C H A P T E R 17

"Allysa, let me explain."

Kaaalis lang ni Cal pero ramdam ko pa rin ang presensya at kaguluhang hatid niya. I know Allysa . . . She's a very understanding person. Pero kung ako siya and I was lied and betrayed by my close friend, I would feel very different. That's why Allysa acting cold is valid to me. Hindi na ako magtataka kung ayaw niya na akong makausap.

She hates liars. She despised them. Sa lahat ng bagay, maliit man o malaki ay ayaw niyang may nagsisinungaling sa kaniya.

"Hindi ko lang sinabi na . . . Magkikita kami kasi akala ko—" Kasi akala ko ... Hindi ko na madugtungan pa ang sariling sinabi. Narinig niya 'yon pero humakbang na siya papasok sa building nang 'di man lang ako hinihintay. Hindi kagaya ng nakasanayan na 'di niya ako pababayaang mahuli sa paglalakad.

Tears rolled down my cheeks. Dapat mo talaga siyang intidihin, Chelsy. She trusted you. Yet you betrayed her. Kung ikaw siya, baka sobra pa ang maramdaman mo.

Malalaking hakbang ang aking ginawa. At never talaga siyang lumingon sa 'kin. I then remember Pearly and Johoney. Kapag nalaman nila ang totoo, 'di ko na maisip ang magiging reaksyon nila.

Ang tanga mo, Chelsy.

"Ano, nabili mo 'yong sinasabi ko? Strawberry-flavored ice cream?" si Pearly at masayang lumapit kay Allysa.

Marahan, sinarado ko ang pinto nang 'di umiimik at doon napatingin ang lahat sa 'kin.

"Sakto, Chels! Mag-picnic tayo!" Si Pearly at nilagpasan si Allysa na wala pa ring imik hanggang ngayon. I watched her putting the food in the table. Nakangising Johoney ang namataan ko na nakaupo sa sofa, walang alam sa nangyayari.

"Ano'ng gusto niyong panoorin? Nakaka guilty na manood dito nang mag-isa tapos kayo— hays!" hinaing ni Johoney at tumayo para tulungan si Allysa. "Natagalan ka 'ata? Siguro may iba kang binili na tinatago mo lang ngayon sa bulsa mo?"

Siya lang ang natawa sa sariling biro at si Pearly. I swallowed hard and tried to look okay.

"Oops, may problema ba?" Lumingon si Johoney sa 'kin nang nakangiwi.

"Pangit kasi ng joke mo. 'Di tulad ng sa 'kin na pang-international," si Pearly at humalakhak, sabay akbay sa 'kin at bumitaw kaagad para lumapit sa lamesa. I watched them being together and I felt more guilty. How dare me to lie to these people. I should have acted right. I should have considered the possible bad outcomes.

"Kumain ka na, Chelsy," Allysa told me. Namungay ang mga mata ko. She never looked at me that short. Hindi tulad nang dati na magkatitinginan kami at matatawa. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko kakakompara sa noon at ngayon.

"Oo nga! Nasaan na pala 'yong libro na sinasabi mong bibilhin mo? Pahiram, ha!" ani ni Pearly na muling nagpalunok sa 'kin. Napatingin sandali si Allysa sa 'kin.

"She didn't find the book she wanted to buy. Bukas, samahan natin siyang maghanap," Allysa.

"Okay!" si Johoney, nilalantakan ang icecream niya.

Slowly, I walked towards them. Naglahad ng plato si Johoney na kaagad kong tinanggap. Umupo ako sa upuan na nasa harapan ni Allysa. Kung gaano kami magkalapit sa isa't isa ay ganoon naman siya kailap kung bumaling sa 'kin.

Napansin 'yon ni Pearly kaya minsa'y pabiro niya kaming tinanong kung ano ang nangyayari pero umakto lang si Allysa na wala siyang narinig sa usapan namin ni Cal.

"Mag-print ka na because the deadline is tomorrow."

'Yon ang huling paalala ni Allysa sa 'kin noong gabing 'yon. I said "thank you" but she didn't respond. Which is normally hindi niya naman ginagawa. Madalas ay tumatango siya at ngumingiti kapag nagpapasalamat ako.

I did what she told me. Alam ko naman na para rin sa 'kin 'yon. I can't fail to submit this kind of assignment because it plays a big role in my grades. Ang hindi pagtupad sa deadline ay nakaka-baba ng grades.

Honestly nga, muntikan ko nang makalimutan na kailangan ko pa pa lang mag print, e'. Kung 'di lang talaga pinaalala ni Allysa ay baka grabing pag-c-cram ang magawa ko bukas.

Noong gabi rin 'yon, bago ako natulog ay nabasa ko ang mga messages ni Cal. Sabi niya'y seryoso siya sa napag-usapan namin kanina and he's willing to explain everything to my friends . . . Hindi na ako nag-reply pa kaiisip sa mga kaibigan ko.

Hindi sinabi ni Allysa kina Pearly at Johoney ang nangyari. Pinapasalamatan ko siya dahil roon. But that does not mean na 'di na ako mag-i-initiate na umamin sa dalawa. Allysa's just waiting me to confess on my own. At hindi ko siya bibiguin.

"Good morning, people, ang tatahimik niyo?" si Johoney habang nilalagyan ng kutsara ang bawat pinggan. I sat silently and looked around. May kulang kasi.

"Oh, si Allysa . . ." bulong ni Pearly habang nagkukusot ng mata. "Ginising niya ako kanina. Sabi niya'y maaga siyang papasok ngayon. Hindi sinabi ang dahilan pero baka mag-re-review ulit."

"Ah," bulong ko. Sa 'ming tatlo ay ako lamang ang nanlumo. Alam ko na sa 'ming tatlo ay ako lang ang nakaaalam kung bakit pinili ni Allysa na hindi sumabay sa pag-b-breakfast.

"Nag-advance review ba kayo? May quiz ulit tayo mamaya, 'di ba?" si Pearly.

"Pakopya," si Johoney.

Hindi ako nakapag-study. Hindi dahil sa nawala sa isipan ko kagabi pero dahil na nawalan talaga ako ng gana mag-open ng notes.

Ano na ba ang nangyayari sa 'kin?

No'ng nasa school na kami, lumala ang tinginan ng ibang students sa 'kin. Siguro kung mag-o-online ako ay baka masagot ang pagtataka ko. Pero mas pinoproblema ko ang mga kaibigan ko.

I caught Allysa settling in her chair. Mali si Pearly noong inakala niyang may review si Allysa ngayon kaya mas maaga itong umalis sa apartment.

"Good morning," I said to her matapos siyang i-greet ng dalawa.

She smiled without looking at me.

Malalim akong humugot ng hininga. Nagsidatingan ang mga subject teachers at bawat subject may quiz. I aced one subject without studying last night. Luck.

Pero sa isang subject, to everyone's surprise, I got the lowest score.

Umakto ako na wala lang sa 'kin ang nangyari. Marami ang lumapit sa 'kin at concerned na nagtanong kung bakit ako ang lowest, which was never nangyari noon. Ngumiti ako nang nagsibalikan sila sa kani-kanilang upuan, samantalang ramdam ko ang titig ng mga kaibigan ko sa 'kin, kabilang na ang kay Allysa.

I chose to not study last night. Kaya wala na akong ibang sisisihin kundi sarili ko lamang. Goodness, hindi ko ma-imagine ang reaction ng subject teacher namin kanina!

"Papaano ba 'yan, binreak ni Chelsy ang record. Siya na ngayon ang lowest," biro ni Pearly kay Johoney at nagkasundo ang dalawa. Samantalang mas lalong gumuho ang mundo ko sa narinig.

Napatingin ako kay Allysa pero 'di pa rin siya bumabaling sa 'kin.

"Chels, ano'ng nagyayari sa inyo ni Amethyst? Halos siraan niya na rin pati strand natin, eh!" hinaing ng isang officer sa 'kin.

Tumaas ang kilay ko. "What do you mean?"

"Si Amethyst kasi. She posted something. You know. Marami ang nakaaalam na about 'yon sa 'yo. When in fact, many mentioned you in that post but it seemed like you haven't seen it yet. Ginawang laughingstock pati strand natin."

I heard gasps. Lalo na sa mga nagulat din sa narinig kaya nagpasyang mag-online. Nang mapansin na na-disappoint ang iba matapos magbabad nang ilang minuto sa phone ay napagtanto kong nagsasabi ng totoo ang isang officer namin.

"Ang immature naman! Bakit dinadamay pati strand natin?" tanong ng isa.

"Nagka-issue na rin kasi noon ang STEM at HUMSS na inungkat lang niya tapos idinagdag ang issue nila ni Chelsy," sagot ng classmate kong parating maalam sa mga tsismis sa school.

Napatingin ang marami sa 'kin.

Saktong nag-bell hudyat na recess time na.

"Ano, canteen?" tunog 'di sigurado si Pearly. "O ako na lang ang bibili? Ano bang gusto niyong ipabili?"

"You know na." Kumindat si Johoney sa kaniya na kaagad niyang nginiwian.

"Eh, kayo, Allysa at Chelsy? Ba't ang tatahimik niyo?" si Pearly ulit. "Kagabi pa kayo, ah. Magkaaway ba kayo?"

Tumayo si Johoney at tinulak si Pearly papalabas ng room.

"Allysa, can we talk?" nagmamakaawa kong sabi kay Allysa. Narinig 'yon ni Johoney kaya kuryuso siyang bumalik sa kaniyang upuan.

"Allysa . . . I know you're disappointed at me. Or worst, mad. At naiintindihan ko 'yon—"

"Don't worry, naiintindihan din kita," she told me in a low voice, which made my system soften. "It's your decision to hide something from me . . . From us. And who am I to be mad at you? You're my friend, Chelsy."

Tumango ako at nanubig ang mga mata. Allysa never looked at me eye-to-eye, though. Habang sinasabi niya ang mga kataga na 'yon ay 'di siya bumabaling sa 'kin. I could sense Johoney's seriousness because of what she witnessed. Hindi siya nagtangkang magtanong kahit halatang gulong-gulo siya sa nangyayari.

"Chels, may naghahanap sa 'yo," a classmate informed me.

My heartbeat doubled. Not because I'm excited but because I'm afraid. Afraid that it might be Cal. Afraid of what are things he might do because of his oh-so-called admiration towards me.

"Si Cal?" si Johoney na ang nagtanong para sa 'kin.

My classmate shook her head and giggled. "Hindi, pero gwapo. He is Warren
Kausapin mo na. Mukhang gusto ka talagang kausapin, e'."

Tinulak ako ni Johoney para makahakbang papalabas ng room. Hindi ko mawari kung ano'ng itsura ko nang nasa harap ko na ang lalaki. Halata marahil ang pagiging sabog, pagod, at disappointed sa 'king mukha. Sa dami ba naman ng masasamang kaganapan na nangyayari sa buhay ko.

"Oh, hi!" I greeted him first.

"Hello. I bought this." He handed a drink. "Sumobra kasi ng isa ang na-order ko kaya naisipan kong ibigay sa 'yo ang isa."

Napaisip naman ako. Hindi malabong alam niya na ang kaganapan sa 'min ni Amethyst ngayon.

"At saka . . ." he stopped short "I heard what happened. Sunod-sunod ang posts ni Amethyst. I almost block her because her posts are annoying."

I laughed without humor.

"You can't block Amethyst, though."

"Why do you think so? Dahil kakilala ko siya?"

Because you like her. Gusto ko sanang idagdag kaso wala na akong lakas pang pataasin ang usapan.

"That's why I think of you a lot. I mean, many are bashing you in social media. Not that I believe you give a damn to those annoying people. I want to send you a Facebook message but you know . . . I want to make sure you're really okay so I am here."

Hindi pa kami masyadong magkakilala ng lalaki na 'to pero pakiramdam ko ay bukod kina Pearly at Johoney, ay karapatan niya ring malaman ang kung ano pang kaganapan samin nina Cal at Amethyst.

I appreciate his effort in coming here, by the way. May issue ako ngayon. But that doesn't hinder him in coming here, bringing a drink for me.

"Gusto kong maiyak. Lowest ako kanina," naikuwento ko at pinigilan na naman ang mga luha. Ano ba 'yan, Chelsy, ang iyakin mo talaga kahit kailan!

"Alam mo 'yon . . . First time, e'. Hindi ako sanay."

Tahimik lamang siyang tumitig sa 'kin habang patuloy akong nagsasalita.

"I promised to myself last time na mababa ang score ko na babawi ako. Pero ano'ng nangyari? I again disappointed myself. Lumala pa nga."

"Chelsy . . ."

Ngumiti ako. "Thank you for listening. Ang bigat lang kasi sa dibdib na wala akong napagsabihan kanina. Everyone was busy being confused by my score kaya halos 'di na ako makahinga!" Dinaan ko sa mahinang pagtawa ang lahat saka tinaas ang hawak na drink. "This is so much appreciated."

"Can I say something?"

Pagkapa ko sa 'king mata ay may naramdaman akong luha. I chuckled without humor. "Yes, you can."

"I saw you with Cal yesterday."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

He shifted on his position. "Nagkataon na nakita kitang nagpa-para. I was about to offer you a ride since dala ko ang sasakyan ko pero bigla kang hinila ni Cal. Wala na akong nagawa."

I was dumbfounded.

"So tell me, is that the reason why . . . You look different today? Hindi ka rin ba nakapag-aral kagabi?"

"I was distracted. By many things, Warren. Alam mo 'yon . . . I know kailangan ko pa ring mag-study pero wala pa rin akong ginawa." Pinigilan ko ang sarili na 'di mapasabunot sa sariling buhok. "I am sorry for telling you my frustration, though. Nadadamay ka tuloy."

He smiled genuinely. "Puwede mong ibuhos lahat ng frustrations mo sa 'kin, Chelsy."

I sighed. Never did I expect na sa isang katulad niya ako magddrama nang ganito. I mean, we just met days ago but here I am confessing what I feel.

"So I bet he's courting you?"

I can't respond.

"I guess he is. Pero 'wag mo sanang masamain. Be careful. Don't get too attached to someone like him."

"Because he's a playboy, right?"

"That's right. Are you, perhaps . . . Already attached—"

"No," putol ko. "Hindi iyan mangyayari. It's just that everything confuses me."

Ako na ang nagsabi na magkita na lamang kami sa susunod naming free time dahil may group activity pa akong kailangang asikasuhin. My group mates, in fact, already are forming a circle and are just waiting for me.

"Or pwedeng sa chat na lang tayo mag-usap," I recommended. Not that I don't want to see him personally again. Gusto ko lamang na i-save ang energy niya sa hindi mismong pagpunta rito sa classroom.

"I am not a social media person. Ain't comfortable talking online," he shyly said, na tila ba takot siyang mahusgahan ko dahil lang sa hindi siya katulad ng maraming mga estudyante na lulong na lulong sa social media.

"Okay," I whispered in finality. "Thanks for the comforting words. Appreciated so much."

"You look so disappointed, Chelsy. Bumawi na lang tayo sa final exam, okay?" ika ng ka groupmate ko. "Wala kasing mangyayari kung lulunurin natin ang ating mga sarili sa kalungkutan just because of low grades."

Tumango ako kahit gusto kong makipag-argue. It is not just low grades. It is a big deal to me to the point na nagawa nitong paguhuin ang aking mundo.

When classes are over, lumapit sina Pearly at Johoney sa 'kin. Ganoon din ang ginawa ni Allysa pero tahimik pa rin ito.

"Ano'ng pinag-usapan niyo ni fafa kanina?" sabik na tanong ni Johoney sa 'kin. "May pa drink pa siya, ha. Bakit ikaw lang ang binigyan, though? Anyway, baka ay may para sa 'min pero nakalimutan niya lamang bitbitin."

I can't help but to smile seeing Johoney's smirk. Parang baliw lang kasi.

"Self-comfort," parinig ni Pearly sa kaniya.

Sabi ko, "nalaman niya kasi ang pinag-po-post ni Amethyst sa Facebook at Twitter kaya nangamusta lang."

Nanliit ang mga mata ni Johoney. "Pero ba't kailangang puntahan ka sa classroom?"

"Ano ba 'yan, lahat na lang pinagseselosan mo!"

"Tigil!" Tumawa na lang din si Johoney.

Sumulyap ako kay Allysa na walang imik.

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa narating namin ang green field. Marami-rami pa ang estudyante sa paligid at mostly ay mga Senior High ones. Panay ang tikhim ni Pearly nang mapansin ang 'di pagpapansinan namin ni Allysa. Sinubukan pa nga nitong hulihin ang mga kamay namin pero umatras si Allysa't ngumiti.

"Kayong dalawa! Magpansinan kayo o mag fi-friendship over tayo!"

Allysa gasped and laughed a little. "Just give me a little time. Nagtatampo pa ako sa kaibigan natin."

"Ahy, so nag-away kayo?"

"Hindi . . . . Pearly," bulong ko.

Inakbayan ni Johoney si Pearly. "What if pag-usapan na lang natin ang crush mo na nagtatrabaho sa seven eleven?"

Doon napatili si Pearly at nagbulungan ang dalawa. Napatingin ako kay Allysa. Nagtatampo . . . Ang kaibigan ko.  Pasensya na talaga, Allysa.

"Chelsy," pamilyar na boses. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang galit na mukha ni Amethyst. Come on, ano na namang pakay ng babae na 'to? Pinagbigyan ko na siya kagabi, ah. 'Di pa ba sapat iyon?

"Ano na namang problema mo?" si Johoney. "Hindi ka inaano ng kaibigan namin!"

"Shut up, you're not the one I am talking to, Bangcaylan."

Nanlaki ang mga mata ni Johoney. God, it's only us, her close friends, who know that she doesn't like to be called by that surname!

"Ahy, aba walang respeto!"

"Huwag muna nating patulan, Johoney," si Pearly.

"What are you up to now?" si Allysa kay Amethyst.

Tumawa ang babae. I forgot to say that she's with her two friends now. Goodness. Ayaw kong magkaroon ng away rito mismo sa loob ng campus!

"Tara na—" ani ko, natigil lamang nang may tumulak sa 'kin. 'Di ako napahiga sa lupa dahil kaagad tinulak ni Allysa ang aking likod.

"Namimisikal ka na! You're such an irresponsible and immature student, our SSG secretary," Allysa.

"Oh, Allysa, noong nakaraang linggo ka pa. 'Wag mo ngang ipagtanggol 'tong kaibigan mo!" sigaw ng babae na nagpahatak ng atensyon ng marami kung kaya't pinapanood na kami ngayon ng karamihan. "Oh, I forgot! Ba't pa ako magugulat?! Eh, pareho kayong desperada!"

Tinulak ng isa niyang kaibigan si Pearly kaya tinulak rin ito pabalik ni Johoney bilang ganito. Everyone gasped, including me. Akma na sanang lalapit si Amethyst nang pumagitna ang isang bodyguard. I took a deep breath in relief.

"Ano'ng nagyayari rito?" ang bodyguard. "Nakita kitang unang nanulak," pagtutukoy niya kay Amethyst. "SSG Officer ka pa naman, iha. At nasa mataas pang posisyon."

Mabibigat ang hiningang pinakawalan ni Amethyst. Wala siyang ibang nagawa kundi umalis kasama ang kaniyang mga alagad nang may hinanakit.

"Buti nga sa kaniya. Gaga!" si Johoney.

Kinabukasan, usap-usapan na naman ang nangyari. Marami ang nagulat sa ugaling ipinakita ni Amethyst. Hindi nga lang makapagkalat ng fakenews ang iba dahil marami ang nakakuha ng video kung paano nanulak ang isang Amethyst at ang mga alagad nito.

Laking gulat ko na nga lamang nang pinapatawag na kami sa guidance office, kasama ang tatlo kung kaibigan. Although sabi ni ma'am, na siyang nag-inform sa 'min na, 'di dapat kami mangamba dahil kami ang biktima, na kami ang sinaktan.

"Two students sent their complaints about what happened to the Guidance Office, Chelsy. Gusto nilang mapagsabihan nang maayos si Amethyst at ang mga kaibigan nito."

Kumunot ang noo ko. Nang nasa labas na kami ng room, lumapit si Johoney sa 'kin at bumulong, "isa si Allysa sa nag-report, Chels. She's so pissed off dahil sa nangyari."

Napatitig ako kay Allysa na unang naglalakad kaysa sa 'min.

"Then, sino ang isa?"

Shaking her head, she answered, "I don't know."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top