Part 2.2



Banana Man.


xxDEUCExx

"Psst.."

"Psst.."

Nagluluto na ako ng breakfast ng makarinig ako ng tumatawag sa akin. Muntikan ko pang makalimutan na may kasama nga pala ako ngayon.

Unbelievable.

Its been 928th day since she was gone.

"What?" Inis kong nilingon ang tumatawag sa akin. Nakasilip ang ulo nya mula doon sa kwarto ko, nakatakip ang kanyang buhok ng towel, at kapag ganito, she really looks like my--

love...


"Taray!" Umismid pa sya. The nerve of this girl!

"May pwede bang maarbor na damit dyan saka brief?"

Napakunot ang noo ko sa kanya. I am amused! Ano bang klaseng babaeng ito?! Bago pa man ako makasagot, bumukas muli ang bibig nya.

"Sige na. Wala kasi akong damit na dala. Isosoli ko ang brief mo--"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Napangiwi sya pagkakita ng reaksyon ko.

"Ayaw mo? Sige remembrance na lang yung brief. Hindi naman sa gusto kong gawin yon pero ayaw mo kasing isoli ko."

Tinapik pa nya ang ulo nya saka bumulong "Tsk, dapat hindi na ako napaalam."

Napabuntong hininga ako, yung malakas at ubos hangin. Kahit na kamukha pa sya ni Raeven, unti unting nasasagad ang pasensya ko! Ano bang sa tingin nya ang ginagawa nya?!

Pinatay ko ang kalan at naglakad papalapit sa kanya.

"Miss---"

"Dali na lang o di kaya ay Dalisay, masyado ka namang pormal.." Ngumiti pa sya ng napakalapad na para bang tuwang tuwa ako sa pakikipag-usap sa kanya.

"Una, hindi ako sang-ayon sa pag-pasok mo sa bahay ko kahit pa ang dahilan mo ay isasaoli mo ang keycard ko. Maari mo yong iwan sa guard." Napayuko si Dalisay at pinagdaop ang dalawa nyang palad na parang inosente sa ginawa nyang kapilyahan.

"Pangalawa, hindi naman ako pumayag na makiligo ka dito kaya hindi ko problema na wala kang susuotin." Tumango tango sya at lumabi.

"Pangatlo--"

"May pangatlo pa?!"

Nagpamewang ako at seryoso syang tiningnan.

"Pangatlo, lumabas ka na bago ako tumawag ng pulis." Banta ko. Agad naman na nanlaki ang mata nya at tuluyang binuksan ang pinto. Napaiwas ako ng tingin ng makitang nakatapis lang sya ng tuwalya.

Umupo sya sa sofa ko at walang anu ano ay nagsusuot na ng kanyang rubbershoes.

"Nakiusap naman ako ng maayos pero napakasungit nya. Hay!" Bumubulong bulong pa sya habang pilit na isinusuot lumang sapatos.

Nang maisintas nya na iyon, tumayo na sya at akmang lalabas na ng pad ko--

With just a towel around her body!

"T-teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Lalabas! Sabi mo ipapa-pulis mo ako?"

"With my towels?" Nakataas na kilay na tanong ko. Sinamaan nya ako ng tingin na para bang nauubusan na ng pasensya.

"Alam mo masyado kang madamot, wag kang ganyan, hindi tinatanggap sa langit ang mga ganyan--" Sambit nya habang tinatanggal ang towel na nakabalot sa ulo nya.

"O---o! O! Ano ba?!" Tumalikod ako ng akmang tatanggalin naman nya ang towel sa kanyang dibdib. This girl is crazy!

"Isuot mo ang tuwalya! Papahiramin na kita ng damit!" Utos ko sa kanya. Nag-intay pa ako ng ilang segundo bago ako magtungo sa kwarto ko nang hindi sya titingnan.

Binuksan ko ang cabinet kong hindi pa din nababago ang ayos. Magkahati ang gamit ko at ang kay Raeven. Humarap ako sa urn ni Raeven dahil may kumudlit na kunsensya sa utak ko. Kaunting kaunti lang naman and I know it's not mine, si Raeven lang naman ang kunsensya ko mula noon hanggang ngayon.

"No Baby, I know what you are thinking pero hindi natin ipapahiram sa kanya ang mga damit mo." Sambit ko doon sa urn ni Rae.

Sakto namang napadako ang mga mata ko sa bagong damit ni Raeven. I usually buy stuffs for her kahit wala na sya. Pag sumagi sa isip ko ang mukha nya at namimili ako ng gamit ko, binibilhan ko din sya. It's my way of coping up, kahit na alam ko, kahit kailan ay hindi ako makaka-cope up. Sino ba namang niloko ko? It's impossible to find another Raeven, kaya nga imposible itong babaeng nasa pamamahay ko ngayon. Her looks may be deceiving pero hindi lang naman ang mukha ni Raeven ang minahal ko sa kanya kundi ang buong pagkatao nya. Kasama na doon ang pagiging maasikaso nya at mahinhin.

Pumunta ako sa lalagyanan ko ng damit, niladlad ko ang isang tshirt na hindi ko na masyadong ginagamit. With Dalisay's petite figure malamang magmumukha syang tao na kinain ng tela.

Sabagay, anong paki ko?!


Inihagis ko sa kama ko ang puting tshirt. Nagtungo ako sa pantalon at kumuha muli ng isa para pagmasdan. Sa liit ng bewang nya malamang malalaglag ito!

Nagkibit balikat ako. Whatever.

Nagtungo ako sa dresser mga underwear ko. Isa isa kong pinagmasdan yon. Hinawakan ko ang isa pero natigilan ako. My skin against hers----

Argh! Bwisit na babae talaga yon! Hindi na sya makakaulit.

Pikit mata akong nagtungo sa mga gamit ni Raeven at kumuha ng dress na hindi pa nailalabas sa paperbag.

Lumabas akong muli at iniabot kay Dalisay ang paperbag. Nagliwanag ang mukha nya at ngumiti na parang bata.

"Thank you Bossing!" Nakangising sabi nya. Napalunok ako. Masama sa loob kong pakawalan ang gamit ni Raeven at ibigay sa iba, ito ang unang pagkakataon. I really don't think about when will be the next dahil gusto ko ng huminto dito. I want to stay where Raeven left, that's it. No changes.

Napatunayan ko na kay Raeven lang umikot ang mundo ko noon at ngayon. Tuwing umaalis sya, tumitigil ito. Mas mapayapa lang ako sa pangalawang pag-alis nya dahil may naiwan na alaala at alam ko kung nasaan sya. Alam ko naman na hindi sya ibabalik ng Diyos sa akin at tinanggap ko na-- kung pagtanggap ba ang tawag sa pamumuhay mag-isa.

Umupo ako sa sofa at naiwang tulala habang nagbibihis si Dalisay sa kwarto ko. Nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot. I miss Raeven, and Dalisay is getting into my nerves! Nabuhay tuloy ang matinding pagkamiss ko kay Rae.

"Mm, sarap." Napalingon ako sa kusina kung saan may nagsasalita. Nakita ko si Dalisay na ngumunguya at mayroong hawak na bacon sa kanang kamay at ang kaliwa naman ay naghahanap pa ng maaring kuhaing pagkain doon sa lamesa.

Natulala ako dahil sa ayos nya ngayon, that's how I pictured Raeven wearing that yellow dress. And now, this girl is chewing her food like Raeven would do it! I shook my head. It can't be.

"Ipapapulis mo din ba ako kasi kumain ako ng bacon?" Tanong ni Dalisay.

"Kumain ka ng maayos pagkatapos ay umalis ka na." I stood up not minding her. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang urn ni Raeven at ang cellphone ko. Tamad akong humiga sa kama ko at hinanap ang numero ni Bori. She's currently doing the admin works simula umalis si Clover.

"Bori, Im not feeling well." Wika ko agad na hindi pinapatapos ang pagbati ni Bori ng Good Morning sa kabilang line.

"A-again, Sir?" Mas humigpit ang yakap ko sa urn at napapikit ng mariin.

Sa isang linggo, dalawa hanggang tatlong araw na lang talaga kung pumasok ako. Mas madalas pa din yung napakalungkot ko at magkukulong kasama ang urn ni Raeven.

"Yes. Kayo na bahala. Bye." Pinatay ko ang cellphone ko at inihagis ito sa bakanteng side ng kama.

Pumikit ako at niyakap si Raeven.

Ilang minuto pa, naramdaman ko ang pagtitig sa akin. Pagmulat ng mata ko, I saw Dalisay sitting in the floor at nakatingin sa akin ng mataman. Magagalit sana ako kaya lang nakita ko ang ekspresyon nya.

At first her eyes were sad but then she flashed her annoying smile again.

"Bakit ka may yakap na vase?" Tanong nya sa akin.

"This is not a vase. Umalis ka na, gusto kong mapag-isa." Mas lalo akong sumiksik at hinila ang kumot para balutin ang buo kong katawan.

"Ah. May ibang tawag ba sa ganyan ang mga burgis? Hulaan ko, Vase-si-detchi!"

Hindi ako umimik at nagtalukbong ng kumot.

"Ay, grabe talaga sya..." Nakaramdam ako ng paglubog ng kama ko pero ayoko ng magsalita. I am too weak to get mad, I was too consumed by sadness right now.

"Alam mo, male-late na ako sa appointment ko, kaya lang hindi kita maiwan ng nagkakaganyan kasi pag namatay kay today, ako ang paghihinalaan nila---"

"Hindi ako magpapakamatay! Alis na.." Ungot ko. Narinig ko pa ang pagbuga ng hangin ni Dalisay.

"Sama ka na lang sa akin." Aya nya pa.

"No."

"Sama ka na." Ulit nya na parang parrot.

Inis akong bumangon at hinarap sya, "Bakit ba ang kulit mo?! Ayoko nga! Ayoko. I want to stay here! Sumusobra ka na sa kadaldalan and I really hate it! Masyadong masakit sa tenga."

Awtomatiko naman ang paglabi nya na parang maiiyak. Yumuko pa sya at kitang kita ko ang pagpatak ng isang luha sa mga mata nya.

"Sige, alis na ako. Salamat at sorry." Mabagal syang tumayo at naglakad papalabas ng kwarto ko.

Pinagmasdan ko syang mawala sa paningin ko. I want to go near her but I can't, I won't. She reminds me of being sad again, she reminds me how far Raeven is right now, that I cannot hope for the dead. Dalisay is reality, Raeven is not here anymore.

Nagulat ako ng bumalik si Dalisay sa kwarto ko.

"Ito nga pala yung keycard mo." Bulong nya habang nakalahad ang kamay nyang hawak ang keycard ng pad ko.

Kukunin ko na sana iyon pero mahigpit ang hawak nya, parang ayaw pakawalan. Pinilit ko pa ding agawin yon pero nagmatigas sya, kinagat pa nya ang labi nya para sa pwersa pero nakuha ko pa din. Sinamaan ko sya ng tingin and I just saw her sad eyes. This is getting really creepy. Kapag seryoso pala sya mas lalong kamukha nya si Raeven.

She sighed again. What's with her? Bakit ba ayaw nyang umalis?

Tumalikod na sya at mabagal na humakbang.

Dammit! I can't stand to see her face sad. Pakiramdam ko si Raeven din ang pinapalungkot ko.

Tumikhim ako.

"S-saan ba ang appointment mo?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Sasamahan mo ako?" Her face lit up when she faced me. Inayos nya ang kanyang bangs at malapad na ngumiti, para syang bata na naglakad papalapit sa akin.

Why is she's so happy?

At nalaman ko na lang kung bakit sya masaya noong nakarating kami sa 'appointment' nya.

"Hawakan mo yan Bossing ah. Kailangan lang natin ubusin ang paninda ni Aling Lelay tapos makakauwi na tayo." Nakangiting sabi nya habang iniaabot sa akin ang plakard na may nakasulat.

MASARAP ANG BANANA KO, FIVE PESOS LANG.

"How can the country consume this much banana? Are they turning into monkey?" Reklamo ko habang inaayos ni Dalisay ang cart na napakaraming saging. Nakahinto kami sa tapat ng isang malaking opisina sa Makati.

I am wearing a baseball cap, khaki shorts and off white shirt, suhestyon ni Dalisay na ganito ang suotin ko. Sana hindi ako makilala ng mga kliyente ko.

"Mukhang masarap nga ang banana nya girl, ang ganda ng katawan!" Humagikgik ang mga babae sa di kalayuan. Yumuko ako para hindi nila makita ang mukha ko.

"Deuce!" Tawag sa akin ni Dalisay, napaangat ako ng tingin dahilan kung bakit nagsigawan ang grupo ng babae. My face was totally exposed!

"Gaaah!! Bili tayo dali!" Parang mga langgam na lumapit sa kariton ni Dalisay ang mga mamimili.

May kinukurot ako sa braso at pisngi. Anong kala nila sa akin? Stuffed toy?!

"Pogi, baka pwedeng pa-kiss?" A petite woman with a fair complexion came to me.

"Naku, si Ma'am Anna, gustong maka-score!" Humagikgik ang ilang babae doon sa sa likod nya.

Natigilan ako. This girl in front of me is persistent. Ang mga kasamahan nya ay nagvi-video na.

"KISS! KISS! KISS!" Kantyaw nila.

"H-hindi pwede!" Singit ni Dalisay sa pagitan namin. Nakita kong namumula ang kanyang pisngi at tenga. "Tara na, Deuce. Ubos na ang paninda ko."

Tinulak nya ang cart at sumunod na din ako sa kanya.

Malapit na kami sa pwesto ni Aling Lelay ng hinigpitan ko ang hawak ko sa cart dahilan kung bakit hindi iyon maitulak ni Dalisay.

"Bakit tahimik ka?" Tanong ko sa kanya na pinanliliitan ng mata.

imbes na sumagot, umiling lang sya at tinulak ang cart.

Oh now I get it.

Napangiti ako at hinabol sya.

"May crush ka sakin noh?" I grinned at her pero simangot ang sinagot nya sa akin.

"Kasi kung wala, bakit hindi ka pumayag na halikan ako nung babae?" Nang-assar na tanong ko.

Pagkakataon naman nya para panliitan ako ng mata.

"Bakit, gusto mo?" Nagtaas sya ng isang kilay. "Eh di magpahalik ka! Bwisit na to!" Galit na wika nya at padabog na tinulak ang cart.

Anyare?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top