. May kamahalan nga lang ang mga bayarin pero worth in naman dahil napakaganda ng learning status. Pitong building ang nasa paligid -- 'yong iba ay hanggang first floor lamang at 'yong dalawang building na hanggang third floor ay para sa mga senior high school students. Sa field, kung saan kami nag-fa-flag ceremony, ay may fountain sa gitna. Maraming tao sa paligid no'n at ang lahat ay may sariling pinagkakaabalahan.
"Chels, free ka bukas?" tanong noong isang kakilala na nakasalubong ko. "Birthday celebration."
"Pass, dami nang trabaho, eh," sabi ko gamit ang mababang boses. Grade 10 student pa kasi siya kaya 'di pa sila masyadong busy. Siguradong sa Grade 11 niya pa ma-re-realize na napaka-busy ng mundo. "Next time na lang, Sharmaine."
"Sige sige!" Ngumuso siya at napalingon sa kung saan. "Saan ka pala papunta, 'te?"
"Sa Guidance. May kukunin lang akong guide books."
Nagkagat siya ng labi. "Ba't ang talino mo po?"
Halos lahat ng mga kakilala ko ay matalino ang tingin sa 'kin pero kabaliktaran noon ang tingin ko sa sarili ko. I prefer to call myself as an average student who has an average mind. Hindi ako komportable 'pag may nagsasabing ang talino ko. Kung hindi mapapatago ng ngiti ay mapapayuko ako sa kahihiyan.
"Kaya talaga ako nandito ay para kay Allysa. Siya sa PreCal at ako naman sa Basic Calculus." Matapos kong sumagot ay tumango siya habang may paghanga sa mga mata.
"Prayer reveal naman kasi, ate," hirit niya na nagpatawa sa 'kin, "o kahit bebe reveal na lang."
"Parang 'yong una lang ang kaya kong maibigay sa 'yo." 'Di ko maiwasang 'di matawa sa usapan namin. "Ayaw ko sa mga bebe² na 'yan, Sharmaine. Sa una lang masaya."
"Ay bitter siya!" she teased me.
"'Yon naman ang totoo. At isa pa, masyadong mataas ang standard ko sa mga lalaki."
"Ay! Dapat lang, ate! Look yourself po, ang ganda-ganda mo."
Tumawa ako. Kagaya niya rin ako noong Grade 10 pa ako -- medyo maharot -- pero nang nakatungtong na ako ng SH ay naging kagaya na ni Allysa. Madalas ko nang siniseryoso ang mga bagay-bagay.
Akma na sana akong maglalakad muli nang may huli siyang tinanong sa 'kin. "'Te, ano ang ideal type mo sa isang lalaki?"
Wala akong naisagot kundi iling lamang. Kasi kapag 'matangkad' ang sasabihin ko ay siguradong may maiisip na naman akong isang lalaki.
Binuksan ko ang pinto ng office at sumalubong sa 'kin ang lamig ng aircon. Maraming mga tables pero alam ko naman na 'yong kay Ma'am Aravilla kaya kaagad ko na 'tong nilapitan. Umupo ako sa visitor chair at nakitang may kausap siya sa cellphone kaya naghintay na lamang muna ako.
"Miss Cattaneo." Tapos na si Ma'am kaya kaharap ko na siya ngayon. Tumango naman siya matapos kong sabihin 'yong lahat ng sinabi ni Allysa sa 'kin kanina. Ngumiti siya at may kinuha sa small drawer na nasa tabi lang ng mesa niya. "You really look like your brothers."
Nagtago ako ng ngiti sa kilig. Dito nag-aral ng JH at SH ang dalawa kong kuya, kaya ay nagkaroon ng ingay ang apelyedo namin dahil na rin sa profession na mayroon ang mga magulang namin. Matalino at may itsura ang mga 'yon kaya sikat sila rito. Sabi nila ay may hawig daw kami kaya marami na rin ang nakakakilala sa 'kin. Kahit nga 'yong ibang may teachers ay binabati ako sabay tanong na rin sa kalagayan ng mga kuya ko.
"These are her guide books. Nariyan na rin ang portfolio kagaya noong sinabi ko sa kaniya na ibibigay ko. Tell her to also take some medicine para sa dysmenorrhea niya."
"Yes, Ma'am."
"Oh, nakalimutan ko. . ." Tumingin siya sa kung saan-saan na parang may hinihintay. "I am actually waiting for someone, Miss Cattaneo. Kahit malabong susundin no'n ang usapan ay nagbabakasakali pa rin ako."
Umawang ang mga labi ko at nakatanggap ng sign galing kay Ma'am na maaari na akong umalis. Pero 'di ako nakagalaw kasi nakita ko lang naman si Cal na dire-diretso ang punta papalapit sa direksyon ko. Naka-maong siya at suot ang pang-itaas na school uniform. Nainis na naman ako. Ang lakas niyang pumunta rito nang ganiyan ang suot. Parang 'di siya estudyante sa suot niya.
"You are late again, Mr. Ramirez. Saan ka ba na naman napadpad?" Mapaklang tumawa si Ma'am.
"I hate to say this but your question is a personal one," may napalingon sa narinig pero may ibang mukhang immuned na. Ako naman ay kasali sa mga tao na gulat na gulat.
May punto siya kahit papaano pero dapat ay 'di na lang siya nagsalita kung ganoon lang ang magiging sagot niya! Kahit papaano ay dapat irespeto niya ang isang guro!
"I respect your decision, Mr. Ramirez," magalang pero may bahid na sarkastiko na sagot ni Ma'am Aravilla. "And now take your seat. Wala si Sir Adam pero since nakiusap siya sa 'kin na ibigay sa 'yo ang mga libro na 'to, ay syempre tinanggap ko na ang favor niya. Anyway, nasa hospital siya ngayon at ngayon ang release ng x-ray results kaya wala siya ngayon."
"All right," si Cal at sandaling dumaan ang tingin sa 'kin.
"I am here because of Allysa," bigla na lamang akong napasalita.
Tumaas ang kilay niya at 'di ko 'yon nagustuhan. "Wala namang nagtatanong, Chelsy."
Alam niya naman pala ang pangalan ko pero nang tinanong siya ni Amethyst kung ano pangalan ko ay walang kwenta ang sagot niya. May galit talaga 'ata ang lalaki na 'to sa 'kin.
"Hindi rin naman ikaw ang intended receiver ng message ko, Mr. Ramirez." Ipinakita ko ang matamis kong ngiti kahit ang totoo ay nanggigigil na naman ako sa kaniya.
"I don't wish to be your intended receiver either." Tumabingi ang ulo niya at muling nagbukas ng bubble gum mismo sa harapan ko at nginuya 'to nang nginuya. Nagdekuwatro na naman siya gamit ang mahahaba niyang mga binti nang 'di bumibitiw ng tingin sa 'kin. "At isa pa, ba't ka pa nandito?"
Ginagalit niya na talaga ako.
"Baka may sasabihin pa si Ma'am sa kin," bulong ko. "Since mukhang wala naman na, pwede na pala akong umalis. Sorry sa abala." Lumingon ako kay Ma'am na ngayon ay 'di alam kung kanino titingin. "Thank you para rito, Ma'am. Aalis na po ako."
"Oo, at wag ka nang bumalik," 'yong lalaki.
"Baliw." Umirap ako at niyakap nang marahan ang mga libro.
"Seriously, Chelsy."
Tumigil ako sa paglalakad nang narinig ko na naman siyang magsalita. Mukhang nahihiligan niya nang tawagin ako, talagang gusto niya talaga akong mamatay dahil sa kaniya, 'no?
Pero bagaman ganoon ay binigyan ko pa rin siya ng isang ngiti. "Ano?"
"I-check mo ang messenger mo mamaya."
"At bakit kita susundin?"
"Dahil sinabi ko na sundin mo ako."
"And who you to demand like that?"
Ngumisi siya at kunware pinagpagan ang sariling shirt. "I am Cal, darling."
Inilahad ko kay Allysa ang mga libro nang 'di nag-iiwan ng salita. Hinanap ng mga mata ko sina Johoney at Pearly at hayun at nasa kaniya-kaniya na silang mga upuan. Maingay ang buong roon dahil wala pa ang teacher. Earth and Life Science ang subject namin ngayon -- kahit kailan talaga ay palaging late ang subject teacher namin.
"Medyo nakakalito ang email ni Ma'am sa 'kin, sa totoo lang." Natulala saglit si Allysa at lumingon at ipinatong ang sariling ulo sa tuktok ng upuan para mas makausap ako ng mabuti. "Nakita mo ang ibang representative?"
"Hindi, eh. Naging busy na rin kasi si Ma'am kaya nagpaalam na ako." Wala naman 'atang masama kung magsisinungaling ako sa kaniya. Tiyak kasi na kapag sasabihin ko ang pangalan ng lalaki na 'yon ay gugulo na naman ang lahat. Baka tumaas na naman ang boses ko at marinig ni Johoney edi lagot na ako 'pag nagkataon. Hangga't maaari ay gusto kong 'wag nang pag-usapan ang nangyari kanina.
Nang magsimula na ang klase -- puro video presentation lang naman ang ipinakita ng guro sa 'min -- ay 'di pa rin ako komportable. Napapatingin nga si Ma'am sa 'kin 'pag napapalakas ang pagbuntong-hininga ko. Kinabahan ako at baka naisip niyang ang boring niyang magturo. Kung sabagay, totoo naman.
Charot lang.
"Alam kong may problema ka kaya sabihin mo na 'yan sa 'kin. Kahit ano pa 'yan, papakinggan ko," gusto kong lumingon kay Allysa nang marinig siyang magsalita. Nakalingon na naman siya sa 'kin ngayon.
Napahina tuloy ako nang malalim. Papaano ko ba sasabihin sa kaniya 'to? Na nakausap ko si Cal kanina at inuutusan akong buksan ang messenger ko. Ang problema rito ay 'di ko na kayang buksan ang app na 'yon dahil sa kaniya. Aba, malay ko ba kung meroon siyang s-in-end na kung ano. Baka bold --- posible rin!
"Ano. . ." panimula ko at napatingin sa sariling mga sapatos, doon naghahanap ng mga salita na sasabihin. "Nakita ko si Cal kanina. . . Tapos. . ."
"Tapos?"
"Tapos sabi niya i-check ko raw 'yong messenger ko."
"Ah, I knew it."
Napataas ang tingin ko para matingnan siya kaagad. "Ano'ng ibig mong sahihin? Sinabihan ka rin niya ba na i-open ang messenger mo?"
"Not at all." Lumingon siya sa kaliwa't kanan na para bang isang sikreto 'yong sasabihin niya sa 'kin. "He has a frat, Chelsy."
"Frat?!" 'Di ko mapigilan ang sarili na 'di magulat.
Oo, alam ko na barumbado ang lalaki na 'yon. Madalas ko nga talaga siyang nahuhuling nag-yo-yosi! Pero masyadong nakakabigla 'yong nalaman ko about sa kaniya! 'Di ko maiwasang 'di mapatanong. . . Ano kaya ang meroon sa utak niya para maging ganiyan? Kulang naman ako sa atensyon galing sa mga magulang ko pero kahit kailan ay 'di ako nanigarilyo sa school at pumasok sa isang gang, frat, o kung ano pa man 'yan na mahigpit na ipinagbabawal sa school.
Yes, I am also a rebel but I somehow limit myself as what as I should. Palagi akong 'di umuuwi sa bahay dahil sa paraan na 'yon ay naipapakita ko kina mama at papa na 'di na ako masaya sa bahay namin, pero 'yong ginagawa ni Cal ngayon? Ayaw ko nang magsalita pa.
"So, anong ibig mong sahihin?" bulong ko pabalik, ang dalawa kong tenga ay sabik na may malaman pa. Mabuti na rin at nasabihan ko si Allysa patungkol sa nangyari kanina, dahil kung hindi ay baka 'di ko rin malaman ang patungkol sa bagay na 'to. "Don't tell me gusto niya akong isali sa frat nila? No! That's not gonna happen! Magkamatayan na!"
"Feeling ko hindi. Pakiramdam ko may iba pang dahilan. Tingnan mo na lang kasi 'yong sinasabi niya para malaman na natin."
"Ayaw ko. . . " Nakakatakot kaya. What if death threat ang sasalubong sa 'kin? O sex video? Diyos ko, 'wag naman sana.
"Kung ayaw mo ako na lang."
"Ha?" Umiling-iling ako. "Ako na lang." Pakiramdam ko ay para akong nabuhusan ng ng timba-timbang katangahan para maging sabog ng ganito. Para masagot na ang lahat ng mga katanungan ko, in-open ko ang wifi at naki-connect sa wifi ng room, at isang message request ang sumalubong sa 'kin. Bigla na namang nanghina ang mga tuhod ko. Ano bang meroon sa message na 'to para pakabahin ako ng ganito?
"Ano?" interesadong tanong ni Allysa matapos ang mahabang katahimikan. Ako naman ay napa-nap na lang at kinurot ang sariling pisngi bago muling sumagot.
"An invitation."
Mabilis na natapos ang klase, at halos mamatay na ako kakaisip kung gaano karami ang homeworks namin. Hindi pa nga kami nakakadalawang buwan bilang SHS pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng lakas. Pero kahit na ganoon, I have fun in learning. 'Yon ang mas mahalaga sa lahat -- 'yong masaya ako kahit mahirap. I know all my hardwoks will be paid off soon, and I am claiming it.
Dumaan muna ako sa bahay. Balak kong pumunta sa bahay ni Johoney dahil mag-m'-movie marathon na naman kami.
Ang totoo niyan ay balak na talaga akong kunan ni Mama ng sariling apartment o condo. Pero ngayon ay buo na ang desisyon ko -- gusto kong magkaroon ng isang apartment at sama-sama kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa nasasabi ang plano ko pero siguradong papayag ang mga 'yon dahil madalas kaming mag-usap patungkol sa mga apartment-apartment na 'yan.
"Iha." Tumigil si Manang Sandara sa paglalakad para batiin ako. Kahit papaano ay napangiti pa rin ako. Kaya talaga gusto kong pumarito minsan kasi napaka-approachable ni Manang sa 'kin. "Kumain ka muna, mukhang kailangan mong mag-snacks talaga."
"Salamat, Manang, pero, didiretso na ho ako sa bahay nina Johoney, eh."
"'Di mo hihintayin ang Papa mo? Uuwi raw 'yon."
Mapait akong napangiti. "Hindi naman ako no'n hahanapin, eh. 'Tsaka, mag-te-text naman ako sa kanila para 'di na sila magtaka pa."
Nagtanguan kaming dalawa at tumungo na ako sa sariling kwarto. Napakatahimik ng lugar. Maganda sana ang paligid -- may mga gadgets sa paligid, may maliit na bookshelf, may nightstand, tv, at kung an-anu pa pero kahit gaano pa sila karami ay 'di ko naman maramdaman ang halaga nila. 'Yong para bang wala talaga. Walang-wala.
Binuksan kong muli ang messenger ko. Tinitigan ko ang isang invitation at nang dahil doon ay napatitig ako sa screen ng phone. Dapat ko ba talagaang sundin ang lalaki na 'yon? Pero, nakaka-curious din kasi 'to. Ano kaya ang mayroon doon?
Nagbihis na ako. Isang white jeans at black-shirt ang suot ko ngayon. Gusto kong mag-skirt kagaya ng madalas kong suot pero halatang maginaw sa labas kaya 'eto na lang muna ang susuitiin ko.
"Ha? Ikaw ang nag-aya 'tapos wala ka? Ano ba 'yan? Nakakasakit ng pempem!" reklamo ni Johoney mula sa kabilang linya. Nasa labas na ako ng village at kakapara ko pa lamang sa isang tricycle kaya ngayon ay papunta na ako sa kung saan. "Hoy, Chelsy, nasaan ka ngayon?!"
"Aray, 'yong tenga ko," biro ko at tumawa, kahit ang totoo ay kinakabahan na ako. Sana tama 'tong address na pupuntahan ko dahil kung hindi ay talagang susuntukin ko na 'yong Cal na 'yon bukas!
"Seryoso ka? 'Di ka talaga pupunta?" ngayon ay boses na naman ni Pearly ang sumalubong sa 'kin. "Anyway, ano ang tagalog ng expensive?"
"'Di kita mahal." Napahalakhak ako. Napakaluma talaga ng mga jokes ng babae na 'to.
"Sana sinuportahan mo na lang," kahit 'di ko siya kaharap ay for sure nakanguso na siya. "Kita na lang tayo bukas. Pangit mo ka-bonding. Mas masaya sana kung nandito ka."
Nang matapos ang tawag ay sakto ring pagtigil ng sasakyan. Bumungad sa 'kin ang isang napakaliwanag na bahay. Sumalubong sa 'kin ang isang babae na naka-leather jacket. Panglalaki 'yong gupit ng buhok niya kaya kakaiba siya sa paningin ko.
Ano namang meron sa lugar na 'to?
"Password," aniya at sumayaw, sumasabay sa tugtog na galing sa loob. Ako tuloy ako ay napasilip nang kaunti at nakita na may party nga sa loob.
"Password?" gulat na tanong ko. May ganoon pa pala? 'Yong nakalagay lang naman sa message ay 'You are invited' 'tapos location at oras kung saan at kailan ang event. Wala namang sinabi na password.
"'Di mo alam?" Nairita siya kaagad at parang balak na akong pauwiin, kaya muli akong nagsalita.
"Squire root of sixteen?"
"What?!"
"I-I mean," ako at napakamot sa ulo. Baliw ba ang babae na 'to? Ano namang sasabihin ko? Pinakita ko na 'yong invitation pero ayaw niya pa rin akong papasukin! Tuloy ay mas lalo akong naging interesado na makita kung ano ang nasa loob.
"Just go home, kid. Nakakairita ka--" siya.
"Wait!" Umayos ako ng tayo kahit bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. "I am Cal, darling."
At 'yon ang nagpangiti sa kaniya. "You are in. Welcome to our fraternity house."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top