Part 2.1



Weird.


"Attorney Montemayor, are you ready for your acceptance speech?" Mula sa pagkakaidlip napadilat ako sa bulong sa akin ni Bori. Tumingala ako at naglinga linga pa sa paligid. Everybody's waiting for me. Patricia walked confidently towards me. Hindi ko na sya inantay, umakyat na ako ng stage.


Nakita ko pa ang kanyang pagsimangot. She just annulled her marriage with the old senator at sinusubukan nyang magkaroon ng kami. Hindi ko magagawa yon ngayon, ayoko na.


Tumayo ako sa stage at tiningnan ang paligid. Daddy is in front of the stage together with Attorney Crisostomo.


"I would like to thank everyone for attending this dinner ceremony. Montemayor Law firm is a stand alone firm for 5 years now, no lost cases--- still keeping our fingers crossed but I can confidently say that we stayed as the number one firm in the country today." Ngumiti ako at nagpalakpakan ang lahat, inantay ko silang matapos bago muling nagsalita.


"Today, marks the day that we have to rekindle the ties with the family who have helped the first Montemayor Law Firm led by my father, Attorney Hades Montemayor---" Tumayo si Daddy gamit ang isang baston at kumaway sa mga tao.


"And Attorney Antonio Crisostomo." Kumaway din si Attorney Crisostomo.


"We guarantee that Crisostomo Montemayor Law Firm will offer better services with top caliber lawyers among our rosters. I, Attorney Deuce Montemayor together with the Attorney Brent Antonio Crisostomo promise to give the utmost service to serve our clients better, whether it's corporate cases or criminal cases."


Tumayo ang si Brent at kumaway din sa lahat, panganay syang anak ni Tito Antonio, who happened to practice law in England. Ngayon lang sya muli bumalik dahil sa request ni Tito Antonio na ipagpatuloy ang pag-aabogasya sa Pilipinas.


"Ma'am hindi nga po pwe—"


"Anong hindi pwede! Kung hindi pwedeng pumasok ang mahirap na kagaya ko, pwes para sabihin ko sayo, may mas mahirap pa sa akin dyan sa mga nakaupo na yan ha! May utang sya sa akin ngayon, sabihin mo sa akin, sino ang mas mahirap!" Napakunot ang noo ko sa isang babaeng nagpupumilit pumasok sa function hall. Nakasunod sa kanya ang gwardiya at hindi talaga sya mapigilan.


She walked furiously going towards table number 20, nilapitan nya ang date ni Mayor Fuentes na di hamak na mas bata doon sa politiko.


"Ikaw! Magbayad ka na ha!" Galit na dinuro nya ang babaeng nakagown. Napakamot ako ng ulo, what a scene stealer. Hindi na nahiya.


"A-ano bang sinasabi mo? Hon, hindi ko sya kilala!" Yumakap ang babae kay Mayor Fuentes at napayuko ako sa matinding pageeskandalo na ginagawa ng babaeng dumating.


"Anong hindi mo kilala? Bili ng bili ng pabango, class A na nga lang hindi pa mabayaran! Kuya, sa mall, 5,000 itong Ralph Lauren ko pero nakuha nya sa akin ng 800!"


"Miss, it's Ralph Lauran" Hindi ko napigilang sumingit sa kanilang usapan. I corrected the pronunciation of the mad girl.


"Ralph Loren o Ralph Loran, parehas lang yan!" Galit akong hinarap ng babae, una kong napansin ang maigsi nyang buhok at bangs, kulay brown ito. Naglakad sya papalapit sa akin, umakyat pa sya ng stage, may kinuha sya sa bulsa nya at agad na napailag ako. Bigla nyang inispray ang kung ano sa hangin.


"Parehas lang ang amoy ng tester at ng orig di ba?" Nakangising tanong nya. My mouth flew wide open. Hindi ako makapaniwala ng husto sa nakikita ko.


"R-rae?" Bulong ko pero tiyak na narinig nya ako.


Sa labi, sa ilong sa hugis ng mukha, it's Raeven.


Speaking of ilong, biglang umusok ang ilong nya sa galit. Her face turned bright red.


"Nak nang hoy! Ang judgemental mo, hindi porket nakapantalon ako at malaki ang tshirt ko lalaki na ang tingin mo sa akin! Sinong Rey? Aba oo at Jejemon ako! Pero wala kang karapatan na tawagin akong Rey. Pinaganda mo ba eh, ba't di na lang kaya Baldo para mas hard?" Umismid sya sa akin, pati ang paraan ng pag-irap nya kamukhang kamukha sya ni Raeven.


"At ikaw Corina, bwisit ka talaga sa buhay ko. Bayaran mo ako ng 800 dahil magre-remit ako ngayon sa Divisoria, tikoy ka talagang babae ka eh, naka-silat ka na nga ng matandang mayaman tapos para 800 lang pinagtataguan mo pa ako!" Naglalakad na papalayo ang babaeng kamukha ni Raeven pero nakatitig lang ako sa kanya.


That's Raeven.


"Kuya." Di ko namalayan na nakalapit na sa akin si Tres, inakbayan nya ako at umiling.


"Tres, nakita mo yon?"


"Imposible Kuya..." Umiling si Tres sa akin.


Oo, alam ko imposible. Raeven's death certificate was sent to me. I was devastated that time. Ang pinayagan lang sa treatment unit na pinagdalhan sa kanya ay ang mga doctor at si Ysobelle lang but I saw it in the camera how she breathe her last breath.


Nakita ko lahat. Hindi ipinagdamot sa akin ni Martin ang bagay na yon.


Tuluyan ng nabuhat ng mga gwardiya ang babaeng kamukha ni Raeven papalabas ng function hall, hindi na ako nagdalawang isip na bumaba ng stage, tinapik ko si Brent at iniabot ko sa kanya ang mic, he nodded at narinig ko ang boses nya na nagapologize sa mga panauhin sa naantalang seremonyas.


Padabog na naglakad ang babaeng kamukha ni Raeven. Sinundan ko sya hanggang sa makalabas sya ng hotel. Nagpamewang sya at sinipa ang bato na nasa harapan nya pero napangiwi naman sya ng hindi natinag ang bato at sya ang nasaktan.


"Ow, bwisit naman oh!" Sigaw nya.


"Miss." Untag ko. Nakasimangot syang humarap sa akin.


"O ano?" pagalit nyang sabi.


"A---"


"Hoy Ralph Loran. Wag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko, kung inaakala mong magsosorry ako sa pagwawala dyan sa sosyalan nyo, pwes hindi."


"H-hindi ako si Ralph Loran. Im Deuce, Deuce Montemayor."


"Wala akong paki." Sabi nya pa sabay irap sa akin. "Hay nakakainis!" Ginulo gulo nya pa ang buhok nya at naglakad muli papalayo.


She really looks like Raeven pero malayong malayo ang pagkilos nya. Malumanay si Raeven at ang isang ito parang lalaki kung kumilos.


"Miss, may kamukha ka." Sumunod ako sa kanya.


Huminto ang babae at pumihit papaharap sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakataas ang kanyang kilay.


"Seryoso? Sasabihin mong kamukha ko si Rey? Sinundan mo pa talaga ako hanggang dito? Badtrip to eh! Makapang-insulto, perfect ka?!" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at bahagya syang natigilan, "Oh eh ano naman kung perfect ka, wala pa din akong paki!"


Padabog syang muling naglakad papalayo sa akin. Ano ba tong babaeng to? Hindi ba sya mapipirmi sa kinatatayuan nya?


"Anong pangalan mo?" Hindi pa din ako sumuko, gusto kong marinig ang boses nya dahil ang tinig nya ay kay Raeven din.


"Ako si Dali." Huminto sya sa wakas at tiningnan ako ng seryoso.


"Dolly?" Paniniyak ko, agad na nalamukos ang mukha nya.


"May problema ba tayo sa pronunciation? Hindi talaga magkawavelength ang mga burgis at masa noh? Hindi Dowly, DALI. DALI. Ako si Dalisay Bituin Madlangsakay." Buong pagmamalaki nyang sabi, hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa pagbigkas nya ng kanyang pangalan.


"Aba—pintasero si Kuya, bakit ka natatawa?" Tanong nya sabay malakas na siko sa tyan ko.


Napangiwi ako sa sakit, grabe! Ang lakas nya!


"Sige na, sibat na ako, wag mo na akong susundan ulit. Hindi ako si Rey, ayos ba?"


Tumango ako. Imposible talagang sya si Raeven because her eyes are jettblack.


---


"Ah! Nakakapagod. Nagmadali talaga akong umuwi, miss na kita eh." Wika ko habang nakaupo sa aking kama, my back rested in the headrest.


Inabot ng alas-dose ng madaling araw ang pakikipag-usap sa mga kliyente at ganito ang pinakaayaw ko. I rarely accept cases now kaya tinanggap ko na ang partnership with Crisostomo's. I just need to pay the bills, hindi ko kailangan ng madaming madaming pera kaya hindi na din ako magtatrabaho na parang kalabaw para yumaman ng husto, para kanino pa hindi ba?


"Grabe yun, hindi ako nakakain." Sumbong ko. "Paano ba naman mayrong umeksena doon at nagwala dahil sa lang sa 800 pesos. Pathetic talaga, Babe." Hinilot ko ang sentido ko.


Napabuga ako ng hangin at niyakap ang urn ni Raeven, "Kamukha mo. Akala ko ikaw.. Pero hindi ko sya type ha. Mas maganda ka don, Baby ko."


This is my daily routine, tuwing magigising ako hanggang sa bago matulog, kinakausap ko si Raeven, alam ko naman na hindi sya sasagot pero pakiramdam ko malapit lang sya at binabantayan ako. This is the only thing that keeps me going.


"Baka naman tinetest mo ako, Babe kaya nakita ko ang Dalisay na yon, pero hindi, iyong iyo pa din ako. Di ba promise ko sayo walang wala ka ng pagseselosan sa akin? Kaya lang baka may pogi anghel dyan ah? Pag-akyat ko dyan baka iba na ang mahal mo at hindi na ako." I sighed.


I am very sure na sa langit ang punta ni Raeven kaya kahit papaano sinusubukan ko na magpakabait. Soon, I may leave my Law Firm at magiging adviser na lang siguro ako sa isang corporation. Less dirty jobs, more chances of going to heaven.


Kinuha ko sa bedside table ko ang litrato ni Raeven, "Mas malakas talaga ang dating mo don, Babe kasi ang mata mo, gray. Lamang na lamang ka don."


Natigilan ako at nakaramdam ng inis sa sarili ko.


Argh! Bakit ko ba sila kinukumpara?


Hindi sya si Raeven, at di nya mapapantayan si Raeven dahil nag-iisa lang ang asawa ko.


Humalik ako sa urn ni Raeven bago ko maingat na inilagay iyon sa bed side table ko at pumikit na.


Bukas, hindi ko na maaalala si Dalisay.


----


"Hi!" Namulat ako ng kinaumagahan ng makita ko si Rae—no, si Dalisay na naka-indian sit sa sofa ko, suot nya pa din ang damit nya kagabi noong nakita ko sya but this time mukhang kakagising nya lang.


"Anong ginagawa mo dito?" Hindik na hindik na sabi ko.


Paano sya nakapasok?!


Tumingin ako agad sa paligid na maari kong ipang depensa kung sakaling may mga kasama syang masasamang loob.


"Naku, sorry ha nakatulog ako. Gigisingin sana kita kagabi, kaya lang tulog na tulog ka na." Humihikab pa na kuwento nya, napaiwas ako ng tingin, pati ang paghikab nya si Raeven din ang nakikita ko, but this girl is a complete lunatic!


"Anyway.. Napulot ko kasi ang keycard mo doon sa hotel kung saan tayo huling nagkita. Nung sabi kong sisibat na ako, bluff lang yon, inaabangan ko talaga si Corina! Walang hiyang babaeng yon. Nagalit tuloy sa akin si Aling Tale at hindi na ako pinakuha ng mga pabango." Kaswal na pagkukwento nya na para bang close kami.



"So paano mo nalamang keycard ko yan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.


"Duh, may name ng condo at ng room number. Kulang na lang pangalan mo at ID picture, kandidato ka na sa susunod na bibiktimahin ng budol budol gang." Ugh! She's too talkative in the morning!


"O sige na, sige na. Umalis ka na." Humalukipkip ako at sumandal sa gilid ng pinto ng aking kwarto.


"Ay grabe ka, tsong! Ang harsh mo. Pwedeng makiligo?" Tanong nya. How can she talk like things are interrelated kahit hindi naman? Yung utak nya siguro may pakpak, laging lumilipad.


"B-bakit?" And I am more stupid to ask!


"Bakit? Hindi ka ba naliligo?" Balik tanong nya. Aist! Smart ass!


"Bakit naman ako magtitiwala sayo?" Humalukipkip ako at hinarap sya. Hinawi nya ang bangs nya at pinanliitan ako ng mata.


"Hoy, kung magnanakaw ako dapat kagabi ko pa ginawa. Ang mantika mo kaya matulog."


Aminado naman ako don, kailangan nya pa talagang i-point out?!


"Sige na, paligo na ako dito sa balur mo.. May raket pa ako ngayon araw eh. Baka ma-late ako sa appointment ko." Lumabi pa sya at nagpaawa ang mukha.


"Wow, appointment, big word." Di ko mapigilang matawa. Sa ayos nya kasi para syang leader ng gang doon sa purok nila. Mas lalo syang sumimangot na parang pusa, tumayo sya at inilapit nya ang mukha nya sa akin.


"Nakakaintindi ako ng Ingles ha! Wag mo akong pagtatawanan. Kayo lang bang burgis ang may karapatan sa salitang appointment?" Pumasok sya sa kwarto ko.


"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ko.


"Maliligo!" Confident na sagot nya.


"At paano mo naman nalaman na may banyo dyan?" I asked curiously. 


She stopped for a while pagkatapos ay hinarap ako ng mayroong nakakalokong ngiti.


"Syempre, mga burgis lang naman ang may banyo sa kwarto di ba? Pahiram nga ng towel, wala akong buni promise!"


Wala akong nagawa kundi kumuha ng malinis na towel doon sa cabinet, pagharap ko kay Dalisay, nakaupo sya sa carpeted floor at nakapangalumbaba sa litrato ni Raeven sa gilid ng kama ko. Pinakakatitigan nya itong mabuti.


"Anong ginagawa mo dyan?" Naiinis na tanong ko. Kinuha ko ang litrato ni Raeven at inilayo sa kanya.


"Girlfriend mo? Chicks ah." Bahagya nya pa akong siniko sa tagiliran kaya mas lumayo pa ako sa kanya.


Hindi ako kumibo. 


"Alam mo may kahawig sya.." Bahagya pa nyang hinawi ang maigsing buhok at humarap sa whole body mirror ko na nakatabi sa may pintuan, nanlaki ang mga mata nya na parang biglang may naalala.


I smirked, she noticed..


"Ah! Kamukha nya yung kapitbahay namin, yung anak ni Mang Berto saka ni Aling Busay. Alam mo bali-balita nga na ampon yon si Nina dahil mestisa si Bakla! Eh kayumanggi yung mag-asawa, pinoy na pinoy. Di ba ang weird naman ng ganon? Ligo na ako ha." Kinuha nya ang towel sa kamay ko ng nakangiti at may kasama pang pagkindat.


Napaiwas agad ako ng tingin at napahilamos ng mukha.


Nang masarhan na ni Dalisay ang banyo, umupo agad ako sa gilid ng kama ko at kinuha ang urn ni Raeven. Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan ang urn.


"Baby, ang weird!" Sumbong ko sa kay Raeven sabay yakap sa mga abo nya.



---


Maki Say's: Amnesia, may kakambal, tinago ni Martin (kawawa naman si Doc Mart haha!)--- Ano pa? Hahaha Seriously naaliw ako sa haka-haka nyo. Hindi na ako sasagot dahil baka madulas pa ako sa susunod na pangyayari :) Goodnight. 


P.S. Di ko sure ang update bukas. 70% ang chance na wala. Matulog kayo ng maaga bukas para hindi mahopia.


PS ulit, di ako nanonood ng Probinsyano kaya di ko alam ang kuneksyon ni Coco Martin, Doc Martin at Dalisay.. HAHAHA kayo talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top