-31-


A/N: (I'm not a doctor or an expert in medical field please bear with my lack of knowledge as I try hard to justify the flow of the story.) 

M A R I U S

"This is worse than what we expected." The doctor said after checking Milleana. "She has Dissociative Amnesia, it is a type of dissociative disorder that involves inability to recall important personal information that would not typically be lost with ordinary forgetting. It is usually caused by trauma or stress." (#google)


"In short, she shut down herself to get away from all the stress and anxiety she's feeling. I suggest to confine here for the meantime for further examination, the drastic change of her mental state is very alarming."


"Doc, ano na po ba ang nangyayari sa anak ko? She was just fine this morning!" Mom cried. Maging ako'y hindi makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. 


"Is she having some suicidal thoughts?" The doctor asked. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. 


"K-Kanina po..." Barbie spoke. Lahat kami napatingin siya. Hanggang ngayo'y nanginginig pa rin siya. "She asked me if what will I do if she's gone." Bumuhos ang kanyang mga luha. 


"No worries, she will be fine. This is a normal reaction of the brain for people suffering from PTSD, as of the moment, the patient is still fragile and sensitive, kahit konting bagay lang na makasakit sa kanila ay pwedeng magresulta sa negatibong pag-iisip, 'causing self degradation, paranoia, and other kinds of pessimistic thinking." 


"What can we do Doc?" Dad asked her. 


"We will resort to medication and therapies. We will assign a personal nurse to monitor her from time to time." 


After some sort of discussions, lumabas na kami ng office ng doctor at bumalik sa kwarto ni Milleana na ngayon ay tulog na. 


"Ang anak ko." Mom cried so hard. Hinayaan ko na muna si Daddy na iuwi sa bahay si Mommy dahil sa pagbrebreakdown nito. Nagpasundo na rin si Barbie sa driver nila, she insisted on staying but I refused. She also needs to rest. 


"M-Marius..." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakaupo ako sa visitor's area dito sa sa hospital. I am still composing my mind bago ako pumasok sa kwarto ni Milleana because my heart has just been broken into million of pieces. 


I glance at Angelica, nakaupo siya sa wheelchair na tulak-tulak ni Thirdy at sa tabi nito ay si Brix. We're on our way here nung mahimatay si Milleana kaya dito na rin namin siya sinugod kanina. 


These three are the reason why my sister is suffering right now. 


"B-Binibisita mo ba ko?" Angelica asked me. I just stared at her coldly. 


"It was the original plan, but honestly right now, I could only wish for one thing. Sana natuluyan ka na lang." I hissed. Hindi nakatakas ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata. But I don't give a damn. She looks terrible, nangayayat siya ng sobra, nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata at maraming sugat sa balat niya. 


"Marius, that's too much." Brix hissed. 


Tumayo ako at ngumisi sa kanya. "You know what's too much? The reason why I am here right now." Binangga ko siya sa balikat bago ako naglakad papunta sa kwarto ng kapatid ko. 



M I L L E A N A 

"Milleana tapos mo na bang inumin ang gamot mo?" Sumimangot ako sa personal nurse ko ng pumasok siya sa kwarto ko. He said my name is Milleana, may mga kapatid ako, si Meinard at Marius. Lagi silang dumadalaw dito kasama sina Daddy at Mommy. Sabi nila may aso din daw kami kaso hindi pwedeng dalhin dito hospital. 


"Tapos na po Sir Nurse." Irap ko dito. He's 4 years older than me. Mas matanda siya kay Kuya Marius ng dalawang taon, OJT daw niya ito bago magtake ng Board para sa pagiging doctor. 


Actually, crush ko sana siya eh. Kaso ang sungit niya. Lagi niya kong pinapagalitan kapag nakakalimutan kong inumin ang mga gamot ko kahit mag-iisang linggo pa lang ako dito. 


"Sir Nurse, pwede ba kong lumabas?" I asked him habang may sinusulat siya sa clipboard niya. 


"Where to?" 


"Maglalakad-lakad lang. Hindi naman ako tatakas, takot ko lang sayo." Nakangusong sabi ko. 


"Just be sure to take your lunch on time." He said. He took my temperature and blood pressure at kung anu-ano pa bago ako nakalabas ng room ko. 


"Hi Nurse Tyler." The female nurse giggled as she passed by us. Hindi siya pinansin ni Sir Nurse. Masungit talaga eh. Antisocial. 


"Uyy may nagkakacrush sa kanya." Siniko ko siya sa tagiliran but he just glared at me. I pressed my lips tightly at tahimik na humagikgik. 


"Babalik na ko sa post ko, I'm gonna check on you after lunch." He said formally.


"K. What's new?" Irap ko sa kanya before we separate ways. Umakyat ako sa rooftop dahil may garden doon para lumanghap ng sariwang hangin dahil naooverdose na ko sa buga ng aircon sa kwarto ko. 


Napansin ko ang isang babaeng nakatalikod sa bandang gawi ko, nakaupo siya sa wheelchair, mahaba ang alon-alon niyang buhok na medyo light brown ang kulay. Nakatingin lang siya sa kawalan.


"Hi, bago ka dito?" I asked her. Lumingon siya sakin at agad niyang inatras yung wheelchair niya habang bakas na bakas ang takot sa kanyang mga mata. 


"M-Milleana..." She gasped. 


"Kilala mo ko? Ang dami pa lang nakakakilala sakin, artista ba ko dati?" I asked her. Kumunot ang kanyang noo. 


"A-Anong pinagsasabi mo?" Pansin ko ang panginginig ng mga labi niya, ganun na rin ang kanyang mga kamay na nakahawak sa wheelchair niya. 


"I lost my memories." I said. Nanlaki muli ang kanyang mga mata na bahagya ng namumula. I even saw how tears formed in her eyes. Agad kong nilabas ang panyo ko at iniabot sa kanya. 


"I'm sorry Milleana, I'm so sorry, pinagsisisihan ko na lahat ng mga ginawa ko sayo." She suddenly burst into tears. 


Halah! Nakapagpaiyak pa ko! Gosh! Anong gagawin ko?! 


"H-Hoy, m-may masakit ba sayo? Tumahan ka na baka sabihin nila pinaiyak kita. Luhhh!" Panay pa rin ang hagulgol niya kahit nakuha na niya yung panyo ko. Napangiwi na lang ako at napakamot sa batok ko kasi hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. 


Papagalitan ako ni Sir nurse Tyler kapag nakita niya ko! Naku naman! 


"Sising-sisi na talaga ako sa nagawa ko Milleana, I have mistaken, I'm really really sorry. I know I don't deserve to be forgiven, but I hope one day you could forgive me for everything I have done to you." She cried harder. 


"Eh hindi ko naman maalala kung anong kasalanan mo." I pouted. 


"Ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan." She cried more. Bumuntong hininga ako at umupo sa bench. Tumingin ako sa kawalan at lumanghap ng sariwang hangin. 


"Alam mo ba? Hindi ko maalala ang lahat sakin pero wala akong maramdamang kulang sa buhay ko. I am happy, kuntento ako. If bringing back my memories will make me feel incomplete or any worse, then ayoko ng makaalala." I softly smiled at her. Lumamlam ang kanyang namumugtong mga mata. She pushed her wheelchair besides me. 


"I hope the same will happen to me, pero hindi ako makalimot-limot. Unti-unti akong pinapatay ng konsensya ko." Napangiwi ako ng mapansing basang-basa na ang panyo ko at pwede ng pigain. 


"Gaano man kalaki ang kasalanan mo, still you have to learn to forgive yourself. I can tell you right now that I have forgiven you, pero baka magbago yun kapag nakaalala na ko." 


Napayuko siya at napahikbi. 


"If you're really sorry, you must be strong enough to face all the consequences of your actions. Magpakatatag ka. Hindi natatapos ang buhay ng dahil sa isang pagkakamali. You must learn from it. Ako nga pala si Milleana, kaibigan." I smiled at her at naglahad ng kamay. 


Nagtaas siya ng mukha at muling naiyak as she took my hand. 


"Angelica." 


"Alis na ko, sayo muna yang panyo ko, balik mo na lang sakin kapag hindi mo na kailangan." I said. Tumayo na ko at nag-unat bago ako kumaway sa kanya at umalis ng rooftop. 


"Milleana..." Napalis ang ngiti ko ng makita ang isang lalaking may hawak na bouquet at mala bad boy ang itsura pero pogi. Napalingon ako kay Angelica na nagpupunas pa rin ng luha tapos sa lalaki ulit na parang nakakita ng multo. 


Fan ko kaya ito? 


Pero mukhang para kay Angelica yung bouquet na hawak niya. Bumaling siya kay Angelica tapos sakin. Napakamot na lang ako sa ulo. 


"Eh hindi ko naman kasalanan kung bakit siya umiiyak." Nakangusong sabi ko. Baka ihampas pa niya sakin yung bouquet. 


"Milleana..." Lumamlam ang kanyang mga matang bahagyang namumula. 


"Iiyak ka rin ba?! My ghad?! Bat ba kayo nag-iiyakan tuwing nakikita niyo ako?!" 


"God! I miss you baby!" Naestatwa ako ng bigla na lang niya akong yakapin. Hindi ako kaagad nakareact dahil na rin sa malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko. Parang sasabog ang dibdib ko. Why does he smell so familiar? 


"MILLEANA!" 


Agad kong naitulak si Mr. Bad Boy ng marinig ko ang boses ni Sir Nurse. Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sakin. Mabilis siyang lumabas ng elevator at lumapit samin tsaka tinignan ng masama si Mr. Bad Boy. 


"Who is he?" Sir Nurse asked me. Umiling ako sa kanya. 


"H-Hindi ko alam." I shook my head. 


"Milleana, what are you--"


"Shut up, she doesn't know you and I don't want you anywhere near her again." Sir Nurse hissed. Inakbayan niya ko at hinila papasok ng elevator. Napalingon ako sa lalaki, bakas ang pagtataka sa kanyang mukha. The elevator's door closed, hindi pa ko bibitawan ni Sir Nurse kung hindi ko pa siya siniko. 


"Ang rude mo naman sa tao!" 


"What?! You don't know him pero niyakap ka niya! That's sexual harassment stupid!" He shot back. Napasinghap ako sa sinabi niya. 


"What if I know him before?"


Mas lalong kumunot ang noo niya. 


"No." He hissed. Hindi na ko nagsalita dahil nakakatakot na siyang tumingin. Mamaya turukan pa niya ko ng lethal injection at mapaslang niya ko ng wala sa oras. 


"It's past lunch time, have you eaten?" 


Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa wrist watch ko. 


"Napasarap kasi yung kwentuhan namin ni Angelica." I reasoned out. Muling tumalim ang tingin niya sakin kaya napayuko na lang ako. 


"Sumabay ka na lang sakin. Kakain pa lang sana ako." He said. Agad na umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya. Napansin ko rin ang bahagya niyang pagngiti. 


"Alam mo kung hindi ka lang sana masungit, baka crush na kita." I said when we went out of the elevator. Natigilan pa siya sa paglalakad at bumaling sakin. 


"Tsss stupid." He hissed. 


Napasinghap ako sa sinabi niya. Grabe! Bwisit! 


Umupo na ko sa cafeteria dahil siya na ang kukuha ng pagkain namin. May lumapit naman saking nurse. 


"Ang swerte mo naman kinakausap ka ni Nurse Tyler, bihira lang magsalita yan tapos isnabero pa." She whispered to me. 


"Ang sungit nga eh, laging galit." I said to her. 


"Pero infairness yummy." She giggled. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "Kung ako sayo lalandiin ko yan." 


"Ay grabe ka naman!" I gasped. Tumawa lang siya sakin at pumunta na sa seat niya. 


"What did she say to you?" Sir Nurse asked. Bahagya kong tinago ang namumula kong mukha sa kanya. Inilapag niya ang tray na hawak niya. He held my chin and lift up my face pero tinampal ko yung kamay niya. 


"Bakit ka namumula Milleana?" He asked me. 


"Nasobrahan lang ako sa blush on." 


"Stupid. Answer me honestly." Bigla na namang kumunot ang noo niya. Kaya napanguso na lang ako. Lumapit ako sa kanya at bumulong. 


"Sabi nung nurse and yummy mo daw." I whispered. Lumayo si Sir nurse sakin at bahagyang nagtaas ng kilay. He then slightly covered his mouth at mahinang tumawa. 


"Kumain ka na nga lang." He chuckled at iniabot sakin yung plato ko. 


"Bakit kaya halos lahat ng mga babaeng nurse dito may gusto sayo eh ang sungit-sungit mo kaya?" I mumbled as I started eating. "Okay you got the looks pero negative ka naman sa attitude." Dagdag ko pa. 


"I don't really care about your opinion." 


Umirap lang ako sa kanya at tinuloy sa pagkain. 


"May tanong pala ako." I said. Tumingin lang siya sakin bago ulit ituloy ang pagkain. 


"May girlfriend ka na ba? or nililigawan or crush?" I asked him. 


"Wala, wala, wala." He said. Natawa ako sa sagot niya. Kinuha ko yung juice ko at uminom. 


"Pero mahal meron." He mumbled. 


Tumingin ako sa kanya and I almost choke because he was staring at me. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top