Kabanata 25
Andito Na.
xxRaevenxx
"Basta kapag nag-aaral ka na ulit, ipagluluto mo pa din ako ng lunch.." Sinusundan ako ni Deuce habang inaayos ko ang pananghalian nya doon sa lunchbox.
Para syang bata na biglang dumami ang pangangailangan noong napag-usapan na ang pagbabalik ko sa eskwela.
I don't complain though. I like the feeling of being needed, by Deuce particularly. Handa nga akong ibigay ang lahat, naibigay ko na nga ang lahat.
Sa totoo lang, nawala na sa isip ko ang pag-aaral. Naging mapilit lang si Deuce dahil nakukunsensya ata sa ginawa nya sa akin.
Although alam kong hindi sya dapat makunsensya, ang gusto ko lang maalala nya ang nangyari. Nasaktan ako ng nakalimutan nya..
Ang mali ko lang, hindi ko inisip na makakalimutan nya at ako ang nasa lubos na katinuan, dapat ako ang umawat.
"Oo.. Aalagaan pa din kita..." Pinadaplis ko ang palad ko sa likod ng palad nya. Para naman syang nakuryente na agad umiwas.
Takot na ata syang mapagsamantalahan ko ulit. Kung pananamantala ba ang tawag doon sa hindi ko pag-iwas dahil ako ang nasa katinuan.
"Bakit ka ba naiilang?" Ngumisi ako at inayos ko ang kanyang kurbata. Mas lalo nyang inilayo ang kanyang katawan.
"R-rae.. Masyadong malapit.."
Madali na syang tuksuhin ngayon dahil alam ko na ang kahinaan nya. Kapag inaasar nya ako, ilalapit ko lang ang aking sarili at lalayo sya agad.
"Sige na, umalis ka na.. Uwi ka sakin agad ha." Ngumiti ako ng matamis, nag-iwas sya ng tingin at parang biglang natakot.
"B-bakit ako uuwi sayo?" Nauutal na tanong nya.
"Syempre, sa isang bahay tayo nakatira---"
"Aist! Hindi na ako makapag-intay na pumasok ka na sa eskwela. Hindi na kita makikita lagi." Umirap sya sa akin.
Kaya naman kinabukasan, sinamahan ako ni Deuce para mag-enroll, mukhang hindi na talaga makapag-intay na hindi ako masyadong makita sa pad nya.
"So, natapos mo hanggang Third Year ng Education? Itutuloy mo ang Fourth Year.." Tumango tango si Dean Arnaldo, dito pa din ako sa Unibersidad de San Jose papasok, ang dati kong school. Hindi na ako pumayag na ilipat pa ni Deuce ng school kahit gusto nyang doon ako magtapos sa school nya. Inisip ko kasi baka magkaroon ng problema ako sa matching ng units, baka hindi macredit ang karamihan ng subjects ko.
"Yes Dean." Ngumiti ako at tumango. Nakaupo sya sa kanyang lamesa at nasa harapan ako, nakikinig lamang si Deuce.
"Matataas ang grades mo, yun nga lang ay lumiliban ka ng isang sem. Nung nakaraan ang pinakamahaba, dalawang taon. Ganito pa din ba ang plano mo?" Sinuri ako ni Dean Arnaldo.
"Itutuloy nya po ang isang buong taon. I will pay for her tuition for the entire year." Sabad ni Deuce na nakaupo sa aking harapan.
"So you are Ms. Mendoza's guardian? Tito ka ba niya?"
Nanlaki ang mga mata ni Deuce na napatingin sa akin. Namula agad ang kanyang tenga. Kinagat ko naman ang labi ko para magpigil ng tawa.
"Amo ko po sya." Pagtatama ko.
Tumango tango naman si Dean Arnaldo at ngumiti. "If that's the case, welcome back to the university. Ako na ang bahala sa ibang professors. Nahuli ka na ng isang buwan, pero dahil wala pa ang prelims, pupwede ka pang humabol sa school year na ito."
Mabuti pala at hindi ko kailangang mag-intay ng matagal. If I will graduate, I should make it fast. I have to excel if I need to. Ayokong sayangin ang ilalagay ni Deuce para sa pag-aaral ko.
"Hay salamat! Nakaenrol ka na din. I can have a breather tuwing wala ka." Pagpaparinig ni Deuce ng makalabas kami ni Dean. Sinimangutan ko sya at sinamaan ng tingin.
Naglakad kami ni Deuce patungo sa parking lot. Napangiti ako sa pamilyar na lugar. Ang matatayog na mahogany ang nagsisilbing shade sa buong campus na tinitirhan din ng mga ibon. Angat sa pandinig ko ang masayang tawanan ng mga estudyante, napaglipasan na ako ng panahon. Hindi ko nakilala ang mga mukha ng nandito bukod sa admin at propesor.
"Raeven!" Napalingon ako sa likod ng may tumawag sa akin. Awtomatiko ang pagngiti ko ng makita ko si James who's in his basketball uniform.
"Bumalik ka!" Humahangos syang tumakbo papalapit sa akin. Nilingon ko si Deuce na diresto lang ang lakad patungo sa kanyang sasakyan.
"Nag-aaral ka pa din?" Natatawang tanong ko. Si James ang isa sa pinakamagaling na basketball varsity ng school. I think he's staying dahil kailangan pa sya ng team. It's not that he really needs to work right away, pinapasahod naman sya ng school dahil sa paglalaro nya para sa San Jose.
"Basketball. Alam mo na.. Kamusta ka na? Bigla kang nawala ah." Nakangiting tanong nya. Kaibigan ko si James dahil parehas kami noong representative ng 2nd year sa kani-kaniyang course. He represented College of Engineering samantalang ako naman sa Education. We did a lot of school activities together.
"Okay lang, babalik na ako ulit sa Monday.." May pagmamalaking sabi ko. Pinaikot ni James ang bola sa kanyang hintuturo habang nakikinig sa sinasabi ko.
"Si Ross nandito pa din. Si Jem saka si Hyros naglalaro pa din. Si Reema sinasabayan si Allan. May makakasama ka naman kahit papaano." Kwento pa nya. Natuwa naman ako. May mga kabatch pa pala ako dito.
"Raeven." Isang malamig na boses ang nagsalita sa aking likuran. Pag lingon ko, nakita ko agad si Deuce na nakapamewang at nakatingin kay James.
"James, si Attorney Montemayor, amo ko." Pagpapakilala ko kay Deuce.
Tumango si James kay Deuce na parang walang pakialam.
"O basta sa Monday ha. Alam mo na kung saan kami pupuntahan. Sports quarters lang kami maghapon pati si Reema." Baling sa akin ni James pagkatapos ay nag-jogging na papalayo.
"Tsk, presko." Narinig kong bulong ni Deuce sa aking likuran. Tiningnan ko sya ng nagtataka pero sinamaan nya ako ng tingin. "Wag kitang maabutan na nakikipagusap doon, kung hindi ililipat kita ng school."
Sumimangot ako, hindi pa nga ako nagsisimulang pumasok, lilipat na agad.
"Alam ko ang schedule mo kaya susunduin kita tuwing matatapos ang klase mo." Aniya pa habang binubuksan ang pinto sa front seat.
Akala ko ba excited na syang pumasok ako para hindi na kami magkita ng madalas ngayon ay susunduin pa ako..
"Hindi na kailangan. Pupwede naman akong mag-tren papasok at pauwi."
"At ano? Sabay kayo ng mahangin na yon? Tch. Di na." Masungit nyang sabi. Napangiti ako. Pinatong ko ang kamay ko sa kanang binti nya ng makaupo na sya sa driver seat.
"Nagseselos ka?" Nakangiting tanong ko. Padabog nyang pinalis ang kamay ko.
"Hindi. Wag kang umasa."
Ngumuso ako dahil sa sagot nya.
Mabilis ang mga sumunod na araw. Nakasuot ako muli ng uniporme at pumapasok sa University. Nahihirapan akong mag-adjust dahil sinisugurado ko talagang napaghahanda ko din ang kailangan ni Deuce para sa opisina. Madalas nga ay wala na din akong tulog. Mabuti na lang at nagagawa din ni Deuce na mahatid at sundo ako kundi baka bumigay ang katawan ko sa byahe.
"You look terrible." Puna sa akin ni Deuce ng kunin nya sa aking kamay ang baon na inihanda ko para sa kanya. Umaga pa lang ramdam ko na ang pagbahing at pag-ubo.
Mahina ang immune system ko, madali akong dapuan ng sakit kapag pagod na pagod. Isang bagay na hindi ko inaamin kay Deuce noon pa. Dahil kung noon, alam na nya ang kalagayan ko, sya na ang susustento sa pag-aaral ko. Kaya nga ako humihinto sa pag-aaral tuwing magtatrabaho ako dahil hirap akong pagsabayin dahil sa pagkakasakit.
Isa pa, the pressure is on kaya kahit hindi ganoon ang hirap sa pag-aalaga ko kay Deuce, nagkakasakit pa din ako. Kailangan kong maging mahusay para hindi masayang ang pampaaral sa akin ni Deuce.
"Okay lang ako. Nag-aalala ka ba?" Nakakangiting tanong ko sa kanya. Naiinis sya tuwing binibiro ko sya pero hindi ko naman mapigilan.
"No." He scoffed. Kinuha nya ang backpack ko saka yung mga libro ko mula doon sa sofa at nauna na syang lumabas ng pinto. Sumunod ako hanggang sa makarating kaming parking lot.
Hawak ko ang libro ko habang nagmamaneho si Deuce, kahit sa byahe, nagbabasa ako. Ayoko kasing may masayang na oras. Hindi naman ako inaabala ni Deuce, nahuhuli ko pa nga syang pinapatayan ng tawag ang mga tumatawag sa kanya kapag nakikita nyang nag-aaral ako.
"There you go.." Anunsiyo ni Deuce ng tumapat ang sasakyan nya sa Education Building. Tumalima na ako at kinuha ko na ang bag ko mula kay Deuce.
"5:30 is your last class. I will be here by 5:15." Tumango ako sa matipid na sinabi na yon ni Deuce. Kahit wala nga syang sinasabi, dumadating sya ng kusa. I think he memorized my schedule.
Ramdam ko ang panghihina habang nagkaklase, hindi din ako nakakakain ng maayos na lunch dahil sa sama ng pakiramdam. I think I can get through the day kung hindi ko kakailanganing mag-isip o magparticipate masyado.
"Ate Rae, ayos ka lang?" Paniniyak sa akin ni Elaine, kaklase ko sya at sya ang unang naging kaibigan ko sa pagbabalik ko. Dinikit nya ang upuan nya sa akin para damhin ang braso ko. Iniilag ko naman yon dahil ayokong mag-alala pa sya.
"O-oo.." 3PM pa lang pero ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malamig. Mainit din ang pakiramdam ko.
"Kanina ka pa kasi nag-e-space out. Gusto mo dalhin kita sa infirmary? Rest ka muna. Reporting lang naman tayo kay Arrubo." Pangungumbinse nya. Ngumiti ako ng pilit. Uupo lang naman ako at makikinig. Kaya ko pa ang pakiramdam.
Natapos ko ang klase ko ng hindi bumibigay ang katawan ko. Tumingin ako sa orasan. 5:45 PM. Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng mahogany kung saan ako pinupuntahan ni Deuce.
Nag-aalala ako dahil wala pa sya. Abogado sya at maraming galit sa kanya. Tuwing nahuhuli sya sa oras sobra sobra ang kaba ko. Sinubukan ko syang padalhan ng mensahe para kamustahin pero wala naman akong natanggap na reply.
Nag-intay pa ako hanggang sa magdilim na ang paligid at naubos na ang mga estudyante. Tatlong classroom na lang ang nagkaklase sa Education Building.
Isang malaking patak ng tubig ang bumagsak sa braso ko hanggang sa sunod sunod na ang paglagapak nito sa lupa. Galit na galit ang tunog ng yero sa buong campus dahil sa lakas ng pag-ulan.
Biglaan.
I was about to stand up ng makaramdam ako ng pamamanhid ng paa. Hindi ko maihakbang dahil sa sobrang panlalambot.
Umupo akong muli at nag-intay ng taong darating para dalhin ako sa maari kong silungan pero bigo ako. Kahit ang guards sa school ay marahil nanatili sa loob ng guard house dahil sa sobrang lakas ng pag-ulan. Ramdam ko ang pagbigay ng aking katawan. Gusto ko ng mahiga.
'Asan ka na, Deuce..'
--
xxDeucexx
"Ang aga ulit uuwi ni Attorney." Narinig kong bulong ni Elmo kay Bori. It's 3:30 in the afternoon and yes, aalis ako ng ganito kaaga para mahabol ko ang uwian ni Raeven.
Iniisip ko na lang kabayaran ko ito sa mga kalokohang pinag-gagagawa ko nung nakaraan. Hindi ko kasi mapigilang asarin sya. Ang cute nya pag tinatago nya ang pagkapikon nya sa mga sinasabi ko.
"Eh si Cloverita hindi na bumalik? Ano ba ang nakain non at nagtagal ng husto sa CR?" Tanong ni Bori kay Elmo.
"Nakain? Wala teh. Malamang ampalaya at lumaklak din yon ng Papaitan kaya bitter! Binasted ang panliligaw ng asawa tapos nagdadrama kasi hindi pa daw umuuwi? Aba eh matindi!"
I creased my forehead. Bago ako tuluyang umalis nagtungo ako sa CR at kumatok.
"Clover, are you there?" Tanong ko.
"Wala." Isang maliit na boses ang nanggaling doon.
Napangiti ako. Alam kong si Clover iyon.
"Lumabas ka na. Naiihi na ang mga kasamahan mo." Biro ko.
"Pahiram mo muna ang men's toilet! Parehas lang naman yon." Sigaw nya mula sa loob.
"Lumabas ka kaya dyan kaysa inaabala mo sila. Dali, may surprise ako sayo."
Ilang sandali pa nakarinig ako ng pagclick ng pinto. Nakayuko si Clover. Iniangat ko ang baba nya at nakita kong pulang pula ang kanyang mata at ilong.
"Nagda-drugs ka?" Tanong ko sa kanya. Hinampas naman nya ako sa braso.
"Gagi. Brokenhearted ako." Suminghot sya mamaya pa ay sumabog ang malakas nyang pag-iyak.
"Okay lang yung umalis eh. Pero yung hindi ako kontakin? Anong akala nya sa sarili nya? Bill ng kuryente? Isang beses isang buwan lang magpaparamdam? Tapos kapag dumating obligasyon ko pa na pansinin sya kundi ako ang mawawalan? Anong akala nya sa feelings ko? TV? Bubuksan lang pag gusto nyang manood? Mashaket beh!" Umiiyak na sabi ni Clover. Nagsilingunan ang mga staff ko pero imbes na kaawaan sya, natawa silang lahat. Pinakamalakas ang tawa ng mga kaibigan nyang si Bori at Elmo. She sniffed again.
"Maganda ako pero may hangganan talaga ako.. At ngayon hanggang---"
"Hanggang dito na lang?" Dugtong ko sa sasabihin pa ni Clover.
"Hanggang dulo ng walang hanggan! Magiintay ako." Deklara nya.
"Mag-iintay ka naman pala eh bakit ka umiiyak?" Tanong ko ng natatawa. Hindi ko mapigilang isipin na ang swerte ni Ashton sa kanya.
"Syempre namimiss ko. Pagkatapos nya akong patikimin ng ligaya--"
"Clover, that's inappropriate. Nasa opisina ka." Bulong ko.
"Bakit? Bastos na ba ang ligaya ngayon? O di sige kasuhan mo si Jollibee! Lagi yong masaya." Umismid pa sya sa akin.
I am fascinated by Clover's wit. I enjoy her company alot too, ngayon ko lang ulit sya nakausap ng matagal simula umalis si Ashton.
"Ice cream tayo?" Pag-aaya ko.
"Libre mo?" Tanong nya agad. Ngumiti ako at tumango. Inakbayan ko sya habang lumalabas kami ng lawfirm at nag-drive ako sa Ice cream shop na malapit sa inuuwian nya.
Mabuti na rin yon at para hindi na ako mag-aalala sa pag-uwi nya. Madami kaming napag-usapan. Mostly about her lovelife, patuloy kong pinapalakas ang loob nya pero kapag nakita ko talagang hindi worth ang pag-iintay nya sa Ashton na yon, titiyakin kong wala ng babalikan si Jacinto.
"Alam mo, madilim na. Di ba maaga ka uuwi dapat?" Nakataas ang kilay ni Clover habang nakatingin sa akin. Nakatatlong serving kami ng ice cream at literal na nakalimutan ko ang oras habang kausap ko sya.
Lumingon ako sa labas at napansin kong madilim na nga. Tiningnan ko ang orasan ko at nakita kong mag-aalas syete na.
Si Rae!
Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial doon ng numero ni Raeven. Binato ko iyon sa passenger seat ng hindi naman nagriring ang phone nya. Hindi ko alam kung nakapagpaalam pa ba ako kay Clover. Natagpuan ko ang sarili ko na nagmamaneho ako patungo sa school ni Raeven.
Magbabakasakali pa din ako.
Napangiwi ako sa lakas ng ulan at trapikong sinuong ko. Mahihirapan si Raeven umuwi kung ganito.
Mabuti sana kung nakauwi na sya pero kung hindi....
Patay.
Magagalit yun tiyak.
Naiimagine ko na ang nakasimangot at nagdadabog na si Raeven.
"Boss may estudyante pa?" Kinakabahang tanong ko. Tumingin ako sa oras doon sa dashboard ng sasakyan ko.
Sht, 9PM.
Lumapit sa akin ang gwardiya na naka-kapote at malaking payong.
"Umuwi na lahat." Sagot nito sa akin, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.
"Pwedeng sumilip?" Tanong ko. Nagtataka akong tiningnan ng gwardiya. Nilabas ko ang lisensya ko at inabot sa kanya. Binasa yon ng guard at bumakas ang pagkakakilanlan sa mukha nya.
"Sige ho Attorney. Kunin ko lang motor ko. Magpapatrol na din ako."
Inantay kong bumalik ang guard dala ang kanyang motor. Pinaikot ko ang sasakyan ko. Tutok ang mata ko doon building ni Raeven. Lumingon ako sa puno ng mahogany kung saan ko sya madalas na sinusundo.
Napansin kong parang mayroong nakahiga doon. My chest hammered.
Please, no..
Bumaba agad ako ng sasakyan at sinalubong ang malakas na ulan.
"Raeven!" I held her by the wrist. Malakas ang panginginig ng katawan nya at hindi kumakalma, nakatingin lang sya sa akin pero parang hindi naman ako nakikilala.
"Raeven. Andito na ako.." Bulong ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit, unti unting bumagal ang paghinga nya at nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top