-33-
M I L L E A N A
Kumunot ang noo ko dahil sa klase ng tinging binibigay sakin ng boyfriend ni Barbie, he's looking at me like he's seen a ghost. Sa ganda kong ito?!
"H-How?" He asked.
Bumuntong hininga si Barbie at umupo sa tabi ko.
"Hindi na kinaya ng utak niya ang mga nangyari." She said and brushed my hair.
"Alam na ba ito ni Brix?" He asked. Natigilan ako sa tanong niya. Agad akong naalerto, kahit kagabi ko lang siya nakilala, may kung anong kakaiba akong naramdaman sa kanya.
"Yes, he called me last night. Nagkita na kayo diba Miles?" Barbie asked me. Tumango ako sa kanya at bumuntong hininga. Pinakita ko sa kanya yung picture na binigay ni Brix sakin. Lumamlam ang kanyang mga mata at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ko masabi sayo kasi ayaw ng pamilya mo."
"It's okay. I understand them, I understand you. Hindi ko na nga rin alam kung anong iisipin ko. Feeling ko ang tanga-tanga ko kasi wala akong maalala. Yung mga taong humihingi sakin ng sorry ni hindi ko nga alam kung anong kasalanan nila." I fake a laugh. Napatitig ako sa larawan na binigay ni Brix.
I miss him.
Gusto ko siyang makita ulit.
I want to talk to him more.
"Laban lang." She tapped my shoulder.
Agad kong naibulsa ang hawak kong picture ng biglang bumukas ang pinto. Agad na kumunot ang noo ni Sir Nurse ng makita si Thirdy.
"Time to take your med." He told me. Lumapit siya sakin at inabot ang mga gamot ko. "Who's he?"
"Thirdy, boyfriend daw ni Barbie." I said before drinking my medicines.
"I see, good then." He said blankly as he watch me drink my med.
"Hi Nurse Tyler!" Masiglang bati ni Barbie sa kanya.
"Hi Barbara." He smiled at her. He can smile at Barbie and to my family pero lagi siyang galit sakin! Ewan ko ba?! "As usual nakapink ka na naman." He chuckled.
"As usual, gwapo ka pa rin." Barbie giggled kaya kinurot ko na. Lumandi ba naman sa harapan ng boyfriend niya?! G*ga talaga itong babaeng ito. Napatingin ako kay Thirdy na mukhang nababadtrip na.
"Tapos na kong uminom ng gamot, alis ka na." I told Sir Nurse. Agad na umasim ang kanyang mukha at agad na pinisil ang mga pisngi ko.
"We need to talk Milleana, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kagabi." He hissed. Pumilantik ang kilay ko sa narinig, wala na man akong ibang ginawa kundi ang natulog--- si Brix! The f*ck?! He saw us?!
"Hmm I smell something fishy na, I think we have to go." Barbie winked at me. Hinila niya sa braso si Thirdy at mabilis pa sa alas kwatro silang nakaalis ng room ko.
"Wala naman sigurong masama kung dalawin ako ng boyfriend ko." I said, hindi nakaligtas sakin ang pag-igting ng kanyang panga at pagtalas ng tingin sakin.
"He's the reason why you are being like this!"
"I don't care! I mean I don't know! Ang alam ko lang gusto ko siyang makita ulit, so please Sir Nurse help me meet him. Please???" Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, a new emotion crossed his eyes bago siya nag-iwas ng tingin sakin.
"I am just doing what is advisable to you." May bakas ng lungkot ang boses niya.
"But I want to see him again." I pleaded. He slightly clenched his jaw at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Sorry Milleana, hindi kita kayang pagbigyan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You really do hate me, don't you?" Nag-init ang mga sulok ng mga mata ko as I glared at him. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at agad akong hinawakan sa magkabilang braso.
"T-That's not true! Please don't say that!" Malamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin sakin. Gusto kong maiyak, gusto ko ulit makita si Brix pero paano ko siya makikita kung pinagbabawalan kami?
"Etoh na ang last na favor na hihilingin ko sayo, please? Gusto ko ulit siyang makita." I pleaded again. Bahagya siyang napayuko at muling humugot ng malalim na hininga.
"Just ask me anything, but not this Milleana." There's desperation in his voice. Bahagyang umawang ang bibig ko sa pagtataka. He sounded like he's hurting.
"Mawawalan ka ba ng trabaho kapag pinagbigyan mo ko?"
"Kung trabaho lang sana ang mawawala sakin, pero hindi Milleana, pati ikaw unti-unting mawawala at malalayo sakin kapag pinagbigyan kita." He said. Bumuga siya ng hangin at bahagya lumayo sakin after niya kong bitawan.
Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig. A-Ano daw?? Ayoko namang mag-assume ng kung anu-ano, ayoko siyang ma-misinterpret.
"A-Ano bang sinasabi mo?"
"I like you, I like you a lot. Gustong-gusto kita kaya hindi ko kayang makita kang masaya sa piling ng iba, do you get it now?" Mahina at halos pabulong niyang sabi. Napatakip ako sa bibig ko sa sobrang pagkagulat.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. H-He likes me?! What the actual f*ck?! Hindi magsink in sa utak ko yung sinabi niya!! Napaka-Impossible naman kasi!!
"G-gusto ko munang mapag-isa." I swallowed hard. Humiga ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
"Milleana please..."
"Please din po! I wanted to be alone!" I hissed. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. I clenched my chest hard bago ako bumangon at tumingin sa nakasarang pinto.
Ano bang nangyayari?! F*ck! Gulung-gulo na ko!
Hindi ko alam kung ganu katagal na kong nakatunganga hanggang sa mapansin ko na lang ang pagbukas ng pinto. My family entered my room with wide smiles on their faces.
"Baby! It's family day!" My Mom approached me and hugged me tight. Para akong tinakasan ng lakas dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw.
Kung noon kahit hindi na ko makaalala ay okay lang pero bakit ngayon gustong-gusto ko ng maalala kung ano ba talagang nangyari sakin?!
"Ate! Kailan ka uuwi?" My little brother asked me. I stared at him blankly hanggang hindi ko na namalayan na pumapatak na pala ang luha ko. I can hear them talking pero parang nasa ilalim ako ng tubig at hindi ko sila marinig ng maayos.
Pakiramdam ko lutang na lutang ako.
Sino na nga ba ko?
Bakit nga ba ako nandito?
I need answers. I need clarifications.
I heard murmurs kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Napapikit ako ng mariin before I opened my eyes. Puting kisame ang agad na sumalubong sakin at matinding pagkirot ng sentido.
"Milleana, anak, how are you feeling?" I glanced at Dad and hold unto him para makabangon ako. Napatingin ako sa paligid ko, they are all here, my family, Barbie, nurse Tyler and my doctor.
"Milleana, naaalala mo ba ko? Ako ang Mommy mo." Maluha-luhang sambit ni Mommy. Bumuntong hininga ako at napasabunot sa buhok ko. I now remember all. Bumalik na ang mga ala-ala ko, pati na rin ang sakit na kinikimkim ko sa loob-loob ko.
"Marius..." I called my brother. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at agad na lumapit sakin.
"Thank God you're fine!" He exclaimed. Humawak ako ng mahigpit sa braso niya and looked at him intently.
"Dalhin mo ko kay Angelica." I said. Naramdaman kong naestatwa siya sa kinatatayuan niya at agad na bumaling kay Daddy.
"P-Pero---"
"Please! Bring me to her! We'll settle this once and for all!"
"K-Kumalma ka nga Milleana." Mom held me pero hindi ako nagpaawat.
"No! Bitawan niyo ko, if hindi niyo ako sasamahan, pupunta ako mag-isa!" I groaned.
"D-Doc ano po bang nangyayari sa anak ko?" Mom asked hysterically, pinalabas muna nila si Meinard dahil kanina pa ito umiiyak habang hawak-hawak ako nina Daddy at Marcus.
"Calm down Milleana, we need to ask you some few questions okay, but first you need to calm down." The doctor told me. Nanginginig ang buong katawan ko sa biglaang pagbuhos ng mga luha ko.
"It hurts... as hell..." I sobbed.
"Anong masakit sayo? Tell me."
Napaupo ako sa bed ko at humagulgol. Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheet at halos walang boses na lumalabas sakin kundi ang pag-iyak.
"May ibang babae si Daddy and he chose her over us! Itinakwil niya kami ni Mommy and he even questioned my Mom if totoong anak ba talaga niya ko! I was hurt so bad! Never sumagi sa isip ko na possibleng hindi niya ko tunay na anak!
"All these years I suffered! I became my Mom's strength when she almost wanted to give up everything! Bakit ganun?! Paano naman ako?! How can I live without her?! Paano kami mabubuhay ng kapatid ko kung susuko na siya dahil lang ipinagpalit siya ng lalaking iyon sa iba?!
"And then... And then... I met him, I met Brix, first time kong naramdaman sa buong buhay ko na naging priority ako, na ako ang nauuna sa lahat, pero akala ko lang pala, because he would go for her anytime she needed him! He was willing to leave me just to make sure she's safe!
"Hindi ko na alam kung saan ako lulugar!"
Napaubo ako sa sobrang panunuyo at pananakit ng lalamunan ko. I wanted to let these things out. Gustong-gusto ko ng ilabas lahat dahil hindi ko na kaya.
"What did I do to deserve all of these?" I grab her arm and shook her. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod na ko at tuluyan ng mawalan ng lakas.
"M-Milleana, hindi naman ganun yun anak." I heard my Mom's broken voice.
"We should let her rest first. This is a good sign, dati ay hindi niya mailabas ang mga hinanakit niya, she's not suppressing herself anymore." The doctor said. Huminga ako ng malalim at humawak sa kung sino man ang pwede kong hawakan.
"Please, I need Brix." I said with a weak voice. Si Mommy pala ang nahawakan ko. Umiiyak siya habang hinahaplos ang mukha ko.
"We'll call him, okay? Just rest baby." She kissed my forehead at unti-unti na rin akong nakaramdam ng antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top