-26-
Sometimes you keep someone who hurts you. It's because the happiness they bring is more than the pain they cause.
--------
"How are you feeling?"
Nag-iwas ako ng tingin kay Brix pagkapasok niya ng kwarto. He went outside para kausapin yung doctor. Ayos naman na daw ang paa ko, nastrain lang dahil sa pagbagsak ko habang may semento pa.
"You should go, Marius will kill you kapag naabutan ka niya dito." I said not even bothering to glance at him.
"Masakit pa ba?"
He asked na para bang walang pakealam sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya ng umupo siya sa gilid ng kama ko. He held my hand and softly squeezed it.
"Marius will be here shortly, siya na ang magbabantay sakin." Matigas na tugon ko.
"Can't you give me at least another chance?" He spoke softly. Malumanay ang kanyang mga mata na para bang maiiyak na siya. My chest clenches as I saw the sadness in his eyes. I am just stopping myself from caressing his face.
"Deserve mo ba?"
"Yes! I've been true to you Milleana, I never lied to you. My feelings for you are true. Please! Gusto kong bumalik na tayo sa dati. Please!"
I clenched my fist as I watch his face filled with different emotions. Kagat-kagat niya ang ibabang labi para pigilan ang gumagaralgal na boses.
He sounded so desperate.
"Milleana please, I miss you." His voice broke. Tumungo siya and silently wiped his tears in front of me.
Ano nga bang nararamdaman ko?
My heart aches seeing him like this, pero hindi pa rin ako handa na buksan ulit ito para sa kanila. My heart is still not ready to forgive them- Brix, Third and my Dad. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ikukulong ang sarili ko sa galit na ito.
Hanggang kailan ko ba papahirapan ang sarili ko at ang mga tao sa paligid ko?
Siguro kapag kaya ko na yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Milleana, I'll do everything just to have you back. I already have your heart and I'm going to keep it. I won't let you take it back."
Napatingin ako sa mga kamay kong hawak-hawak na ngayon ni Brix.
Sa nararamdaman ko ngayon, I cannot imagine myself falling in love with any other guy in the near future. Si Brix pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Every time I see him, every time he touches me, tumatalon ang puso ko sa tuwa.
And it was too painful, I could almost cry. I'm pretty sure I would burst into tears, balang araw hindi ko na kakayanin itong nararamdaman ko, my heart will burst 'cause of too much emotions built inside me.
Pero hangga't kaya ko pang pigilan, kikimkimin ko muna.
I closed my eyes and whispered, "Mahal kita Brix."
I felt a short relief after telling him that. Naramdaman ko ang marahang paghalik niya sa mga labi ko then his lips landed on my forehead.
"I know it's still painful, but let me help you ease the pain, Milleana. You're not alone in this fight. Kasama mo ko." His slightly rough palm brushed my neck as he rested my head on his shoulder.
Nakadama ako ng panghihina at pagkapagod.
"I love you baby."
He kissed the top of my head. I wrapped my arms around his body.
Kahit saglit lang I wanna go against my plan, kahit saglit lang I wanted to stop torturing myself.
These people don't deserve to be forgiven easily, pero kahit saglit lang gusto ko munang magpakatanga at kalimutan ang sakit at galit na nararamdaman ko para sa kanila.
This love makes me realize that being happy can sometimes be painful.
"You can go home now, Brix."
Napadilat ako ng mga mata when I heard the stern voice of my brother. Ni hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak sakin ni Brix pero agad niya rin akong pinakawalan.
"I know you would make a fuss if I stay, so I'll leave 'cause I want Milleana to have a rest." Tumayo si Brix sa gilid ko at muli akong hinalikan sa noo before he walked towards Marius.
Nagtagisan pa sila ng tingin before Brix decided to go. Lumapit sakin ang kapatid ko as my gaze landed on Barbie na mukhang wala sa sarili na nilagay sa gilid yung saklay ko. I looked at my brother and gave him a questioning look. Lumapit siya sakin para bumulong.
"I don't know, ganyan na siya after ko silang maabutan ni Third sa labas ng library bago kami dumiretso dito."
"You didn't ask her what happen?"
"Nope, I think it's too personal, namalikmata lang siguro ako but I think they kissed." Mas mahinang bulong pa ng kapatid ko.
Napasinghap ako sa sinabi niya. I glanced at Barbie na tulala pa rin habang nakahawak sa crutches. I grab my pillow at binato sa direksyon niya.
"Ay halik!" She gasped. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. She gasped at pinulot yung pillow na akmang ihahampas sakin.
"Ba't ka ba nanggugulat!" Bulyaw nito sakin.
"Nagkiss kayo ni Thirdy?!" I asked her unbelievably. Bigla siyang namutla, nabitawan niya yung unan unconsciously, then suddenly her face flushed red.
"Waaahhhhhh!!! HUHUHUHUHU!!! Sorry Miles! Sorry talaga! Hindi ko naman ineexpect yun!"
Bigla siyang sumampa ng kama at umiyak habang yakap-yakap ako. Napatingin ako kay Marius na napakamot na lang sa batok and gestured na sa labas na lang daw siya muna.
Mukhang mapapaheart-to-heart talk ako ng wala sa oras.
----
"WHAT THE ACTUAL F*CK?!"
Malutong na mura ko when I heard Barbie's story tungkol sa relasyon nila ni Coach Peter. Ngumuso siya sakin na mukhang maiiyak na naman.
"All these years?!!"
"Hindi ko masabi sayo kasi alam kong magagalit ka, you'll go against us---"
"Talaga! You wasted 3 years of your life loving the wrong man Barbie! You know he has a long time girlfriend and he's getting married!!!"
Then she cried harder. Napabuntong hininga na lang ako and hugged her.
"Do you need my Dad's help? Pwede niyang patalsikin sa trabaho yung pedophile na yun!"
"Maka-pedo ka naman! Hindi naman ako underage when I met him!" She pouted.
"Hayaan mo na lang, ayoko namang kumalat at lumaki yung issue, parehas lang kaming masisira. I-I'll just try to forget him and move on."
Yumakap sakin ng mahigpit si Barbie and cried silently.
You'll know when a person is hurt too much, when she cry in silence. When there's no sound coming out, because it was too painful to even breath.
I don't wanna scold her kahit kating-kati na akong pagsabihan siya, I know she needed my support more right now. Hindi rin biro ang tatlong taong ginugol niya para sa pesteng iyon. I'll make my Dad talk to him para hindi na niya malapitan pa si Barbie.
I let Barbie cry in my arms hanggang sa tuluyan na itong maubusan ng luha. My very sweet brother even volunteered to buy us snacks on our way home, ayoko rin namang magstay sa hospital.
"I thought may something na sa inyo ni Thirdy." Sabi ko kay Barbie ng makalabas si Marius ng sasakyan para umorder ng pagkain.
"Uy wala ah! Anong akala mo sakin sulotera?" She mocked.
"Well, it seems to me that he likes you." Panunukso ko pa. Umirap siya sakin at nakahalukipkip na sumandal sa backrest ng backseat.
"Excuse me Miles, dahil syempre mas maganda ako sayo hindi ko na kasalanan kung magkakagusto sakin si Thirdy!"
"Grabe ang hangin mo ah!" I chuckled. "Pero musta yung kiss?" I teased her. Bigla siyang pinamulahanan at bahagyang hinila ang buhok ko sa inis.
"Eeehhhhh... ANO BA MILES?! TIGIL-TIGILAN MO KO!"
Natawa na lang ako sa kanya. Saktohan namang dumating si Marius na may bitbit ng burger. I cannot tease Barbie kapag andyan si Marius, ayoko namang ipahiya yung bestfriend ko sa harapan ng kapatid ko lalo't personal matter iyon.
Hinatid na muna namin si Barbie bago kami dumiretso sa bahay.
"I heard what happened." Salubong samin ni Dad na nasa sala at nakikipaglaro kay Meinard at Milo. Mukhang siya ang sumundo kay Meinard ngayon dahil may shift sa hospital si Mommy.
"I'm fine. Sa kwarto na ko, I need to rest." I said coldly at him. Umakyat na ko sa kwarto ko and locked the door. Wala akong ganang kumain ngayon, busog pa ko sa pameryenda ni Marius kanina.
Wala akong narinig na ano mang katok mula sa pintuan ng kwarto ko. If I said I need to rest, no one would dare to disturb me. Nahiga na ko sa kama ko after I change my clothes at nanood na lang ng youtube videos sa laptop. Kumunot ang noo ko when I heard few knocks after an hour of watching videos.
"Milleana, I brought you food anak."
Pumilantik ang kilay ko when Dad entered my room holding a tray on his left hand habang ang isang kamay niya ay nasa door knob.
"It's 9 o'clock you haven't had your dinner yet. Nagpaluto ako sa maid ng paborito mong adobo." He said. I clenched my jaw when he put the tray on the bedside table.
"Ayoko niyan." I hissed.
"But--"
"I said ayoko niyan." Isinara ko ang laptop ko at nilagay sa drawer bago ako nagtalukbong kumot. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy and his soft moves in fixing the tray. Then, his footsteps towards the door at pagbukas sara ng pintuan.
I removed the blanket above my head. Sumandal ako headboard ng kama ko and sigh.
Spicy Pork Liver Adobo, is my favorite when Dad cooked it. No one can just cook it for me.
Bumangon muna ako para isara ang bintana dahil masyadong malamig ang hangin sa labas when someone caught my attention. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Sa tapat ng kwarto ko sa kabilang bahay, there's Brix grinning at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top