-25-

So, I close my eyes to old ends. And open my heart to new beginnings. 

----

M I L L E A N A

Was it right to tell him what I feel?


Simula nung sinabi ko kay Brix ang nararamdaman ko parang may nag-iba sakin. Imbes na mabawasan yung nararamdaman ko sa kanya ay mas lalo ko pa itong tumitindi. Just like before, parang bawat minuto gusto ko na naman siyang makita. 


But, I'm just restraining myself dahil baka kapag pinagbigyan ko ang sarili ko, baka hindi ko kayanin, baka bumigay lang ako sa kanya ulit. 


"Tumigil-tigil ka Mourice baka magising ang mga bata." 


Natigilan ako sa paglalakad papuntang kitchen ng maaninag ko sina Mommy at Daddy, making out in the kitchen. I covered my mouth para hindi nila marinig ang pagsinghap ko. Agad akong tumalikod at dahan-dahang bumalik sa kwarto ko kahit hirap na hirap pa rin akong maglakad. 


Mabilis at malakas ang pintig ng puso ko sa nasaksihan. They were making out for pete's sake!! Hindi atah nila magawa iyon sa kwarto nila dahil dun natutulog si Meinard. 


F*ck! Nag-iinit ang pisngi ko!


Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at huminga ng malalim. Napatingin ako sa kama ko. Kapag umaakyat sa kwarto ko noon si Brix gabi-gabi, we used to do something naughty pero hanggang second base lang then we'd cuddle all night. 


D*mn! Mas lalo ko tuloy siyang namimiss!! Dumapa na lang ako sa kama ko and drove to sleep, it's such a long day today. 


Kinaumagahan, hindi ko matignan ng diretso sina Mommy at Daddy while Mom is doing her motherly and wife duties. 


"May masakit ba sayo baby? Namumula ka." Puna ni Marius sakin. Nakagat ko ang ibabang labi ko at kinuha yung baso ng gatas para inumin. 


"Gusto mo bang magpacheck up anak?" Dad asked me. Umiling ako sa kanya without even glancing at him. 


"Hayaan mo na kasi akong matulog sa kwarto mo para mabantayan kita." Marius insisted. Inirapan ko lang siya pero patuloy pa rin siya sa pagpupumilit.


"Ma! Si Marius oh!" Sumbong ko kay Mommy. 


"Milleana, naglalambing lang ang kuya mo sayo. Tsaka kung hindi lang masama ang incest ipapakasal ko na kayo." Mom chuckled and again with her weirdest joke. 


"Yuck!!!" Nandidiring singhal ko kay Mommy. 


"Sus! Eh di ba nga nung mga bata tayo lagi mong sinasabi na ikaw ang magiging bride ko." Marius laughed. Alam kong pulang-pula na ko sa inis kaya sinapak ko na ng malakas sa balikat si Marius. 


"Yuck ka incest!!" I hissed. 


"What's incest Mommy, is it bad?" Meinard asked. Ngumiti sa kanya si Mommy at hinaplos ang pisngi nito. 


"It's forbidden honey. You cannot love your family in a romantic way." She explained. Tumingin sakin si Meinard na medyo maluha-luha. 


"W-Why? I love all of you eh. Why is it bad?" He sniffed. Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. 


"Naku-naku ang baby ko, love na love ka rin naman ni ate, wag ka ng umiyak. Wag mo ng isipin yang incest-incest na yan." I told him and kissed his cheek.


"Oh! Group hug!" Napaigik ako ng pumunta sa likod namin si Marius na nakiyakap na. Sumama pa talaga sina Mommy at Daddy. 


"Awww!! Naiipit kami!!!" I shouted. 


"Tighter pa!!" Mom added. Sa kanya na talaga nagmana ng ugali itong si Marius!!! Nakakaasar!!!

----


"Mukhang masaya ka?" Agad na nawala ang mga ngiti ko ng makita ko si Barbie. Nakasaklay na lang ako ngayon. 


"H-Hindi ah! Naasar nga ko eh! Hmpt!" I snorted. Tumawa lang siya sakin at umupo na sa seat niya. Lumingon ako sa kanya dahil may napansin akong kakaiba sa mga mata niya. Para bang may sparks. 


"What's with those eyes?" I asked her. Nanlaki ang mga mata niya at napakurap-kurap. 


"Hmmm secret." She winked. Ngumuso na lang ako sa kanya at umayos na ng upo dahil parating na daw yung teacher namin sabi ng lookout naming classmate. 


Natigilan ako ng may makitang maliit na supot na may lamang chocolates sa ibabaw ng desk ko. Napatingin ako sa likuran ni Thirdy. He had been giving me chocolates since then na may kasama pang note na may nakasulat na 'Sorry'. Yun lang naman at wala ng dagdag pa. Barbie said he doesn't have the courage yet to talk to me kaya dinadaan na lang niya sa chocolates yung guilt niya. 


And it has been weeks. 


Napaiwas ako ng tingin kay Brix ng umupo siya sa tabi ko. We haven't talk since that day, I thought it would be fine if we move on with our lives, but each day without him, parang ako naman ang nahihirapan, parang ako naman ang mas lalong nasasaktan. 


Lalo na ng malaman kong dinadalaw daw nila ni Thirdy si Angelica sa kulungan. 


Sa inis ko hindi ko na namalayang nilalantakan ko na pala yung chocolates na binigay sakin ni Thirdy. I usually give it to Barbie o di kaya kinakain namin yun ng palihim. 


"Miss Milleana, you can go out if you need to eat." Puna ng teacher sakin. Napayuko ako sa inis, the teachers are now calling me Miss dahil alam na nilang anak ako ni Daddy but of course, hindi nila dapat ipagkalat yun. 


"S-Sorry po." I clenched my jaw. Kinuha ko yung saklay ko and walked out of the room dala-dala yung chocolates ni Thirdy, bakit ba kasi magaling magluto yung lalaking iyon! Tsk!! 


I hold on to my crutches ng medyo madulas ako dahil mukhang bagong floorwax ang sahig. 


"AHHHH!!! AWWW!" I screamed when my bottom hit the floor ng madulas yung crutches ko dahil sa sobrang dulas ng sahig. 


"Miss Milleana!!!" Our teacher gasped. Naramdaman ko ang patinding pananakit ng paa ko. 


"AAAHHHHH!!!!" I screamed in so much pain while holding my leg. Napapaiyak na ko sa sobrang sakit ng paa ko. 


"Milleana!! Naku!! Oh my gosh!" Singhap ni Barbie. Naramdaman ko ang biglaang pag-angat ko sa ere. I remember this familiar smell and warmth. Unti-unti akong nagtaas ng tingin, bumuhos ang mga luha ko dahil sa patung-patong na sakit na nararamdaman ko sa kaloob-looban ko at sa paa ko. 


"Sshhh it's okay baby. Hindi kita pababayaan." He whispered to me. 


And for the first time in a long time, 

I felt safe again. 


B A R B I E


Narinig ko yun... 


Tagos hanggang bone marrow ang kilig ko shet! 


"Ikaw na bahala Brix, dalhin ko na lang yung crutches niya sa hospital, text mo ko kung saan." I told him. Tumango siya sakin and carried Milleana away. 


I must be hating Brix now, but I know he's the only one who can bring the old Milleana back. Habang tumatagal kasi nagiging cold, mataray at sarcastic na si Milleana dahil sa mga galit na kinikimkim niya. 


She needs to know how to let go of those hatreds. 


Papasok na sana ako ng classroom ng magtama ang mga tingin namin ni Thirdy. Agad akong nag-iwas ng tingin, galit pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Miles at sa pagiging duwag niya na magsorry ng personal. 


Bahala siya sa buhay niya! Dapat nga magkasama sila ng Angelica na yun sa kulungan!! 


"Okay class balik sa classroom! Barbie, can we talk for awhile?" Tanong sakin ni Miss Minchin este Miss Valenzuela pala, ang terror teacher namin na laging binobola noon ni Miles. 


"Bakit po ma'am?" I asked her. She made sure na nakapasok na lahat ng classmates namin bago siya nagsalita. 


"Will Miss Milleana be okay? Her Dad will be so mad at me!!" 


"Di ko rin po sure Ma'am eh, pero sure naman po akong hindi kayo ang sisisihin ni Milleana." I assured her. 


"I know, pero nakakatakot kasi si Sir Mourice." She sighed. Pumasok na rin kami sa classroom after I assured her that everything will be fine. Nilagay ko muna sa gilid yung mga crutches ni Milleana. 


Knowing her, I'm sure mas matutuwa pa yun dahin andun si Brix para umalalay sa kanya. 


----


"WHAT?! Where are they?!!" Bulyaw sakin ni King Marius after he learnt what happened to Milleana. 


"Andun naman si Brix, kuya. Kung hayaan na lang natin sila? Maybe, Brix can bring the old Milleana back!" I said, chill lang naman ako sa kanya, mabait naman siya eh wag lang gagalitin. 


"Milleana is still young--" 


"Duhh! We're both 20 na po kaya." I mocked. He glared at me kaya natahimik na lang ako. 


"Knowing Brix, I know he wouldn't hurt my sister." He sighed. "Sabihin mo na lang kay Brix na pupuntahan natin sila after classes." Kalmadong sabi nito. Tumango na lang ako sa kanya at sinabayan siya sa pagkain. 


----


After classes, agad akong tumakbo papuntang library. Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi, I'm so excited to see him again. Pumwesto ako sa pinakatagong part na bookshelves. We usually meet up here after school hours. 


Mabilis akong nagretouch at pinakalma ang sarili ko. 


"Hi..." 


Ngumiti ako sa kanya. "Hi... Peter..." I shyly said. Naglakad siya papunta sakin and I was just bitting my lips. 


"S-Saglit lang ako ha? Pupuntahan ko pa si Milleana sa hospital." I said. Hinaplos niya ang buhok ko and tuck some strands behind my ears. "W-Wala ba kayong practice?" 


"Wala, that's why I'm here, I miss you Barbie." He leaned down and claimed my lips. Iniyakap ko ang mga braso ko sa batok niya. I miss him so much. We've been like this for almost 3 years... 


Hiding our relationship, 3 years of forbidden relationship because he's a teacher. He's the coach of basketball team to be exact, kaya lagi kong sinasamahan noon si Thirdy kapag wala si Miles, because every time I'm with Thirdy, lagi kong nakikita at nakakausap si Peter. 


"When will you be free again?" I asked him after we kissed. Ngumiti siya sakin at bahagyang pinunasan ang mga labi ko gamit ang daliri niya. 


"Let's meet again here tomorrow." He smiled at me. Agad na nag-init ang mga pisngi ko and nodded at him. Nauna na siyang umalis at medyo nagtagal pa ko sa shelves para walang maghinala samin. 


Kahit hanggang ganito lang ang relasyon namin ay wala na kong pakealam, he's my happiness, and after graduation we can be legal, pwede na kaming lumabas sa mundo at hindi na namin kailangang magtago. 


"I saw that..." 


Napasinghap ako ng biglaang may nagsalita, ang kanina'y pulang-pula kong mukha ay agarang namutla when I saw Thirdy came out behind the bookshelves. 


He looked at me coldly bago tuluyang lumabas ng library. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at crutches ni Miles tsaka ko sinundan si Thirdy palabas ng library. 


"W-Wait!" I called him. Lumingon siya sakin and still his stares are as cold as ice. 


"As far as I remember, Coach Peter is getting married next month." He said coldly. Nakagat ko ang ibabang labi ko and glared at him. 


"He doesn't love her!"


"Talaga ba? When all he talks about is his fiancee, you never saw how he kissed and hold her Barbie, nag-iilusyon ka lang." 


Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya at sinampal siya ng malakas. Bahagyang natabingi ang ulo niya. He clenched his jaw and glared at me. 


"Look at you, you're also desperate! You're also like me! Parehas tayong nagmahal at nagpagamit sa mga taong hindi tayo kayang mahalin pabalik Barbie!" He snapped. 


Muli ko siyang sinampal as my tears started to stream down my face. 


"Wag na wag mo akong ikukumpara sayo! You can use and manipulate people to win her heart! Yun ang pinagkaiba natin Thirdy. Oo na! Desperada na kung desperada! But please, don't tell anyone about this--" 


"Alam ba ito ni Miles?" 


Natigilan ako sa tanong niya. Umiling ako ang cupped my face to wipe my tears. 


"Please don't tell anyone, please Thirdy." I hold his arm pero piniksi niya lang ang braso niya. He was just glaring at me. Muling bumuhos ang mga luha ko. 


"Gagawin ko lahat ng gusto mo, pipilitin ko si Miles na patawarin ka! Just please---" 


"Then! Are you willing to do anything?! Kahit anong mang sabihin ko?!" He held my arms kaya nabitawan ko ang mga hawak ko. I gulped and nodded at him. 


"Kahit ano..." I almost whispered. Muli akong napalunok dahil sa talim ng tingin niya sakin. 


"Then, kiss me back." He said and the next thing I knew, his lips are on mine.    


---

#shet

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top