-32-
M I L L E A N A
Naningkit ang mga mata ko kay Sir Nurse dahil sa sinabi niya.
"Uyyy may lovelife siya." I giggled. Agad na nawala ang mga ngiti sa labi niya and his brows immediately furrowed.
"You're so stupid, alam mo ba yun?" He mocked. Napasinghap ako at pinipigilan ko talaga yung sarili kong tusukin siya ng tinidor sa sobrang asar ko.
"Stupid?! I'm just happy lang naman for you!" I exclaimed. Umiling-iling siya at tinuloy ang pagkain. Napanguso na lang ako at inirapan siya. He's so complicated you know?! Napakamalas ng babae--- Oh my gosh?! Hindi kaya lalaki ang gusto niya dahil ang sungit-sungit niya sa mga babae?!
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, mas lalong kumunot ang kanyang noo ng makita ang reaksyon ko.
"OMG! Bakit hindi mo sinabi?" I whispered to him.
"What?!"
"Kaya naman pala eh, no worries, your secret is safe with me." I winked at him. Tumingin siya sakin na parang naguguluhan.
"What are you thinking?" He asked.
Ngumisi ako sa kanya at bahagyang tumawa. He suddenly pinch my cheek kaya napahiyaw ako sa sakit.
"Aww ha! Grabe ka! Ba't ka nananakit ng pasyente?!" Singal ko sa kanya while massaging my cheek. He glared at me at akmang kukurutin ako pero umiwas na ko.
"What are you thinking?!" He hissed. Curious na curious si Inday! Hahahaha!
"Secret muna, maya sabihin ko sayo." Hagikgik ko.
"Whatever, finish your food." He hissed. Hindi ko mabilang kung nakailang hagikgik ako hanggang sa matapos na kaming kumain at wala ring tigil sa kakairap sakin si Sir Nurse. Kegwapo nilalang, kalahi naman pala ang hanap. Tsk. Tsk.
Yan ang rason kung bakit ang dami-daming babaeng single sa mundo.
"Sir Nurse, sa tingin mo may boyfriend ako?" I asked him when we entered my room.
"Wala." Diretsahang sagot niya sakin na parang sure na sure siya.
"Feeling ko kasi meron eh. Masaya ako kapag andito ang family ko tsaka yung bestfriend ko pero parang may kulang." I said. Umupo ako sa kama ko and Sir Nurse was just watching me. As usual, nakakunot na naman ang noo niya.
"What if may boyfriend talaga ako? I should ask my parents later--"
"Wala kang boyfriend Milleana..." May diin na sabi niya sakin. Kumunot ang noo ko at ngumuso sa kanya.
"Bakit? Kaw lang ba ang may karapatang magboyfriend?!" Asik ko sa kanya. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata.
"What?!" He exclaimed.
Natawa ako sa naging reaksyon niya, ngingisi-ngisi akong nakatingin sa kanya. He looks so irritated, namumula na siya sa inis.
"So you were thinking that I'm a gay?!"
"Hay naku ewan ko sayo, amin-amin din---"
I gasped when he suddenly cupped my face and his face is just few inches away from mine. Nakalimutan ko na tuloy ang huminga sa gulat.
"A-Anong ginagawa mo?" I asked him.
"Do you want me to prove it to you?" He asked but his eyes are locked on my lips. Napalunok ako at nakaramdam ng pag-iinit ng mga pisngi ko.
"N-No." I was breathless. May ngisi sa mga labi niyang bumitaw sa mga pisngi ko and I don't know kung gaano na ko kapula ngayon.
"Good girl." He patted my head. Tinapik ko ang kamay niya sa ulo ko and glared at him. Agad akong humiga sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
"Milleana, don't act like that. Ikaw ang naunang nang-asar." He said. I feel so embarrassed at ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko. He slightly pulled my blanket pero mas hinigpitan ko ang hawak ko dito. I heard him sigh, narinig ko na lang ang mga bakas niyang palayo at ang tunog ng pagbukas-sara ng pinto.
Parang nakaramdam ako ng kakaibang guilt sa ginawa niya. Na para bang may pinagtaksilan ako dahil hinayaan ko siyang lumapit sakin ng ganun kalapit.
Gosh! Ano bang nangyayari sakin?!
Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na ko ng antok, naalimpungatan pa ko ng maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kama but I was too sleepy to pay attention to it.
-----
B R I X
Bigla na lang siyang mawawala, I would ask everyone she knows where she is but they kept on lying to me and for the second time, may nangyari na namang masama sa kanya ng hindi ko alam.
I am at fault again, ako na naman ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ng ganito. I don't want to think that my role in her life is to bring nothing but pain. Binigay ba ko sa kanya ng Diyos para lang saktan siya?
Unconsciously, my actions are hurting her. Kung hihilingin man nilang pakawalan ko siya, hinding-hindi ko iyon gagawin. Call me selfish, but she is my life. Nagkaroon ng kulay at kahulugan ang buhay ko when she came, when she became mine.
Letting her go would be the death of me, kakapit na lang ako sa pag-asang hindi niya ko bibitawan kahit paulit-ulit ko na siyang nasasaktan sa mga naging desisyon ko.
"I'm so sorry baby." I whispered to her as I kiss her forehead. I miss her warmth, I miss the way she snuggle on my chest and how peaceful she looks when she's sleeping in my arms.
"I miss you so much."
Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. I watch how her eyes slowly open at ang dahan-dahang pag-angat ng kanyang mukha sa akin.
She gasped, as she pushed me away from her. Muntikan pa siyang mahulog sa kama but I immediately pulled her close to me.
"Relax baby, it's just me." I said. Muli niya kong tinulak papalayo sa kanya. There's this strange emotion in her eyes, and the way she's looking at me is hurting me. This is not the way she looks at me before.
Her eyes smiled whenever she's looking at me and her eyes are the most beautiful things I've ever seen.
"H-Hindi kita kilala." She said. I let out a sigh to lighten up the pain in my chest. I tried to smile at her pero hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.
"H-how can you forget about me Milleana?" It hurts so much. The way she's looking at me right now, it hurts. The space between us, it hurts. It's too painful not to be able to hold her freely even if she's just in front of me.
"S-Sino ka ba?"
I took out my wallet, tinanggal ko ang picture namin na nakalagay doon. This was taken when we're at the resort. Magkatabi kami at nakayakap ako sa kanya while kissing the side of her head habang nakahawak siya sa braso ko at nakangiti sa camera.
I love this photo of us because it reminds me that I own her, na hawak-hawak ko ang mundo ko.
I gave it to her. Agad na bumuhos ang kanyang mga luha upon seeing the picture.
"Ayokong maabutan ako ng mga magulang mo dito, I'll be back tomorrow baby. I love you." I whispered to her. Hindi siya umiwas ng muli kong halikan ang kanyang noo. I was about to go but she grab my hand.
"Your name? What's your name?" She asked crying. I brushed my palm on her wet face. I didn't know that, that question is too painful to answer.
"I am Brix and I am deeply and madly inlove with you. Just remember that, and it would be enough for me." I said. She let go of my hand, mahigpit ang pagkakahawak niya sa litratong binigay ko.
"B-babalik ka diba?"
"I promise." I smiled at her bago ako lumabas ng room niya. My heart felt so heavy when I left her room. Kung hindi ko pa siya nakita kanina ay hindi ko pa malalaman kung ano ng nagyari sa kanya.
"Why are you here?"
I clenched my jaw when this guy approached me. Dapat sinapak ko na siya kanina when he touched Milleana. I was just too stunned a while back to react violently.
"As far as I know, you're not allowed anywhere near Milleana." He said.
"Who are you to say that?" I hissed.
He smirked at me, "Alam mo naman sigurong ikaw ang naging dahilan kung bakit siya nagkakaganyan?! You're not good for her, if you love her you should let her go."
"For what? Para makuha mo siya? Milleana is mine and as long as she's fighting for us, as long as I can feel that she loves me, I will never let her go. Hinding-hindi mo siya makukuha sakin." I hissed.
He clenched his jaw furiously. I glared at him bago ko siya iwan. Kinausap ko na kanina sina Tito at Tita and they've asked me to leave Milleana alone habang nagpapagamot pa siya. Halos mabaliw na ko kakahanap sa kanya nitong nakaraang linggo. I won't leave her alone, I will be besides her all throughout her therapies until she remembers everything.
B A R B I E
I was a witness on how serious Brix is on Milleana. Hindi ko lang masabi-sabi sa kanya ang nangyari kay Milleana dahil iyon ang sabi sakin nina Kuya Marius, and everytime na dinadalaw nila si Angelica ay sinasama nila ako.
NagWorld War II kami ni Thirdy dahil sa agad nilang pag-alis noon ni Brix para bisitahin si Angelica. Kapag lumalapit siya sakin ay binabato ko siya ng kahit ano na mahawakan ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya noon.
Since dinala nila ako kay Angelica noon, I realized why they had such reaction. Angelica's mom was killed, sa loob mismo ng kulungan, sa harapan mismo ni Angelica. And totoo nga na ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay. May mga benda ang kanyang mga braso na may bakas ng mga dugo.
Gusto kong maawa sa kanya noon but remembering what she did to Milleana, hindi ko pa rin iyon magawa. Wala na ring ibang pamilya si Angelica, wala ng ibang bumibisita sa kanya kundi kami na lang.
"Earth to you Barbara."
Napasinghap ako ng biglaang pitikin ni Thirdy ang noo ko.
"Ouch! Ang sakit nun l*che ka!" I hissed.
"Andito na tayo sa bahay niyo, kung hindi ka pa bababa, iuuwi na kita sa bahay namin." He said. Agad nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa labas. Ay shet! Oo nga! Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at nagmamadaling niligpit ang mga gamit ko.
"Bakit ba ayaw mong iuwi kita?" Thirdy asked me. Bahagya akong namula sa tanong niya.
"Simula ng maging tayo, ilang beses mo na kong minanyak Thirdy, 3 days pa lang tayo FYI!" I exclaimed. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya and opened the door when he grab me at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
"Thirdy!!!" I squealed at pinaghahampas siya ng libro. He just laughed at me hanggang makalabas ako ng kotse at malakas na sinara ang pinto niya.
Yeah, kami na. At hindi ko alam kung anong sumapi sakin para sagutin siya. Lihim na lang akong napangiti habang naglalakad ako papunta sa gate namin, agad naman akong pinagbuksan ng guard at pinapasok sa bahay.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko. It's a text message from Thirdy.
Thirdy:
Bukas iuuwi na talaga kita.
Pakshet.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top