-20-
I thought you'd be my happily ever after, but you became my once upon a time.
-----
"Oy hindi ka na pumapasok ah! Pasimple cutting ka!" Puna ni Barbie kay Thirdy na naghahanda na naman para sa basketball practice nila.
"I'm not! And besides I'm taking make up examinations! I'm not like you." Thirdy grunted at inayos ang pagkakasirintas ng sapatos.
"Napapadalas atah ang away niyo, iba na yan ha?" Puna ko sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata nilang pareho at sabay na napaiwas ng tingin. Parehas pa silang namula. Nalaglag ang panga ko sa inasta nila.
My ghad! What is this?!
"Milleana Lourice! Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kinikilabutan ako!!" Barbie hissed. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pero inirapan lang niya ko.
"I have to go." Pansin ko ang pagkailang ni Thirdy at nagdadalawang isip pa siya kung hahalikan ako sa pisngi. But he did it anyway. Bahagya akong napasinghap dahil feeling ko may pinagtaksilan ako sa ginawa niya.
"Sige. Text text na lang." I smiled at him. Ngumiti siya sakin at bumaling kay Barbie.
"Call me if anything happens." He said to the both of us. Tumango ako and waved at him. Sinukbit niya sa kanang balikat ang bag niya bago siya nagtatakbo paalis. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko.
Agad akong napangiti ng makitang si Brix ang nagtext sakin.
"So, si Brix na talaga?" Barbie asked me. Nakagat ko ang ibabang labi ko and nodded at her. Bumuntong hininga siya at bahagyang napailing.
"Bahala ka..." Pagkibit balikat nito. Excited kong binuksan ang message niya. Halos hindi mapilas ang ngiti sa mga labi ko.
Brix:
Rooftop baby. I miss you.
Impit akong napatili sa nabasa at bahagyang tinakpan ang namumula kong mukha. Agad kong inayos ang mga gamit ko.
"Rooftop lang ako." I winked at Barbie. Ngumuso siya sakin habang nakatingin sakin ng masama.
"Iiwan mo na naman ako!"
"Eeehhh sige na please? Babalik din ako agad." Pinagdikit ko pa ang mga palad ko para lang payagan niya ko. Napailing-iling siya at bahagyang tumango.
"K." She grunted. Mabilis kong sinukbit ang bag ko sa balikat ko at nilagay yung cellphone ko sa bulsa. Tumakbo ako paakyat ng rooftop. Halos hingalin ako pagkarating ko doon. Inayos ko muna yung sarili ko bago ko buksan yung pinto.
I felt my cheeks burn when I saw him. Nakasandal siya sa gilid at nakasuot ng headphones habang nakapikit. Naglakad ako papalapit sa kanya, I know he felt my presence kaya siya nagbukas ng mga mata. I smiled at him and he smiled back. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.
I sat besides him and his arms immediately wrapped around me as he snuggled on my neck and shoulder.
"Hmmm, I miss you baby." He whispered at bahagya akong hinalikan sa leeg. I hugged him back and kissed his shoulder.
"Parang kanina lang nagkita tayo sa classroom ah?" I chuckled. Humigpit ang yakap niya sakin at mas lalong nagsumiksik sa leeg ko.
"Yeah, pero yung atensyon mo na kay Thirdy naman." I heard him hissed. Napangiti ako as I rested my chin on his shoulder.
"At yung atensyon mo na kay Angelica." Pagtatampo ko. Bahagya itong tumawa and slightly push me to caress my face. Malamyos niyang hinaplos ang mga pisngi ko and his eyes were bore into mine.
"I love you." He whispered. Napapikit ako at napangiti sa pagtama ng hininga niya sa mukha ko.
Hindi ko pa sigurado kung anong nararamdaman ko para sa kanya. But I like this strange feeling. I like being with him, it makes my heart so happy.
"Malapit ng matapos ang vacant natin, hindi ka ba papasok?" I asked him. Kumalas ako ng yakap sa kanya at sumandal sa balikat niya. Umakyat naman ang isang kamay niya para akbayan ako as his other hand continued caressing my face.
"Inaantok ako, I'll sleep here for the meantime."
"Hindi kita masasamahan." I said. Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa ulo ko. It was warm and gentle. Bahagya kong pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. It's beating so loud and fast. Medyo masakit na masarap sa pakiramdam.
And I like this feeling.
And I like him so much more.
"It's okay. I'll sleep in your room tonight." He said. Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran. Napapadalas na ang pag-aakyat bahay niya samin pero hindi ko siya pinapatulog doon dahil baka magkaroon pa ng part 2 at continuation yung nagawa namin noon.
Tumawa lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi kasabay ng pagtunog ng siren. Tapos na ang vacant time namin.
"I have to go. Pumasok ka kapag sinipag ka." I told him. As much as I wanted to persuade him to attend his classes mas mahihirapan lang ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Angelica. I wanted to be selfish.
"Okay. Text mo ko." He said. Tumayo na ko at pinapampag yung palda ko when Brix suddenly grab my hand kaya napaupo ako sa hita niya. Agad ko siyang nahampas sa gulat but he caught my wrist and his lips claimed mine.
Bahagya akong napasinghap. His mighty tongue invaded my mouth. Napaungol ako sa protesta dahil malelate na ko. Pero nakakalunod ang mga halik niya. He put my arm on his nape, I softly grab his hair para pa mas palalimin ang halik. I felt his hand between my thighs habang ang isang kamay niya'y nakaalalay sa likod ko.
"M-Malelate n-na ko." I whispered between our kisses. Biglang nag-alab ang pakiramdam ko when I felt his hand gently massaging my thighs.
"Hmmm... Can I sleep in your room tonight?" He whispered on my lips. Nakagat ko ang ibabang labi ko and nodded at him. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
"Good. See you tonight baby." He winked at me bago ako pakawalan. Feeling ko pulang-pula na ko ngayon. Mabilis akong tumakbo paalis ng rooftop. I was just smiling widely habang pababa ako ng hagdan.
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko ng makasalubong ko si Angelica. Bitbit nito ang violin niya at mukhang papunta siya ng music room.
"Let's talk after class Milleana, at the park outside school, I'll be there by 6pm..." She said. Napalunok ako sa sinabi niya. She was looking at me coldly bago siya tuluyang umalis.
Halos lutang ako sa lahat ng klase ko. There's a part of me na away pumunta pero mas nanaig sakin ang kagustuhan kong matigil na itong gulo ito. I am tempted to tell it to Barbie pero ayoko naman siyang idamay sa gulo.
"May lakad ka pa ba?" Barbie asked me after our last class. Napansin kong medyo aligaga siya at panay ang sulyap sa orasan habang mabilis na nagliligpit ng gamit.
"W-Wala na diretso uwi na ako? Ikaw ba?"
"Kailangan ko ng umuwi, inatake daw sa puso si Daddy pero stable na naman daw siya. Didiretso agad ako sa hospital." Napasinghap ako sa sinabi niya.
"O-Okay, puntahan ko kayo bukas. Tutal sabado naman." Mabilis ko siyang niyakap bago siya mabilis na nagtatakbo paalis. Sinipat ko ang wrist watch ko.
It's 5:15 pm. Medyo may kalayuan pa naman mula dito ang park pero nakabike naman ako kaya walang problema.
Pinarada ko sa likod ng bench na inuupuan ko ang bike ko when I got there. Pinapanood ko lang ang mga batang naghahabulan sa may damuhan habang naghihintay ako. Ano kayang pag-uusapan namin? Tungkol na naman ba ito kay Marius?
It's quarter to 6. Pumunta muna ako sa nakatambay na ice cream vendor sa malapit para bumili ng ice cream.
Mas gusto ko yung ice cream sa tinapay kaysa sa cone.
Bumalik na ko sa bench pero natigilan ako ng makita si Angelica na ipinatong yung violin case niya sa bench at umupo doon. Huminga muna ako ng malalim, napasulyap siya sa direksyon ko. Nagtama ang mga mata namin but she remained stoic.
I walked towards her..
"Third..." Muli akong natigilan sa paglalakad sa sinambit ni Angelica. Bahagya akong nagtago sa likod ng fountain at sumilip sa kanila.
"Hi, gusto mo daw akong makausap." Thirdy smiled at her. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang ngiti niya kay Angelica. That's the widest smile I saw from him. Ni minsan ay hindi siya ngumiti ng ganyan kalawak samin ni Barbie.
"Yeah, you should stop courting Milleana." Angelica said. Pinapunta niya ko dito para lang marinig ko ang pag-uusapan nila?!!
Naikuyom ko ang mga kamao ko habang nagtatagis ang bagang ko.
"Buti naman..." Thirdy sighed. Biglang kumirot ang puso ko sa narinig. "Ayoko na ring magpanggap Angelica, she's been so nice to me. I wanted to stop fooling her." Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko sa sobrang gulat.
"You should. Besides you never liked her. Ako lang naman talaga ang gusto mo diba?" Angelica smiled devilishly at bahagyang sumulyap sakin. My eyes welled up with tears.
H-He's a fake! I treated him at least as a friend!!!
"Yes, so ngayon tapos na ko sa kanya, sasagutin mo na ba ko?" Thirdy asked her. Naninikip ang dibdib ko at kumikirot ang sentido ko sa mga narinig.
T-totoo ba yun? Thirdy is not like that! Hindi siya ganoong klase ng tao!!
"That will never happen Third..." Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang boses ni Brix. I suppressed my gasps when I saw him. Buti na lang natatakpan ako ng tubig na galing sa fountain.
"How's Milleana?" Angelica asked Brix. Halos hindi ko na maeksplika kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Ano nga ba talaga ang nangyayari?!
"It seems na hindi alam ni Marius kung saan siya nakatira. I've never seen him once near their house." Brix said to her. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Pinipigilan ko ang mga hagulgol na lumalabas sa mga bibig ko.
The pain is too much. Feeling ko sasabog na ang puso at utak ko sa sakit. Nabitawan ko ang ice cream na hawak ko na bahagya ng natunaw.
"So ganito na naman pala ang kahahantungan natin. You're going to choose between me and Brix again!" May giit na sambit ni Thirdy habang nakatingin ng masama kay Brix. Nakapamulsa lang si Brix and confidence is written all over his face.
"Kaya kita pinatigil Thirdy dahil wala rin namang patutunguhan ang pinagawa ko sayo. Brix and I were back together." Angelica said and again glanced at me.
Gumuho ang mundo ko sa narinig. Bigla akong nabingi, bigla akong nabulag. Napaatras ako ng ilang hakbang hanggang sa namalayan ko na lang na tumatakbo na ako palayo. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. All I did was run and run until I fell on the ground.
Malakas ang hagulgol ko habang nakadapa ako sa semento. Halos hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib ko.
How could they do this to me?!! Paano nila nasisikmurang manloko ng kapwa?! What did I do to them? Bakit ang sakit?! Bakit ang sakit-sakit?!!!
Bahagya akong napahikbi ng may isang itim na kotse ang tumigil sa harapan ko. Bumangon ako at bahagyang nakaluhod sa harapan ito.
Nakakasilaw ang headlight ito pero naaninag ko ang pagbaba ng tatlong lalaki mula sa sasakyan.
"Miss mukhang naliligaw ka yata." Nagsquat sa harapan ko yung isang lalaki. He looks like a goon to me. Bahagya akong napaatras dahil sa nakakatakot nitong ngisi sakin.
"Sumabay ka na samin Miss." Sabi naman nung isa na nakatayo sa gilid ko. Napatingin ako sa buong paligid ko. Walang ibang tao, at wala akong makitang ibang liwanag besides sa lamp posts at ilaw na galing sa sasakyan nila.
I'm pretty sure I'm in the middle of nowhere.. Bigla akong nakaramdam ng matinding pangingilabot.
"U-Uwi na po ko..." Kahit masakit ang mga tuhod ko sa pagkakadapa ko kanina ay pilit akong bumangon. Napatili ako ng hawakan ako sa braso ng isa sa mga goons.
"Wait lang Miss masyado ka namang mailap." Tawa pa nung isa. Tumayo lahat ng balahibo ko sa sobrang takot at pangingilabot. Tears started to well up in my eyes again.
"M-mga kuya please uuwi na po ko." I sobbed. Nanginginig na ko sa sobrang nerbyos.
"Hoy! Sabi ni ma'am takutin lang daw!!" Sita samin nung isa.
"Wala namang mawawala kung titikman lang natin."
Napasinghap ako ata agad na nagpumiglas. I tried to fight back..
They're gonna rape me! I'd rather die than this!!!
"TULONG!!!!!" I screamed at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak nila. The first guy grab my arms pero nagpumiglas pa rin ako. Umiiyak na ko sa sobrang takot!!!
"Tulungan niyo ko!!!!" I screamed... I kept on screaming and struggling...
"Puta! Lalaban ka pa!!" Sumubsob ako sa sahig sa lakas ng sampal nung isa. Then they grab my legs at pinahiga ako sa semento.
I immediately grab my wrist at pinindot ang tracking device na binigay sakin ni Marius.
"Hoy! Tumulong ka dito! Hawakan mo ito!" Bulyaw nung isa sa kasama nilang umalma kanina.
"Please po! Tama na po!!! Huhuhu!! P-Please wag po!!!" I cried so hard. I kept on screaming until I felt a sharp punch on my stomach. Halos hikain ako sa sobrang pagkakaubo.
"Hoy! Sumusobra ka na atah!" Suway ulit nung isang kasama nila sa kanya.
"Sabihin niyo na lang nanlaban!!"
I continued crying and pleading. Patuloy pa rin akong nagpumiglas even when they started unbuttoning my uniform. Malakas kong sinipa yung lalaki sa paanan ko sa mukha at nagpumiglas kaya ako nabitawan nung dalawa dahil nasa katawan ko kanina ang atensyon nila.
I grab all my strength to stand up and run away. Dumaan ako sa madilim na parte to hide from them. Hindi ko na alam kung humihinga pa ba ko o hindi na, ang mahalaga ay makalayo ako at mailigtas ko ang sarili ko.
Muntikan na kong matisod ng tumapat ang headlight ng sasakyan nila sakin. Mas lalo akong kinilabutan! Kaya pala masakit na ang talampakan ko kakatakbo dahil hindi na sementado ang daang tinatakbuhan ko kundi lupa at mabato na!!!
I tried to run anywhere I could pero nakakotse sila at nakatutok lang ang headlight nila sakin. I kept on pressing the tracking device Marius gave me.
Bakit wala pa siya?!! Kanina ko pa ito pinindot!!!
Tinuloy ko lang ang pagtakbo even if my body sore all over...
Hanggang sa makaramdam ako ng isang malakas na hampas sa likod ko. Naramdaman ko ang katawan kong tumilapon sa ere at ang malakas na pagbagsak ko sa sahig. I saw the head light of the car.
I fell on the ground and I couldn't move. I can't even feel my body anymore. Nanlalabo ang mga mata ko. I feel so cold. Napatingin ako sa tracking device na binigay sakin ni Marius na mukhang bracelet.
It's covered with red fluid.
What is it? Is it blood? Whose blood it is?
"Pare napatay mo atah!!"
"Lagot tayo nito!!"
Bakit sila sumisigaw? Where am I? Kailangan ko ng umuwi. Walang kasama si Meinard sa bahay. May shift si Mommy ngayon.
Hmm? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit nanghihina ako? Bakit ba ko inaantok?
zzzzzzzzz.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top