C H A P T E R 10
"'Yong gusto mong umutot pero bawal kaya pinigilan mo na lang."
Tawang-tawa kami kay Pearly sa mga pinagsasabi niya. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop at 'ayun na si Johoney sa counter para mag-order ng drinks. Hawak-hawak ko ang phone pero ang atensyon ay na kay Pearly talaga.
Ang daming tao pero panay pa rin ang salita niya. Okay lang sana kung medyo mahina ang boses niya pero-- anyway, bahala na, parang ang boring din naman ng paligid kung 'di siya panay kwento.
Nang dumating si Johoney ay ini-off ko na ang data ko dahil. . . Dahil malabo namang mag-send pa ng panibagong message ang Cal na 'yon. Sinabi niya lang kanina 'yong patungkol bukas 'tapos done.
"Mag-t'-take-out ako. Kayo ba?" tanong ni Pearly sa 'min, at tumango naman kaming lahat. Tama nga talaga si Allysa noong sinabi niya na dapat sulitin namin ang linggo na 'to dahil paniguradong bukas panibagong stress na naman.
Matapos noon ay kung saan-saan naman kami pumunta -- bumalik sa mall, pumunta sa park, at nakitambay roon malapit sa palengke. Maayos ang panahon kaya feel na feel talaga namin ang moment. Dagdagan pa ng idea na 'pag uwi namin ay sa iisang apartment ang tuloy namin kaya talagang nakaka-goodvibes.
"Selfie muna tayo. Pang-remembrance." Hinigit kami ni Johoney at kahit 'di pa ready ang mga mukha namin ay ilang pics na ang nakuha niya. I looked so happy on those photos, and so did my friends. Them being active in their social media accounts posted our photos. Ako naman ay tamang myday lang. T-in-ag ko na rin sila at baka magtampo pa.
Nakaupo na kami ngayon sa isang pahabang upuan kung saan kasya kaming apat. Sa likod namin ay may maliit na fountain kaya sandali na naman kaming nag-selfie.
"Ang daming nag-heart ng myday ko!" bigla akong nakapagmayabang nang makita ang dami ng views ng myday ko kahit 10 minutes pa lang ang nakararaan nang i-post ko 'to.
"Patingin," si Johoney at sumilip na ginaya naman ng tatlo. Halos kagatin na nila ako nang makita ang photo na p-in-ost ko. Sa photo ay ako lang naman ang maayos ang pagkakakuha at silang lahat ay halos 'di maipinta ang mukha -- si Allysa nakapikit, si Pearly ang laki ng bunganga, habang si Johoney naman ay malaki ang isang mata 'tapos napakaliit naman ng isa.
"Ang ganda kaya!" pangangtwiran ko na naman.
"Ang ganda, eh, para kaming mga ewan!" pagmamaktol ni Johoney. "I-delete mo, dali!"
"Sayang 'yong views," sabad ni Allysa. "Dami na ring nag-react kaya hayaan na."
Tawang-tawa ako sa sinabi niya lalo na noong walang ibang nagawa si Johoney kundi sundin si Allysa. Gusto ko rin sanang i-post bilang story ang pic sa Insta pero 'wag na lang pala. Sapat na 'tong almost 1k viewers ko sa Facebook.
"Ngii, ang pangit talaga!" si Pearly na naman. Nakatitig siya sa cellphone niya ngayon kung saan nandoon din ang myday ko.
"Ang ganda kaya natin! We're so gorgeous!" Ngumuso ako. Maganda naman talaga kaming lahat sa pic, eh, medyo 'di lang talaga maganda ang pagkakakuha.
Nakita ko rin sa notifications ang sunod-sunod na pag-tag nina Pearly at Johoney sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang 'yong picture kung saan ang pangit ko tingnan ang in-upload nila! In, short bumabawi! 'Di na ako nag-attempt pa na ipabura 'yong pic dahil siguradong 'di rin naman ako susundin.
Mabuti pa 'tong si Allysa. Nakikinig lang siya sa asaran namin at nakikitawa. Meroon naman siyang mga social media accounts pero siya talaga 'yong tipo na hindi active sa mundo ng internet. Madalas ay mag-o-on lang 'yan ng data 'pag may research na gaganapin. May lamay nga sa timeline niyan, eh.
"Woy, tangina, may nag-mine sa 'kin!" tili ni Pearly.
"Sino?" ako naman na kuryuso ay napatanong.
"Sarili ko. Hehe. Self-love."
Nabatukan siya ni Johoney.
"Pero seryoso, daming nag-mine sa 'kin. Mga negative ten percent lang naman!" pangungulit ni Pearly. Dahil nasa hulihan siya ay kailangan ko pang taasan ang leeg para makita kung ano'ng nasa screen niya. "Oh, 'di ba? Sabi ko sa inyo, eh. Sa 'kin, sampu ang nag-mine--"
"Nine lang. Sarili mo 'yong isa 'ata, eh. Sabi mo, self-love," pambabara ni Johoney.
"Shut up ka nga! So 'eto na. Ten people mine-d me. Sampu din kina Allysa at Chelsy at isa lang kay Johoney."
"Aba!" Humalukipkip si Johoney. "Marami akong supporters, 'no? Silent nga lang. Alam mo na. . . They like adoring me from a distance. . . "
"Source: your dream," si Allysa.
"Allysa naman! Sana pinatulan mo na lang kasi, eh, 'no!" Pabirong umirap si Johoney. Kaya 'ayun at tawang-tawa na naman kaming lahat.
Naka-on ang data ko kaya nang may tumunog na 'ting' ay napatingin ako sa screen nito. Bigla akong na-excite nang makita ang unread message ni Cal sa inbox ko. Marahil ay reply niya 'to sa story ko.
Cal viewed your story.
@CalRamirez: Allysa's pretty.
Nawala ang ngiti ko. Ano ba ang dapat ko i-comment sa sinabi niya? Undeniably, Allysa really is pretty. 'Di ko 'yon makontra dahil maganda talaga kaming lahat ng mga kaibigan ko.
@CalRamirez: pero imamine kita, darling :-)
@ChelsyCattaneo: typing. . .
@CalRamirez: Let's just meet at school by tomorrow.
@ChelsyCattaneo: typing. . .
@CalRamirez: sige lang. Tagalan mo pa ang pagtatype. mas lalo kang mahuhulog niyan.
I don't know but. . . The last message I have received from him urged me to feel something I even can't not explain. Sadyang. . . Natagalan lang talaga ako ng pag-ta-type dahil wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. O baka may masabi nga ako pero wala namang sense, at 'yon nga ang ayaw ko mangyari.
"Oh, pagod na ba kayong lahat?" tanong ni Johoney sa 'min.
Tumingin ako sa paligid at halos mapaigtad ako nang makita ko na nakatingin na pala si Allysa sa 'kin! Gusto ko siyang tanungin kung nahuli niya ba akong may ka-chat pero masyado naman 'atang awkward 'yon!
"Chill. Nakita kitang busy kaka-type pero 'di ko naman nakita kung sino ang kausap mo," pag-a-assure ni Allysa sa 'kin. Gusto kong maniwala pero 'yong puso ko parang gusto nang kumawala sa sobrang kaba.
"I am just searching for a new documentary to watch," ang tanging lumabas sa bibig ko, na mas lalo namang nagpatawa sa kaniya kaya muli akong napayuko. "Si Kuya lang naman talaga ang kausap ko kanina. Basta, si Kuya."
"I'll just also pretend that you were not smiling earlier as if you were feeling butterflies in your tummy," panunuya niya sa 'kin.
"Woy, ano 'yang pinag-uusapan niyong dalawa?" halos ihalik na ni Johoney 'yong mukha niya sa 'kin.
"Wala nga." Sabay iwas ko ng tingin sa kanila. Tumayo na rin ako para mas maging effective ang pag-chi-change ng topic. "Gutom na ako. May nakita akong restaurant sa may banda roon. . ." Kung saan na ako nagtuturo-turo. "Basta roon."
Nagbulungan sila sa harapan ko at tumawa nang malakas. Napaka-supportive talaga nila. Ramdam ko, eh.
"Sabi ko sa inyo, eh, may ka-bebe time na Chelsy natin," si Johoney at halos abutin ko na 'yong bewang niya para makurot siya.
Madali siyang nakailag. "Totoo, 'no? Kasi defensive? Sino 'yang lalaki na 'yan, ha? Name reveal naman diyan!"
"Bebe time ba kamo?" sawsaw ni Pearly. "'Yang mga ganiyan sa una lang talaga masaya."
"Ay, broken ka, 'te?" Humagalpak ng tawa si Johoney.
"Totoo naman! Iiyak ka rin, Chelsy!"
"Grabe naman 'yan," ang naging reaksyon ko at nagpatuloy na sa paglalakad, habang sumunod naman sila sa 'kin.
Alas 12 na ng tanghali kaya 'di na ako magtataka nang medyo sumakit ang tiyan ko. Isang oras kaming tumambay sa kainan hanggang sa namalayan na naming papauwi na kami. Using something -- I don't know kung app ba 'yon o ano -- Johoney booked a drive for all of us.
Hapon na kami nakauwi kaya kaniya-kaniya kaming higa sa sahig ng living room. Silang lahat ay nakatulog at ako lang ang naiwang gising na gising, siguro dahil hindi sa pagod ko nakatuon ang atensyon ko kundi sa usapan namin ni Cal kanina.
For some reason ay natukso na naman ako ng phone kaya na-on ko 'to sabay on na rin sa data. At tada, he's still online -- the small green circle is the proof that he really is.
Tamang backread ay muli na naman akong nakaramdam ng kakaiba. Parang 'di ko 'ata magawang magsawa kakatingin sa mga chats niya, hanggang sa umabot sa punto na s-t-in-alk ko na rin siya. Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko 'to sa kaniya.
I am expecting a bio but there's nothing I found. Then, mostly sa mga pics niya ay hindi kita ang mga mukha niya.
Ni isang sharedpost ay wala akong nakita. Ni isang talkshit ay wala rin akong napansin. Puro tags lang ang namataan ko sa timeline niya.
Kinabukasan naman, sabay-sabay kaming nagising ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang at bawat kwarto ay may sariling C.R. kaya 'di na namin kailangan maghintay nang matagal. Nakaabot naman kami sa flag ceremony ng school. 8 kasi ang start then saktong pagpasok namin ang pagtunog ng speaker. As usual, ganoon pa rin ang nangyari.
Ngayon ay abala na naman kami para sa talk show namin para sa OralCom. Ako 'yong naging scriptwriter at si Allysa naman ang director. Sina Johoney at Pearly kasi ay nasa kabilang grupo. Nasa school ground na kami ngayon at mostly sa nakikita ko ay mga SH students din.
I thought STEM students lang ang nasa area na 'to pero nang makita ang mga HUMMS Students na parang nag-pe-perform sa P.E. nila ay na-realize ko na mali pala ako ng hinala. I spotted Amethyst in her SSG uniform. Naka-school jogging pants niya. Kagaya ko ay naka-half bun din ang buhok niya. Feeling ko 'di pa niya ako napapansin since nakatalikod siya sa 'kin.
"Ikaw, Trisha, ang dapat bumati 'tapos hihintayin mong makaupo si Janna bago ka umupo," paalala ko sa kanila. "At-- Cal?"
Napalunok ako nang makita ang pagdaan ng isang grupo. Hindi lang naman ako ang natigilan dahil halos lahat kami ay natulala. Cal with his group mates just made a gorgeous walks. Taas-noo at walang lingon-lingon silang naglakad.
"Ngayon ko lang na-appreciate ang school uniform natin," dinig kong ani ng isa sa mga kasama ko, at obvious naman na si Cal ang tinutukoy niya dahil alam naman ng lahat na nakasanayan na naming makita ang 'Cal' ng campus na 'di uniform ang suot.
"Tuloy na tayo?" pukaw ko sa lahat nang magtama ang paningin namin ni Cal. Mabuti na lamang at sinabayan ako ni Allysa sa pagsasalita kaya 'di na ako masyadong kinabahan. Umupo ako sa libreng upuan kasi nag-da-direct pa si Allysa.
Nang lingunin ko ang isang building kung saan ko nakita si Cal kanina ay naroon pa rin pala siya. Siya na lamang mag-isa at nakasandal sa pintuan ng isang room. He's looking at my direction pero hindi ako sigurado kung sa 'kin ba siya nakatingin o ano. Maaari naman siyang tumingin kay Amethyst at 'wag na lang akong-- ayaw ko nang mag-isip pa.
"Tinatawag ka 'ata, Chelsy!" narindi ako sa sinigaw no'ng isang student na 'di ko naman ka-strand at mas lalong 'di ko naman classmate. Sa tingin ko ay ABM student siya since parang nakita ko ko siya noong nasa ABM floor ako.
"Ha?" nagmaang-maangan ako.
"Sabi niya type ka 'ata ni Cal!" sabad naman ng isa kong classmate. Inasar nila ako, kaya 'di ko na mawari kung mukha pa ba ang mukha ko o ano.
Sumilip ako sa direksyon ng lalaki at nakitang nakamasid pa rin siya sa 'kin at ngumisi nang mahuli ang mga mata ko. Ewan ko ba kung pinag-ti-trip-an niya ba ako noong tinanggal niya ang panyo sa noo niya o talagang masyado lang akong assuming.
"Woy, Chelsy, magsalita ka raw!" panunuya na naman ng isa sa 'kin. Mas lalo akong napapikit nang marinig na nakikisabay na rin pala si Allysa sa mga tili. Ewan ko kung anong nangyari sa 'kin at inikot ko ang upuan para 'yong likod ko na lang ang mapansin ni Cal.
"Gagi! Kinikilig ako sa inyong dalawa!" sigaw na naman ng isa. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Pati ang mga students na sana'y makikidaan lang ay napatigil para magtanong kung ano ang nagyayari.
"Tapusin na natin ang practice, guys. Bumalik na tayo sa room." Mahina na ang boses ko at awkward ako na tumayo. Gusto ko sanang tumakbo pero 'wag na lang pala at baka mas lalo lang akong mapahiya.
"Malapit na matapos ang time. Tara, balik na tayo sa room," si Allysa bilang lifesaver ko. Walang nagawa ang iba dahil totoong ilang minutes na lang ay start na naman ng panibagong subject. "Ikaw ha, may napapansin na ako," bulong kaagad niya.
Inakbayan ko na lamang siya at napangiti habang umiiling. I left Cal in there. Kung ano man ang pakay niya kanina sa 'kin ay sure akong may kinalaman na naman 'yon about mamayang gabi.
Nang mag-recess ay parang may mangyari na naman na kung ano sa labas. Narinig ko ang pangalan ni Cal kaya halatang malapit lang siya sa 'kin ngayon.
"May narinig akong balita kanina, Chelsy! Gusto lang kitang tanungin para makasigurado ako. May gusto ba sa 'yo si Cal?" Tumakbo papalapit si Johoney sa 'kin.
Wala akong ideya kung saan niya nakuha ang impormasyon na 'yan. Inasar nga lang ako kanina ng marami 'tapos ngayon ay may gusto na sa 'kin si Cal? Napaka-imposible. Wala 'atang ibang iniisip ang lalaki na 'yon, kundi maglaro, maglaro nang maglaro.
"'Wag kang maniwala sa mga 'yon. Fake news," ani ko at nag-cellphone. Panay talaga ang tanong ni Johoney sa 'kin -- ayaw talaga paawat. 'Tapos dumagdag pa 'tong si Pearly na sobrang curious na rin. Sinabi ko naman na walang gusto ang lalaki sa 'kin pero parang ibang sagot 'ata ang hinihintay nila sa 'kin!
"Nakakalito lang. Paiba-iba kasi ang na-li-link sa pangalan na 'Cal' kaya nalilito na ako," ani ni Pearly nang kakaaalis pa lang ng isang subject teacher. "'Tapos ngayon bigla na lang nasali si Chelsy sa usapan."
"Hindi nga ako kasali," nasabi ko na naman.
"Hindi, eh. Si Allysa nasali, si Johoney, nasali, 'tapos si Chelsy nasali. . ."
"'Tapos ikaw na naman ang susunod," sabad ni Allysa at tumawa.
Biglang napa-sign of cross si Pearly. "Juskocolored. 'Wag naman sana. Maharot ako pero hangang friendship lang ang kaya kong harapin, 'no!"
"'Wag na lang nating gawing big deal," si Allysa, at sa isipan ko ay pinasalamatan ko na naman siya. "Knowing a guy like him, he likes to entertain lots of girls."
Habang nagkakaklase na naman ay panay vibrate ng phone ko -- nakalimutan ko kasing i-off ang data ng phone ko! Mabuti na lang at hanggang vibrate lang 'to at 'di nag-iiwan ng malalakas na ring.
@CalRamirez: pupuntahan kiya riyan mamayang lunch.
'Yan ang nabasa ko nang buksan ko ang phone ko. Sandaling nanginig ang kamay ko dahil gusto kong pigilan ang sarili na 'di mag-reply ng 'sige'!
Ano na naman kasi ang trip ng lalaki na 'yon?!
"Okay ka lang? Namumutla ka 'ata?" pansin ni Allysa sa 'kin.
"Wala lang 'to. May naalala lang."
Pagsapit ng lunch time ay nagpaalam akong mag-c-cr muna. Alam kong nagtaka sila noong una dahil ang totoo ay nasanay kaming mag-cr nang sabay. At dahil nga sa balak kong kitain si Cal sa library ngayon -- kagaya noong sinabi niya kanina through chats -- ay kailangan ko munang magsinungaling sa mga kaibigan ko.
"Ano?" naiirita kong tanong. Dahil sa nakaupo siya ay kailangan niyang mag-angat ng tingin sa 'kin. Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan niya at for some reason ay sandali akong napaiwas ng tingin.
"Pupunta ka mamayang gabi?" tanong niya sa 'kin.
Dahan-dahan akong umupo sa upuan na nasa harapan niya. "Yup. Para tigilan mo na ako."
"So, you're about to join, right?"
My lips parted. "Yes."
"Good."
Para siyang tanga kasi after noon ay 'di niya na ako kinausap. Busy siya pag-ru-rubics cube. Himala na nga at nakayanan ko siyang panoorin ng ganoon ang ginagawa nang 'di nababagot. Ilang minuto na ganoon ang sitwasyon namin nang biglang tumunog ang tiyan ko.
"Gutom na ako," bulong ko sa kaniya.
"Obviously." Cal grinned. Binitawan niya ang rubics cube at tiningnan ako nang diretso sa mata.
"Are you really sure about your decision?" tanong niyang muli sa 'kin.
"Tungkol saan?"
"About you joining in our group. You know, once you agree, there's no turning back."
"Mamaya na lang natin pag-usapan nang maayos, Ramirez." Nag-iwas ako ng tingin dahil masyadong mabigat ang mga tingin niya sa 'kin. "Papayag ako as long as 'di mo sasabihin sa iba na sumali ako. 'Yan lang ang gusto kong mangyari."
"So, what or who urges you to join?" Pinaglaruan niya ang sariling dila saka nagkagat ng labi.
Masydo na talagang nagiging malikot ang bibig niya.
"My curiosity," sagot ko. "Patay ako kay Mama panigurado nito."
Natawa siya sa huling narinig. "Wala namang mangyayaring masama sa 'yo. Don't worry."
Bawal kumain sa loob ng library kaya kinailangan ko nang umalis dahil nagugutom na talaga ako. Nasa exit na ako nang magbangga ang mga siko namin. Malaki naman ang pwesto kaya halatang sinadya niyang banggain ako.
"Good afternoon, anyway," sabi niya sa 'kin kahit kanina pa kami magkausap. Ayaw kong magka-issue kaya paminsan-minsan ko na lang siya kinakausap 'pag may napapatingin sa may banda namin. "Hey, aren't you going greet me back?"
"What for?" Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ma-attitude na kung ma-attitude pero marami na ang napapatingin sa 'min kaya gusto ko nang makaalis sa lugar na 'to.
"For showing a little love?" panunuya niya.
"Back off, Mr. Ramirez, stop playing."
"Why do you say so?" tanong niya, nanghahamon.
Natigilan ako at hinarap siya. "Your name itself screams for play."
"Who says I am just playing?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top