C H A P T E R 12
"Basta gawin mo na lang 'yong sinabi ko sa 'yo."
Nahuli ko siyang nakatingin sa mga labi ko pero ilang segundo lang naman 'yon nagtagal. Kaya noong tumayo siya at iniwan ako, napakagat labi na lamang ako. Basta ang tangi ko na lang napansin ay makalipas ang ilang minuto, nagsitayuan ang ibang mga lalaki at pumunta roon sa stage. May isang nagsuot ng gitara at ang iba ay hinahanda na ang sarili.
Parang may ideya na ako sa nangyayari. At noong nagpakita si Cal ay roon ko napatunayan na tama nga ako ng hinala. Nakatayo siya ngayon sa harapan habang may hawak-hawak na microphone.
Nagpakawala siya ng isang pekeng ubo, at 'yon ang naging dahilan para magsihiyawan ang lahat. Basta ang alam ko, ito ang magiging unang beses na maririnig ko siyang kumanta. Halatang may boses naman siyang maipagmamayabang base na rin sa sinabi ng ibang kakilala ko.
Sa partikular na dahilan ay napangiti ako. Marunong pala siya kahit papaano tumupad sa usapan namin. Akala ko j-in-o-joketime niya lang ako noong sinabi niyang kakanta siya.
"Alam kong nagulat kayo, pero sige lang, magulat lang kayo," maangas na panimula niya. Ang lahat naman ay tumawa pero halata pa rin na ang lahat ay excited nang marinig ang kakantahin niya. "I do not know why I am doing this but yeah-- maybe I really need to sing. . . ?"
Mas lalo pang lumakas ang hiyawan. Kahit 'yong nga katabi niya ay kunware sinusuntok na siya. May sumigaw sa pangalan ni Amethyst kaya mas lalong umingay. Natawa na lang ako dahil parang naging baliw ang lahat.
Mahusay na nagsimula sa pag-strum ng gitara ang guitarist, hanggang sa unti-unting pinalo ng drummer 'yong drum. Hanggang sa lahat nang instruments ay magandang nag-combine. Dagdagan pa na napakaganda ng boses ni Cal. 'Di ko maiwasang 'di makalimutan 'yong ginawa niya sa 'kin.
Parang hinele ako ng baritono niyang boses na halos bumalot na sa sistema ko. Hilig niya ring pumikit kapag naawit 'yong medyo emosyonal na part kaya mas lalo kong nadama 'yong mensahe ng kanta.
It was a great performance, really. At alam kong 'di lang ako ang namangha dahil lahat ng nakapanood ay malakas na pumalakpak.
"Woah! Halatang adik sa chiks, pare!" natawa na lang ang lahat nang umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki na parang lasing. Pero instead na balingan 'yon ay pinirme ko na lang ang mga mata ko kay Cal na na kausap 'yong pianist.
Akala ko ay may kakantahin pa siyang muli pero mukhang wala nang pang-second performance. Ginulo lang ng lalaki ang buhok niya matapos makipag-usap sa pianist saka tumakbo papalapit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang sa 'kin na nga siya papunta!
"Woy, gagi!" 'Di ko na malaman kung ano ang irereak ko. Akala ko nga ay 'di na siya mag-iiwan ng distansya para sa mga mukha namin dahil para talaga siyang flash kanina kung gumalaw. "Anong trip na naman 'to, ha?"
"Ano ngang favorite song mo?" tanong niya sa 'kin na kaagad ko namang sinagot.
"Kahit ano, lalo na kapag kanta ni Justin Bieber," wala sa sarili kong sagot. Aware na aware ako kung ilang mga mata ang nakatingin sa 'kin ngayon. 'Eto kasing lalaki na 'to at parang walang pake sa paligid! Ang pangit lang kasi isipin na marami ang nag-ship sa kanila ni Amethyst 'tapos heto siya at ang lapit-lapit sa 'kin!
'Di ko naman masubukan na ilayo ang mukha ko dahil nakasandal na nga ang ulo ko sa backrest kaya siya na lang dapat ang mag-initiate ng sapat na distansya.
"How's my performance, anyway?" tanong niya at pasimpleng hinaplos ang panyo na nasa noo niya. "It's great, isn't it?"
"Yup," sagot ko. "Ang ganda pala ng boses mo, 'no? Parang boses ng isang international singer."
"Really?" tanong niya pabalik, namamangha sa narinig. "Marami ang nagsabi na niyan. Pero dahil sa nanggaling na rin sa 'yo, siguro ay papaniwalaan ko na lang."
Tumango lang ako ng tipid.
Crap. Ang dami pa kasing nakatingin sa direksyon ko. Baka akalain nilang ako ang humaharot.
"So kahit anong kanta basta kay Justin?" aniya muli, nang tumango naman ako ay naglagay siya ng iilang hibla ng buhok sa tenga ko. May sumipol noong ginawa niya 'yon kaya marami ang nang-asar sa 'kin.
Nakakaloka naman ang mga tao sa paligid ko. Parang kailan lang noong si Amethyst ang inaasar nila 'tapos ngayon ako na naman.
Nakita ko na naman ngang muli ang lalaki sa stage, at binalikan niya 'yong kausap niya na pianist at may ibinulong dito. Makalipas ang ilang minuto ay p-l-i-n-ay nito ang kantang 'One Time' ni Justin Bieber.
At, 'di ko na naman inaasahan na babalik si Cal sa tabi ko. Ngayon ay may hawak na siyang isang bote ng alak. Pinanlakihan ko siya ng mata pero natawa lang siya.
Akala ko ay siya lang ang makakaharap ko -- marami-rami rin pala, dahil dumagsa rin 'yong mga babae na nakita kong nakipagsigawan din kanina. May mga lalaki din naman at sila 'yong madalas kasama ni Cal sa school lalo na kapag kapag rarampa sila sa daan. Overall ay twenty 'ata kaming magkaharap ngayon. Basta ay pinagdugtong-dugtong lang nila ang mga sofa at parang f-in-orm into circle para mas maayos tingnan.
"Ano'ng balak niyo?" kinakabahan kong tanong kay Cal nang palihim. Mas lalo siyang napalingon sa 'kin. Pero di ko alam kung maiinis ba ako o ano nang mahina niya lang tinampal ang mga labi ko gamit ang hintuturo niya. Pasalamat siya at naaalala ko pa rin ang nagawa niyang pagkanta kanina o baka kanina ko pa siya naatake kakaasar sa 'kin.
"Hey, Cal. Kumanta ka. Himala ha," si Amethyst na bagong dating. Bumaling siya sa 'kin at doon siya pumuwesto sa right side ni Cal. "Hello, Chelsy. Narinig mo ba 'yong boses niya kanina? Ang ganda, 'di ba?"
Napangiti ako habang tumatango. "Oo, ang ganda nga."
"Tigilan niyo akong dalawa," komento ni Cal sa sinabi ng babae.
"What? Nagsasabi lang ako ng totoo! Ilang buwan na ba kitang 'di naririnig na kumanta? Medyo matagal-tagal na rin talaga!"
Mayroon pa silang pinag-usapan. Dagdagan pa na maingay rin ang iba kakausap patungkol sa kung anu-anong bagay, mostly ay related sa mga kabastusan. Buti na lang ay Justin Bieber's music ang pinapatugtog noong mga nasa stage kaya 'di na ako masyadong nandiri sa mga pinag-uusapan ng mga kaharap ko.
"Gusto mong uminom?"
Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang bumulong si Cal sa kaliwa kong tenga malapit sa leeg ko. Samantala ay alam kong isang tingin sa kaniya ay magtatagpo nang mga mukha namin kaya 'di ko na siya tinangka pang tingnan.
"Ayaw ko. Masama 'yan sa kalusugan."
"Sigurado ka?" Humalakhak siya na para bang isa akong clown sa paningin niya.
Kung pagtatawanan niya lang naman pala ako, mas mabuti kung kay Amethyst na lang siya bumaling parati. Kaysa naman kakausapin niya ako pero ituturing naman akong isang comedian!
"Hey ikaw si Chelsy, 'di ba?" narinig kong tanong noong isang babae na nasa harapan ko lang. Tuloy ay ang mga mata ng lahat ay napatingin sa 'kin. Isang tikhim tuloy ang nagawa ko. Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong niyang 'yon pero pakiramdam ko ay 'di ko pa rin kakayaning makasagot.
"Yes. She's our new member." Bigla akong inakbayan ni Cal. May ibang tinawag ang pangalan ni Amethyst para paselosin ang babae at may iba na inasar ako. Dahil doon ay mas lalong natawa si Cal.
Gulong-gulo na talaga ako. Gulong-gulo na ako sa set up ng grupo na 'to. Ano ba talaga ang relasyon nina Cal at Amethyst? Hindi puwedeng walang namamagitan sa kanila dahil halos lahat ay inaasar sila sa isa't isa.
"Hindi na namin i-introduce ang sarili dahil marami-rami kami. Hayaan mo na lang kami makilala nang natural," ani noong isang lalaki sa 'kin at palihim na nginuso si Amethyst. Kaya ay napatingin ako sa babae, at nakita ko siyang parang selos na selos na, malamang ay dahil sa 'kin, dahil kay Cal, dahil sa presensya ko.
"Anyway, magsiinuman na lang tayo para mawala lahat ng mga problema natin!" sigaw noong isa, na sinang-ayunan naman ng lahat, well, maliban sa 'kin na hanggang ngayon ay naninibago pa rin kaharap sila.
"Kung gusto mo nang umuwi, sabihin mo lang sa 'kin." Napatingin ako sa katabi ko nang sabihin niya sa 'kin 'yon. "'Wag kang mag-alala dahil ihahatid kita."
Mukhang seryoso siya sa sinabi kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"Mamaya na siguro. After ten minutes," komento ko. In-invite nila akong uminom, ako naman ay todo iling na lang kagaya ng dapat ko talagang gawin. Mabuti na lang talaga at tumigil din sila katatanong.
Kung may problema lang siguro ako ngayon ay 'yon ay nakaakbay pa rin ang lalaki sa 'kin. Hindi na napapansin ng iba dahil nga mas busy sila sa pinag-uusapan nila. Samantala, ramdam ko ang selos ni Amethyst. Katabi niya lang naman ang lalaki pero ramdam ko na hindi pa rin siya kontento.
"'Yong kamay mo, ang bigat," bulong ko sa lalaki para malaman niyang na-a-awkward pa rin ako dahil sa akbay niya.
"What?" Inirapan niya lang ako at mas lalo pa akong inilapit sa katawan niya.
Patay.
"Excuse me lang, guys, may aasikasuhin lang ako." Biglang tumayo si Amethyst, at halata sa boses niya na malapit na siyang maiyak.
"Woy, selos na selos na 'yan, pare! Amuhin mo!" sigaw noong isang lalaki na naka-sando sa katabi ko. Nagpalakpakan naman ang lahat at s-h-in-ip ang dalawa pero si Amethyst ay bigla nang nakatakbo papalayo. 'Di naman ako manhid para 'di makaramdam ng dahilan kaya siya naging ganoon.
"'Di mo hahabulin?" Tumawa ang babae na panglalaki ang buhok. 'Tine' ang tawag sa kaniya ng marami.
"Why would I?" Gumalaw ang maskuladong braso ng lalaking katabi ko nang bahagya siyang umayos ng upo. "So, ano plano natin?"
"Basta ako, game ako! Pang-experience niyo na rin, 'di ba?" opinyon ng isa.
Ang topic kasi nila ay patungkol sa pagbabanda. Dahil nga sa kakakanta lang ni Cal -- which is sabi nila nakakapanibago talaga -- ay pinili nilang lahat na isabak sa mga GIG ang OLYMPUS. OLYMPUS kasi ang name ng banda nila Cal. Hindi ko na lang inalam kung bakit 'yan ang napili nila dahil nakakahiyang magtanong.
"Hindi niyo naman kailangan ng pera kaya for experience purposes na lang talaga ang goal niyo niyan," komento noong isa. Napatango naman ako kasi totoo 'yon.
Hindi na kailangan ng mga miyembro ng OLYMPUS ng pera dahil mayaman naman na sila. Kanina kasi ay napag-usapan nila saglit ang mga business ng family nila, kaya roon pa lang ay alam ko nang angat sila sa buhay.
"You're mentally conversing with yourself again."
Napatingin ako kaagad sa katabi ko nang ibinulong niya 'yon.
"Hindi ako makasabay sa usapan niyo. Pero nakikinig naman ako," ang tangi kong nasabi.
"Ano sa tingin mo? May kukuha ba sa 'min bilang OLYMPUS? What do you think? Do note that I am the main vocalist of the band." Maangas siyang ngumiti sa 'kin.
"Your voice is unique, Cal. It sounds so cool! Napakaganda ng boses mo!" Ginanahan naman akong purihin siya nang maalala kung gaano kaganda ang naging performance niya kanina. "Kaya kung ako sa 'yo, 'di ako titigil sa pagkanta."
Bumitiw siya sa pagkakaakbay sa 'kin at hinarap ako nang maayos. "Hindi naman pagkakanta ang talagang gusto ko. For me, singing is just a cure for my boredom."
"Pero, 'yong boses mo, punong-puno ng emosyon. . ."
"Yeah-- sabi rin nila. Pero libangan lang talaga 'to." Nakita ko ang pagngiti niya na 'di nag-last ng ilang segundo. "So, okay na okay ka na ako pa rin ang magiging vocalist?"
"Why are you asking me like that?" awkward akong napatanong.
"Because you are part of the team now. And so I think I deserve to hear your opinion." Binasa niya ang sarilimng mga labi saka muli na namang pinaglapat ang mga braso namin. Hahays.
"You deserve to be the main vocalist, Cal," parang robot kong sabi na nagpahalakhak sa kaniya.
"And why do you think so?" panghahamon niya pa.
"Because your singing voice is amazing!"
"Hmmm?" bulong niya pa, parang may gusto pang marinig na sagot. "Why do you say so?"
"Because you are Cal!"
"Good." He clicked his tongue against the roof os his mouth so manly. "I am Cal, darling. Keep that in your mind."
'Di nagtagal ay natagpuan ko ang sariling nasa loob na ng sasakyan niya. Ang totoo ay hinanap namin si Amethyst para masabayan niya kami. Pero kahit ilang tawag na ang ginawa namin sa kaniya ay ayaw pa rin kaming pagbuksan ng pinto. No choice tuloy ako kundi mag-isang umupo sa pwesto na 'to.
"Sana tulog na ang mga kaibigan ko ngayon," bigla akong napadasal nang maalala na alas 12 na ngayon at crap! Umaga na pala talaga! "Lord, sana 'di nag-mi-midnightstudy ang mga 'yon. Please. . ."
"Hey. . ."
"Please, Lord!"
"Hey, stop it! Parang Pakiramdam ko isa akong demonyo at panay ang dasal mo habang kaharap mo likod ko." Sabay lingon niya sa 'kin. "Magkita pala tayo bukas sa canteen 'pag recess. Ihahanda ko na 'yong table nating dalawa."
Nag-sign of cross na muna ako at iminulat ang mga mata. "Ayaw ko. Mapaghahalataan na ako ng mga kaibigan ko!"
At isa pa, masyadong public place ang canteen! For sure ay maraming makakakita sa 'min at baka ma-link ang pangalan ko sa kaniya o worst baka kumalat pa!
"Sa library, then?" tanong niyang muli.
"Bakit ba kasi? May meeting tayo? 'Di ba kakausap pa lang nating lahat kanina?"
"Alright. Kung ayaw mo, 'di kita pipilitin." Simple niyang pinaandar ang makina at pinokus na sa daab ang atensyon. "But I am expecting you to come in our frathouse everyday--"
"Ang O.A naman niyan! 'Di kayang gabi-gabi!" Marami pa kaya akong dapat na gawin! At isa pa, hindi ko kayang gabi-gabi na lang tumakas! Okay lang sana kung 'di magkakalapit ang mga rooms namin ng kaibigan ko pero hindi, eh! Isang kalabog sa isang room ay maririnig na rin ng lahat!
"Take your time. Kung kailan ka lang libre bumisita," aniya habang nag-da-drive. Mabuti na lang at kahit badboy siya ay 'di naman siya abusado sa pag-da-drive. 'Pag nagkataon na napakabilis niyang mag-drive siguro 'di na ako kailan man makikisakay sa kaniya anuman ang mangyari.
Kanina, dahil nga sa abala ang lahat patungkol sa banda nilang OLYMPUS ang name ay nakalimutan nilang i-explain sa 'kin ang mga rules ng grupo nila. Kaya sa susunod na bisita ko na lang sila magpapaliwanag. Kahit gusto ko nang malaman ang mga gawain nila bilang grupo ay 'di ko na rin sila mapilit pa dahil ngayon, ngayong alas 12 na ng umaga, gusto ko nang matulog! Na-mi-miss ko na ang higaan ko!
Wala kaming imikan ni Cal sa daan. Sa awa naman ng Diyos ay ligtas niya akong naibaba sa harapan ng building namin. Sinadya niyang ibaba ang bintana ng sasakyan para makita at makausap ko siya mula sa loob.
"Pumasok ka na, panonoorin kita."
"Good night, Cal." Ngumiti ako. "I mean, good morning na pala."
"Yah-- see you tomorrow. Later, rather."
Tumango na lang ako. "See you."
Matapos noon ay pumasok na ako sa building. At doon ko lang naramdaman na umalis ang sasakyan niya noong nakatapak na ako sa mismong pathway ng building.
Mabilis akong nakarating sa room namin. At dahan-dahan, nang 'di nag-iiwan ng kung anumang ingay, nakapasok ako sa room. Madilim pa rin ang paligid kaya nakahinga ako nang maluwag. Ligtas din akong napasok sa kwarto kaya halos isuka ko na lahat ng kaginhawaan.
Nagpalit na ako ng damit. Basta ang alam ko, inaatok na talaga ako. 'Di ko na kayang makapag-review.
"Woy, gaga! Gising na! Ilang beses na kitang tinatawag. Punyeta ka!"
Gigil na gigil na si Johoney ang nabungaran ko pagkagising ko. Nakatayo siya sa dulo sa kama at naaasar siyang nakadungaw sa 'kin. Nang nakita niyang gising na ako ay roon siya napabuntong-hininga.
"Ay, patay! Late na ako!" Bigla akong napabangon. Actually ay 'di pa naman talaga kami literal na late, may kakaunting oras pa kaming natitita pero sobrang ikli na nga lang talaga. "Woy, una na kayong pumasok! Maliligo pa ako, e'!"
Kung hihintayin kasi nila ako baka lahat kami ay ma-late!
"Ha? Hindi! Hihintayin ka namin!" sigaw niya at tumalon papaalis sa kama. "Mukhang puyat ka kaka-study kagabi kaya naiintindihan ka namin."
Parang gusto ko na lang mahimatay sa narinig. Sana nga ay napuyat ako dahil kaka-study at 'di dahil kakatakas.
"Sige, sige! Promise, mabilis lang 'to." Kinuha ko na ang towel ko.
Nang tapos na ako maligo at makapagbihis ay dumiretso na ako sa kusina para sabayan sila kumain. Naku. Kung sakali na late kami ay sisisihin ko talaga ang sarili ko.
"Kain na, Chelsy. Masarap din luto ni Johoney ngayon," aya ni Allysa sa 'kin habang nakangiti.
"Sanaol kasi 'di ba puyat kaka-study. Eh, ako na nakatulog kagabi!" Pinagtawanan ni Pearly ang sarili.
Napaubo na lamang ako sa kaisipan na inaakala nilang puyat ako kakaaral bago muling nagsinungaling, "Kailangan. May quiz mamaya, e'."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top