-29-
Yes, I like her. But, I love you.
----
"Milleana anak, can we talk?" Nawala ang mga ngiti ko when Dad approached me. Nasa sala kami ni Brix dahil kararating lang namin mula sa resort.
"Sa bahay na ko, good night baby." Brix kissed my forehead. "Goodnight po Tito." He said at lumabas na ng bahay. I know he wanted me to talk with Dad to clean up the bad air. Hindi ko rin naman siya masisisi.
"Is it okay here? Or gusto mo sa office na lang tayo mag-usap." He said. I looked at him coldly. Inayos ko ang upo ko at pinatay ang TV.
"It's fine here." I said. Umupo si Dad sa adjacent seat, I can hear his heavy breathing na para bang inoorganize ang mga gusto niyang sabihin sa utak niya.
"I-I know it's hard." He sighed. Napatingin ako sa kanya, mahigpit ang pagkakadaop ng mga palad niya na para bang pinipigilan ang panginginig.
"I don't know what to say, I cannot even formulate an explanation dahil walang excuse para sa ginawa ko. I have mistaken, I've been too stupid, I can only be sorry anak. If you're asking for a reason and explanation, I cannot give it to you, dahil maging ako hindi ko alam kung pano ko nagawa iyon sa inyo." I remained indifferent. Ano ba talaga ang gusto kong marinig mula sa kanya, he's sorry but why isn't that enough?
Siguro madali nga talagang magpatawad, pero mahirap makalimot.
"Hihintayin ko hanggang sa mapatawad mo ako Milleana. Wag mo nang pahirapan ang Mommy mo---"
"I want Spicy Liver and Pork Adobo, Dad." I said. Bahagyang umaliwalas ang mukha niya.
"Okay, magpapaluto lang ako sa mga maid--"
"I. said. I want. Spicy Liver and Pork Adobo." I hissed. Natigilan siya sa pagtayo na wari'y hindi maintindihan ang sinasabi ko.
"She wants you to cook for her, have you forgotten? Paborito ni Milleana lahat ng luto mo." Biglang sulpot ni Mommy. Agad akong napaiwas ng tingin when Dad looked at me. Alam kong namumula na ako ngayon and I don't want him to notice it.
"Okay then." Dad chuckled. Naglakad na siya papunta sa kusina. Lumapit sakin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit.
I hugged her back. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganito kalalang tampuhan.
"I'm sorry baby..."
"I'm sorry Mommy, I'll try my best to accept Dad." I said to her. Mas humigpit ang yakap niya sakin. Parang may bago na namang tinik ang nabunot mula sa dibdib ko. Nakakagaan ng pakiramdam.
"I wanna hug too!" Napangiti ako ng magsumiksik sa gitna namin si Meinard at yumakap sakin. I miss this kind of stuffs, yung magyayakapan na lang kaming tatlo dahil gusto namin. I miss being happy like this.
I hope I could easily get away from all the hatreds in my heart, so I could breath easily again.
Pumunta kami sa kusina to watch Dad cook. Lumapit naman si Mommy kay Daddy para tulungan itong magluto.
"Ma, sasama yung lasa kapag andyan ka." I teased Mom. Ngumuso naman ito sakin.
"Help your Dad then, mas magaling ka na namang magluto kaysa sakin." She chuckled.
"Yes! I love Ate's Spicy Liver Adobo!" Excited na sabi ni Meinard. Napangiti ako at pinisil ang pisngi niya.
"Dahil binola mo ko, ipagluluto rin kita." I chuckled. Ngumiti sakin si Daddy ng lumapit ako sa kanya to help him cook.
"Marunong ka na rin pa lang magluto." He smiled at me. Bahagya akong namula sa sinabi niya. We cooked silently. Dad promised me before that he will teach me how to cook, but sh*ts happened and I ended up teaching myself.
"Your grandparents will come home soon." Dad uttered. Muntikan ko pang mahiwa ang daliri ko sa pagkabigla. My grandparents never liked my Mom, they like Veronica better, laking tuwa nila noon ng maghiwalay sina Daddy at Mommy.
Ayoko rin sa kanila noon, si Marius lang ang kumakausap sa kanila. Even if they buy me toys and clothes, tinatambak ko lang iyon sa bodega noon. I never liked them because they never liked my Mom.
"Bahay naman nila dati ito, walang problema sakin." I said. Bahagyang sumulyap sakin si Daddy.
"I smell something delicious!" Napatingin kami kay Marius na pababa ng hagdan. Tapos na kaming magluto ni Daddy at nagseset na lang kami ng table.
"Nagpaluto si Milleana ng paborito niya." Dad smiled at me at bahagyang inakbayan ako.
"O-Okay na kayo?"
"I guess so." I said at bahagyang sumulyap kay Daddy. Lumamlam ang kanyang mga mata. Lihim na lang akong napangiti. I can feel the happiness lurking inside me.
"Great then! I'm so proud of you Milleana." Lumapit sakin si Marius at niyakap ako pero tinulak ko lang siya. Ngumuso siya sakin at nagdadabog na naupo sa chair niya.
"Can we eat now?! Can we eat now?!" Excited na tanong ni Meinard.
Umupo ako sa tabi ni Marius, Meinard uttered a short prayer bago kami kumain.
----
Natanggal na yung semento ko sa paa at nakakalakad na ko ng maayos. Gusto ko sanang magtatakbo kaso hindi pa daw pwede sabi ng doctor.
"Hoy Milleana, kayo na ba si Brix? Sino ba talaga ha? Si Thirdy, si Marius o si Brix? Haba ng hair mo ah?!" Tanong ng isang classmate ko pagkatapos ng klase namin. Wala si Brix ngayon dahil nasa rooftop siya at natutulog.
Napansin ko namang bahagyang natigilan si Thirdy sa pagliligpit ng mga gamit niya.
"Hoy! Magpaganda ka kasi para may manligaw sayo." I chuckled. Lumapit na sila sakin at pinalibutan ako.
"Uyyy pamigay mo na samin si King Marius! Abusado ka na masyado!" Dagdag pa nung isa.
Natawa na lang ako. If only they knew na magkapatid kami.
"Hoy! Kung makahingi kayo parang candy lang na pinapamigay ah?" Biglaang sulpot ni Barbie.
"Sus, umeksena na naman si forever single." Pang-aasar ng isa sa mga classmate namin kay Barbie. Pinamulahanan si Barbie sa narinig and I can't help but laugh hard. Maganda naman si Barbie, may mga nanliligaw sa kanya noon but she rejected them all. Nagtataka nga ako noon kung bakit, dahil pala may karelasyon na pala siya noon, hindi niya lang masabi-sabi.
"Actually may rumor na kumakalat about sayo Barbie." One of our classmate said. Lahat kami natahimik at naramdaman ko namang naestatwa si Barbie sa narinig.
"Rumor? Anong rumor?"
"May nakakita daw sayo na sumakay noon sa sasakyan ni Coach Peter." She said. Napatingin ako kay Barbie na namumutla na ngayon.
I held her hand at ramdam ko ang panlalamig nito.
"Ano ba kayo? Malay niyo nakisakay lang siya. Hindi kasi marunong magcommute si Barbie." I said.
"Sa harapan mismo ng bahay nila? It was rumored na sinundo siya mismo ni Coach Peter sa bahay nila mismo." Giit nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Barbie sa kamay ko.
"I asked him to do it. Pinasundo ko siya noon kay coach dahil mapapadaan naman siya sa village nila." Nabitawan ni Barbie ang kamay ko ng bigla siyang akbayan ni Thirdy sa harapan mismo namin.
Napasinghap pa ang mga classmates namin sa nasaksihan.
"Milleana already rejected me before because she fell in love with Brix. But we remained friends, and unconsciously unti-unti namang nahulog ang loob ko kay Barbie, we started dating but still people assumed na si Miles pa rin ang nililigawan ko kaya palihim kaming nagkikita ni Barbie outside school, that's when someone saw her being fetch by coach, it was my idea."
Walang preno na nagsalita si Thirdy. Maging ako napanganga sa mga sinabi niya. Natahimik ang buong classroom and I saw how Barbie bowed her head to hide her embarrassment.
Is it true?!
Pero wala namang sinasabi sakin si Barbie.
"Shet, nakakaloko kayo." Someone commented and everyone agreed. Nagsialisan na ang mga classmates namin for lunch at naiwan naman kaming tatlo dito sa classroom.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo." I heard Barbie hissed. Nagtaas ako ng tingin and I saw how she glared at Thirdy who's just looking at her coldly.
"So, you'll just let the rumor spread?" Thirdy chuckled mockingly. Barbie pushed him away. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Naguguluhan ako sa mga pangyayari, ano bang meron sa dalawang ito?!
"I can clean my own mess without creating another one! You and I?! Dating?! Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo?! Kilabutan ka nga Third!" Barbie shouted. I covered my mouth para pigilan ang pagsinghap at patuloy na manood ng kadramahan nitong dalawa.
"What's wrong with that?! Mas mabuti na lang na iyon ang isipin nila kaysa sa isipin nilang may relasyon kayo ni coach!"
Hindi nakasagot si Barbie sa sinabi ni Thirdy. She just clenches her jaw at nagwalkout na lang bigla. Hindi na nga rin ako nakareact sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayari. Napatingin ako kay Thirdy na napabuntong hininga na lang.
He was about to go out but I stopped him.
"Hep! Hep! Hep! Stop right there Thirdy!"
Nanlalaki ang kanyang mga matang lumingon sakin. Nakapamewang akong hinarap siya. I saw him gulped na parang takot siya sakin.
"Anyare? Anong kadramahan yun?" I asked him.
"H-Huh? Ahm..." The cat caught his tongue and he's looking at me awkwardly.
"May gusto ka ba kay Barbie?!" I asked him again. Bahagya siyang namula at napayuko na lang. Again, he kept stealing glances pero hindi siya makapagsalita ng maayos.
"Kung may gusto ka sakanya, diretsuhin mo! Wag yung paganyan-ganyan ka! Torpe pala yung totoong ikaw." I snorted.
"Milleana, I'm really sorry." He uttered. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. We're friends though.
"Kapag ba pinatawad na kita, hindi ka na magpapakatorpe?" Mas lalo siyang namula sa sinabi ko.
"D-Don't get me wrong Milleana, gusto rin naman kita noon. But I fell in love with your best friend." He sighed. Lihim akong napangiti sa sinabi niya.
"Parehas naman tayo eh, gusto rin naman kita noon. Pero kay Brix din ako nahulog." I smiled at him. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Let's be true friends this time."
"Milleana..." Lumamlam ang kanyang mga mata and took my hand to shook it pero nagulat ako ng bigla niya kong hilahin at yakapin ng mahigpit. "I'm really really sorry." He whispered.
I slightly patted his back.
"F*CK OFF!!!" Napasinghap ako ng biglang may humila sakin palayo kay Thirdy at agad akong napasubsob sa dibdib niya. Kabisado ko ang amoy na ito, it's Brix! Nagtaas ako ng tingin, galit na galit ang kanyang mga matang nakatingin kay Thirdy.
"Baby..." I whispered and snuggled on his chest as I hug him tighter. He stiffen as I inhaled his scent. Napahagikgik ako dahil lagi siyang ganito kapag naglalambing ako sa kanya.
"Baby stop that, I'm still mad." He hissed. I wrapped my arms around his nape as I snuggled on his neck.
"Nakikipagbati lang naman si Thirdy." I pouted at him. Napasinghap ako ng bigla niya kong siilin ng halik sa harapan mismo ni Thirdy. Agad akong napabitaw sa kanya to cover my mouth. I glance at Thirdy na mukhang awkward pa sa nasaksihan.
Mahina kong tinampal sa braso si Brix na ngumisi sakin. "You don't tease me when I'm mad baby." He chuckled.
"Baliw! PDA ka! PDA!" I grunted.
"Ok enough, I know you're hungry." He held my hand and glance coldly at Thirdy bago ako hilahin palabas ng classroom, lumingon ako kay Thirdy at sininyasan siyang hanapin si Barbie. Tumango na lang ito sakin and waved a little.
Lihim kong kinapa ang puso ko. I felt another weight lifted from my chest. Mas lalo akong nakahinga ng maluwag. Unti-unti ng bumabalik ang kasiyahang nararamdaman ko noon sa puso ko.
I glance at Brix.
Konti na lang makakalaya na rin ako sa mga pasakit na pinagdaanan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top