Kabanata 14



Harapin.

xxRAEVENxx

Bumalik ako sa quarters para magbihis, tapos na ang event kung nasaan si Deuce at hindi ko na sya nakita pa sa hall.

"Frenny! Nandoon si D--- Nagkita na kayo?" Tumaas ang kilay ni Tatiana ng makita ang namamaga kong mata. "Pinaiyak ka nya, Frenny?"

"Kasalanan ko naman kasi.. Iniwan ko sya ng walang paalam, iniwan ko sya sa araw ng kasal namin." Humikbi ako, nilapitan ako ni Tatiana at hinagod ang likod ko.

"Sinaktan ko sya, Tat. At nasasaktan din ako na marinig sa kanya na hindi na nya ako mapapatawad." Humagulgol ako sa balikat ni Tatiana. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa nangyari kanina.

"May dahilan naman di ba? Naikwento mo na dahil sa kapatid mo. May dahilan ka, Raeven.. Dapat ay maintindihan nya yon." Pang-aalo ni Tatiana.

Umiling ako. Tama si Deuce, kahit anong dahilan sana kumapit lang ako, sana nagtiwala lang ako sa pagmamahal nya sa akin.

"Halika na, umuwi na tayo para makapagpahinga ka. Gabi na.." Itinayo ako ni Tatiana mula sa upuan. Humarap ako sa salamin at matindi ang pamamaga ng mata ko pati ang pamumula ng ilong. Hinawi ko ang buhok ko at inilagay iyon sa gilid para matakpan ng kaunti ang mukha ko.

Sabay kami ni Tatiana sa sakayan ng jeep pero magkaiba ang sinakyan namin. Halos makatulog ako sa byahe dahil sobrang pagod, pisikal at emosyonal.

"Miss.. Dela Rosa na." Namulat ako sa panggigising ng katabi kong ale. Tumango ako at ngumiti. Nang makita ko na ang kanto namin, pumara ako at nagsimulang maglakad.

Napansin kong mayroong sasakyan sa aking likuran na mabagal ang takbo, gumilid ako para padaanin sya pero hindi naman din bumilis ang takbo nito.

Baka mayroong hinahanap na bahay.

Nilakihan ko ang hakbang ko at ng marating ko ang apartment namin, kumatok ako doon sa gate ng makita kong bukas pa ang ilaw.

"Ate!" Parang bata si Ysobelle pagkakita sa akin. Malapad ang kanyang salubong na ngiti.

"Ate, I missed you!" Yumakap pa sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hala, bakit ganyan ang mukha mo? Umiyak ka? Sinong nagpaiyak sayo?" Sunod sunod na tanong nya. Tipid akong ngumiti at umiling.

"May nang-api ba doon sa hotel na pinagtatrabahuhan mo? Sabi ni Tres malapit daw sila sa mayari nung pinagtatrabahuhan mo, gusto mo ba isumbong natin?" Hindi ako tinigilan ni Ysobelle hanggang sa makapasok ako sa loob ng apartment.

"Hindi ako inaapi, Ysobelle. Asan si Tres?"

"Umalis na nung dumating si Ate Phen. Tulog na si Ate Phen eh. Inaantay lang kita."

"Sana natulog ka na, gamot mo?"

"Ininom na." Nakangiting sabi sa akin ni Ysobelle. "Kain ka na muna, Ate." Lumapit si Ysobelle sa lamesa at ikinuha ako ng kanin at ulam.

"Si Tres na naman ang nagluto?" Pinanliitan ko ng mata si Ysobelle.

"Ate naman, alam mo namang palpak ako sa kusina eh. Sabi nya okay lang naman daw. Mahilig naman daw syang magluto." Napakamot pa si Ysobelle ng kanyang ulo. Spoiled talaga ni Tres ang batang ito.

"Anong meron sa inyo ni Tres?" Tanong ko kay Ysobelle ng hindi sya tinitingnan.

"Hala grabe ka Ate. Walang malisya! Lumaki kami bilang magpinsan." Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Ysobelle, hindi ako bulag. Kung ano man yan, wag mong sasaktan si Tres. Ibang klase masaktan ang mga lalaking sobra kung magmahal." Lumunok ako ng isang beses ng maramdaman ko ang pag-uulap ng mata ko. Umupo si Ysobelle sa aking harapan at gumapang ang kanyang kamay sa mga palad ko.

"Nagkita na kayo ni Kuya Deuce?" Malungkot nyang tanong sa akin. Tumango ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Ate, kung mahal ka nya talaga, mapapatawad ka pa din nya."

"Nakalimutan na nya ako." Pinahid ko ang butil ng luha sa aking mata.

"Then it's about time to move on. Nangyari na yun Ate. Nagkamali ka at ayaw nyang magpatawad, there's no point na ipilit mo pa ang sarili mo."

I sighed. Kung ibang tao si Deuce hindi ko hahabulin ang kapatawaran nya, pero naging matigas ang puso nya dahil sa pang-iiwan ko sa kanya. I don't want him to be a monster like his father. Gusto ko ang dating sya, gusto kong ibalik ang lambing sa kanyang mga mata.

Kahit hindi na para sa akin, kahit para na lang sa babaeng susunod na mamahalin nya.

-----

"Raeven, nagrequest ng housekeeping ang 1602." Tumingin sa kanyang chart si Mrs. Dolor. Kinuha ko agad ang panglinis ko at dumiretso sa service elevator.

Ito na ang huling lilinisin ko, patapos na kasi ang shift ko. Tumingin ako sa orasan at alas sais na ng hapon. Gusto ko sanang makauwi agad para maipagluto si Ysobelle, kung hindi ay ipagluluto na naman sya ni Tres. Ginagawang alalay ng kapatid ko ang kapatid ni Deuce.

"Housekeeping." Kumatok ako sa pinto ng sinasabing guest. Mayroong nakasabit na card sa doorknob na mensahe para linisin ang kwarto.

"Housekeeping." Paniniyak ko na walang tao, wala pa ding sumagot.

Kinuha ko ang magnetic card ko at tinapat ko sa pinto at nagbukas yon. Hinila ko ang cleaning supplies ko at ganoon na lang ang pangungunot ng noo ko ng makarinig ako ng pag-ungol mula doon sa silid.

"Oh Deuce!" Narinig kong sigaw ng isang babae.

Natanawan ko ang pagkilos sa ilalim ng kumot ng isang babae at ang lalaki, alam ko na si Deuce. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang boses ni Deuce.

"Housekeeping. Close our door and clean the sitting room. Properly." Utos nya.

Tumango ako at hindi ako halos makatingin sa itsura ni Deuce. Sinarhan ko ang pinto at huminga ng malalim. Ang daming kalat sa presidential suite ni Deuce. Iba't ibang klaseng bote ng beer at wine. Maaga pa ay umiinom na sya?

Dumiin ang paghawak ko sa disinfectant spray ng maulinigan ko ang pag-ungol na nagmumula doon sa silid ni Deuce. May pumatak na luha na lang sa akin. Inabala ko ang sarili ko sa madiin na pagkuskos sa lamesa pero patuloy pa din ang pag-iingay na ginagawa nila sa loob ng kwarto.

Halos papatapos na ako sa sitting room at dining room ng nakarinig ako ng pagclick ng pinto, pinunasan ko agad ang aking luha para wala ng makakita ng pag-iyak ko.

"Ayusin mo ang kwarto." Malamig na sabi ni Deuce. Napatingin ako sa kanya. He is in his pants now, pero wala syang pang-itaas. His body is in its full glory. Bakas na bakas ang kanyang abs at ang kanyang v-line.

"Drooling?" May panunuya nyang sabi sa akin. Umayos ako ng pagkakatayo at nagtungo doon sa kwarto. Laking gulat ko ng makita ko doon ang babaeng kasama nya sa restaurant ni Ma'am Atasha noon. Patricia Crisostomo. Ang pinagselosan ko ng husto kaya kami nauwi sa pagpapakasal ni Deuce.

Kumunot ang noo ko ng magkatinginan kami. I know this girl is now married to a senator, tandang tanda ko ang mukha nya, pero mayroon ba silang relasyon ni Deuce? Kabit nya si Deuce?

"Don't stare at me like that!" Mataray na sambit ng babae. Yumuko ako at nagpanggap na lamang ako na walang nakikita.

Pinalitan ko ang bedsheet ng kama, at inayos ko ito ng mabuti. Damang dama ko ang sakit sa bawat pagkilos ko sa isang kwarto kasama si Deuce pero wala akong choice dahil trabaho ko ito. Ipinagpasalamat ko ng husto ng matapos ako. Nakayuko akong lumabas sa sitting room, nakita kong nakabukas ang balcony, wala pa ding pang-itaas si Deuce at nakita ko syang naninigarilyo.

Kailan pa sya natutong manigarilyo?

"T-tapos na po ako, Sir."

"Attorney. Call me Attorney." Pagtatama nya.

"Tapos na po ako, Attorney." Ulit ko.

"Dalhin mo ang pagkain ko. Inorder ko na doon sa restaurant." Malamig na utos nya.

"Dadalhin naman dito yon ng F & B--"

"Sinabi kong ikaw ang magdala. Go." Nagtataka man ay sumunod na din ako. Nagmadali akong bumaba at nagtungo doon sa kitchen. Masyadong madami ang inorder na pagkain ni Deuce. Siguro nagutom sya sa ginawa nya kanina. Sumakit na naman ang puso ko dahil sa isiping iyon.

Kumatok akong muli pagtapat ko sa pinto ni Deuce, hindi sya muling sumagot kaya ako na ang nagbukas. Hindi nya ako tinitingnan kaya ako na ang nag-ayos sa lamesa ng mga pagkain.

"Attorney, ready na po." Untag ko. Nakahilera ang pasta, steak at stirred vegetables sa lamesa. Mayroon pang strawberry cheesecake na kasama.

"Upo." Wika nya.

"H-ha?"

"Sabi ko upo." Pagod ang mga mata nya nang tumingin sa akin. Naglalakad na din sya papalapit sa lamesa.

"Bawal po." Totoo naman. Bawal sa amin ang makihalubilo sa guest.

"Uupo ka o ipapatanggal kita sa trabaho?" Banta nya. Nagmadali naman akong umupo. Sabi ko nga uupo na ako.

Umupo din si Deuce sa aking harapan. Itinapat nya sa akin ang pasta at yung strawberry cheesecake. Sa kanya naman ang steak at yung gulay.

"Kain."

"Attorney, bawal nga p--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng samaan nya ako ng tingin. Napilitan akong sumubo ng pagkain. Ang totoo ay kanina pa ako gutom. Alas syete na kasi ng gabi. Hindi ko na din nasunod ang pag-uwi ng maaga.

Tahimik si Deuce. Hindi sya tumitingin sa akin pero ang mata ko naman ang nagpipyesta sa kanya. Nakasalubong ang makakapal nyang kilay habang kumakain.

Hindi ko akalain na magiging ganito kami kalapit muli kaya kahit papano, nagugustuhan ko din ang distansya.

Tumikhim ako pagkatapos kong kumain.

"Attorney." Wika ko. Nag-angat sya ng tingin.

"Yung sinabi ko kagabi..." Panimula ko.

"Hindi pa din kita pinapatawad. That was Patricia's food kaya lang kailangan nya ng umalis. Ipinakain ko na lang sayo." Tinuro nya ang plato na pinagkainan ko.

Nasaktan ako sa kanyang sinabi pero tipid lang akong ngumiti at tumango.

"Gusto ko lang matiyak na hindi mo sasabihin kay Attorney Hades na nagkita tayo. Ayokong gawan nya ng masama ang kapatid ko." Wika ko.

Nagulat ako ng ibagsak ni Deuce ang kanyang kubyertos sa plano. Puno ng galit ang kanyang mga mata ng ituon nya sa akin.

"Ano bang pakialam ko sa inyo ng kapatid mo?" Madiin nyang sabi. Hindi agad ako nakasagot. Gusto kong maiyak pero alam kong lalo lang syang maiinis.

"Oo nga pala, wala. Sorry Attorney. Pasensya na po." Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin. Hindi ko alam kung tinitingnan pa ako ni Deuce pero hindi na ako nag-angat ng tingin.

Nang mailagay ko na ang lahat sa food cart tumayo ako sa harapan ni Deuce at yumuko.

"Salamat po sa pagpapakain nyo ng naiwang pagkain ng girlfriend nyo, Attorney. Masarap po. Goodnight." Sabi ko.

Hindi kumibo si Deuce kaya tumalikod na ako. Ramdam ko ang mabibilis na tibok ng puso ko ng makalayo ako sa kwarto ni Deuce. Hanggang sa makarating ako sa quarters para magpalit ng damit, nanginginig pa din ang mga kamay ko.

Masanay ka na, Raeven..

Nakauwi na si Tatiana kaya ako ang mag-isang umuwi. Nang makababa ako sa kanto, napansin ko na naman ang sasakyan kagabi na nakasunod sa akin. Sa pagkakataong ito, kinabahan na ako. Hindi kaya ang tatay ito ni Deuce at pinasusundan na ako?

Mas mabilis akong naglakad pero nakasunod pa din ang sasakyan. Nawala lang ito ng makapasok na ako sa loob ng apartment ko.

"Tres.." Una kong napansin si Tres na nakasalampak sa sahig ng aming salas habang nagsusulat ng kung ano. Nagpamewang ako at tinaasan ng kilay si Ysobelle.

"Pati ba naman ang assignment mo, si Tres din ang gumagawa?"

Napakamot ng ulo nya si Ysobelle. "Mahina ako sa algebra, Ate.."

"Bakit hindi kaya magpaturo ka imbes na sya ang gagawa?" Sermon ko.

"Okay lang, Ate Raeven.. Madali lang naman." Pagtatanggol ni Tres sa kapatid ko. Sinimaan ko ng tingin si Ysobelle pero ngumisi lang sya sa akin.

Binalik ko ang mata ko kay Tres. Siguro ay panahon na para harapin ang problema kong tinakasan ko noon.

"Tres, pupwede ko bang makausap ang Daddy mo?"

Nagtataka akong tiningnan ni Tres.

"May gusto lang akong linawin sa kanya. Day off ko bukas." Dugtong ko.

"Okay, nasa bahay lang naman yon. Sabay ka na sa amin ni Ysobelle paghatid ko sa kanya sa school dadalhin kita sa bahay. Gusto mo bang sabihin ko muna sa kanya na kakausapin mo sya?"

Umiling ako.

Nang gabing yon, napakaraming pumasok sa isip ko. Nag-aalala ako na baka magalit si Attorney Hades at pagbantaan na naman ang buhay namin ng kapatid ko. Kung kailangan kong magmakaawa sa kanya, gagawin ko. Wala naman na akong panghahawakan pa. Wala na din sa akin si Deuce.

Masayang kumaway sa amin si Ysobelle ng ibaba namin sya sa school nang mag-umaga. Kinakabahan ako dahil magkakaharap na naman kami ng taong nagpahiwalay sa akin kay Deuce.

"Si Dad?" Tanong agad ni Tres sa kanyang kasambahay pagkapasok namin sa kanilang mansyon.

"Nasa library po."

Tumungo kami sa library. Sinenyasan ako ni Tres na mag-intay sa labas ng pinto. Sumilip sya sa library.

"Dad, may gustong kumausap sa inyo." Narinig kong sabi ni Tres.

"Sino?" Ang boses nyang yon, nakakatakot pa din.

Niluwangan ni Tres ang pinto. Napaawang ang labi ni Attorney Hades, ganoon din ako.

Dahil ang makapangyarihang lalake noon na nakilala ko, ngayon ay nakakulong sa wheelchair at mukha ng mahina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top