C H A P T E R 11
"Stop bothering me, Chelsy. May ginagawa pa ako!"
Galit akong tiningnan ni Kuya Adrian, pero ang mga mata niya ay muling bumalik sa laptop. "I said stop-- Why can't you just leave me alone?!"
"May nakita akong babae sa laptop mo! It's really a woman and I am expecting that she's your girlfriend or a fling! Well, mas malaking tyansa na girlfriend mo 'yon because you flirting is not part in your vocabulary."
"Just..." He panicked. Nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang masabi. Kasi totoo 'yong sinabi ko na nahuli ko talaga siya. He was smiling and his giggles were the proof that he's in love! "Mind your own laptop, Chelsy Cattaneo. You are not funny anymore," saway niya sa 'king muli.
"Babae 'yon, eh! Ka-chat mo pa nga 'ata!"
Napakamot siya sa sariling batok. Oh my God!
"You're misunderstanding everything. Seryoso, unahin mo na 'yang mga school works mo. You can gain nothing by teasing me."
"So, you are being teased, huh?" Humagikhik ako.
"Stop--"
"Gusto ko lang naman magtanong pero 'yong dating pala noon is panunuya na kasi 'yon talaga ang pagkakaintindi mo." Kinurot ko ang tiyan niya at halos mapatalon na ako sa kilig nang nagpigil siya ng ngiti. Oh, see? Hindi ako maaaring magkamali dahil malinaw 'tong mga mata ko. "Kuya, sabihin mo ang name. Promise, 'di ko sasabihin kahit kanino."
Madrama siyang bumuntong-hininga. "Wala akong pangalan na dapat sabhin. Stop bothering me." Masungit niyang isinara ang laptop 'tapos parang ewan na nag-type kahit na natakpan naman na ang keyboard. Panay na tuloy ang tawa ko kaya kaagad niya ring na-realize ang ka-shungahan.
"Uuwi si Mama ngayon since sinabi ko rin sa kaniya na nandito ka," paglilihis niya ng usapan. "And, yeah, Ry and I talked."
Doon ako natigilan. Napawi ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ko at kaagad napanganga. Natuwa ako sa narinig pero mas umapaw ang pagtataka kaya 'di ko magawang makapagsalita kaagad. Ewan ko kung panaginip ba ang nangyayari ngayon o ano. Basta ang alam ko ay masaya ako. Masayang-masaya na tipong binabalot na ng mga luha ang mga pisngi ko.
"What a crybaby." Tumayo si Kuya at ipinasandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. "I promised to you that we'll find him, right? Then ngayon nakita na natin siya."
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang buwan ang nagdaan simula noong umalis siya nang 'di nagpapaalam. Walang kalalagyan ang saya ko ngayon. Sa wakas, si Kuya Ry. . .
"P'wede ko naman na siyang makausap ngayon, n-no?" parang bata kong bulong. Tumutulo na ang sipon ko pero wala na akong pake dahil ang mas mahalaga ay sa wakas natupad na rin 'yong isa sa mga hinihiling ko na mangyari. "Thank you, Kuya. You have no idea how happy I am now. . . 'Di ko alam kung paano kita mapasasalamatan."
Humiwalay ako sa kaniya dahil na-basa ko na ang t-shirt niya. Pareho kaming natawa nang mapansin namin 'to.
"Stop crying, will you?" mapagbiro niyang sabi at pinitik ang noo ko. "At isa pa, miss na miss ko na rin ang kapatid ko na 'yon."
"Anong nakalap mo patungkol sa kaniya?" 'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Sabi mo nag-usap kayo, 'di ba? Edi ano'ng sinabi niya?"
"He's fine. Kamag-anak din naman natin ang kasama niya ngayon. Well, sadly, I can say that he's not fixed yet."
"What do you mean?" tanong ko kahit ang totoo ay alam ko naman na ang sagot. It's all about her again.
"Faith. Alam naman nating lahat na siya talaga ang dahilan, 'di ba?" Bumalik siya sa inuupuan niya kanina, at naiwan lang akong nakatayo, pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "I feel sad about them. Panay pa naman ang ship ko sa kanila noon 'tapos ngayon . . ."
"A-Are you even serious?" natawa ako habang umiiyak.
"Just kidding, of course." Sinenyasan niya akong umupo, na ginawa ko naman, at muli siyang nagpaliwanag. "Ginawa ko 'yong makakaya ko para masabi niya lahat sa 'kin. But he only said that he's trying to found himself at tapos!"
"He's into her still," bulong ko. "Kilala ko ang lalaki na 'yon, eh." Suminghot akong muli. "Pero mas mabuti na ngayon since nakikipag-usap na siya sa 'tin."
"But he requested for us not to tell to our parents that we're communicating."
Saglit na lumaganap ang katahimikan.
"That's easy to do though. Minsan na nga lang natin makausap sina Mama at Papa, 'di ba?"
"And now you're being emotional again, my dear sister."
"Kuya!" asik ko. Gusto ko lang naman na sabayan niya ako sa kadramahan ko. Six P.M. na ngayon at pinili kong dumaan muna dito para makita siya nang nag-text siya sa 'kin kanina na bibisita siya rito. "Anyway, pakisabi kay Kuya na miss ko na rin niya. Also tell him to reply to my messages! Ano'ng akala niya sa sarili niya? Famous?"
"He's famous," pambabara niya sa 'kin.
"Oo nga! Sino bang may sabi na 'di siya sikat? Baka ikaw!" Kaagad akong napangisi nang may maalala. "Woy, Kuya, sino nga pala 'yong babae sa laptop mo kanina?" Akala niya siguro nakalimutan ko na ang patungkol sa bagay na 'yan, pwes hinding-hindi. Hindi ako titigil hanggang kusa na talaga siyang umamin sa 'kin.
"She's just someone I know," walang gana niyang sagot.
"Edi, babae nga!"
"Babae dahil 'yon naman ang pinaniniwalaan mo. Edi, babae. Easy. . ."
"Pinapahirapan mo ako, Kuya, ha. Don't worry, next week, alam ko na kung sino 'yang biktima mo."
"Wow," he laughed. "Sagutan mo na lang 'yang mga assignments mo."
Nakangiti akong bumalik kakatitig sa mga notebooks ko at panay na ang ngiti ko. Sabi ko na nga ba. Hindi talaga ako matitiis ni Kuya. Alam kong nasasaktan pa rin 'yong hanggang ngayon, kaya hinihiling ko na sana ay maging okay na rin siya. Sa kanila ni Faith -- I am hoping for the best for them.
"He's calling."
Kaagad akong napatayo -- 'yong mga ballpen ko nagpagulong-gulong na nga sa kung saan-saan -- nang sinabi 'yon ni Kuya. Nakaharap siya sa laptop, at halos idikit ko na ang sarili sa kaniya kaya kaagad kong nakita ang screen.
"Kuya Ry!" halos maubos na ang hininga ko dahil sa pagsigaw ko na 'yon. Nakasuot ng black cap si Kuya Ry at nakaupo sa isang sofa na color white. Halata ang lungkot sa mga mata niya pero alam kong tunay naman na ngiti ang binibigay niya sa 'min ngayon. "Kumusta ka na riyan, Kuya? May nahanap ka na bang kapalit ni Faith?"
"Oops, wrong question." Tumawa nang malakas si Kuya Adrian sa tabi ko.
"That's not funny, Chelsy Cattaneo," parang boss na sabi ni Kuya Ry mula sa screen. Kung kanina ay 'di maipinta ang gwapo niyang mukha ngayon ay mas lalo siyang nagmukhang masungit, halatang 'di pa rin nakaka-move on. Nag-jo-joke lang naman ako kanina, ha. Kasalanan ko ba kung mali ang interpretation niya?
"Kuya, ayos ka lang ba riyan?" tanong ko na naman. "I have missed you."
Lumambot ang mga mata niya. "Words are not enough to say how I miss you all," sagot niya sa 'kin. "But I am gonna face the circumstances of my actions, Chelsy. Besides, you are already old enough to be happy without me, right?"
"That is--" 'Di ko maisatinig ang kalungkutan ko dahil sa narinig. "What's your goal, ha? To make me cry?"
"Maybe." Siniko ko si Kuya Adrian nang siya ang sumagot.
"You're old. Wag ka nang umiyak," saway ni Kuya Ry sa 'kin. Nag-aalala siyang tumingin sa screen. "Babalik naman ako riyan sa susunod."
"Kailan?" tanong ko.
"I won't mention an specific date."
"Ang unfair mo! Nagtatago ka mula kay Faith, eh, alam mo namang kailangan ka noon -- kailangan ka namin!"
"Kailangan ko pa bang gumawa ng isang essay para maintindihan mo ako?" parang nainis ko siya kaya muli akong napanguso at pinakinggan na lang siya. "But seriously, Chelsy. Siguro nga oo, magkalayo tayo, but as you see. . . We still have the connections"
Noong gabing 'yon kalahating oras nagtagal ang pag-uusap namin ni Kuya Ry. Ilang beses ko man siyang tanungin kung kailan siya tiyak na babalik ay wala pa rin kaya ako na rin ang mismong sumuko. Although he promised one thing, at 'yon ay ang lingo-lingo niya kaming kakausapin.
Noong gabi rin na 'yon, bumisita rin si Mama sa mansyon. Although 'di nga lang niya kasama si Papa dahil nasa ibang lugar daw 'yon kung saan siya naka-assign. At syempre, sinunod ko 'yong sinabi or should I say pakiusap ni Kuya sa 'kin. Hindi ko sinabi kay Mama na nagkausap kami ni Kuya Ry.
@CalRamirez: you're not here.
Kumunot ang noo ko nang kaka-facebook ko pa nga lang ay 'yon na ang sinabi ni Cal sa 'kin. Nasa kwarto na ako ngayon ng sarili naming apartment at 8 ng ng gabi. Tahimik na ang paligid at dapat nga ay nag-aaral na ako ngayon para kapag may surprised quiz ay handang-handa na ako.
Nag-send na lang ako ng message sa kaniya na bawal na akong lumabas. Pero kinabahan ako ng todo nang ang sinagot niya ay 'Make a way. I will wait'.
Ano nang gagawin ko? Gusto ko ring pumunta sa usapan namin ng lalaki na 'yon kanina roon sa library pero 'di ko kayang labagin ang rules na napag-usapan namin ng mga kaibigan ko. At saka, saan ba ako sasakay nito kung saka-sakali na aalis nga ako? Edi, pahirapan talaga 'to!
Cal: I know your new address and I am outside. Ang daming lamok.
Nanlaki ang mga mata ko. Kaagad akong napabangon at 'di ko na alam kung saan ako pupunta. Saan na ba ako nito, ha? Aalis ba ako o aalis?
Chelsy: Magbibihis muna ako.
Wala na. The end na. Na-send na ang message at wala na talagang bawian 'yon!
Cal: Good.
Bago ako lumabas ng room, sinigurado ko na 'di nakalikha ng ingay ang mga yapak ko. Sure akong gising pa ang mga kaibigan ko kaka-study kaya kinakabahan pa rin ako. Bagaman ganoon ay ligtas akong nakalabas ng building suot-suot ang oversized jacket. May sunglasses na rin ako para sure na walang makakakilala sa 'kin. Panay ang lingon ko sa kung saan.
"Good eves, Miss." Isang ngiti na 'di ko matukoy kung ano ang iginawad ni Cal sa 'kin. Hindi ko na siya sinagot pa at pinagbuksan ko na lang ng pintuan ang sarili. "You did not greet me back," sabi niya naman nang nakapuwesto na siya sa driver's seat. "Seatbelt."
"Ay, oo," bulong ko at ikinabit na ang seatbelt sa katawan ko. Ang ginaw. Basta ang alam ko giniginaw pa rin ako kahit may jacket na ako.
"Papatayin ko ba ang aircon?" dinig kong tanong niya.
"Yes, please."
"Are you alright?"
"Hindi." Napataas ako ng kilay sa kaniya. "Tumakas ako, alam mo ba 'yon?"
"I never encourage you to." Tumawa-tawa siya na para bang 'di siya nag-send kanina ng message na 'I will wait'.
"Mag-drive ka na lang. Baka may makahuli pa sa 'tin."
May binulong-bulong siya na 'di ko naman marinig. Matapos noon ay biglang lumamig ang paligid, kaya pala ganoon ay dahil sa in-on niya na naman ang aircon! Nang-ba-bad trip talaga!
"Cal," saway ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Pintudin mo. I-off mo. Giniginaw ako."
"Hali, lumapit ka. Ba't kasi nandyan ka sa likod?" Nagkagat labi siya at isang segundong napanguso para lamang asarin ako.
"Gabi ngayon. 'Wag mo akong asarin." Kaunti na lang talaga. At baka sa kaniya pa mapunta ang mga suntok na unan ko lang ang nakakatanggap.
"Bahala ka," aniya at 'di sinunod ang sinabi ko, kaya ay asar na asar talaga ako. Buong biyahe ay talagang gininaw ako. Panay na ang yakap ko sa sariling buong oras pero ang isa riyan panay lang ang tawa na para bang may nakakatawa kahit wala naman talaga!
"Chelsy," tawag niya sa 'kin at hinabol ako nang walang lingon-lingon akong lumabas ng sasakyan. At syempre, dahil sa mas mataas ang mga binti niya kaysa sa 'kin ay kaagad niya akong nahuli. Napatingala ako sa kaniya at gusto ko nang kumawala sa hawak niya pero 'yong mga mata niya. . . Nasa mga labi ko.
"Ang sama mo, alam mo ba 'yon?!" asik ko sa kaniya. "Ginaw na ginaw ako, Cal! Kung sa 'yo biro lang 'yon sa 'kin h-" Natigil ako nang na-realize na muntik nang mabasag ang boses ko.
"Sorry," parang napipilitan niyang ani. Nakahawak pa rin siya sa mga siko ko at mas lalo pa nga 'tong humigit. "Akala ko umaakto ka lang na giniginaw."
"Wow! Look at my jacket daw. Aba, makiramdam ka naman kung ba't ganito ang suot ko."
"Dahil giniginaw ka," parang napipilitan pa rin siya. Parang isang mahirap na gawain ang paghingi niya ng sorry sa bagay na pinagtatawanan niya kanina. Sa katotohanan ay siya ang unang tao na in-on ang AC kahit ginaw na ginaw na ako. Ni ang mga Kuya ko nga ay tatanungin pa ako bago paandarin o patayin ang AC 'tapos. . . Ayaw ko nang magsalita pa.
"Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. Ang hirap mong kausap, eh." Tinulak ko na siya. Good thing at 'yong parang receptionist ng bahay na 'to ay 'di na ako tinanong pa. Roon na ako tumungo sa madalas kong inuupuan. May parang banda ngayon dahil napansin ko ang mga gitara at kung anu-ano pa sa stage.
"Chelsy." Mukha ni Amethyst ang nakita ko paglingon ko. Nakasuot siya ngayon ng isang dress na pang-bata pero dahil siya ang nakasyot nito ay bigla 'tong naging eye-catcher. Nahiya ako sa jacket ko. Balot na balot ako. "Nakita mo ba si Cal?"
Nasa labas, sana nga 'wag nang pumasok rito.
"Okay, sorry kung feeling close ako," sabi ni Amethyst at parang nahiya.
"Ay, 'wag. Okay lang." Paulit-ulit akong umiling. "Nakita ko si Cal sa labas. Paparating na 'ata 'yon."
"Welcome pala sa family," aniya na medyo ikinagulat ko. Malamang ay dahil sinabi ni Cal sa kaniya. "I don't know if I should say this but can you promise that you won't tell anyone about this? Kahit sa mga kaibigan mo -- hide this thing from them."
Napatikhim ako sa kaba. "I promise. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino."
Ang totoo ay 'di ko matukoy ang tamang dahilan kung ba't ako nandito. Siguro dahil sa curious ako? Siguro dahil wala akong choice? O siguro kinulam lang talaga ako ni Cal? Hindi ko talaga alam. Pero desisyon ko 'to, kaya paninindigan ko 'to.
"That's good to know. Pero rest assured na mabait kaming lahat dito. We're not as bad as what you think." Ngumiti siya sa 'kin.
"Ay, hindi kayo masama sa isipan ko," ani ko kaagad. "Ay, noong una ko kayong nakita, masama nga ang naisip ko, pero 'di nagtagal naging okay naman na."
'Di nagtagal ang usapan namin dahil nakipag-usap din siyan sa iba. 'Eto talaga ang gusto ko sa lugar na 'to. Pakiramdam ko kasi ay 'di ako madaling mag-bore kahit ilang minuto pa akong mag-isang tumingin-tingin sa paligid.
"Ipapakilala kita sa kanila mamaya. You're here as a new member, okay?" Biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at walang kibong tumango. "So, you're still mad at me, huh?"
'Di pa rin ako nagsalita.
"As I said, 'di ko 'yon sinadya. If I just could turn back the time, I would really turn that fucking aircon off."
Mariin ko pang tinikom ang bibig ko.
"Chelsy, 'di pwedeng wala kang sabahin." At ngayon ay siya na naman 'tong nanggigigil? Siya ang may kasalanan! "I fucking set aside my pride for me to apologize to you but you're just acting like you did not hear me at all!"
"Chelsy." Inabot niya ang braso ko. "Gusto ko nang magsigarilyo, pero galit ka pa."
Doon ako napalingon sa kaniya. "Anong connect?"
"I can't feel the cigarettes if someone is mad at me."
Edi wow.
"Hindi ako galit sa 'yo. Galit ako sa ginawa mo."
Naging matunong ang pagngisi niya. "How can be that possible? Kapag galit ka sa ginawa ko that means na galit ka na rin sa 'kin." Naging clown siya sa part na 'yong sanang itatawa niya ay naging buntong-hininga. "Sige na. Ano'ng gusto mong gawin ko?"
"Kumanta ka."
"The hell?" Parang nabilaukan siya sa narinig mula sa 'kin.
"... O sumayaw."
"Hindi marunong sumayaw ang lahi namin."
"Kaya nga kumanta ka," mariin kong sabi para mahalata niya na ayaw ko nang makipagtalo. Ang simple lang naman ng hinihingi ko ayaw pang maibigay. For sure ay kaya niya namang kumanta since usap-usapan nga ang boses niya sa school.
"Mamaya."
Napangiti ako sa sinabi niya, at wala pang isang minuto nang may sigarilyo na sa daliri niya. Nalanghap ko ang usok kaya lumayo pa ako lalo sa kaniya.
"Wanna try?" tanong niya sa 'kin, or should I say, pang-aakit niya sa 'kin. Kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata.
"Nagbibiro ka ba?!"
Humalakhak siya, sa paraan na mas lalo akong nainis. "I was just asking you incase you are just waiting for my invitation."
"Madali kang mamamatay niyan kaya hala at manigarilyo ka nang manigarilyo."
"Mamamatay rin naman tayong lahat kaya sulitin na ang buhay."
Kung may dala lang akong pamalo ngayon ay baka kanina ko na siya inatake. Gusto ko man siyang pangaralan kung gaano kadelikado ang paninigarilyo ay alam kong wala pa rin 'yong silbi dahil siya 'yan. Wala 'yang ibang papakinggan kundi 'yang sarili niya lamang.
"Just try it, Chelsy. Wala namang mawawala," pamimilit niya sa 'kin. Kaya halos manginig na ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin at 'di nag-iwan ng distansya. Talagang. . . Dinikit niya ang sarili sa 'kin.
"Ano'ng ginagawa mo?" Sabay tulak ko nang marahan sa kaniya.
Bahagya naman siyang umurong pero ang lapit niya pa rin sa 'kin. Parang kaya niya pa ring malanghap ang hininga ko.
"God," mahina niyang bulong, nakayuko. "I think I am in danger."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top