Kabanata 21
Selos.
xxRAEVENxx
"Rule Number 1, work will start at 9AM to 6PM only, day off every Sunday. Ano to? 9 hours a day?" Nakakulubot at salubong na salubong ang kilay ni Deuce habang binabasa ang isinulat kong rules.
Tumango tango ako. Nakaupo sya sa kanyang kama at ako naman doon sa extension ng kama nya, naka indian sit. Magkaharap kaming dalawa.
"Look, I go to work at 8, I come home by 9PM, 8PM will be the earliest time that I can go home, ibig sabihin ay hindi mo na ako pagsisilbihan sa mga oras na yan?" Gulat na gulat na tanong nya.
"Oo naman.. Asa labor code ang oras ng pagtatrabaho hindi ba?" Ngumisi ako sa kanya.
"Ang almusal ko? Dinner ko? Alangan naman late akong papasok at maagang uuwi. Ano to? Ako pa ang mag-aadjust?! Isa pa, malay ko ba kung nagtatrabaho ka ng tama. Baka mamaya natutulog ka lang kung wala ako."
"E di icheck mo kung may alikabok ang pad mo. Pwede mo akong tawagan ng alas nwebe hanggang alas sais ng hapon. At doon sa pagkain mo, iluluto ko yon sa oras na wala ka, iinit mo na lang."
Sinamaan nya ako ng tingin tanda ng pagprotesta. Ngumiti lang ako sa kanya ng mapang-asar.
"Tsk. Rule number 2, no personal questions. Ha! As if naman interesado ako sa personal na buhay mo." Mayabang nyang sabi, umirap lang ako.
"B-bakit nga pala 9-6PM? U-uwi ka ba sa inyo pagdating ng 6PM?" Tanong nya pa.
"Hindi ka interesado di ba?" Tinaasan ko sya ng kilay.
Pagkakataon naman nya para umirap sa akin at tumahimik bigla.
"Hindi ako uuwi araw araw. Tuwing linggo lang, kailangan kong silipin si Ysobelle." Sabi ko.
Suplado syang tumango.
"Rule Number 3, No kissing, flirting or any sexual harrasment acts. Gandang ganda ka talaga sa sarili mo no?" He asked sarcastically.
"Ikaw ang nauna kanina." Pagpupunto ko. Naalala ko na naman ang halik na yon. Nag-iwas sya ng tingin at hindi sumagot.
"R-rule number 4, do not fall in love with me." Napaawang ang labi nya at tiningnan ako. "H-H-Hoy, kakapalan na to ha. Mukha ba akong---"
"Oo."
"YUCK. Makatulog na nga. Walang kwenta yang rules mo." Hinagis nya pa sa akin ang papel na naglalaman ng rules ko, humiga sya at tumalikod pa sa akin.
Aba! Wala talagang modo ang isang to.
"Pirma ka muna!" Kinalabit ko sya pero nakahalukipkip lang sya at mariin na nakapikit.
"Ang daya mo. Pirma ka muna!" Ulit ko. Sumampa ako sa kama nya, napadilat naman sya agad at masama akong tiningnan.
"Bakit nandito ka sa kama ko?" Tanong nya na parang magbubuga na ng apoy.
"Pirma ka muna.."
Imbes na sumagot at tinabig nya ako at sinubukang itulak papabalik doon sa higaan ko.
"Alis!" Sabi nya pa. Nagmatigas ako at hindi umalis kahit ilang beses nya akong pinagtulakan. Isang malakas na pagtulak pa at naitulak nya ako pabalik sa higaan ko at naging malakas ang pagbagsak ko dahilan sa pagtama ng noo ko doon sa bedframe ko.
Aray!
"R-rae.."
Hindi ako kumilos o kumibo. Masakit talaga! Tch. Seriously?
"R-rae.." Si Deuce naman ang bumaba doon sa higaan ko para kalabitin ako. Hinila nya ang pulsuhan ko at agad na iniharap ang mukha ko sa kanya para tingnan.
"May bukol.." Sabi nya pa. Pinanliitan ko sya ng noo at kinapa ang noo ko, nakaangat nga ang maliit na parte malapit sa sintido ko. Nakakainis at makirot!
"Sige na, matutulog na ako. Inaantok na ako." Humiga ako at tumalikod na kay Deuce. Binalot ko ang sarili ko ng comforter at nagtakip ng mukha. Nayamot na ako ng husto. Ang OA naman kasi nyang makapagpaalis, nabukulan pa tuloy ako.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Deuce mula sa kama ko at lumabas ng kanyang kwarto, pagbalik naman nya ay nakaramdam ako ng pagyugyog. Tiningnan ko si Deuce at may dala syang icepack.
"Gagamutin ko." Mabait nyang sabi, malamlam pa ang kaninang nanlilisik nyang mata. Umirap lang ako at nagtalukbong muli ng kumot. "Gagamutin na nga, ang arte."
Tse. Bahala ka dyan.
Naramdaman ko ang paghiga ni Deuce sa tabi ko at pinipilit akong ipaharap sa kanya.
"Ano ba.." Inis kong sabi. Gayunpaman, nagawa nya akong ipaharap sa kanya. Dahan dahan nyang tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
Nakasimangot lang ako at nanatili lang na blangko ang mukha nya. Maingat nyang dinampian ng malamig na icepack ang parte ng nabukulan sa akin. Titig na titig naman si Deuce sa mukha ko habang ginagawa nya yon.
"Pangit na nga, mas pumangit pa." He said. Hindi ako umimik. Hinayaan ko syang lagyan ng yelo ang noo ko at pumikit naman ako dahil naiilang ako sa mukha nya pag ganito sya kalapit. Isa pa naiinis din ako dahil kasalanan nya. Kung pwede lang gumanti sa kanya kagaya ng dati...
....
......
Di ko namalayan nakatulog na pala ako at pagkagising ko...
"Hala, hoy bakit ka dito natulog?!" Pilit kong ginigising si Deuce dahil bukod sa magkatabi kaming nakatulog, yakap nya ako sa bewang at nakasiksik ako doon sa dibdib nya. Ang sarap pa ng pagkakapikit nya.
Marahan syang nagmulat ng mata at mukhang di pa alam ang kaganapan kaya pupungas pungas pa sya. Nagtataka ang kanyang mga mata na tiningnan ako.
Tumingin ako sa kisame. Pakiramdam ko kasi may gayuma ang mata ni Deuce tuwing tumitingin. Nakapanlalambot.
"Bakit kita katabi?" Namamaos pang tanong nya. In fairness ang bango pa din ng hininga.
"Nauna akong makatulog sayo.. Ikaw? Bakit kita katabi?" Mataray kong tanong. Nagpalinga linga pa sya at tiningnan ang paligid nya. Kinuha nya ang ice pack doon sa ulunan ko at tinapat sa mukha ko.
"Nakatulugan ko." He said. Sinipat nya pa ang noo ko at marahang hinaplos ang bukol ko, "Sakit pa?" He asked, mababa ang kanyang boses pero may himig iyon ng pag-aalala.
Umiling ako kahit medyo masakit pa, hindi naman sya dapat nag-aalala dahil galit naman sya sa akin hindi ba.
Bumangon na ako dahil alas-siyete na ng umaga, ipaghahanda ko si Deuce ng almusal. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Ilang minuto lang ang itinagal ko doon pero paglabas ko, nakarinig na ako ng pagkilos sa kusina.
Natagpuan ko doon si Deuce na naghahanda na ng breakfast. May nailuto na nga syang sunny side up eggs. Agad akong lumapit para tulungan sya.
"Ako na."
"Ako na. Di ba 9AM pa ang shift mo? Ako muna ang magluluto mahal na Prinsesa." Sarkastiko nya pang sabi.
Umupo ako sa bar stool at pinagmasdan ang kanyang ginagawa.
I sighed. Mukhang sanay na sanay na syang magluto. Sanay na sanay na syang mag-isa. Mabuti naman at may naidulot sa kanya ang paglayo ko. Dati rati kahit ang magprito ng itlog, hindi nya talaga kaya, pero ngayon, iba na.
"Luto na. Tulala ka dyan." Pinindot pa ni Deuce ang ilong ko, nakita ko nga ang hotdogs at ham sa plato. Nilagay nya sa harap ko ang slice bread, pati ang plato sya din ang naglagay.
Tinaasan nya ako ng kilay ng hindi ako kumilos.
"Wag mo sabihing susubuan pa kita dahil nahihiya ka. Ikaw ang may sabing 9AM to 6PM lang ang shift mo hindi ba?"
"Hindi ka pa naman pumipirma eh." Mahinang sabi ko.
"Hindi ko na kailangan pumirma. Fair akong tao, pagsinabi kong yun ang shift mo, eh di yun." Pinagmasdan ko syang sumubo ng pagkain. Kahit sa paraan ng pagsubo ang brusko nya talaga kumilos, hindi pa din nagbabago.
"Paano ang ibang rules ko? Apat yun ah."
"Pinagbigyan ka na nga sa shift mo gusto mo pang pipirma ako doon sa rules mo. Mahal ang pirma ko." Masungit nyang sabi, napanguso ako. Ibig sabihin yung sa schedule lang sya pumayag?
Inabala nya ang kanyang sarili sa pagkain, ganoon din ang ginawa ko. Ang sungit nya sa akin kaya hindi na ako nagsalita.
Nang naghahanda na si Deuce sa kanyang pagpasok, ako naman ang humarap sa kusina para ipagluto sya ng lunch. Siguro exemption na lang ang paghahanda ko ng pagkain para sa kanya, basta pagdating ng 6PM hindi na nya ako maaring utusan not unless magkukusa akong pagsilbihan sya.
"Here's the money. Check on my supplies and maggrocery ka, mayroon dyan sa baba. Ask them to assist you in carrying the groceries to my door." Nakatayo ako sa may pintuan para ihatid si Deuce palalabas ng pad nya.
Tumango ako at kinuha ang lilibuhin na perang inabot nya. At least mayroon naman akong gagawin maghapon.
"Ano to?" Takang takang tanong ni Deuce ng iabot ko sa kanya ang lunchbox nya pagkatapos kong ilagay sa bulsa ko ang pera.
"Lunch." Nakangiti kong sabi.
"H-hindi na kailangan. Bihira naman akong maglunch dahil on the go ang schedule ko." Tanggi nya at nilalagay sa kamay ko ang nakapack na lunchbox. Hindi ko kinuha yon.
"Dapat ay naglulunch ka sa oras. Magkakasakit ka. Alam mo naman yon hindi ba?"
"Mas nakakapag-isip ako kapag hindi ako busog."
"Pero hindi mo naman kailangang magpagutom."
Hindi na sya umimik at kinuha na lang sa akin ang inaabot ko. "Tsk. Bukas wag mo na akong lulutuan." Sabi nya pa. Hindi ako tumango. Magluluto pa din ako. Hindi nya ba inaalala ang kalusugan nya? Masyado syang tutok sa trabaho.
Pagkaalis ni Deuce, inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng pad nya. Wala naman masyadong lilinisin dahil masinop sya sa kanyang lugar. Nakakabilib para sa isang lalaki.
**kring kring..
Napalingon ako sa telepono doon sa may sidetable ng magring iyon.
"Hello?"
"Kamusta ka dyan?" Pormal ang boses ni Deuce sa kabilang linya.
"Maayos naman. Kakatapos ko lang maglinis--"
"Naglunch ka na ba?" Putol nya sa sinasabi ko.
"Mmm. Ikaw?"
"Kumakain."
"Talaga? Kinain mo ang inihanda ko?"
"Hindi. I don't feel like eating tuna today." Aniya. Napanguso ako sa tugon nya. Pan seared tuna kasi ang inihanda ko sa kanya at sari saring gulay.
"Akala kasi gusto mo yon, nasa freezer mo kasi."
"No. Mona bought it. She's on a fish diet." Sagot naman ni Deuce.
Sino namang Mona yon? Yun ba ang pangalan ng girlfriend nya? Sabagay, bakit naman nya ipapaalam, maid na lang nya ako ngayon. Nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon.
"Ah." Yun na lang ang naisagot ko. "S-sige, ibaba ko na ito. Maggo-grocery pa ako.."
"Antayin mo na akong dumating, maaga akong uuwi para makapagGrocery tayo." Utos nya.
Tumango ako kahit hindi nakikita ni Deuce, nakaramdam kasi ako ng pagbabara sa lalamunan.
"Bye." Pagkasabi ko non, agad kong ibinaba ang telepono at umupo doon sa sofa para alalahanin ang usapan namin ni Deuce.
'Mona bought it. She's on a fish diet'
'Mona bought it. She's on a fish diet'
'Mona bought it. She's on a fish diet'
'Mona bought it. She's on a fish diet'
Nakaramdam ako ng kirot..
Masakit sa dibdib...
Iba talaga ang pakiramdam kapag harap harapang ipinapamukha sayo na hindi na ikaw. Tapos ginagawa nya ang mga bagay na ayaw mong ginagawa nya. Parang may humahawak sa puso mo na hindi maalis kahit ang hapdi na.
-----
xxDEUCExx
"Sige na, patikim lang ng isa." Nagpuppy eyes pa si Clover at nakatingin sa lunchbox ko. Kakababa lang ni Raeven ng tawag ko.
Bigla lang nya akong binabaan ng tawag, may sasabihin pa sana ako sa kanya, yung babae talaga na yon!
"Ang damot mo!" Nakasimangot na sabi ni Clover ng hawiin ko ang tinidor nyang itutusok nya sa pagkain ko.
Hindi ko masabi kay Raeven na ako ang kakain ng niluto nya. Kasi naman nakakabadtrip pag nakikita syang masaya, natutulala ako at naguguluhan pa.
Ano bang magulo don?
Hindi na kami tapos napapatingin pa din ako sa kanya, ang gulo di ba?!
Hindi ko na sya gusto pero nag-aalala pa din ako. Tsk! Napakapabaya naman kasi sya, nabukulan pa tuloy sya. At ako naman si gago, nag-alala pa, nagising tuloy ako sa tabi nya!
Napabuga ako ng hangin at tiningnan ang pagkain na ayaw ko sanang kainin kaya lang hindi ko maatim na itapon na lang o di kaya ipamigay.
Hindi ko din paborito ang tuna, but the moment I ate the food, I felt comfort. Akala ko lang siguro ayaw ko nito, nasanay kasi ako na nagiisip kung anong gusto kong kainin, but this time someone cooked for me and I just have to eat, masarap sa pakiramdam.
Sa maghapon na lumipas nakatingin lang ako sa orasan kasi yung pag-andar sobrang bagal! Bakit hindi pa alas-singko?! Tss, bahala na nga!
"O? Uwi na?" Tanong sa akin ni Clover ng dumaan ako sa harapan nya. Tumango lang ako. Nagmamadali pang mag-lakad kahit alas tres pa lang ng hapon.
Dahil alanganing oras, nakarating ako sa pad ko sa loob ng labing limang minuto at naabutan ko doon si Raeven na nag-aayos sa kusina. Una kong sinipat ang itsura nya kung mukha ba syang napagod ng husto, hindi naman siguro dahil maganda pa din sya.
Kaya lang pagdating ko tiningnan nya lang ako at hindi binati. Napakurap pa ako dahil sa uri ng tingin nya. Nakakatakot yung tingin nyang yon, hindi sya galit pero malungkot.
"H-halika na.. Magready ka, mag-go-grocery tayo." Nauutal na utos ko. Tumango naman sya at binitawan ang hawak nyang basahan.
Nagtungo sya sa kwarto ko at ilang sandali lang nakapagpalit na sya agad ng damit. Nakasuot sya ng simpleng bestida na bulaklakin at angat na angat ang maputi nyang kutis.
'Tss, stop it Deuce!'
Tiningnan nya ako at tumango na parang nag-aaya. Nauna pa syang lumabas sa pad ko at sumunod lang ako.
Parang mapapatid naman ang paghinga ko ng nasa loob kami ng elevator, hindi kasi sya umiimik. Nakatingin lang sya doon sa elevator buttons na parang may kung anong interesante doon.
Ang dami kong tanong. Hindi nya ba nagustuhan ang ginawa nya maghapon? Napagod ba sya ng husto? Galit sya sa pinapagawa ko?
Pero lahat yan ay hindi masasagot dahil hindi ako magtatanong.
Isinakay ko sya sa sasakyan ko, pagbubuksan ko pa sana ng pinto pero nauna na naman sya sa pgbubukas.
Argh! Ano bang nangyayari?! Alam kong hindi naman kami close, pero mas gusto ko yung nagsisigawan kami kaysa yung ganito.
Ang cold nya.
Nang makarating kami sa grocery nagmadali talaga ako na abutin ang pushcart, tiningnan nya lang ulit ako pagkatapos tumingin doon sa listahan na dala nya.
Bwiset!
Sumusunod ako sa pinupuntahan nya at sya na ang naglalagay ng mga bagay doon sa cart. Wala syang gana doon sa ginagawa nya, pansin na pansin ko yon pero bakit ba apektadong apektado ako?!
Paki ko di ba?
Napakamot ako ng ulo at luminga sa paligid ng shelves na mayroong breakfast essentials.
"Ah, Raeven.. Gusto mo ba ng cereals sa umaga?" Tanong ko para may mapag-usapan lang.
Tiningnan na naman nya ako ng blankong ekspresyon at umiling.
"Eh nuggets? Di ba favorite mo yon-- noon." Ugh! Okay this conversation is getting weird.
Umiling syang muli at naglakad papalayo, tinulak ko ang cart at hinabol sya.
"Rae.. Oatmeal with fruits?---" Tanong ko ulit. Ayaw huminto ng bibig ko sa pagsasalita kahit hindi nya ako pinapansin.
Hindi sya umiling pero hindi sya tumango.
HINDI NA AKO PINANSIN?!
Ah! Frustrating!
Ano bang ginawa ko?!
Mga babae talaga!
"Y-yung kanina, gusto mo ba ng ganong breakfast? Ah, pancakes! Di ba paborito mo yun? Yung mayroong strawberry jam." Subok kong muli.
Tiningnan nya lang ako at napansin kong namumula ang ilong nya.
At Kapag ganyan sya....
Ang susunod dyan ay....
LUHA.
Umiiyak sya bigla at pinunasan ang mata nya tapos naglakad ulit papalayo sa akin. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa supermarket kaya madali syang sundan. Natataranta ako ng husto sa kinikilos nya.
"Rae.." Tawag ko sa kanya.
Pucha naman, nakakapraning naman kapag ganito sya, hindi ako mapakali.
Binitawan ko ang hawak kong cart at hinila ko sya sa siko. Tumigil naman sya sa paghakbang at nagulat na lang ako ng bigla syang humilig sa dibdib ko at doon nga sya umiyak.
Pinagtitinginan kami ng mga crew ng supermarket pero wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang kung bakit sya umiiyak.
Napabuntong hininga ako at hinagod sya sa likod.
"Raeven, ano bang problema mo?" Malumanay na tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo at hinayaan ko na lang syang umiyak sa dibdib ko kahit basang basa na ang suot kong polo.
"Hindi kita bati, pangit ka." Humihikbi na sabi nya.
Natigilan ako sa paghaplos sa likod nya.
At dahan dahang pumikit...
Hindi ko alam kung bakit ang sarap pakinggan nung sinabi nya.
Ninamnam ko ang bawat salita nya. Yung mga salitang unang sinabi nya simula bumalik ako galing sa trabaho.
Ang sarap sa puso. Nakakatunaw ng pagod na kahit walang kwenta yung sinabi nya, at least nagsalita na sya.
"Hindi kita bati!" Ulit nya pa na parang bata. Napangiti ako.
"Di ba hindi mo naman talaga ako bati?" Tanong ko sa kanya. Tumango sya pero nandon lang sya sa dibdib ko.
"Pero mas hindi kita bati ngayon." Bulong nya.
"Ganun ba? Okay lang." Pang-aasar ko sa kanya. Nilingon nya ako at nakasalubong ang kilay nya. Hinampas nya ako sa dibdib at tinalikuran ako.
"Kapag hindi kita bati, ayokong marinig ang boses mo. Ayaw din kitang makita kaya wag kang magpapakita sa harapan ko." Padabog pa syang humakbang papalayo sa akin.
Tiningnan ko lang ang likod nya at natulala.
Ibang klase.
Bakit bigla syang nagkaganyan?
Normal pa naman kami kaninang umaga ah.
Nag-usap lang kami kanina sa telepono.. Sinabi ko sa kanyang hindi ko kinain ang niluto nya.
Ah!
Nagtatampo sya?
Tama! Nagtatampo nga sya!
Kinuha ko ang cart namin at tumakbo papalapit sa kanya.
"T-tinikman ko ang niluto mo." Sabi ko sa kanya.
Hindi nya man lang ako tiningnan. Pumipili sya ng isda doon sa fish section. Napabuga ako ng hangin.
"Okay. Kinain ko. Ako ang kumain non Raeven. Totoo."
Nakatingin sa amin yung naglilinis ng isda, napapahiya naman ako dahil para akong nakikipag-usap sa hangin. Di man lang ako tinitingnan ng kausap ko.
Naglakad na naman si Raeven.
Ugh! Ano pa ba? Bakit galit pa din?!
Dahan dahan syang lumingon sa direksyon ko at matalim akong tiningnan. Agad naman akong kinabahan.
"Yung tuna, kukuha pa ba ako? Para hindi na bumili si MONA kapag nagpunta sya sa pad mo." Nakataas ang kilay na tanong nya.
Hindi agad ako nakakakibo.
Pinagmasdan ko syang kausapin ang naglilinis ng isda at inabot ang tuna doon kahit hindi ako sumagot.
Unti unting umangat ang gilid ng labi ko hanggang sa tuluyan nang mapangiti.
Nagseselos to!
At hindi ko maintindihan kung bakit ang saya ko pa at bumilis ng husto ang tibok ng puso ko.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa siko, pinalis nya ang kamay ko pero hindi mawala ang mga ngiti ko.
Nakakaexcite. Pucha. Anak ng teteng naman oh! Bakit parang nakakakilig?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top