C H A P T E R 1 4

"How's life as a student?"


Natigilan ako sa tanong ni Mama bago ngumiti. Of course, kahit wala naman silang sinasabi sa akin na dapat matataas ang grades ko ay ramdam ko na mataas pa rin ang expectations nila.


"Maayos naman, Ma. Kampante ako sa mga marks ko."




"Dapat lang. Do not stress yourself too much," komento ni Papa na naghihiwa ng steak. Gwapo pa rin naman siya kahit medyo matanda na. Maliksi pa rin at kaya pang maging aktibo sa usapan. "Anyway, I am wondering if your Mom already told you about this but, have you ever imagined yourself working in our hospital, soon?"



Nagkatinginan kami ni Kuya. "Pa, we should not trigger her to do something she does not like--"



"Nope, okay lang, Kuya. Gusto lang naman magtanong ni Papa, eh . . . And I want to become a nurse, Pa." Napangiti silang lahat sa akin. "Alam ko po na higit pa sa profession na iyan ang ni-expect niyo sa kin -- like doctor, pero kontento na po ako sa pangarap ko."



Katahimikan.




"That is still amazing! Nurses and doctors work under the same field so I can't see any big difference!" si Papa na halatang gustong pagaanin ang usapan. "Piliin mo kung saan ka sasaya, Chelsy, anak. Remember that you are successful once you are happy."



Tumango-tango kaming lahat.



Sa wari ko ay ito ang pinakaseryosong usapan namin about sa future ko. Akala siguro nila ay nag-jo-joke lang ako noon nang sinabi ko na gusto kong maging nurse. Akala 'ata nila ay susunod ako sa yapak nina Mama at Kuya Rynierre.




"Since iyan ang gusto mo, naisip ko tuloy ang Kuya Rynierre mo. For sure ay magkakasundo kayo noon," nabanggit ni Mama. Medyo madilim ang paligid dahil mga kandila lang ang pinili naming gawing ilaw pero hindi makakatakas sa akin ang pagtulo ng luha niya.



"I can guide her, though," si Kuya Adrian. "Magaling 'ata ako sa medicine, right, Chelsy?"



Humalukipkip ako. "No comment."



"Ikaw naman, Adrian, kumusta ang pag-aaral?" napunta ang atensyon ko kay Kuya nang nagtanong si Mama. "May tiwala kami sa 'yo kaya hahayaan namin na kunin mo ang kurso na iyan. Alam mo naman na gusto ka ipapasok ng Papa mo sa military school noon, 'di ba?"



Bata pa ako noong pinagsabihan si Kuya dahil ayaw niyang maging kagaya ni Papa. Ang totoo ay hindi matanggap ng mga magulang namin na mag-aabogado si Kuya. Para kasi sa kanila ay makasalanan ang maraming mga abogado. Mulat kasi kami sa mga abogadong binabayaran para ipaglaban ang mali dahil natural na 'yon sa field nila. Ang plano na talaga ni Papa no'n ay sumunod si Kuya sa mga yapak niya.



"'Yong anak ko na lang ang ipapasok ko sa military school, Pa," joke lang ni Kuya at nagpigil ng tawa.



Batid ko na pagkatapos ang ilang oras ay hindi na naman kami madalas magkakasama kaya ay sinulit ko ang pagkakataon. Sinabi ko sa kanila ang palaging nangyayari sa school. Pati 'yong nangyari na away kanina sa school.



"Bad influence ang ganoong mga tao. You should stay away from that kind of man, Chelsy," si Kuya Adrian. Naku, 'di ko tuloy mapigilan ang sarili na hindi alalahanin ang nangyari kanina.



A fucking jerk called you 'pretty' and now you're damn bragging? Truth is, you're not fucking pretty. . ."



Ano ba ang pinuputok ng butse ng lalaki na ito? At ano ba'ng sinasabi niya riyan? Kailan pa ako naging mayabang dahil lang sa maganda ako? At higit sa lahat, papaano niya nalaman ang tungkol riyan?



"You know, darling, I have eyes and ears inside and outside the school," pagsasagot niya sa tanong na nasa utak ko.



"Tumayo ka na riyan. Baka may makakita sa 'yo."



"As if as you care. Umalis ka na nga." Hindi na niya ako pinansin noon. Nakakainis lang kasi parang lumaki pa ang ulo niya dahil nakamasid ako sa kaniya. Mukha talaga siyang badtrip na badtrip. Parang kaya niya na rin nga akong sipain, e'.



"Kung ano man iyang dahilan ng pag-t'-tantrums mo, please 'wag mo na lang ipahiya ang sarili mo. Tumayo ka, Cal."



Tinaasan niya ako ng kilay, nanghahamon.



Puwes, mukhang ayaw niya talaga, ah! Edi hindi ko na siya kukulitin!




At bago pa ako makapasok sa kotse namin, may sinigaw siya, na siyang nagpataas ng kilay ko.



"Stay away from Warren, okay? He's bad."



"He really is a bad guy, Kuya," komento ko noong matauhan ako. Nang dahil sa nangyari kanina roon malapit sa school, napagtanto ko na hindi siya marunong um-appreciate ng pag-aalala. Ang sama!



"Judging by your story, I guess he joins in a gang, fraternity, or whatever?" Kinakabahan si Mama habang sinasabi iyon. "Naku, Chelsy, if my speculations are true, I will definitely transfer you into other school!"



Naku, Mama! Kung alam mo lang po ang ginawa ko! Sumali lang naman ako sa isang grupo! At tama ka po, kasali nga si Cal sa isang group-- at ang mas nakakaloka sa lahat ay siya ang founder nito!



"Mom, dad, huwag niyo na pong alalahanin 'yong kinuwento ko. Maayos po ang buhay ko sa school. Naroon din ang mga kaibigan ko so please ..."



"Okay, okay, dear. Basta kapag pakiramdam mo may mali na talaga, don't hesitate to inform me!" si Papa.



Nagtawanan kaming lahat. Sana ganito na lang parati. Sana palagi na lang kaming magkasama. Sana'y tumigil na sila sa pagtatrabaho. Kahit naman hindi na nila mabili ang mga gusto ko ay okay naman na sa akin basta't kompleto kami.




"Ma, Pa, nakalimutan kong sabihin na si Chelsy--"




"Hoy, Kuya, ano iyan?" natataranta kong sabad sa kaniya.



"What is it, son?" si Papa.



"Nagpapaligaw na 'ata ang isang 'to! May love life na 'ata! Aray, naman, Chelsy! Aray, ang sakit na siko ko!"



"It's normal, people," si Mama na kinikilig na tila ba may inaalala. "I remember when I was a teenager. I used to feel the butterflies in my tummy."



Papa coughed.



"Pero bawal pa rin, Ma! Bawal iyang magkanobyo!" si Kuya Adrian na naasar. Wala pala ito, eh. Kanina siya itong nan-ti-trip 'tapos ngayon ay pikon na pikon na! "Bantay sarado ka sa aking bata ka! Mag-aral ka muna, woy!"



Nasa apartment na ako before mag 8. Pagod na pagod ang mga kasama ko, kaya maaga na rin akong natulog. Kinabukasan, sabay-sabay pa rin kaming pumasok sa school.



"Naghihintay iyan sa 'yo. Sure ako," nagtaka ako sa biglang sinabi ni Pearly sa akin. Nagtawanan sila ni Johoney at panay na ang lingon sa akin. Si Allysa naman ay poker face lang habang naglalakad at mukhang 'di pa namamataan si Warren na nasa harapan ng gate.



"Si Warren!" tinukso ako ni Allysa, at sumabay naman 'yong dalawa. Napailing na lamang ako.    



"Baka papaalahanan lang tayo about sa treat niya mamaya," nasabi ko na lamang. Parang 'yon nga ang dahilan.




"Hi, girls!" Masigla si Warren nang magkaharap na kami. Mukha siyang good student dahil naka-complete uniform siya. Maayos din ang pagkakatayo kaya mas lalong tumangkad sa paningin ko. Hula ko ay magkasingtangkad lang sila ni Cal.



"Hello!" sabay-sabay naming sabi sa kaniya.



"Kanina ka pa riyan?" Gumewang-gewang si Johoney habang sinisiko ako para siguro maghatid ng hidden message. "Akala ni Chelsy hinintay mo siya! Assuming siya, 'no?"


Napayuko na lamang ako.



"Tama naman siya." Nakita ko ang mapuputi niyang ngipin dahil pati pagngiti niya ay masigla rin. "Anyway, magkalayo ang mga building natin. Pero mamayang uwian, pupuntahan ko kayo sa room niyo. Okay lang ba iyon sa inyo?" Bahagya siyang napalunok. "Sa iyo?"



Sa akin siya nakatingin.



"Okay lang iyan sa kaniya!" si Pearly. "'Di ba? 'Di ba?"



"Oo." Suminghap na lamang ako.



"Kagabi pa nga niyan naikukuwento 'yong libre na pinangako mo sa amin." Mas lalong hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Allysa. Pinagtutulungan talaga nila ako ngayon!



Nakakahiya naman 'to... Marami ang napapatingin sa amin. Agaw atensyon kami dahil magaganda ang mga katabi ko habang ang lakas naman ng dating ni Warren.



"Ganoon ba?" Lumaki ang ngiti ng lalaki. "That's good to know."



Ramdam ko na ayaw niyang umalis pero nang may lalaking kaklase ang umakbay sa kaniya, napa-goodbye na lang siya sa amin.


"Ano 'yon?!" sina Johoney at Pearly.



"Anong ano 'yon?" Nakakunot ang noo ko.



"Bakit hindi mo siya kinausap nang matagal? Dapat nagtanong ka kung ano'ng breakfast niya. Ganoon!" wala akong naintindihan sa sinabi ni Pearly.


"Kailangan pa pala 'yon?" napatanong ako. "Nakakahiya ang ganoon. Baka akalain niyang interested ako sa kaniya."



"Bakit hindi ba?" Nagtago ng ngiti si Allysa.



Suminghap na naman ako.



Akala ng mga 'to may gusto ako sa lalaki na iyon! Pero wala-- I mean, he's attractive, physically. Mabait din siya pero parang tropa-tropa lang ang tingin ko sa kaniya. Hanggang doon lang.



Classes, classes. Mabuti na lamang at parang hangin na natapos ang mga klase. For me kasi ay medyo magaan na ang mga topic since malapit na ang second quarter. Panay na pala ang handa ni Allysa dahil isasabak na siya next week. Kaya naintindihan namin na hindi na namin 'to madalas makakasama dahil mas focus na sa practice nila ng coach niya.




Unfortunately, hindi na rin siya makakasali sa treat ni Warren sa amin mamaya. Hays. Sayang talaga. Excited pa naman siya kahapon.




"Busy. Nag-re-review. Nag-p'-practice? Aba, ewan ko, basta nag-p'-prepare para sa upcoming competition," si Johoney na nagkakamot ng ulo. Kakatanong pa lang kasi ni Warren kung bakit wala si Allysa sa tabi namin. Kami, ngayong 4, ay pwede nang umuwi, si Allysa naman ay mamaya pang alas 6.




Tumango si Warren, nakatingin siya sa mga kamay ko na nakahawak sa straps ng bag ko. "Mabigat?"



Natawa ako. "Itong bag? Hala, hindi naman."




"'Yong amin mabigat!" sina Johoney at Pearly.




Pati 'yong pamasahe namin patungo sa cafe na sinasabi niya ay kinarga niya na rin. Hindi pa nahiya ang mga kaibigan ko at doble pa ang ni-order!



"Ituloy mo nga iyong kuwento mo kanina," sabi ko sa kaniya.



Napangiti si Warren. "So ang nangyari ay naging close kami ni Amethyst. Though magkaibigan lang kami noon."




"Pero may issue kayo?" Kinapalan ko na ang mukha sa pagtatanong. Yes at naikwento niya na ang bagay na ito kahapon pero gusto ko pa ring ikompirma. "Papaano nangyari iyon? Siguro... May nakita ang public na close kayo masyado, ganoon?"



"Curious siya kasi love ka niya. Opo, ganoon po, opo." Tumawa si Johoney at kinalabit si Pearly, kaya nag-apir silang dalawa.




Umayos ako ng upo. "So hindi ka affected noong nagka-ano sila ni ano...?"




"Nag-kaano ni ano?" Si Warren.




Nagka-issue with Cal!


"Ahh, 'yon pala." Tila nahimasmasan siya. Mabuti na rin! Ayaw kong mag-explain sa harap ng dalawang kaibigan ko. Baka kung ano na naman ang sabihin nila! "Wala namang problema sa akin. 'Yong frat lang talaga nila ang hindi ko gusto."




"Frat?!" Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko.



Tumikhim ako at umaktong nagulat. "Frat?"



"Yes. I am sorry kung na-mention ko pa. You should have not heard that word."



"Nalilito ako." si Pearly, kaya nagkunware pa rin akong nagugulat. "You mean, may frat si Cal?!"


Sinenyasan ko silang hinaan ang boses.



"Yes," si Warren na mukhang nagsisisi at nadulas ang dila niya. "I actually have a frat, too."



"What the...?!" Nagtakip ng bibig si Johoney. "Magkalaban ang mga grupo niyo, ganoon ba? At, teka, hindi ko ma-imagine na nag-e-exist ang mga frats na iyan sa school na ito!"



"Kahit saang school ay may mga ganiyan talaga." Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Papaano na lang... Papaano na lang kung malaman nila na kabilang ako sa grupo na pinag-uusapan namin ngayon?




"That's why iwasan niyo ang lalaki na iyon. He is dangerous," ani ni Warren at humalukipkip, tila may inaalala. "He bullied me before. Actually ay kahit sino pag-t'-tripan no'n."



"Tama 'yan! Sinabihan pa nga ako no'n na asyumera!" komento naman ni Johoney. Pinagtitinginan na tuloy kami dahil ang lalakas ng mga boses namin. "Kung makaakto siya, akala mo naman ang gwapo-- I mean, gwapo nga, sino ba ang nagsabi na hindi?"



"Ang sabihin mo, nagkagusto ka sa isang bad boy," tawa ni Pearly sa kaniya. "Salamat na rin sa info, Warren. Dami kong natutunan."



"Keep our conversation as a secret, please."



Tumango kami sa sinabi ni Warren. Ayaw ko rin na kumalat ang patungkol sa pinag-usapan namin. Hindi dahil sa ayaw kong masira ang pangalan ni Cal kundi dahil sa ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko ang sikreto ko! I am part of his group! G-in-usto ko ang makasali kaya iyon ang pinagtatakhan ko sa sarili ko hanggang ngayon!




Pero, hindi ko makalimutan ang sinabi ni Warren sa 'min.



He's dangerous.



He's a bully.


He hurts women.


He plays a lot.


"Maganda ang movie nila kaya ang strand nila ang nanalo. Sa kanila rin galing ang best actress, 'di ba? 'Tapos ang daming talented sa HUMMS," patango-tango na sabi ni Pearly. "Deserve."



Hindi ako makasabay sa topic nila dahil iba ang nasa isip ko -- nasa isang direksyon din ang mga mata ko. Nandito pala si Amethyst. Mag-isa siya sa isang table at mukhang may hinihintay. She's studying while drinking a milk tea. She is taking note using her gracious moves.


Napapatingin ang iba sa kaniya. Walang kaduda-duda dahil kahit nakaupo ay mukha pa rin siyang matangkad.



"Sa ganda niyang iyan, never mo talagang niligawan?" narinig kong tanong ni Johoney kay Warren.



"Hindi naman sa naiinggit ako, pero tama lang naman ang ganda niya." Umismid si Pearly, at nagtawanan silang lahat.



"Nagagandahan ako sa kaniya, pero hindi ako basta-basta nanliligaw so..." Sumimsim si Warren sa drink niya at sumulyap kay Amethyst. "So, kaibigan lang tingin ko sa kaniya. Besides, her parents already arranged her with someone."



"Someone?" Napatanong kaming lahat.



Wala na 'atang mas ikakalaki pa ang mga mata ko. Ang dami niya pa lang alam!




"Someone you all know. It's Cal." Tumawa siya at parang hindi naman na big deal sa kaniya. "Alam ng buong frat, pero never kumalat."



Napalunok ako at parang may kumurot sa lalamunan ko. So kaya pala sila laging magkasama ay dahil sa in-arrange na sila ng mga magulang nila sa isa't isa? Kumbaga, magpapakasal sila kapag nasa tamang edad na!




"I thought sa mga novels at movies lang nag-e-exist ang mga ganiyan!" si Pearly, panay na ang sulyap kay Amethyst. "Kaya pala walang sineseryoso iyang Cal mo." Bumaling siya kay Johoney. Kay Johoney na sunod-sunod ang pag-inom.



"Baka after graduation, eh, magpakasal na ang mga iyan," komento ni Johoney, halos maiyak na. "Kawawa naman pala 'yong mga babaeng balak manligaw sa kaniya. Wala silang kaaalam-alam na wala silang pag-asa."



"Sana nga ay sinabi na lang nina Cal at Amethyst sa public para hindi na umasa ang iba. Pero ewan ko at parang nakakalito silang intindihin," si Warren.




May point siya! Gusto pa 'ata na mambiktima ng Cal na iyon! Gusto niya pa 'atang maligawan ng mga babae sa school!



Teka, siguradong hindi rin alam ni Allysa ang tungkol rito. Kailangan niya rin itong malaman! Sabi pa naman niya sa akin, eh, nagkagusto siya sa lalaki na iyon. Baka may pagtingin pa siya! Edi masama iyon!




"Lesson learned, haha, mic drop," pakantang sabi ni Johoney.



"Humanap ka na lang ng iba! Tulungan pa kita!" Nakipag-apir si Pearly sa kaniya.



"Ihahatid kita."



Napabaling ako kay Warren nang sinabi niya iyon. "Ihahatid ko kayo. Malapit nang dumilim."



Nakapag-send naman na ako ng message sa driver ko na medyo gagabihin ako kaya okay na. "May sundo ako, e'. Sabay lang kaming uuwi nina Pearly at Johoney."



"Hindi mo siya hihintayin?" Tinuro ko si Amethyst na parang malungkot. Kanina pa kasi 'di dumadating ang ka-meet up niya.




"Bakit ko naman hihintayin ang isang taong may hinihintay na?" Nakangiti siya habang nagsasalita. "Ayaw ko na ring makabangga ang Cal na iyon. Kapag nalaman niyang lumalapit ako kay Ame, magseselos 'yon."



Busy na sa pag-aayos sa sarili ang dalawa kong kaibigan. Naglagay sila ng minimal make-up sa mukha. Busy rin sila sa ibang topic.



"Oh, he's here," aniya, mukhang 'di na nagulat.



Tama siya. Cal enters the place, wearing his complete uniform, which I again find uncommon. Maayos ang buhok, at nasa tamang ayos din ang pagkakasuot ng bag. In contrary, his face is screaming for roughness. Nakakunot pa ang noo. Nang nasa harapan na siya ni Amethyst ay hindi ko siya napansin na nag-sorry. Siya pa ang mukhang iritado kahit na hindi naman siya ang ilang oras na naghintay.



"Look, they're having a quarrel," si Warren. "Kung nilapitan ko si Amethyst kanina, siguradong maghahamon na naman ng gulo ang lalaki na iyan."




Tinikom ko ang bibig ko. 'Agad akong lumabas ng shop hanggang hindi pa ako nakikita nina Cal at Amethyst. Nagtatakang sumunod sina Warren, Johoney, at Pearly sa akin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top