C H A P T E R 16
"Pangit mo," si Pearly.
Sina Pearly at Johoney na nag-aasaran ang nasa sa aking tabi. Malapit na kami sa gate. It's time to go home but I still other have things to do. Mga bagay na 'di pa alam ng mga kaibigan ko. Mga bagay na 'di ko rin kayang ipaalam sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Johoney. Pinapanood ko lang sila habang tulala. "Aba, at ikaw naman-"
"Pandak," bulong ni Pearly na tinawanan nina Allysa at Johoney. I can't join them, though.
"Mabuti naman at alam mo na," Johoney laughed like there will be no tomorrow.
"Paulit-ulit mo ba naman kasing sabihin!"
"Tama na 'yan. Sa apartment na kayo mag-asaran," saway ni Allysa sa dalawa.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako maka desisyon kung kanino nina Cal at Amethyst ang dapat kung siputin. I am a rational being. Pero sa pagkakataon na to ay 'di ko na malaman kung ano ang mas makabuluhang gawin.
Plus, the fact na kailangan ko na namang magsinungaling sa mga kaibigan ko . . . Nakaka-stress.
"Remember, ako ang chef, what if 'di kita pakainin?" natatawang banta ni Johoney kay Pearly. Wala na kasi kami sa school kaya lumakas ang loob mag-start ng away.
I breathed heavily. Aking nalalanghap ang usok galing sa mga dumadaang sasakyan pero 'di ko na 'to nabigyan ng pansin.
Pag-on ko sa phone ay napansin kong malapit nang mag 6. Doon ako mas lalong 'di naging komportable. Mukhang inaasahan ng mga katabi ko na sabay kaming uuwi, without knowing na once nandito na ang aking sundo, magdadahilan na naman akong may bibilhin muna.
"Sigurado ka, Chels? Ba't kasi, ampp, 'di mo sinabi kanina para kanina pa tayo nakabili?" reklamo ni Pearly na nakadapa na sa backseat.
Si Johoney ay pinagtatawanan lang ang kahit anong gawin ni Pearly. Maging ang paghinga nito. Si Allysa naman ay nasa tabi ko pa.
"I forgot. Sorry talaga. Bibisita rin kasi ulit ako sa bahay," I explained. I was kind of nervous because Allysa hadn't moved yet. Pero mayamaya ay pumasok siya sa sasakyan at sinenyas ang phone na hawak-hawak ko lamang.
I smiled widely. "Yes. I will call you, guys."
The car's machine had started and relief was poured into my whole system. Woah. Muntikan na 'yon. Muntik na akong maiyak nang ilang segundong tahimik si Allysa. Mabuti na lang din at 'di siya nagtanong at baka masabi ko ang totoo.
And now . . . I really need to choose.
Kinuha ko ang jacket na baon galing sa bag. Never knew it would be useful. Nilibot ko ang aking paningin para matagpuan si Amethyst. It's getting darker but I did not feel scared at all because of the busy people around me. Umupo ako sa isang bakanteng upuan, sa harap nito ang pabilog na lamesang gawa sa semento.
I sighed heavily. I turned my phone into its silent mode dahil nagsisimula na 'tong tumunog dahil sa mga messages at call na galing kay Cal. For some reason, there's a little guiltiness inside my chest.
I mean, I did not reject him. Hindi ko sinabi na 'di na ako makasisipot. I knew a little about him. He might be the most stubborn man I have ever know but he's somehow . . . True to his words.
"Chelsy."
I looked up. Si Amethyst na naka-jacket din ang nabungaran ko. She did not look happy nor sad to see me. Wala na rin akong pake pa. Basta ay, hiling ko, matapos nito ay tantanan niya na ako.
"There's a small portion of me that thought you would not come here," simula nito at umupo. "Mabuti na lamang at may lakad din si Cal. We were just dating in a coffeeshop."
I cleared my throat. 'Di ko batid kung bakit kailangan niya pang magsabi ng mga irrelevant information.
Mukha ring wala siyang alam na magkikita rin sana kami ni Cal. Maybe he kept it as a secret kasi nga kagagaling lang din nila sa date. Ayaw ko nang malaman pa kung bakit nakayanan nilang magsinungaling sa isa't isa. Nais ko na lamang na makauwi na.
"In any case, do you like him?" Nanliit ang mga mata niya.
"Hindi."
"Is there a chance?"
My jaw tightened, registering those nonsense question in my mind. "Wala."
I smiled. "Amethyst, I adored you for being one of the most recognizable student in our school. Pero 'di ko nagustuhan ang ugali mong mandamay ng ibang tao. I mean, it's obvious that you like Cal so why would you mind my own business-"
"Usap-usapan, Chelsy. Na palagi kayong nagkikita," mariin niyang sabi. "It's name-damaging in my part. Ano na lamang ang sasabihin ng iba? I just publicized our real relationship. That's we're arranged, whatever. And there's you, trying to fit in the picture-"
"Amethyst." I breathed in and out. I can't take the words she said. Mabuti na lamang talaga at wala si Allysa sa aking tabi dahil baka kanina pa napalo ang bibig niya. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi 'to pero I judged her wrongly. I thought she's responsible, a soft-spoken woman.
Hindi 'yong ganito. Kulang na lang ay sigawan niya na ako.
I continued, "'wag niyo ako isali sa gulo niyo. I told you already that I don't like him. At... Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon. So please-"
"Your words don't match your actions. You keep flirting--!"
Sumikip ang dibdib ko. Never in my life na nasabihan ako nang ganiyan. I was called "Pipi", "Boring" pero ang mga salita na nanggaling kay Amethyst? It's unbearable. At nanggaling pa talaga sa taong 'di pa ako lubos na kakilala. I wonder kung ano ang mga basehan niya sa mga sinasabi niya.
Flirting . . . Isn't that word match Cal's actions. Kasi siya 'tong lapit nang lapit sa 'kin, e'!
"Our parents arranged us, and you know that already. Maayos naman ang relasyon namin until you came-"
"How I came?" napatanong din ako sa kaniya kaagad. "Seriously, papaano ba ako napasok sa buhay niyo?"
Hindi siya sumagot at galit lang na tumitig sa 'kin. Those soft eyes that I once adored were now bloodshot, screaming for jealousy.
"He likes me, Chelsy."
"He likes everybody." I laughed sarcastically.
"So you admit he also likes you?" Mas sarcastic pa 'to.
"Alam mo," naubusan na ako ng ganang mag-explain "walang patutunguhan 'tong pag-uusap na 'to, e'. Naghihintay ka lang na may masabi akong sasalungatin mo."
"After we graduate, we plan to marry." She's trying hard to calm down. "Because it's planned by our family, for business and personal reasons. Our families are close to each other. Gusto nila kami para sa isa't isa."
That's good for the both of you.
"After we got married, we plan to go abroad. Kaya please . . . Tigilan mo na siya. I will help you to leave the group. Never -- makaaasa ka -- hindi kakalat na ni minsan kang sumali sa frat group namin. You joining in us will be forgotten. I can make that happen, Chelsy. Just help me."
"You should tell Cal about that, too. Hindi puwedeng ako lang ang pagsabihan. Because in the first place, kung 'di mo paiiralin 'yang grabing pagkagusto mo sa kaniya, makikita mo talagang wala akong masamang ginagawa at siya lang 'tong lapit nang lapit."
I saw her rolling her eyes at me. Pansin ko talaga sa kaniya na mas pinaiiral niya 'yang pride niya. Ayaw niyang i-admit sa sarili na mali siya, na 'di talaga ako nakikisawsaw sa relasyon nila.
"Fine. I will tell him about this. That we met and talked." Hope flashed in her eyes. "Should I tell him you're leaving the group? For peace?"
Tumahimik ako. Nakaka-engganyo ang mga alok niya. Lalo na 'yong 'di kakalat na sumali ako sa grupo. Because it meant like I could restart my life for good. Na hindi ko na kailangan pang sabihin sa mga kaibigan at 'di na rin nila malalaman pa.
But what I don't understand is the uncomfortable feeling inside me. Why the hell I'd also want to hear Cal's side before I decide?
He's a nonsense. A dork. Ang isa sa mga iresponsable na taong nakilala ko. Mas lalo niyang pinagulo ang buhay ko simula noong unang pagkikita pa lamang.
"Why are you taking so much time?" She raised her eyebrows at me.
"Huwag mo nga akong madiliin. I am thinking!"
"When in fact, you should not be! Pinapadali ko na lang ang lahat. Everything I have said is very beneficial to you. Kaya bakit ka pa may agam-agam diyan?"
Nagtiim-bagang ako, tinitigan siya pabalik at tumayo. Nagulat ito.
"Pasensya na pero hindi ko na kaya pang patagalin ang pag-uusap na ito. You made me come here to just shout at me. Seriously?" Malumanay na ang aking boses. "I want to remind you na rin na kausapin mo si Cal after this. Siya ang bantayan mo; 'wag ako."
Naglakad ako papalayo at 'di na rin niya ako tinawag pa. Habang naglalakad ay binuksan ko ang aking phone.
I received lots of messages and calls. At lahat ng 'yon ay galing kay Cal. Pabuntong-hininga kong itinaas ang aking kamay para magtawag ng taxi nang may isang puwersa ang humila sa 'kin patungo sa isang sulok.
"Ano ba?!" I shouted, only to recognize the man behind everything. "Bakit ka . . . Nandito?"
"Bakit hindi ka sumipot?" Makikita ang galit sa mga mata nito. Mahirap man aminin ay naiintindihan ko siya nang kaunti. Kung ako kasi ang nasa sitwasyon niya ay pareho lang kami ng mararamdaman. I should have texted him for him not to expect.
"I was with-" Napatigil ako sa pagsasalita. Should I tell him the truth?
"You choose to listen to her over me?"
Nanliit ang mga mata ko. I just don't understand.
"Alam ko na nagkita kayo. Matapos ko siyang pagbigyan ng makipag-date, we decided to separate ways."
Nanatili pa rin akong tahimik.
"I fucking wait for damn minutes only, Chesly, pinagmukha mo akong tanga."
"Since . . ." Kinakabahan kong ani, tunog na-gi-guilty. "Since nandito naman na tayo. Bakit 'di na lang natin pag-usapan?"
"What did she tell you?"
"Ang patungkol sa inyo. Ang kasal niyo. Na I should stay away from you . . . " Kinagat ko ang aking labi. "I should stop flirting with you."
"Are you?"
"Of course, I am not!" Napagtaasan ko siya ng boses. "Alam niyo, pareho lang kayo kausap. Hindi ko alam kung papaano kayo mag-isip dahil walang-wala sa tono!"
He put his hands on his ripped jeans. As usual, ganoon pa rin ang porma niya-naka jeans at green shirt habang may towel sa noo. He may act cool but his eyes look so bothered. It's obvious he didn't like the idea of me talking to his partner.
"Stop listening to her. She's selfish," he stated.
"Selfish like you," I whispered.
Nandilim ang mga mata niya pero kinalauna'y umamo. "We're arranged, yes. Marami nang plano ang mga pamilya namin para sa 'min. But I don't think... I can stand my promises."
Nakalilito na nakaiinis ang mga nangyayari. Bakit sa 'kin na lang binabato lahat ng mga impormasyon na 'di ko naman dapat marinig?! They are going to get married. Yes, and? They have lots of plans for each other. Yes, so?
"I hate to admit this but . . ." he stopped short to look away, looking mad "I like you."
Halos mabilaukan na ako sa narinig. I used to think before na hindi totoo 'yang nararamdaman ng iba na tila tumigil ang mundo but now it feels so possible.
Cal must be out of his mind! Hindi kapani-paniwala na magugustuhan niya ako in just a small period of time! Not that I want him to like me, though! I despised him. I didn't like his personality. I don't find him ideal at all.
Kaya matapos niyang banggitin ang tatlong salita na 'yon, parang ako lang ang nahihiya para sa kaniya.
"You're crazy," naisatinig ko, hindi makakurap.
"I know." His voice is kind of shaking.
Napakagat ako sa sariling sarili habang pinagmamasdan siya. I was waiting for him to take back his words . . . Na sasabihin niyang biro lang lahat ng mga 'yon . . . Na nang-aasar lamang siya. Pero walang nangyaring ganoon. I was still staring at him confusingly and he's looking back at me looking determined.
"Alam mong alam mo na kilala kita, Cal," matapang kong sambit. Umayos ako ng tayo para mas maging komportable. "You played with girls a lot. Plus the fact na minsan mo na ring pinaglaruan ang mga kaibigan ko. They liked you. And you took that as an advantage."
"Is that the reason why you're afraid?"
"Oh, come on, Cal. Don't be like that . . . na kunware 'yan lang ang dahilan. I don't like you. And I want you to know that never would I believe that you like me because you are Cal."
You are a flame.
Not only because that's what everyone says, but because that's what I can also say about you.
"Go back to Amethyst. Ayusin niyo ang relasyon niyo at 'wag na akong idamay pa."
"I am not confessing right now because your rejection will determine my future decisions. I like you. And you not liking me back doesn't mean I will give up."
Napailing ako sa pagkagulat. Seriously? Ano ba'ng nangyayari sa lalaki na 'to? Parang kailan lang na ang bastos niyang makipag-usap sa 'kin at gawing katawa-katawa ang lahat. 'Tapos ngayon ay 'eto siya at nasa harapan ko, seryoso pa sa seryoso.
"At ano na namang balak mo?"
"Pursue you."
"You are unbelievable!" Napasinghap ako. Sa kaba. Sa pagkabigla. Sa kakaunting takot na yumakap sa 'king dibdib.
"Hindi 'to magugustuhan ng pamilya mo, ni Amethyst. You're so irresponsible for not being true to your words. Ikakasal kayo soon. Kaya 'wag mo nang gawing laro ang buhay. Be serious!"
My friends would surely freak out kapag nalaman nila ang patungkol rito. Lalo na ang mga parents at kuya ko. Kapag nalaman nila na isang kagaya ni Cal ang nagkakagusto sa 'kin, na isang lalaking babaero at pabaya sa kaniyang pag-aaral, tiyak na ma-di-disappoint sila nang todo.
"Stop." I exhaled loudly. Para akong makakabusan ng hininga. "I don't want to continue this conversation anymore. Gumagabi na. Gusto ko nang bumalik sa apartment."
Napakadilim na ng paligid. Mabuti na lamang at kahit nasa sulok kami ay may mga ilaw naman na available kaya napagmamasdan ko pa rin ang reaksyon ng lalaki. He nodded, and did not bother to say a word about our last topic.
"All right. Ano'ng gusto mo? Should we eat in a nearby restaurant first?"
Nakapapanibago. Hindi siya ganito rati. At sa totoo lang, hindi ako komportable sa mga aksyon na pinapakita niya ngayon.
A phone rang. It wasn't mine.
He got his phone off his pocket and answered the call without taking his eyes off me. Umatras ako nang isang beses habang ang mga tainga ay handang makinig sa mga sasabihin niya.
"I am with . . ." he paused kaya nakuryoso ako. Doon lang siya napangiti. "Chelsy."
Nanlaki ang aking mga mata. He doesn't look as afraid as I do! Malakas ang kutob ko na si Amethyst ang nasa kabilang linya. Gusto ko na lamang mahimatay dahil sa kahihiyan!
"You are so unbelievable, Cal Ramirez," I heard a voice. It's really hers.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko. I can sense na labis 'tong nasasaktan ngayon dahil sa nalaman. But I hate it when Cal makes me to hear their conversation! Tuloy ay pati problema nila ay kailangan ko na ring problemahin!
I am Chelsy Cattaneo. I am supposed to do the old routines I should do. Dapat ay nasa apartment lang ako ngayon at nag-aaral. My life right now is not anymore the same as it was!
"I told you already, Amethyst. Why can't you just accept my decision?"
"Your parents will hate you. I can't believe you're actually being like that. Papaaano ka nagkagusto sa babae na 'yan? You two have different worlds."
"I am busy." After that, he cleared his throat. "I will meet you at the frat house at nine o'clock. Let's talk there."
Pinutol niya ang tawag.
"And I don't want to be in that frat house this night. I am so exhausted. Naaawa na ako sa sarili ko."
"I wasn't saying anything."
"Inunahan lang kita," matigas kong sabi. "I am leaving. Have some time to rethink. Siguro'y nabigla ka lang, Cal. This isn't you anymore."
I could sense na gusto niya pang magpahayag ng puna, pero tumango lang siya at nag-imbita ng libreng hatid. I had a second thought in accepting his offer but I got too weak. Nais ko na lamang na magpahinga. Kaya ay pumayag na lamang din ako.
Laking pasasalamat ko dahil 'di siya nagsalita buong biyahe. It's only the power of awkward silence against the world. Hindi ko rin maiwasan na 'di manginig sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya.
Si Amethyst . . . She accused me for being flirty which is hindi naman at kailan man ay 'di mangyayari. She told me that I should stay away from her and Cal. And there's Cal. Gusto niya ako. He would like to pursue me even if I would not let him to. But he's a playboy. Minsan niya nang sinaktan ang aking mga kaibigan.
"We are here."
The car had already stopped. Dali-dali akong lumabas at napansin na ganoon din ang kaniyang ginawa. My heartbeat doubled and looked around.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Baka may makakita sa'yo!"
He didn't reply.
"Thank you for giving me a ride. I appreciate it. And again, like what I said, rethink. Consider what's right, Cal."
"So do you think that liking you is not the right thing to do?"
I cleared my throat and held my head high kahit na gusto ko nang balutin ang sarili dahil sa lamig ng gabi.
"Yes. And me believing that you really are genuine is not also the right thing to do."
Nagkatinginan kami, at muli ko siyang tinaboy.
"Umalis ka na please. Baka makita tayo ng mga kaibigan ko nang magkasama!" I begged.
"Hindi na kailangan." Bumaling siya sa likuran ko. Sinundan ko ang kaniyang tingin at nakita si Allysa. May dalang mga pagkain. Sobrang lapit niya sa 'min kaya malabong wala siyang narinig. I trembled in fear.
"Allysa," I whispered mentally. 'Di na ako makapagsalita sa sobrang kaba. Nakatulala lang ako sa harapan ni Allysa nang muli na namang nagsalita ang lalaki.
"All right. I am off. Pero huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko kanina. I like you. And I will pursue you no matter what."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top