C H A P T E R 13

"Pautang. . .?"



Napatingin ako kay Johoney nang ipakita niya ang palad sa 'kin. Kumuha lang ako ng twenty pesos sa wallet at binigay sa kaniya. Bumalik ang mga mata ko sa phone.



Rynierre : Mag-aral ka nang mabuti. Call me if you need something.



Napangiti ako at 'di na siya ni-reply-an. Sapat na sa 'kin ang mabasa ang message niya.



Naikuwento ni Kuya Adrian sa 'kin noong nagkausap kami na madalas niyang nakikita ang mga magulang namin na umiiyak, marahil siguro ay dahil sa sinisisi nila ang sarili sa pag-alis ni Kuya. 'Di ko tuloy maiwasang 'di matahimik nang maalala ang mga paalala ni Kuya Ry sa 'min.



Dapat 'wag naming sabihin sa kahit na sino na nag-uusap kami. Dapat 'wag naming ipapahalata na ganito, ganiyan.



"May iniisip ka?" Lumapit si Pearly sa 'kin.



Napasinghap ako nang wala sa oras at malungkot na umiling. Gusto ko sanang ikuwento sa kanila ang nangyari. Pero bawal. 'Di naman sa 'di ko sila pinagkatitiwalaan. Sadyang, sumusunod lang ako sa usapan naming magkakapatid.



"Wala. Namomoroblema lang."



"Sino'ng namomoroblema?" Kakarating na Johoney na may hawak nang coke.



"Wala." Yumuko ako kaunti.



"Sabihin mo sa 'min. Makikinig kami," mas lalo akong nanlumo sa sinabi ni Allysa. Iyon ang kaya pero 'di ko dapat gawin. Muling nagsalita si Allysa. "Binabagabag ka ba ng Cal na 'yon?"



Nanlaki ang mga mata ko.


"Cal?!" si Johoney, niyuyugyog ako.



"Cal?!" si Pearly na 'di rin makapaniwala. "You mean, Ramirez?!"



"Tumigil nga kayo," suway ni Allysa, nakatingin pa rin sa 'kin, hinihintay ang sagot ko.



"Hindi siya. Ahh, basta," sagot ko na lamang. "Family problem pa rin-- as usual."



"Pero bakit Cal?" si Johoney, nanlalaki pa rin ang mga mata, sabay baling niya kay Allysa. "Ba't mo nabanggit si Cal?"



"Oo nga!" pag-se-second voice naman ni Pearly.



Nagkatinginan kami ni Allysa at sabay na bumuntong-hininga.



Kanina kasing umaga noong nasa gate kami ay nagpaalam sina Pearly at Johoney na bibili muna ng candies sa canteen. Syempre ay hinintay namin sila roon malapit sa flagpole. Sa isang minutong paghihintay ay biglang dumating si Cal na ngiting-ngiti.



"Have you seen Amethyst?"



Nagkatinginan kami ni Allysa nang 'yon ang tinanong niya sa 'kin, parehong nagtataka sa biglaang pagsulpot ng lalaki.



"Hindi," ako na ang sumagot dahil sa 'kin naman siya nakabaling.



"Kararaan lang ni Amethyst 'tapos 'di mo napansin?" panghahamon niya pa sa 'kin na 'di ko gets kung bakit niya ginagawa.



"'Tapos?" si Allysa na ang sumagot. Mabuti na rin 'yon dahil wala akong maisip na sagot sa tanong ng lalaki.



"Wala naman," bulong ng kaharap namin, may mapaglarong ngiti sa mga labi. Panay ang tingin niya sa 'kin kaya halatang may inaabangan. "Hindi mo talaga nakita? E', dumaan nga 'yon."




"Malay ko ba kung nakatalikod ako noong dumaan siya," nasabi ko. Nagtaas naman siya ng kilay. "At bakit mo ba sa 'kin tinatanong 'yan? Hinahanap mo siya sa 'kin 'tapos alam mo naman pala na kararaan niya lang?"



"Ba't ganiyan ka makatanong sa 'kin?" kunot-noo niyang sabi pabalik. "Nagtatanong lang naman ako."



Napabuntong-hininga ako. Walang saysay talaga.



"Nagtatanong ka pero alam mo naman na ang sagot," kalmado kong sabi.



"So nakita mo siyang dumaan?"



"Hindi nga."



"Pero napansin mo? Naramdaman mo?"



Napatitig ako sa mukha niya. "Ano ba'ng trip mo, ha?"



"Wala." Nagpigil siya ng ngiti. "Nagtatanong lang."



Umalis siya bigla at naiwan akong nakanganga ang bibig. Hindi masyadong maayos ang tulog ko kagabi dahil sa kaniya 'tapos kanina ay pinag-trip-an pa ako.



"May lihim kayong dalawa! Sabihin niyo sa 'min kung ano 'yon!" pagmamaktol ni Johoney at pabaling-baling lang sa 'min ni Allysa. "May nangyari ba na 'di namin alam ni Pearly?"



"Wala naman," magsasalita na sana ako para sabihin 'yong tunay na nangyari kanina nang naunahan ako ni Allysa. Mukhang pursigido siyang pagtakpan ako kaya hinayaan ko na lang. "May nakausap lang kami kanina. 'Cal' ang palayaw kaya na-badtrip si Chelsy. Di ba, Chelsy?"



Mahina akong suminghap. "Ahh-- oo."



'Di na kami nagkausap noon. Kaniya-kaniya na kaming gawa ng mga outputs para sa EAPP na subject. Kahit nakaka-badttip nga ang nangyari kaninang umaga ay 'di ko na lang masyadong dinamdam. Marahil ay sandaling nabaliw ang lalaki na 'yon kanina kaya ako ang napagdiskitahan.



Adrian: Maaga kitang ipapasundo sa driver mo mamaya. May family dinner tayo.



'Yon ang sunod na mensahe na natanggap ko.



"Tipaklong! May nag-aaway sa canteen! Suntukan daw!" Patakbong lumapit si Johoney sa 'min. Lunch break na ngayon at katatapos lang namin kumain. Sabi nina Pearly at Johoney ay mag-c'-cr lang sila pero ngayon ay heto sila at takam na takam dahil kuno may away raw.



"Canteen?" sunod-sunod naman na tanong naman ng kaklase ko. Kung sila na-e-excite ako, natataranta na.



"Anong sa canteen?! Nasa library raw ang away!" si Pearly. Kaya nalito ang lahat sa kanilang dalawa. Sila lang naman ang magkasamang nagbalita pero magkaiba naman sila ng impormasyon na nakalap.



"Saan ba talaga?" bulong ko.



"Baka sa canteen nga!" komento ng isa. "Roon madalas ang sapakan, e'!"



"Saan ba talaga? Pero kung maaari 'wag na lang tayo pumunta. Aksaya lang 'yon ng oras," si Allysa.



"Oo nga," pag-a-agree ko.



"Nasa GYM daw!" anunsyo noong isang classmate namin na kararating. Gusto ng marami na sapakin ang dalawa kong kaibigan sa pagpapakalat ng fake news pero mas pinili pa rin nilang tumakbo papalabas ng room. Sampu na lang kaming naiwan, kasali na si Allysa.



"Nakakapagod tumayo," siya.



Natawa kaming pareho. "Kahit kailan talaga. Basta away, takam na takam na 'yong dalawa," naibulong ko. "Pero... Allysa?"



"Yes?"


"Papaano kung bigla na lang kaming magkauaap ni Kuya Ry?" kinakabahan kong panimula. "'Tapos sasabihin niya na bawal kong sabihin sa iba? 'Tapos napansin ko na masyado nang malungkot ang parents ko? Papaano kapag ganoon?"



Naliit ang mga mata niya. "'Yan ba ang pinoproblema mo ngayon?'



"Hala, hindi! Papaano lang naman kung mangyari. . ."



"Okay," aniya. "Siguro kapag nangyari nga 'yan ay mas mabuting 'di ko na lang sasabihin sa parents ko ang totoo. Kung ako lang naman ang tatanungin mo. Opinyon ko lang 'to, ha? Para sa 'kin kasi, baka kapag sinabi ko ang totoo sa mga magulang ko, baka mas lalong lumayo ang Kuya ko. Edi, mas malaking problema 'yon. . ."



Nagtagal ang titig ko sa kaniya. "Salamat. Pero what if lang naman 'yon, ha. How I wish na sana ay totoo na lang." Muntik na akong maubo sa sariling kasinungalingan.



Pearly Ybanez: Hali kayo rito! Si Cal may kaaway! Location: GYM.



Tumayo ako kaagad. Sumunod din si Allysa sa 'kin habang nagtataka. Sinubukan kong dumungaw mula rito sa floor na 'to pero ang layo pa noong GYM. Kailangan pa naming maglakad.



"Ano'ng nangyayari?" si Allysa at mas binilisan pa ang pagsunod sa 'kin.




"May away raw." Luminga-linga ako saglit. "Sa GYM daw."



"Sino ba ang nag-aaway?" aniya. "Sina Cal?"



Tumango ako sa hula niya. Nang nasa GYM na kami ay 'di ko kaagad natingnan ang mismong court since maraming students na nakaharang, nakikitsismis. Nainip ako kaya kaagad akong naghanap ng mas komportable na puwesto, at nakahanap naman ako. Hinila ko si Allysa hanggang sa tanaw na nga namin ang nangyayari.



Kasali ako sa mga suminghap nang dumapo ang kamao ni Cal sa isang lalaki. Medyo basa na ang panyo na nasa noo niya dahil sa pawis. Matalim na mga tingin ang pinapakawalan nito.



Parang nakalimutan niya nang nasa school siya. Napabaling ako sa kaaway niya. 'Di ko 'to kilala.



"That's Amethyst's suitor," bulong ni Allysa sa tabi ko.



Nalaglag ang panga ko. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Dahan-dahan kong dinugtong ang mga nangyayari. Manliligaw ni Amethyst ang kaaway niya ngayon. Mukha siyang asar na asar. Marahil ay nagseselos nang todo ...



"Sila ba ni Cal?" naisatinig ko.



Nagkatinginan kami ni Allysa.



Nagkibit siya ng balikat. "Siguro. Palaging magkasama, eh."



Sasagot na sana ako nang muling naghiyawan ang mga students. Mas lalo kasing lumala ang away. Mas lalong naging agresibo ang dalawang nag-aaway. Walang nagtangka na sumubok. Parang majority ng nanood ngayon ay gusto ring makapanood ng away.



"Si Cal manok ko!" rinig kong ani nong nasa likuran ko.



Parang naramdaman ni Cal ang paninitig ko sa kaniya kaya napabaling din siya sa 'kin. Akala ko ay ngingiti siya, o kakalma, o kahit anong sign na okay na. Pero imbes na ganoon ang gawin ay umirap siya-- at alam kong para sa 'kin 'yon.



May kinarga siyang plastic chair, at kaniya 'yong hinagis sa walang tao.



"Galit 'ata sa 'kin," nasabi ko kay Allysa.



"'Wag mo na lang isipin. Parang high blood lang talaga."



Napailing ako sa huli. Wala na siya. 'Yong kaaway niya ay nakaupo sa sahig at bahagyang naka-nap. Duguan kunti ang kamao niya kaya mayroong nag-pa-panic. Magulo ang paligid-- maraming upuan ang nag-tumbling. Iba't ibang klase ng gamit ay nasa sahig din at parang binagyo.



"What happened?!"



Parang tumigil ang mundo noong sumali sa eksena si Amethyst. May dala siyang papers at madrama niya 'tong nabitawan nang makita ang naka-nap na lalaki.



Nagalit pa siya noong hanggang tingin lang ang iba at 'di magawang tumulong. May isang bumulong sa kaniya at tila nahimasmasan siya. Tumayo siya at pumunta sa direksyon kung saan nagmartsa si Cal kanina. Roon ako napailing.



"Iniwan niya 'yong lalaki. Kawawa naman," nasabi ko. Dahil 'yon naman ang totoo. Napansin ko na kaunti lang kung magpaulan ng suntok 'yong lalaki kanina.



"You can help him. Tulungan kita," si Allysa.



Umiling ako. Isang eskandalo kapag ginawa ko 'yon.



"Johoney! Pearly!" sigaw ni Allysa sa dalawa nang mapansin namin sila. Napakalapit lang nila sa lalaki. Pumunta kami sa direksyon nila at baka alam nila ang rason kung ba't may nag-aaway.



Pero 'di pa ako tuluyang nakakalapit sa kanila nang makaramdam ako ng presensya ng isang lalaki. Mahihiga na sana siya ng wala sa oras kaya buong lakas ko siyang sinalo. Halos ipitin ko na rin ang sariling hininga sa kaba nang naupo ako at napahiga siya sa hita ko.



Nakapikit naman ang mga mata niya pero gumagalaw 'to nang kaunti.


"Hala ka. . ." reaksyon ni Johoney ang narinig ko.



"Pakitayo siya. Please," ani ko. May tumulong na parang friend ng lalaki at tumulong na rin ang mga kaibigan ko. May ginawa 'atang kung ano si Cal at parang napilay rin ang lalaki! Hirap na siyang makatayo at 'di niya kayang gumalaw nang walang nakaalalay!



Dahil sa ako ang katabi niya ay sa 'kin pa rin lumapit ang braso niya kaya inalalayan ko na. Nakakaawa kasi.



"Tara sa clinic," ani noong umaakbay sa kabila.



Tumango lang ako. 'Yong mga kaibigan ko ay nasa likuran at sumusunod. Panay ang buga ko ng hininga. Papaano ba ako napasok sa sitwayon na 'to? Nakikinood lang naman ako, ah.



"Ano'ng nangyari?" tanong ng school nurse, at sabay-sabay naming pinahiga ang lalaki. 'Di ko pa alam ang name niya. Mamaya ko na lang 'ata aalamin. Gising naman na siya. Medyo wala nga lang sa ulirat.



"Nakipagsuntukan po," si Pearly na ang sumagot. "'Yong student po na nasa kabilang higaan. 'Yon po ang kaaway niya."



Lahat kami napabaling sa kabilang higaan. May nakaharang na kurtina pero sa sapatos pa lang ng lalaki ay kilala ko na kung sino ang may-ari nito.



Gusto ko pa sanang tingnan kung papaano gamutin ng nurse ang mga sugat ng lalaki pero inaya na kami ni Allysa na bumalik sa room. Tama rin naman 'yon since dalawang minuto na lang at panibagong klase na naman.



Sigurado akong napansin kami ni Cal kanina. Kaya nga ay malimit na lang ako nagsalita. Halata rin naman na may kasama siya sa loob, eh, kaya 'di na rin akong masyadong nag-alala. Dagdagan pa na paglabas namin ng clinic ay naghihintay rin 'yong mga kagupo niya-- kagrupo namin.



"Salamat sa tulong. Mabuti na lang at may nagpaalam sa 'kin kung hindi nasa library lang ako magdamag at walang kaalam-alam," panimula noong lalaki na tumulong sa 'kin kanina. Base sa pananalita niya ay magkaibigan nga sila noong lalaki na nasa clinic ngayon.



"Okay lang," sagot ko. "Malala na rin kasi medyo ang sugat niya. 'Di puwedeng basta na lang pabayaan."



"I am Kurt, by the way. And the one who's in the clinic right now is Warren. We're both grade 12 students. Nice meeting you all."



Nang uwian na, panay ang tingin namin sa labas ng room. May lalaking nakatayo kasi sa pinto. Pamilyar siya kaunti kaya nanliliit ang mga mata ko. Hindi rin naman siya si Cal. . . Sigurado ako. . .



"Tinanong ko! Ikaw, Cattaneo, ang hinahanap niya!" sigaw noong isang nasa first row. May inggit sa boses niya kaya nagtataka ako. "Gwapo! Akala ko ako ang pakay!" Nagtawanan silang lahat noong mga katabi niya.



"Hala, siya 'ata 'yong dinala natin sa clinic kanina," komento ni Johoney. "Parang kakausapin ka, Chelsy, 'tapos mag-cha-chat, 'tapos manliligaw, 'tapos mag-aayaya ng kasal--"




"Hindi naman," pinutol ko na ang sinabi niya. "Magpapasalamat lang 'ata ang tao."



Tama nga ang hula ko. Noong nasa labas na kami ay nagtagpo ang mga mata namin. Nasa likuran lang naman ang mga kaibigan ko at nag-aabang sa mangyayari.



"Chelsy?" 'yong lalaki.



Tumango ako at napatingin sa paraan ng pagtayo niya. Medyo okay naman na pala siya.



"Yes. Ikaw 'yong kanina sa GYM, 'di ba?"



Nahihiya at matunog siyang tumawa. Nagkamali pala ako noong inakala kong medyo maangas siya. Dahil ngayong magkalapit kami ay ramdam ko ang pagiging kalmado ng awra niya.



"I am Warren De Guzman, by the way. Salamat pala kanina. Nakakahiya 'yong pagtumba ko kaya. . ."



"Hindi okay lang!" Winagayway ko ang kamay sa harap niya para sabihing wala talagang problema. Narinig ko pa nga ang tikhim ng tatlo sa likuran ko. "Ahh, Warren, mga kaibigan ko nga pala. Sina Allysa, Johoney, at Pearly." Bahagya akong lumingon sa likuran.



"Hi, Warren," kaswal ang boses ni Allysa.



"Hi, Warren, po," si Johoney.



"Kakaumay may 'hi'. Hello na lang," si Pearly.



Siniko ko siya, at nag-make face lang siya. Natawa tuloy kaming lahat.



"Hi, nice to meet you all." Magiliw ang lalaki. "Gusto ko lang sana makabawi-- uhmm.." Sa 'kin siya bumaling. "Lalo na sa 'yo. So, tara sa coffee shop bukas? My treat."



"Arat," si Johoney.



"Unlimited order ba? Charot," si Pearly.



"Sure," si Alysa.



Sabay-sabay silang nakasagot.



"Okay rin! 'Pag uwian na!" komento ko at napahawak sa straps ng bag. "You're a. . . GAS student, right?" Binabaan ko ng tingin ang nameplate niya. "Wow, 'yan ang second choice ko noon. Mahirap daw riyan masyado?"




He smiled friendly. "Yups. Pero kaya naman."



Tumango-tango ako. Sumabay siya sa 'min sa paglalakad at nakipagkwentuhan. Nadaanan namin ang mahogany tree kung saan may isang bleacher at napansin ko si Cal na nag-aayos ng sintas ng sapatos.



Madilim 'yong mga mata niya nang nagkatinginan kami. Wala naman akong ginawang masama, kaya bakit kaya siya ganiyan?



"Kinahihiya ko na ang sarili ko. Mga babae pa talaga ang tumulong sa 'kin. 'Yong lalaki kasi na 'yon talaga," rinig kong ani ni Warren, at matamang nakikinig naman ang mga kaibigan ko.



Nasa side sila malapt sa building kaya ako lang ang nakakapansin sa matutulis na tingin na nagmumula sa isang tao.



"Ano ba'ng dahilan?" si Pearly. "Rinig namin, naliligaw ka raw kay Amethyst ng HUMMS?"



"Ohh, that thing. . . Hindi 'yan totoo. I actually do not entertain someone now so maybe it's just a mere misunderstanding between me and Cal."



"He must be jealous," si Johoney. "Char, English 'yon, ha."


Natawa si Allysa. "Right. I heard na gusto raw ni Cal si Amethyst kaya ganoon."



"Maybe?" his response. "Basta inosente ako. I just did the right thing earlier -- and that's to fight back because it's my right to defend myself . . ."



Sinulyapan ko ang lalaki sa mahogany. Masama pa rin ang tingin niya. Sa 'kin. Halata ang paulit-ulit na paglunok na para bang 'di siya natutuwa.



"Hindi naman na bago, eh, marami naman nang nakaaway ang lalaki na 'yon," parang timang akong napatango sa ani ni Pearly. "Siguro pang-one thousand ka. Charot again."



"M-Mag-usap na lang kayo kapag pareho nang malamig ang mga ulo niyo," usal ko, at nagkagat ng labi.



Ba't parang ang bagal naming makausad sa paglalakad?



"Yeah-- that's what I am planning to do. But I afraid that he'll attack me again, like what he did hours ago. Cal is known for being hot-tempered. There's no way he will not punch me once I say something. But let's not talk about him -- he's not worth the effort."


Crap.



Wala ba silang kaaalam-alam na may isa riyang nakamasid sa 'min?



Sumulayap ulit ako. Nag-ayos siya ng tayo at tinuro ang sariling relo.



Kunot-noo tuloy akong napiling.




"So, bukas, ha, mga ganitong oras. Susunduin ko ulit kayo," aniya nang nasa gate na kami. "And Chelsy?"



"Yes?"



"You look pretty."


Hinintay siya ng mga kaibigan ko na makalayo bago nila ako pinagtutulak. Napangiti ako sa reaksyon nila.



'Di naman 'to ang unang beses na may nagsabi ng ganoon sa 'kin. Pero dahil nga sa tili ng mga kaibigan ko ay mas lalo akong sumaya. Warren is kind. Madaling kausap at madaling makasundo.



"How about me naman, 'di ba?" mayamaya'y busangot ni Pearly.



"Wala 'yong gusto sa 'kin," inunahan ko na sila.



Nagdududa nila akong tinitigan.



". . . Basta wala nga! Halata naman sa mga galaw niya! He's just kind, and. . . approachable."



"You two are a click," si Allysa. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Parang, nirereto niya kasi ako sa lalaki na 'yon. "May chance ba, Chels, kung sakaling manligaw?"



Creepy silang ngumiti lahat.



"Kakakilala pa lang namin!" Halos iiyak ko na 'yon. "At saka, 'di ako magpapaligaw. Aral muna."



At maaga nga akong pinasundo ni Kuya. Sinabi ko lang sa mga kaibigan ko na before 8 ay nasa apartment na ako. Family dinner daw, eh. Siguro isang oras lang ang itatagal nito.



'"Manong, nasa bahay na ba sina Mama?"



Tumango siya. "Yes, Ma'am."



Napaubo ako kaunti, kasabay noon ang pagkakita ko sa isang tao sa labas na halos humiga na sa semento. Sinabihan ko si Manong na tumigil. May pinindot ako kaya bumaba ang bintana ng sasakyan. Dumungaw pa ako.



"Pst!" tawag ko sa kaniya. "Marumi 'yang inuupuan mo. Uhmm, sabay ka na sa 'kin. . . Ihahatid kita!"



Hindi siya kumibo.



"May sugat pa ang kamao mo," bulong na 'yon. "Pst!"



Nag-angat siya ng tingin. At kagaya kanina, parang may kasalanan pa rin ako sa kaniya.




"Ano?!"



Nasaktan ako kaunti sa response niya.



"Sumabay ka na sa 'min, taga-saan ka ba, ha?" Sabay baling ko kay Manong. "Wait lang, Manong, ha, sandali lang 'to."



Lumabas ako ng sasakyan at pinilit siyang tumayo. "Naka-uniform ka 'tapos ganiyan ka. Baka isipin nilang takas ka sa mental--"



"What?"



"Wala!" Ngayon ko lang natutop ang sariling bibig.



"You said something, Cattaneo." He stood up and towered me.



"A fucking jerk called you 'pretty' and now you're damn bragging?" nalito ako sa pinagsasabi niya. "Truth is, you're not fucking pretty. . ." he smirked without humor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top