TOTGA: Double Trouble

TCWDM: Hi, all. This is the special chapter we wrote together during Wattpad X Kumu's Write With Me session. Enjoy ~

***

"Nasa'n si Auntie? Wala pa rin?" tanong ng kadarating lang na si Yanyan. Nakakapit siya sa braso ni Jesuah na bitbit ang malaking tote bag niya at isang paperbag na siguradong regalo ang laman. They came from work. "Sorry, late kami. Ang bigat ng katawan ko . . ."

She did look exhausted. Tinatamad rin akong kumilos today kaya kanina pa 'ko nakaupo lang. Buti na lang, sumakto sa off ko ang celebration today.

Birthday ni Auntie ngayon at for the first time, dito sa Compound 2 ang handaan instead na sa Compound 1. Sa Compound 2 nakatayo ang bahay namin ni Ivan, bahay nina Yanyan at Jesuah, at bahay nina Jacob at Iya. May maliit na playground kami para sa future kids. May tree house na halos identical sa nasa unang compound. Latest addition itong pavilion kung saan naka-set-up ngayon ang ilang mesang kainan, mahabang mesa ng inihandang pagkain para sa mga bisita, at of course, ang videoke. Wala pa nga lang kumakanta dahil busy sa pag-uusap-usap ang mga matatanda. Sina Mommy naman at Mama Judith, nasa bahay at binabantayan ang natutulog na si Lake.

"Wala pa si Auntie," sabi ko kay Yanyan nang maupo na silang mag-asawa sa kahanay naming upuan. "Mag-off ka bukas kung mabigat ang pakiramdam mo. 'Wag mong sabayan ang kuya mo na babad sa opisina."

Umingos si Yanyan kay Ivan na nakatayo at may kausap na kliyente sa cellphone. Ngumiti lang si Potchi sa amin. Nainis naman ako. Lately, nakaiinis si Potchi sa maliliit na dahilan na hindi ko alam kung pa'no sasabihin sa kanya.

"He's the reason I'm overworked," reklamo ni Yanyan at dumampot ng baguette. Kakagat na dapat siya ro'n pero napangiwi bago ibalik ang tinapay sa naroong bread basket. "Ba't ganyan amoy niyan?"

Herb Garlic Baguette 'yon. Mabango nga sa 'kin kaya tinabihan ko. "Okay naman ah."

"Mabaho," deretsong sabi niya.

Gusto kong ipilit na mabango naman at mukhang masarap pero ngumiti na lang ako. Baka kung ano kasing isipin nila.

Maya-maya pa, dumating sina Warren at Mimi. Malaki ang kahon ng regalo na dala nila. Hinahanap din si Auntie. Si Maxwell na sumagot, impatient makipag-usap kahit kasama si Aurora. Hindi raw kasi nagre-reply sa kanya si Auntie. Nagtatampo siguro, lalo na't sila nina Aurora at Ninang Norma ang nag-organize ng celebration today.

Nag-speculate na ang lahat sa kung anong oras darating si Auntie nang bumungad sa pavilion si Uncle Juan. Hawak niya ang cellphone niya.

"Bueno . . . Kausap ko si Mona kani-kanina lang. . ." simula niya.

"Sa'n na raw siya, Pa?" tanong ni Maxwell.

Naupo si Uncle Juan sa mahabang mesa kasama sina Papa Herbert at Tito Louie, sa official line ng videoke. Tahimik kaming lahat sa paghihintay sa sagot.

"Nasa airport daw siya," dagdag pa ni Uncle.

"Bakit siya nasa airport?" ani Warren na katabi ni Mimi sa mesa karugtong ng sa amin. "Ang sabi niya kanina, may ka-meeting siya. Sa airport ba meeting niya?"

"Dapat nagpahatid siya sa 'kin kung malayo pala pupuntahan niya," dagdag naman ni Jacob.

Makulit ang naging ngiti ni Uncle Juan. Whenever he smiles like this, he looks a lot like Jacob. "Ang sabi ay hinihintay niya 'yong special guest niya. Ipakikilala raw sa atin."

Sumimangot ang mga Tejeron—pinakamalala ang kay Maxwell.

"Ba't ang sasama ng mukha n'yo?" tanong ni Uncle.

"Boyfriend ba 'yong ipapakilala niya, Pa?" tanong ni Max.

"Hindi ba at ikaw dapat ang may alam dahil para kang sikyu ni Mona?" tukso ni Uncle.

Bumusangot si Maxwell. Pinisil ni Aurora ang pisngi kaya gumaan nang kaunti ang expression.

"O, hindi mo alam?" dagdag pa ni Uncle.

"Baka 'yong lalaki 'yon na ipinakilala niya sa 'kin. Hindi ko pa naman approved 'yon, ah," si Maxwell.

Umupo si Potchi sa tabi ko kaya sumandal ako sa kanya. It's interesting to watch Maxwell this possessive to Auntie.

"Paano kung aprub ko na?" tukso ni Uncle at humalakhak. "Hindi naman nakapagtataka kung magkaka-boyfriend ang auntie mo. Maganda naman siya. Nasa lahi natin," sabi pa at pilyong ngumiti.

I can attest to that. Sina Jacob, Warren, at Maxwell ay namana ang height at good looks nila kay Uncle Juan. When I first met Uncle, I was stunned about how he looked so young and so good in his age. Kung mag-aasawa pa uli si Uncle, walang magtataka.

"Nagpaalam sa'yo at pumayag ka?" si Warren na nakasimangot din.

Masama rin ang mukha ni Jacob kahit walang sinasabi.

"Mga kontrabida itong mga anak mo, ah," puna ni Tito Herbert.

"Oo nga. Ano naman kung magka-boyfriend si Auntie, eh may mga girlfriend naman na kayo," sabi ni Jesuah. "Si Hakob, kasal na. Pa'no na lang si Auntie 'pag lahat kayo, may family na?"

"Puwede naman siya sa 'min ni Aurora," kunot ang noo na sabi ni Maxwell.

"Wala tayong magagawa kung may gustong ipakilala ang Auntie n'yo. Hindi naman menor de edad 'yon," si Uncle Juan.

"Saka birthday ni Auntie ngayon," si Potchi.

"Baka naman sungitan n'yo 'pag dumating dito ang bisita," si Tito Louie.

Base sa simangot ng mga Tejeron, mukhang gano'n ang mangyayari.

"Gusto n'yo bato-bato pick na lang," si Jesuah.

"Ano'ng bato-bato pick?" tanong ni Jacob. "Para sa'n?"

"Para sa simangot n'yo," tumatawang sabi ni Jesuah. "Magbato-bato pick tayo. Hati sa dalawang teams: Team Kontrabidang Tejeron at Team, hmm, Ligaya ni Auntie Mona." Ang laki ng ngisi ng Pato sa sinabi. "Ano? Tara?"

"Pa'no 'yon?" si Jacob uli.

I yawned while watching Jesuah explained. Inaantok ako sa kanya kahit na masigla naman magsalita. Naiinis din ako. Ayoko lang kunsintihin ang inis ko dahil unreasonable. Pero naiinis din akong hindi ko magawang mainis openly.

Naghati ang mga lalaki sa dalawang group. Sina Ivan, Jesuah, Tito Herbert at Tito Louie ay para sa Team Ligaya ni Auntie Mona. Sina Uncle Juan, Jacob, Warren, at Maxwell naman ay Team Kontrabidang Tejeron. Magtatapat-tapat sila at paramihan ng wins. Kapag nanalo ang Team Ligaya ni Auntie Mona, magiging hospitable kaming lahat at walang sisimangot. Kapag nanalo ang Team Kontrabidang Tejeron, they can sulk all they want.

Humihikab pa rin ako nang magkagulo sila sa compound at magpilian ng kalaban. Ang matches ay; Uncle Juan versus Tito Louie; Papa Herb versus Jacob; Jesuah versus Warren; Ivan versus Maxwell. Up to three pick per match. Easy win si Tito kay Uncle Juan: 3 to 0. Sina Papa Herb at Jacob, nagpalitan ng scores bago nanalo si Tito Herb: 3 to 2. Sina Jesuah at Warren, pinagpawisan. Nakadalawa agad si Jesuah pero na-straight three ni Warren. Sina Ivan at Maxwell naman, nauna lang maka-score si Maxwell, bago matalo ni Ivan.

Team Ligaya ni Auntie Mona won. Lalong sumimangot ang magkakapatid. Iya and Aurora were trying to console the two, but they remained grumpy—kahit kinikilig.

"Galing ko sa bato-bato pick, 'no?" sabi ni Ivan nang bumalik sa tabi ko.

I yawned. "Maxwell's too impatient. That's why he lost."

"Oo nga. Gigil, eh. Ang dali hulihin ng iniisip," tumatawang sabi niya.

"Nagpatalo ka siguro, Pa," dinig naming sabi ni Maxwell kay Uncle Juan.

Tumatawa lang si Uncle at inakbayan ang bunso nito. "Ayusin mo na lang ang simangot mo habang maaga pa, 'nak. Baka hindi makabawi 'yang mukha mo, ayawan ka na ni Aurora."

Aurora laughed softly. Humawak siya sa braso ni Maxwell at maamong ngumiti. Maxwel's face lit up a little.

Masaya pang nanukso ang mga nanalo bago pinasimulan ni Papa Herb kay Jesuah ang videoke. Unang sumalang si Papa. Sina Mimi at Iya naman, kumuha na ng plato at food. Magpo-food trip na siguro. Dalawa kami ni Yanyan na tinatamad sa kinauupuan namin.

"Ikuha kita ng pagkain, Princess?" tanong ni Potchi sa 'kin.

"No. Mamaya na lang siguro," ani ko.

Pagbalik ni Jesuah kay Yanyan ay inalok din nito ng pagkain ang huli pero tumanggi rin yata. Naiinis na naman ako dahil ang lapad ng ngiti niya.

"Ba't lagi ka yatang nakatingin kay Pato?" untag ni Potchi sa 'kin.

Kung sasabihin kong gusto kong pagtripan o gawing robot si Jesuah, hindi niya maiintindihan. "Wala naman."

Kumunot ang noo niya pero hindi na nagkomento. "Sigurado kang hindi ka pa gutom?" si Potchi sa 'kin. "Wala ka namang masyadong kinain kaninang tanghali. 'Kala ko, nagrereserba ka para sa handaan."

Ang totoo, ayoko sa pagkain lately. Kapag pinipilit ko, nagduduwal lang ako. Nagiging moody rin ako at madalas akong mainis sa maraming maliliit na bagay. Ang usual na source ng inis ko ay si Jesuah o si Ivan. I'm starting to think that maybe I'm pregnant but I don't want to tell anyone anything without proof. Ilang beses na kasi kaming nag-akalang buntis ako, only to be disappointed kasi hindi naman pala. Ayokong ma-disappoint na naman sila.

"Potchi, may kukunin lang ako sa bahay, ha?" paalam ko. "I'll be back soon."

"Samahan kita?" aniya.

"'Wag na. Makipag-agawan ka ng mic kina Tito at Papa," I teased.

"Baka pagkatapos na lang nilang mag-concert."

I smiled at him and walked to the house. Dumeretso ako sa bathroom sa ibaba ng bahay at naupo sandali sa toilet seat bago buksan ang maliit na kabinet doon. I took three pregnancy tests and opened each one. Iba-iba iyon. Binasa ko ang instructions sa bawat isa bago gamitin.

Nang tapos na 'ko, iisa lang ang sinasabi ng mga kit: I'm pregnant. I felt warm inside but I refused to be happy that fast. Kumuha pa ako ng pitong pregnancy test kits para maniguro, kaso, hindi na 'ko naiihi. Darn it.

I need to drink more water . . . I thought before sighing. Ibinalik ko ang mga test kits sa cabinet nang marinig kong parang may nagpapalakad-lakad sa labas. Nakiramdam ako. Ilang sandali pa, may sumubok pumihit sa doorknob.

May gagamit nitong banyo? Sino?

Kasabay ng kasunod na pagpihit ng knob ang pagbubukas ko niyon. Nabungaran ko si Yanyan na kibit ang tote bag niya at parang may kinukuha roon. Nagkatinginan kami.

"Uh, Ate Pfi, makiki-CR," sabi niya sa 'kin. "Nasa CR namin si Mama. Naiihi na 'ko."

I opened the door wider for her. Huli na nang maalala ko ang pregnancy tests na nasa sink lang. Her eyes fell on them. Aabot sana siya sa mga iyon pero naunahan ko. Sinamsam ko ang mga kit na mainit pa sa palad ko.

"It's, uh, dirty," ani ko.

"Positive ba this time?" she asked.

Nag-aalangan akong sumagot sa kanya but, "Yes."

Her face lit up. Parang hindi na masama ang pakiramdam. "Totoo nga? Masusundan na si Lake? Totoo?"

"Shhh," saway ko sa kanya at isinara ang pinto ng bathroom. "Gusto ko pang mag-pregnancy test gamit 'yong ibang brand sa cabinet. Just, uh, to be really sure."

"Pero tatlo na 'yon, 'di ba?" aniya.

"Yes. But, just to be sure lang. Kahit hanggang sampu lang."

Mahina siyang natawa. "Nagwo-worry ka ba dahil sa mga expectations nina Mama at Papa before? 'Wag mong masyadong isipin 'yon, Ate Pfi. Excited lang sila na magkaroon ng pangalawang apo."

"I know but . . ." I sighed. It's hard to explain how I'm also disappointed. Akala ko kasi, alam ko na ang pakiramdam ng pagbubuntis, but it looks like hindi pa pala.

"Actually, uhm . . . makiki-CR ako to take a test din sana," sabi ni Yanyan. "I've been feeling weird lately 'tapos si Jesuah, asang-asa nang baka buntis ako. Umaasa na rin tuloy ako slightly. Uh, wala naman talagang tao sa bathroom namin. Tinatakasan ko lang si Jesuah kasi masyadong maligalig, eh magte-test pa lang naman ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanya bago mapatingin sa tiyan niya. "You mean . . ."

"Gusto kong mag-take na muna ng pregnancy test para malaman kung puwede kaming—tayong—umasa. Bumili ako kanina bago kami umuwi."

I couldn't believe my ears. Ilang beses na ring sumusubok sina Yanyan at Jesuah pero hindi pa rin sila nagkakapanganay.

"Do you want me to . . . do anything?" ani ko. But heck, what could I offer? "Puwede kitang samahang maghintay ng result . . ."

"Sige, Ate."

"Okay. Look out ako sa pinto."

Ngumiti siya sa 'kin bago ako lumabas ng bathroom.

Masyadong matagal ang ilang minuto kong paghihintay sa labas. Nang bumukas ang pinto, alam ko na ang resulta ng test ni Yanyan bago pa siya magsalita. The light in her eyes told me she was expecting too.

I hugged her. Nakalimang test daw siya. At nang i-open ko sa kanyang naiinis ako kay Jesuah, umamin siyang naiinis naman daw siya kay Ivan. Dala siguro ng paglilihi.

***

Tahimik kaming bumalik ni Yanyan sa pavilion. Wala pa rin sina Auntie Mona at ang surprise guest. Sa videoke, si Tito Louie na ang kumakanta. Kumakain pa rin sina Mimi at Iya habang nagkukuwentuhan. Ang tatlong Tejeron, seryosong nag-uusap. Sina Jesuah at Ivan naman, mabilis na sumalubong sa 'min.

"Okay lang kayo?" halos sabay nilang tanong.

Nagkatinginan kami ni Yanyan. Ganito 'yong mga moment na nakadadagdag ng inis.

"Nag-CR lang naman si Ate Pfi, Kuya. Bakit naman siya hindi magiging okay?" masungit na sabi ni Yanyan sa kapatid.

Kumunot ang noo ni Potchi. Nag-worry ako, at for some unknown toyo, natuwa rin. Mas cute si Potchi 'pag nakasimangot.

"Ba't ang sungit mo yata? Hindi ka pa ba move on sa overtime no'ng nakaraang linggo? Nag-sorry na 'ko 'tapos bumawi, ah," si Potchi.

Poor Potchi. He-he-he.

Umirap si Yanyan. I almost dodged because that was deadly. "Feeling mo naman nakabawi ka na?" She hmped after.

Pinigilan ko ang ngiti ko.

"Misis, maawa ka na sa kuya mo. Duguan na 'yan sa irap, o," magaang saway ni Jesuah at ngumiti.

Dalawa kami ni Yanyan na matalas na tumingin sa kanya.

"Ano'ng sabi mo?" halos sabay rin naming tanong.

Natahimik silang dalawa bago magkatinginan.

"Alam mo, Pato, don't smile," sabi ko.

Si Jesuah naman ang kumunot ang noo. "Bakit? Para ngumiti lang . . ."

"Kaya nga sabi ko don't smile kasi nga ngumiti ka," pilosopong sabi ko.

Nang akmang may sasabihin siya, natampal ko sa pisngi. Hindi naman malakas pero apat kaming natigilan sa nangyari.

"Pfi, ano'ng problema?" tanong ni Potchi.

Napatingin ako sa nakasimangot na si Yanyan. "You slap Potchi, too, Yan."

Bago makatutol o makasagot si Ivan, tinampal nga nang mahina ni Yanyan sa pisngi. Then she giggled. Then I giggled. Ang dalawang lalaki, napahawak na lang sa pisngi nila.

"Ano trip n'yo?" "Lakas trip n'yo, ah."

Wala pa nga kaming trip talaga ni Yanyan.

"Ano'ng trip mo raw, Yan?" I asked.

"Ikaw na lang muna, Ate," she said.

I was about to say something pero tinawag si Jesuah sa videoke.

"Jepoy, ikaw na 'to," tawag ni Tito Louie.

We all heard the music. Magra-rap na naman si Jesuah.

"I know what I want," sabi ko at tumingin kay Jesuah. "Mag-rap ka nang hindi ngumingiti."

"'La," sabi niya. "Ba't ko naman gagawin 'yon?"

Ngumiti si Yanyan pero papunta sa kadiliman. "Kasi gagawin mo, 'di ba, Mister?"

"Misis . . ."

"Mag-rap ka nang malungkot," matigas na sabi ni Yanyan.

Laglag-balikat na pumunta si Jesuah sa may videoke at kinuha ang mic.

***

Kumukulo na ang inis ko kahit nang makaupo na kami ni Yanyan sa pinuwestuhan namin kanina at manood kay Jesuah. Ang laki kasi ng ngiti ni Pato at kahit anong talas ng mata namin ay parang hindi apektado. Nag-stretch-stretch pa siya na pinagtatawanan nina Papa at Tito. Nag-vocalize pa.

"Mommy made me mash my eminems. Mommy made me mash my eminems. Mommy made me mash my eminems . . ." paulit-ulit na practice niya sa tono ng do-re-mi.

"Yanyan, pasampal uli sa asawa mo mamaya 'pag nag-rap 'yan nang nakatawa," sabi ko kay Yan.

"Basta 'wag mong lakasan, Ate . . ." balik niya.

Gusto kong lakasan pero sige na lang. Try kong mahina kahit nakalulungkot.

Nang matapos na ang mahabang intro ng rap at ang mahabang vocalization, ready na 'kong tumayo at sampalin si Jesuah dahil nakangiti pa rin siya. Pero unang lyrics pa lang, nagkunot siya ng noo at nagmukhang kauubos lang ng sahod. Natawa ako. Nailing naman si Yanyan. Spot on ang simangot ni Jesuah sa tuloy-tuloy na pagra-rap. May choreo pa siya minsan.

Si Ivan, ramdam kong nakatingin sa 'kin. Baka nakahahalata na, kaso lang ay sinusungit-sungitan ni Yanyan. Madalas tuloy silang magsagutan. 'Buti na lang at mahaba rin ang pasensya ni Potchi.

Pagkatapos mag-rap ni Jesuah, pinakansel ko ang iba pang kanta sa videoke at pinag-rap siya ng iba pa. Labag man sa loob niya, sumunod pa rin naman.

***

Pawisan na si Jesuah at mapapaos na rin kape-perform nang antukin uli ako. Nang magsabi siyang titigil na, ngumiti lang ako. Ilang minuto pa lang siyang nakauupo, naglabas ng panibagong tray ng mga pagkain sina Maxwell at Aurora.

"Gutom ka na, Pfi? Ikukuha kita ng pagkain," sabi ni Ivan.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Parang gutom na 'ko pero parang hindi. Nang mapatingin ako sa plato nina Mimi at Iya, nalungkot ako. Nalungkot ako na nakakain na sila. Parang ayoko nang kumuha pa uli sila sa bagong dalang pagkain.

Umungot ako kay Ivan. "Potchi, kuha mo 'ko ng pagkain. Si Jesuah rin, kuha ng pagkain."

Kunot ang noo na sumunod ang dalawang lalaki. Nang maibaba sa mesa sa harap namin ni Yanyan ang dalawang plato ng pasta, dalawang ulam, tatlong matamis, at isang malaking fried chicken, hindi mukhang masarap.

Nagkatinginan kami ni Yanyan.

"Tikman mo nga muna 'to, Potchi," ani ko.

"Ang alin diyan?" he asked.

"Lahat." Nang hindi siya kumilos ay dinikitan ko siya. "Lahat po, please . . ."

Natigil na ang videoke at ramdam kong nakatingin na sa amin ang lahat ng nasa pavilion. Si Yanyan, sinabihan din si Jesuah na kumain sa plato nito. When the two of them took a bite, nagka-appetite ako. Pero para yata sa kanila.

Dinampot ko ang fried chicken at inilapit sa bibig ni Ivan. "Ito pa, Potchi, tikman mo pa."

He took a bite.

Iniusog ko sa harapan niya ang plato at, "Go on. Kainin mo 'yan lahat."

"Pa'no ka?" kunot na kunot ang noo na tanong niya.

"Okay lang ako. 'Di ba, Yan?"

Nabalingan ko si Yanyan na pinapaubos din kay Jesuah ang nasa platong dinala para sa kanya. "Yes, okay lang."

Sa corner ng mata ko, nakita kong kukuha ng pagkain si Warren sa sarado pang tray kaya sinenyasan ko ng kamay ko.

"Ano 'yon?" aniya.

"Bawal ka munang kumain. Kakain muna sina Potchi at Pato," sabi ko at bumaling kay Yanyan. "'Di ba, 'no?"

Tumango si Yanyan at matamis na ngumiti. "Oo."

Pinanood ko si Ivan na ubusin ang inilagay niya sa platong para sa 'kin. Pagkatapos ay dinagdagan ko iyon ng galing sa sarado pang tray. Nang maubos niya lahat, inabutan ko pa ng tubig. Naitakip niya ang kamay niya sa bibig habang nakasimangot sa 'kin. Ginulo ko naman ang buhok niya.

"Galing ng Potchi ko kumain, ah." Luminga ako sa paligid at nakita sa malayong gate ang ilang cart ng street food. "Kain ka pa ro'n, o."

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ko. "Ha? Saan?"

Hinawakan ko siya sa kamay at masiglang hinila. "Magpo-food trip ka pa sa labas." Luminga ako at ngumiti sa lahat ng naroon na nanonood. "Labas lang po kami. Kakain pa po kasi si Potchi."

Maduduwal yata si Ivan pero inilagay ko ang palad niya sa bibig niya.

"Kakain lang po si Ivan," ulit ko.

Nagtanguan sila. Nag-thumbs up naman ang iba. Si Warren, masama ang mukha habang katabi pa rin ang tray na kukuhanan niya ng pagkain.

"Puwede ka nang kumain, Warren. Kain na po kayo," masiglang sabi ko at hinila uli si Ivan papunta sa gate.

"Dahan-dahan lang, Pfi. Baka masuka ako . . ."

Pero masyado akong excited na makita siyang mag-food trip kaya hindi ako nagpaawat. Sumunod din sina Yanyan at Jesuah sa amin.

Sa labas na ng gate nagsuka ang dalawang lalaki matapos kumain ng kwek-kwek, fishballs, balot, ice cream, kakanin, taho, at barbecue.

***

Dumistansiya sa amin ni Yanyan sina Ivan at Jesuah. Hindi naman namin masisi dahil umaalog pa raw sa tiyan nila ang lahat ng pagkain. Umay na rin agad sila sa handa sa pavilion. Malapit lang sila sa amoy ng kahit na anong handa roon, nangingiwi na.

Kawawa naman sila . . . pero cute kasi.

Napansin namin ni Yanyan na nagsisimula nang mag-usap-usap at magbulungan ang mga naroon. Dahil siguro sa lakas ng toyo namin. Ang videoke, tumutugtog na lang para magkaroon ng buhay roon. At nang akala namin ay gigisahin na kami sa trip naming dalawa, dumating si Auntie Mona at ang special guest.

We were dumbfounded. Tall, dark, and handsome ang kasama ni Auntie. Kaedad niya yata. Matangkad at matipuno. Mukha ring mabait.

Si Auntie, blushing habang nasa tabi ng lalaki. "Si Regon nga pala. Kaklase ko no'ng hayskul. Siya ang—"

"Boyfriend?" una ni Maxwell.

"Manliligaw?" si Warren.

"Babastedin?" si Jacob.

"Wedding Singer sa kasal ng kaibigan ko sa linggo," natatawang sabi ni Auntie.

But we all know he's more than that. Very telling 'yong sulyapan nila. Nag-aminan na kaya sila? Nag-kiss?

Nagkatinginan uli kami ni Yanyan at nagkangitian. Singer daw si Tito Regon.

"Tito," halos sabay naming sabi ni Yan sa bagong dating, "kumakanta ka?"

Nang tumango siya, lalong lumapad ang ngiti namin.

"Kanta ka naman sa videoke," sabi ni Yanyan.

Sumasaya na ang toyo ko sa anticipation. "Kahit sampung kanta lang."

Nawalan ng salita ang lahat ng nasa compound bago magsaway sina Ivan at Jesuah.

"Misis!" "Princess!"

Sumimangot kami. Sumimangot sila. Iginiya naman ni Auntie Mona si Tito Regon sa microphone sa videoke at pinapili ng kanta. When he started singing, Yanyan and I were watching happily.

Sa kalagitnaan ng concert ni Tito, nakasimangot na nag-walkout sina Jesuah at Ivan. Tinatamad man ay sumunod ako kay Potchi sa bahay namin. Nakita kong sumunod naman si Yanyan kay Jesuah papunta sa bahay nila.

Nakita kami ng lahat pero pinabayaan muna kami sa trip namin.

Pagdating sa bahay, ipinakita ko kay Ivan ang mga pregnancy tests bago mag-sorry at pagbawalan siyang ngumiti nang sobra. Salitan ang ngiti at pagsubok niyang sumimangot nang buhatin ako at halik-halikan. Tumatawa pa rin siya nang madatnan kami nina Mommy, Mama Judith at Lake sa living room.

We told them the good news. Baby number 2 is coming. # 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top