-23-
Be good to your enemies, it's the worst thing you can do to them.
-----
B A R B I E
Ilang araw ng hindi pumapasok si Milleana, hindi ko macontact ang phone niya at pati ang telepono sa bahay nila ay walang sumasagot. I even tried calling Tita Lauren at sa hospital kung saan ito nagtratrabaho but all they could tell me is that they don't know their whereabouts.
Maging si Meinard at hindi na pumapasok sa pre-school niya.
"Wala pa rin bang balita?" Thirdy asked me. Naiiyak akong umiling. Nakausap ko na rin si Brix at nilamon ko lahat ng takot ko sa kanya. Maging siya'y sobrang nag-aalala na kay Milleana.
Tinanong ko na ang teachers namin pero wala rin silang alam.
"Andito po ba si Angelica Gabrielle Guerrero?" Napasinghap ang buong classroom sa pagpasok ng mga pulis. Lahat kami ay napatingin kay Angelica and horror is written all over her face.
"Miss Guerrero, may warrant of arrest kami laban sa inyo sa kasong Murder-For-Hire sa biktimang nagngangalang Milleana Lourice Francisco."
Walang nakareact sa narinig. Nagkatinginan kami ni Thirdy and both our jaws were dropped. Napasulyap ako kay Brix na mukhang nasemento na sa kinatatayuan niya sa gulat.
"Y-You don't have to do this here! I'll wait for my lawyer!" Angelica insisted.
"Sa presinto ka na magreklamo Angelica, I told you not to touch Milleana, but you still did. Sisiguraduhin kong mabubulok ka muna sa bilangguan bago ka namin tuluyang ipatapon sa mental." Biglang sulpot ni King Marius.
Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa utak ko yung mga pinasasabi niya. S-Si Milleana? Pinagtangkaang patayin ni Angelica???
WHAT?!!!
"WALANGHIYA KANG BABAE KA?!!!" Sinugod ko si Angelica na ngayo'y nakaposas. I pulled her hair. I don't care kahit barilin ako ng mga pulis ngayon. Hindi pa sapat ito para sa mga pinagdaanan ni Miles mula sa kanya!
"HAYOP KA!!!" I hissed. Naramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa bewang ko pero hindi ako nagpatinag.
Sisiguraduhin ko munang mabubunot ko lahat ng buhok niya bago siya makuha ng mga pulis!
"T-Tama na Barbie!" Thirdy called me pero halos hindi ko siya marinig. Nagdidilim ang paningin ko mas lalo na kapag naririnig ko ang sigaw ni Angelica na namimilipit sa sakit.
"That's enough Barbie, let's go. Hinihintay ka na ni Milleana."
Agad kong binitawan si Angelica. Napatingin ako kay King Marius at lahat ng takot ko sa kanya ay agad na nawala.
"A-Alam mo kung asan si Miles?" I asked him. Tumango siya sakin at naramdaman ko naman ang pagsulpot ni Brix sa tabi ko, on my other side is Thirdy.
"Yes, she's waiting for you. Pakidala na po yang babaeng yan sa kulungan." He hissed. Napalunok ako habang pinapanood si Angelica na aka'y-akay na ng mga pulis palabas ng classroom.
"Where's Milleana, Marius?" Brix asked him.
"Milleana asked only for Barbie, wala siyang nabanggit tungkol sa inyong dalawa." Malamig na tugon nito. Hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin. Milleana needs me now. Agad kong kinuha ang bag ko at sumunod kay King Marius palabas ng classroom.
"Brace yourself Barbie, the Milleana you're about to face, is the Milleana who's hungry for revenge."
M I L L E A N A
Tahimik kong pinagmamasdan si Meinard at Daddy sa pool na naglalaro mula dito sa balkonahe ng kwarto ko. He's teaching Meinard how to swim.
Umigting ang aking panga sa nasaksihan. Memories of the past filled my mind.
Labag man sa kalooban ko ang pagtira dito ay wala na kong nagawa. I need him, gagamitin ko siya sa paghihiganti ko. I can not accept him yet, not until I'm done with my revenge. Gagamitin ko ang pera niya para gumaling ako at makabalik muli sa school.
Milleana is good girl no more, I already had gone bad.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko when I heard knocks na sinundan ng boses ng kapatid ko.
"Milleana, Barbie's with me." He said. I controlled my wheelchair papunta sa pintuan ko and opened it.
Barbie's eyes landed on mine, dahan-dahan niya kong pinasadahan ng tingin habang nanlalaki ang mga mata. Who wouldn't look so shock? I got big surgical scars on my arms na may mga pasa pa, may stiches din ako sa bandang noo and bruises on the side of face, and overall, I am on a wheelchair.
"Milleana..." She gasped as tears started to well up in her eyes.
"I'm fine Barbie, let's go to the library." I smiled at her. She volunteered to push my wheelchair. I cannot use my crutches dahil sa pananakit ng paa ko kanina.
Pinatawag ko silang lahat, Dad, Mom, Marius and Barbie. Meinard is playing with Milo in the garden na binabantayan naman ng mga maids.
I told them the whole story, walang labis, walang kulang, mula sa pagkakagusto ko kay Thirdy hanggang sa pagpili ko kay Brix. At kung paano ko nalaman ang pangloloko nila sakin, ang paghabol sakin ng mga goons at pagbundol nila sakin.
"M-Milleana..." Mom rubbed my shoulder dahil hindi ko na namalayan ang pagbuhos ng mga luha ko. Unti-unting bumabalik ang sakit ng panloloko nila sakin. I've trusted them both, minahal ko silang dalawa, but they both shattered me.
"Bago pa man kami nagkakilalang apat, matalik ng magkakaibigan sina Third, Brix at Angelica. I had always known that they both have special feelings for her. Hindi naman siya ganyan dati, she was a perfect epitome of her name that's why I cannot blame Third and Brix for liking her. But when Veronica found out that I am Dad's son and I am a friend of Angelica, dun na nagkanda leche-leche ang lahat." Marius hissed.
"What are you planning to do now Milleana?" Dad asked me. I stopped myself from clenching my jaw.
"I'll go back to school, kaya ko na. Let's see what will happen." Malamig na tugon ko.
"H-How about your scars?" Mom asked me. A small smirked formed on my lips.
"These will remind me of all the pain they've caused me."
Pumasok ako sa school the following week. Hindi ko pa pwedeng gamitin ang mga saklay ko kaya nakawheelchair akong pumasok. Marius was very attentive of me all the time, kung pwede lang sana siyang hindi pumasok sa klase niya ay ginawa na niya.
I know for sure na kumalat na ang balita tungkol samin ni Angelica. Base na rin sa mga tinging pinupukol nila sakin. But I remained like my old self. The jolly and approachable Milleana.
Natahimik ang buong classroom sa pagdating ko. Ramdam na ramdam ko ang mga mapanuring tingin sakin ng mga classmates ko, I wanted them to see how severe my injuries are. Marius continued pushing my wheelchair until I reached my seat.
"I can manage." I told him when he was about to carry me unto my seat.
"Call me anytime you need anything, I'll see you at lunch." He said bago dampian ng halik ang noo ko. Napakapit ako ng mahigpit sa backrest ng seat ko when I tried to stand.
"I-I'll help you." One of my classmates told me. Ngumiti ako sa kanya.
"Thanks."
Inalalayan niya kong umupo sa upuan ko and as soon as I seated dinumog na ko ng mga classmates ko at inulan ng mga tanong. I just laughed it off. Namiss ko rin ang kakulitan nila.
"I'm fine really! Medyo traumatic lang but I'm coping up well!" Sabi ko sa kanila.
"Sabi na nga ba eh! May invisible sungay talaga yung babaeng yun--"
"M-Miles!!!" Thirdy gasped upon seeing me. Pinasadahan niya ko ng tingin and I just smiled at him. Alam kong alam na niya ang nangyari, sinabihan ko si Barbie na ikwento sa kanila ang mga kaganapan noong araw na pinapunta ako ni Angelica sa park.
Most specially, the part where I heard the truth from their lies.
"Hi!" I smiled at him. Mukhang nagulat naman siya sa naging reaksyon ko. Lihim akong napangisi.
Bakas sa mga mata niya na nag-aalangan siyang lapitan ako. He may be expecting me to lash out at him. Hindi na muli siyang nagsalita at umupo na lang ng tahimik sa upuan niya. Dumating na rin si Barbie and I saw how she looked sharply at Third na napaiwas na lang ng tingin ng makita siya.
"Sabihan mo ko if may sumakit sayo." She told me. I smiled at her at bahagyang tumango.
Our class started, bahagyang sumasakit ang braso ko sa kakasulat. My bones may have not been broken but I suffered a severe injury on my right arm. Kaya ako nagkaroon ng malaking surgical scar dito.
Nabitawan ko ang hawak kong ballpen as I grabbed my wrist when I felt numb. Napabuntong hininga na lang ako ng wala namang nakapansin nun.
But someone picked my pen at pinatong sa desk ko. Umupo siya sa dating upuan niya dito sa tabi ko. He's late as always.
"Thanks." I smiled at him.
Gaya ni Third ay nagulat siya sa naging reaction ko. But this is my kind of revenge.
To kill them with kindness...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top