-8-

When I count my blessings, I count you twice.

----------

BARBIE's POV

Hindi nakaiwas sakin ang band aid sa siko ni Miles. Bahagya kong tinaas yung palda niya at hindi ako nagkamali, meron din siya sa tuhod. 


"Aish! Manyakis ka talaga!" Singhal nito sakin. Umirap lang ako sa kanya. 


"Puro gasgas ka na naman! What happened?" I asked. Ngumuso siya sakin at bahagyang nagkamot. 


"Nadisgrasya ako sa bike." Hagikgik nito. Napangiwi na lang ako. Kahit talaga kailan, napakaclumsy niya. 


"Good morning Miles, Hi Barbie." Tipid akong ngumiti kay Third pero itong si Miles, kung makangiti wagas. Nauna na silang maglakad sa akin and I can see how happy they are together. I trust Third naman na hindi niya sasaktan ang bestfriend ko. 


Si Miles kasi medyo dense at may pagkaslowpoke. A lot of guys here sa school may gusto kay Miles pero kasi si Miles pinapangalandakan na gusto niya si Thirdy, kaya nawawalan ng pag-asa yung ibang boys. 


Mas malayong mas maganda si Miles kay Angelica. 


Umaangat lang kasi si Angelica dahil mahinhin siya at babaeng gumalaw. Hindi gaya ni Miles na magaslaw at walang kapoise poise. Laging may sugat at mahilig umakyat sa puno. Nageexcel din siya sa sports. Habang si Angelica sa theatre and arts. 


Napasinghap ako ng biglang may tumakip sa bibig ko at hinila ako sa isang room na walang ibang tao. 


"B-Brix!" I gasped. Pagkaalis niya ng takip ng bibig ko. Bumuntong hininga siya at bahagyang sumilip kina Third at Miles na mukhang hindi namalayang wala na ko sa likod nila. 


"Sssshhhh, tell Miles, mag-iingat siya kay Angelica." He said. That was all he said bago umalis na parang walang nangyari. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Matagal na akong may ibang pakiramdam diyan sa Angelica na yan. 


Bumalik ako ng hallway at humabol kina Miles na masaya pa ring nag-uusap na parang sila lang ang tao dito sa mundo.

--------


"Nagyayaya si Thirdy magsine." Miles told me pagkarating namin sa cafeteria. Wala si Thirdy dahil may practice game sila sa kabilang school. 


"Eh di pumunta ka." I said tapos uminom ng juice. "It's not as if gusto kong sumama." 


"Kinakabahan ako eh. First date namin ito if ever." Pabulong na sabi niya sakin. 


"Alangan gawin mo kong third wheel?" Irap ko sa kanya. I heard her sighed at mas dumikit pa sakin dahil siguro ayaw niyang may makarinig kung anong sasabihin niya. 


"Hindi ko alam kung anong isusuot ko." Namumula ang mga pisngi niyang sabi sakin. Napabuntong hininga na lang ako. 


"Tutulungan na lang kitang magpakababae sa date niyo okay? Kaya umusog ka na dun, naiinitan ako." Pagtataray ko sa kanya. She grinned at me at bigla akong niyakap nang mahigpit, I almost choke. 


M I L E S


"Ayos na ba?" I asked Barbie habang umiikot ako sa harapan niya. She made me wear an off shoulder dress at nilagyan ng choker ang leeg ko. Nalakalugay din ang buhok ko na natural ang kulot sa dulo. 


Pinagsuot din niya ko ng pumps na mababa lang ang heels para daw hindi ako mapahiya sa kadate ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa heels. 


Nagthumbs up sakin si Barbie. Tapos niya na rin akong lagyan ng konting makeup sa mukha. 


"Hindi ba nakakahiya?" I asked her at mahigpit na napahawak sa palda ko. Ngayon lang ulit ako nakapagsuot ng ganito kaiksi ng walang suot na leggings. 


"Ano ba? Wala ka bang tiwala sakin?" She chuckled at made me face the full length mirror. I glanced at my reflection at bahagyang ngumiti. 


"Kinakabahan ako." I pressed my lips tightly. Binigay sakin ni Barbie ang isang maliit na side bag na color pink at may strap na gold. 


"Gora na! Baka malate ka pa! Saan daw kayo magkikita?" Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. On duty pa rin si Mommy at kay Barbie ko muna papaalagaan si Meinard. 


"Sa restaurant daw... Lunch muna bago sine." I said. Hinatid ako ni Barbie hanggang sa may gate at dun na ko nag-antay ng taxi. Kinakabahan talaga ako. My gas! Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko?


Tumawag sakin si Thirdy pagkasakay ko ng Taxi. Nagbilang pa ko bago ko ito sagutin. 


"Third..."


"Hi, asan ka na? Sorry napaaga ako. I'm just excited." Bakas ang tuwa sa boses niya. I bit my lower lip para pigilan ang pagtili.


"Kakalabas ko lang ng village on the way na ko." I said. 


"Okay then, I'll wait for you here." He said and ended up the call. Hindi ko na napigilan ang mapatili. 


"Oh my gosh!!!! Ack! Aray!" I gasped ng mauntog ako sa likod ng upuan nung driver. 


"S-Sorry ma'am! Nagulat po kasi ako sa sigaw niyo." The driver apologized. Napangiwi na lang ako habang sapul ko yung ulo ko. 


"O-Okay lang po. Sorry." I grinned. Pucha! Nakakahiya ka Milleana!!!! 


Nakarating kami sa restaurant na sinasabi ni Thirdy. Actually, gusto sana niyang sunduin ako pero umayaw ako. Ayoko lang na may ibang nakakaalam kung saan kami nakatira nina Mommy. 


Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Saglit akong natigilan ng mapansing napapalingon ang ibang mga customers sakin kaya napayuko ako at agad na hinanap si Thirdy. 


Nakahinga naman ako ng maluwag when I saw him. Naglakad ako papunta sa kanya. His lips are slightly parted habang sinisipat ako. I bit my lower lip. May mali ba sa ayos ko? Kasalanan ito ni Barbie!!


"H-Hi." Bati ko sa kanya at umupo sa katapat niyang seat. 


"H-Hi! S-Sorry, you just look so lovely, hindi ko napigilang mamesmerize." He smiled at feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. 


"T-Thank you. Nakaorder ka na?" 


"Not yet, hinintay muna kita. What would you like?" He asked at nagpakuha ng menu sa waiter. I immediately scanned the menu pero hindi ako makafocus dahil nakikita kong nakatitig sakin si Thirdy sa peripheral vision ko. 


Bahagya kong itinaas yung menu para takpan ang mukha ko. 


"Carbonara and Baked Mac & Cheese na lang siguro sakin tsaka iced tea." I said at binaba yung menu. Thirdy smiled at me at tinawag yung waiter. Hindi ko na nga napagtuunan ng pansin kung ano yung inorder niya. 


"Did Barbie made you wear a dress?" He asked. 


"H-Hindi ba bagay?" Naiilang na tanong ko. Kanina pa kasi nakatitig at feeling ko pulang-pula na ko sa hiya. 


"It suits you. Bagay sayo. I like it." He smiled. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naghahyperventilate na ko! 


"Thanks, ikaw rin." I smiled at him. We continued talking at gumaan naman ang pakiramdam ko dahil awkward talaga kanina. Dumating na rin yung order namin.


"Kamusta nga pala yung game niyo kahapon?" I asked him while we're eating. 


Inilapit niya ang kamay niya sakin and wiped his thumb on the side of my lips bago sinagot ang tanong ko. "We won, pero konti lang ang lamang. Medyo unfocused kasi kami kahapon." 


Napalunok ako pero parang wala lang yun sa kanya. D*mn! He just touched my lips pero feeling ko nadevirginized na ko!


"A-Atleast, you won. I heard wala pa kayong talo." I stummered trying to bring back my composure. 


"You're right, pero papalapit na rin ang Finals." I heard him sighed kaya napatingin ako sa kanya. 


"Kaya mo yan, ikaw pa?" 


He smiled at me, "Basta ba andun ka." He grinned and feeling ko tuluyan na kong pinagkaitan ng oxygen. 


Sobra-sobra na ang pagpapalpitate ng puso ko when he was just holding my hand habang naglalakad kami. Kahit nasa loob pa kami ng elevator hindi niya binitawan ang kamay ko. 


"Nakabili na rin ako ng ticket kanina. I really wanted to watch this movie with you." He smiled. Hindi ko na kinakaya itong pangyayari. 


"Bumili---" Natigilan siya when his phone rang. Nawala ang ngiti niya when he saw who's calling na agad naman niyang sinagot. 


"What?!" Marahas ang kanyang paghinga at nagulat naman ako sa reaksyon niya. 


"Huh? What? Where are you? Pupuntahan kita." Namutla si Thirdy. "Okay stay there. I'm on my way." He immediately ended the call and faced me. Mukhang problemado siya at kailangan na niyang umalis. 


"I'm sorry emergen---"


"It's okay, you have to go." I smiled at him and sounded fine. Kahit punung-puno na ng disappointment ang puso ko. 


"I'm sorry Miles, I promise babawi ako." He said bago nagtatakbo paalis. Napayuko na lang ako at mahigpit na napahawak sa palda ko. 


D*mn tears! 


"It's cold." 


Natigilan ako ng maramdamang may mainit na bagay ang bumalot sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko when I saw Briggs, he put his jacket on me. Napaiyak ako when I saw him, mukhang natigilan naman siya and he froze when I hugged him. Binaon ko yung mukha ko sa balikat niya. 


"Sorry." A soft sobbed escaped from my mouth. I felt him hug me back. 


Lumabas kami ng mall, he was just holding my wrist na para bang kinakaladkad ako dahil sa bilis niyang maglakad. He can never be gentle! May takong pa rin yung sapatos ko! Napasinghap ako when he carried me at pinaupo motor niya. 


He crouched down and removed my shoes. May inilabas siyang band aid from his pocket at nilagyan ang mga paltos ko sa paa. May kinuha siyang paper bag at may inilabas na tsinelas tsaka niya nilagay yung sapatos ko doon. He slipped the slippers on my feet bago humarap sakin. 


Para akong nabingi. I can't even hear my own heartbeat pero ramdam ko ang kabog sa dibdib ko. I don't even know if I'm still breathing. Hinawi ni Brix ang buhok ko papunta sa likod ko and may kinuhang wet wipes mula sa paper bag. 


"You don't need these." He said and wiped my face. Mukha na siguro akong tangang nakatingin lang sa mukha watching every movement of his eyes while wiping my face. 


"A-Ano nga palang ginagawa mo dito?" I asked him. Natigilan naman siya sa pagpunas ng mukha ko. 


"Napadaan lang." He said. I pressed my lips tightly. Bakit ba ko natutuwa? Why do I feel happy that he's here? 


"Aw!" I whined ng bigla niyang pitikin ang noo ko. 


"I said napadaan lang ako, wag kang mag-ilusyon." He said at masamang nakatingin sakin. Nilagay niya yung helmet sa ulo ko habang nakatingin ako sa kanya ng masama dahil sa pagpitik niya ng noo ko. 


"Ihahatid na kita." He said at di na ko nakaangal pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top