-3-
I choose to love you in silence, because in silence I find no rejection, and in silence no one owns you but me.- Anonymous
-----------
Halos lagnatin ako kakaisip kung paano ko makukuha mula kay Brix yung diary ko. Ni hindi ko nga siya nakikita sa school. I was texting the number he used pero hindi naman siya nagrereply or sumasagot sa mga tawag ko.
"This is so frustrating!!!" I hissed.
"Ang linis-linis na dito sa park kakabunot mo ng damo. Bermuda grass yan, mahal yan, may pambayad ka?" Barbie asked me.
"Yung diary ko!!!" I cried. Inilabas ko yung tali sa bag ko at itinali dun sa branch ng puno. Magbibigti na talaga ako. Sa lahat ba naman ng makakakuha ng diary ko si Brix pa??
"Wala na yung puri ko, yung dangal at dignidad kong pinaghirapan." I sobbed. "Why mother earth? Why have you forsaken me?"
"Tumigil ka na nga diyan!" Barbie hissed at tinanggal yung taling pinulupot ko sa leeg ko.
"I feel so abused.." Drama ko pa sa kanya.
"Imbes na magdrama ka diyan, hanapin mo na lang siya at bawiin yung diary mo." She suggested.
"Pero paano kung nabasa na niya yun? Naxerox? Nascan? Naipublish at ginawan ng maraming copy?!"
"NapakaOA mo talaga. Ang mahalaga mabawi mo yung diary mo. Alam kong may sentimental value sayo yung diary.ng yun." Natigilan ako sa sinabi niya.
It was the last gift I received from my brother kaya pinakaiingatan ko yun. Hindi ko na namalayang bumuhos na pala ang mga luha ko ng maalala ko yun.
Nakakaasar lang. I hate both my brother and father but I treasured the memories I spent with them. Yung nakasulat dun ay yung mga memories namin noong buo pa ang pamilya namin. It was not a day to day journal but more of a record of happy moments I spent with the family I used to have.
I immediately grab my phone and texted Brix.
I'll do anything you want just give me back my diary.
----------
Yun lang pala ang magic word na kailangan para magreply sakin si Brix. Nandito kami ngayon sa rooftop at naglalabanan ng titigan. He's just smirking at me na mas lalong dumagdag sa pagkaasar ko.
I smiled at him. "Mukhang wala ka namang kailangan. Kukunin ko na yung diary ko." I smiled sweetly. Hawak-hawak niya kasi yun. I was about to grab it pero iniiwas niya. Hanggang sa mag-agawan na kami at itulak niya ko. Napaupo pa ko sa sahig.
"Ouch!" I squealed.
"Not yet, marami pa kong ipapagawa sayo pero sa ngayon etoh muna." Hinagis niya yung bag niya sa mukha at may matigas na parteng tumama sa ilong ko. I heard him laugh.
"Buhatin mo yan. Wag kang malelate sa klase." He smirked at umalis na ng rooftop tangay yung diary ko. Habang ako tulalang nakahawak sa ilong ko.
Padabog akong naglalakad sa hallway sa sobrang bwisit ko. Ang laki-laki pa ng bag ni Brix mukha na tuloy akong maghahiking. Tsk. Dahil sa nabigatan na ko ibinaba ko na yung bag niya at kinaladkad na lang. Pake ko ba hindi ko naman bag.
Malas niya. Bwisit yun. Swerte niya wala akong nahalungkat na pwedeng pangblackmail sa kanya. Tsk. Nakarating ako sa classroom at buti na lang wala dun si Brix. Inilagay ko yung bag niya sa vacant seat sa likod ko.
"Saan ka ba galing?" Barbie asked me. Umubob ako sa desk ko. Parang nadrain lahat ng energy ko ngayong araw.
"Uhm Miles, kilala mo si Ms. Carmen sa library diba?" Agad akong nag-angat ng mukha ng marinig ang boses ni Third. Agad pa kong nag-ayos ng mukha. Nakaharap pala siya sakin at nakangalumbaba sa backrest ng seat niya. Napahawak pa ko sa braso ni barbie.
"Uhh oo medyo close kami." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti siya sakin ng malawak.
"Great then! Samahan mo ko mamaya ha? May itatanong lang akong libro. Mukha kasing mahirap siyang iapproach." He grinned. Rinig na rinig ko ang awit ng mga anghel. Sa bahagyang pagngiti niya sakin. "After school ha?"
Inayos na niya yung upo niya. Feeling ko hihimatayin na talaga ako anytime. Napatingin ako kay Barbie na umirap na naman sakin. I patted her shoulder.
"Darating din ang swerte mo." I winked.
Biglang tumigil ang ingay sa classroom at halos sabay pa kaming napalingon ni Barbie sa pinto. Napasinghap ako ng makitang nakatayo dun si Brix at nakatingin sakin. Agad kong itinakip yung libro sa mukha ko.
Naramdaman ko na lang na may humablot dun at bumungad agad yung mukha ni Brix sakin. Tumingin siya kay Barbie at sinenyasan na umalis sa upuan niya. Tahimik lang ang lahat at ni isa takot na magcreate ng ingay. Umalis si Barbie sa upuan niya at umupo sa seat sa likod ko. Iniabot niya kay Brix yung bag niya.
Umupo sa tabi ko si Brix at bahagya ko na lang tinatakpan yung mukha ko.
"Tsk." I heard him said. Tumingin ako sa kanya. Nakaubob na lang siya sa mesa at natutulog. I sighed. Feeling ko half ng buhay ko ang nabawas sakin.
Dumating na yung teacher namin na mukhang nagulantang pa ng makita si Brix. Bumuntong hininga ito and started the class.
"The remaining hour will be a group study. I want you to pair up with your seatmate." Nagulantang ang mundo ko sa sinabi ng teacher ko. Lumingon ako kay Barbie. She smiled at me and patted my shoulder.
"Darating din ang swerte mo." She grinned at tumabi na sa seatmate niya. Napabuntong hininga na lang ako. I guess loner ako today. Nangalumbaba ako habang binabasa yung novel binabasa namin sa literature class namin.
Napatingin ako kay Brix, nagulat pa ko ng makita kong nakatitig siya sakin. He moved his desk and chair at itinabi yun sakin. "Read it, yung maririnig ko." He said.
Napalunok tuloy ako. I read the novel na kami lang dalawa yung makaririnig. Medyo maingay din naman dito sa classroom dahil medyo malakas ding magbasa yung iba. He was just staring at me the whole time hanggang sa makatulog na siya ulit.
Ginawa pa niyang pampatulog yung boses ko. Tsk.
Hindi ko na ginising si Brix and actually wala namang may balak na gumising sa kanya kahit mga teachers hinahayaan na lang siya. Nasa tabi ko lang siya at natutulog buong maghapon hanggang sa matapos na yung huling klase namin.
Agad akong tumayo at nag-unat. Hindi kami cleaners ngayon tsaka may date pa kami ni Thirdy my labs.
"Tara Miles." He smiled. Feeling ko mahuhulog na yung puso ko sa mga ngiti niya. Inayos ko yung mga gamit ko. Pati sarili ko inayos ko talaga para kay Third.
"Tara?" I smiled at him. Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Brix yung kamay ko. Hindi lang braso, hindi wrist kundi kamay talaga!!! Bumangon na siya and yawned.
"Sasama ako." He smirked. Napatingin ako kay Third na mukhang nagulat pa sa ginawa ni Brix. Tumingin siya sakin and smiled.
"It's okay Miles. Mas mabuti ng mas marami tayo." He said. Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Thirdy my labs. Yung chance na masolo ko siya ay nawalang parang bula. Hinila ko si Barbie dahil ayaw bitawan ni Brix yung kamay ko.
Kulang na lang bigwasan ko si Brix dahil maya't maya'y pinipisil niya yung kamay ko ng malakas. Feeling ko nababali na mga buto ko sa ginagawa niya.
"I've been wanting to read a novel from this author. I know the author but I forgot the title of the story. Sa dami kasi ng stories na naisulat niya ang hirap na kung iisa-isahin. I just want to ask Ms. Carmen if she has any idea of that novel." Sabi ni Thirdy my labs sakin.
"Baka nga makatulong siya sayo. Halos nabasa na niya atah lahat ng libro dun. Ack!" I squealed ng biglang pisilin ulit ni Brix yung kamay ko.
"Ok ka lang?" Third asked. I smiled at him. At kahit anong gawin kong pisil sa kamay ni Brix ay alam kong hindi siya masasaktan. Pinanlakihan ko ng mata si Brix and he just smirked at me.
"Hi! Bakit kayo magkakasama?" Bungad ni Angelica samin. Wala siya maghapon sa classroom dahil may practice ang orchestra kung saan violinist siya. Agad pang napabitaw sa kamay ko si Brix. Napatingin ako sa kanya at nag-iwas lang siya ng tingin at umalis na. I was about to call him ng mapansin kong nakatingin si Angelica sa papalayong si Brix.
"Pupunta lang kami ng library. Tara na?" Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Third. Tumingin ulit ako kay Brix na nakalayo na tapos kay Angelica na ngumiti naman sakin.
Third explained the plot to Ms. Carmen and luckily alam niya yung librong hinahanap ni Third. We immediately looked for the book after ibigay samin ni Ms. Carmen yung title ng libro.
"Thank you sa pagsama sakin today." Third said.
"Wala naman kaming masyadong naitulong." Nahihiyang sabi ko. "Mauna na ko. See you tomorrow." He said at sumakay na sa service niya. Nagwave na lang kami ni Barbie sa kanya.
"May something ba si Brix at Angelica?" I asked Barbie. Napasapo ito sa noo niya at umiling-iling.
"It's a school wide news na mag-ex sila." She said and I gasped. "Minsan, hindi ko na alam kung wala kang pakealam or slowpoke ka lang. Sa bagay kay Thirdy lang pala umiikot ang mundo mo." She smirked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top