C H A P T E R 15

"You're avoiding me. What's wrong?"


Sa sumunod na lunes ay panay na ang sunod ni Cal sa 'kin! Nakakahiya na nga dahil pinagtitinginan na kaming dalawa! Actually ay halos gabi-gabi ang punta ko sa frat house, lalo na ngayong nabalitaan ko na magpi-play sila sa isang bar. Syempre, Hindi ko makalimutan 'yong sinabi ni Warren sa akin, kaya ay talagang iniwasan ko si Cal. Hindi ko siya kinakausap at parang big deal 'yon sa kaniya.


"Makikipag-video call daw si Allysa sa 'tin mamayang recess--" Napatingin si Pearly sa tabi ko at naitulak niya ako sa gulat. "Ba't kasama mo 'yan?"


Humalukipkip ako. "Alis na," walang-gana kong pagtataboy sa lalaki. Mabuti na lang at wala akong maysadongkilala sa building na malapit sa 'min kaya nabawasan ang kahihiyan ko.


"May sinabi siya sa 'yo, tama?" Tumaas ang kilay ng lalaki. "Sumbungero."


Iniwan niya na rin kami sa wakas, sakto rin na namataan namin si Johoney na walang ganang sumasali sa practice ng ka-grupo niya. May presentation kasi kami para sa OralCom namin kaya ay maaga pa lang ay nauna na 'yang si Johoney dahil 'yon ang sabi ng leader nila. Basta kami ay mamaya pang lunch ang practice namin.


Noong recess, nakipag-video call kami kay Allysa. Hindi pa tapos ang competition nila pero malakas ang tiwala ko na siya ang mananalo.


"Ano ngang Instagram account ng Kuya Ry mo?" tanong ni Johoney sa 'kin. Malaya kaming lahat ngayon dahil wala pa ang next subject teacher namin.


"Hindi na available 'yon." Tumawa ako.


"Gaga, mag-s-stalk lang ako, sayang load ko kung 'di gagamitin. Dali na." Siniko niya ako kaya ni-type ko na lang ang account ni Kuya. "Ano to? Amag na amag ang account!"

"Sabi ko sa 'yo, eh."


Nag-picture-picture kami kasama si Pearly at sinend kay Allysa. Sana nga lang ay swerte ang mga mukha namin at hindi bad luck.


"Si Amethyst may bagong bag!" Pinakita sa 'kin ni Johoney ang screen ng phone niya. "From France! Spoiled kid talaga!"


"Kaya mo naman 'yang bilhin, ah." Tinitigan ni Pearly ang bag ni Amethyst. "Kaya ko rin 'to bilhin. Kaya rin 'to bilhin ni Chelsy."


Busy sila kaka-cellphone. Ano na kayang nangyari sa teacher namin at mukhang 'di na darating? Mukhang may free time kami ngayon, ah.

"Another photo together!" Tumili si Pearly.


"Hala ka, ang famous pala ng Amethyst na 'yan!" si Johoney.

"Amethyst?" Sinilip ko ang phone nila. Nakita ko na sina Amethyst at Cal ang magkasama sa photo. Both of them are wearing uniform. Nakangiti ang babae at pokerface naman ang isa. May one-inch na pagitan ang bawat isa, pero magkaakbay.


"Nakaka-intriga naman ang cap na ginamit. Bakit 'soon?" Napatanong si Johoney. "Soon-to-be senior citizens? Charing!"

"Soon-to-be married yan, tanga! Arranged na sila, 'di ba?" Tumango-tango si Pearly.


"O baka soon-to-be graduated, 'di ba?" Napatingin sila sa 'kin nang sumabad ako. Tama naman, 'di ba? Malapit na kaming gumaraduate kaya baka...

"May point! May point! Ipasa ang korona kay Chelsy!" si Johoney, at kunware may nilagay na korona sa ulo ko. Si Pearly naman ang nagkabit ng invisible slash sa braso ko.


Noong hapon, 'di kami sabay-sabay na umuwi ng mga kaibigan ko-- hindi kasi kami under the same group. Noong alas 6 na ng hapon, 'tapos na ang practice ng grupo ko kaya dumiretso ako sa frat house.


Naabutan ko silang kumakanta, lalo na ang mga lalaki.


Sa totoo lang, naninibago na ako sa tingin no Amethyst sa 'kin. Hindi naman siya galit, pero nakaka-intimidate na siya.


Namataan ko naman si Cal sa stage, may hawak na microphone. Kasalukuyang binabalot ng boses niya ang paligid. Mukha siyang enjoy na enjoy sa ginagawa.


"Have you heard him singing a song for you?"


Nasa tabi ko na pala si Amethyst. Pero 'di ko alam kung papaano siya kakausapin.


"The way you look at me seems like you already know Cal and I are getting married soon."


"Warren told me."

"And that's the truth."

Napalabi ako. "Talagang gusto mo siya?"

"Yes. And about my question... Have you heard him singing a song for you?"


"You are thinking I like him, aren't you?" Tuluyan ko siyang binalingan. "He once hurt Allysa. I don't think I can like a boy who once broke my friend's feelings."


I should not like him. Napakalayo niya. Magkaibang-magkaiba ang mga pag-uugali namin. Parati kaming nag-aaway. Parating hindi nagkaiintindihan kapag magkasama. We're not a click dahil hindi ko alam kung papaano i-handle ang ugali niya.


"Chelsy..."


Sa sobrang pagkadarang ko sa usapan namin ni Amethyst ay 'di ko namalayan na kaharap ko na pala si Cal. Nalilito ako sa nangyayari dahil nakatingin siya sa 'kin habang si Allysa naman ang nakabaling sa kaniya. Ako naman ay 'di mawari kung kanino sa kanilang dalawa titingin.


"This is not you, Cal." Sa sinabi na 'yon ni Amethyst ay parang kinakausap niya na rin ako. "Where's the guy who likes to play, huh?"


"Shut up, Ame!" his voice thundered.

"Alam mo naman na 'di matutuwa ang mga magulang mo, 'di ba?" napatingin ako kay Amethyst dahil umiiyak na siya. "Just play, Cal, please..."

"Eight o'clock na, Chelsy," binalewala ng lalaki si Amethyst "Naghihintay na ang mga kaibigan mo sa 'yo."


"I think you two should talk?" nalilito kong naiwika. "Warren told me that you two are being arranged by your parents so I guess--"


"Warren? Who's that asshole?"


"Cal! Kaibigan ko 'yon!" Nainis ang babae lalo. Naiintindihan ko rin siya. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman na kami ni Warren at hindi ko gusto ang sinisiraan siya sa sa harapan ko.


"Let's go, Chelsy." Iritableng umalis ang lalaki. Naiwan kami ni Amethyst. Naawa ako sa kaniya dahil halatang pinipigilan niya lang na 'wag maiyak.


"If he sings a song for you, don't listen. He's a flame, Chelsy."


Paalala niya sa 'kin saka tumalikod. Tulala akong pumasok sa sasakyan. May ideya na ako sa nangyayari pero ayaw ko lang paniwalaan.

"When will you talk to me?" Siya na rin ang kusang nag-off ng aircon. Mabuti na rin 'yon dahil ayaw ko pa talagang magsalita. "Oh right. Sira na ang image ko dahil sa asshole na 'yon."


"Warren. He's not an asshole." Kasabay ng pag-irap ko ang pagtawa niya.


"At ngayon nagsalita na rin..." Nilingon niya ako at sinandal ang panga sa seat. "You know what... You believe too fast. Don't you have part to know my side, huh, Chelsy?"


Ano namang use kung kikilanin ko pa yang side na sinasabi niya, 'di ba? Lahat ng sinabi ni Warren sa 'kin tama, lalo na 'yong about sa kanila ni Amethyst dahil si Amethyst na nga ang mismong nagsalita kanina.

"What's the use of you joining in the group if you don't even share?"


Nagkamot ulit ako ng batok. Nagpaplano na akong lumabas ng sasakyan na 'to kung hindi siya titigil katatanong sa 'kin.


"Chelsy," tawag niya na parang nagbibigay ng babala.."Chelsy Cattaneo Ramirez."


Nanlaki ang mga butas ng ilong ko.


"Got you." Tumawa siya at pinaandar ang sasakyan. "Bukas ng gabi, magsstart na ang gig namin, dapat naroon ka."


Oo naman, sasama ako. First play nila 'yon bilang magkagrupo kaya dapat matunghayan ko 'yon. Pero 'di pa nga lang ako sure kung dapat bang magpakita ako sa kanila o patago na lamang silang panoorin.


"Okay, fine. If you want, bring your friends along."


Nanlaki ang mga mata ko. "Can I?"


His eyes smiled, in my imagination. "You can."


Sa unang pagkakataon, bumagal ang pagmamaneho niya ng sasakyan. Hindi tulad ng dati na parang gusto niyang madisgrasya. At sa una ring pagkakataon, gumaan ang loob ko habang kasama siya.


"Anong... Oras na?" tanong ko mayamaya sa kaniya.


"Oras na para..." I think he's about to say a joke but just stopping himself to do so. Na-curious tuloy ako kung ano 'yon. "It's now seven o'clock, Chelsy."


Noong gabing 'yon maayos naman kaming nagpaalam sa isa't isa. Nahuli ko siyang umaalis noong nasa loob na ako ng building. Nakasalubong ko si Allysa na nakapajama.


"Pumunta ka sa bahay niyo?" kaswal niyang sagot. Naiintindihan ko kung medyo halata ang pagod sa mukha nya. Ginawa niya ang best niya kanina sa competition at ngayon ay maglelevel up na siya at pupunta na sa mas malayo pang lugar to represent our school.


"Oo, eh. May bibilhin ka sa labas? Sabayan na kita."


Nagkamot siya ng ulo. "Nakalimutan kong bumili ng chocolates noong nag-online shopping tayo."


Nagtawanan kami.


Kalat sa school ang achievements ni Allysa. Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko dahil naging talk of the campus na naman ang strand namin. Kami naman, bilang prenny ni Allysa, ay tuwang-tuwa. We're even planning to have a small celebration in her house. Nakausap na namin ang Mama niya kanina at pumayag sa plano namin.


"Warren mo, baliw na baliw sa 'yo." Siniko ako ni Pearly.


Nakakunot na tuloy ang noo ko. "Ha?" Nakita ko nga si Warren na nasa pinakadulo ng Corridor. Nakikita ko siya ngayon kasi MIL time namin ngayon at pinapa-assmble kami ng D.I.Y robot about being a responsible social media user. Nawala sa utak ko ang mga pinalano ko kanina nang nagtilian ang ibang girls at sumimangot ang ibang boys.


"Chel!" tinawag ako ng VP namin na medyo bakla. "I-entertain mo muna. Stop mo muna 'yang study first mo!"


Natawa na lang ako at tumayo. Pinagpapawisan na ako. Nakaka-intimidate si Warren na napaka-neat pa ring tingnan kahit ang init-init ng paligid. Not to mention na magulo pa ang buhok ko at maraming buhok ang dumikit sa pawis sa noo ko.


"You look good."


Napaubo ako. Anong good? Ang baho ko na nga tingnan. 'Di ko na lang siya pinuna at baka ma-offend.


"Maybe I can help? Ano ba ang project niyo?" Bumaling siya sa mga classmates ko na may heart na ang mga mata.


"Robot lang naman. Madali lang naman--"


"Hindi madali! Ang hirap kaya!" reklamo ni Johoney.


"'Wag kang maniwala. Madali lang naman. Siguro after thirty minutes tapos na kami."


Katahimikan...

"Are you free later?"


Hindi ako nakasagot.


"...if you don't mind, you're invited to watch our very first play ng mga kabanda ko. Do you remember the shop we went last day? Doon kami magpiplay ngayon."


"Isasama ko ang mga kaibigan ko..." Napalabi ko, at napatitig siya sa mga labi ko. Dali-dali kong tiniklop ang mga 'to. "Salamat. Ano... I think you still have classes?"


Sana naman ay hindi magtunog binubugaw ko siya. 'Di rin naman 'yon ang intensyon ko.


"Oh, I forgot. Nakalimutan ko. You distracted me." He manly smiled.


"Oh, sorry for distracting you, then." I gave him my cute smile.

Tuwang-tuwa naman siyang nagpaalam mayamaya.


"Chelsy! Pa-help naman kami, oh. 'Di namin masagot ang mga guide questions..." tawag noong taga-kabilang grupo. Tapos naman na kami ng mga kagrupo ko kaya tinulungan ko na 'yong mga tumatawag sa 'kin.


Warren: mamaya ah


Tinago ko kaagad ang phone ko nang sumilip si Johoney. Sa laki naman ng mata niya kanina syempre nakita niya ang nakasulat sa screen.


"Ay ay ay." Kiniliti niya ako kaya hinampas ko siya.


"Ano ba?" Tumawa ako kasi naghanap pa ng kakampi si Johoney. Sinabi niya kay Pearly ang nakita niya, kaya ang lakas ng sigaw nilang dalawa. Papalabas na kami ng gate pero kung makaakto ang dalwa sa tabi ko akala mo nasa kalsada na kami.


"Isasama ko nga kayo, eh." Akala ko titigil na sila noong sinabi ko 'yon pero lumala pa sila.


"Opo, opo, ayos lang kami!" matatapang na wika ni Johoney sa mga taong napapatingin sa 'min. Kung nandito lang talaga si Allysa kanina niya pa 'yan sinaway. Kaso, nandoon pa rin 'yon sa Principal office, eh. Pero sabi niya naman na simula bukas ay magsisimula ang two-week vacation niya bago magsimula sa pag-rereview.



"Ano'ng susuotin natin? Dapat bongga tayo mamaya!" si Pearly.


"Mag-dress na lang tayo," suhestyon ko. I like wearing dress so...

"Pwede naman 'atang mag-bikini na lang, 'di ba?" Ngumuso si Pearly na sinapak ni Johoney.


"Ahh, 'wag baka maraming ma-fall!" huling hirit ulit ni Pearly at natawa na naman kami.


Noong sumapit ang alas 6 ng hapon, bihis na bihis na kaming lahat. Naka-dress lang ako at may pares na jacket para proteksyon sa lamig. Sina Johoney at Pearly ay naka jeans at normal t shirt. Si Allysa naman ay naka-baggy pants at oversized at jackets.


Ngayon ay pinag-iisipan ko na kung papaano ako makakapanood sa performance nina Cal nang 'di nalalaman ng mga kaibigan ko. Yes, at magkatabi lang ang bars kung saan magpiplay ang grupo namin at ni Warren.


"Ano ngang name ng banda nila?" tanong ni Johoney sa 'min nang nasa harap na kami ng shop.


"Jolo," sagot ni Allysa. "Nagplay naman sila sa school natin, 'di ba? No'ng acquaintance party."


Doon ko lang naalala. Matagal na ang Jolo pero halatang pinalitan ang main vocalist at si Warren ang pinalit.


"Ang g-gwapo ng mga members. Pustahan pa tayo, lalo na 'yong drummer, ay shit malutong," humagalpak ng tawa si Pearly at si Johoney lang ang nakasundo niya. Kami kasi ni Allysa ay bahagya lang tumatawa.


"Congrats pala," sabi ko na sa kaniya. Syempre, nilimitahan ko ang sarili sa pagsasalita at baka mabanggit ko pa ang surprise namin para sa kaniya.


"Salamat. Ang gagaling ng mga kalaban, lalo na noong sa first round." Huminga siya nang malalim. "I don't wanna disappoint my coach.


"Pero nanalo ka." Natatawa ko siyang siniko. Kapag ako ang kakasali sa isang competition ay siya rin ang sumisiko sa 'kin para pagaanin ang loob ko. "At dahil riyan, manonood na tayo ng performance!"


Tumawa siya. 'Yong dalawa, eh, nasa loob na pala. Sobrang excited talaga.


"Hali!" tawag nila sa 'min. Nasa table kami na malapit sa stage.


Umingay ang paligid kaya tumahimik na lang ako. Naghampasan ng menu sina Johoney at Pearly at pinapanood ko na lang silang magsakitan.


"Hoy, baka mapaano kayo," concerned na sabi ni Allysa. "Ang gagwapo nga nila..."


"Hoy, Allysa, walang agawan ng asawa! Akin 'yang drummer!" si Pearly, minamine 'yong lalaki na gwapo naman talaga.


"My vote belongs to the guitarist," ani ni Allysa at natawa habang tinuturo 'yong lalaki na may hawak na gitara at nakapuwesto na. "Ang cool niya tingnan..."


"Ikaw?" si Johoney.


Bumaling sila sa 'kin.


"Wala. 'Di sila pasok sa taste ko," ani ko. 'Yon din naman ang totoo.


"Weh? Kahit si Warren?" Johoney.


"He's my friend, no malice."


"Naku, tigilan mo kami sa kaka-ingles mo." Nanlalaki ang mata ni Pearly.


"Oo nga." Ngumuso na ako.


Minutes after, nagsimula na ang pagtutugtog. Palagi lang kay Warren ang mata ko kasi siya ang kumakanta. He sings so good and I can't deny that fact. Napakaganda ng blend ng mga tunog ng instruments.


"Saan ka?"


Napahinto ako sa paglalakad. Saan nga ba talaga ako? Ba't ba ako biglang tumayo? Baliw ka na, Chelsy.


"Ha?" tanong ko pabalik kay Johoney.


"Ha, ha, ha," they all mocked me.


"May bibilhin lang ako sa labas." Tuwid akong tumayo para 'di sila magkahinala. "Five minutes lang 'to."


'Di na sila nakatango kasi na-busy na katitingin sa stage.


Kaagad akong tumakbo patungo sa isang shop. Punong-puno rin ang tao sa loob nito kaya pahirapan ang pagpasok ko. Tili ng mga kababaihan ang yumakap sa 'kin. Nag-s-start na pala sila. Pero kahit mukhang badtrip si Cal, eh, maayos naman siyang nakakanta. Sobrang ayos pa nga.


"Do you want for Zeus to play more songs?!" tili ng isang may hawak ng mic.


"No, I don't have the appetite to," angal ni Cal at akma nang aalis sa pwesto nang hinawakan niya si Amethyst na ngayon ko lang nalaman na ka-duet niya pala.


"Oh, mukhang nag-uusap pa ang lovevirds!" tili ulit noong may hawak ng mic.


"I don't care..." 'Yon ang kaunting narinig ko sa pag-uusap nila. He rolls his eyes at Amethyst until his sexy orbs met mine. Isang segundo. Isang segundo saka siya masungit na nag-iwas mg tingin.

"Alright, one more song..." Busangot niyang hinawakan ang sariling mic.


Hindi siya nakatingin sa 'kin pero sapat na sa 'kin na narinig ang maganda niyang boses.


Binabaan ko ang sariling orasan at naramdaman ang tingin niya.


Mahigit limang na pala akong narito. Ang mga kaibigan ko! Nagkatinginan kami ni Cal at sabay na kumunot ang mga noo namin. Lumabas ako at matapos ang ilang hakbang ay... Tumigil siya sa pagkanta?


Pero 'di na bale na... Binalikan ko ang grupo nina Warren. Okay nang napanood ko kahit sandali ang grupo namin. Marami kaming tagahanga na panay ang sigaw kanina kaya sapat na 'yon.


"Hays, sorry, nawili ako sa labas," kagat-labi kong sabi sa mga kaibigan ko.


Tumango sila at pumikit, dinadama ang kanta. Mabuti na lamang at masyado silang naaaliw para mahusgahan ang kakaiba kong galaw.


"Awww..." ani ng marami nang matapos ang isang kanta na punong-puno ng emosyon. Ngumiti si Warren sa 'kin at nag-thumbs up. Siniko ako ng tatlo at natamaan pa dede ko.


"How's his voice?" kinikilig na tanong ni Allysa sa 'kin.


"Maganda," ani ko. "Magandang-maganda."


Tumili silang tatlo.


Dumami pa ang customer. At nakailang songs na ang Jolo kasi utos ng may-ari ng shop.


"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanilang tatlo. Malapit na kasi ang ni-set naming curfew para sa isa't isa.


"Hintayin na lang natin silang matapos. Wala rin naman tayong maraming homeworks, eh," suggestion ni Johoney. Ako lang ang 'di tumango sa kanila. Kasi 'di talaga ako komportable. Pakiramdam ko 'di ako naging patas.


Nagtaka ako kasi nagsiatrasan ang ibang customers at nagulat ako nang nagpakita ang umiiyak na si Amethyst. Lumapit siya patungo sa 'kin pero kaagad siyang hinarangan ni Allysa. Napapikit ako. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya?


"What did you do, bitch-?"



Sinampal siya ni Allysa. "She's not bitch. She's Chelsy. Nasaan na ba ang delikadesa mo, ha?"


"Hey, Amethyst," inawat siya ni Athena.


"Malamang sa 'min siya sasama dahil kami ang kaibigan niya!" si Pearly at hinila ako para walang makahawak sa 'kin  gusto ko sanang ipaintindi sa kanila ang nabgyayari pero natatakot ako na malaman nila ang tinatago ko.


"I was actually happy that you were not with us!" iyak niyang muli. Namumula na ang maganda niyang mukha. "But what did you do? You came!"


"I did because I should." I heaved a deep sigh.


"You did because you are flirt-"


Isang sampal na naman ang natamo niya kay Allysa. Inawat ko na ang kaibigan ko.


"Hindi mo kasi naiintindihan, Allysa Tapang!" Dinuro siya ni Amethyst. God, some are taking videos of us.


Natakot ako bigla, pero parang mukhang ayaw rin magsalita ni Amethyst kaya nabawasan kaunti ang kaba ko.


"Kaya nga dapat maintindihan ka namin! You explain!" si Pearly.

Amethyst cried. She looked so helpless. Naaawa ako sa kaniya pero nakakatakot siyang lapitan.


"Nakakahiya na. Tama na." Pumikit ako.


"Ame," a voice.

At biglang lumitaw si Cal sa harap. Galit na galit siya. Marahil ay sinisisi niya ako kung ba't umiiyak si Ame!


"Cal!" tawag ni Ame sa kaniya.


"I did not hurt her..." bulong ko.

"I know, darling," nagulat ako nang narinig niya 'yon at sumagot pa. "I badly know."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top