-30-

Someday, you will forget the hurt, 

the reasons you  cried, 

and the one who caused the pain. 

----

M I L L E A N A


"Tang*na ang awkward." Barbie murmured habang kumakain kaming lima--ako, si Brix, Thirdy, Barbie at Kuya Marius. 


"Maka-awkward ka libre kaya ni Thirdy yang kinakain mo." I said to her. Inirapan lang niya ko at tinuloy ang pagkain. Kanina pa nagdadabog ang kapatid ko dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin si Brix. 


"Seryoso na ba talaga kayong dalawa?" Marius asked us. Nagkatinginan kami ni Brix at sabay pa kaming napangiti sa isa't isa. 


"Wag kang ano Marius, hindi ko na papakawalan toh." I grinned at yumakap sa braso ni Brix. Kumunot ang noo ng kapatid ko at mabilis na inubos ang inumin niya. 


"Makaalis na nga, wag kang iiyak sakin Milleana kapag nakahanap ako ng girlfriend." He hissed. Dumila lang ako sa kanya bago siya tuluyang nagwalkout.  Nung mga bata kasi kami lagi akong umiiyak kapag may mga babaeng nakalingkis sa kanya. 


Feeling ko kasi noon aagawin nila sakin si Marius, but of course, I matured. My brother will eventually find someone who will makes him happy and I always pray for that to happen. 


"H-Hindi ka ba naiilang kay Marius, Brix?" Thirdy asked Brix. Umakbay sakin si Brix kaya napatingin ako sa kanilang dalawa. 


"Wala namang problema samin. We have his full support." Tipid na sagot nito. Napatingin naman ako kay Barbie na nagpalipat-lipat ng tingin kay Brix at Thirdy habang kumakain. 


"He's clueless Brix." She commented. I know what she meant, hindi pa alam ni Thirdy na kapatid ko si Marius. 


"Yeah, a lot happened. Hindi ko na rin alam ang totoo sa hindi." Thirdy sighed and played with his food na parang nawalan na siya ng gana. Pinaningkitan ko ng mga mata si Barbie na umirap lang sakin. 


"Kung may problema kayo sa isa't-isa, wag niyo kaming idamay." I said. Napansin ko ang bahagyang pamumula ni Barbie at pag-iwas ng tingin. Thirdy told me that he confessed to her already but Barbie ran away as if she doesn't know how to answer. 


"Then, you need to properly answer me now Barbara." Thirdy said. Agad na tumayo si Barbie pero nahila ko siya paupo bago pa siya makatakbo palayo. 


Pulang-pula na siya ngayon at mukhang naaasar. Napayuko siya sa upuan niya. 


"Should we give you some privacy?" Mapanuksong tanong ko sa kanila. Barbie immediately grab my hand at umiling sakin. I pressed my lips tightly at umupo ng maayos. 


"Well then, you have to give him an answer Barbie." 


Maluha-luha siyang tumingin sakin. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng guilt. 


"Don't push her." Brix told me. Napabuntong hininga ako habang panay ang tango ni Barbie. Napatingin ako kay Thirdy na ngumiti lang sakin. 


"I'll just have to continue pursuing you then." Thirdy said to her. Mukha na tuloy hinog na kamatis si Barbie sa sobrang pamumula ng mukha. Ako ang kinikilig para sa kanilang dalawa. 


"MILLEANA!!" 


Lahat kami napatingin sa humahangos na si Marius. Hawak-hawak niya ang cellphone niya habang hinihingal na napahawak sa mesa pagkalapit samin. 


"S-Si Angelica..." He gasped. "Naglaslas." 


Halos sabay na napatayo sina Brix at Thirdy. Tapos bigla na lang silang nagtatakbo paalis, walang pasabi, walang paalam. Namanhid ang puso ko sa naging reaksyon nila. Napatingin ako kay Barbie na mukhang nasaktan din sa nasaksihan. 


But one creepy feeling succumb me, 

I felt a glint of joy from what I heard. This not good, being happy about someone's despair. Pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng tuwa. Why would I be happy if she died? What's making me feel like this? 


"Kamusta daw?" I asked my brother. 


"A-Agad naman siyang naisugod sa hospital, stable na ang vital signs niya." 


"Good for her, sana nagbigti na lang siya." I bit my lower lip when those words came out from my mouth. Bakas sa mga mukha nina Marius at Barbie ang gulat sa mga katagang binitawan ko. Hindi ko iyon ginusto, kusa na lang itong lumabas sa mga bibig ko. 


Para bang may kung anong masamang nilalang sa loob ko na malapit ng kumawala. 


"S-Should we visit her?" Barbie asked me. 


"Should we? Mukhang sapat na yung dalawa. After class na lang siguro, her death or her stupidity is not worth my time." I blurted insensitively. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, I feel so empty. 


Nawawalan na ko ng pake sa mga katagang lumalabas sa bibig ko. 


"A-Ayos ka lang ba Milleana?" My brother asked me. 


Napangisi ako sa kanya, "I'm fine." 


Pumasok kami sa mga klase namin. Hindi na bumalik sina Brix at Thirdy, hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Or maybe my heart is refusing to feel the pain I should be feeling right now. 


Why would I be jealous? Sino ba si Angelica sa buhay nila? Their old love, their old friend? 


Should I understand them? The emotions that are lingering around me are vague. Wala na akong maramdaman. I am starting to lose my interest. After all she has done, she remained special to them. 


That demon with an angelic face is still important to them... 


Ngayo'y unti-unti na kong nakakaramdam ng pagkabigo, I felt so defeated, hanggang ngayon wala pa rin pala akong laban sa kanya. She could kill but she will always be forgiven, she will always be loved. 


"You now realized the truth Milleana, you're the victim here pero bakit parang siya ang kawawa?" 


Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagkirot nito. Nilibot ko ang paningin ko para malaman kung saan galing ang boses na narinig ko. 


"Milleana, hindi ka nila totoong mahal, naawa lang sila sayo." 


"Milleana... Milleana..." 


Bahagyang nawala ang sakit ng ulo ko when the voices faded out. Humapdi ang gilid ng mga mata ko. 


Maybe, she was right. Naawa lang sila sakin because of what happened.

Who would even like me? I am almost a rape victim, diagnosed with PTSD, may saltik na ko, may sakit na ko sa utak. 


"Tara na Milleana." Napakurap-kurap ako when Barbie spoke besides me. Napatingin ako sa paligid. Dismissal na pala. Agad kong niligpit ang mga gamit ko. 


"Ayos ka lang ba?" She asked. 


"Oo naman." I smiled at her. Am I really fine? 


"Wag na lang tayong tumuloy kung hindi ka komportable." Umiling ako sa kanya at ngumiti. Lumabas na kami ng classroom. I gazed at my bestfriend habang naglalakad kami sa hallway. 


"Barbie, anong mararamdaman mo kapag wala na ko?" I asked her. Napatigil siya sa paglalakad habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. 


I laughed at her. "Joke lang! Ang seryoso mo naman!" I laughed hard. 


"Ano ba Milleana?! Wag ka ngang nagjojoke ng ganyan!!" Maluha-luha siyang pinaghahampas ang braso ko. I was just laughing at her. Lihim akong napangiti. 


M A R I U S

"Personality change, kadalasang nangyayari ito sa mga taong may Post Traumatic Stress Disorder or PTSD. You'll soon notice the changes in her personality, like mood swings or worse bipolarism. It can be temporary or permanent, depende sa influence ng mga taong nasa paligid niya." 


Napatingin ako kay Daddy na napasentido after what the doctor said. 


"I believed something triggered this sudden change, I thought she's coping up, base na rin sa improvements na nakikita ko sa kanya these past few days. Looks like we're back to square one. We may have to resort to medication." 


"A-Are you saying that my daughter is having some sort of Mental Illness?" Halos maluha si Mommy sa tanong niya sa doctor. Bumuntong hininga ang psychiatrist ni Milleana. Napuno ng kaba ang dibdib ko. 


"Since your daughter was diagnosed with PTSD, she's already considered a mentally ill patient." 


Niyakap ni Daddy si Mommy when she burst into tears. 


"I suggest that you should stop stressing her out at ilayo niyo muna siya sa mga bagay na makakapagpasakit sa kanya." 


This is all my fault! F*ck it! Hindi ko na dapat sinabi sa kanya yung tungkol kay Angelica! We were on our way to the hospital to visit Angelica when Milleana said her head aches tapos bigla na lang siyang hinimatay. 


"Pwede na po ba namin siyang iuwi?" I asked the doctor. 


"Yes, if something worse happen, like when she becomes violent or aggressive please bring her immediately here." 


I silently clench my jaw at bahagyang tumango sa doctor. Lumabas na kami ng office niya. Mom immediately dried her tears and calmed herself. We need to be strong for Milleana. And we know for sure she's stronger than her illness. 


Bumalik na kami sa room ni Milleana. We saw Barbie in front of the door na pabalik-balik ng lakad, aligaga at mukhang nanginginig sa takot. 


"Anong nagyari Barbie?!" I asked her. Agad siyang lumapit sakin, she's literally shaking at halos hindi niya mabigkas-bigkas ang nais niyang sabihin. 


"S-Si-Si Milleana..."


Agad kaming napatakbo papasok sa kwarto ni Milleana. We saw her sitting on the bed, staring at the Television. 


"Milleana..." I called her. 


Bumaling siya sakin and slightly tilted her head. 


"Sino po sila? Sino si Milleana?" She asked innocently and suddenly our world froze. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top