Part 2.10







                  

Final Chapter.


xxDeucexx


"Tres! May langka ba tayo saka ube?" Natigilan ang kapatid ko sa pagkuha ng tubig mula sa ref.


"Bakit? Gawa ka ng halo-halo? Gabi na." Sabi nya.


"Hindi. Gusto ni Raeven ng ginataang langka na may ube." Napakamot ako ng aking ulo. Hindi ko alam kung anong laman ng bahay ni Daddy pero kahit doon sa condo ko, hindi din naman ako bumibili ng langka saka ube.


"Wow, ulam at dessert in one. Ayos yan." Humalakhak si Tres at akmang iiwan na ako sa kusina. Hinawakan ko sya sa balikat. I cannot do this alone.


"Di ba kaibigan mo ang mayari ng Macy's? Pakitawagan mo nga, kailangan ko ng langka at ube."


"Luh! Anong petsa na Kuya? Bukas na lang!" Matigas na tanggi ni Tres. Pinanlakihan ko sya ng mata.


"Ngayon nga! Magbabayad ako kahit magkano."


"Eh bakit ba excited na excited ka sa langka at ube? Panigurado namang makakapag-antay si Ate bukas." Tinalikuran akong muli ng kapatid ko na mukhang nais balewlain ang sinabi ko.


"Tres! Hindi nya ako papapasukin sa kwarto ko kapag walang Ginataang langka na may ube, kaya please naman.." Pagsusumamo ko. Langya naman eh, parang hindi pa nakakaranas ng pagmamahal ang taong to eh.


"Sa guest room ka na lang!" Sagot nya.


"No! Ngayon lang kami ulit nagkita tapos sa guest room ako? No way! Babawi ako—"


"Enough, enough! Ayokong marinig ang sex life nyo ni Ate! Sige na, antay ka lang dyan. Papabuksan ko yung pinakamalapit sa atin na supermarket. Tsk!"


"Susunod din pala!" Panunuya ko pero umirap lang si Tres.


Inantay ko si Tres na makabalik, kalahating oras ang inabot dahil wala din syang ideya sa mga bibilhin. Hindi na ako nagreklamo kung bakit sya natagalan dahil tyak na maiinis sya. Ngayon naman ay tinitigan ko ang mga sangkap. So paano ako magluluto ng langka na may ube?


"Need help?" Alok ng kapatid ko. Sinuot ko ang apron ko at napailing.  Kinuha naman ni Tres ang ipad at binasa ang instructions sa pagluluto ng gintaang langka. We started rolling. Parehas na hindi alam ang ginagawa.


Si Tres ang nagsimulang mag-gisa ng karne.


Habang ako naman ay nagsimulang maghiwa ng iba pang sangkap.

                  

"Kuya, malapit na maluto ang baboy, ano kaya ang susunod?" Tanong sa akin ni Tres.


Kingina, I don't have any fcking idea. Gusto ko na katukin si Raeven sa kwarto ko kaya lang tiyak na galit pa siya sa akin dahil kay Tanya. Wala naman kaming ginagawang masama, she's Oswald's sister. Nagkita kami sa London dahil umattend sya ng convention doon. Not that we talked about seeing each other. I just needed Tanya that time. Napailing na lang ako.


Napakaselosa talaga ni Raeven, pero nakakakilig talaga ang pagseselos nya.


"Coconut Milk daw, sabi dito." Sagot ko while reading the step by step instructions. Tumango si Tres at ibunuhos ang canned coconut milk. Kahit papaano ay may ideya sya sa pagluluto, lamang sya sa akin ng kaunti sa bagay na yon. Sa kagwapuhan lang naman ako lumamang, ayos na yon, aanhin ko ang galing sa pagluluto kung mas magandang lalaki naman ako.


"Ah! Tikman mo Kuya, ayos na kaya ang lasa?" Tanong ng kapatid kong walang kamalay malay sa naglalaro sa utak ko na kapangitan nya.


"Paano magiging maayos ang lasa nyan kung mayroong minatamis na kasama. Try mo tikman ang baboy na may kasamang asukal." Naiinis na sagot ko kay Tres. Napakamot pa sya ng kanyang ulo dahil sa pagsusungit ko.


Gayunpaman, sinalin namin ito sa serving bowl, nakapagsaing na din ako ng mainit na kanin para sa mahal ko. Nag-alok si Tres na tulungan ako sa pagbitbit pero hindi na ako pumayag, nilagay ko ang pagkain at juice sa tray, pasimple pa akong pumitas ng sunflower sa pot doon sa kitchen at nilagay ko sa ray.


Kinakabahan ako habang umaakyat ng hagdan. Paano kung hindi magustuhan ni Raeven? Tapos bilang parusa sa akin, ipapakain nya sa akin ang lahat? Napangiwi ako sa ideya. Pinatong ko muna sa ibabaw ng drawer ang tray bago kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Raeven.


"Goodnight Kuya!" Kumaway pa sa akin si Tres bago pumasok ng kwarto nya, nakangisi sya at may halong pang-aasar. Tatlong katok ang ginawa ko bago sinubukang buksan ang doorknob, nagulat pa ako ng nakabukas lang yon.


Natagpuan ko si Raeven na nakasandal sa headboard ng kama at nakaupo. Nakapikit pa sya habang may yakap na unan.


Tulog na? Masyado ba akong natagalan sa pagluluto?


Binaba ko ang tray sa side table at tiningnan ang natutulog na si Raeven. Hindi ako makapaniwala na buhay talaga sya at nandito lang sya sa tabi ko. Hindi ko naman pinagdasal na mabuhay sya ulit noong akala ko wala na sya, yun pala dininig ang panalangin ko na wag syang kukunin sa akin noong panahong nasa LA sya at nagpapagamot.


I never thought that she would come back,  ni hindi ko inasahan na malalaman ko pa na bumalik nga sya pagkatapos ng ibinalita sa akin ni Yushima na maaring si Dalisay ay parte ng isang sindikato.


Nabuo ang hinala ko ng huling gabing yon nang may naganap sa amin.





Nagising ako na hindi pa din malinaw ang naganap ng gabing iyon. Halos mapatalon pa ako ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko.


Si Dalisay o si Dorothy?


Sinilip ko ang maamo nyang mukha na may yakap na unan. Natutukso akong haplusin ang kanyang mukha pero hindi ko magawa because in reality, I am scared.


"Deuce.." Dalisay whispered. Nilapit ko ang aking tenga sa kanyang mga labi. I want to hold her so bad and pretend she's Raeven. Hindi ko naman inaasahan na may mangyayari kanina. I even thought it was a dream but in the middle of it, I felt her flesh and was drawn to it.


"Wag mo akong iwan.." She whispered. Sa paraan ng pagkakasabi nya non, mas lalo akong naguluhan. Natigilan lamang ako when her phone beeped. Inantay kong gumising o kumilos man lang si Dalisay pero hindi, siguro ay napagod ko sya ng husto. When I confirmed that she didn't heard her phone, ako na ang nagmadaling hanapin iyon. Ito na ang pagkakataon kong malaman kung ano ba talaga ang pagkatao ni Dalisay.


Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang mensahe sa isang lumang cellphone.


Martin: Sorry for not saying anything earlier, I don't want to be rude but I don't want to lie about what I feel. I will be in London for a Doctor's convention, let's talk when I come back. Take care.


Nilingon ko si Dalisay na payapang natutulog sa kama ko.


Martin, isang Martin lang ang kakilala ko, lalong lalo na isang Doctor. Imposible!


Kilala nya si Dalisay? O baka naman si Dalisay at si Raeven---


Imposible!


Hindi na ako nag-isip dahil mas magpapatagal pa iyon, dali dali akong nagbihis. Pinagmasdan ko si Dalisay, gusto ko syang gisingin at tanungin pero alam kong maari syang magsinungaling kapag ginawa ko yon. If she has really bad intentions, I won't have a way to find out.


But if she's Raeven....


Isang posibilidad pero maaring isa ding patibong.


What if she's Raeven? What if she's not?


Isa lang ang paraan para malaman ko. Nagtungo ako sa airport at bumili ng ticket patungong London kung saan magtutungo si Martin, wala akong bitbit na gamit kundi sarili ko lang.


"Oswald. Can you ask Tanya where will be the Doctor's Convention in London? Yung mayroong mga Pilipino." Oswald's sister will be my last straw. She's a doctor too.


"Nandoon sya ngayon. Hilton London, Bro. Bakit?" Sagot ni Oswald.


"I will go there. Now."


"T-teka—"


Binaba ko na ang tawag dahil simula na ng boarding ng eroplanong sasakyan ko. I am clueless of what's waiting for me there. Hindi ko nga alam kung ano ang una kong aalamin. Martin must know something.


Pero paano kung ibang Martin ang nagtext kay Dalisay? Paano kung upline nya yon sa networking?


Yun ang nasa isip ko habang nakatanaw ako sa madilim na himpapawid sa labas ng eroplano. Sayang pala ang effort ko kung nagkataon. Syet.


Yun nga lang hindi ako nagkamali. Una kong nakasalubong si Tanya sa Hilton Lobby pagkadating ko. She recognized me right away dahil daw tumawag si Oswald sa kanya. Nanghingi ako ng tulong na alamin kung nandon ba si Martin sa convention, on the third day she confirmed na nandoon nga. Nahirapan lang syang alamin noong una dahil limandaan daw ang attendees.


"I am sorry Sir but we cannot give you the details of our guest not unless the guest will allow it." A lady with a very strong english accent shook her head.


Tangina, isang buwan na akong nagbabakasakali na makikita si Martin pero negative, marahil daw ay hindi sa Hilton na ninirahan si Martin, but the nearby hotel is Marriot, wala din akong makuhang impormasyon dahil bawal nga. Kahit ang makalapit sa venue ng convention nila ay hindi ko magawa, sa lobby pa lang ay hinaharangan na ako kahit kasama ko pa si Tanya.


Gusto kong magmura, mukha ba akong terorista?


"Ano? Akitin ko na?" Humalakhak si Tanya sa aking harapan. We decided to chill in a bar that night.


Umiling ako habang umiinom ng whiskey. I don't want to use other person just to get what I want.


"Mailap si Doctor Martin Fonacier, Deuce. Wala syang kinakausap. Noong minsang sinundan ko kung saan sya pupunta, mabilis syang naglakad papalayo. Dati ikaw ang type ko, nagbago na ang isip ko. Mas gusto ko yung challenging hindi kagaya mong marupok." Panunuya sa akin ni Tanya.


"Ha, hindi ako marupok, Tanya. Loyal ako and I need to talk to Martin para matahimik na ang buhay ko. Gusto ko na din bumalik sa Pilipinas." Naisip ko ang mukha ni Dalisay, o ni Dorothy, o ni Raeven. Kapag nakausap ko si Martin at itanggi nya na si Dalisay at si Raeven ay iisa, si Dalisay naman ang babalikan ko para ipahuli sa pulis. Hindi ako magpapadala sa inosenteng pagmumukha nya.


Nawawalan na ako ng pag-asa habang nalalapit ang pagtatapos ng convention nila Tanya, isang linggo na lang kasi at babalik na sila sa Pilipinas. Not until one day, I received a message from Tanya.


Tanya: Deuce, Doctor Fonacier is in my room! Dali!


Kinuha ko lang ang robe ko at bumaba doon sa hotel room ni Tanya, parehas kaming naka-check in sa Hilton. Kumatok ako at bumukas agad ang pinto, nginuso ni Tanya si Martin. Natagpuan ko agad si Martin na seryosong nakaupo sa sofa. Nagkatinginan kami agad. Lumipat ang mata nya kay Tanya na napangiwi dahil sa masamang pagkakatitig sa kanya ni Martin.


"Sorry, Doc.. He really wanted to talk to you." Lumabas si Tanya sa kanyang hotel room at binigyan kami ng privacy.


"What is it?" Mabilis na tanong ni Martin. Nahihimigan ko ang pagkabalisa sa kanyang tono.


"Where is Raeven?"


"Dead." Walang kagatol-gatol na sagot nya. Naikuyom ko ang kamao ko. He's telling me like it is the truth but I wanted him to say otherwise! Lalo na sya ang Martin na nagtext kay Dalisay. Hindi naman maaring may dalawa syang kaibigan na magkamukha hindi ba?


"Really? Dead? Do you send text message to the dead, Martin? Sino ang pumupunta sa bahay ko? Kakambal ni Raeven? Either you tell her she's alive or she has a twin because that's the only thing that is possible!"


"I don't know what you are talking—"


Hindi ko na napigilan ang paglipad ng kamao ko. Halos mamanhid ang kamay ko sa lakas. Napahiga si Martin sa sahig ng suntukin ko sya. Hindi ko na mapigilan. I just want to know if it's Raeven or not. Kung hindi si Raeven si Dalisay, magtatanong ako kung bakit may kakilala pa syang kamukhang kamukha ni Raven. Kung si Raeven at Dalisay ay iisa, wala na kong gustong malaman pa. Gusto ko na lang umuwi sa kanya!


"She's dead, Deuce! Hindi mo lang matanggap!" Tumayo agad si Martin at pinalis ang dugo sa pumutok nyang labi. Hindi man lang sya lumapit para gumanti.


"Do you want me to sue you, Martin? Malalaman at malalaman ko din kung nagsasabi ka ng totoo at wag mong iintayin na ako mismo ang makaalam ng nililihim mo because I can drag you to hell and burn your license into ashes."


"Tingnan natin." Mayabang pa na sagot ni Martin, lalagpasan na sana nya ako ng may pumutol na ingay sa pagitan namin.


Tumunog ang cellphone ni Martin, nakapatong iyon sa centertable, nagflash ang mukha ni Phen kaya agad kong dinampot at sinagot ang tawag. Hindi ako nagsalita at nilagay lang sa loudspeaker ang cellphone.


"Fafa Mart, buhay si Raeven? Akala ko minumulto na ako nung nakatayo sa harap ng bahay ko! Alam mo daw at ni Ysobelle---"


Pinatay ko ang tawag ni Phen, nanginig ng husto ang kalamnan ko at sinugod si Martin.


"How dare you!" Nadaganan ko si Martin sa tyan at walang habas na pinagsusuntok sya sa mukha. Tinanggap ni Martin ang lahat ng suntok.


"Sya ang may ayaw magpakita sayo Deuce! Ayaw nyang umasa ka sa wala!" Sigaw sa akin ni Martin pero halos hindi ko sya pagbigyan na makapagsalita. Lintik lang ang walang suntok.


"What did you do to her? Bakit mo binago ang kulay ng mata nya?!" Galit na galit na tanong ko. Kitang kita ko ang pag-alpas ng dugo sa bibig ni Martin pero sinusubukan nya pa ding magsalita sa pagitan ng pagsugod ko sa kanya.


"Sya a-ang m-may gusto. Y-yung credentials nya lang ang binago ko n-noong nakiusap ang Daddy mo sa kanya na balikan ka."


Natigilan ako.


So my Dad knows.


Bumalik ako muli sa pagsuntok dahil sa frustration. Tngina lang, alam nilang lahat at pinapaikot nila ako?


"Gago ka pa din! You faked her identity para isipin kong parte sya ng sindikato na maaaring maghiganti sa akin? Hindi mo ba alam na maaring ikapahamak ni Raeven ang katarantaduhan mo! You are a doctor but you are stupid! Paano kung inunahan ko sya at ipinapatay ko?"


"Deuce! Tama na!" Sumulpot si Tanya mula sa pinto. Pilit nyang hinila ang braso ko kahit ayaw kong tumigil. Hindi ko na halos makilala ang pagmumukha ni Martin pero matapang pa din syang nakatingin sa akin.


"Sasaktan mo lang sya. Ayaw ka na nyang makita dahil sinaktan mo sya, Deuce. She almost lose hope in living because you are capable of loving somebody else while she bleeds in pain! Noon lang ako nakakita ng taong pinipilit buhayin ng mga tao sa paligid nya pero sya mismo ang tumatanggi dahil para sa kanya, mas masakit ang mabuhay kaysa mamatay. Lahat ng pasyente halos lumuhod sa harapan ko para buhayin sila but Raeven would cry every night because she lost the ability to hope, she wanted to die!"


Unti unti akong tumayo mula sa pagkakadagan kay Martin. Kumapit si Martin sa lamesa para tulungan ang sarili na tumayo.


"Your father spent Billions to keep her alive, para ibalik sya muli sayo pero tumanggi sya. Ayaw na nyang bumalik, Deuce."


"You are wrong. Binalikan nya ako! Lagi nya akong pinupuntahan."


Umiling si Martin, "She did dahil pinakiusapan sya ng Tatay mo. Your father is desperate to bring her back to you at tumatanaw lang ng utang na loob si Raeven ngayon kaya wag kang masyadong umasa. Aalis din sya at iiwan ka ulit!" Puno ng sarkasmong sabi ni Martin. Nagawa nya pang tumayo kahit na nakabaluktot ang kanyang katawan.


Susugurin kong muli sya pero niyakap na sya ni Tanya para hindi ako makalapit.


"Deuce, bibig ang ginagamit sa pakikipag-usap hindi kamao. Magpalamig ka muna!" Sigaw sa akin ni Tanya. Kumuyom ang palad ko. Tumalikod ako at padabog na lumabas ng hotel room ni Tanya dahil kung hindi baka makapatay ako at hindi na makabalik ng Pilipinas.


Hindi ako pinatulog ng isiping yon. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan si Daddy. Inantay ko lang na mag-umaga sa Pilipinas bago ako tumawag.


"Dad..." Pagod ang boses ko. Hinilot ko ang aking sentido habang nakapasandal sa upuan.


"Deuce, where are you in London? Pinapahanap kita pero bigla ka daw nawawala sa paningin nila. Nasaan ka?" Puno ng pag-aalala na sabi ni Daddy. Of course he would, alam nya ang lahat ng kilos ko.


"Dad, is Raeven alive?" I know she is but I need to hear from my Dad kahit minsang isa din sya sa nanlinlang sa akin.


Katahimikan ang pumagitan sa amin ni Daddy. Nakarinig ako ng malakas na pagbuntong hininga.


"She is."


Napahilamos ako ng palad sa aking mukha.


"Dad, bakit hindi mo sinabi sa akin? Para na akong baliw na araw araw umiiyak at unti unting sinisira ang buhay pero hindi nyo man lang sinabi sa akin?" Puno ng dismaya kong tanong. I am beginning to question my Dad's ability to take care of me, pumalpak na naman sya sa pangalawang pagkakataon.


"Gusto kong sabihin pero gusto kong respetuhin ang desisyon ni Raeven.."


"So she really don't want to see me? Wala syang intensyon na makasama ako?" Parang bubog ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. It cuts my throat deep, mapait ang panlasa ko sa bawat salita.


"Because she was very ill, son.. And you fell inlove with Clover." Kalmadong paliwanag ni Daddy.


"Tngina naman Daddy eh.."


"Your mouth Attorney Montemayor!" Biglang galit agad ang Tatay ko. Napakamot ako sa batok, tumayo ako at sumilip sa malaking bintana kung saan tanaw ang liwanag sa City of London.


"Okay, sorry. Pero Dad naman eh. Bakit nyo ba ako pinagbibintangan na may mahal na iba? Wala man lang bang magtatanong sa akin kung ano ang pakiramdam ko? Dad, mahal na mahal ko si Raeven. Patay na patay ako doon sa tao, dapat nga ako ang pinagtirik nyo ng kandila eh simula noon pa eh."


Naalala ko ang unang pagkakataon na nakita ko si Raeven. Gandang ganda ako sa kanya kahit napakasimple nya. Tinamaan agad ako. Sagad sa buto. Hindi nagbago ang pakiramdam ko noon pa man.


"I am sorry, Son. Sana maintindihan mo kung bakit mas pinili kong respetuhin ang desisyon ni Raeven na wag ipaalam sayo na buhay pa siya. I also don't want to stress her out when she's under going treatments. Nagtiwala sya sa akin."


Tumango ako, pero kingina, ayaw nya talaga akong balikan? Napilit lang sya ni Daddy kaya nagpakilala sya bilang Dalisay?


Ha, sya pa talaga ang may gana na tanggihan ako.


Tinitigan ko ang mukha ni Raeven. Sinubukan ko syang tiisin na hindi makita kaya nagtagal pa ako sa London. I am thinking na mag-i-iiyak sya sa harapan ni Daddy para ipahanap ako pero dalawang linggo ang lumipas, ako lang ang mas lalong nakamiss sa kanya.


Hindi pa sana ako uuwi sa birthday ni Daddy kaso tinukso nya ako na dadating si Raeven, napabili tuloy ako ng ticket kahapon kahit triple ang presyo ng ticket pabalik ng Manila.


Miss na miss ko na ang mahal ko..


Hinawi ko ang buhok nya na tumatakip sa maganda nyang mukha.


Humikab pa si Raeven kahit nakapikit.


Hanep talaga yung Baby ko, tulog na nga inaantok pa din. Napangiti ako nang maisip ang itsura nya kanina na galit na galit sa akin kasi iniwanan ko daw sya pagkatapos ng may mangyari sa amin. Ang cute cute nyang mainis. Ang sarap halikan kaso dapat galit ako hindi ba?


Napaka-easy to get naman kung patawarin ko sya agad.


"Deuce?" Napakapikit pa din sya.


"Yes, Bab—Raeven?"


"Nandyan na ba yung pinaluto ko?" Tanong nya.


"Oo, naluto ko na. Gising ka na at kumain ka na din."


Umiling sya.


"Antok ako, subuan mo ako habang nakapikit." Utos nya. Agad na nanlaki ang mga mata ko. May kumakain bang nakapikit?!


"Wala namang kumakain ng nakapikit—"


Dumilat si Raeven para matalim lang akong tingnan. "Gusto kong kumain pero inaantok nga ako eh...." Angil nya tapos bigla syang lumabi na parang maiiyak "Kung ayaw mo akong subuan dahil galit ka pa din sa akin, eh di sige. Doon ka na sa Tanya mo. Magsama kayo. Parehas kayong malalandi."


"Rae, paano naman napasok si Tanya sa usapan?" Desperadong tanong ko.


Nagulat pa ako ng biglang humikbi si Raeven. Mas malakas kaysa kanina, anytime, papalahaw na talaga ng iyak.


"Kahit naman galit ka sa akin, galit din ako sayo kaya quits lang tayo. Bakit ang sama sama mo?"


"Rae!" Untag ko sa kanya. "Ano bang problema? May acting workshop ka bang sinalihan at homework mo yan? Aw! Aray! Bakit mo ako sinipa sa tyan?" Reklamo ko sabay hilot ng tyan ko na sinipa nya bigla. Buti na lang may abs kaya di ako masyadong nasaktan.


"Wala pa yang sipa na yan kumpara sa ilang buwang magiging paninipa sa akin ng anak mo sa tyan ko no!" Sigaw nya. My mouth flew wide open. Hindi ko na napansin ang pag-iyak nya, mas inintindi ko ang sinabi nya.


"Anong---Anak? Anak ko? Saan?" Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si Raeven na hindi na makatingin sa akin.


"Raeven, buntis ka?" Tanong ko ng hindi sya sumagot. Hindi ko mapigilan ang mapangiting tagumpay. She's pregnant with my child!


Ang galing mo talaga Dos! Yahoo!


"Dalawang buwan mo akong hinayaan na pagdaanan ang paglilihi nang mag-isa." Buong pagtatampong sambit ni Raeven. Hinalikan ko sya ng buong lambing sa noo. Kawawa naman pala ang Baby ko kung ganon.


"Sorry Baby.. Hindi ko naman alam na ikaw pala yan.."


"Kahit na! Nagbago lang ng kulay ng mata at gupit, hindi mo agad nakilala..."


"Baby naman.. Ayaw nga kitang palitan eh. Nanindigan ako na kahit may dumating pang higit sayo, hindi kita ipagpapalit, eh di lalo pa kung kamukha mo! Mas gusto ko pa din yung ikaw. Yung mahinhin pero matindi magalit lalo na kapag nagseselos." Hinalikan ko si Raeven sa kanyang ilong. Iniligay nya ang kanyang mga kamay sa bewang ko.


"Talaga? Kahit nagsinungaling ako?"


Nagkibit balikat ako. "I cannot do anything about that. Pupwede naman nating bawiin ang lahat ng yon. Sa tingin mo ba, Baby, maihahabol pa natin ang kambal? Ang daming panahon na ang nasayang sa atin eh."


Dahan dahan kong inihiga si Raeven sa kama. Ngumiti sya habang nakatitig sa akin.


She hasn't changed. Yung paraan ng pagtingin nya sa akin, parang inlove na inlove. Yung tingin na parang nakakuha ng jackpot kasi ako ang nasa harapan nya.


"Yung mata mo, hugis puso na." Panunukso sa akin ni Raeven.


Napailing ako. Imahinasyon ko lang pala ang nakita ko sa mga mata nya. Sa totoo lang, ako ang inlove na inlove at nakakuha ng jackpot sa babaeng ito. She's a pain in the ass but I love her.


I can be all that she want because I, Attorney Deuce Montemayor, aimed to make this girl happy, forever and now I am living it.


"Kailan ako kakain?" Raeven asked while I am planting small kisses on her neck.


"Ngayon. Kakain ka, kakain din ako." Ngumiti ako sa kanya. Exciting!


"Hindi yon ang ibig kong sabihin!"


Humalakhak ako at pasimple kong inilagay ang kamay ko sa ilalim ng tshirt na suot nya ngayon.


"Basta ako, yun ang ibig kong sabihin.." Bulong ko sabay halik sa kanyang mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top