Part 2.9
xxRaevenxx
"Hindi ako babalik!" Matigas na sabi ko.
"At bakit?" Mabilis syang nakalapit at pinaliit ang distansya namin.
"Kasi galit ako sayo!" Sigaw ko. Pinipigilan kong bumuhos ang galit pero hindi ko naman mapigilan. Lalo akong nainis ng makita ang pagmumukha nya.
"Galit ka? Ha! Ikaw pa ang galit! Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Hindi ba ikaw? Ikaw ang nagpapaniwala sa akin na patay ka na. Para akong baliw na niyayakap ang abo na hindi ko alam kung saan mo kinuha!"
"Sa toystore ko yun kinuha!" Sambit ko. Mayroong tinitinda doon na iba't ibang kulay ng powderized sand at ideya ko yon. Di ko naman alam kung ganoon ba ang itsura ng na-cremate na tao, inakala ko naman kasi na hindi nya mabubuksan ang urn pero ako pa ang nakabasag doon.
"What the---" Nanggagalaiti ang mukha ni Deuce. Lalo akong nagalit.
"I cried for it Raeven! I mourned for it. Simula ng inakala kong patay ka na, nagluksa ako. Then babalik ka pagkatapos parang normal lang ang lahat?"
"Im about to apologize! But you are such a jerk to leave after you had sex with me!" Sinipa ko ang kanyang tuhod kaya napangiwi sya sa sakit. Hindi ako nagsisi o naawa man lang sa ginawa ko.
"But now, I won't apologize. Kasi mukha namang masaya ka na. Habang nag-iintay ako dito, nandoon ka sa London at mayroon kang kasamang babae!"
"Nandoon ako sa London dahil may sinundan akong makakapagsabi ng tunay na pagkatao mo! Alam mo, I shouldn't care. Kung gusto mong lokohin ang lahat ng tao sa peke mong pagkamatay, then do it! Wala na kaming magagawa."
"You don't care?! You don't care pala ha!" Mabilis kong hinubad ang sapatos ko at binato sa kanya. Tumama yon sa kanyang dibdib kaya napasimangot agad sya. Mas mabilis akong makakalayo kung walang suot na sapatos. Naglakad akong muli, natigilan ako ng unti unting may pumatak na tubig sa aking balat.
Dammit! And now it will rain.
Oh, fck. Umulan na nga!
Sa isang iglap nabasa agad ako! Ang buhok ko ay dumikit agad sa balat ko.
"Raeven!" Sigaw sa akin ni Deuce. Tumatakbo sya papalapit sa akin hanggang sa naharangan na nya ng tuluyan ang lalakaran ko. Napahinto ako dahil nakaramdam ako ng lamig.
"Wear your shoes" Lumuhod si Deuce at itinapat ang sapatos sa aking mga paa pero sinipa ko lang iyon papalayo. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Mukha bang may pakialam pa ako kung naka-paa ako ngayon?!
"Ayoko! Ayoko ng sapatos! Uuwi na ako!"
"Paano ka uuwi? May pamasahe ka ba?" Panunuya sa akin ni Deuce, basang basa ang na din ang kanyang katawan dahil sa sobrang lakas na ulan.
"Maglalakad ako kung kinakailangan at wag kang lalapit!" Umirap ako at nagsimulang humakbang.
"Tsk!" Tumakbo muli si Deuce at hinarangan ako. Hinubad nya ang suot nyang suit at nilagay nya sa harapan ko.
Napahinto ako ng simulan nya ding tanggalin ang kanyang longsleeves at nilatag din sa kalsada. Pati ang belt ng kanyang pantalon ay hinuhubad nya din.
"Bakit ka naghuhubad?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"You don't like your shoes, dyan ka maglakad." Masungit nyang sabi.
His body is freaking wet, mas umangat tuloy ang pagkamaskulado nito dahil kumikinang pa gawa ng tubig. Mas lumaki ang kanyang katawan mula doon sa huli naming pagkikita. Kumapit sya sa butones ng kanyang pants kaya ako naman ang nataranta.
"Tama na! Susuot ko na yung sapatos!" Bumalik ang tingin ko kung saan ko sinipa ang sapatos pero hindi ko na makita ang isa.
"Tsk, wala na! Ang tigas kasi ng ulo mo." Si Deuce naman ang nagtanggal ng kanyang sapatos at nilahad iyon sa akin paa. Medyas na lang ang natitira sa kanya. Sinuot ko yon at pinanood si Deuce habang pinapagpag ang kanyang buhok.
Masungit ang mukha nya at halatang naiinis.
"Sumakay ka na ng sasakyan ko. Wag kang mag-alala, kung galit ka sa akin, galit pa din ako sayo. Hindi pa tayo tapos mag-usap."
Sumunod ako sa pagsakay sa kanyang sasakyan. Pinatay nya ang aircon at binuksan ang heater. Nagmaneho sya papabalik sa kanilang bahay, doon sya dumaan sa gilid kung saan pumapasok ang mga sasakyan ng mga Montemayor.
Bumaba kami agad, wala syang pang-itaas kaya halatang nilalamig sya, samantalang ako naman giniginaw din pero hindi ko pinahalata. Mayroong hagdan sa likod ng bahay, tingin ko ay fire exit ito. Nang makaaykat kasi kami, doon na kami lumabas sa second floor, tanaw naman sa baba ang mga guest sa ng mga Montemayor, mukhang nagsipasukan sila sa living room ng bumuhos ang napakalakas ng ulan.
"Whoah, Kuya, hindi maganda yang nagpapakita ka ng katawan kapag may bisita si Daddy.." Nasalubong pa namin si Tres na lumalabas mula sa isa sa mga silid. Parang kanina lang ay sya ang nagbibilad ng katawan.
"Hi Ate.. Kuya, si Ate baka sipunin." May himig ng pang-aasar si Tres.
Hinila ni Deuce ang aking kamay at nagtungo kami sa isa sa mga kwarto. Kulay sky blue at gray ang bumungad sa akin sa isang napakalaking silid. Napakunot ang noo ko ng mapadako ang tingin ko sa isang picture frame sa bedside table, it's us. College days.
Lalapitan ko sana kaya lang ay agad akong hinila ni Deuce patungo sa bathroom na mayroong, bathtub. He turned on the tub's faucet at dinama ang tubig na lumalabas mula roon.
Pinaupo nya ako sa gilid ng tub, kumuha sya ng isang tuwalya at ipinunas iyon sa aking mukha. Hinawakan nya ang laylayan ng suot kong dress at mabilis nyang nahubad iyon sa katawan ko. I instantly covered my breast with my arms.
"Nakita ko na yan." Malamig na sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Hindi ngayon ang panahon para makita mo ulit." Sagot ko.
Ipinatong ni Deuce ang isang makapal na towel sa likod ko at agad akong nakadama ng ginhawa pero saglit lang dahil bigla ba naman nyang hinubad ang pantalon nya at tanging brief nya lang ang natira.
"Ano ba yan!" Reklamo ko sabay iwas ng tingin.
"O bakit? Nakita mo na din naman ito." Tumalikod sya sa akin at may hinalungkat na kung ano doon sa cabinet ng bathroom nya. May kahon syang kinuha at inihalo sa tubig sa tub na agad namang bumula at naglabas ng mabangong amoy. Pinatay nya na ang tubig sa tub ng mapuno iyon. Walang sabi sabi ay nagtanggal na din si Deuce ng kanyang brief. Napa-facepalm na lang ako dahil sa ginagawa nya.
Lumuhod sya sa harapan ko at pilit nyang inaalis ang panty ko.
"You have to take a bath, baka sipunin ka." Seryoso nyang sabi na kung titingnan mo ay parang labag din sa loob nya ang ginagawa.
"Wag kang titingin. Tatanggalin ko pero wag kang titingin!"
Napabuntong hininga sya tumayo, tumagilid pa sya sa akin at hindi nga tumingin. Nang matanggal ko na ang dapat tanggalin. Nilubog ko ang aking paa sa maaligamgam na tubig at natukso agad akong pumalilalim doon. Maya maya pa humarap na si Deuce at dinaluhan ako sa bath tub.
Nanigas ang katawan ko dahil hindi ako kumportable. Ang dami ko pang gustong sabihin, ang dami ko pang gustong itanong. Ang dami ko pang gustong ibuhos na hinanakit sa kanya but here he is, parang gusto nyang ipagpaliban ang lahat.
Tumabi sa akin si Deuce, bahagya akong nasiksik sa ilalim ng tubig. Tinagilid ko ang ulo ko para hindi sya mapagmasdan pero ang hirap na hindi sya harapin dahil mayroong rubberduck na lumulutang patungo si direksyon ko. Gods, bakit may mga sisiw dito?
Tiningnan ko si Deuce at nakita kong unti unti nyang tinataboy ang mga sisiw papunta sa akin. Nang samaan ko sya ng tiningn, ibinaba nya ang kanyang kamay at tumingin sa kisame na parang walang kasalanan.
"Galit ako sayo." Bulong ko.
"Ako din." Sagot nya.
"Anong gagawin natin?" I asked.
"Ewan ko."
"Bakit sabay tayong naliligo?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi mag-asawa naman tayo."
Napabuga ako ng hangin, ganoon din sya.
"Hindi ko lang naman sinabi sayo yung totoo kong kalagayan kasi gusto kong maging malaya ka Deuce."
Bahagya syang natawa. Kinuha nya ang rubberduck na nakalutang at tinitigan iyon. Umaktong yon ang kanyang kausap.
"To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish till death do us part. Bakit mo ako pinagtatabuyan? Sa tingin mo ba, Rae, kapag nagkapalit tayo ng sitwasyon, magugustuhan mo ang pakiramdam na itutulak kita? Sa tingin mo ba, maghahanap ka ng ipapalit sa akin habang nakahiga ako at nakikipaglaban sa buhay?" Tanong sa akin ni Deuce na punong puno ng hinanakit. Nangilid ang luha ko.
"Hindi ko naman alam na ganoon eh. Hindi ko naman alam na mabubuhay pa ako. Hindi ko naman alam na may nararamdaman ka pa. Huminto akong lumaban noong nagtapat ka ng pagmamahal kay Clover. Wala na akong dahilan para mabuhay, at ayokong kunin mo ako dahil naaawa ka sa akin. Ayokong maging unfair sayo Deuce."
"But you are! Unfair ka Raeven! Hinayaan mo akong mag-isa na nangungulila sayo. Nagpaaalaga ka kay Martin pero sa akin ay hindi! Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Do I have to be happy that you came back?"
"Sige, kung hindi ka masaya, wag mo na lang isipin na bumalik ako." Humikbi ako. Sa ilalim ng tubig pinagdaop ko ang mga palad ko at kinurot yon. Damn this hormones, gusto kong makipagusap ng maayos pero ang sama ng aking loob!
Tumahimik sya, ganoon din ako. Naiinitindihan ko ang nararamdaman nya. Everything else is new to him. Nagsinungaling ako and that's the truth. But this time I want to demand for forgiveness because -- just because! Gusto ko lang maging maayos na.
Mula sa pagkakasandal sa tub, bahagyang umangat si Deuce at binasa ang aking buhok gamit ang shower hose.
"I hate that you have to change your eye color. Isa yon sa pinakapaborito kong parte ng mukha mo." Bulong nya na may himig na pagtatampo.
"Then why did you have to cut your hair so short? Tingin mo ba ay bagay sayo yon? Hindi. Pangit mo." Napalabi ako dahil sa walang pakundangan nyang komento.
"E di pangit." Hindi ko napigilan ang paghikbi.
"Akala mo ba, pogi ka? Tingnan mo yang ilong mo. Lumaki masyado kasi lagi kang galit. Yang noo mo, mayroong wrinkles kasi lagi kang nakasimangot."
Bumuntong hininga si Deuce at inabot ang shampoo sa sa may ulunan ng tub. Naglagay sya sa kamay nya at marahang nilagyan ang buhok ko at kinusot iyon.
"Nagpanggap kang patay dahil akala mo hindi kita kayang alagaan? Kaya kong gawin lahat Raeven. Gusto ko lang magtiwala ka. Kapag sinabi mong tinatamad kang maligo, ako ang gagawa para sayo. Kapag wala kang ganang kumain, ipagluluto kita at susubuan kita. Kahit ako ang ngumuya tapos ilalagay ko na lang sa bibig mo kapag durog na."
"Yuck! Ano ako, ibon?!" Reklamo ko habang naluluha. Hindi nagbago ang ekspresyon nya at tinitigan akong mabuti.
"Kapag lumuluha ka sa sakit, hahawakan ko ang kamay mo at sasabihing magiging maayos din ang lahat. Susuntukin ko ang mga doktor kapag hindi ka nila napagaling. Akala mo ba hindi ko kayang gawin yon?" May panguusig na tanong sa akin ni Deuce.
Nahiya ako sa aking sarili. Alam kong kaya nyang gawin pero hindi ako nagtiwala. Binuhat ako ni Deuce matapos nya akong mapaliguan. Ipinaupo nya ako sa kanyang kama at nagtungo doon sa closet nya para kuhanan ako ng damit. Sya din ang nagsuot sa akin ng tshirt na masyadong malaki para sa akin.
"Dumito ka muna." Sabi ni Deuce ng makapagbihis na sya. "Ikukuha kita ng pagkain sa baba."
Tumango ako dahil nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Kawawa naman ang baby ko kung nagugutom na sya. Ano kaya ang mararamdaman ni Deuce pag nalaman nyang magiging Daddy na sya?
Napangiti ako sa pag-iisip kung paano ko sasabihin. Siguro mawawala ang tampo nya. Siguro--
"Sige na? Pasilip ng room mo. Noong nasa London tayo, hindi mo din ako pinapapasok sa hotel mo--"
"Tanya, please? Nagmamadali ako. Gutom na ang asawa ko." Matigas ang tanggi na boses ni Deuce ang narinig ko. Tumayo ako at sumilip sa labas ng silid.
Gulat ang mukha ni Deuce na nakatingin sa akin nang mabuksan ko ang pinto, lumipad ang tingin ko doon sa kamay ni Tanya na nakapakapit kay Deuce. Humalukipkip ako at tumaas ang kilay.
"R-raeven.." Wika ni Deuce. Agad na bumitiw si Tanya sa kanya.
"Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya kumuha ako ng madami." Tiningnan ko ang plato na bitbit ni Deuce at madaming nandoon. Nagpipigil ako ng inis pero gusto ko na sumabog.
"Ayoko nyan." Malamig na sabi ko.
Bumagsak ang balikat ni Deuce.
"Gusto ko ng ginataang langka na mayroong ube! Ngayon din." Tumalikod ako at pinagsarhan sila ng pinto.
---
Maki Say's: Part 2.10 will be the last chapter (Deuce POV). Then Epilogue.
Kaonting kembot tapos balik ako sa Rom Com haha napagod ako kay Attorney. Please add I Fell For A Gay Guy and The Bad Boy's Slave ❤️💁🏼
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top