-2-

She looked my demons in the eye and smiled. She fell for the very thing I thought she'd fear.- Vazaki Nada

----------

Hyper. 


Yan ang madalas na definition ng madla sakin. 


"Lalalalala..... Labanos.... lalalala labanos mustasa!!!!" Birit ko habang naglilinis ng blackboard. parehas kasi kaming cleaners ni Barbie. College na kami pero may pacleaners-cleaners pa. Tipid lang nila eh.


"Masaya ka na niyan?" Tanong ni Barbie sakin. Kulang na lang talaga magwalling ako sa board pero di pwede madudumihan yung damit ko. 


Bahagya kong tinapik-tapik ang balikat niya. "Wag ka ng mainggit, darating din ang swerte mo." I told her. 


"Miles, itatapon ko na itong basura. Wala na ba kayong ibabasura?" Literal na nahulog ko yung eraser na agad namang pinulot ni Barbie at iniabot sakin. 


"Okay na Third, tapos na kami diyan." Barbie answered him. Bahagyang ngumiti samin si Thirdy my labs bago kinuha yung trash can at umalis. 


"Ugh! Hihimatayin ako. Hihimatayin ako!" Yugyog ko kay Barbie. 


"Eh di himatayin ka." Irap nito sakin. Iniuntog-untog ko yung sarili ko sa white board. Kinikilabutan na ko sa sobrang kilig. Parehas pala kaming cleaner sa Monday ni Thirdy my labs. 


Ah! Sobrang meant to be talaga kami! 


"He knows my name! He knows my name, Alejandro." Kanta ko ulit at sumayaw-sayaw sa harap ng board. 


"Miles! Umayos ka nga! Nirarape mo na yung board." Bulyaw ni barbie sakin. Agad akong lumapit sa kanya at tinapik-tapik siya sa balikat. 


"Darating din ang swerte mo." I winked. 


-------

Pahop-hop pa akong naglalakad sa hallway. Alas singko na at pauwi na ko. Sinundo na rin ng parents niya si Barbie. Rich kid eh. 


"Ako'y kinikilig, pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig." Kanta ko. Nakarating ako sa may locker at binuksan yun habang kumakanta. Inayos ko yung mga gamit ko. Isusuot ko na sana ang bag ko ng makita kong bumubungad ang hari ng school namin. 


I held my breath at nag-iwas ng tingin ng dumaan siya. 

Marius Lewis Hernandez, ang anak ng may-ari ng school namin. 5th year Business Ad Student. President ng Student Council. Kilala siya ng lahat dito ofcourse. He's the King. 


Napabuntong hininga na lang ko ng hindi ko na siya matanaw. I immediately fix my stuffs at umuwi na. 


---------


"Ambango-bango naman ng baby boy ko." I sniffed Meinard. Habang nakakandong siya sakin after ko siyang polbohan. Katatapos lang kasi niyang maligo kasi kagagaling lang din niya from school. 


"Kayo na muna bahala dito. I have to go back to the hospital." Mom said at hinalikan kami ni Meinard sa school. 


"Mommy, ako na lang po kasi susundo kay Meinard sa school. Para hindi ka mapagod na magpabalik-balik sa hospital." My Mom is a surgeon. May sarili kaming Hospital, yung St. Francis Hospital saamin yun. 


"You know you can't, paano kung makita siya ng Daddy mo, o ng kuya mo?" She said. I clenched my jaw. Nagkahiwalay si Mommy at Daddy bago pa ipanganak si Meinard. Kaya walang idea yung lalaking yun tungkol sa baby brother ko. 


My brother chose to stay with Dad at syempre mas pinili ko si Mommy. The reason kung bakit sila nagdivorce ay hindi ko pa rin alam at ayoko ng malaman. Apelyido rin ni Mommy ang gamit namin ni Meinard ngayon. 


"Alam kong nag-aalala ka sakin Milleana, but I know you understand." She said. My Mom hugged us both and we hugged her back. 


"I love you, Mom." I whispered to her. 


"I love you, too."


--------


"See the line where the sky meets the sea? It calls meee!!!" Kanta ko habang nagpapahangin kami ni Barbie dito sa rooftop. Malakas kasi ang hangin dito kaya masarap kumanta ng malakas. 


"Mahihirapan na naman akong ayusin ang buhok ko Milleana Lourice!" Pagdadabog ni Barbie. Ngumisi lang ako sa kanya at itinuloy ang pagkanta ko. 


"And no one knowsss!!! How far it goesss!!!" I sang with feelings. May pasayaw-sayaw pa ko habang bumibirit.  


"Hindi mo ba kayang tumahimik kahit saglit lang?" Parehas pa kaming natigilan ni Barbie sa narinig. We thought kami lang dalawa ang nandito. May parang stockroom kasi dito sa rooftop at sa bubong nun nandun ang pinakaiiwasan kong tao sa mundo. 


"Brix.." I mumbled. Nanlalaki ang mga mata ko. 


Brixton Ranz "The Bully" Lorenzo. 


Agad pang lumapit sakin si Barbie at kumapit sa braso ko. Brix is as usual wearing a black jacket, a black shirt, a black pants and a pair of black shoes. And ofcourse, his pitch black budhi. 


"Miles, if I'm not mistaken." He smirked. Napalunok ako ng bumaba siya mula sa bubong ng stockroom at lumapit samin. 


"Hi, he-he. Alis na kami." I said pero nahigit niya yung braso ko. Nanlalaki na talaga yung mga mata ko na kunti na lang ay lumuwa. He looked at Barbie at sinenyasan na umalis. Napatingin naman ako kay Barbie at umiling. 


Pero, I know mas takot siya kay Brix kaysa sakin. Minsan na kasing binully ni Brix si Barbie noon. And you wouldn't want to know what he did. 


Agad na nagtatakbo paalis si Barbie. I know I can't blame her. 


"Ano bang problema mo?" Piksi ko sa braso ko. He looked at me with amusement on his eyes. Para siyang tigre na nakahanap ng kakainin. 


"Wala naman." He smirked. 


Inirapan ko na lang siya. Baliw eh baka mahawaan pa ko. I grab my bag at tinaasan siya ng kilay bago ako magwalk out sa rooftop. 


"Bwisit na yun, sinira yung concert ko." I mumbled habang pababa ako ng hagdan. Pangdisney pa naman yung boses ko kapag nasa rooftop ako. Aish! 


"Ack!" I squealed ng bumangga ako sa isang tao pagkababa ko sa hallway. "Aish! Kapag minamalas nga naman! Makapagbasa na nga lang ng horroscope para di ako na mamalas lagi." Irap ko sa nakabangga ko. 


"That's not the way you should be talking to me." He said in a deep voice.


"Omo! I'm scared." May panginig-nginig pa kong nalalaman bago ko ulit siya irapan at iwanan sa hallway.


"Hindi ka pa nagsosorry sakin Milleana." I heard him said. Marahas akong lumingon sa kanya ang clenched my jaw. 


"Pasensya ka na Marius, sagad ba hanggang bone marrow ang pagkamuhi ko sayo. Nasa moving on stage pa ko." Irap ko ulit and again I walked out. 


Walk out queen lang ang peg. 


Buti na lang gumagaan ang pakiramdam ko kahit likod lang ni Thirdy my labs ang nakikita ko. Napansin kong umilaw yung cellphone ko sa ilalim ng desk. Pasimple ko pa ngang chineck yung message at mas lalo akong nacurious dahil unknown number yung nakalagay. 


Nanlaki ang mga mata ko ng video yung sinend sakin. Grabe yomon sa load! I played the video at muntikan ng lumuwa ang mga mata ko sa napanood. It was me doing concert sa rooftop kanina. 


May sumunod pa na multimedia message ang nareceive ko. This time napatayo na ko at naagaw ang atensyon ng buong klase. 


It was a picture of Brix holding my diary.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top