Kabanata 16
Kahit Anong Paraan.
xxRAEVENxx
"Tumahan ka na Ate.. Ganoon lang siguro dahil parehas kayong nagkasakitan." Pang-aalo sa akin ni Ysobelle.
I nodded. Tumango ako kahit hindi ko maintindihan. Alam kong galit sya sa akin pero ganoon na ba kasagad sa buto para matuwa sya sa hindi magandang kalagayan ng ibang tao? He was never like that. I taught him to appreciate things and to be humble and he was. He was so gentle and kind before.
"Ibang iba na si Kuya, Ate." Inabutan ako ni Tres ng baso ng tubig. "Ngayon lang ulit kami nagkita. Sinubukan ko syang puntahan noon sa lawfirm para sabihin ang kalagayan ni Daddy pero bukod sa hindi ko sya naabutan, tinext nya lang ako na wala syang pakialam."
Seriously? Ganoon kasama?
"Ewan ko nga kung titino pa yan si Kuya." Malungkot na sabi ni Tres.
"Kung mapagmalinis ka naman Tres! Di ba ikaw nga ang dami mo ngang girlfriend, kelan ka din ba titino?" Umirap si Ysobelle kay Tres.
"Flings, Ysobelle. Magkaiba yon."
Napabuntong hininga ako at tumayo na mula sa sofa. Gusto kong mahiga. Pakiramdam ko napakahaba ng araw mula sa pakikipag-usap ko kay Attorney Hades hanggang sa pagkikita muli namin ni Deuce ngayong araw na to.
Naging matamlay tuloy ako kinabukasan, pakiramdam ko lalagnatin pa ako dahil bigla akong inubo at nananakit ang aking likod.
"Frenny, masama ang tunog ng ubo mo ha. Umuwi ka kaya muna? Samahan kita kay Mrs. Dolor para magpaalam." Nag-aalala ang mata ni Tatiana na nakatingin sa akin. Nandito kami ngayon sa quarters para kunin ang gamit namin sa paglilinis.
"Ubo lang ito Tat." Tipid akong ngumiti. Agad naman nyang dinama ang leeg ko.
"Oh, mainit ka eh!"
"Ayos lang ako. Kaya pa." Ngumiti muli ako at tinulak na ang cart ng cleaning supplies ko.
Sa 14th floor ako naka-assign ngayon. Pang-limang kwarto na ang nalilinisan ko at lilipat na sana ako sa pang-anim.
Tinulak ko muli ang cart ko at napahinto ako sa gitna, my chest tightened, nakita ko na naman sya. Nandito muli si Deuce at may kaakbay na namang ibang babae, mukhang isang modelo dahil pamilyar ang mukha.
Tumingin sya sa akin ng diretso pero ako ang nag-iwas ng tingin.Nalagpasan ko na sila ng bigla akong nakaramdam ng pagkaliyo. Ilang beses ko kinurap kurap ang mata ko at huminto muna sa paghakbang.
"Raeven, ayos ka lang?" Nakasalubong ko pa si Bernie na isa sa kasamahan ko sa housekeeping, nag-aalala ang mukha nya na papalapit sa akin. Humigpit ang kapit ko sa handle bar imbes na sumagot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili.
"Raeven.." Tawag muli sa akin ni Bernie. Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko na mapigilan ang panlalabo nito.
"Raeven!" Narinig ko muli ang boses ni Bernie na lubos ang pag-aalala, napaupo kasi ako sa sahig. Hindi ko na maidilat ang mata ko, unti unting nawawalan ng malay.
"Don't you dare touch her!" Yun ang huling salitang narinig ko pero hindi ko tyak kung guni-guni ko ba iyon o ano.
----
Nagising ako sa malambot na higaan. Kinusot kusot ko ang mata ko paulit ulit. Ramdam ko pa din ang panghihina. Kinapa ko ang noo ko at mayroong nakalagay na cooling gel strip, sa gilid naman ng lamesa ay mayroong mga gamot.
Napasinghap ako ng mapansin kong nasa isa ako sa kwarto sa hotel. Dito ba ako dinala ni Bernie? Baka mapagalitan kami. Agad akong bumangon, uuwi na lang ako at sa bahay na magpapahinga. Nagsisi naman ako sa biglang pagkakatayo dahil nanlambot muli ang tuhod ko.
"Easy. Bakit bigla kang bumangon?" Pakiramdam ko na parang binuhusan ako ng malamig tubig ng marinig ko ang boses ni Deuce sa tapat ng aking tenga. Sapo nya ang aking likod at napakalapit sa akin.
"Uuwi na ako." Nilinga linga ko pa ang hotel room sa abot ng matatanaw ko, hindi ba't may kasama sya kanina? Nasaan na ang babaeng yon?
"Magpahinga ka muna. Nagpadala ako ng pagkain. Kakainin mo yon bago ka uminom ng gamot, tapos matutulog ka ulit."
"Hindi na, uuwi na ako. Salamat na lang." Tinutulak ko ang katawan nya papalayo sa akin. Mas lalo akong nanghihina kanyang bango, sana ay dumistansya ng kaunti.
"Raeven, bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Mukhang nawawalan na ng pasensya na sabi ni Deuce. Lumabi ako at umupo na lang.
"Look, I am not fighting with you dahil may sakit ka."
Tiningnan ko sya ng mabuti dahil sa kanyang sinabi. Kapag masigla pala ako, aawayin nya pa din ako.
"Pinagpaalam na kita sa manager mo na magpapahinga ka. If you will not stay, she will not honor your leave."
"Blackmail." I can't help it but to roll my eyes.
"I don't care." Umismid din sya sa akin, sakto naman ang pagtunog ng doorbell, siguro ang inorder na pagkain ni Deuce ay dumating na.
Lumabas si Deuce para daluhan iyon. Agad akong nagtalukbong ng kumot. Ayokong makita ako ng mga kasamahan ko sa hotel na nakikihiga pa sa kama ng kliyente namin, baka kung ano ang isipin nila.
"Why are you covering yourself? Baka mahirapan kang huminga." Pilit na hinihila ni Deuce ang kumot ng makabalik sya sa silid.
"Sir, saan ko po ilalagay ang pagkain?" Narinig kong tanong ng taga-restaurant.
"Dyan na lang, malapit sa TV."
"Don't cover yourself, silly." Baling ni Deuce sa akin at hinihila pa din ang kumot. Bakit ba ang kulit ng isang to?
"Tigilan mo ako, Deuce." Sabi ko sa ilalim ng kumot. Nang marinig ko na ang papalayong naghatid ng pagkain, sumilip na ako mula sa kumot, nakaabang si Deuce at nakataas ang kilay sa akin.
"What's your problem?" Tanong nya.
"Hindi nila ako maaring makita dito na prenteng nakahiga sa kama ng kliyente namin."
"May sakit ka."
"Kahit pa."
"Anong masama doon?" Inosente nyang tanong. Lumapit sya sa pagkain at dinala malapit sa akin. Arroz Caldo at fruits and nandoon sa tray.
"Hindi ba pwedeng maging good samaritan ang isang kagaya ko?" Umangat ang gilid ng kanyang labi na parang nanunuya.
"Sana hinayaan mo na lang ako." Nag-iwas ako ng tingin.
"Una, hindi ko pupwedeng hayaan ang nakikita ng dalawang mata ko." Itinapat nya ang isang kutsarang lugaw sa bibig ko. Alangin kong sinubo iyon.
"Pangalawa, don't put such meaning on this, Rae. Mabait lang talaga akong tao."
Hindi pa din ako kumibo.
"Pangatlo, I think deserve ko naman ang pagpapasalamat mo na hindi kita iniwan doon kahit iniwan mo ako sa altar di ba?" Walang kaemo-emosyon ang mukha nya na patuloy lang akong sinusubuan ng pagkain. Hindi ko tinanggap ang pang-huli at nanatili lang ang mata ko sa kanya. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang masaganang pag-agos ng luha ko.
"I said Im sorry." Sambit ko. Pinunasan ni Deuce ang luha ko gamit ang kanyang palad pagkatapos ay sinubuan akong muli ng pagkain. Hindi man lang sya nagulat sa pagluha ko, mukhang nasasanay na sya at wala talaga syang pakialam.
Humikbi ako at sumubo muli, "Kung may choice lang ako.."
Pinalis muli ni Deuce ang aking luha, nananatiling blanko ang ekspresyon.
"Im sorry pero masaya ako sa tagumpay mo. Kung ako ang napangasawa mo, hindi tayo bagay." Sambit ko. Binagsak ni Deuce ang kutsara at masama akong tiningnan, naging mabilis ang paghinga nya.
"I can't do this." Sabi nya. "I can't pretend to be nice to you, Raeven. Just eat and drink your medicines." Binalik nya sa tray ang lugaw pagkatapos ay tumayo na. Akmang lalabas na sya ng silid ng tumayo din ako.
"Then don't. Don't be nice to me, Attorney. Hindi ko din kaya ang makita ka kaya wag ka ng susulpot kung saan saan dahil ayoko na." Wika ko. Kumuyom ang palad ni Deuce pero hindi sya sumagot.
Nauna na ang paghakbang ko at mabilis na lumabas ng kwarto ni Deuce. Bumaba ako agad ng quarters, wala doon si Tatiana pero nakita ko si Mrs. Dolor doon at mukhang inaantay ako.
"Raeven, umuwi ka na. Nakaayos na ang gamit mo, pinaayos ko na kay Tatiana." Tumango at ngumiti. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng quarters, doon ako sa backdoor dumaan, nagulat pa ako ng makita ko doon si Tres.
"Ate! What a coincidence!" Ngumiti si Tres sa akin at umayos ng pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan. Ngiting ngiti sya sa akin kaya kinunutan ko sya ng noo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakaparada kasi sya sa exit door ng mga hotel staff, kung guest sya, dapat doon sya sa parking lot pumwesto.
"What a coincidence!" Ulit nya na mas lumapad ang ngiti. What's with him? "Pauwi na ako, sabay na tayo."
"Hindi tayo sa iisang bahay nakatira." Umirap ako. Napatingala sya at tila nag-isip saglit.
"Ang sungit mo naman, Ate. Dadalaw lang ako kay Ysobelle kasi wala syang pasok ngayon." Binuksan ni Tres ang kanyang sasakyan.
Sumakay na din ako dahil kinuha nya ang bag ko. Doon ako sa shotgun seat pumwesto, napansin kong mayroon doong plastic ng mga gamot.
"May sakit ka?" Tanong ko sa kanya pagsakay nya sa driver seat.
"Wala Ate. Ikaw ba meron?" Tanong nya pabalik ng hindi nakatingin sa akin.
"Konting lagnat lang." Sagot ko naman.
"What a coincidence!" Wika muli nya. Binuksan ni Tres ang plastic bag at inabot sa akin ang paracetamol, may kinuha sya sa gilid ng kanyang sasakyan na isang bote ng mineral water.
"Inom ka muna." Sabi nya. Nagtaka ako ng husto.
"Tres. Magkano ang binayad sayo ng Kuya mo?" Tinaasan ko sya ng kilay. Lumikot ang mga mata nya.
"W-wala." Binigyan muli nya ako ng isang plastikadong ngiti. Hindi na ako muli nagtanong sa kanya hanggang sa makauwi kami ng bahay.
Should I be thankful na concerned sya? Palagay ko ay gusto nya lang iparamdam sa akin ang distansya namin.
Should I really mind? No. Dapat ko ng tanggapin ang paglayo nya sa akin. Tatanggapin ko na lang kahit mahal ko pa.
Siguro ganon naman yon, you cannot really hold on to the hands that keeps on pushing you. Gusto ko man syang hawakan at humingi ng kapatawaran, if he's really not for it, he wont be ready.
"Ate kamusta na daw ang pakiramdam mo? I Ah, I mean, kamusta ang pakiramdam mo?" Sumilip si Tres sa kwarto namin ni Ysobelle. Kakagising ko lang at mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa kanina.
"You're really a bad liar, Tres. Epic fail ka." Umismid ako sa kanya.
"Are you better now? May gusto ka ba?" Inignora lang ni Tres ang sinabi ko.
"Malaki ba ang budget na binigay ni Kuya Deuce para sa Ate ko, Tres? Pa-pizza ka naman." Pumasok si Ysobelle sa kwarto ko at dinama ang leeg ko. Ngumiti sya sa akin at hinalikan pa ako sa noo.
"Anong budget? Wala ah."
"Sus! Mukha ka kayang pera! Dali, libre mo akong Veggie Pizza." Pamimilit pa ni Ysobelle kay Tres. "Sabihin mo kay Kuya Deuce, mataas ang lagnat ni Ate at gusto nya ng pizza, carbonara saka coke."
"Ysobelle bawal sayo yon. Tigilan mo ako." Seryosong sabi ni Tres kay Ysobelle.
"Kayo talagang dalawa. Maayos na ako. Matutulog lang ako ulit." Umayos ako ng higa at muling pumikit.
"Rest well, Ate." Hinaplos ni Ysobelle ang buhok ko at lumabas na sila ng kwarto.
Dalawang araw akong hindi nakapasok simula ng lagnatin ko, binawalan din kasi ako ni Phen dahil stress daw ang dahilan ng pagkakasakit ko, hindi lang basta bastang ubo kaya kahit wala na akong lagnat kinabukasan, nanatili lang ako sa bahay at namahinga.
Nakakainip din ang manatili sa bahay, busy din si Ysobelle sa pag-aaral kaya ako lang ang naiiwan maghapon. Nagluluto ako ng hapunan nang dumating si Phen galing ospital.
"Beh." Untag nya sa akin.
"Hm?"
"Pag nakulong ako, araw araw nyo akong dalawin ni Ysobelle sa kulungan ha." Malungkot na sabi nya. Nilingon ko si Phen ng nagtataka.
"Anong sinasabi mo dyan? Joke ba yan?" Binaba ko ang sandok na hawak ko pagkatapos kong haluin ang niluluto kong nilaga.
Umupo ako sa lamesa na katapat ni Phen.
"Beh, katapusan na ng career ko!" Bulalas ni Phen at bigla na lang syang umiyak.
"Phen!" Nag-aalala akong nilapitan at niyakap sya.
"May ginawa ka bang masama? Nangholdap ka ba ng bank? May kinidnap? May napatay ka ng hindi sinasadya? Phen, sabi ko na nga ba sayo wag kang magkagusto sa pasyente eh. Sana pinigilan mo ang sarili mo." Pumasok sa utak ko ang napakalalang maaring mangyari.
"Hindi Beh! Gaga! Anong magkagusti? Namatayan kami ng pasyente sa Operating room. Si Dr. Chong ang head surgeon non, ako ang assistant. Nagalit ang pamilya, medical malpractice daw. Si Dr. Chong nagtago, ako ang sumunod na hinahabol nila. Juice ko 97 years old na yung kamag-anak nila, ayaw pa nilang pagpahingahin." Humihikbing lahad ni Phen.
"Phen, may due process naman yan di ba? Kumalma ka nga."
"Paano ako kakalma? Eh yung ex-jowa mo ang abogado nung complainant. Wala pang natatalo na kaso yon! Sigurado akong sa kulungan ang diretso ko."
"S-si Deuce?"
"Plangak!" Sabi ni Phen na patuloy na umiiyak.
"Waaah!! Ibebenta ko ang bahay ko sa Tagaytay. Kayo ni Ysobelle, bumili kayo ng bahay dito sa Maynila galing sa mapagbebentahan tapos pakasalan mo si Doc Martin para may titingin kay Ysobelle." Patuloy nya pa.
Napangiti ako sa sinabi ni Phen. Talagang kahit nasa alanganin, kapakanan pa din namin ang iniisip nya.
"Hindi ka makukulong, Phen. Gagawa ako ng paraan kahit ano."
At pag sinabi kong kahit anong paraan, I really mean my words.
Nakatayo ako ngayon sa Montemayor Lawfirm at makikiusap ako sa kanya. Sana sa pagkakataong ito, makinig sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top