-4-
She didn't need to be saved; she just needed to feel loved.- R.M. Drake
Ilang araw ng hindi pumapasok ni Brix. Kaya ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ni hindi nga siya nagtetext. Well, hindi naman talaga kasi kami textmates.
"May tsismis ako sayo." Bulong sakin ni Barbie habang lumalamon ako. Hindi kasi ako marunong kumain kaya puro lamon lang ako. Gets mo? Tss kung hindi slow mo naman!
"Alam mo bang dating magbabarkada si Brix, Third and King Marius." She whispered. Nabilaukan ako sa sinabi ni Barbie kaya agad akong napainom ng tubig.
"No way!" I gasped. May pahingal-hingal pa ko. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil hihimatayin na ko.
"Oo nga. They came from the same high school. Tsaka magkakapit bahay sila sa Village nina King Marius." She added.
"Sa kamalas-malasan nga naman." I sighed. Bakit pa sila ang naging bestfriend ni Thirdy my labs? Masyado siyang mabait para mainvolve sa dalawang aswang na yun.
"Siguro binubully nila si Thirdy, lalo na yung Marius na yun." I exhaled.
"Watch what you're saying Milleana." I gulped when I heard his deep dark voice. Unti-unti akong lumingon at hindi nga ako nagkamali. Nasa likod namin si Marius. Natuod pa si Barbie sa kinauupuan niya.
Oo nga naman, Si King Marius kasi ang batas dito. Who would go against him? Mga baliw lang siguro.
"At bakit ang dami-dami na naman ng kinakain mo?" He smirked. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Whoah! Kailan ka pa nagkaroon ng pake?! Dun ka nga sa girlfriend mo!" I hissed.
"Miles! Ano ka ba?!" Yugyog sakin ni Barbie. Ofcourse, she's afraid of what might happen to me. Si Marius nga ang batas diba? Pero kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya.
"I broke up with her para sayo!" Marius shouted at me. Narinig ko ang pagsinghap ng mga nakarinig.
"Should I be thankful?! Sa tingin mo porke't nakipaghiwalay ka sa kanya mabubura nun yung katotohanang minsan mo siyang pinili over me?!" I shouted back.
He grabbed my wrist at humigpit ang pagkakahawak niya sakin. Naglalabanan na kami ng tingin at lumuluha na ko.
"Alam mong ikaw lang at ikaw lang ang pipiliin ko." His eyes soften pero ang galit ko sa kanya a mas lalo lang tumitindi.
"Ako? Nagpapatawa ka ba Marius? Sa tingin mo maniniwala pa ko sayo? Hindi ka marunong tumupad sa mga pangako mo." I hissed. I jerked my arm. Kinuha ko na rin ang bag ko at tumakbo paalis ng cafeteria as I was wiping my tears.
Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag sakin ni Marius at Barbie. Sumasakit lang ang dibdib ko. Humagulgol na talaga ako ng makarating ako sa rooftop. I locked the door para walang makaakyat na iba as I am pouring my heart out.
Bwisit siya! Kung hindi lang sana ako pinilit ni Mommy na mag-aral dito. Hindi talaga ako mag-aaral dito kasi alam kong dito siya mag-aaral. Sa kanila nga itong school diba? Tsss.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. It's a multimedia message from Brix. Yaman talaga nito sa load. Hindi na lang kasi ipadaan sa messenger.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinend niyang picture (@multimedia).
Tahan na. Pangit mo pa naman.- he texted.
Agad akong napatingin sa paligid para hanapin siya. Pero ni anino niya wala.
Bakit ko ba siya hinahanap? Masisira lang araw ko sa kanya. tsss.
Namumugto ang mga mata kong bumaba sa hallway. Dumiretso pa ko sa CR para maghilamos.
"Aish! Kasalanan talaga niya kapag nagkasipon ako!" I hissed sa sobrang kakasinghot ko. Pagkalabas ko ng CR may mga babaeng lumapit agad sakin. Hindi ko sila classmates pero kilala ko sila, sobrang friendly ko kaya.
"Ex mo ba talaga si King Marius?" Kyla asked. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. I pointed myself and laughed at them.
"Yun magiging boyfriend ko? Asa lang niya. Tsk. We used to be well friends." I reasoned out.
"Pero kung makahugot kayo parang may past talaga kayo." Patricia asked. Napabuntong hininga na lang ako ang patted their shoulders.
"Let's not talk about him. Sagad hanggang platelets ang galit ko sa kanya." I smiled at them at iniwan na sila. Nakarating ako sa classroom. Natahimik pa sila sa pagdating ko. Nakakapanibago lang.
"Let's talk." Hila sakin ni Barbie palabas. "Alam mo bang after kay Beatrice, si Angelica na ngayon ang dinedate ni King Marius. At bakit di ko man lang alam na mag-ex kayo?"
"Dinedate ni Angelica si Marius?" Nagulantang talaga ako sa sinabi niya. "Pero akala ko ba mag-ex sila ni Brix?"
"She's the reason kaya nagkawatak-watak silang tatlo. At kung ano pang meron kayo ni Marius, itigil mo na. Kahit mabait yang si Angelica, hindi natin alam kung may itinatago siyang kulo."
Napamasahe na lang ako sa batok ko. My life is getting more complicated.
-------
"Mukhang problemado ka?" Nagulat na lang ako ng bigla akong kausapin ni Thirdy. Parang lahat ng problema ko nawala ng makita ko siya. Madalas na rin kasi kaming nagkakausap. Siya talaga ang Anghel ng buhay ko.
"Medyo." I smiled. Nauna na ring umuwi si Barbie dahil maagang dumating yung sundo niya.
Nandito kami ngayon sa harap ng gate and I bet hinihintay niya rin yung sundo niya. Ako naman nagpapalipas lang ng oras. Wala naman kasi akong sundo at tsaka nagbabike lang ako pauwi.
"Mukhang late ang sundo mo ngayon." I told him. He smiled at me at tumabi sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ikaw? Ba't hindi ka pa umuuwi?" He asked. I felt myself blushed.
"May pupuntahan pa kasi ako. Tsaka kailangan kasi gabi akong pumunta dun." I said.
"Baka naman delikado."
Pigil ang hininga ko lalo ng tumabi siya sakin. Sanay naman kasi akong hanggang likod lang niya ang nakikita ko. Kasi naman kasi ngayon ang lapit-lapit niya tapos nakatingin pa siya sakin. Feeling ko talaga hihimatayin ako.
"Kilala ko na lahat ng nandun. Di naman nila ako aanuhin." I almost bit my tongue.
"Tara samahan kita." He said. Muntik ko ng mabitawan yung bike ko sa sinabi niya.
"N-naku hindi na, baka dumating pa yung sundo mo."
"It's okay. Hindi siya makakarating kasi kailangan niyang ipagdrive si Daddy." He said. Napalunok tuloy ako. Gustong-gusto ko yung offer niya pero natatakot ako na baka himatayin talaga ako.
Nakuryente pa ko nung dumampi yung kamay niya sa kamay ko nung kunin niya yung handle ng bike. Sumakay siya dun at tulala lang akong pinapanood siya.
"Come on." He smiled at me. Feeling ko talaga tumigil ang pag-ikot ng mundo that moment. Ito na atah ang simula ng katuparan ng mga pangarap ko. Umupo ako sa kargadera ng bike ko.
"Ituro mo na lang sakin yung daan." He said. Kahit naman nahihiya ako kailangan ko pa ring humawak sa kanya. Kahit sa damit lang. I was just biting my lips the whole time dahil feeling napapatili ako ng wala sa oras.
"Whoah!" I gasped ng biglang tumalon yung bike. May nadaanan pala kaming humps. Napabuntong hininga na lang ako, pero agad na nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong nakayakap na pala ako sa kanya and he's holding my arms firmly.
"Kumapit ka lang." He said. Lihim akong napangiti habang nakayakap ako sa kanya tapos siya hawak-hawak ang kamay ko.
"Baka madisgrasya tayo." I said. Kasi naman isang kamay lang ang gamit niya sa bike. He chuckled softly at lumingon sakin.
"I just wanna make sure you won't let go." He said. And that moment, sumabog na ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top