-24-

They broke the wrong parts of me. They broke my wings and forgot I had claws.

--------


Ngumingiti ako kay Brix sa bawat pagkakataong napapatingin ako sa kanya. He looks worried, well he has always been a good actor, at ako ang pinakamalaking biktima niya.


I fell for his lies big time, I almost gave him my heart. I almost loved him.


No, I already love him. And that's what makes everything more painful.


Tumunog ang siren na senyales na lunch break na. I immediately fix my stuffs.


"Milleana, do you need any help miss?" Our teacher asked. Ngumiti ako sa kanya at umiling.


"Ayos lang po ako." I said. Ngumiti ito sakin at nagligpit na rin ng gamit bago umalis ng room. Napakapit ako ng mahigpit sa backrest ng upuan ni Thirdy na ikinalingon niya.


"Don't touch her..." I heard Barbie on my side. Nakatingin siya ng masama kay Brix na mukhang tutulungan dapat ako. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat ni Barbie as she helped me seat on my wheelchair.


I glanced at Brix, guilt, pain and longing were written on his eyes. Hindi ko na tuloy alam kung nagpapanggap lang ba siya o kung ano ba ang totoo sa lahat ng mga pinakita niya sakin.


"Tara na Milleana." Barbie pushed my wheelchair. Bahagya akong ngumiti kina Brix at Thirdy bago kami lumabas ng classroom. Lihim kong dinama ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.


My heart still beats crazily for Brix, pero ang tibok nito ay hindi ko nagugustuhan, dahil sa bawat tibok nito, mas lalo lang akong nasasaktan.


Nakarating kami sa cafeteria, pansin ko ang pag-aalangan ng iba na lapitan ako at kausapin. I understand them, baka nag-aalala lang sila na baka may masabi sila or magawa silang makakasakit sakin.


I look very fragile right now.


May dalawang lalaking umupo sa katapat naming table. It was Thirdy and Brix. Mukhang magkasundo na sila ngayon and they did flock together, tutal parehas naman silang manloloko.


"Milleana baby sa kwarto mo ako matutulog mamayang gabi!"


Napasinghap ako sa biglaang pagsulpot ni Marius. Inikot niya paharap sa kanya yung wheelchair ko and squatted in front of me. Hindi lang niya sakin sinabi iyon! He broadcasted it! Ang lakas pa naman ng boses niya!


Wala pang nakakaalam na magkapatid kami at alam kong iba na ang iniisip ng mga nakarinig sa sinabi niya.


"Why?" Naiinis na tanong ko sa kanya.


"I don't need to have any reason." He smirked at mabilis akong hinalikan sa pisngi.


Simula noong tumira kami sa bahay nila ay naging clingy na sakin si Marius na dinamay pa si Meinard. Imbes na si Meinard ang sunud ng sunod sa kanya eh siya ang laging nakabuntot kay Meinard na akala mo'y tatay na nag-aalalang madapa ang kanyang anak.


Inikot ko ang wheelchair ko paharap sa mesa at umupo naman sa tabi kong seat si Marius.


"Andyan na si Barbie, oorder lang ako ng food ko, do you like anything baby?" He asked.


"Padagdag na lang ako ng yogurt." I said. Umalis na siya nung saktohang dumating si Barbie na agad inilapag yung tray na hawak sa harapan ko.


Napatingin ako sa sa pwesto nina Thirdy at Brix. Nakayuko lang si Thirdy habang si Brix ay nakatingin sakin, pain is written on his eyes. Umiwas siya ng tingin pero hindi nakaligtas sakin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.


Best actor talaga...


"Bakit ba diyan pa umupo yang dalawang yan? Ang kakapal talaga!" Barbie gritted her teeth pagkaupo niya sa harapan ko.


"Hayaan mo na, hindi naman satin ang lahat ng mesa dito." I told her.


"Duh! Anong hindi! Anak ka ng may-ari! Malamang sayo lahat ng nandito!" Mahinang sabi niya sakin. Umiling na lang ako sa kanya.


Hinintay muna namin si Marius bago kami nagsimulang kumain, and my brother started to be clingy again lalo na nung matapos kaming kumain. We stayed in the cafateria, bahagya siyang nakaakbay sakin, his arms were wrapped around my shoulders habang nanonood kami ng videos sa facebook.


Tahimik lang si Barbie sa cellphone niya na mukhang nag-oonline shop na naman.


"Why do they look jealous?" Marius whispered to me.


"Who?"


"Those two, kanina pa sila sulyap ng sulyap sa'yo." He hissed at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Kung hindi ko lang siya kapatid ay baka kinasuhan ko na siya ng sexual harassment.


"They're just guilty, I think--"


"Milleana, pwede ba tayong mag-usap?" Napasinghap ako sa biglaang pagsulpot ni Brix sa harapan namin and Marius immediately stood up and glared at him.


"I won't let you." Marius hissed. Napahawak ako sa kamao niya dahil baka bigla niyang sapakin si Brix, short-tempered pa naman itong lalaki toh.


"Si Milleana ang kinakausap ko." Matigas na tugon ni Brix. Hindi ko na napigilan si Marius ng kwelyuhan niya si Brix at akmang sasapakin kung hindi lang ako sumigaw.


"ENOUGH! I'LL TALK TO HIM!"


Hindi makapaniwalang tumingin sakin si Marius, marahas niyang tinulak si Brix na agad namang naalalayan ni Thirdy.


"I'll kill you if you touch her!" Halos mamula ng husto ang mukha ni Marius sa inis. Pinantayan ni Brix ang tingin na pinupukol sa kanya ni Marius, they're looking at each other na para bang ano mang oras ay handa silang magpatayan.


"Sa park tayo Brix." I called him. I controlled my electric wheelchair palabas ng cafeteria. My heart beats wildly ng maramdaman ko ang pagtulak ni Brix sa wheelchair. Gusto kong maiyak dahil nasasaktan ako, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.


"Talk." I said when we reached the park.


"I never lied to you." He said. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa galit. He never lied?! And here he is lying again straight to my face?!


"Milleana, I never lied to you but I can lie to anyone just to protect you. Ginawa ko lahat ng ginagawa ko noon dahil gusto kita, first year pa lang tayo gusto na kita, Milleana. Lahat ng pinakita at sinabi ko sayo ay totoo. Ang pinagawa lang sakin ni Angelica ay bantayan si Marius, hindi niya alam ang tungkol satin, she knows nothing about what I feel for you! Pero gaya ng sabi ko kailangan ko rin siyang bantayan because I know what she can do, and unfortunately I failed this time, she hurt you, I failed to protect you!"


I just looked at him coldly. Hindi ako makakapa ng kasiyahan sa sinabi niya. I cannot feel anything, para bang tumigil na ang puso kong paniwalaan lahat ng lumalabas sa bibig niya.


"I love you Milleana, that's the only truth I can prove to you right now, pero balang araw mapapatunayan ko rin sayong hindi kita niloko!"


He kneeled in front of me at hinawakan ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko. Tears are welling up in eyes and I can hear desperation in his voice. Para siyang nagsusumamong pakinggan ko pero sarado ang puso kong makinig.


"Mahal din kita Brix." I said. Nanlaki ang mga mata niya and a wide smile formed on his lips, napalitan ng kasiyahan ang lungkot sa kanyang mga mata.


"Pero..." I removed his hands on mine. "Habang minamahal kita mas lalo akong nasasaktan, sa bawat tibok ng puso ko para sayo, mas nangingibabaw ang takot at sakit na nararamdaman ko dahil sa gabing iyon. You didn't only fail to protect me Brix, you failed as the man I love. Your love for me is a failure. Your love brought nothing to me but pain."


Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. Para siyang tinakasan ng lakas sa narinig mula sakin. Inatras ko ang wheelchair ko and his hands fell on the ground, nakaluhod at nakatukod ang mga kamay niya sa lupa.


I looked at him coldly.


"I love you Brix." I told him before I left him.


And I'm sure this love will kill us both.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top