Kabanata 17
Luma.
xxRAEVENXX
"Hi Miss Beautiful! How may I help you?" Kumunot ang noo ko sa isang matangkad na lalake, tsinito at makulay ang pananamit. Kulay green kasi ang kanyang pantalon at blue naman ang kanyang polo.
"A-ah... Andyan ba si De--- Attorney Montemayor?" Nahihiyang tanong ko. Hindi ko kasi tiyak kung kinakailangan ko pa bang magpa-appointment o kung ano, kung dati rati ako ang priority ngayon ay hindi na. Kung pwede lang siguro akong ilagay sa pinakalikod na pila, gagawin nya lalo pa't malalaman nya na walang saysay ang hihilingin ko sa kanya, walang sense para sa kanya pero para sa akin, napakaimportanteng bagay na hindi nya maipakulong si Phen, ang taong tumulong sa amin ng kapatid ko.
"Oo, andito, may appointment ka ba? Halika." Hinila ako sa kamay ng kausap ko, hindi naman ako nailang dahil kitang kita ko ang pagpilantik ng mga daliri nya pati ang pag-indayog ng kanyang bewang.
"Bori-hilda, wala pa si baklang Clover?" Tanong nung kausap ko doon sa isang babaeng maganda. Nagkibit-balikat lang ito.
"May appointment ka ba, Miss? Wala kasi dito ang assistant ni Attorney kaya hindi namin matiyak, at kapag wala yon, parang may Dungeon dyan sa opisina nya, tipong may maririnig kang pagbato ng gamit---"
BLAGGGG!
Isang malakas na tunog na parang tumama sa pinto ang narinig namin. Hinanap ko yon, pero hindi ko makita kung saan. Tumaas ang kilay ng kausap ko.
"See? May kasama pang pagsigaw---"
'P*TNGI*A BAKIT NGAYON LANG YAN SOCRATES? DI BA LAST WEEK PA YAN? PAANO KAPAG NATALO ANG KASO KO? PANGALAN MO BA ANG MADUDUNGISAN?'
"Tapos, magro-rollcall yan ng abogado nya in three, two,o---"
Marahas na bumukas ang pintuan na tantya ko ay opisina ni Deuce.
"Attorney Bori, Attorney Jane, Attorney Ramon, Attorney Condrad, Attorney Exekiel, Attorney Tristan, Attorney Voltaire, Attorney Elmo sa opisina ko, bilisan!"
Tumayo agad ang halos lahat ng tao doon sa opisina ng nakayuko, parang may magaganap na paghuhukom at si Deuce naman ang dyos.
"Ako yun, ako si Attorney Elmo. Wait lang ganda ha." Nakangiwing sabi ng kausap ko.
"ELMO! Nak ng, ang tagal!" Sigaw muli ni Deuce.
"Attorney! Im coming!" Tumakbo si Attorney Elmo sa harapan ni Deuce, salubong ang kanyang kilay at nakasimangot. Ang sungit sungit nya pero ang gwapo pa din. Nanatili ang mga mata ko sa kanya dahil alam kong hindi nya ako nakikita. Paniguradong magagalit sya kapag nakita nyang tinitingnan ko sya.
"ARTICLE 1381, sagot!"
Tumahimik ang lahat.
"Article 1381!" Ulit ni Deuce.
Kahit ang tunog ng aircon ay halos mahiya sa pag-gawa ng ingay sa sobrang katahimikan. Ano bang ginagawa ni Deuce sa mga abogado nya?
"Kapag walang nakasagot ng Article 1381 dito sa opisina ko, tatanggalin ko kayong lahat ngayon din! I will make sure that you will get a very bad feedback from me at tingnan natin kung may tatanggap pa sa inyo! Why do I hire stupid people in my firm? Walang kakain at uubusin nyo ang oras nyo sa pagbabasa ng Civil Code kapag walang sumagot sa akin ngayon din!" Dismayadong sabi nya pero ako ang mas lalong nadismaya sa inaasal nya.
"Ano?!" Pati ang puso ko ay halos mapalundag sa nakakatakot na mukha ni Deuce.
"Article 1381, When the civil action is based on an obligation not arising from the act or omission complained of as a felony, such civil action may proceed independently of the criminal proceedings and regardless of the result of the latter." Sagot ko bigla. Nakakainis kasi ang trato nya sa mga abogado nya, parang hindi naman tama ang ganoong ugali.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtiim ang bagang ni Deuce, nahawi ang mga abogado nyang natatakot sa kanya at unti unti syang naglakad papalapit sa akin. Nagtaas ako ng kilay at umayos ng tayo, sinalubong ko ang iritadong titig nya at buong tapang na nagsalita muli.
"Article 32. Any public officer or employee, or any private individual, who directly or indirectly obstructs, defeats, violates or in any manner impedes or impairs any of the following rights and liberties of another person shall be liable to the latter for damages:
(1) Freedom of religion;
(2) Freedom of speech;
(3) Freedom to write for the press or to maintain a periodical publication;
(4) Freedom from arbitrary or illegal detention;
(5) Freedom of suffrage;
(6) The right against deprivation of property without due process of law;
(7) The right to a just compensation when private property is taken for public use;
(8) The right to the equal protection of the laws;
(9) The right to be secure in one's person, house, papers, and effects against unreasonable searches and seizures;
(10) The liberty of abode and of changing the same;
(11) The privacy of communication and correspondence;
(12) The right to become a member of associations or societies for purposes not contrary to law;
(13) The right to take part in a peaceable assembly to petition the government for redress of grievances;
(14) The right to be free from involuntary servitude in any form;
(15) The right of the accused against excessive bail;
(16) The right of the accused to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witness in his behalf;
(17) Freedom from being compelled to be a witness against one's self, or from being forced to confess guilt, or from being induced by a promise of immunity or reward to make such confession, except when the person confessing becomes a State witness;
(18) Freedom from excessive fines, or cruel and unusual punishment, unless the same is imposed or inflicted in accordance with a statute which has not been judicially declared unconstitutional; and
(19) Freedom of access to the courts.
In any of the cases referred to in this article, whether or not the defendant's act or omission constitutes a criminal offense, the aggrieved party has a right to commence an entirely separate and distinct civil action for damages, and for other relief. Such civil action shall proceed independently of any criminal prosecution if the latter be instituted, and may be proved by a preponderance of evidence.
The indemnity shall include moral damages. Exemplary damages may also be adjudicated." Mahabang litanya ko. Napaawang ang labi ng lahat, pero nanatiling nakakunot lang ang noo ni Deuce, nakahalukipkip pa sya at titig na titig sa akin.
"P*ta, ang bangis." May narinig akong nagsalita doon sa mga abogado ni Deuce.
"Abogado ba yan?" Tanong pa nung isa.
Nanggigigil na hinawakan ni Deuce ang aking siko. Kaunti na lang ay malapit na nya akong kainin ng buhay dahil sa init ng ulo nya, when did he got this kind of temper? Dahil ba sa pag-alis ko kaya nagkaganyan sya o talagang may tinatago talaga syang ganyan noon pa man? Hindi ko na alam. Mas humigpit ang paghawak ni Deuce sa aking siko at tiyak kong mamumula na ito.
"Article 33. In cases of defamation, fraud, and physical injuries a civil action for damages, entirely separate and distinct from the criminal action, may be brought by the injured party. Such civil action shall proceed independently of the criminal prosecution, and shall require only a preponderance of evidence." Wika ko.
"Stop it, Raeven. Anong ginagawa mo dito?" Gigil na tanong nya.
"Gusto kitang kausapin." Kalmadong sabi ko.
"May appointment ka ba? Tiyak kong wala dahil wala dito ang assistant ko, makakaalis ka na." Tumalikod na sya at umastang maglalakad papalayo sa akin.
"Tatlong minuto, yun lang ang hihingin ko."
"Wala akong tatlong minuto."
"Pero kung nambababae ka mayroon kang buong araw ganoon ba?"
Bumalik ng tingin sa akin si Deuce at saka ngumisi.
"Nagseselos ka ba?" He asked.
"Hindi." Diretsang sagot ko. Mayroong emosyon na dumaan sa kanyang mga mata dahil sa sagot ko, hindi ko lang maipaliwanag kung ano iyon.
"Kilala kita Raeven. Just get out of my sight, sino bang nagpapasok dyan?" Nilingon nya ang mga abogado nya at nakita kong namutla si Attorney Elmo.
Naglakad ako para sundan sya, akmang sasarhan nya ang pinto kaya pinilit kong isiksik ang sarili ko, bahagya pa akong naipit pero hindi ko na ininda iyon. Nakapasok ako sa malaki nyang opisina. Sinamaan nya ako ng tingin at tinanggap ko lang iyon. Galit sya, lagi syang galit. Dapat masanay na ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Lumingon pa si Deuce sa kanyang wristwatch. "Two minutes 37 seconds."
"Two minutes 34. Two minutes 33." Patuloy nya pa.
"Paano ako makakapagsalita sa loob ng tatlong minuto kung nagcocountdown ka sa pagmumukha ko." Naiinis na sabi ko. Binaba nya ang kanyang pulsuhan at tinitigan ako.
"Make sure it's worth it."
"Josephina Palma. Mayroong kaso si Josephina Palma." Panimula ko.
"And?" Nagtaas sya ng isang kilay, umupo sya sa kanyang malapad na upuan at nagpangalumbaba sa akin. Bakas ang kawalang interes nya sa kanyang mukha pero hindi ko na iyon inalintana, baka nga matapos na lang bigla ang tatlong minuto at hindi ko pa nasasabi ang ipapakiusap ko.
"Makikiusap ako na tulungan mo sya." Buong tapang na sabi ko.
Umaktong nagulat si Deuce at nakangising hinarap ako.
"Hindi sya ang kliyente ko." Magkasalubong ang kilay na sabi nya.
"Alam ko, pero kung hindi mo sya tutulungan, makukulong sya."
"At ano naman sa akin?" Tanong nya ng natatawa.
"Sya ang tumulong sa amin ni Ysobelle."
"Ah, dapat pala talagang makulong. Kaya malakas ang loob mo dahil may tumutulong sayo." Umismid pa sya sa akin. Issue pa din talaga sa kanya ang pag-alis ko.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pagiging ampalaya mo, Deuce? Nagsorry na nga ako hindi ba?"
"Hindi ka din ba titigil sa kaka-sorry mo? Sinabi ko na ngang ayoko din ng sorry mo diba?"
"Titigil. Nagsosorry ba ako sayo? Pinaalala ko lang na nagsorry ako sayo noon." Pabalang kong sagot.
Bubukas pa sana ang bibig nya pero pinili na lang nyang samaan ako ng tingin.
"Gagawin ko ang lahat para tulungan mo ang kaibigan ko, and when I say lahat, lahat ng gusto mo Deuce."
Umangat ang gilid ng labi ni Deuce at maya maya pa ay nagsimula na syang tumawa, papalakas ng papalakas. Yung tawa nyang nakakainsulto. Pagkakataon ko naman para magtaka.
"And what do you think I want to do with you? Wala, Raeven. Para sa akin, isa ka na lang basura. Wala kang pakinabang sa akin, walang halaga. Hindi ko isasangkalan ang reputasyon kapalit sa kung ano man yang gagawin mo kahit sabihin mo pang 'lahat' ay kaya mong gawin, because to tell you honestly, kaya ko ding bilhin ang 'lahat' ng gusto ko. And the fun part is, kaya kong ikulong ang kahit sinong gusto ko! Your three minutes is up Miss, better leave."
"Ang sama mo!" Hindi ko napigilang isigaw sa kanya. Nangingilid luha ko dahil sa kawalang pag-asa. Hindi ko napigilang kunin ang maliit na unan na nandoon sa upuang nasa harapan ni Deuce at binato ko sya sa sobrang inis.
"Sana may mapala yang kayabangan mo, wala ka talagang puso." Pinahid ko ang butil ng luha ko, buti at isa lang ang pumatak.
Wag mong iyakan yan Raeven. Walang kwenta.
"Oo tngina, wala akong puso, sinama mo kasi eh! Sinama mo nung umalis ka, pero kahit ibalik mo pa yan, hindi ko na tatanggapin kasi hindi ko na kailangan." Sigaw nya pabalik. Natigilan ako at parang gusto kong matawa sa sagot nya pero nakakainis pa din kasi.
"Bitter!" Singhal ko sa kanya.
"Gwapo naman."
"Pangit! Salbahe!" Sigaw ko muli.
"Leave!" Sigaw nya. Galit akong tumalikod at binuksan ang pinto, halos matumba pa si Attorney Elmo at ang kausap nyang babae kanina dahil nakadikit ng husto ang mga ulo nila sa pinto ng opisina ni Deuce, nakikinig. Ngumiti sila pagkakita sa akin, tinanguan ko lang sila.
Bumaba ako ng opisina ni Deuce na nagngingitngit sa inis. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko mapapabago ang isip nya.
Ano ba kasi ang sinabi kong gagawin ko ang lahat? Wala naman talaga akong ideya kung ano ang iooffer ko. Kung bakit ba kasi nagmadali pa akong magtungo dito, wala man lang akong bitbit sa utak ko na proposal.
xxDEUCExx
Ako pa ang tinawag na bitter. Ibang klase. Bitter ba ako? Galit lang ako pero wala akong pakialam sa kanya!
Tsk. Akala ko naman itutuloy tuloy nya na ang pagiging mabait sa akin at magpapaawa na naman, pero ngayon sinagot sagot pa ako at nagwalkout pa! Di ba dapat ako ang gumagawa non sa kanya?
Napabuntong hininga ako, sumakit ako ulo ko doon.
I know Raeven, kahit gaano pa nya piliting magpa-mature, she's like a kid, ayaw nya lang aminin. She do say sorry pero kapag hindi pinansin ang pagso-sorry nya, mababaliktad ang sitwasyon at sya pa ang galit. Kagaya ng ginawa nya kanina. Dati ay aamuhin ko sya at ako ang hihingi ng tawad, pero ngayon? What the heck?
Napatingin ako sa unan na binato nya sa akin.
Para talagang bata.
Napailing na lang ako. Hindi ka pa din talaga nagbabago Raeven Frances Mendoza.
Pumikit ako at dumaan naman sa utak ko si Clover. Bakit ba hindi pumasok ang isang yon? Simula nung sinundo sya ng asawa nya, hindi ko na sya ulit nakita, sabagay kahapon ay absent sya saka ngayon, Hindi kaya minurder na yun ng asawa nya sa sobrang kadaldalan? Napangiti ako, ano naman kaya ang huling salita nya kung sakali? Malamang 1,000 words at minimum yon.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko.
Clover: Nakita ko na ang anak ko! Buhay sya. Yipieee!!! Bukas na ako papasok. KTXNBYE.
I smiled while reading her text, para kasing nakikita mo ang pagmumukha nya pati sa text nya and I know she's happy. Natulala ako ng ilang minuto na nakatingin lang sa cellphone ko. Hindi naman siguro magkakabalikan sila dahil bumalik na ang anak nila hindi ba?
Wait, what the f*** I am thinking?
Hindi ko naman itatanggi that I like her, and I should hope for the best right? I am hoping that they will totally break up honestly. Aagawin ko talaga si Clover sa Jacinto na yon. Makikita nya.
Then an image of Raeven crossed my mind, yung mukha nya kanina na ang sama ng loob sa akin.
Sh*t! Ugh!
Imbes na replyan si Clover, hinanap ko ang numero ni Raeven at nagtype ng mensahe.
"I will see you on Thursday. I'll be at Centaurus Hotel, let's talk after your shift."
Make sure you are doing it right, Deuce.
Raeven: Okay.
Okay? Okay lang? She really have the guts to get into my nerves, at nakakainis na lagi akong apektado. Hindi na talaga nagbago.
xxRAEVENxx
"Ysobelle, gagabihin ako mamaya, wag mo na akong intayin. Pilitin mong magluto ng masarap para naman ganahan kumain si Phen, nangangayayat na." Bilin ko sa kapatid ko bago ako pumasok sa hotel, sila lang ni Phen ang maiiwan sa bahay dahil nakaleave si Phen sa ospital, one week naman ang break ni Ysobelle sa school.
Ngayong araw na ito ang nakatakdang pag-uusap namin ni Deuce. Hindi ko talaga alam kung anong aasahan ko, siguro matagal na pag-uusap? Iiyak ako ulit? Aawayin nya ako?
"Okay Ate, gaano kagabi?"
"Basta gabi at wag kang mag-intay. Matulog ka ng maaga." Ulit ko. Tumango naman sya.
Nagtungo ako sa tapat ng pintuan ni Phen at kumatok ako. Nung mga nakaraang araw ay wala na talaga syang kibo, hindi ko na kinwento na kinausap ko na si Deuce, baka mawala lang sya lalo ng pag-asa kapag nalaman nyang tinanggihan ako ni Deuce.
"Phen, aalis na ako." Sinilip ko lang ang ulo ko doon sa pinto nya, ibinaba nya ang librong hawak at nag-angat lang ang ulo sa akin mula sa pagkakahiga.
"Sige ingat ka, Beh." Walang ganang tugon nya. Nakakamiss na ang ingay ni Phen sa bahay. Kailangan talagang maging maayos ang pag-uusap namin ni Deuce mamaya.
Ilang ulit kong sinilip ang cellphone ko kahit hapon pa lang, sabi ni Deuce gabi kami mag-uusap pero maaga pa ay inaabangan ko na ang mensahe nya, baka nakalimutan nya ang sinabi nya sa akin pero mag-iintay talaga ako.
Nung gumabi na, mas lalo akong napuno ng antisipasyon kahit hindi pa tapos ang shift ko.
"Frenny, umupo ka nga! Breaktime na breaktime para kang kiti-kiti dyan, ano bang meron?" Tanong sa akin ni Tatiana habang sinasalinan nya ako ng kanin sa plato ko. Nasa quarters lang kami para sa isang oras na dinner break.
"Mag-uusap kasi kami ni Deuce." Bulong ko sa kanya.
"Si Deuce? O bakit daw?"
"May ipapakiusap lang ako sa kanya, kinakabahan ako kasi baka hindi sya pumayag na tulungan ang kaso ng kaibigan ko."
Nagtaas ng kilay nya si Tatiana. "Ay papayag yun, yun nga lang hindi natin alam kung anong kapalit." Ngumisi si Tatiana at tiningnan ang kabuuan ko. Alam ko ang kalokohang iniisip ni Tatiana.
"Hindi naman siguro!" Nanlalaki ang mata na sabi ko. Kung noong kami pa nga, hindi nya kinuha ang puri ko, ngayon pang galit sya sa akin. Malamang mandidiri yon.
"Malay natin, people change!"
Nang matapos na kaming kumain, isang oras kaming pupwesto sa lobby para mag-abang ng lilinisin doon, nakakabit lang sa bewang ko ang disinfectant at may maliit na hawak na pamunas. Wala pa ding mensahe si Deuce kaya ganoon na lamang ang gulat ko ng pumasok sya sa restaurant ng hotel na mayroong kasamang babae na—nakapantulog?
Nakasuot ito ng kulay dilaw na ternong pajama at nakaakbay si Deuce sa kanya. May isang parte sa puso ko ang kumirot dahil sa nakikita. Yung akbay kasi ni Deuce, kakaiba, hindi kagaya noong mga sexy at pangmodelong babae ang mga kasama nya, ngayon ay punong puno iyon ng ingat.
Umupo sila sa pwesto na hindi malayo sa amin, nagtama ang mga mata namin ni Deuce at sa isang iglap nakarinig ako ng pagbagsak ng baso, hinanap ko iyon at natigilan ako ng makitang sa gilid iyon ng lamesa nila Deuce, naestatwa ako. Dapat ay lalapit ako pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko.
"Okay ka lang?" Malamyos na sabi noong babaeng kasama ni Deuce.
"Okay lang ako Sweetheart." Malambing nasagot naman ni Deuce. Parang nagdugo ang puso ko.
"Raeven!" Narinig ko sa di kalayuan si Mrs. Dolor, natataranta akong lumapit sa nabasag na baso at pinulot ko ang bubog.
"Naku Miss, wag mong hawakan yan, ayos lang kami. Kumuha ka ng---"
"Aw..." Napapitlag ako at hindi ko na napansin ang sinasabi nung babae na kasama ni Deuce dahil sa masaganang pag-agos ng dugo sa palad ko. Hindi ako makatingin sa kanila dahil ramdam ko ang pagkapahiya. Dali-dali namang kumuha ng alcohol at wetwipes ang babae doon sa kanyang bag at pilit na inaabot ang kamay ko.
"Akin na, Miss. It's okay.." Pagpapanatag nya pa sa akin. Iaabot ko na sana ang kamay ko doon sa babae ng bigla syang hilahin ni Deuce sa kamay.
"Hayaan mo nga sya Sweetheart. It's her job." Inis na sabi ni Deuce. Nakita ko ang pagprotesta sa mukha noong babae nang hilahin sya papalayo ni Deuce. Nagtungo sila sa elevator area at umakyat na sila.
"Frenny!" Sumugod naman agad si Tatiana na may dalang dustpan at maliit na walis. "Ako na Frenny, linisin mo ang sugat mo doon sa likod." Utos nya. Wala sa sariling tumango ako at nagpunta sa quarters pero imbes na gamutin ang sugat ko, mas nag-abala akong punasan ang luha ko.
Ganoon pala ang pakiramdam pag nakita mong nagmamahal sya ng iba tapos hindi mo magawang mainis sa bago nyang minamahal kasi ang bait bait nya. Talong talo ka na.
"Raeven, umuwi ka na. Ipahinga mo na yan." Lumapit sa akin si Mrs. Dolor, umiling ako.
"Gusto ko po sanang mag-overtime. Maglilinis na lang po ako doon sa 15th floor."
Tiningnan ni Mrs. Dolor ang aking mukha pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Problema sa puso. Mabuti naman at kahit may problema ka puso ay masipag ka. Sige, isang oras lang ang iextend mo pagkatapos ay umuwi ka na. Mag-a-out na ako." Inayos pa ni Mrs. Dolor ang kanyang salamin at kinuha ang kanyang bag sa locker.
Tumuwid ako ng tayo, ang totoo ay gusto ko lang magpaalam kay Deuce. Hindi na ako magtatrabaho, aalis din ako kapag nakapagpaalam na ako at sasabihing pag-usapan pa din naman ang sitwasyon ni Phen sa ibang araw. Nagtungo ako sa front desk at kinusap si Trevor.
"Trev, saan nakacheck in si Attorney Deuce Montemayor?"
"Pag sinabi ko ba, sasagutin mo na ako?" Nakangising tanong nya. I rolled my eyes, isa si Trevor sa mahilig magparamdam sa akin dito na may gusto daw sa akin, pero sya lang talaga ang nakakalapit ng husto dahil siguro makapal ang mukha nya.
"Sagot agad? Hindi ka muna dumaan sa panliligaw?" Sagot ko. Tumawa sya.
"Tiyak na babastedin mo ako eh. Bawal sa front desk ang magbigay ng information."
"Hindi naman ako manggugulo." Sabi ko, alam ko kasing wala naman syang pakialam sa rules ng hotel, pinapahirapan nya lang talaga ako.
"Alam ko, pero bawal nga not unless, coffee tayo sa break ko mamaya."
"Aantayin pa kita?" Reklamo ko. Panggabi kasi sya, alas nwebe na ng gabi at tyak na ang breaktime nya ay alas-onse pa. Hindi naman bago sa akin ang sumabay sa kanya sa pagmemeryenda, madalas naman syang sumasabay sa amin ni Tatiana kapag parehas kami ng shift.
"Syempre! Sige na, wala akong kasabay sa break ko. Gago kasi yon si Nica, sinabihan ko lang na hindi bagay ang suot nya, inilipat ako sa pang-gabi. Ang hirap mag-adjust!"
"Alam mo, kayo dapat ni Nica ang nagkakatuluyan, para kayong aso at pusa. Take note, manager mo sya pero kung pintasan mo sya, mula ulo hanggang paa, may kasama pang death threat." Naiiling na sabi ko.
"Sya kasi! Hindi man lang nya kinikilala na ako ang mayari ng Centaurus."
"Trevor, Daddy mo ang mayari ng Centaurus hindi ikaw. May katok ka talaga." Umirap ako sa kanya. Yes, ang pamilya ni Trevor ang mayari ng hotel na pinagtatrabahuhan ko. Hindi kasi sa normal na pamilya lumaki si Trevor, pinapahirapan sya ng Daddy nya bago iturn over sa kanya ang hotel, nag-umpisa nga sya sa pagiging bellboy. Buti ngayon ay front desk officer na, hindi lang sya kumbinsido na promotion ang nagaganap sa career nya.
"Ano? Sasabyan mo ba akong kumain mamaya o uuwi ka na lang at hindi ko ibibigay ang hinihingi mo."
"O sige na, akin na."
Umakyat ako sa hotel room na binigay ni Trevor. Ilang beses akong lumunok bago pindutin ang doorbell. Tinitigan ko ang doorknob ng tumunog iyon at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na si Deuce.
"Anong ginagawa mo dito? Just leave." Malamig na sabi nya.
"U-uwi na ako.." Sabi ko.
"Then just go, hindi kita kailangan dito."
Napayuko na lang ako at umastang aalis na, napaangat pa ang balikat ko ng pabagsak na sumara ang pinto.
Nakalimutan nya nga talaga ang usapan namin samantalang ako, ilang ulit kong minemorya kung paano ko sya kakausapin ng mahinahon ngayon.
Madali talagang makalimot ang tao, lalo na pag natagpuan mo na ang bagay na higit pa doon sa inalagaan mo. Bakit ka nga naman mattyaga doon sa luma?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top