C H A P T E R 2
"Ano'ng sabi?"
Panay ang kulit nila sa 'kin at iisa lamang ang tinatanong nila. Rinding-rindi ako pero mas lumalamang pa rin 'yong pagsisisi ko. Ba't ko pa ba kasi pinuntahan ang dork na 'yon kanina? Parang lumabas na . . . mas wala akong modo kasi pinatulan ko ang walang-hiyang siya. Nakakainis naman 'to!
"Ano? Balak mong puntahan ulit?" kuryusong tanong ni Johoney habang sinusuklay ang buhok ko. Kaharap ko ngayon ang isa kong papel at kasalukuyang nag-so-solve ng math problem pero 'yong utak ko lumilipad. 'Ayun at nasa ibang floor.
"Ewan ko ba, pakiramdam ko mas walang-hiya ako kaysa sa kaniya," pagsasabi ko dahil 'yon ang sinasabi ng isip ko kanina pa. Ba't ko ba kasi pinatulan ang lalaki na 'yon? Tuloy ay sa 'ming dalawa ako pa ang mas naaapektuhan. Baka nga wala lang sa kaniya ang tagpo na 'yon kanina! Baka ako lang 'tong naiwang nag-o-overthink.
Nakakainis.
"Bagay na rin 'yon sa kaniya -- ang yabang-yabang kasi," bahagya akong nakaramdam ng kaginwaan sa narinig kay Allysa. Base sa boses niya ay nasa kampo ko siya kaya baka tama lang talaga 'yong ginawa ko kanina.
"Kakalimutan ko na lang 'yon," final kong desisyon at nakatanggap ng ngiti sa mga kaibigan ko. 'Ayun na nga lang talaga ang dapat kong gagawin. Magpapanggap ako na walang video ang lalaki na 'yon kung saan mukha akong dragon.
Madaling natapos ang mga klase hanggang sa lunch break na. Todo ngisi kaming lahat dahil nga malapit na ang uwian pero 'wag niyo akong bilangin. Mas maganda nang matulog dito sa eskwelahan kaysa sa umuwi sa 'min. Sa bahay. . . Napakatahimik, walang kabuhay-buhay ang paligid. Kapag naroon ako, pakiramdam ko walang rason para sumaya. 'Yong pakiramdam na kahit saan ka tumingin, dilim lang ang makikita mo. Ganoon sa 'min.
Kapag nandito ako sa eskwelahan, pakiramdam ko ang saya-saya ko dahil nga kasama ko ang mga kaibigan ko. Marami akong nakikitang rason para sumaya at mag-enjoy. Kapag nandito ako, parating nasa ulap ang puso ko. Nakaka-relax, nakakamangha.
"Painom sa tumber mo," nakangusong ani ni Pearly, kaya binigay ko na lang 'to sa kaniya. Nakatitig ako sa blackboard namin habang inaaral ang isang formula. Kaunting minuto na lang at GenMath na naman. Nakapag-study naman na ako pero gusto ko pa ring makasigurado na masasagot ko ang lahat ng tanong.
I am a student who's a grade conscious one. Hindi naman ako 'yong tipo na gusto i-perfect lahat ng bagay. Sadyang kapag gusto ko talaga, gagawin ko ang lahat makuha ko lamang ang bagay na 'to.
"'Di ko 'to gustong sabihin pero what if may secret admirer ka?" bulong ni Johoney sa 'kin. Gusto ko sana siyang batukan pero mukha siyang seryoso kaya pinagbigyan ko na.
Umayos ako ng upo at umaktong interesado. "Sino?"
"Secret nga."
Tumawa siya na parang baliw. Naglalagay na naman siya blush sa mga pisngi niya kaya masama na ang kutob ko. When in terms sa mga ganitong bagay, nahihiya pa rin akong tanungin siya. Si Allysa lang kasi ang malakas ang loob na tanungin kung anong balak at kung saan ang punta niya. I guess she's planning to go on that floor again. May kinukuwento kasi siyang isang lalaki kanina kaya malamang ay 'yon ang dahilan kaya siya aalis.
"Nakapag-study naman na ako," rinig kong aniya para sa sarili at ngumising muli. "Landi time muna ako ngayon."
"Saan 'yon?" Biglang dumating si Allysa na kagagaling sa canteen kasi siya 'yong pinabili namin ng mga drinks. Naabutan niya naman si Johoney bago 'to nakaalis pero 'di niya lang napigilan kasi marami siyang dala. "Don't tell me kekerengkeng na naman 'yon? 'Tapos iiyak? Naku, mga kabataan nga naman."
Umiling-iling siya, kaya tinanggap ko ang drink na pinabili ko sa kaniya at pinuwesto sa table ko. Nagsimula na kaming mag-lunch at kung saan-saan napunta ang topic namin. Good thing at 'di na nila ako tinanong patungkol sa nangyari kanina. 'Di pa ako handang sumagot. O kung may maisasagot nga ba ako?
"Kumusta na kaya ang kuya mo, 'no?" basag ni Allysa sa katahimikan, ako naman ay napatigil sa pagkain dahil sa narinig. Ramdam ko ang pamumumgay ng mga mata ko at biglang sinakop ng lungkot ang dibdib ko. Ilang buwan na ang nakararaan simula noong umalis si Kuya nang walang paalam. Alam ko nang masyadong makaluma ang pag-iiwan ng letter pero kahit 'yon man lamang ay 'di niya rin ginawa. Kumbaga, naglaho talaga siya na parang bula.
Marami akong nilapitan, nagbakasali na may malaman ako, walang close friend si kuya kaya halos mag-conduct na ako ng mass interview sa university na pinapasukan niya noon. Pero hanggang ngayon nga-nga pa rin ako. Kahit nga si Faith. . . Wala ring alam. At saka, kahit na gusto ko rin siyang tanungin, alam kong wala naman ako sa posisyon. Pareho nilang kailangan ng space kaya hindi ko na muna siya nilalapitan pa.
"Baka next month pa 'yon magpaparamdam," hula ni Pearly na sana ay magkatotoo.
Pero imposible.
'Di nga noon ginagalaw ang cards para pang-suporta sa pag-aaral niya.
I am worried sick by just imagining him striving hard to graduate in his course. Kung sana ay ginagamit niya ang pera na para sa kaniya ay mas mapapadali lang ang lahat at 'di na ako kakabahan pa, pero hindi. Wala talaga siyang paramdam.
"Anyway, ano'ng balita sa mga magulang mo? Okay na ba sila sa ganiyang setup na -- no offense -- ang gulo-gulo ng lahat?" si Allysa, at halos kagatin ko na ang sariling dila. Wala namang use 'yon para mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo pero nagbabakasali pa rin ako na gagana.
"I think so, walang sinasabi, eh." Nagpatuloy ako sa pagkain at napatitig na lamang sa labas ng bintana.
If I told you about my family, you'd surely be in tears. Kulang pa ang salitang 'magulo' para ilarawan ang pamilya na mayroon ako. That's why going home does not feel like home. Parati lamang na away ang nabubungaran ko. Minsan ko na lang makita sina Mama at Papa pero 'pag umuuwi sila ay mag-aaway na naman. Ni hindi man lang nila naiisip na ako ang mas nasasaktan.
"So, ano'ng plano? Tara shot!" biro ni Pearly at kapag ganoon ang sinasabi niya meaning noon ay inaaya niya kaming mag-sleepover sa bahay nila. Nanlaki ang mga mata ko sa saya dahil 'di ko na kailangang uuwi pa sa 'min.
At isa pa, may rason pa ba ako para umuwi?
Wala.
Walang-wala.
Ni hindi nga ako hinahanap.
"May naisip na akong gagawin natin!" sigaw ni Allysa para siguro makuha ang atensyon ko. Nabasa siguro nila sa mga mata ko ang mga salita na nasa utak ko. Napangiti tuloy ako at sumabay sa agos ng usapan nila. Sinadya talaga naming sumubo nang mabagal para hintayin si Johoney at makasabay pa siyang kumain. Nang lumipas ang mga minuto nang wala pa siya ay tuluyan na naming inubos ang mga lunch namin.
"Ba't 'di natin hinintay ang impakta na 'yon? Magtatampo 'yon!" Si Pearly at pumalakpak habang tumatawa. She really never fails to make me and I owe her for that. She's like my living happy pill.
"Kapag hinintay natin 'yon, magkaka-ulcer tayo," si Allysa, kaya mas lalo akong natawa. "Anyway, ako lang ba 'to ang nag-iisip na baka nasa ABM floor naman ang babae na 'yon pero ayaw lang sabihin sa 'tin?"
"At bakit kaya siya pupunta roon?" si Pearly at nanlalaki pa ang mga mata.
"Edi para kumarengkeng!" sabay-sabay nilang sagot dalawa, at naiwan na naman ako sa malalim na kaisipan. Kailan pa ba madadala ang babae na 'yon? Alam kong gwapo ang lalaki na 'yon pero 'di naman 'yon worth it iyakan. Kung 'di lang siya ang definition ng 'mysterious and handsome' baka wala na talagang kagusto-gusto sa lalaki na 'yon.
"Puntahan natin?" dinig kong sabi ni Allysa, hinihingi niya rin ang opinyon ko kaya nang umiling kami ni Pearly ay napabuntong-hininga siya. May sariling floor kami kaya ba't pa kami pupunta sa iba? At isa pa, 'di biro ang umakyat ng hagdan!
"Puntahan na lang natin!" nagbago ng desisyon si Pearly at nakatingin na silang dalawa sa 'kin. "Dahil aminin man natin o hindi, ang gagwapo talaga ng mga ABM students!"
Nagulat ako nang tumango-tango si Allysa.
"Mas maraming gwapo sa STEM," ang tangi kong nasabi para may masabi lang talaga. At isa pa, ayaw kong sabihin nang direct to the point na 'di ako sang-ayun sa plano nilang dalawa.
"Saan banda? Saan?" Nakangiwing naglibot-libot ng tingin si Pearly. "Eh, mukhang tangkay mga lalaki natin dito. Juice colored!"
"Kayo na lang ang pumunta." Inilabas ko lahat ng mga coloring materials para lamang may maipakita sa kanila na busy ako wala akong time para samahan nila. Ngumiti na rin ako bilang tanda na okay na talaga akong mag-isa rito. Baka makita ko lang ang isang nakakairitang nilalang na 'yon. Siguradong 'di na naman 'yon naka-uniform at kahit kailan 'di ko nagustuhan 'yong mga estudyante na 'di ginagalang ang school! Simpleng rule ay 'di magawa.
'Di naman naging boring ang mga minuto nang wala sila dahil napakaingay din talaga ng room namin. May nagpapatugtog pa ng kpop songs kaya 'yong mga ingay nag-ra-ramble na.
@AllysaTapang: come here!
@ChelsyCattaneo: bakit?
@AllysaTapang: napaaway kami. gagong Johoney to naging kabit.
@ChelsyCattaneo: kaya pala masama ang kutob ko kanina. 3rd floor again?
@AllysaCattaneo: yes, pls. sa room nila Cal.
Nag-aalinlangan pa ako noong una kung pupuntahan ko ba sila o hindi. Mabasa ko lang ang name ng dork na 'yon ay sapat na para magdalawang-isip ako talaga. Pahamak talaga si Johoney kahit kailan. Maghahanap na lang kasi ng gulo ay sa epicenter pa talaga! At goodness! Kapagod umakyat ng hagdan!
Automatic akong napalingon sa kung saan at tumakbo papunta sa direksyon ng mga kaibigan ko. Napahawak ako sa sariling bibig nang makitang may kasabunutan si Johoney. May grupo 'yong babae kaya naki-back up na rin sina Allysa at Pearly.
"Hindi mo tutulungan, Miss?"
Halos mabalikwas ako sa kinatatayuan nang may pamilyar na boses ang sumakop sa pandinig ko. I tried to act like I didn't hear him but the audible chuckles he was letting made me distracted! Ayaw ko siyang balingan pero 'yong boses niya -- 'yong presensya niya.
"Natatakot ako," pagsasabi ko ng totoo na nagpahalakhak sa kaniya. Kaunti na lang talaga at siya na ang masasabunutan ko nito. Hindi na talaga siya nakakatulong.
"I thought you are feisty," bulong niya na halatang pinarinig sa 'kin, nakatingin pa rin siya sa mga babaeng nag-aaway. And realization hit me. Papaano ba ako makakatulong sa mga kaibigan ko kung kaunting hakbang ay nanginginig na ako?
"Siguradong ikaw na naman ang dahilan kaya may nag-aaway, Ramirez." Agresibo ko siyang nilingon. Wala na 'atang mas ilalaki pa ang mga mata ko dahil halos sumabog na sila papalabas sa mukha ko! Kaunti na lang. . . 'Yong pasensya ko ay kunting-kunti na lang. "'Di ba ito naman ang gusto mo? To see girls fighting because of that ugly face of yours?"
I never spoke like this.
Ngayon lamang talaga.
"Is having a handsome face a sin?" He arched a brow at me, and let me tell you that it's the most irritating view I have seen so far!
"Pigilan mo sila! Naaawa na ako sa mga kaibigan ko!" Everybody's eyes are on me pero wala na akong pake. 'Di ko lang masikmura na nasasaktan ang mga kaibigan ko dahil lang sa isang lalaki. At sa walang kwenta pa talaga. Hindi rin mahilig sa away si Allysa pero 'eto siya at nakikipag-away na rin. Hindi hilig manakit ni Pearly pero 'eto siya at nakikipagsabunutan na rin. See? Hindi na normal 'to!
Tumawa pa siya nang marahan. "May nunal ka pala sa leeg. . ."
"Ang sabi ko, pigilan mo sila--!"
". . At dalawa pa. Sabi nila kapag dalawa ang nunal mo sa mukha, dalawa rin ang mapapangasawa mo."
Nang sinamaan ko siya ng tingin ay tumabingi ang ulo niya kasabay ng pag-lakas ng tawa niya. "Kidding. Masyado ka namang seryoso."
Panay pa rin ang tingin niya sa leeg ko kaya tinakpan ko na gamit ang isa kong kamay.
"'Eto ang problema mo, lalaki," nagtitimpi kong sabi sa kaniya. "Palagi mong pinaglalaruan ang mga bagay-bagay. Ay mali, pati pala mga tao pinaglalaruan mo na rin. Kailan ka ba seseryoso, ha?"
Matangkad naman ako, halos lahat ng kakilala ko ay sinasabing pasok sa modeling requirements and height ko, pero ngayong kaharap ko ang lalaki na 'to ay pakiramdam ko bigla akong lumiit. Hanggang leeg niya lang ako kaya ako ang todo tingala malabanan lamang ang tingin niya.
"I do believe that every people in this world has their own businesses," pakiramdam ko ay bigla ko siyang ginalit. Kung kanina ay normal lang ang mga mata niya ngayon ay nag-aapoy na ang mga 'to. "I have mine and you have yours. So stop meddling with mine because you have yours, all right?"
Bigla niya akong tinalikuran at nakita ko ang pag-irap niya na talagang nagpanginig sa tuhod ko! Teka, teka! At siya pa talaga 'tong nag-walk out?! 'Di ba sa aming dalawa ako dapat ang mas galit? Bakit siya pa 'yong mukhang mas nairita?
Come on.
Did I just hit the trigger?
Totoo naman 'yong sinabi ko na hindi siya nagseseryoso, ah! Lahat na lang 'ata ay paglalaruan niya! 'Di na ako magtataka kung pati buhay niya 'di niya na rin sineseryoso.
"Ano, ha? Lalaban ka pa? Tara, doon tayo sa field!"
Sigaw nina Johoney, Pearly, at Allysa ang nagpagising sa 'kin. Wala na pala 'yong mga babae kanina at may pakiramdam ako na ang mga 'yon na ang sumuko. Kaagad ko silang dinaluhan at inayos ang magulo nilang mga buhok. Hindi ko talaga sila natulungan kanina dahil talagang takot akong manabunot ng buhok. At isa pa, in-occupy na ng isang walang hiyang nilalang ang utak ko kanina! May gana pang magalit. . .
"Ano. . . Salamat," bulong-bulong ni Johoney at nagkamot ng leeg. Nakapameywang na si Allysa kaya pati ako ay kinakabahan na rin para kay Johoney. "I know it's my mistake, char English 'yon ah."
"Seryoso kami, Johoney," si Pearly at walang emosyon na umiling-iling. "What if 'di kami dumating? What if 'di ka namin sinundan? What if napuruhan ka? Alam mo namang walang tutulong sa 'yo na floor na 'to, 'di ba?"
"Oo na, oo na!" Isinuko ni Johoney ang dalawang kamay sa ere. "Hindi na ako babalik rito. Mamatay man tayong lahat!"
"Aba!" sabay-sabay naming reklamo.
Nang oras na ng uwian, kaniya-kaniya na kaming kuha ng sariling bag. Kung noon, kung saan-saan pa namin hahanapin si Johoney, ngayon ay parati na siyang nasa tabi namin. Mas okay na 'ata na nangyari 'yong kanina para na rin may matutunan ang babae na 'to.
"May assignment?" Ch-in-eck ni Allysa ang laman ng sariling bag at nang matapos ay lumapit na siya sa 'kin. Kanina lang ako naghihintay malapit sa hamba ng pinto. 'Di lang naman kami ang narito dahil may iba pang naglilinis.
"Marami. Tatlo 'ata," ai Pearly na ang nag-abalang sumagot at napabaling sa 'kin. "Okay ka lang? Namumutla ka 'ata?"
"Ha?" Natawa akong mapakla. Ba't naman ako namumutla? Imposible 'yon. "Wala lang 'to. Tubig lang kailangan nito."
Natulala silang lahat na mukhang 'di pa rin kombinsido. Inayos ko ang sariling collar at naglakad na. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa likuran ko pero 'di ako tumigil.
"Okay ka lang ba talaga?" Inakbayan ako ni Johoney. "Kanina ka pa 'ata wala sa mood? May visit?"
"Siguro, 'ata." Tumawa-tawa ako.
Malapit na kami sa gate nang magtulakan ang mga kaibigan ko, kaya pala ganoon ay dahil sa may nakita silang gwapo mula sa malapit. Nasa stage ang lalaki kaya todo hampasan na ang mga kaibigan ko. Sa sobrang pagkalutang ay 'di ko nasabayan ang paglapit nila sa lalaki. Paglingon ko naman sa gate ay nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa semento na pader. Nakapatong ang isa niyang paa dito at talagang perpekto na ang pang-bad boy na awrahan niya.
Nang magtama ang mata namin ay siya ang unang nag-iwas ng tingin pero may ngisi naman sa mga labi. Kagaya ng nakasanayan, may towel pa rin sa noo niya. Pinaglaruan ko ang sariling buhok nang makita ang hinihintay ng lalaki. I know her! Amethyst De Silva from HUMMS strand! Kilala ko siya dahil siya ang madalas na speaker 'pag may school event dito! Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito at masasabi kong ang ganda-ganda niya.
She's like a barbie doll for having a petite body and soft skin. Parang isang hawak mo pa lang sa kaniya ay mapapapikit ka na lang sa lambot. At mas matangkad din siya sa 'kin. 5'7 'ata siya. Pero mas matangkad pa rin ng napakunti ang lalaki.
Nang kumaway sila sa direksyon ko ay napakaway na rin ako kasi si Amethyst 'yan! Idol ko 'yan!
Pero wrong move 'ata 'yong pagkaway ko. Kasi natigilan silang dalawa habang nakatingin sa 'kin. Ako naman ay biglang napatakbo sa sobrang kahihiyan. Akala ko. . . Akala ko ako ang kinakawayan niya! Kasalanan ko ba kung may tao pala sa likuran ko at 'yon pala ang totoong kinawayan!
Pero wrong move na naman kasi 'yong takbo ko ay papunta pala sa kanila. At wala akong ibang choice kundi sandaling maharap ang nakangising lalaki. Ang mas nakakainis sa lahat, ay 'yong nagawa niya na naman akong asarin.
"Baliw. . ."
Narinig ko 'yon galing sa kaniya. Pero wala akong maisagot dahil napahiya ako kay Amethyst!
"Sino yon?" tanong ni Amethyst sa lalaki nang ilang hakbang na ang layo ko mula sa kanila.
"Just a random crazy kid."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top